#TTW02
Entry 02
"Anong bago? Lagi namang rejected gawa mo."
Sarkastiko kong nginisian si Zaijan bago ko ipinakita sa kaniya ang middle finger ko. Mas lalong lumakas ang halakhak niya dahil sa ginawa ko.
"Alam mo, Zai, huwag kang tumawa kung walang nakakatawa." Paalala ko sa kaniya bago ko padabog na binuksan at sinarado ang pintuan ng kaniyang Hillux.
Hindi ko na siya nilingon nang bumaba ako pero sadyang demonyo siya dahil kahit nasa hagdanan na ako ay naririnig ko ang pang-aasar niya.
"Chat me kung papasundo ka, ha!"
Tumalikod ako para malingon siya at peke siyang nginitian. Dahan dahan ay itinaas ko ulit ang aking kamay para maipakita sa kaniya ang gitnang daliri.
"Umalis ka na nga. Panira ka ng araw!" Sigaw ko.
Kinindatan ako ng unggoy bago niya pinaharurot ang sasakyan. Umiling na lang ako at isang beses hinawi ang maikli kong buhok bago dumiretso papasok.
"Good morning, Reese!"
Nginitian ko si Levi at ganoon din sana ang gagawin ko kay Liam kung hindi ko lang napansin ang nag-aalab na mga mata nito sa'kin. Naitikom ko ang bibig ko sa pagamba ko sanang pagbati sa kanila pabalik.
Liam is my ex and I don't know what his fucking problem with me is. I am cool dapat siya ay ganoon rin.
"Good morning, Levi!" Binati ko pabalik si Levi at hindi ko na pinansin ang masamang titig sa akin ni Liam.
Bahala siya. Kung 'yon ang magpapatulog ng mahimbing sa kaniya sa gabi. I don't care though.
Pumasok ako sa classroom at bumungad sa akin ang mga kapwa abala kong kaklase.
"May pasalubong ba kami, Reese?!"
Binalingan ko si Yrina na nasa harapan ng klase at may kaharap na laptop. Lumapit ako sa kaniya at nakiusyuso sa kaniyang ginagawa.
"Ano 'yan?" Kuryuso kong tanong.
"Deadline na bukas no'ng sa Photo Journ natin. Hanggang ngayon hindi ko pa tapos." She stressfully inquired back.
Ngumuso ako at tumango. Binuksan ko ang aking bag at nilabas ang isang supot ng chocolates na pasalubong ko sa kanila. Agad naglapitan ang ilan kong mga walang hiyang kaklase kaya iniwan ko na sila doon. Lumapit ako sa seatmate ko na kagaya ko ay nakabusangot rin.
"What's with the face, Beatrice?" Natatawa kong tanong, pinupuna ang kaniyang hitsura na halos pagsakluban ng langit at lupa.
"Naggawa ako youtube channel kaso wala pa ring subs." Aniya.
"Sub ako mamaya." I cheered her up.
Kinuha ko ang cellphone sa aking bag at sinearch ang kaniyang pangalan sa youtube. When I found it, I quickly clicked the subscribe button.
"Edi wow, Reese."
Napangiwi ako sa sinabi niya.
"Seryoso ako!"
"Kapag hindi ako pinalad sa journ natin, mag-youtuber na lang ako."
Mas lalo akong ngumiwi sa sinabi niya. We are all stressed. Sabi nila, madali lang daw ang course na ito dahil nagsusulat lang naman kami. But what they didn't know, we all felt the same intensity of agony as them. Pero ganoon naman talaga, walang madali sa mundo.
"Bilis mo naman sumuko." I commented and place back my phone in my bag.
"Parang ikaw hindi nas-stress, ha." Sinulyapan niya ako at nanliit pa ang mga mata.
