#TWPWakas

Author's Note

Thank you for reading my first installment for this series. Please remember that you always have the power over your dreams— you can be whoever you want to become. Don't let anyone, including yourself, tell you otherwise. You are limitless. May Gillian and Archie be an inspiration to you. 

see you next at WILD SERIES #2: Taming The Wild

━━━━━━━━━━━

Wakas

Humilig ako sa likod ng aking silya habang nagtuturo ang Prof sa unahan. Patago kong hinahawakan ang aking cellphone habang tinitignan ang litrato niya sa aking homescreen.

Napangiti ako ng mapait habang pinagmamasdan kung gaano siya kaganda. She's pouting her cherry red lips while one of her eyes is closed. Ang bangs niyang hilig kong ayusin tuwing nagugulo ay bahagyang nagparte dahil sa paghawak niya dito.

"She always say that she's pretty," natatawa kong sambit sa aking katabi.

Nilingon ako ng mestiso at singkit kong kaklase. Isang beses ko lang sinulyapan ulit ang harapan bago ko ibinalik ang atensiyon sa aking cellphone.

"Is she?" Singit naman ng isa kong kaklase na Amerikano.

"She really is." I answered them while smiling.

Kaya mahal na mahal ko 'to at gusto ko laging itago. Sobrang ganda niya na nagmumukha na siyang perpekto sa aking mga mata. Mahirap hindi magselos pagdating sa kaniya lalo na kapag nakikita ko siyang may ibang kasamang lalaki. I am not the typical possessive boyfriend; well I was not then because I never had a serious relationship until her. Kapag kasama ko siya, gusto ko sa'kin lang ang kaniyang atensiyon. Ayoko ng may kahati. Gusto kong makasigurado na ako lang ang mahal niya.

Kaya naman noong inamin niya sa akin na gusto niya na kaming maghiwalay, iyon na ata ang pinaka-masakit na nangyari sa buhay ko. I love her so much. Gusto ko laging nasa tabi niya. Gusto kong kasama niya ako sa pag-abot ng mga pangarap niya... pero si Gillian siya, e. Hindi ko kayang hindi siya pagbigyan.

Natatakot akong may umagaw ng atensiyon niya bukod sa'kin. She's not that hard to like. Walang araw na dumaan na hindi ako nangamba na makahanap siya ng iba. Ngunit naniniwala ako sa kaniya. Alam kong tunay niya akong mahal. Naramdaman ko iyon at patuloy kong nararamdaman kahit pa ilang milya ang layo namin sa isa't-isa.

Bumuntong hininga ako. It's just been weeks since I left Philippines but I already miss her. Araw-gabi, simula nang tumuntong ako sa bansang ito, walang araw na hindi ko nagawang bisitahin ang social media accounts niya. Nagba-baka sakali ako na may maligaw na mensahe mula sa kaniya kahit na alam kong nagkasundo na kaming puputulin ang koneksiyon. Naging sapat sa akin ang pagtingin sa mga litrato niya habang nasa malayo ako dahil wala naman akong ibang magagawa kundi magtiis.

Gusto niya ako dito. Gusto niyang abutin ko ang pangarap ko. And I don't want to disappoint her. I always feel obliged to do whatever she wants me to do.

And we both promised. She'll wait and I'll comeback.

"I miss her so much." I whispered.

Naramdaman ko ang literal na kirot ng aking puso at ang pagbigat ng aking dibdib.

Damn, nakakabaliw ang pangungulilala ko sa kaniya. Gusto kong bumalik at yakapin siya ng mahigpit. Sabik na sabik na ulit akong makita at mahawakan siya. I missed everything about her. Iyong mga pang-aasar niya, ang tunog ng mga halakhak niya, ang pagkurba ng labi niya kapag ngumingiti siya at higit sa lahat, ang Gillian na sinasalubong ako ng mahigpit na yakap at matamis na halik kapag nakikita niya ako.

I miss her scent. I miss her touch. I miss her voice. I miss everything about her. I felt a tear fell from eyes. I really miss her. Ilang beses ko bang uulitin 'yon?

Tumunog ng malakas ang bell hudyat na tapos na ang klase. Tinago ko ang aking cellphone at sumama palabas sa mga lalaking kaklase ko. Mahirap noong una na makisama sa kanila dahil iba-iba kami ng kinalakhang kultura ngunit sa pagdaan ng ilang linggo, unti-unti na rin kaming nasasanay.

Napadaan kami sa malawak at malaking gymnasium court ng prestihiyosong paaralan na ito sa Macau. Sumilip ako sa loob at nakita na walang laman na tao ang loob. Napangiti ako na parang baliw nang maalala na dito rin nagsimula ang lahat. Tinawag ako nila Blaze kaya naman umalis na ako sa harapan ng pintuan ng gymnasium at sumunod sa kanila.

Iniligay ko sa loob ng aking bulsa ang dalawang kamay habang ang bag ay nakasakbit sa isa kong balikat. Pumasok ako sa tahimik na gymnasium ng school kasabay si Dax at Felix. Dumiretso kami sa locker at doon nagpalit ng jersey uniform.

"Oo nga, Gillian. Ang kulit mo, ha."

Kumunot ang noo ko habang umuupo ako sa bench at sinisimulang isintas ang aking sapatos. Nasa gilid ko si Baste na isa rin sa mga manlalaro ng school. Nasa tainga niya ang kaniyang cellphone at base sa aking narinig, kausap niya ang kaibigan.

"Sinong kasama mo? Si Audrey o tourism friends mo?" Tanong nito.

Binagalan ko pa ang pagsisintas sa aking sapatos habang pinapakinggan si Baste na kausap ang babaeng kaibigan sa kabilang linya. Nagsigawan ang iba naming kasama sa loob ng locker kaya naman tumayo si Baste at nilapitan si Toby para may sabihin habang nasa tainga pa rin ang cellphone. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa narinig ko siyang nagmumura at inilalagay ang cellphone sa bag.

