#TTW01

Entry 01

"Oelowo ma,"

I smiled as I wave my ARMY bomb together with this diverse family I have in this concert. Hinawakan ko ang aking pisngi dahil sa luha ng galak na umaagos sa aking pisngi.

"Ulin bichna," I chanted, again together with them.

Hindi namin alintana kung nagiiyakan kami ngayon. We are all happy to see Bangtan this close. Kasama ang nag-aagawang dilim at liwanag sa langit, sinasabayan ng tugtugin na malapit sa amin. It's just so beautiful, like the song itself. It feels like we're really in mikrokosmos.

Umikot ako para masundan ng tingin si Taehyung na tumatakbo papunta sa dulong bahagi ng stage. I saw Jungkook and Jin waving their long hands. Tumalon ako na parang baliw nang makita ang ngiti ni Yoongi at Namjoon na nakadirekta sa pwesto namin.

"Let us shine!" I shouted with all my heart.

I took out my phone and recorded this beautiful moment. Inikot ko sa buong stadium ang cellphone para makuhanan ang lahat ng anggulo. I got teary-eyed again, realizing that this is real. This wasn't a dream anymore. I am with my family. This is my family.

Ibinaba ko ang aking cellphone at winagayway muli ang aking lightstick. Sa hindi kalayuang screen ay nakita ko ang pagluha ni Jimin kaya naman pati ang aking mga katabi ay naluha na rin. At dahil totoong konektado kami bawat isa, at iisa lang ang aming nararamdaman ngayong gabi, naluha na rin ako katulad nila.

"Hey! You got me!"

Inakbayan ako ng aking katabi at parehas kaming bahagyang sumayaw kasabay ang hawak naming lightstick.

"I got you!"

Tumingala ako at nakita na tuluyan nang naging kulay purple ang langit, hudyat na nagsisimula na ang gabi. At ito ang unang pagkakataon kong umattend ng concert ng BTS sa ibang bansa, at hindi dito iyon magtatapos dahil nagsisimula palang ang lahat.

The lights turned off. We all chanted their names and minutes later, a VCR played that made the whole stadium go on wilds and laughs. Hindi rin naglaon ay muling lumabas ang pitong miyembro at naipagpatuloy ang walang humpay na hiyawan at sayawan salin sa kantang lumalabas sa kanilang bibig. Ang iba't-ibang kulay ng ilaw na walang konkretong direksiyon ay dumagdag sa kagandahan ng gabing ito. It now looks like I'm in a club with untamed fans chanting and dancing over these insane songs.

Nabaliw, nagwala, tumawa, umiyak ngunit sa huli, tanging galak ang aking naramdaman. Nang magbigay ng speech si Namjoon, kahit hindi ko maintindihan, umiyak ako. These are the genuine tears I rarely show in the world because I am not a cry baby. But when it really comes to them, hindi ko mapigilan.

Umusog ako ng kaunti para makalapit kung saan sasakay ang mga miyembro at iikutin ang buong stadium. Kumaway ako at nagbaka sakaling mapansin nila. Ngunit kahit hindi magtagpo ang aming mga mata, nakakasigurado akong ramdam nila ang presensiya ko.

Damn. This is what you feel when you are a fan. You do and think of the craziest thing you never thought of you ever will.

Bagsak ako sa aking kama pagkapasok ko ng hotel room. Ni hindi ko na magawang bumangon pa ulit para makapaglinis ng katawan. Gumapang na ako at binalot ang sarili ng kumot at diretso ang tulog dahil sa pagod. Kagabi pa ako ng alas dose nakapila sa labas ng Olympic Stadium. Halos 24 hours din akong naroon. But all those waiting are worth it naman.

May ngiti sa aking labi nang matulog ako dahil ang pagod na ito ay iisa lang ang ibigsabihin para sa akin. I got the chance to see my idols. It's a rare opportunity given with chosen privileged fans, kaya naman ayos lang mapagod.

Nagising ako sa panibagong araw sa Korea. This is my last day here. I arrived last Thursday at dahil may pasok na ako sa lunes, kinailangan kong kumuha ng Saturday flight. I am just really here for concert, hindi ko talaga planong mamasyal pero dahil nanghihinayang ako sa oras na masasayang ko, aalis na lang ako ngayong araw.

Alas siete y media pa lang ng umaga at kita na sa likod ng puting kurtina ang matingkad na sikat ng araw sa labas. Nagbihis ako at binalot ang sarili sa isang kulay pulang coat dahil malamig sa labas. I decided to have my breakfast here in hotel para diretso na ako sa Namsan Tower.