I gritted my teeth as I remember my rejected article again. Pinaka-ayaw ko sa lahat ay iyong hindi nakikita ng iba kung gaano ko pinaghirapan ang mga sinusulat ko para lang i-reject nila. Well to be honest, ayoko rin naman tanggapin nila iyon out of consideration dahil sa effort ko pero hindi ba nila napapansin kung gaano ka-accurate ng mga sinulat ko? Palibhasa ayaw nila sa totoo.
"Pangarap ko 'to. Kahit ma-stressed ako, hindi ko kayang sukuan." I shrugged.
Natahimik sila kaya naman nagtaas ako ng tingin.
"You know what? Hindi lahat magugustuhan videos mo, pero may susuporta pa rin sa'yo." My other classmate said and winked at me.
"Narinig mo 'yon, Beatrice?" Siniko ko ang aking katabi.
"Hindi ako bingi, Reese."
And before we could talk more about Beatrice's youtube channel ay dumating na ang Prof namin. It's another stressful day dahil natambakan na naman ako ng gawain. Kay Zaijan ako sumabay pauwi dahil may babae na naman atang ihahatid si Carter.
"Sino sa tatlo ang ihahatid ni Carter?" I asked Zaijan.
"I dunno. Si Shamae?" Hindi niya siguradong sagot bago pinasok ang hillux sa loob ng malaking gate namin.
"Shamae? Sino naman 'yon ngayon?"
Tumigil sa harap ng rotunda ang sasakyan bago ako nilingon ni Zaijan. He gave an evil smirk. Hinintay ko ang sagot niya pero nagtitigan lang kami doon ng halos limang minuto ay hindi niya naman ako sinagot.
"Whatever, Zaijan. Basta ipaalala mo diyan sa malanding Carter na 'yan na huwag uuwi ng Cavite nang may nakakahawang sakit!"
Lumabas ako ng sasakyan niya at dumiretso na papasok. I searched for my brother but they only told me na wala pa. Inikot ko ang aking paningin sa buong living room at wala ngang bakas ng kapatid ko.
Our home is a three-story modern house with high ceilings and tall glass walls. We also have our grand staircase with glass as its banisters to still touch modernity. Sa living room, kung saan ako nakatayo ngayon ay mayroong malaking kulay silver na chandelier sa gitna. Everything is in a color combination of cream and white dahil gusto ni Mommy na cozy lang ang aming bahay.
Tumaas na ako sa pangalawang palapag at naglakad sa malawak na corridor. I knocked on my brother's room to check if he's really still not home. Binuksan ko ang kulay kayumangging pintuan nang walang sumagot. I am delusional because I usually think that my brother might bring his girls in our house. At ayaw ko no'n. Ayokong umapak ang sino mang madungis na babae sa pamamahay namin.
Nang tahimik na kwarto niya lang ang sumalubong sa akin ay dumiretso na ako sa sariling kwarto. Bumaba lang ulit ako para kumuha ng makakain bago ako bumalik sa taas at sinimulan na ulit ang rejected kong article.
"Fucking shit! Wala namang mali dito!" Frustrated kong sambit at halos magasumot ko pa ng isang beses ang gasumot ko ng papel.
I highlighted all the information that sounds bias pero binabawi ko rin naman kasi whenever I read it twice, checked it on the internet, natatanto kong walang mali. Sinapo ko ang aking noo at pumikit ng mariin para isipin kung paano ba itatama ang tama.
"Let's start from scratch again, Reign. My article is good, we will make it better."
Hindi ko na namalayan ang oras. May pasok pa ako bukas at kailangan kong maipasa din ito agad bukas. Delayed na nga ang article na 'to, mad-delay pa ulit?
Umirap ako sa aking naiisip. I am still fucking mad and confuse. Bakit ba hindi nila tinanggap ang sinulat ko?
Nang matapos ko ang panibagong article ay halos humandusay ako sa sariling pagkakaupo. Hinilot ko ang aking sentido at pumikit ng ilang segundo bago ako muling umayos. Pinasadahan ko ng tingin ang aking bagong sinulat at napangisi. Halos parehas lang naman, nabago lang ang ilan.