Napansin niya ang aking panonood sa kaniya kaya tumaas ang kaniyang tingin sa akin.

"Hindi tayo team, Archie. Sayang!" Umiling pa siya bago nagsimulang magsintas ng sariling sapatos.

"Yeah. Sayang," tangi kong nasagot dahil naging palaisipan na sa'kin ang pag-uusap nila ng kaibigan niya.

It's always like that. Before the game starts, I often caught Baste talking to her friends. It's either Audrey or Gillian. Pero ang madalas kong marinig na kausap niya ay ang second year na babae na may bangs.

Lumabas kami ng locker at pumwesto. Tumabi ako kay Dax na sinisiko ako habang nginunguso ang sino man ang nasa bleachers. Tumaas ang tingin ko at ang una kong nakita ay si Gillian. She's sitting next to her three girl friends while her eyes is fixated on her phone. Bumalik ang tingin ko kay Baste na kausap naman ngayon ang pinaka-bata sa amin na si Mason. Wala naman siyang hawak na cellphone.

Itinaas kong muli ang tingin sa bleachers at naabutan ang pananatili ng titig niya sa kaniyang cellphone na para bang wala siyang pakialam kahit na maingay ang buong paligid niya.

I know her. She's Gillian Haidee Seminiano. Sinong hindi makakakilala sa kaniya. She's pretty and sexy, kung hindi lang kapansin-pansin ang pagiging flat chested niya. Pero tunay na maganda talaga siya. She's famous in our department. The juniors and even seniors admire her. Hindi siya ang pinaka-maganda sa buong campus ngunit dahil na rin siguro sa reputasyon niyang pagiging playgirl, naging popular na siya sa mga lalaki.

"Ang supportive ni Geraldine sa'yo." Bulong ni Dax sa aking tabi.

Naputol ang paninitig ko sa babaeng iyon at ibinigay ang atensiyon sa kaibigan ko. Nginingisian niya ako habang nginunguso pa rin ang bleachers. Hindi ko na lang pinatulan ang kaniyang mga ginagawa dahil nagsimula na ang laro.

Inagaw ko kay Baste ang bola and in a smooth stance, I was able to shoot it in the ring. The crowd cheered loud kaya naman ngumisi ako. Napawi lang iyon nang tumakbo ako malapit sa benches para kumuha ng Gatorade ay narinig ko ang pangta-talk shit ni Gillian.

"Ang bobo mo kahit kailan, Baste! Galingan mo naman, boy!"

I saw how her face turned red because of too much frustration. Umirap pa siya at hinipan ang bangs bago humalukipkip. Hindi na ako nakabalik sa court dahil naging abala na ako sa pagtitig sa kaniya.

"Isa pang bobo, Baste! Agawin mo bola kay Remy! Bobo!" Sigaw niya ulit at tumayo na nang hindi makayanan ang inis.

Lumapit siya sa barandilya at nakita ko kung paano dumapo ang kaniyang mga kamay doon. Her hazel almond eyes wanders in the court until it stopped at me. Parang may kung ano sa aking puso na gumising dahilan para biglang lumuwang ang hawak ko sa Gatorade. Hindi ko iyon pinahalata at pinanatili ang pagiging blanko ng aking ekspresyon at pag-inom sa bote ng Gatorade.

But this girl knows how to play. Her red lips curved into a sexy smile directed at me. Ibinagsak ko ang bote pagkatapos kong makainom. Tumakbo ako pabalik sa court at kunwari na pinagsawalang bahala ang ngiti niya.

I had my interactions with her, but it always seems like she's uninterested with me. Ilang beses kong nasusulyapan at natititigan siya ngunit madalas ay hindi niya iyon napapansin. Kung may pagkakataon man na magtagpo ang aming mga mata, katulad ngayon, alam kong nagagawa niya lang iyon dahil nakita niya ako. Parang out of instinct na kapag may nakikita siyang nakatingin sa kaniya ay nginingitian niya. At naiinis ako dahil kapag muli kaming nagkasalubong, para akong hangin na hindi niya napapansin.

Paano nga ba ako mapapansin nito, e hindi mabilang sa daliri ang naghahabol na lalaki sa kaniya. At ayokong maging isa sa mga naghahabol sa kaniya.

"Archie, may assignment ka na sa Bio?" Tanong nang umuupong si Geraldine sa aking tabi.

Abala ako sa ginagawang test namin ngayon sa lab kaya naman nakakunot ang noo ko nang balingan ko siya. Ngumiti siya sa akin at nahihiyang hinawakan ang pisngi niya.

"Meron ako pero kinuha ni Dax." Sagot ko at muling ibinalik ang tingin sa white paper ko.

I've been friends with her since freshmen. Hindi naman ako bago sa mga babaeng nagpapahiwatig na gusto nila ako. I've been with so much girls and heard so much confession from them that I won't take a second to understand their actions.

Kaya naman nang tuluyang umamin sa akin si Geraldine na gusto niya ako ay pinatulan ko na siya. It's not like our friendship is that big deal. I don't want to hurt her feelings in the end kaya nilinaw ko na sa kaniya na hindi ako seryoso at pagbibigyan ko lang siya. It sounds so rude and already a pain to her, but that's me. Kung ayaw niya sa isang tulad ko, pwede naman siyang umayaw na. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit sumusugal pa rin siya na makipag-relasyon sa akin kahit alam niyang malabo kaming dalawa.

Humiwalay ako sa kanilang dalawa ni Dax habang nasa kumpol kami ng mga wala na sa wisyong tao. It's midnight and we're in Hydro Manila. Hindi kami tiga-Maynila ngunit dumadayo kami dito tuwing may ganitong event sa MOA. Malapit lang kasi at hindi mahirap bumyahe pauwi.