I grabbed a taxi that will bring me straight to Seoul Tower. I am alone and I have no company with me. Ito ang unang travel ko mag-isa but I am not scared, though. Kahit milya-milya ang layo ko sa Pilipinas, feeling ko nasa kabilang probinsiya lang ako. And also, I am already nineteen kaya hindi na rin ako natatakot na mag-solo trip. Wala rin naman kasi akong maisasama na umattend sa concert ng BTS dahil ako lang ang KPOP fan sa aming magkakaibigan.

Ibinaba ko ang bintana ng taxi at kinuhanan ng litrato ang magagandang view na nadadaanan. Hindi ito ang una kong apak sa korea. I've been here thrice with my family. Siguro isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi ako takot na ikutin ang syudad na ito ng mag-isa.

After taking satisfying few photos, itinaas ko na muli ang salamin. Hindi nagtagal at nakarating ako sa Yongsangu. Bumaba ako pagkatapos kong magbayad at nagsimula na naman akong i-admire ang walang kupas na ganda ng Namsan Tower.

Bumili ako ng isang sikat na street food dahil medyo mahaba haba rin ang aking lalakarin pataas. Inayos ko ang aking coat at inilagay ang takas na buhok sa likod ng aking tainga. May iilang turista ang ngumiti sa akin kaya nginitian ko sila pabalik.

"Hi! Sorry to disturb you, but can you take a picture of me?" Pakiusap ko sa isang hindi ako sigurado kung anong nationality ng babaeng ito.

"Sure!" She beamed and accepted my phone.

Tatlong pose lang ang ginawa ko bago ako nagpasalamat sa kaniya at nagpatuloy na sa pag-akyat. Nakakapagod ang kahabaan at kataasan ng mountain na ito ngunit iba ang satisfaction na mararamdaman mo kapag nasa tuktok ka na.

Umupo ako sa isang available na bench at nangingiting pinagmasdan ang harapan. Ang pinaghalong mga kulay berde ng mga puno at ang mga naglalakhang building ng syudad ang matatanaw mo sa pwestong ito. Gusto ko sanang sa gabi pumunta dito ngunit maaga ang flight ko bukas at kailangan kong matulog ng maaga rin para hindi mahuli.

Pinagkibit balikat ko ang kaisipan. Maganda kasi ang Seoul city lights kaso ang komplikado ng schedule ko. Tumayo ako at dumiretso papasok sa isang store at bumili ng padlock. Bumili rin ako ng ilang sticker na ididikit ko para dito.

"Babe, anong isusulat ko?"

Instinct na napalingon ako nang makarinig ako ng lenggwaheng Filipino. Naningkit lang ang mga mata ko dahil wala naman akong makita na mga kababayan.

Don't tell me, minumulto ako dito sa Korea?

Ibinalik ko ang aking atensiyon sa ginagawa. I wrote BTS' names on it, pinagkasya ko talaga kasama ang aking pangalan. I put a little design on it and pasted Tata's sticker. Siya na lang kasi ang kasya dahil maliit lang ang nabili kong lock.

"Done?"

Ngumiti ako at tinaas ang aking lock para makita kung anong kinalabasan ng gawa ko. Kinuhanan ko ito ng litrato bago umambang lalabas na ng store.

"Tapos na!" Sigaw ng isang boses babae at nakakasigurado na akong hindi ako nababaliw.

Nilingon ko ulit ang loob at hinanap ang mga nagsasalita. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isa sa mga players ng University namin kasama ang kaniyang nobya.

Toby is wearing a casual white shirt and black pants with her famous girlfriend, Mia. Nakasuot si Mia ng isang maiksing itim na shorts at cream knitted long sleeve. She's pretty. They are my batchmates but I am not close with them. I'm an Art Student while they are on the marketing side.

Nang lumagpas ang tingin ni Mia sa akin ay nanlaki rin ang mga mata niya. Unti-unti ay sumilay ang ngiti sa labi niya dahilan para sundan ni Toby ng tingin ang tinitignan ng babae. Nagtagpo ang tingin namin kasabay ng paghigit sa kaniya ni Mia paalis sa kanilang pwesto. Kumunot ang kaniyang noo ngunit bakas naman ang ngiti sa labi.

