#TWP35

Entry 35

Ilang oras pa kaming nanatili sa bar pagkatapos niyang mag-propose. My friends can't just let me go after that and still asked for stories kahit na pakiramdam ko naman ay alam na nila. I waited for Archie for ten years, and even with those years, my love for him didn't fade. Tinanggap ko ang alok niyang kasal dahil nakakasigurado na akong hindi na ako magmamahal ng ibang lalaki bukod sa kaniya... unless it's our son.

Maraming bumati sa'min, kahit hindi namin kakilala ay natuwa sa supresa ni Archie. Ipinakita pa sa'kin ni Denzel na agad may nag-post ng video'ng iyon sa social media. Naisip ko kaagad si Mommy na makita iyon at biglang atakehin sa puso dahil sa bigla.

Nilingon ko si Archie na hanggang ngayon ay hindi pinuputol ang titig sa akin. Those same eyes I admired years ago. Nginitian ko siya nang mapansin ang pamumungay ng kaniyang mata. Hinaplos niya ang aking kamay at mas inilapit pa sa akin ang mukha, para bang hindi sapat na magkatitigan lang kami.

"Kung hindi magtatanong si Mommy, or kung hindi aabot sa kaniya ang balita ngayong gabi, pwede bang bukas ko na lang sabihin sa kaniya?" Tanong ko sa kaniya.

He licked his lower lip as he slowly nodded.

"Sasabihan ko rin sina Tita. Mamamanhikan ako."

Umusbong ang hindi ko mapangalanang kaba. Ang pintig ng aking puso ay tila kasing bilis ng nagkakarerahang mga kabayo.

Totoo na ba talaga?

Nangilid ang luha sa aking mga mata at alam kong napansin niya iyon. Hinawakan niya ang aking pisngi at nag-aalalang tinitigan ako sa mga mata.

"Archie, sobrang saya ko." Naiiyak akong umiiling dahil hindi ko alam na posible palang maging ganito kaligaya.

Ang sayang ipinaparamdam niya sa akin sa nagdaan ay mas dumoble ngayong gabi. Ang maisip na papakasalan ko siya, tila isa pa ring panaginip. But, dreams do come true when it's meant for you. Pumikit ako ng mariin at pinagpahinga ang ulo sa balikat ni Archie. Bumagsak ang tingin ko sa magkahawak kamay naming dalawa.

I never run out of dreams because I still feel so unsuccessful. I want a simple life with the people I love. I want to cherish every time of my breathing with the life I dreamed living in. At ngayong gabi, abot kamay ko na iyong natutupad... nang dahil sa kaniya.

"I am much happier, baby." He whispered and gave me an assuring kiss on my cheek.

Bumalik ang mga kaibigan ko at inulan kami ng asar dahil hindi na kami bumalik sa dance floor. Audrey and Apple are both loud dahil na rin siguro sa maraming alak nilang nainom. Nag-aalala ako kung paano sila uuwi pero sinabi ni Kobe na susunduin naman daw sila ng kanilang mga asawa.

"Kailan ang bridal shower?" Nginisian ako ni Sabrina.

Nilingon ko si Archie na galing sa mga kaibigan ko ang tingin bago ibinalik sa akin. Ngumuso ako at tinaasan siya ng kilay. Hindi ko alam isasagot sa mga kaibigan ko.

"I'll set a schedule for our family dinner first before we proceeded on planning the details of the wedding." Sagot niya para sa mga kaibigan ko.

Muli silang naghiyawan at may panibagong wine na namang binuksan si Baste. Sinaway ko siya dahil nag-aaksaya siya ng pera pero wala daw siyang pakialam dahil magpapakasal na ako. Tinawanan ko sila nang sabay-sabay silang tumayo at parang mga baliw na naghihiyawan.

"Pasalamat ka, Archie boto ako sa'yo. Kung hindi, hindi ako makikiisa sa plano mo!" Sigaw ni Sabrina.

Bahagyang gumuhit ang kunot sa noo ko sa narinig.

"Kahit matigas ulo niyang si Gillian, hindi nakikinig sa'kin, alam kong mapapa-oo mo 'yan sa proposal mo!" Dagdag ni Baste.