Naglakad ako palayo sa kanila at dumiretso sa malayong parte ng field. It's dark here and I can see some making out. Sumandal ako sa puno habang natatanaw ko sa malayo ang hubog at tindig ng isang babae na pamilyar na pamilyar sa akin.

She's smiling to someone in my direction but I know na hindi ako ang nakikita niya. Gumilid ang aking mga mata at nakita ang kulot na lalaki na nakangisi rin sa paparating. Umalis ako sa pagkakasandal sa puno at mabilis na dumiretso papunta kung nasaan si Gillian.

I grabbed her by her arms and I saw how her face gets stunned. Hinila ko siya papunta sa mas madilim na parte ng field bago ko siya hinarap. Inasahan ko na gulat na Gillian ang makikita ko ngunit nagkamali ako nang makita ang nang-aakit na ngisi sa labi niya at ang bahagyang kalasingan sa mga mata niya. She wrapped her arms around my neck and reached for my lips. Pinatulan ko ang gusto niya and I don't know how but I feel something inside me that pushing me to do this.

I don't know what's with her that I want to touch. I want to be attached with her. I feel like I need to enter her world. The first time I saw her eyes she already gave me chills I never felt with anyone. I never asked anyone to play with me. Siya lang... sa kaniya ko lang nagawang makipaglaro. Sa kaniya ko lang naisipan ang bagay na ito at hindi ko alam kung bakit.

Akala ko hindi siya iba, akala ko kilala ko na siya. I thought she's already the Gillian I heard she is. Iyon ang akala ko...

I thought she's just the same girl I heard she is. She's a play girl who doesn't give a damn if she will leave scars to the guys she hurt. Akala ko at gano'n siya not until I saw how she bow her head when their swimming instructor scolded her. Narinig ko ang lahat ng masasakit na salita na itinama niya sa girlfriend ko. Gusto ko siyang lapitan at higitin palabas doon ngunit alam kong mali iyon.

Umupo ako sa bench at hinintay siyang lumabas. Bahagya akong nakayuko habang iniisip ng mabuti ang naging reaksiyon ni Gillian. I'd never seen her that way. At nang inakala ko na iyon na ang dudurog sa aking puso dahil sa kaniya, nagkamali ako. I saw how tears fell from her eyes while she's making her way towards the hallway.

Mabilis akong tumayo at sinalubong siya.

"What happened?" I concernly asked her.

Umiling lang siya at marahas na pinagpapalis ang luha sa pisngi niya. Seeing her this way breaks my heart, too. Hindi ko alam kung bakit pero parang obligado ako na pasiyahin siya. Parang trabaho kong panatilihin ang ngiti sa labi niya. Ayaw kong... ganito siya.

"Gillian-" I called her again but she cut me off.

She smiled at me with teary eyes. "Alis tayo, Archie?" Nanginginig ang boses niyang tanong sa'kin.

Damn. Hindi ako naniniwala na masaya siya. Alam kong hindi siya okay. Pero ano nga bang magagawa ko para mapasaya siya? Walang iba kundi sundin ang lahat ng gusto niya. I never been a slave of anyone in my entire life, even my family can't control my decision but when it comes to her, lahat na lang ay sinusunod ko.

"You're with Gillian?" Tanong ni Geraldine, isang araw habang abala ako sa pagsikop ng aking mga gamit.

Dadaanan ko pa si Gillian sa department niya dahil sasabihin ko sa kaniya ang darating kong kaarawan. She slept last night earlier na hindi niya naabutan pa ang balita ko. Napangiti ako habang naaalala ang natutulog niyang hitsura.

"Baliw ka, Archie?" Natatawang tanong ni Geraldine.

Isinakbit ko ang aking bag sa likod bago hinarap si Geraldine. Nakangisi pa rin ako dahil hindi ko mapigilang maalala ang mukha ni Gillian.

"Anong sinasabi mo ulit?" Tanong ko dahil nakalimutan ko ang sinasabi niya.

"I said, kayo ni Gillian?" Tumaas ang kilay niya sa akin at humalukipkip pa.

"Yeah," sagot ko sa kaniya at tinuro ang pintuan upang ipahiwatig sa kaniya na aalis na ako.

"But you're not serious with her, right? Katulad sa'kin?" Habol niyang tanong habang palabas ako.

Natigil ako sa tanong niya ngunit hindi ko na pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. I wasn't serious with her because I don't like her. She's not like Gillian.

Pero gusto ko ba si Gillian? Obviously, not. We're just playing.

Umiling ako sa naiisip at nagpatuloy sa paglabas. I told her about my upcoming birthday. Kahit pa pangarap kong maging doctor, hindi pa ako kailanman nakaramdam ng ganitong pakialam kahit kanino. When I saw how she missed a step and her foot hurts, wala akong ibang maramdaman kundi mainis dahil hindi niya tinitignan ang dinadaanan. At hindi naman ako pinanganak na mainisin pero sa tuwing nakikita ko siyang kasama si Baste ay wala akong ibang maramdaman kundi selos.

I know they are friends and I saw how Baste supported me with my relationship with his friend. Binantaan niya pa ako na huwag sasaktan si Gillian kahit alam ko namang alam niyang kapwa kami hindi seryoso. Pero hindi ko alam, gusto ko na lang na isipin niyang seryoso kami para dumistansiya naman siya kahit kaunti.

Pinasadahan ko ang maliit at naglalantad na balat niyang suot, she looks so cold.

