#TWPSimula
Simula
Binuksan ko ang pintuan ng cabin crew at dumiretso palabas. Naka-plaster ang ngiti sa aking mukha habang naglalakad. Natigil pa ako dahil may isang pamilya ng koreano ang nakiusap na kuhanan ko sila ng litrato.
"Thank you," Wikang ingles nito.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating ako at natanaw na ang malawak na karagatan. Sa gitna ng malawak na katubigan, ang buwan na nagiging gabay upang maging liwanag, ang marahang hampas ng alon at ang barko kung nasaan ako... ito ang naging mundo ko sa nagdaang taon.
I leaned a bit towards the railings and watched the dark calm sea. Kitang kita ang replica ng bilog na buwan sa tubig.
"Nandito ka lang pala," Binalingan ko ang kasamahan ko at ngumiti.
"Ilang oras na lang nasa Maynila na tayo."
Tumango ako at tahimik na bumuntong hininga. "Didiretso ka ba sa Laguna?" Tanong ko.
"Oo. Miss na ako nila Nanay,"
We all miss our families. Lalo na kapag nasa gitna ka ng kawalan ng karagatan at walang koneksiyon ng ilang buwan sa kanila, nakakapangulila talaga. So far, this is the longest travel we had. Walong buwan din akong sakay ng barko at hindi nakikita sina Mommy.
"Ikaw? Titigil ka ba sa Maynila?"
Umiling ako. "Wala naman akong kilala sa Maynila."
"Si Baste?"
"Nasa Cavite 'yon."
"Ay oo nga pala."
Nabalot muli kami sa katahimikan. Parehas naming pinanood ang hampas ng alon at pinakinggan ang maingay na makina ng barko.
Napangiti ako ng maalala na minsan kong pinagdudahan ang sariling pangarap. Akala ko noon at hindi na ako makakasakay ng barko... akala ko at hindi na matutupad ang pangarap ko. Pero ngayon at nandito ako, pinagmamasdan ang paborito ko sa mundo: ang karagatan.
The hardest thing in life is doubting your own dream- yourself. Mahirap kapag pakiramdam mo hindi mo kayang abutin ang mga pangarap mo dahil maraming what ifs, ang daming bagay na hindi mo kayang kontrolin at gawin. Nakakatakot gawin ang isang bagay na hindi mo alam kung kaya mo ba talaga. Ang hirap kapag pakiramdam mo hindi para sa'yo ang pangarap mo. But someone believed in me- when I, myself, doubt my own dreams.
Naniwala siya noong mga panahong akala ko wala akong patutunguhan. Pinaramdam niya sa akin na kaya ko, na matutupad ko ang lahat ng gusto ko. When the world seems so dull in my life because I can't find hope for the future, he came and made me feel that I can. He made me understand that if I will not try, I'll never know what will happen next. He taught me that if I let doubt overpower me... my dreams will only be ruined.
And what I realized, having someone who believed in me is enough to believe that I really can.
The night cold breeze from the sea kissed me. Ipinikit ko ang aking mga mata at naalala ang hitsura niya.
Kumusta na kaya siya?
"Tara na, Gillian,"
Nagmulat ako ng mga mata at sumunod kay Chielo. Natigil nga lang ako nang matanaw ang isang pigura ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko at piniling puntahan iyon sa halip na sundan si Chielo.
Tahimik at wala na masyadong tao dahil gabi na. Ngayon lang rin ako nagkaroon ng oras na makapag-ikot dahil abala tuwing araw. Sanay na akong makasalamuha ng maraming tao, iba-ibang lahi araw-araw. Pero ang kabang nararamdaman ko sa puso ko ngayon ay kakaiba habang tinitignan ang isang pamilyar na tindig.
Tumigil ako sa harap ng isang lalaki. My eyes heated with the thought that this is him.
Nilingon ako ng lalaki nang nakangiti, ngunit nang makita ang aking reaksiyon ay kumunot ang noo. I smiled to hide my embarrassment.