"Anong sinasabi ninyo?" Naguguluhan kong tanong.

Kahit may naiisip na ako ay gusto kong marinig mismo mula sa bibig nila ang kasiguraduhan ng hinuha ko. Pahisterikal na tumawa si Denzel kasabay si Kobe kaya masama ang tinging ipinukol ko sa kanila.

"Ang sama mo namang maningin, Gillian. Hindi ba pwedeng thankful ka na lang dahil supportive kami sa mga plano ng future husband mo?"

"You planned all this?!" Gulantang kong tanong at binalingan si Archie.

Naabutan ko ang ngisi sa labi niya kaya naman hinampas ko ang dibdib niya. Hindi sa hindi ako natutuwa, alam kong may kakaiba na talaga simula noong tinawagan nila ako at sinabing lahat sila ay nandito. It can't be just coincidental.

"Oo, Gil. Kung hindi kami tinawagan ni Archie baka hindi na namin nalamang nagkabalikan kayo."

"Ang daya mo nga. Kaibigan kami pero huli kami sa balita."

Pagtatampo nila.

"Kayo nga unang nakaalam na papakasalan ko 'tong Doctor na 'to!" Balik ko sa kanilang paninisi.

Nagtawanan sila kasabay ni Archie kaya sumimangot ako. Tumabi sa'kin ang lasing si Audrey at inabot sa akin ang hawak na shot glass.

"Dapat kasali kami sa mga brides maid mo, ah. Tagal kong hinintay na pakasal ka. Akala ko pa mauuna ka sa'kin." Natatawa niyang sambit.

"Malay mo hindi matuloy." Pagbibiro ko.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit sa akin ni Archie kaya binalingan ko siya. Dumilim ang kaniyang titig habang nagtitiim bagang.

"Don't say that." Aniya sa matigas na ingles.

"Biro lang 'yon."

"Lahat ng lumalabas diyan sa bibig mo nagkaka-totoo, huwag kang magbiro ng gano'n."

Tipid akong natawa sa sinabi niya. Suplado niya akong inirapan kaya mas lalo akong natawa. Hinagilap ko ang kaniyang panga at nilambing siya.

"Feeling mo ba hindi matutuloy?" I asked him.

Nagkasalubong ang makakapal niyang kilay. Mariin niya akong tinitigan at hinuli ang kamay kong nakahawak sa kaniyang mukha.

"I'll make sure it will happen. Unless you want to back out."

Ako aatras? Pangarap ko ngang pakasalan siya tapos aatras ako? I didn't gone through a lot just for nothing. I need a happy ending with him.

"Hindi ko gagawin 'yon."

"Of course you won't."

"Ewan ko sa'yo, Archie. Gulo mo." Kinuha ko ang nilapag ni Audrey na liquor sa lamesa.

Uminom ako doon habang nararamdaman ko pa rin ang mahigpit niyang yakap sa aking tagiliran. Pagkatapos ng ilang pang kwentuhan tungkol sa kung paano sila kinontak ni Archie ay nagpasya na kaming umuwi.

Sumakay ako sa Jaguar habang pinapanood ako ni Archie. Gusto niyang sumabay ako sa kaniya pero walang mag-uuwi ng sasakyan ko kaya naman nagkasundo kaming susunod na lang siya sa akin.

Pinaandar ko ng mabilis ang sasakyan sa kalakhan ng EDSA at nakita ko sa rear mirror ang mabilis na pagsunod rin ni Archie. Natawa ako at naisipang asarin siya. Malinis at madilim na ang daan sa EDSA kaya kampante akong hindi maaaksidente. Tumunog ng malakas ang cellphone ko kaya naman sinuot ko kaagad ang earphone na konektado doon.

"Are you crazy? Stop that or we will abandon your car here." Galit na tono ni Archie ang sumalubong sa akin nang sagutin ko ang kaniyang tawag.

Binababaan ko ang patakbo sakto sa pagsulpot ng kaniyang sasakyan sa aking gilid. Ibinaba ko ang bintana at ganoon din ang ginawa niya. Nginisian ko siya at nagawa pa siyang kawayan ngunit hindi niya iyon sinuklian.