Nawala ang inis na umusbong sa akin bigla nang makita siya kanina na akbay ni Baste habang papasok dito sa bar. Ang matitigan siya ngayon na nag-iisa sa harap ko ay para bang sapat nang dahilan para matanto ko na akin lang siya at hindi siya maaagaw ng iba. Hinila ko siya palapit sa akin at siniil siya sa malalim na halik.

The way her lips touched mine, the way she holds my arms, I feel so at peace whenever we're close. I find it weird because I have no idea on how could that be possible.

I caressed my lips against her hair. I also tightened my hold around her small waist while she's busy drinking.

"I can't wait for you to fall." I mumbled against her soft brown hair.

Bahagya siyang gumalaw ngunit pinanatili ko ang mukha sa buhok niya. Hindi rin naman siya nanlaban pa.

"Huh?" Tanong niya nang hindi naintindihan ang aking sinabi.

I am not sure if I am falling already... but it seems already like that. And I hate to admit that to myself because I don't like the idea. We are just both playing and this fucking hurt me because even it seems like I own her in the eyes of others, I know our both stand here.

At mas lalo lang naging komplikado ang nararamdaman ko para sa kaniya nang tunay kong makita kung sino ba ang totoong Gillian. That behind her joyful and sociable personality, behind those sweet smiles, loud laughs and corny jokes, she's actually more than that.

"You want to be a flight attendant?"

I asked her while we're on the top. Nasa Enchanted Kingdom kami at sakay ng ferris wheel.

Binalingan niya ako at umiling. "No. Cruise ship stewardess." Sagot niya.

"Oh." Tumango ako. Akala ko gusto niyang maging Flight Attendant.

Cruise ship, ibigsabihin ay sa dagat niya gustong manirahan. I know people working under ships, sina Tita ay may-ari ng shipping lines ngunit iba naman iyon sa mga pampasaherong barko, and knowing them working under ships, matagal na panahon ang ginugugol nila sa dagat. Parang buong buhay nila ay doon na nila ibinigay.

Paano kami sa future? Lagi siguro siyang wala sa bahay dahil lagi siyang nasa barko.

Ginawaran niya ako ng isang ngiti bago muling nagsalita.

"Pero feeling ko hindi ko rin naman matutupad."

Kumunot ang noo ko sa sagot niya. "Bakit?"

Nagkibit balikat siya at umiwas ng tingin para tanawin ang malawak na ilaw ng Laguna sa labas.

"I don't know. Feeling ko lang."

"Don't you believe in yourself?" I asked her.

Hindi siya agad nakasagot. Nakita ko ang pagkinang nang kaniyang mga mata bago siya dahan-dahang nagsalita.

"Honestly, no."

Then there I knew, she's a flawed insecured girl living under the shade of almost perfect looking Gillian. Kung hindi mo siya kikilalanin ng mabuti, hindi mo mapapansin na ito ang totoong siya. And I don't like her being insecure when I am sure that she can be whatever she wants to be. I have no doubt that it will be impossible for her.

"Then why are you still pursuing tourism?"

"Waiting for a miracle to happen?" She chuckled.

See? She's just insecure but she's a wild dreamer inside. It so obvious in her eyes on how much she loves her dreams. Alam ko dahil ganoon rin ako. This life is always uncertain but that doesn't mean na hindi na posible ang gusto nating buhay sa hinaharap.

"Then you're still believing." Malumanay kong wika.

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Huh?"

"You lowkey trust that your dreams are for you."

Hindi maiiwasan na pagdudahan ang sarili, it's always part of our lives. Parang kaakibat na lagi ng pangarap ang salitang pangamba, kapalpakan at sakit. Sabi ni Tita, reaching your dreams is never easy. It's almost like wasting your time for nothing but when you believe, when your enthusiast didn't left you, at the end, it will be worth it.

She's full of surprises. Akala ko at ang nangangarap na Gillian lang ang makikilala ko sa gabing ito pero nagkamali ako.

"If life ain't unfair, tingin ko, hindi magiging mabuti ang tao." She randomly uttered while looking at the two beggar kids.

"Suddenly?" Natatawa ngunit naguguluhan kong tanong.

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa paglalakad sa mga bata. Itinikom ko ang aking bibig at sinundan siya ng tingin.

"What do you mean?" Now, I asked seriously.

"I grew up having silver spoon in my mouth. Kung hindi ko nalaman na may mahirap sa mundo, na may mga taong hindi kagaya ng estado ko, feeling ko hindi ko maiintindihan ang tunay na ibigsabihin ng awa at kabutihan."

Napangiti ako ngunit itinago ko iyon. She's flawed with a beautiful soul.

"You're weird," It's weird because how in the earth that pure hearts could exist in the people who seems that don't give a fuck at all.

Lumipat ang tingin niya sa akin. Bahagyang nakasimangot ang mukha sa akin at gusto ko siyang hapitin sa baywang at halikan, kung hindi lang siya seryoso ngayon.

"Hindi, ah! Ang akin lang, 'yong mga nakakaangat sa buhay dapat tinutulungan ang mga mahihirap! It still seems unfair, but that's the way of above to show us what kindness really is."

"Religious ka pala." Asar ko sa kaniya dahil gusto kong makita siyang naiinis pero ayaw ko naman siyang naiinis.

"Ewan ko sa'yo, Archie!" Pagalit niyang sigaw at tinalikuran ulit ako.

May ibinigay siya sa mga bata na agad nagpasilay ng ngiti sa kanilang mga labi. "Marami kayong mabibili diyan. Ibili ninyo ng pagkain, ha."

Nagtatakbo ang mga bata sa convenience store at inaya niya naman akong umuwi na.

"I read a post in facebook. Sabi, The best way to help yourself is to help someone else, naniniwala ka ba?" Biglaan niya na namang sinabi habang naiipit kami sa traffic.

"I don't even get it." Well, I do get it. Matagal ko ng alam ang quotes na iyon pero ayaw kong sapawan siya.

