Simula
Simula
Sa likod ng malapad na kulay puting kurtina, tanaw ko ang pag-aagawan ng liwanag at dilim sa langit. Hindi kalaunan ay nagpatalo ang liwanag at dumilim na ang buong paligid. Kasabay ng pag-usbong ng dilim ay ang siyang pagbagsak ng aking mga luha mula sa aking mga matang walang ibang ginawa kundi pagmasdan ang mundo. Nabingi ang aking tenga sa sakit na dulot ng walang awang paghampas ng aking puso. Tila ba hindi na sila muling makakarinig ng mga salitang kinabulagan niyang maririnig niya pa sa habang buhay na ito.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at dahan-dahang inapak ang aking mga paa sa malamig na sahig ng aking kwarto. Bumagsak ako sa lapag at niyakap ng mahigpit ang nakakuyumpit kong mga hita. Ipinatong ko ang aking ulo sa aking tuhod at doon ko naramdaman ang maiinit na pagpatak muli ng aking luha.
I can't blame anyone but myself. Because of my impulsiveness, I end up crying here. Because of my hunger to do those childish moves without thinking twice, I end up hurting only myself. Gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang harapin at ipamukha sa kaniya kung gaano ako nasasaktan dahil naniwala ako... pero hinahabol ako ng kaisipan na wala siyang alam. Na ako lang naman talaga ang puno't dulo ng lahat ng sakit na nararamdaman ko.
Lahat ng ginawa niya... it's because he's just that. Or maybe he was thinking that I am her when the truth is... I can never be that girl. I can never be the girl he needed. I can never surpass that girl to his heart. Because his heart? It only belongs to the death of hers. At naiinis ako sa aking sarili dahil wala sa plano ko ito. Damn, never in my life I had imagined I will cry over a guy!
"Ate," Isang malalim na baritono ang sumapaw sa ingay ng iyak ko sa kwarto.
Tumaas ang aking ulo at marahang pinalis ang luha sa aking pisngi. Ngumiti ako sa kawalan at para akong tanga na naaalala kung paano niya ipinamukha sa akin kanina na hindi dapat ako ganito. Na hindi dapat ako umasa at nasasaktan. I gritted my teeth to stop myself from crying more but my tears is genuinely a rebelled.
"Nandito si Carter at Zaijan. They are looking for you." Dagdag ng aking kapatid sa kaniyang sinasabi.
Mas nabigyan ako ng dahilan para pigilan ang pagluha. I won't face my friends with this look. I don't want them to look at me with pity because of my own mistake.
Tumayo ako at tinignan ang sariling repleksiyon sa salamin na mayroon ako sa aking kwarto. I am still wearing my uniform. Ang student ID ko ay nakasakbit pa rin sa aking leeg. My black bob hair looks like it've been brushed hundred times. Ang mascara na madalas kong nilalagay sa aking mga mata ay kumalat na parang dugo sa aking pisngi. My red lips are shaking along with my weak shoulder. My eyes are bloodshot and swollen. I am completely a mess.
Tulala kong pinagmasdan ang sariling repleksiyon at gustuhin mang maglandasan ng mga luha ay tila ba ayaw na nila. Tila ba natanto na nilang... walang magagawa ang pagiyak ko ngayon. It won't change any fact thing. What truth will remain a truth. Written or not, I can't do anything to make it more fictitious for my own good. But I always have the choice to choose what to believe in. Either I'll be hurt with the truth or I'll be happy with the opinions I only made up on my head.
But at the end of the day, I know what to choose. With all my learning, I know I can't live in fairytales. I live in a world where reality will strike in time you most didn't expect. And the pain, the regrets... iyon ang magpapabukas sa ating isipan kung gaano kahirap mabuhay sa mundo na hindi mo sigurado kung iyon na nga ba ang realidad. Hindi mo alam kung anong isusunod na ibato sa'yo. Na iniisip mong may magandang dulot o resulta ang lahat ngunit ikaw lang din ang masasaktan sa huli dahil ikaw lang naman ang naniwala.
Tinalikuran ko ang salamin at walang pag-aalinlangan na tinungo ang pintuan. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang dalawa kong matalik na kaibigan. My brother is not with them anymore.
Neither I smiled nor cried in front of them. I welcomed them with my usual poker face. But they are not stupid to not notice my pain. With this unmasked face they are staring at, I am sure now that they know how much I cried.
"Are you okay?" Carter asked me with so much concern etched in his voice.