"Focus on the road and make sure you'll drive in normal speed." May pagbabanta sa boses niya kaya naman natatawa pa rin akong tumango sa kaniya.

Hindi niya ibinaba ang tawag habang nagpatuloy kami sa pagmamaneho. Nauuna ako sa kaniya, kapag malawak ang daan ay sinasabayan niya ako. Nakarating kami ng Cavite alas tres ng madaling araw at agad kong pinasok ang sasakyan sa garahe. Bumaba ako at hinarap si Archie na hindi na bumaba sa kaniyang sasakyan pero bukas ang katabing bintana.

"I'll set a schedule tomorrow for a dinner. You can also start planning for the details if you already have things in your mind." Aniya.

Lumapad ang ngisi sa labi ko at humawak sa bintana niya para maabot ang mukha niya. I kissed him passionately and if he's just not only inside his car ay paniguradong mas pinalalim ko pa iyon. Humiwalay ako sa kaniya bago tumango bilang pag-sang-ayon sa sinabi niya.

"Good night," Hinawakan ko ng isang beses pa ang kaniyang mukha bago ako umatras paakyat ng hagdanan.

Binuksan ko ang pintuan ngunit hindi kaagad ako pumasok. Muli akong tumalikod para makita siyang namumungay ang mga mata at may ngiti sa labi. He mouthed 'good night' and 'I love you' before he rolled up the window of his car.

Pumasok ako sa bahay at para akong nakalutang sa ulap habang tinatahak ang daanan. Humiga ako sa kama at kaagad nakatanggap ng mensahe sa kaniya. Sinabi niya rin sa akin ang oras ng dinner mamaya. Umusbong ang kaba sa akin dahil pagkagising ko mamaya ay ibabalita ko ang nangyari kagabi kay Mommy. I texted him back of how nervous I am but he assured me that my Mom won't be shock at all.

Tinaasan ko ng kilay ang sagot niya dahil there are still things that didn't change. Ang yabang niya pa rin.

Pagsapit ng umaga ay halos magwala si Mommy sa gulat sa binalita ko sa kaniya. Dumating si Archie at dinaluhan kaming parehas para magalang na ipaalam sa kaniya ang plano naming dalawa. Umupo si Mommy sa silya at nasapo ang noo. Humawak pa siya sa kaniyang dibdib na para bang hindi siya natutuwa.

Nilingon ko si Archie na katulad ko ay nag-aalala sa naging reaskiyon ni Mommy. Paano kung hindi siya pumayag?

"Gerald, magpapakasal na ang anak mo." Narinig ko ang pagkakabasag sa boses ni Mommy kaya bumalik ang tingin ko sa kaniya.

Tumaas ang tingin niya sa aming dalawa ni Archie at kahit nakangiti ay bakas naman ang pagluluha sa mga mata niya. Tumayo siya at nilapitan ako para sa mainit na yakap. Gumaan ang pakiramdam ko dahil inakala kong hindi siya natutuwa.

"I will properly ask her hand to you tonight, Tita." Archie politely informed my mother.

Ibinigay ni Mommy ang atensiyon niya kay Archie at hindi mapawi ang ngiti sa labi habang pinagmamasdan ito.

"Makikilala ko na rin sa wakas ang pamilya mo." Natutuwang sambit ni Mommy.

Ngumiti ako habang pinagmamasdan siyang masaya. Tumaas naman ang tingin ko kay Archie na nakikinig ng mabuti sa mga sinasabi ni Mommy. Umalis siya noong matapos si Mommy at nagsimula naman ang panibagong araw ko. Inayos ko ang aking susuotin mamayang gabi at nakatanggap din ako ng email galing sa Okada at pinagsisimula na ako bukas.

Pagsapit ng kinagabihan ay sinundo kami ni Archie. Nakarating kami sa isang mamahalin at malaking restaurant. Katulad nang naging date namin ay pribado ang kwartong kinuha ng pamilya niya. Sinalubong ako ng Tiya niya nang isang beso at yakap. Ganoon rin ang ginawa niya kay Mommy.

"It's been years, Gillian. How are you?" Bakas ang tuwa sa boses niya na nagpagulat sa'kin.