Mukhang may gusto siyang iparating, e.

"Akala ko ba matalino ka? O kulang ka lang sa wisdom?" Tukso niya pero hindi ako umimik.

Nanatili ang tingin ko sa harapan habang nagpapatuloy siya sa pagsasalita.

"Ibigsabihin, you feel a different kind of joy when helping someone."

"Is that you, Gillian?"

"Oy gago ka, ah. Mukha ba akong demonyo sa paningin mo?"

Pagod akong ngumiti at umiling. "No. You look like a fallen angel."

"Thanks."

"... that has a lot of flaws." I added.

She doubts herself but she still believes in herself. When someone doubts, you know that it's already a sure future for them. Kailangan niya na lang maging matapang para humarap sa mga hamon.

Umandar ang sasakyan sa unahan kaya nagpatuloy na ako sa pagmamaneho. As days go by that I am always with her, masyado na akong nasasanay na siya ang lagi kong kasama.

Naging abala ako sa aking thesis na naging madalang ang pagkikita namin ni Gillian. Ayoko ng ganito, alam kong lagi kong prioridad ang aking pag-aaral pero nagsisimula na akong mag-isip na hadlang ito sa aming relasyon.

Ewan ko. Nababaliw na ako sa kaniya.

"Thank you for helping me, Archie." Nakangiting sambit ni Geraldine sa harap ko.

May umulang mga paputok at ilang maliit na lobo sa paligid namin. Nag-iritan rin ang ilang mga kaklase namin habang napapalibutan kami.

"Kiss!" Rinig kong asar ni Dax sa aking likod at nagawa pa akong itulak palapit kay Geraldine dahilan nang bahagya kong pagkapit sa kaniyang balikat.

Then Gillian's face flashed on my mind. Ang nakasimangot niyang mukha, ang hindi maipintang pagmamaktol niya ang naaalala ko.

Maiinis 'yon sa'kin.

Lumayo ako kay Geraldine at dahil niyakap niya ako, naging agresibo ako na nakalimutan kong isipin na babae siya. Naitulak ko siya na nagpagulantang sa mga nanonood. Pero wala na akong pakialam at umalis ako doon bitbit ang kahon na binigay niya.

Dumiretso ako sa aking sasakyan at binato ang kahon sa likod. Ginulo ko ang aking buhok dahil naiinis ako sa aking sarili.

I just hope na hindi makarating kay Gillian ang nangyari...

Pero sadyang may pakpak ang balita at naramdaman ko ang pagiging malamig niyang trato sa akin.

I am scared. I am really damn scared when I saw her with another guy. That is her ex she's with. Hindi ako nakakasigurado kung bumabalik ba ang feelings niya sa mga naging ex niya pero natatakot akong gano'n nga dahil ayoko siyang mawala sa'kin. I am jealous and possessive when it comes to her. Hindi ko kakayanin na dumating ang panahon na umayaw siya.

Ang galit sa aking mukha ay napalitan nang makita ko siyang lumuluha. Tila punyal sa aking puso ang makita siyang nasasaktan. Kung ayaw ko siyang makita na kasama ng iba mas ayaw ko namang makita siya na ganito.

I am not used to her like this. Gusto ko ang maingay at masiyahing Gillian. But then... this is who she is. Masaya man o umiiyak, si Gillian pa rin 'to. And I can't hate her for being like this.

Ibinato niya sa akin ang bag niya na agad ko namang nasalo. Nakita ko ang paglandas ng luha mula sa kaniyang mga mata na kanina niya pa pinipigilan.

Umiling ako at lumapit sa kaniya para yakapin siya ngunit pinagitna niya ang kaniyang kamay sa aming dalawa at hinampas ang dibdib ko.

"Nakakainis ka, Archie!" She said while crying and hardly punching my chest.

"Okay lang naman sa'kin na yakapin mo si Geraldine dahil naglalaro lang tayo. Hindi naman tayo obligado na sumama lang sa'tin. Pwede tayong lumandi kahit tayo pa dahil hindi naman tayo seryoso sa isa't-isa." She wiped her tears away.

"We can kiss and date anyone and we should not care about it." She added.

I don't agree with her. We're playing... but we're not. Magulo! Ewan ko!

Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at marahang hinaplos ito upang mapalis ang mga luha niya.

"No." I uttered in a low tone.

"Anong 'no'? Gago ka ba?" Singhal niya.

Tinignan ko ang kaniyang mukha. Kahit morena siya ay halata ang pamumula ng kaniyang pisngi at ilong. Ngumuso ako dahil nasasaktan ako ngayon ngunit hindi ko maiwasang punahin kung gaano siya kaganda kahit pa bumubuhos ang luha sa mga mata niya.

Damn, I just suddenly want an instant reconcilation so I can kiss her now. Gusto ko na ulit ang mga lambing niya.

"Hindi ka pwedeng sumama sa iba." I uttered firmly and looked at her eyes.

Hindi siya nagsalita, sabagkus ay pinalis niya ang luha sa pisngi bago ako inirapan.

"At hindi ko niyakap si Geraldine-"

"Ewan ko sa'yo!" Sigaw niya.

"Ano ba, Gillian?" Frustrated kong sambit sa pangalan niya.

I want her to believe in me.

"Gillian," I called her again nang hindi na siya umimik pa.

"Oo na."

"Anong 'oo na'?"

"Hindi na ako sasama ulit kay William."

Guminhawa ang pakiramdam ko sa narinig mula sa kaniya. Hinawakan ko ang maliit at malambot niyang kamay at pinagsalikop iyon sa akin. Pumungay ang mga mata ko habang binabalingan niya ako.

"Masaya ka na?" Sarkastiko niyang tanong.

Umiling ako.

"Oh ano pang gusto mo?"