Nagtiim bagang ako bago nagiwas ng tingin. Without thinking twice, I showed them the real me. The Reese, their friend, whose deeply hurt and in pain.
"Reese..." Zaijan called me soothingly.
Muli kong ibinalik ang tingin sa kanilang dalawa. Tinitigan ko lang sila pero hindi ako umimik. I saw them synchronized sighed like they are choreographed.
Umatras ako at dumiretso papasok sa loob ng madilim kong kwarto. Then suddenly lights showed up in my whole room. Hinarap ko silang muli at naabutan si Carter na ang kamay ay nasa switch.
"You want to talk about it?" Maingat na tanong niya.
Bumagsak ang aking mga mata sa sahig. Umiling ako habang kinakagat ang aking pang-ibabang labi. Ang luhang akala ko ay napapagod na ay muling lumitaw sa harap ng mga kaibigan ko. Hindi ko napigilan at bumuhos sila na parang walang awa.
Although my eyes are already blurred; I saw how their long legs make their way towards me. Lumakas ang aking hagulgol nang maramdaman ang kanilang mainit at mahigpit na yakap sa akin. Patuloy ako sa aking pagiling habang tinatahan nila ako.
"U-Umasa kasi ako na baka posible... kaya ako n-nasaktan ngayon. Wala akong ibang masisi kundi ang sarili ko. Kung hindi lang sana ako padalos dalos na pinasok ang sarili ko sa buhay niya..." I got cut off because I can't take my sobs anymore.
Mas lalo silang lumala. Ang kirot sa aking puso ay mas lalong nadedepina ngayong sinasabi ko ng malakas ang sakit na nararamdaman ko.
"Sshhh," Alo nilang dalawa at niyakap pa ako ng mahigpit.
Mariin akong pumikit at hindi na inalintana na pigilan ang aking mga hikbi. I want to cry out loud hoping that this will take all my pain away. Humihiling na sa isang kisap mata ay mapawi ang lahat ng pighating nararamdaman ko. Na gigising ako sa panibagong umaga, at iisipin na isang masamang panaginip lang ang lahat.
Because if this is the reality of my agony... then I don't know how could I handle this.
Running away? Leaving him?
"Sana hindi ako umiiyak. K-Kung hindi lang sana ako tanga na padalos padalos sa pagdedesisyon, e-edi sana ay hindi ako ganito. Sana hindi ako nasasaktan ng ganito!" I blurted out.
Hinawakan ko ang braso ni Carter at tiningala silang dalawa.
"Dapat pinigilan ninyo ako. Sana hindi ko na lang ginawa 'yon noong una pa lang! Gusto kong manisi pero wala akong masisi kundi ang sarili ko!"
I want to blame anyone because it is easier that way to forget this pain but then... I have no one to blame.
"Reese, it's not your fault, okay?" Zaijan reminded me and holds my arms firmly.
Suminghot ako habang pinagmamasdan ang kaibigan kong diretso ang tingin sa aking mga mata. I heard Carter distancing himself from us pero hindi siya lumayo.
"Don't tell me that, Zai! I am aware that this is all my mistake-"
"And so what if you let yourself fall in your own trap? So what if you fall for him not realizing that he's still in love with someone else, huh, Reese?! For god's sake, you are a human! You are susceptible to pains!"
Hindi ako nakaimik sa biglaang sigaw ni Zaijan. Bumagsak ang aking tingin sa sahig. My heart is heavy and my brain is in haywire. Even his shouts don't make me feel like I am alive. How could this feeling be possible?
"Reese, please, don't blame yourself on the things you have no control of."
"This is my feelings, my emotions... this is my body. I have the control over it but I let my impulsiveness decides for me." I uttered in a shaking low voice.
I heard them grunted and later on sighed heavily before claiming my arms again. Tumaas ang tingin ko kay Zaijan. Namungay ang kaniyang mga mata na nakatingin sa akin bago dumapo iyon sa likuran ko.
"And what will you do, Reese? Hurt yourself until you realize that you shouldn't be?"
Nilingon ko si Carter na ngayon ay nakaupo sa aking kama at pagod akong pinagmamasdan.
I exhaustingly smiled at him.
"Oh crap that smile, Reese. Don't fool us." Aniya at dismayadong umiling.
"I am hurt... very, very hurt." My eyes got blurred again but I continue smiling at him.
Tumayo siya at lumapit sa akin pero bago niya pa ako mahawakan ay nagpatuloy ako.
"And I don't know how I could get out from this pain, Carter, and Zaijan. What I need right now is the people who will understand me."