Alam kong naayos ang opinyon niya sa akin simula noong umalis ang kaniyang pamangkin. Pero hindi ko inakala na sa pagkikita naming ulit ito ay ganito ang magiging trato niya. She welcomed me like she's happy with Archie's decision of choosing me.

Umupo kami sa mahabang rectangular na lamesa. Nasa tabi ko si Archie, nasa kabisera ang Tito niya samantalang si Mommy at ang Tita ni Archie ay nasa harap naming dalawa. Nagsimula ang pormal na paghingi ni Archie sa kamay ko. Hindi maalis ang ngiti sa labi sa dalawang Ginang kaya naman ang nararamdaman kong kaba sa dibdib ay unti-unti ring napawi. Binalingan ko si Archie na nakikinig ng mabuti sa kaniyang Tiyahin.

May sinabi sila tungkol sa desisyon naming pagpapakasal.

"It's a lifetime decision, Archie and Gillian. Meron mang proseso na pwede kayong maghiwalay sa papel, marriage is still more than a paper. You will promise yourself with each other in front of the Creator. At hindi biro ang pagpapakasal. In marriage, you don't only need to remain in love, you need to learn to be compassionate, understand each other every time and stick together no matter what. Dahil maraming problemang kinakaharap ang bumubuo ng pamilya. There come circumstances where you will feel tired and feel like you're both losing the love."

Naramdaman ko ang pag-angkin ni Archie sa aking kamay na nasa ilalim ng lamesa. Hinarap niya ang Tiyahin at tumango bilang pag-sangayon.

"I can't promise that there will be no problems ahead on us, Tita," Aniya sa tiyahin at ganoon rin sa Mommy ko. Nilingon niya ako bago siya nagpatuloy sa pagsasalita.

"But I promise to give her the life she deserves. There will be arguments and misunderstandings and other problems between us in the future but I'll make sure that this love I have for her will remain the same like it's always new for us. Mamahalin ko siya araw-araw kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya ngayon. I'll make sure that we will grow like the married couple we wanted to be."

Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang pagsasalita niya. Nangilid ang luha sa aking mga mata at bago pa mangyari ang mga iyon ay hinarap ko na rin sina Tita at Mommy. Naabutan ko ang paghihintay nila sa'king magsalita rin.

"Life is always uncertain, that is what Mommy taught me." Naluluha kong nginitian si Mommy.

Nginitian niya rin ako pabalik. Tumaas ng kaunti ang aking tingin para mapigilan ang pagluha.

"But this love I have for him, I know it's real and will last until the end. Through the bad times ahead of us, like him, I'll make sure that we will not act impulsive and will try our best to always understand each other. Our love has been tested and will continue to be tested but I won't give this up even world will crash. I only love him since then..."

Hinalikan ako ni Archie sa pisngi bago nabalot sa katahimikan ang buong pasilidad. Nangingiti ang tatlong matanda sa aming harapan bago sila tumango. Nagpatuloy ang usapan at pormal na dinner. Naging magaan ang usapan at napunta sa nakaraan. We reminisced and they were amaze on how our love stick despite the long years. Miski ako ay namamangha dahil tunog imposible ito.

But like dreams, there is no impossible in love.

Time smoothly went on after that dinner. I started my work under the Okada. Uwian ako sa Cavite kahit medyo gahol ako sa oras. Madalas din ang nagiging pagsundo sa akin ni Archie kahit hindi na kailangan iyon dahil pagod siya sa trabaho. Maganda ang naging unang buwan ko kaya naman nag-celebrate kaming dalawa ni Archie sa unang sahod ko sa bagong trabaho.

Nagsimula na rin ang pagpaplano ko sa darating naming wedding. We decided to have a night wedding on June. Iyon ang napili naming buwan dahil sinakto namin iyon sa unang gabi ng full moon. Gusto ko sana na strawberry moon ngunit siyam na taon pa ulit bago siya mangyari, at hindi kami maghihintay ng gano'n katagal para lang makasal.

His Tita is the one who suggested a wedding organizer. Hindi ko maipagkakaakilang tunay itong magaling dahil nabanggit nito ang ilang kasal na inorganisa niya. They are the one who organized Heart Evangelista's wedding. Wow. Pero hindi nakakagulat na kilala sila ni Tita dahil isa naman sa mayayamang pamilya ang pamilya nila Archie.