"Reese,"
Bumaling ako sa aking likod. I saw Mom on her black two piece suit, looking so formal. Nginitian ko siya bago tumayo para masalubong siya ng isang halik sa pisngi.
"Manang said na kanina ka pa dito sa kwarto mo. Hindi ka na daw bumaba para sa hapunan." Bakas ang pagod sa boses niya ngunit nanatiling malinaw ang kaniyang sinasabi.
Ngumuso ako na agad naman niyang ginaya. Natawa ako ng bahagya dahil parang tumitingin ako ngayon sa salamin. Baste and Mommy really reminds me of my own reflection. With those green fox eyes, short black hair, and heart-shaped face, she still looks so young. Ni walang bakas ng ano mang guhit sa noo para masabing matanda na siya.
"I just revised something, Mom," I answered.
Her pout faded, napalitan iyon nang pagkunot ng noo.
"Your article got rejected again?" Maingat niyang tanong.
I suddenly feel so embarrassed in front of my mother. They have never been into this phase, they are always the definition of perfection. Hindi man sila Journalist, isa naman silang kilalang mga abogado. Never in their almost 15 years of being in that field had they ever lost a case. Lagi silang nananalo. Kaya naman kahit mga matataas na tao kagaya ng mga nasa Senado ay gusto silang maging abogado. It just happens that their integrity as lawyers cannot be paid to tell lies.
Nag-iwas ako ng tingin. I don't want to feel so belittled and a failure because I can never be that. It will be a shame to strut my way in the school knowing that I am a nothing Santiano.
Mom sighed heavily and reached for my arms. Biglang bumukas ulit ang pintuan ng kwarto ko at niluwa nito si Daddy. Kagaya ni Mommy ay naka-itim ding suit and pants si Daddy.
"What's the matter?" Tanong niya at sinuri ako.
"My article got rejected. But it's okay, naayos ko na siya. And malakas ang pakiramdam ko na mapupublish din 'to bukas."
Tumango pa ako para ipakita sa kanila na hindi ako nadidismaya.
"Reese, you're a Campus Journalist since your high school years. Dapat ngayon ay alam mong hindi sa lahat ng oras ay tama ang sinusulat mo."
Tumaas ang aking kilay sa sinabi ni Daddy. He smiled at me and kissed my cheek.
"You're good at it, Reese. In the family of lawyers, you decided to take a different path. It's more than enough reason for us to be proud of you. Don't get stressed over rejected articles. You are good."
"I am not stressed." I lied.
"You are not? Kung ganoon, bakit hindi ka kumakain ng hapunan?" Tumaas na rin ang kilay ni Daddy kaya naman natatawa akong umirap.
"Sabihin ninyo, gusto ninyo lang kasabay ako!" Asar ko.
Nagtawanan silang dalawa. "Sumunod ka kaagad sa baba. We'll call your brother." Ani nila bago sila lumabas ng kwarto.
Bumalik ako sa study table ko at inayos ang mga gamit bago ako bumaba. We talked about things including Baste's stuff. Kinailangan ko lang bumalik agad sa itaas dahil may mga hindi pa ako natatapos na pending works.
Binuksan ko ang Pub Office. Tahimik na opisina ang sumalubong sa'kin, walang bakas ng sino man. Binitawan ko ang door knob at dumiretso sa lamesa ng adviser namin. I checked her table before I finally put my paper on it. Lumabas ako and waited for Zaijan to fetch me.
Habang nakaupo sa bench ay dumapo ang tingin ko sa Marketing Department. Natutulala na ako nang biglang may sumigaw sa gilid ko. Zaijan made me jump when he shouted my name.
"Sinong tinitignan mo do'n? Boyfriend mo?" Salubong niyang tanong sa akin pagkapasok ko.
Nakita kong nakadirekta ang labi niya sa hindi kalayuang Marketing Building.