I understand them. Ayaw nilang sisihin ko ang aking sarili pero iyon naman talaga ang katotohanan. They are comforting me with lies and I don't need that. Like I said, this life isn't fairytale. This is my reality. This pain is real.
"I appreciate all your sympathy to me. But don't make me believe in lies-" I got cut off by Carter's words.
"We are not making you believe in lies, Reese. You should learn how to give yourself a break from thinking that you always do the mistake when people around you failed to give you facts. Your feelings are never wrong. It's just that goddamn son of a bitch didn't appreciate it."
"Dahil wala nga sa usapan na-"
"Who the fuck won't see your worth?"
"Siya. Kasi hindi naman ako ang gusto niya."
Natahimik silang dalawa sa sinabi ko. Patuloy na umagos ang luha ko ngunit marahas ko silang pinapalis.
"Kaya huwag ninyo nang ipagpilitan na hindi ko kasalanan 'to. This is my fault from the very beginning. This was my idea. I am the root of all this."
They disappointedly shook their heads. Lumapit sa akin si Carter at muli akong niyakap. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok kaya mas lalo na naman akong naiyak.
"What do we expect from you, Santiano? Hindi ka nagpapatalo." I heard a slight laughed in his voice.
Bahagya akong natawa sa sinabi nila pero mas nangibabaw ang sakit sa puso ko. Ipinapaghinga ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib bago pumikit ng mariin. I hugged him back.
"I appreciate your presence in times like this, Carter and Zaijan. Thank you for not leaving me alone." Basag ang boses kong pasasalamat sa kanila.
"When days are gloomy, a friend who loves you truly doesn't disappear. You are already like a sister to us, Reese."
It soothed me to know that I have them. They are my closest friends but that doesn't indicate that my friends who aren't here with me don't love me. It's just that Carter, Zaijan, and I almost shared our whole life together. These guys' love for me is different and I am thankful for that.
I cried in their arms and talk nonstop about my pain to them. Hindi na sila muling umimik at pinanatili ang tahimik na pakikinig sa akin. Kinatok kami ng aking kapatid dahilan para maantala ang lahat ng sinasabi ko. My parents are looking for me. Nagpaalam ang aking mga kaibigan bago ako dumiretso sa study room kung nasaan sina Mommy. I made sure that I don't look like a bruised mess child.
May sinabi sila patungkol sa matagal na nilang pinaplano para sa akin. It is a short discussion dahil pinagusapan lang namin ang tungkol sa paglipad ko sa New York after graduation.
I hardly sleep that night. What happened earlier always hunts me. His words are ceaselessly repeating. At pakiramdam ko mababaliw na ako sa paulit-ulit ko ring paghagulgol.
Lumabas ako ng sasakyan ni Baste at dumiretso sa department ko. Isang beses kong nilingon muli ang sasakyan ng aking kapatid at tinaasan ko siya ng kilay nang makita na nakababa ang salamin.
"What do you need more, Kiddo?!" Sigaw ko sa kaniya dahil madilim ang titig niya sa akin.
Umiling siya at humawak pa sa manibela habang tinitignan ako nang nakakunot ang noo. I looked straightly at my brother's green eyes and I feel like I am looking at my own reflection. Baste is just really a boy version of me.
"You look like Mom. Iyon nga lang, abogado sila at ikaw, isang mamamahayag." He smirked and furiously run his car away from where I am standing.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero sa huli ay umiling na lang ako.
"You fucking whore. Alam mong hindi ka magugustuhan ni Toby pero pinilit mo pa rin."
Natigil ako sa pag-amba kong pagapak sa hagdanan nang harangin ako ng mga tiga-ibang department na babae. These are the same girls who asked about my relationship with Toby.
"Bakit? Inggit ka?" I arched my brows, acting like a bitch.
Lalagpasan ko na sana sila nang magsalita ulit sila.
"I thought you're smart? O kulang ka lang sa aruga ng magulang mo?"
Hindi na ako nakapagpigil at nagmartsa ako sa harapan nila. The girl towered over me because she's taller than me but that won't make my mad ass back off. I pointed my finger at her ugly face.
"Don't you fucking drag my parents' name here," I emphasized each word.
She smirked na mas lalong nagpakulo sa aking dugo. Agang-aga at mga pangit na ito ay iniinis ako.
"Hell yeah! Anak ka ng mga abogado pero umaasta kang pokpok-"
"My parents raised me right. And don't you fucking block my way with your unproven words, full of nothing but purely only your opinions."