Hindi ako sumagot, sabagkus ay kinulong ko ang kaniyang pisngi sa aking mga palad at hinalikan siya sa labi. When our lips touched, I already knew it, I am damn doomed.

"Huwag ka ng mainis." I said in between our kisses.

She was fragile and soft. She just try to smile and make it all easy to the eye of others but she's actually fragile inside who is always scarred. That's what I realized when I saw her cry. She's jealous, I am sure of that. Hindi pa siya seryoso nito, paano pa kaya kapag minahal na ako.

Napangisi ako nang maramdaman ang pagpulupot ng kaniyang braso sa aking leeg. Hinawakan ko ang kaniyang baywang nang bahagya siyang umangat dahil sa halikan. Pinaglandas ko ang aking halik sa kaniyang pisngi pababa sa kaniyang leeg. Nakita ko ang pagtingala niya at ang inaantok niyang mga mata habang dinadama ang labi ko sa kaniyang balat.

There, I can make you go crazy with me.

"Dude, bistro daw mamaya." Imporma sa'kin ni Dax habang bumababa kami sa aking sasakyan.

Sumabay kasi siya sa akin dahil nadaanan ko siya sa tapat ng Admission. Nasa tapat ng department ang sasakyan niya at hindi ko alam kung bakit pumunta siya ng OSAS nang walang sasakyan.

"Pass ako." Sagot ko at binuksan ang pintuan ng milktea shop.

Tinawagan ko kanina si Gillian at sabi niya sa akin ay nag-aabang na sila ng mga kaklase niya. Umuulan kanina at gusto ko siyang puntahan doon ngunit hindi ko na siya makontak pa. Umuulan pa rin hanggang ngayon pero hindi na siya ganoon kalakas. Pero mukhang lalakas pa rin ito mamayang gabi dahil narinig kong may bagyo.

Sinubukan ko siyang tawagan sa messenger ngunit hindi naman niya sinasagot. Hindi siya online. Kumunot ang noo ko.

"Na naman?"

Hindi ko pinansin si Dax at sinabi ang paboritong flavor ni Gillian ng milktea.

"Wintermelon." Sabi ko sa cashier.

Siguro ay nasa condo na siya. Pupuntahan ko na lang siya doon. I looked at my watch and it's still quiet early before midnight.

"What's with the milktea, bro?" Tanong ni Dax na ngayon lang ata natanto na nasa Milktea Shop kami.

Gumilid ako ng pwesto nang may dumating na panibagong customer. Hinarap ko si Dax na may sumisilay na nakakalokong ngisi sa labi.

"Binilhan ko lang si Gillian."

"When I met you, I know I found the one~" Gawa-gawang lyrics niya.

Umiling ako at hindi muling pinansin ang kahihiyan ng kaibigan ko. Sinubukan ko ulit tignan kung active na siya ngunit hanggang ngayon ay walang kulay green sa tabi ng profile niya.

I missed her. Simula pa kanina nang hindi kami magkita. Magkasama lang kami kahapon sa Balesin ngunit nangungulila na agad ako sa kaniyang presensiya. Para bang hindi kumpleto ang araw ko nang hindi siya nakikita.

Tinawag ang pangalan ko at kaagad ko nang kinuha ang milktea bago dumiretso sa sasakyan. Pumasok din si Dax at hindi ko alam kung saan ko ito ihahatid gayong pupuntahan ko pa si Gillian.

"Pero sure ka ng hindi sasama?" Pangungulit ni Dax habang nagsisimula akong magmaneho.

"No. Pupuntahan ko si Gillian." Pinal kong sagot.

Nakita ko ang muling pagsilay ng nakakalokong ngisi sa labi niya. Tumigil ako sa tapat ng Bistro at iminuwestra kay Dax na lumabas na siya dahil nagmamadali ako. Tumawa na parang demonyo si Dax at umiiling na kinalas ang seatbelt.

"So damn smitten." Rinig kong bulong niya.

Hindi ako gumanti dahil totoo naman iyon. I won't hate to admit that I love her. Mahal ko na si Gillian. Hindi ko lang paano ko sasabihin sa kaniya iyon gayong tingin niya sa aming relasyon ay isa lang laro.

"Hindi mo tinatanggi. Wow! Archibald Benjie is inlove!" Nagdidiwang na sigaw ni Dax habang palabas siya ng sasakyan ko.

Pinaharurot ko ang sasakyan paalis ng Bistro at dumiretso sa condo ni Gillian. I have no intention to touch her. I am contented with our kissing but I never thought of crossing the line because I respect her. Paano kung mabuntis ko siya? Ayos lang sa'kin ngunit iniisip ko ang opinyon niya patungkol doon.

Nang sinabi niya na nagt-take siya ng pills ay hindi ako nakasagot. I am kinda disappointed kahit na ayaw ko namang masira ang kinabukasan niya. Hinigpitan ko ang yakap ko sa kaniya at hindi ko na nakakayanan ang kasiyahang nararamdaman nang bigla siyang umamin sa akin na mahal niya rin ako.

Now, the play has ended.

"Archibald, agang-aga ang daming hickeys!" Puna ni Dax pagkapasok ko sa classroom.

Nagtinginan ang mga kaklase ko sa'kin ngunit nginisian ko lang sila.

Gillian's drowsy face while I am entering my two fingers inside her flashed in my mind. Ang mariin niyang pagpipigil na makagawa ng ungol habang kinakagat ang aking leeg. I can't help but fall inlove with her more.

Parang sa lahat na gagawing panibagong araw ay hinuhulog lang ako ng husto sa kaniya ng paulit-ulit.

"Did you encounter some vampire on the way?" Dagdag na tanong ni Kenneth na katabi ko.

Tinawanan ko sila. "A beautiful vampire indeed." Balik ko sa kanila.