"Yes, Miss?" Matigas na Ingles na tanong nito.
"Sorry, Sir, I thought you were the one I know." Paumanhin ko at magalang na umalis sa harap nila.
Pinukpok ko ang sariling ulo dahil sa kahihiyan. Ang kumakabog na puso dahil sa kaba ay napalitan ng pagkakapahiya. Gaano ko ba siya naiisip at napagkamalan kong siya iyon? Nakakainis. Nakakahiya talaga.
"Saan ka galing? Akala ko kasunod kita."
Umiling ako at piniling hindi sabihin sa kaniya ang ginawa ko. Dumiretso kami sa aming kwarto at nagbabad ako sa bath tub para matanggal sa isipan ang nangyari kanina. Pero hobby ko na ata talagang isipin ang lahat ng ginagawa ko dito.
Bakit ko ba naisip na makikita ko siya dito? Kung sa Hospital, pwede pa. Pero dito talaga? Ang dami daming tao sa mundo at ilang libo ang umaandar na barko... imposibleng mag-krus ang landas namin.
Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang hatid na init at lamig ng tubig.
Nagising ako ng maaga at agad nag-ayos para matulungan ang mga pasahero sa kanilang gamit. Tuwid ang aking tindig at hindi maalis ang ngiti sa labi habang nagpapaalam sa mga pasahero. Nang maubos ang laman ng barko ay kinuha ko na ang aking gamit at sumabay kina Chielo papuntang service.
Tulog ako buong biyahe at kumpara sa aming mga nakasakay, ako ang pinaka-malayo.
"Bye, Gillian! Ingat ka,"
Tinanguan ko ang mga kasama kong sabay-sabay na bumaba sa Makati. Kumaway ako sa kanila bago sinarado ang pintuan ng sasakyan. Isinandal ko ang ulo sa aking upuan at pinanood ang nagtatayugang establishemento ng syudad.
Parang ilang taon akong nawala at nakalimutan kong ganito pala ang hitsura ng lupa. Ngumisi ako at piniling matulog na lang dahil malayo-layo ang Cavite.
Nagising ako nang tumigil ang sasakyan at nasa harapan na ako ng bahay namin. Nagpa-salamat ako sa shuttle driver namin dahil hindi ko ugaling magdala ng sasakyan at umaasa lang sa service. Nakakapagod kasi tapos magmamaneho pa ako pauwi, baka ma-aksidente lang ako.
Pumasok ako at dumiretso sa garden kung nasaan si Mommy. Abala siya sa kaniyang binabasa sa tablet kaya hindi niya ako napansin. Niyakap ko siya dahilan nang pagkakabigla niya.
"I'm home," Natatawa kong sambit.
Hinaplos ni Mommy ang aking braso at nag-usap kami saglit. Pinaakyat niya na ako sa kwarto dahil kailangan ko pa daw magpahinga. Nagpaalam ako at tahimik na tinahak ang hagdanan pataas. Ilang oras akong natulog ngunit nagising sa nang-gagambalang tawag galing kay Baste.
"Nasaan ka ba? Nakauwi ka na, ah!" Sigaw niya sa kabilang linya kaya napairap ako.
Tumayo ako at umalis sa kama para makadiretso sa walk in closet. Nangako kasi ako na sasama sa bistro pagkauwi ko. Naroon ang mga kaibigan namin na minsan ko lang rin naman na makasama kaya hindi na ako hi-hindi.
"Bistro-"
"Oo. Ang ingay mo pa rin kahit kailan, Baste!"
Kinuha ko ang isang halter silver top at ang black loose pants ko.
"Kailangan 'yon para mapansin, Gil! Basta bilisan mo. Mauuna na kami nila Aud."
"Si Deanne?"
"Kasama ko rin syempre," Pagyayabang niya kaya umirap ulit ako bago pinatay ang tawag.