"You sound like a big brother. Dinaig mo pa si Baste." Inirapan ko siya at sinalpak na sa aking tainga ang airpods para hindi na marinig ang mga sasabihin niya pa.
My article got published after a week. Sinabi lang sa akin ng adviser ko na mas maganda ang pangalawa kong gawa kaysa sa nauna.
"Guess who just randomly punched me, Reese."
Nakaupo ako sa bench na nasa tapat ng canteen at binabasa ang aking article sa internet nang sumulpot ang dalawa kong kaibigan. Carter looks the usual but Zaijan has a band-aid on his left cheek.
Kumunot ang noo ko at tumayo.
"Oh, you don't know?" Sarkastiko niyang tanong sa akin.
"Did Liam hit you?" I concluded.
Because it's been a week since Liam started to have this piercing looks at me everytime na magkakasalubong kami sa hallway. Hindi naman lapitin ng gulo si Zaijan kaya malabong siya ang nanguna sa away. He won't punch unless someone did it first.
"Hell yeah, Reese. Your fucking mad obsessive ex-boyfriend punched me! Inakusahan ba akong third party kaya kayo naghiwalay. The bullshit he is talking."
"We broke up."
"I know right. Kaya nga ex, 'diba?"
Inirapan ko si Zaijan at binalingan si Carter na nananahimik pero halata ang pagpipigil ng tawa.
"I have the most believable feeling that he's on drugs. He's obsessed with you-"
Hindi ko pinatapos ang sinasabi ni Zaijan. He's overreacting things. Nasuntok lang kung ano ano na pumasok sa isip.
"You're O.A"
"No, I'm not. I just really genuinely care for you. You're almost like a sister to me."
Ngumuso ako at nilapitan si Zaijan para maakbayan siya. Kinailangan ko pang tumingkayad para lang maabot ang balikat niya.
"How sweet of you, Zai. But you're O.A." I kissed his cheek and rolled my eyes.
"I'm not-"
"You're O.A" Sawsaw ni Carter.
Tinaasan ko ng kilay si Zaijan at humiwalay na.
Zaijan and Carter are already like brothers to me. Bukod kay Baste, parang kapatid ko na din ang dalawang ito. We are friends since we were kids. Zaijan is my neighbor while I met Carter because of him. Noong tumuntong kami ng High School ay lumipat ang pamilya ni Carter sa subdivision namin dahilan kung bakit mas naging malapit kaming tatlo sa isa't-isa.
"But there is still one thing that makes me confuse." Dagdag ni Zaijan sa sinasabi niya.
"And that is?" I shot up my brow as I cross my arms on my chest.
"Why the hell Liam come after me and skip Carter? Okay lang si Cohel dahil puro Kaycee lang naman 'yon, but we are three. Tayong tatlo lagi ang magkakasama. He should have hit Carter, too!"
"Fuck you, dude. Mukha mo lang pwedeng basagin. Mamahalin ang mukha ko." Maarteng sambit ni Carter.
"No. I think Liam is being lowkey gay-"
"You're losing your mind, Zai. Pumunta lang akong Korea, mukha ka na kaagad galing mental. Let's go, boys. Nagugutom na ako."
Hinigit ko silang dalawa patungong canteen at agad dumapo ang mga mata sa'min. Pinagkibit balikat ko iyon dahil lagi namang ganito sa tuwing kasama ko ang dalawang matalik kong kaibigan. I am close with Kaycee and Cohel, pero madalas kasing may sariling mundo ang dalawa. And I have friends in La Salle na close ko rin pero wala naman sila dito kaya itong dalawang poging unggoy na ito ang madalas kong bitbit.
Si Carter at Zaijan ang pumila at sila na rin ang magbabayad ng kakainin ko. I searched for our table at may nakita akong bakante. Umupo ako doon at tinanaw ang dalawa na halos sambahin ng mga babaeng nakapila rin.