I know them not just because they are my batchmates. They are popular on the campus as a couple. Sikat si Toby at ganoon rin si Mia dahilan para halos lahat ng estudyante ng CvSu ay mainggit sa relasyon nilang dalawa. Sabi nila, their relationship is almost surreal na sa tanging libro mo lang mababasa. I can't relate when I heard those opinions coming from my co-students because I am not really fond of romance. I am known to be a playgirl and I am no romantic.

"Reese, right?" Nakangiting tanong ni Mia nang makalapit sila sa'kin.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Yeah. Anong ginagawa ninyo dito?" Tanong ko sa kanila.

Mia strangled her hands in Toby's arms before she answered. Ngayong kaharap ko siya at magkalapit kaming dalawa, napansin kong parang medyo maputla siya. Ang payat din ng mukha niya at bakas ang itim sa ilalim ng kaniyang mga mata. She looks sick.

"Date lang. Mamaya flight namin. Ikaw ba?" Maligaya niyang tanong.

"I attended a concert. Thursday pa ako nandito. Bukas pa ang flight ko. Kailan pa kayo dito?"

"Kahapon kami dumating."

"At aalis na agad kayo mamaya?"

"Oo, e. Mabilis lang. May kailangang asikasuhin sa Pilipinas."

Tumango ako at sinulyapan si Toby na ngayon ay seryosong nakatingin kay Mia.

"At saka may pasok pa sa lunes."

Mia's smile faded. Napawi rin tuloy ang aking ngiti.

"Bakit-"

Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang magtanong ulit siya. Muli ay sumilay ang ngiti sa labi niya. Weird.

"Ikaw lang ba mag-isa o kasama mo friends mo? Family?"

"I'm alone."

"Wow! Pangarap ko ring mag-solo trip kaso hindi pwede." Namamangha niyang komento ngunit nahimigan ko ang lungkot sa huli niyang sinabi.

"You can try it in the future. Marami pa namang pagkakataon."

Lumapad ang ngiti niya at parang bata na tumango. "Tama. Marami pang pagkakataon sa future."

"Mia,"

Napabaling ako kay Toby nang tinawag niya ang nobya. Nakakunot ang noo nito at may binulong. Ngumuso ako at nagtaas ng kilay. Hinawi ko ang aking buhok at inilipat ang tingin kay Mia para magpaalam.

"Kabit ko lang 'to, ha." Sabay pakita ko sa lock. "See you in the Philippines!"

"See you, Reese! Ingat ka, ha."

Tinalikuran ko silang dalawa at dumiretso sa dulong bahagi kung saan kakaunti palang ang mga lock. Naghanap ako ng paglalagyan at nang makakita nang hindi pa okupado ay doon ko ni-lock ang akin.

"I love you, BTS!" I shouted and kissed the key before I threw it on the water.

I bent my knees and caressed my color purple lock.

"I love you."

Pasimple kong sinulyapan ang dalawang couple na nasa gilid ko. Nang mapansin ako ng lalaki na nakatingin sa kanila ay mabilis akong nagiwas ng tingin at binitawan na ang lock bago nagpasyang muling ikutin ang palapag na ito.

After roaming around for almost one hour ay nagpasya na akong bumaba kasabay ang ibang turista. Hindi ko na ulit nakita pa sina Mia at Toby.

Thank God dahil ayoko ng may kasama. I want to enjoy this trip alone.

Kumain ako sa isang sweet resto bago ginala ang Yonsangu. I took pictures for remembrance and bought some pasalubong before I finally had my dinner in the nearest fast food. Puno ang kamay ko ng mga paper bag at plastic pagkapasok ko ng hotel room.

Naglinis ako ng katawan at inayos ang aking mga gamit sa maleta bago sinagot ang nag-iingay kong macbook dahil sa tawag ng dalawang unggoy.

"Putangina ninyo Zaijan at Carter!" Salubong ko sa kanilang dalawa.

Namilog ang kanilang mga mata at bakas sa magulo nilang buhok na kagigising lang nila. Biglang nagpakita si Kaycee at Cohel sa likod nila at kumaway sa'kin pero hindi naman nagsalita ng kahit ano. Oh well, they are in Cohel's condo. Talagang nambulabog pa silang dalawa.

"Aba, ano namang ginawa ko?" Sabay na sambit ni Zaijan at Carter.

Sumimangot ako para magkunwaring malungkot ako dito.

"Mag-isa ako dito! Wala akong kasama." Maktol ko.

"Independent woman." Pang-aasar ni Carter kaya inirapan ko silang dalawa.

"Pero size 10 ako, Reese, ha."