Gawa 'to ng baby ko.

I was with her during the days she's not fine. Ayokong nakikita siyang umiiyak at malungkot kaya naman ginagawa ko ang lahat para mapasaya siya. Alam kong hindi sapat iyon para mapunan ang sakit sa puso niya pero sumusubok pa rin ako dahil ayaw ko siyang makitang ganito.

I was also there when she told me her plans. We were happy talking about our future that I am sure that will happen. Alam kong mangyayari iyon dahil malakas ang paniniwala ko na siya lang ang mahahalin ko sa habang buhay na ito. Dahil kung hindi siya, hindi ko alam kung makakapagmahal pa ba ako ng iba.

"Geraldine, shut it!" Galit kong sigaw sa babae na minsan kong tinuring na kaibigan ngunit siya pala ang sisira sa aming relasyon ni Gillian.

"Gillian is not serious with you. She's just playing!"

She's not the one who spread the picture pero kinausap niya si Gillian at sinabi na layuan ako. At nagagalit ako dahil ang daming pakielamera sa mundo. Relasyon namin ito ni Gillian, why the fuck some butts in like they know a thing? That's bullshit.

"Archie-"

"Before I forgot that you are a friend, shut up." May diin sa aking boses nang sinabi ko iyon sa kaniya.

Iniwan ko siya doon nang makita kong mabilis na tumatakbo palayo si Gillian. Naramdaman ko ang mainit na luhang nagbabadya sa aking mga mata. Umiling ako at tinakbo ang distansiya namin. Halos dumoble ang sakit na nararamdaman ko sa aking puso nang makita ko ang pinaghalong galit at pagod sa mga mata niya.

Pinakawalan ko siya dahil iyon ang gusto niya. Na kahit ayaw kong makita siyang tumatakbo palayo sa akin, hindi ko kakayaning matiis siyang umiiyak nang dahil sa akin.

Kaya naman nang sinabi niyang umalis ako at abutin ang pangarap ko habang bumubuhos ang luha sa mga mata niya, hindi ko pa rin siya magawang matiis. Na kahit ayaw ko dahil gusto kong nasa tabi niya ako habang inaabot niya ang pangarap niya, pinagbigyan ko siya.

I want to be there in her every failures and success. Gusto kong manatili kung nasaan siya dahil hindi ko alam ang saysay ng pagtira sa isang lugar na wala siya.

Anong gagawin ko sa mundo na walang bakas ng presensiya niya? Anong gagawin ko sa mga taon na hindi ko siya makikita? Hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwan siya. Mahal na mahal ko siya...

Ngunit kagaya niya, nangangarap lang rin ako. I want to succeed and be financially stable because I don't want to depend myself anymore with my Aunt's money. I want to be independent who could solely decide for himself.

Ang sabi niya ay hinahadlangan niya ako sa aking pangarap, what she didn't know... she is my inspiration.

She's a fierce girl hiding inside a insecured doubtful body. I know she will make it. She's my Gillian and I know her well.

"Hintayin mo 'ko, babalik ako sa'yo." I whispered and caressed her handkerchief.

Ito ang panyo na ibinigay niya sa akin noong may game kami. Napangiti ako nang maalala ang unang araw namin sa paglalaro. Ang unang araw kung saan nagsimula ang lahat.

Tumayo ako at dumiretso patungo sa glass walls ng restaurant na kinainan namin. Kita mula sa 34th floor na ito ang kalakhan ng syudad ng Macau at ang malaking hugis bilog na buwan sa langit.

"When it will be the next strawberry moon?" I asked both of my friends.

Sumunod sila sa akin at tinignan rin ang nagkikinangang ilaw ng syudad.

"21 years more." Blaze replied.

Muling tumaas ang tingin ko sa buwan. I remember her. She loves strawberry moon so much. Kinuha ko ang aking cellphone at kinuhanan ng litrato ang city lights. Umaasa ako na darating ang panahon na maipapakita ko ang lahat ng litratong ito sa kaniya. Everything in front of me reminds me of her. Para akong nakatingin sa mga mata ni Gillian sa tuwing nakikita ko ang mga ito.

"Your love for her must be to the moon and back." They teased me.

"Beyond that more. I love her infinity."

Hindi madali para sa'kin ang sampung taon na wala si Gillian sa tabi ko. Araw-araw at walang gabing lumipas na hindi ko siya naaalala. I always visit her social media accounts that made me miss her more kaya naman tinigilan ko. Pero walang saysay, dahil sa lahat ng bagay na nakikita ko, sa mga taong nakakasalamuha ko, siya pa rin ang naaalala ko.

"My name is Gillian. The Chief Steward on board. I've been with Royal Carribean for 8 years."

Inayos ko ang screen ng aking laptop at tinukod ang aking siko sa lamesa. Ipinagpahinga ko ang aking baba sa aking palad habang pinapanood ang interview ni Gillian.

"How was it to be chief stewardess?" Tanong ng boses babae sa likod ng camera.

"Super fun. I mean, when we're on board, we have load of works to do but that's what makes this job fun." Ngumiti siya na nagpakalabog sa puso ko.

"Can you tell something about your job?"

"I am responsible of getting everything for the crew. When they come on board, I assign their duties. And then I go off to do my rounds. I do safety checks, and then welcome the passengers aboard. Safety and service of the customers is what the most important part of my job. I really enjoy the interaction with our passengers and crews."

Hindi ko napigilan at sumilay ang ngiti sa aking labi. I know she'll make it. I am so proud of her.

Natutuwa ako sa narating niya. Natutuwa ako sa kung saan kami dinala ng mga paa namin nang magkahiwalay. Pero... humihiling pa rin ako na sana ay tunay ang pangako at paghihintay. Na sana ang naudlot naming kwento ay maipagpatuloy sa tamang panahon.