With that body and face, they look like some Gods na lumabas sa libro. Si Zaijan at Carter ay parang kambal na dahil lagi silang magkasama. Well, I used to be with them every single second when we were in high school, ngayon lang naging madalang ang pagsasama naming tatlo. They are Arki students while I am a Journo. At talagang pagkakamalan silang kambal because they shared almost the same features na rin.
Those thick eyebrows, deep-set eyes, arc red lips. Matangkad at matipuno silang pareho. Carter is the innocent face of our group. Si Zaijan naman, kagaya ng kaibigan, he also has softer features. Idagdag mo pa ang kulot niyang buhok na kinababaliwan ng marami. Their only difference is that Carter is a playboy while Zaijan, kahit habulin, hindi naman agad pumapatol. His last girlfriend is noong bakasyon pa.
"Ito na mahal na prinsesa!" Sambit nilang dalawa pagkabalik.
Nagsimula kaming kumain ng binili nilang tapa nang sumulpot naman ang lovers naming kaibigan.
"Walang mahuhuli mamaya, ha!" Kaycee reminded us and winked.
Inilapag niya ang sariling tray sa lamesa at tumabi sa akin.
Kendra Cecilia or Kaycee is a Mass Com student. Matangkad, maganda at matalino. With those hooded eyes, big boobs, and round butt, tanned color skin tone. She could actually pass as a beauty queen or supermodel. Ang swerte ni Cohel sa kaniya.
"Congrats sa bagong publish na Article, Reese!" Nahimigan ko ang pang-aasar sa boses ni Cohel kaya inirapan ko siya.
Cohel, the only Crim student among the boys. Matangkad at matipuno kagaya nila Carter. Habulin rin ng babae ngunit dahil tali siya kay Kaycee, at mahal na mahal niya naman ito, hindi na siya tumitingin sa iba. There is also something to Cohel that makes girls go crazy. When he smiles, he looks exactly like an innocent devil.
"Thanks." Sarkastiko at labas sa ilong kong sagot sa kaibigan.
Pagkatapos ng lunch na iyon kasama ang apat ay dali dali na rin kaming pumasok sa sari-sariling klase. Pero ni hindi ko na napagtuonan ng pansin ang mga lecture dahil tumatakbo na ang isip ko sa mangyayari mamaya. It's Friday, we don't usually hang out dahil pare-parehas busy, but when we're not, we know that it will be a blast!
I chose to wear my small crop shirt in black that shows a bit of my cleavage. I paired it with my short leather skirt with a slit. Hinayaan kong nakalugay ang aking makintab na kulay itim na buhok at naglagay ng eyeliner para ma-highlight ang fox green eyes ko. I also curled my long eyelashes and put a red matte lipstick on my lips. Ngumuso ako at kinuhanan ang sarili ng litrato.
I lowered down the zipper of my top para makita ang freckles sa dibdib ko. It looks nice, though. Lumabas na ako at nagmamadaling bumaba dahil naririnig ko na ang busina ng sasakyan ni Carter sa labas.
"Night out?"
Nagkakabit ako ng hikaw nang matanaw ko si Baste na nakasalampak sa sofa at nakatitig sa kaniyang cellphone.
"Yeah. Kapag umuwi sina Mom, told them that I am out. Madaling araw na ako uuwi."
"Isama mo kaya ako?" Nag-angat siya ng tingin sa akin.
I smirked at him and shook my head. "Kiddo, bawal under age do'n."
Umirap si Baste sa akin. Tinawanan ko lang siya at tinapik sa braso. Nang maramdaman ko ang biceps niya ay nalaglag ang panga ko.
"Aba aba! You are growing! Dami mong babae na maaakit!" Asar ko sa kaniya.
If I am a playgirl, my brother is no exception to being a playboy, too. It does run in the blood because my parents are both good-looking. They once told us na habulin sila noong high school. And since we are not raised traditionally, we grew as liberated kids. And I don't see anything bad at it. Kung meron man nakikitang mali ang ibang tao, it's their problem, not ours.