Nagbihis at nag-ayos ako ng halos dalawang oras bago nagpaalam kay Mommy na pupuntang Bistro sa Indang. Sumakay ako sa sasakyan ko na nagawa kong pag-ipunan dahil sa aking pagtatrabaho. Dahil mahaba haba rin naman ang naging tulog ko, hindi ako bangag sa pagmamaneho.
Nakarating ako ng safe sa Bistro at sumalubong sa akin ang maiingay kong kaibigan.
"Welcome back, Chief Stewardess!" Sigaw ni Kobe na sumalubong sa akin pero nilagpasan ko.
"Ang sungit mo, ha. Meron ka?"
"Lasing na ba 'to?" Tanong ko sa iba naming kaibigan at umupo sa bakanteng silya. Umupo sa tabi ko si Kobe at nag-ingay.
"Hindi pa nga kami nagsisimula,"
"Bagal mo kasi, Gil."
"Wow. Sorry, ha. Kayo kaya sumakay ng barko ng walong buwan!"
Sabay-sabay silang nag-'woah'. Mga siraulo, hanggang ngayon mga hindi nagbabago.
"Buti ako chill lang," Si Sabrina na agad kong tinaasan ng kilay.
"Malaglag ka sana sa susunod ninyong flight." I said that made them laugh.
"Si Kobe ang Pilot ng sunod kong flight. Sinusumpa ata tayo ni Gillian,"
Nagtawanan kami at kung hindi pa sasabihin ni Baste na um-order kami ay puro kalokohan lang ang pag-uusapan namin.
"Kumusta ang walong buwan sa barko?" Si Audrey habang iniinom ang isang baso ng black label.
"Ayos lang. Home sick."
"Akala ko sea sick." Singit ni Kobe kaya sabay sabay namin siyang binalingan.
"Joke ba 'yon?" Tanong ko na nagpa-bunghalit ng tawa sa iba naming kaibigan.
Inirapan ako ni Kobe kaya naman siniko ko siya dahil napipikon na.
"Huwag na tayo mag-usap-usap!" Pikon niyang sambit at inilayo pa ang silya sa akin.
"Pota, Kobe, ako ang bading dito kaya umayos ka diyan!" Sigaw ni Denzel.
Natatawa kong hinila pabalik si Kobe sa gilid ko dahil napakabilis naman magtampo nito. Hindi naman 'to ganito dati.
"Kunwari ka pa. Gusto mo lang tumabi kay Audrey,"
"Sorry. Not available. Friends lang tayo." Maarteng sagot ni Audrey kaya mas lalong inulan ng asar ang kaibigan naming si Kobe.
"Hanap na kasi ng iba."
Nagpatuloy ang kantiyawan namin at kalaunan ay naging seryoso dahil pinag-usapan na namin ang trabaho. Hindi kami nagkikita-kita araw-araw at hindi rin masyadong nakakapag-usap sa social media kaya sa tuwing may ganito kami ay sinusulit namin.
"May reunion nga kaming basketball group."
Galing ang mga mata ko sa iniinom nang nag-angat ako ng tingin kay Baste. He smiled wearily at me and shrugged. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.
Ito na naman ako... umaasa.
"Hindi ko alam kung pupunta siya." Dagdag niya pa na hindi ko na sinagot.
Ano namang sasabihin ko?
"Wala bang gwapo na Kapitan sa barko? Huwag ka na sa Doctor." Kobe said to break the silence that suddenly arise.
Ngumiti ako at umiling. "Tigilan mo 'ko, Kobe."
"What? Concern lang naman ako sa'yo-"
"Ayos lang ako." I said and drunk the liquor on my hand.
Hindi sila umimik at nagbago ng pinag-uusapan. Tumahimik na lang ako at hindi ko na nagawang makisali sa usapan dahil sa sinabi ni Kobe.
"People move on, Apple."
"Huwag ninyong ipakita."