"Wow. Reese the Journalist is speaking only about truth! Hindi ko pa nakakalimutan na nag-publish ka ng bias na article. It's just months ago. Tapos sinaktan ka pa ni Toby dahil makati ka na pumatol sa kaniya. Nababaliw ka na siguro sa sakit 'no? Double kill? Triple kill? O worth it naman dahil nalaspag ka ni Toby-"
My anger is boiling 370 K. Dumapo ang aking kamay sa kaniyang maputlang pisngi na nagpasinghap sa dalawa niya pang kaibigan. Ni hindi man lang siya dinaluhan at umatras pa.
Nanlaki ang mga mata niya at hinawakan ang pisngi niyang namumula ngayon dahil sa sampal ko. Umamba siyang hahablutin ang aking buhok ngunit bago niya pa iyon magawa ay may matikas na pangangatawan na ang pumagitan sa aming dalawa.
"Toby!" Gulat at garalgal na tawag ni Cheska sa lalaking humarang sa aming dalawa.
Naestatwa ako sa aking kinatatayuan. I am staring at his broad back and I feel like an idiot for suddenly reminiscing of what we all did from the past months. Including all my false hopes.
"That bitch of yours just slapped me! Hindi niya matanggap na matalino siya pero pokpok siya-"
"Leave her alone, Ches. Before I am the one to drag you three from here." Toby authoritatively mandated the three girls.
Nakita ko ang pagawang ng labi ni Cheska para magsalita ngunit mabilis na siyang tumalikod at nagmartsa paalis ng department. Huli ko na natanto na maiiwan akong magisa kasama si Toby sa ginawa nila.
Hinarap ako ni Toby sakto sa pagtalikod ko sa kaniya. Tatakbo na sana ako ngunit naramdaman ko ang kamay niyang dumapo sa aking braso. Parang tambol na nagwala ang aking puso dahil lang sa haplos niya.
"Reese, mag-usap tayo..." He pleaded.
But what he did is still clearly fixated on my mind. His words he uttered that day are already like bad music in my ears.
Lumandas ang aking luha sa aking pisngi dahilan para mapapikit ako. Mabilis akong umiling at sapilitang inagaw ang aking kamay mula sa kaniyang hawak. Naramdaman ko ang panlalaban niya at akala ko hindi na ako makakawala pero nang makarinig ako ng pagtilapon ay nilingon ko siya.
Namilog ang aking mga mata nang makita ko ang namumulang si Zaijan na nakatingin kay Toby na napaatras at hawak ang kaniyang labi. I saw blood on the side of his lips and I conclude that Zaijan punched him.
"Huwag ka ng lalapit pa kay Reese! Fuck you, Toby!" Nanggagalaiting sigaw ng aking kaibigan.
Hinawakan ko ang braso ni Zaijan dahilan para maagaw ko ang kaniyang atensiyon.
"Reese, let's talk-"
Hindi pa tapos si Toby ay hinigit ko na si Zaijan palayo roon. Baka kung ano pang magawa ng aking kaibigan sa kaniya. They are both tall and massive but I've seen how my male friends get mad. Lalo na si Zaijan. He forgets that there's a God when he's mad.
Huminto si Zaijan habang mabilis akong naglalakad paalis ng ArtScie department dahilan para mahinto rin ako. Nilingon ko siya at nakitaan ko ng pag-aalala ang kaniyang mga mata.
"What did he do to you?"
Tinitigan ko lang siya. Ang luha kanina ay nanuyo at naramdaman ko ang lagkit nito nang humampas ang pang-umagang hangin. Ngumiti ako sa kaniya.
"Kagaya ng narinig mo. Gusto niya akong kausapin pero ayoko." Mapait kong sagot.
"I don't want you hurt, Reese. I don't want to see you with him anymore but if you want to talk to him, sasamahan kita."
Mabilis akong umiling.
"This pain?" Itinuro ko ang aking dibdib habang naiiyak na ngumiti sa harap niya. "It will end, too. Kahit pa pakiramdam ko hindi ko kaya ang katotohanan, alam kong darating din ako sa oras na makakalimutan ko siya. And this is the last day, Zai. I'll leave after graduation. Hindi na kami magkikita pa."
Akala ko at hindi sila babagsak ngunit totoong traydor ang mga luha ko. Na kahit anong pilit kong ngumiti, hindi sila nagpapatalo. Hinigit ni Zaijan ang aking kamay at dinala ako sa kaniyang bisig. I felt his arms snaking around me, making me feel at peace amidst the pain that someone gave me... myself.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top