Iniwanan ko na doon ang nakakabata kong kapatid bago dumiretso sa sasakyan ni Carter. Nakarating kami sa M2club at agad kaming sinalubong ng mga naunang kaibigan.
"Ody!" Tawag ko sa kaibigan ko na kausap si Isaac.
Odyssey or Ody is our tourism friend in La Salle Dasmariñas. While Isaac is a PolSci student in the same school.
Niyakap ako ni Ody at nag-ingay pa kami ng ilang minuto sa labas bago nagpasyang pumasok.
"Let's forget about the world! We fucking own this night!"
Throbbing neon lights, loud music, and untamed people on the dance floor, this is life. This is a fucking beautiful nightlife.
"Here! Here!" Sigaw ni Carter at Zaijan at agad pinagdikit ang dalawang lamesa para magkasya kaming pito.
"Tequila?!" Tanong na sigaw naman ni Cohel habang hawak si Kaycee sa kaniyang braso.
Umupo ako sa gitna ni Isaac at Ody at tumango sa mga kaibigan ko. I also banged my head para sabayan ang maingay na music ng club.
"Shots! Shots!" Sabay sabay na sigaw ng mga lalaki at nagtayuan pa.
Nakitayo na rin sina Ody at Kaycee at naiwan akong nakaupo. They are both tall. Hindi naman ako maliit, sadyang matangkad lang sila. Well, I am in between tall and small. Hindi ako pandak. While the boys, pare-parehas sila ng katawan. They are masculine and tall but not the bulky type.
Tinungga ko ang dalawang shots ng tequila na binigay sa akin ni Zaijan. Kinain ko ang lemon at asin at itinaas ang aking kamay.
"Looking so wasted agad, Reese! Weak!" Sigaw ni Isaac sa akin kaya naman tinaas ko sa kaniya ang middle finger ko.
Umalis ako sa aming lamesa nang magsimulang lumalim ang gabi. I danced and get unceasingly wild while kissing the guys on the dancefloor. I am lost in alcohol and I don't fucking care if someone touches me.
May sumiko sa akin kaya naman iritable ko itong nilingon.
"Want?" Nginisian ako ng isang lalaki na may hikaw sa labi.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niya at nakita ang maliit na plastic na may lamang kulay puting substance. Nanlaki ang mga mata ko nang matanto kung ano iyon.
"No, thanks. No drugs." I said and find my way out of that crowd.
Hindi bago sa akin ang balita na madalas may mangyaring ganitong transaksiyon sa club. But this is my freaking hella first time and I don't like it. I drink but I am not an addict! Nasa wisyo pa ako para maisip na mali ang paggamit ng droga.
Sumalampak ako sa upuan at naisip na sabihin ito sa Adviser namin to take an action. O di kaya ay gumawa ako ng article.
"Nasaan sina Carter?" Tanong ko kay Ody nang bumalik siya at tumungga ng isang tequila ulit.
Nagkibit balikat siya. Mukhang badtrip.
Kinuha ko ang mug beer at ininom ito. Umirap ako nang maalala ang rejected article. Hell, I won't write an article again. Bahala ang ibang Journo ang magsulat sa nasaksihan ko.
"I own this night! Why the hell I am thinking about my rejected article?!" Tumayo ako at dumiretso sa bathroom dahil nakita ko si Carter na may kasamang babae.
Dito pa talaga dinala.
"Motherfuckers what are you doing?!" Sigaw ko at kinatok ang pintuan ng bathroom.
"Hindi mo talaga mapigilang maglabas kahit nasa club, ano?!" Pang-aasar ko sa kaibigan.
"Shut it, Reese! Magbantay ka lang diyan!" Gigil na sigaw ni Carter sa akin kaya mas lalo akong natawa.
Natigil lang ako nang magsimula akong makarinig ng ungol galing sa loob. Walang hiyang Carter talaga.