"Can I see your gown?" Tanong ni Archie habang inaayos ko ang aking gamit sa loob ng walk in closet niya.

Isang linggo na lang bago ang kasal namin sa The Lake Hotel sa Tagaytay. We waited almost five months before we finally felt that we're now really getting married. Ngumiti ako bago lumabas at sinalubong siya na nasa kama at nakaupo.

Mommy decided na ilipat ko na ang lahat ng gamit ko sa bahay ni Archie. Ang sabi niya sa akin ay pinagawa niya ang bahay na ito two years ago para sa magiging pamilya namin. Natawa pa ako dahil ang laki ng kasiguraduhan niyang ako ang mapapangasawa niya. Pero nagpapasalamat din ako dahil ako lang ang nasa isip niya habang iniisip ang kinabukasan.

Umupo ako sa tabi niya at niyakap siya patagilid. "Bawal. Surprise 'yon." Sagot ko.

"Tss. I know you'll look beautiful."

"Baka umiyak ka, ha. Walang iyakan." Paalala ko sa kaniya.

Dinungaw niya ako at nanghahamon na tinignan ako sa mata. "I won't cry. Baka ikaw, cry baby ka, e."

Sumimangot ako at hinampas siya sa dibdib. Hindi ako makatanggi sa hinuha niya dahil nakakasigurado rin naman akong iiyak ako. Tinawanan niya ako at inasar pa ng ilang ulit bago kami lumabas para sa finalizing ng wedding plans.

"Sent invites to Geraldine, ha." I reminded him before I started entertaining the organizer.

Lumabas ako ng van, madilim pa ang paligid at malamig ang simoy ng hangin. Dumiretso kami sa Room ng The Lake Hotel Tagaytay kasama ang mga make up stylists and designers.

"Gillian," Mommy called behind me.

Nakatingin ako sa salamin habang seryoso akong inaayusan. Nakita ko ang repleksiyon ni Mommy sa salamin na nakangiting nakatingin sa akin. Ngumiti rin ako pabalik sa kaniya.

The June came so fast like a whirlwind. Siguro ganoon kapag sobrang nasasabik. Parang kailan lang noong inalok ako ni Archie nang kasal ngunit nandito na kami ngayon. I didn't saw him yesterday dahil hindi kami pinayagan ni Mommy na magkita. Gusto kong i-text siya ngunit pati iyon ay hindi pinagbigyan ni Mommy. Alam kong nasa ibang kwarto lang siya ngayon kasama ang kaniyang mga Groom's Men pero pakiramdam ko parang ilang milya ang layo naming dalawa.

My god, miss ko na kaagad siya kahit isang araw palang kaming hindi nagkikita.

"Your father is surely happy in heaven seeing you now marrying the man you love." Nakangiti niyang sambit.

Lumabi ako at agad naramdaman ang pagbabadya ng mga luha sa aking mga mata. I once wish to find someone like Dad. I once dream to have the love like them. Sana ay nandito si Daddy para makita niya kung gaano ako kasaya sa pagpili kay Archie dahil katulad niya, wala siyang ibang ginawa kundi mahalin ako. It's just sad that in my most special moment like this in my life, wala siya.

"Mother, huwag naman nating paiyakin ang bride." Natatawang wika ng nag-aayos sa'kin.

Tumawa rin ako para umatras ang aking mga luha. Lumapit sa akin si Mommy at hinawakan ang aking kamay. Muli niya akong ginawaran ng ngiti bago hinalikan ang aking kamay.

"I am happy for you, anak." Naiiyak niyang sambit.

"Huwag muna tayo mag-iyakan, Mommy. Baka pangit ako sa kasal namin." Pagbibiro ko.

Halos buong araw akong nasa kwarto at inaayusan. Dumating sina Apple, Sabrina, Lallaina, Audrey, Cassie, Eliona at Chielo. Sila ang Bride's maids' ko. Pumasok sila sa loob na nakasuot na ang mga puting gowns, samantalang naka-roba pa rin ako.