"Fuck you, Zai. Mukha ba akong sugar mommy mo?"

Tinawanan ako ng dalawang unggoy sa kabilang linya at gustong-gusto ko na silang sabunutan kung hindi lang screen ang pagitan  ko sa kanila. Umirap muli ako at hindi man inaasahan ay nakita ko ang paglalandian nila Kaycee at Cohel.

Tumikhim ako at nginuso sa dalawa ang nasa likod nila.

"Papatayin ko na. Tulog na ako, maaga pa ako bukas." Ngumingiwi kong sambit.

Nilingon ni Carter ang dalawa sa likod nila at hilaw na ngumisi.

"You should. Aalis na rin kami dito. Kinakagat na kami ng napakaraming langgam," Umiiling na wika ni Zaijan.

"Naririnig kita, Zaijan!" Sigaw ni Kaycee.

Tumawa ako at umiling nang makitang nagbatuhan silang apat ng unan at nag-asaran pa. Wala si Ody at Isaac dahil paniguradong may pasok sila. They are not in the same school as us. Nasa La Salle dahil mga rich kid sila.

"Hoy Zai and Carter, huwag ninyong kakalimutan na sunduin ako, ha! Hindi ko ibibigay pasalubong ko sa inyo!" I reminded my friends dahil walang susundo sa'kin bukas.

My parents are handling a case in Laguna, si Baste naman ay may Saturday classes sa school nila. At hindi pa pwedeng magmaneho iyon dahil high school palang. Wala rin ang family driver namin dahil hinahatid no'n si Baste kaya silang dalawa lang talaga ang pagasa ko.

"Air Force ko, ha, Reese! Mahal na mahal kita!" Lintaniya ni Zaijan na hindi na natapos dahil pinatayan ko na sila ng tawag.

Inilagay ko ang macbook sa loob ng maleta at inayos ang susuotin ko para bukas. Nahiga ako at diretso ang tulog dahil sa pagod ulit. Nagising ako ng madilim pa at nakarating sa airport two hours before my schedule of the flight.

Pagkababa ko ng eroplano at nang makuha ko na ang maleta ay lumabas na ako. Natanaw ko kaagad ang naglalakihang katawan ng dalawa kong matalik na kaibigan na nakatayo at nag-aabang sa akin. Kumaway si Carter at Zaijan sa akin at sinalubong ako ng yakap na para bang ang tagal kong nawala.

"I missed you, Reese!" Sabay nilang sambit kaya pinaghahampas ko sila at pilit na humiwalay.

"Gago kayo. Dinaig ko pa isang taon nawala, e, apat na araw lang ako sa Korea!" I rolled my eyes and fixed my ruined top dahil sa yakap nila.

Inagaw sa akin ni Carter ang mga dala ko samantalang inakbayan naman ako ni Zaijan habang naglalakad na kami palabas.

"Kumusta Korea?" Tanong nila.

"Super fan! Ang saya sa concert. Ang pogi ni Taehyung! Tapos ang cute ni Jungkook. Super ganda no'ng Serendipity ni Jimin. Todo hataw ako ng sayaw no'ng Just Dance ni Hobi, para nga kaming nasa club. Si Yoongi, my god! It's a sin that he looks so damn gorgeous. Of course, the worldwide handsome Jin, too. And then there's RM! He's speech, dinaig pa ang Presidente ng U.S! Umiyak ako ng bongga." Tuloy-tuloy kong kwento sa kanila.

Hindi sila umimik kaya tiningala ko silang pareho. Nakita kong nagtitinginan na sila at ngumisi ako dahil alam kong naiinis sila kapag nagkekwento ako ng mga tungkol sa bagay na wala silang alam. Lalo na kapag BTS!

I continued narrating my concert story with them. I know that they don't give a damn, and now probably they are pissed, but they are so pro at acting like they are listening. Ganiyan siguro talaga kapag babaero. Kayang umarte na parang interesado kahit hindi naman.

After my longest unstoppable story sinandal ko ang likod sa back rest ng upuan ng sasakyan at pumikit. Ngayon ko palang nararamdaman ang jetlag ko.

"Ano, tapos ka na sa most memorable moment of your life?" Panunuya ni Carter sa driver seat kaya binato ko sa kaniya ang hawak kong aviators.

Sabay silang humalakhak kaya naman umirap ako sa aking isipan. I remember Toby and Mia, gusto ko sanang isingit sila sa kwento pero tinatamad na ako magsalita.