Aamba na sanang akong aalis sa hallway nang bigla kong makita si Kaycee at Cohel na palapit.
"Oh my god! That asshole." She hissed when she heard the moans.
"Let him." Said Cohel. "Galingan mo, bro!"
"Fuckers, shut your mouth!"
Umirap ako nang makita ko si Kaycee at Cohel na nagsisimula nang maghalikan sa harapan ko.
"Iwan ko na kayo dito. Maghahanap ako ng akin."
I walked out at bumalik sa dancefloor para maghanap. I just make sure na hindi na ako babalik doon sa mga lalaking adik.
My nape was grabbed by a random handsome guy and started kissing me. Pinatulan ko siya at kumapit sa buhok niya para mapalalim ang halikan. I let my tongue slid inside his mouth, feeling the mix of alcohol and mint. Naramdaman ko ang pagbaba ng kaniyang kamay sa aking gitna dahilan para mapatingala ako at mapadaing.
"Want to go somewhere private and dark?" He seduced me.
I bit my lower lip and kissed him hungrily between his words. Nang hinaplos niya ang aking dibdib ay nawala na ako ng tuluyan. Kung wala lang babaeng bida-bida na humablot sa buhok ko ay nagpadala na ako sa lalaking ito.
"What's your problem, bitch?!" Singhal ko nang maharap ang kasing tangkad kong babae.
Nagtama ang mga mata namin at bakas sa mga mata niya ang galit.
"How could you do that to Liam!" Sigaw nito.
Kumunot ang noo ko.
"Girl,-" Narinig ko ang boses ni Kaycee at iba naming kaibigan sa likod ko.
Well, for just everyone's information no one bitches me. I am the fucking only one to bitch here.
"Bitch, I don't know you. Get out of my sight." Tinampal ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
"No! I need to fucking ruined your hair-"
"Not unless you're lesbian and you want to fuck me? I'm sorry but that's gross. Get lost!"
"Reese-" Zaijan called me but I am mad now.
Nanggigigil at naiiyak akong tinitigan ng babae pero wala akong awa. I don't feel pity to people who act like a scarred kitten when they are actually a rabies dog.
"I said fucking get out of my sight, bitch!" I shouted, emphasizing my anger towards her.
Nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya bago siya tumalikod at umalis. Narinig ko ang tawanan ng aking mga kaibigan pero hindi ko na sila pinansin. Ni hindi ko nga siya hinawakan pero umiyak na.
"What a scene!"
Inakbayan ako ni Carter at hinigit ako palapit sa stage.
Hinawi ko ang aking buhok at nagsimula ulit sumayaw. Umindayog ako kasabay ang malakas na tugtugin.
"Damn sexy!" Hinawakan ni Carter ang aking baywang pero hinampas ko siya.
"Get your dirty hands off me." I said while still dancing crazily.
I bit my lower lip as I stare at the guy in the front. He's dancing with someone but when he saw me, agad siyang naglakad palapit sa akin.
"I'm not dirty!"
"You're a fucking rapist." Umirap ako.
He's dirty after fucking some random girls in the bathroom.
"Excuse me? I had her consent!"
"Whatevah!"
Tuluyan nang nakalapit ang lalaki sa akin at agad akong hinawakan sa baywang.
"Dude, do you even asked her if it's okay to touch her?" Carter butt in.
Masama ang tingin na ipinukol ko kay Carter.
"Shut the hell up, Carter. We are in a club. Bobo." I hissed.
"And you just called me a fucking rapist." He sarcastically uttered back.
I rolled my eyes at him. I smiled sweetly at this hunk, never minding Carter's presence.
"Ewan ko sa'yo, Reese." Aniya at naghanap ng sarili niyang babae.
Nagsimula na akong halikan ang aking kasayaw nang may umagaw ng atensiyon ko. Humiwalay ako sa lalaki at umamba pa siyang haharangin ako ngunit mabilis na akong umalis sa dance floor.