Nilapitan nila ako at niyakap. Nagtawanan kami nang maramdaman na umaamba ang pagluluha sa aming mga mata.

"I am very happy for you, Gillian." Sambit ni Sabrina habang nakangiti sa akin at nangingilid ang luha sa mga mata.

Ngumiti ako sa kaniya pabalik nang maalala na siya ang unang nagsabi sa'kin noon na gusto niyang si Archie ang maging end game ko. Kinagat ko ang labi ko at sinaway sila sa pagiging emosyonal dahil dapat ay masaya kaming lahat.

Pumasok ako sa isang kwarto pa at nakita roon ang aking wedding gown. Tinulungan ako ng mga staff na suotin ito. Iniligay din nila sa aking ulo ang belo at pagkatapos noon ay dumiretso ako sa malaking salamin at nakita ang buong repleksiyon ng sarili.

It's an A-Line ball gown with V neck bodice accented in moonstone and crystal beading. A plunging V back, embroidered appliqués, and a detachable Sequined Tulle underskirt. I looked so ready to marry him. I really look like a Bride tonight.

Lumabas ako at agad kaming kinuhanan ng litrato ng photographer. Denzel is also filming us with his team. Lumabas kami at sumalubong sa amin ang nag-aagaw na liwanag at dilim. Nagsimula kaming kuhanan ng video at subukan ko mang tumingin sa paligid para magbaka sakali sa presensiya ni Archie ay wala naman siya.

Tumunog ng malakas ang orasan na naghuhudyat na ito na ang oras para sa pag-iisang dibdib namin ni Archie. Ibinalot sa akin ang belo habang nasa harap ako ng kulay puting pintuan na naghaharang sa akin patungo kung nasaan siya.

Hawak ko ang kumpol ng sunflower at isang beses itong inamoy bago itinuon ang pansin sa harapan. Dahan-dahan ay bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang madilim ngunit maliwanag na kapaligiran galing sa mga ilaw at sa hugis bilog na buwan sa langit. Nakatunghaw ang pwestong ito sa harapan ng lawa, kung saan tanglaw ang taal.

Nagsimulang tumunog ang instrumental ng 'When You Say Nothing At All' habang nagsisimula na akong mabagal na maglakad sa gitna. Sa dulo nito ay kitang kita ko si Archie na nakatitig sa akin, ang nasa kaniyang tabi ay ang Tiyuhin at si Dax na kaniyang bestfriend at ilan pang kaibigan at pinsan.

Ngumiti ako habang sa kaniya lang nakatuon ang aking atensiyon. Nangilid ang aking luha habang unti-unti akong nakakalapit sa kaniya. Namilog nga lang ang mga mata ko nang makita ko siyang hinihilot ang taas ng ilong at tumingala. Muli niyang ibinalik sa akin ang mga mata at mas lalong nadepina ang sakit sa aking puso nang makitang umiiyak si Archie.

Ang kirot sa aking puso ay hindi dahil sa nasasaktan ako, kundi dahil tunay akong maligaya sa gabing ito. Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang sarili na lumuha habang nakikita siyang namumula at parang gripo na bumubuhos ang luha sa mga mata niya.

Baby, don't cry, please. We will be going to marry tonight.

Inilahad niya sa akin ang kaniyang kamay habang patuloy niyang pinipigilan ang pagluha.

"Bakit ka umiiyak? Sabi mo hindi ka iiyak." Natatawa ngunit naiiyak ko ring paalala sa sinabi niya.

Umiling lang siya at hindi nagawang magsalita. Ngumiti ako at inilapat ang aking kamay sa kaniya. Naglakad kami papunta sa harapan at nagsimula ang seremonyas. Huminahon si Archie pero ramdam ko pa rin ang kaniyang panginginig dahil sa pag-iyak.

And when it's already time for our vows, hinarap ko siya. Namumula ang kaniyang mga mata habang nakatitig ng diretso sa aking mga mata.

"If not you until the end, I rather spend this lifetime alone." Nanginig ang aking boses habang sinisimulan ang pagbabasa sa aking vow.

Kinagat ko ang labi bago nagpatuloy.