Nakarating kami sa bahay at naroon na agad ang iba naming kaibigan. Agad nilang binuksan ang mga pasalubong ko. Hiniwalay ko ang para sa mga magulang at kapatid ko. Ang daming reklamo ni Zaijan at Carter dahil hindi kasya sa kanila ang sapatos na binili ko. Malay ko bang small sizes pala iyong store na binilhan ko.

"Bawi ako next time." Inaantok kong untag sa kanila.

"Ang aarte ninyo. Buti nga may binigay pa sa inyo si Reese!" Si Ody na sinusukat ang binili ko sa kaniyang croptop.

"Ako nga walang pa-sapatos." Nginisian ako ni Cohel habang kumakain siya ng snack na binili ko rin sa Seoul.

"Dami mo na niyan, Cohel. Collector ka na ata ng sapatos." I smirked at him, too.

Isa si Cohel sa mga players ng basketball sa school. Marami siyang sapatos dahil hilig niya iyon, parang halos lahat naman ng lalaki. Pero sadyang iba ang kabaliwan ni Cohel sa mga iyon.

"Kapag wala na akong pang-tuition, bebenta ko mga sapatos nito." Ani Kaycee.

Lumapit si Cohel sa kaniya at kiniliti siya sa tagiliran. Sabay-sabay kaming suminghap at nag-iwas ng tingin.

"Ganda nito, Reese. Thanks!" Basag ni Ody sa awkwardness.

Bumukas ang pintuan at sabay naming nilingon si Baste na kasama ang mga kaibigan niya. Binati nila kami bago sila dumiretso sa garden ng bahay. Nang sumapit naman ang hapon ay pinilit ko na silang umalis dahil may tatapusin pa akong article. I tried to do it in Korea pero natatalo ako ng pagod at hindi ko magawang tapusin doon.

Umupo ako sa tapat ng study table ko at binuksan na ang lahat ng tab sa computer para simulan ang pagre-research ko. I need to pass this article on Monday. Dapat nga noong Friday ngunit wala ako dito.

Kahit may jetlag ay alas singko pa rin ng umaga ako nakatulog. I only ate my brunch before I continue writing my article. Ni hindi ko na nagawang bumaba para sa merienda at maging sa dinner. Hindi ko na namalayan ang oras at pasado alas dose ko na ito tuluyang natapos. I printed it and felt satisfied while reading my two pages article.

"This is perfect. Kapag may nasabi pa sila dito, sila na may problema." I whispered to myself.

Maaga akong nagising kinabukasan dahil may 8 am classes ako. I am still second year pero sobrang hectic na agad ng schedule ko. Idagdag pa na isa akong Campus Journalist. But it's fine, worth it naman lahat. I am consistent dean lister at isang magandang experience ang pagiging campus journalist. It's already a training ground for me before I finally become a professional Journalist in the future.

Bumaba ako sa sasakyan ni Carter dahil sa kanila ako ni Zaijan madalas sumasabay papasok. We're living in the same village kaya hindi rin hassle kung sunduin nila ako.

Pumasok ako sa Pub House at sumalubong sa akin ang adviser namin na nakasalamin at may binabasa sa kaniyang tablet. Tumaas ang tingin niya sa akin kaya ngumiti ako.

"Good morning, po. Here is my article, Miss. Sorry for the delay." I handed my papers to her.

Tinanggap niya ito at agad itong pinasadahan ng tingin.

"May klase ka ba ngayon, Clarisse?"

Tinignan ko ang aking orasan. It's only 7 in the morning.

"Mamaya pa pong 8." I answered.

"Umupo ka muna. Wait for my feedback."

Kumunot ang noo ko. Sa huli ay sumunod ako at pinaglaruan ang strap ng aking bag habang pinapanood siyang binabasa ang article ko. For two years of being a Campus Journalist, and she as our adviser, alam kong sa tuwing pinaghihintay niya kami ay ibigsabihin, may hindi siya magandang nakita sa aking sinulat.

And what could it be? I had my thorough research and I am very certain that my article is perfect. There is no hole in it. Wala rin akong nakalimutang i-include.

Narinig ko ang tunog ng bahagyang pagkakalukot sa papel pagkaraan ng ilang minuto. Tumayo ako at lumapit agad sa Ginang na ngayon ay nakatingin sa akin ng istrikta. She showed me my article and even waved it on my face.

"Do you want me to publish this kind of article, Clarisse?" She disgustingly fired.