Narinig ko ang pagbubulungan nila kaya itinaas kong muli ang tingin sa kanila. Hilaw silang ngumiti at tinago ang cellphone na hawak. Nakita ko ang pagtatago ni Baste noon sa likod niya at dahil kuryuso ako, mabilis akong tumayo at inagaw sa kaniya ang cellphone. Hindi niya agad ibinigay sa akin at mabilis na iniwas sa akin ang cellphone.
"Ano 'yan?" Tanong ko.
"Wala!"
Naningkit ang aking mga mata. Nag-iwas siya ng tingin at bumalik sa upuan niya. Tinignan ko si Deanne at ngumisi ito sa akin bago pumunta sa silya ko. Umupo ako sa tabi ni Baste at pinilit na inagaw ang cellphone.
"Ano kasi 'yan?!" Naiinis ko ng tanong.
"Wala 'yon, Gil. May tatanong-"
I cut Apple's words and glared at them. Tumahimik sila at si Kobe lang ang nagtangkang tumawa kaya binato ko siya ng chips na nasa plato.
"Hoy masamang magtapon ng pagkain!" Alma niya.
"Ikaw itapon ko."
Nakita ko ang pasimpleng pagtatago ni Baste sa phone niya kaya agresibo ko iyong kinuha. Sabay sabay silang suminghap nang maagaw ko. I rolled my eyes and open Baste's Iphone. I frown when I saw what they are talking about.
"Gillian," tawag nila pero hindi ko magawang pansinin dahil titig na titig ako sa litratong nakikita.
My heart rippled and my eyes heated.
Isang lalaki na malapit sa aking puso... may hawak na bata. He's smiling while holding the child in his arms. Nakasuot pa siya ng laboratory gown... damn, he looks different. I can't remember that he was this good looking wearing that.
"Uh..."
Ibinagsak ko ang cellphone sa lamesa at mabilisang ininom ang alak. My eyes moist because of the verging tears but I tried my best to not let it down. I bit my lower lip and higher my gaze so my tears won't have the choice to roll down.
"Gillian-"
"Okay lang ako." Mabilis kong sagot, contradicting what I am really feeling.
Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Parang dinudurog ang puso ko. 'Yong utak ko parang lumulutang sa hangin dahil hindi ko magawang makapag-isip ng ayos.
"Sampung taon na rin naman,"
"I know." I said, almost stuttering.
10 years! Matagal na panahon pero umasa pa rin ako. Kasi sabi niya...
"Baka naman hindi niya anak."
"Maraming pwedeng mangyari sa loob ng sampung taon, Lallain. Hindi imposible na magkaroon ng pamilya si Archie."
Nag-iwas ako ng tingin at pumikit ng mariin.
"Gillian-"
"Sabing okay nga lang ako! Kung may pamilya na siya, edi okay." I looked at them and showed them that I am just really fine.
Namungay ang mga mata nila at mabilis akong nilapitan ni Audrey. Niyakap niya ako at gano'n lang, para akong bata na umiyak sa kaniya. Pinilit kong ngumiti pero hindi ko magawa dahil ang luha ko ay tuloy tuloy na naglandasan.
"Okay nga lang ako..." Pilit kong sinabi habang umiiyak.
"Hindi na siya nagparamdam sa nag-daang taon. Hindi niya sinabi na may pamilya na siya... but I will ask him when we see each other-"
Humiwalay ako kay Audrey at umiling kay Baste.
"But-"
Patuloy akong umiling habang naiiyak. Pinalis ko ang luha sa aking mga mata at pinilit na ngumiti.
"Okay lang talaga ako. Minsan na nga lang tayo magkita-kita tapos ganito pa." Tumawa ako at itinaas ang baso ko.
"Cheers!" Sigaw ko na hindi naman nila ginaya dahil nanatili ang titig nila sa akin.
Nagkibit balikat ako at ininom ang alak.
I chew my tongue to stop myself from bursting out.
It's been 10 years. Maraming nangyari pero...
Akala ko ba hihintayin niya ako,
Sabi niya babalik siya,
O baka naman umasa lang talaga ako na may babalik pa.
Masaya na siya...
Hindi niya tinupad ang pangako niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top