"I overcome my insecurities when it comes to swimming because you taught me to take risk. I overcome my insecurities to acad because you made me realize that acad will never be the measurement of my future. You taught me that my only competition is myself and not anyone else. And most of all, I overcome my doubt to myself because you believed in me. My dreams become possible because you believed in me. Tinuro mo sa akin na hindi ibang tao ang kalaban ko kundi ang sarili ko lang. Na inorder for me to reach my dreams, I need to believe that I can."

Tumulo ang luha sa aking pisngi pero agad ko silang pinalis

"You made me realize that my dreams are only impossible if I Iet my insecurities and doubts overpower me. Because even though that doubts made our dreams alive, dreaming will remain only a dream if I do not goal to achieve it. You taught me that I don't need to be fearless; I just need to not let my fear stop me. And you made me feel that even the world stops believing in me, you are always there for my back and supporting every little thing I do. Ikaw 'yong nandiyan noong mga panahong hindi ako sigurado sa pangarap ko. Naniwala ka sa'kin noong mga panahong hindi ako naniniwala sa sarili ko. You made me believe that my dreams, even they are hard to reach; I can still fly to the moon with them."

Reading is getting harder and harder. I am now bursting out in cry but I need to continue. Tumaas ang tingin ko kay Archie at matamis siyang nginitian.

"Naroon ka rin noong mga panahong nahihirapan ako. You never left me in times I needed a company the most. Pinaramdam mo sa'kin na mahal na mahal mo ako. Pinaramdam mo sa'kin ang kapayapaan na kailanman hindi ako sigurado kung mararamdaman ko din sa iba."

I paused and let myself breathe before I continue again.

"It all started with my wilderness and we both agreed to play... but we end here in the altar because above made sure that I will end up to the person who first believes in me. And that is you, Archie. You believed in me. Thank you for making me understand that insecurities, doubt, and pain are always part of our lives because it only means that they make our dreams alive. Thank you for believing and loving me despite everything. Thank you for not leaving my side when the days are dark. You were always there for me and I always feel at peace whenever you hug me. I don't know how my days from the past would look like if I didn't meet you. It will be so boring and dull. Thank you for coming into my life and changed every bad aspect of my life into a brighter one. I love you, Archie. Nagdaan man ang mahabang panahon na hindi tayo nagtagpo, I still remained in love with you. And I want to spend the rest of my life with you."

I heard the guest's claps and slightly 'aw's' pero hindi ko sila pinansin. Pinanatili ko ang aking tingin sa lalaking tanging mahal at mamahalin ko. Ngumiti siya sa akin bago inilabas ang sarili niyang papel. I heard Dax's teasing words on how long his paper is. Bahagyang natawa ang mga panauhin ngunit agad din silang nanahimik nang magsimula si Archie.

And hearing him speak, agad na lumandas ang luha sa aking mga mata.

"Do you remember that day when I asked you to play with me?" Tumulo ang kaniyang luha.

Gusto ko siyang lapitan at hawakan. Gusto kong haplusin ang kaniyang pisngi at sabihin sa kaniyang huwag umiyak ngunit hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

"Hinila kita sa Hydro Manila, that was year 2020. 13 years ago to be exact when I fall for you... hindi ko alam na posible palang tumagal ang nararamdamang 'to. Maybe it really can. Dahil sabi nila kapag mahal mo ang isang tao, kahit gaano pa siya kalayo, kahit hindi nagkikita, if love is real, it will remain until the end. And yes, Gillian, it was true. I never had eyes for anyone else because you already own my heart. Ni hindi nito magawang makinig sa ibang pangalan dahil gusto nito ikaw lang."

Mas lalong umiyak si Archie. Naging emosyonal na rin ang mga guest.

"You're not my type. I just want you for playings and nothing serious. Akala ko, hindi ka iba. Akala ko kaparehas ka lang nila. But when I learned to know you... when you opened up with me... I don't know how it happens but I just suddenly felt a pang in my heart. I saw you smile, I saw you laugh but I also saw you cry, I saw you in pain. I was there when you told me that you're tired but you remained fighting. I saw you in your downfalls but I never had the chance to clap in your success because I left."