Natigil ako sa paghinga. Tila ba agad akong nakaramdam ng pagkadismaya dahil sa narinig. This wasn't what I expected feedback from her.

"W-What's wrong with my article, Miss?" Natataranta at naguguluhan kong tanong.

She fixed her glasses and snorted. Iminuwestra niya ang upuan sa harapan at agad naman akong umupo.

"Everything."

Namilog ang aking mga mata. What?!

"Everything is wrong, Clarisse. Your article is biased!"

Umawang ang labi ko para magsalita ngunit naitikom ko sila ulit. Umiling ako.

"I read it twice. Did you perhaps do research? It sounds bias."

"It's not, Ms. It's the truth-"

"Truth based on your knowledge, not the truth everyone deserves to know. If you want to show some specks of dirt of this current administration, you don't base it on your own opinion."

I bit my lower lip. Bumagsak ang tingin ko sa papel na mahigpit na hawak ng Ginang, unti-unting nasisira dahil sa higpit ng hawak.

It's what I know. Iyon ang totoo. I did my research and I even read some arguments about it on a trusted news site. Iyon ang totoo ngunit ayaw niyang tanggapin. If showing dirt will only sound biased, then how the fuck this country will grow out from this cruel administration? Why writing negative can't have the same acceptance as the positive articles received?

"Clarisse, do better. You're a campus journalist. Hindi lang basta journalism student."

I gritted my teeth. Gusto kong magsalita ngunit pinipigilan ko ang aking sarili. I'll read it again, at kapag wala akong nakitang mali, wala akong babaguhin.

"You are very disappointing, Clarisse."

Tumaas ang tingin ko sa Ginang. She shook her head as a sign of disappointment to me.

No. I am not a disappointment. I will never be a disappointment. I am good at this craft. And I will be good at this field. Hindi ako disappointment.

Huminga ako ng malalim bago tumayo. I gritted my teeth one more time before I uttered my bravest words so far.

"I write for the campus, not for you. No offense, but that's what I found. Philippine government is a mess and big-time manipulator in the dark." I uttered heavily, trying to restrain myself to sound so pissed.

Hindi nagbago ang tingin niya sa akin. She remained stoic while watching me firing back.

I inhaled again. Mabuti at may natitira pang kaunting kahihiyan at respeto sa katawan ko.

"Thank you. I will change the things that sound bias." Labas sa ilong kong sagot.

"You're really a child of lawyers. Sana lang ay kaya mo rin ipaglaban sa mga article mo ang katotohanan."

Tumango ako at mabilis na lumabas ng Pub Office. Hinawi ko ang aking maikling buhok at pinaypayan ang sarili dahil sa biglaang init na nararamdaman. My temper is getting high, mabuti na lang at nakapagpigil pa akong mainis sa harap ng adviser namin.

Umupo ako sa bench at hinintay si Zaijan dahil siya ang susundo sa akin ngayon papunta sa department ko.

Both my parents are lawyers. Pati si Baste ay nagpa-planong kumuha ng accountancy as a pre-law course sa college. Hindi ko alam kung bakit ako lang ata ang may gusto sa aming pamilya na magsulat. Kahit alam kong wala sa history ng pamilya namin ang manunulat o mamamahayag, hindi kailanman bumaba ang loob ko na magaling ako sa larangang ito.

And to hear such criticism like that hurts me. Because I am sure that I am not a failure. I don't make mistakes. I should not make mistakes.

Inirap ko ang invisible tears ko. Tumigil lang ang aking titig sa hindi kalayuang Marketing Department nang maagaw nito ang atensiyon ko.

Toby, wearing our school uniform is running furiously. Kumunot ang noo ko at tumayo para mas luminaw ang hitsura niya sa aking mga mata. Kumurap pa ako para makasigurado na luha ang nakikita kong bumabagsak galing sa mga mata niya.

"Reese, get in. Late na ako!"

Pumasok si Toby sa kaniyang sasakyan at halos lumundag ang puso ko nang makita kung paano niya ito pinatakbo na para bang gusto niyang lumipad ito. Mamamatay siya kung ipagpapatuloy niya ang ganoong bilis.

"Reese!"

Halos mapatalon ako nang marinig ang boses ni Zaijan sa gilid ko. Mabilis kong kinuha ang aking bag at pumasok na sa loob ng sasakyan niya. Saka ko lang ulit naalala kung bakit ako badtrip ngayong umaga.

"Rejected 'yong isang linggo kong pinagpuyatang article." I ranted to Zaijan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top