Looking so dark and serious, with thick eyebrows meeting each other, red kissable lips, and hair a bit disheveled, I saw Toby lighting a cigarette alone in his seat. Matikas at matipuno ang tindig habang ang dalawang hita ay nakaparte.
Kinagat ko ang labi ko at lumapit sa kaniya. Ni hindi man lang niya ako sinulyapan nang umupo ako sa tabi niya. Pinagpatuloy niya ang paghithit sa sigarilyo.
"Hi!" I greeted him using my friendliest smile.
Tumaas ng bahagya ang maikli kong palda dahilan para magpakita ang kulay porselana kong hita. Lumapit ako sa kaniya dahilan upang bahagyang tumama ang dibdib ko sa braso niya. Nakuha ko ang atensiyon niya dahil doon. Boys, they are all the same. Kahit may nobya ka, kapag nahawakan ka, talo ka.
Magkasalubong ang kaniyang kilay nang bumaling sa akin.
"Saw you alone here, baka gusto-"
"You saw me alone so leave. I don't need your company." Suplado nitong sambit.
Natigil ako sa sinabi niya pero agad akong nakabawi. Tumawa ako ng hilaw.
"Kunwari ka pa-"
Hindi pa ako natatapos sa sinasabi ay tumayo na siya at mabilis akong iniwan sa lamesa. Laglag ang aking panga dahil sa ginawa niya. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko ang mabilisan niyang paglabas ng club, hindi pinapansin ang mga umaambang kakausap sa kaniya.
"Uh-oh, Reese the Journo got rejected by Sethtopher Tobias Alcaraz! Sa panaginip ko lang ata nakita na tinanggihan ka. Except sa adviser mong lagi kang pinagsasabihan."
Tumaas ang tingin ko kay Carter na hindi ko namalayang sumunod pala sa akin.
"Why are you following me? Humanap ka nga ng babae mo!" Inis kong sambit.
Nginisian niya ako at may panunuya sa boses nang tumabi sa akin.
"Do not come after a guy who hasn't moved on yet, Reign Clarisse. That guy just lost Mia. Respeto naman."
Humalukipkip ako. I crossed my legs and saw guys looking at it.
"Lost Mia? His girlfriend?"
"Yeah. Hindi mo kilala? 'Yong tiga-Marketing Department."
Kumunot ang noo ko. Biglang sumakit ang mga mata ko dahil sa ilaw.
"No. I mean, kilala ko siya. But she lost? What do you mean lost?" Naguguluhan kong tanong.
Kumunot ang noo ni Carter sa akin.
"Akala ko ba tsismosa mga journalist bakit hindi mo alam na patay na si Mia?"
Halos mabingi ako sa narinig. Nanlaki ang aking mga mata at biglang napaayos sa pagkakaupo.
"Kendall Jenner, tara uwi! Sasabay ka ba sa'kin?" Sumulpot si Zaijan sa aming harapan, namumula at may bakas ng lipstick sa leeg.
Tumayo si Carter at hinigit na ako para matawag ang iba naming kaibigan. Lumakas ang isang pamilyar ako na kpop song na ginamit bilang trance music. Gustuhin ko mang magsayaw ay bigla akong nawalan ng gana.
Mia died? I just saw her... week ago.
Nagtayuan ang balahibo sa aking braso. I suddenly felt cold. Damn. I am not a coward but this is insane. Kumapit ako kay Carter na agad akong tinawanan. He probably knows why I am scared.
"Oh? Patay lang pala makakatakot sa'yo!" Natatawang sambit ni Carter habang nasa gitna kami ng dance floor at hinahanap ang mga kaibigan.
"Hell shut it, Carter."
Umaktong siyang sini-zipper ang bibig niya. Inakbayan ako ng dalawa at nang makita ang mga kaibigan ay inaya na namin silang bumalik sa lamesa. Lumalalim na rin ang gabi at kailangan nang umuwi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top