Mas bumuhos ang luha sa aking mga mata nang banggitin niya ang nakaraan. I didn't expect that. I thought he already forget about all those. He really did pay attention and brought those memories until now.

"You always wished to the moon for our love to be true. I saw how your eyes glitter everytime you look at the lights of the city at night. I saw how you dream wildly. And I always wonder how is it to be part of your world?" Tumaas ang tingin niya sa akin at naiiyak akong ginawaran ng ngiti.

"Remember when you always asked me if you're pretty? Remember when you like to boast that you're sexy?"

Nabalot sa tawanan ang buong lugar dahil sa tanong na iyon ni Archie. He slightly laughed, too but his eyes remained watered.

"You really are. You are perfect in my eyes. But you're beauty outside is not only the reason why I fell..." He took a long pause to breathe before he continued.

"You taught me things, Gillian. Including that plays aren't always fun... it's heartbreaking and painful. Dahil kapag hindi mo kinaya ang kalaban mo, matatalo ka. It is a battle between me and myself alone. I learned to love you that it is hard for me to let you go. Pero tinuruan mo akong umalis para abutin ang pangarap ko. Kagaya mo, nangangarap lang rin ako. At kahit gusto kong manatili... alam kong hindi iyon ang gusto mo. Like you, I know that you want me to dream. Like you, I know that you want me to succeed. And when I did, I want you again. With no plays... but still love your wilderness. Because that is what made me look deeper in you."

Kinusot niya ang kaniyang mga mata dahilan para matigil siya ulit ng ilang segundo sa pagsasalita. Sinulyapan niya ulit ako na para bang ayaw niyang mawala ako sa paningin niya kahit nagbabasa siya. Itinago niya ang papel at ibinigay sa akin ang buong atensiyon bago nagpatuloy sa pagsasalita ng walang kodigo.

"That you're not just the Gillian who knows how to play... what I saw is the Gillian who loves selflessly and passionately. At nagpapasalamat ako na ako ang nakaranas ng pagmamahal mo. You made me fall so hard, baby. And I don't think I could even escape this anymore. I am now tangled to your wilderness... happily. I want to spend the rest of my life with you and with the family we will build. Katulad noon, ikaw lang ang gusto kong maging nanay ng mga anak ko. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay. My home is wherever you are. I can't imagine my life without you again, 10 years has been my dullest years and I don't want to be there again. Kaya nangangako ako na ikaw lang ang iibigin ko sa pang-habang buhay na ito. Sabay nating haharapin ang hinaharap at magkasama tayong lalabanan ang mga pagsubok. Hindi kita iiwan at sana huwag mo rin akong iwan. Mahal na mahal kita, Gillian Haidee."

He ended his vow with a cry and sob. Kinagat niya ang labi at hinawakan ako sa kamay bago kami muling humarap sa magbabasbas sa aming dalawa. Habang nagsasalita ang nasa harapan namin ay hindi ko maiwasang sulyapan si Archie. He's seriously listening while I can't help staring at him.

"Forasmuch as Bride and Groom have consented together in holy matrimony, and have pledged their love and loyalty to each other, and have declared the same by the joining and the giving of rings, by the power vested in me, and as witnessed by friends and family, I now pronounce you husband and wife." The Judge pronounced.

Itinaas ni Archie ang aking belo at muling bumagsak ang mga luha niya nang magtagpo ang aming mga mata. Hinawakan niya ang aking panga bago iginiya ang aking mukha palapit sa kaniya. He kissed me on my lips gently. I heard the people clapping and the flashing of cameras.

There's a spark I heard. Natapos ang halik at sabay naming tiningala ang langit na puno ng mga magagandang kulay ng fireworks. Together with the clouds and moon, the fireworks add up to the beauty of this night. Niyakap ako ni Archie at hinalikan ako sa aking noo.

But this can't be completely beautiful without him. He's the main reason why this first night in June is beautiful. I lifted my eyes on him and there I saw in his eyes the vast cosmos I always admire.

"I love you so much, Mrs. Gillian Haidee Trinidad." He happily uttered.

Ginawaran ko siya ng mas matamis na ngiti. "I love you more, my husband."

With him, I am now certain of the future. Even if it is not a strawberry moon, our love remains true.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top