I miss my Gillian every second of the day. Gusto kong bumalik pero... alam kong hindi siya matutuwa kung babalik akong wala. Kaya naman tiniis ko ang sampung taon na wala siya. At ngayon... hindi ko na sasayangin ang susunod pang mga taon namin. Because I will marry her tonight. I will finally own her hand legally and holly. After years, I am blessed because she remained inlove with me as much as I do. Damn, Gillian, what did you do to me.

When I saw her walk in the aisle, with a belo enveloping her face, hindi ako makapaniwala na papakasalan ko na siya. Because of overflowing happiness I am feeling, hindi ko na napigilan at kahit wala sa plano kong umiyak ay bumuhos ang luha ko habang pinapanood siyang lumalapit sa akin.

Tinapik ako ni Tito at bumulong ng "You will finally own her. After years."

Pagkatapos ng ceremonial rites ay siniil ko siya sa halik. Umulan ng fireworks sa langit at pinanood pa namin iyon ng ilang minuto bago kami dumiretso sa gaganapan ng reception.

Hawak ko ang maliit niyang baywang habang pumapasok kami sa malaki at engrandeng pintuan ng pagdadausan ng reception. Bumalandra sa amin ang mga bisita at sabay-sabay kaming sinalubong. I kissed my wife's temple as we heard the guest Band's song for us..

I had a feeling
That you're holding my heart
And I know that it is true
You wouldn't let it be broken apart
'Cause it's much too dear to you
Forever we'll be together
No one can break us apart
For our love will truly be
A wonderful smile in your heart

When the night comes
And I'm keeping your heart
How I feel so much more secure
You wouldn't let me close my eyes
So I can see you through and through

Binalingan ako ni Gillian at nakitaan ko na naman ng luha ang kaniyang mga mata. Humupa na ang akin dahil wala na akong ibang maramdaman ngayon kundi kasiyahan. Iniisip ko ang mga susunod na araw na totoong asawa ko na siya. I will finally wake up next to her arms. I will be with her in the night and soon we will going to have children that will make our house fill more with beauty and happiness. The day will come in the future that I won't ask for more because I am already contented with the life with her and our kids.

I kissed her temple again and tightly closed my eyes. Ten years... it's such a very, very long time. But I still end up with her because to her is where I truly destined.

"Mahal na mahal kita." Sambit ko habang nakapikit pa rin.

Ito na naman ang luhang nagbabadya. Akala ko at tapos na sila pero sinabihan ko lang siya na mahal ko siya ay umaamba na naman sila. Naramdaman ko ang malambot na kamay ni Gillian sa aking braso. Muli akong nagmulat ng mga mata at naabutan ang malambing niyang ngiti sa labi.

You brighten my day
Showin' me my direction
You're comin' to me
And givin' me inspiration
How can i ask for more
From you my dear
Maybe just a smile in your heart

I'm always dreamin'
Of being in love
But now I know that this is true
Since you came into my life
It's true love that I had found

Oh, I pray that you wouldn't leave me
Whatever may come along
But if you do I won't feel so bad
Just give me a smile in your heart

"Puntahan ko lang sila Audrey, ha." Malambing niyang paalam pagkatapos matapos ng programa.

Malalim na rin ang gabi at ang ilan ay nagsi-uwian na. Ngumuso ako at umaktong nag-iisip pero hinalikan niya ako sa labi at nagtatakbo na paalis sa harap ko.

Ah, really! She still knows how to play.

Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong agad siyang pinalibutan ng mga kaibigan. She's still wearing her wedding dress and she looks so beautiful with that. She flashed her sweetest smile. That's my favorite.

Lumapit sa kaniya sina Kobe at Baste at niyakap si Gillian. Nakita ko rin na lumapit ang ilan pa niyang kaibigan noong college at tumatawa siyang kinausap sila. Napangiti ako habang pinapanood siyang maligaya.

I hope she won't regret marrying me. Sana ay hindi siya magsawa sa'kin. Dahil ako? Hinding hindi ako magsasawa sa kaniya. I loved her in her lowest before, and I will still deeply love her in her lowest in the future. And more so, I will remain inlove when we're both happy. I'll give her the life she deserves. I'll give her the world she always dream. I can't prove that yet now, but I'll make sure that it will happen.

Nilapitan ako ni Dax na siyang best man ko kanina. May mapang-asar na ngisi sa labi niya habang tumatabi siya sa aking pagkakatayo. Hindi ko siya pinagtuonan ng pansin dahil gusto kong panoorin ang aking asawa.

"Naabot din sa wakas!" Bulong ni Dax sa aking tabi.

Ngumisi ako, sakto sa paglingon sa akin ni Gillian. She waved her pretty hands at me and smiled. Kumabog ng husto ang puso ko dahil lang sa ginawa niyang iyon.

What did she do to me? I think I am curse because I can't help falling in love with her more.

"Siya lang ang minahal ko. At siya lang mamahalin ko." Sagot ko.

She is my wildest play... and I won because I married her tonight.

Hindi ko na napigilan at naglakad ako palapit kung nasaan si Gillian. Her friends saw me kaya naman binigyan nila ako ng daan patungo sa asawa ko. Sinalubong niya ako ng yakap at tinuro sa akin ang mga kaibigan niya.

"Si Kobe na lang walang asawa sa'min." Tumatawa niyang imporma sa akin.

I wrapped my arms around her waist and kissed her cheek. Narinig ko ang bahagyang pagtili ng ilang bisita. Lumapad ang ngiti ni Gillian at isang beses hinaplos ang aking pisngi bago nagpatuloy sa kaniyang mga kwento sa kaibigan.

I left but I will always be back to her... because she's my home. Gillian is my home. In her arms is where I truly belong. Her love is what I need in this lifetime.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top