#TWP32

Entry 32

"Uh..." nanginig ang aking boses.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa sinabi niya. Inilipat ko ang tingin ko sa kaniyang mga mata at naabutan itong malalim na nakatitig sa akin. Seryoso ang kaniyang ekspresyon ngunit unti-unting sumilay ang ngisi sa labi niya.

"Let's eat. Mas lalo ka atang namayat..." Aniya sa isang hindi tapos na pangungusap, tila ba ay may ipinapahiwatig siya.

Hindi agad ako nakagalaw samantalang siya ay nagsisimula nang kumain.

Bumalik siya dahil sa'kin? At wala siyang asawa. Ibig bang sabihin... mahal niya pa rin ako?

Bumagsak ang mga mata ko sa pinggan. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi bago inabot ang mga kubyertos para masabayan na siya sa pagkain. Hindi ko magawang sulyapan siya dahil nakakahiya ang ingay ng tibok ng aking puso. Kung hindi maingay ang pasilidad ay makakasigurado na akong naririnig niya ang mga pintig nito.

Kumuha ako ng sabaw sa isang malaking bowl nang bulalo, nalaglag ko nga lang ang serving spoon dahil nanginginig ang aking kamay. Pumikit ako ng mariin at nahiya para sa sarili.

"Let me." He offered using his deep baritone.

Nagmulat ako ng mga mata at nakita ang blanko niyang ekspresyon. Inagaw niya ang serving spoon mula sa aking kamay. Ibinigay ko sa kaniya at hinayaang siya ang magsalin ng sabaw sa aking bowl. Ngumuso ako at umiwas ng tingin nang muli siyang mag-angat ng mga mata sa'kin.

"Kumain ka na,"

Muli akong nagpatuloy sa pagkain kasabay niya. Gusto kong mag-angat ng tingin at magtanong ng marami kung paano siya sa nagdaang taon. Gusto kong kumpirmahin kung tama ba ang pag-intindi ko sa sinabi niya.

Is he really back for me? Kung gano'n nga, bakit niya ako inignora noong una naming pagkikita? Ayokong gawing mapait ang aking nararamdaman pero hindi ko maiwasang isipin na baka mali ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya.

"How's your ankle?" Tanong niya.

Pinunasan ko ang aking labi gamit ang table napkin bago ko ibinigay ang atensiyon sa kaniya. Naabutan ko ang pagpasada niya ng tingin sa aking kamay kaya naman mabilis ko itong binaba. Tumaas ang kilay niya at tumakas ang isang multo ng ngisi sa labi. Itinago niya lang iyon sa pamamagitan ng pag-nguso.

I am wearing the bangle. Lagi ko itong suot. Kahit ilang taon na ang lumipas ay nanatili itong maayos. Halata na ang kalumaan nito dahil sa nagdaang taon at madalas napapansin na hindi bagay sa mga suot ko pero hindi ko binibigyan ng pakialam dahil importante sa'kin ito. Iniingatan ko siyang lubos dahil iyon ang tanging alaala na iniwan niya sa'kin. And everytime I wear the bangle, I feel like I am always with him. Katulad ng sinabi niya na lagi siyang nandiyan para sa'kin kahit malayo pa siya.

Nanuyo ang lalamunan ko dahil gustuhin ko mang magsalita ay hindi ko alam ang aking sasabihin. It's really been a long time since we talked. Being with him feels nostalgic but strange at the same time. Para bang sa loob ng sampung taon ay totoong malaki ang pinagbago naming dalawa. We're not the college Gillian and Archie who only knows how to play. We grew... and I am happy for how he grew without me.

Gusto kong sabihin iyon sa kaniya. Gusto kong ipaglandakan sa mundo na proud ako sa kaniya pero pakiramdam ko wala na akong karapatan.

"Hindi na ba namamaga?" Tanong niya ulit.

Nakagat ko ang dila ko dahil hindi ko pala siya nagawang sagutin.

"O-Oo."

Mapait siyang ngumiti at inihilig ang likod sa back rest ng upuan. Tapos na kaming kumain pero hindi pa rin siya tumatayo para umalis kami. And I find it rude kung ako ang mag-aaya sa kaniyang umalis gayong siya itong nagsama sa'kin dito.

Ayoko pa rin pang umalis.

"Salamat pala ulit." Pasasalamat ko para sa pagbabayad niya ng bill ko.

Hindi naman niya talaga kailangan bayaran iyon dahil kaya ko naman, hindi ko lang talaga alam sa kaniya kung bakit niya ginawa iyon.

"That's nothing." He lazily drawled.

Ngumuso ako at tumango. Hindi ulit ako nakaimik habang nakikita ko siyang pinapanood ang bawat galaw ko. Napaayos ako sa pagkakaupo dahil pakiramdam ko ay hindi ako mapakali sa upuan ko. Iniwasan ko ang tingin niya at bumagsak iyon sa kwelyo ng polo niya.

"Saan ka nagtatrabaho?" Tanong niya.

Parang siya lang ang bumubuhay ng usapang 'to. Hindi ko naman nakalimutan paano maging sociable pero nauubusan ako ng lakas ng loob para magsalita. Kahit ang dami kong gustong itanong. Kahit gusto kong sabihin sa kaniya na hanggang ngayon ay mahal ko siya at sobra akong nangulila sa kaniya sa nagdaang sampung taon.

"Royal Carribean,"

"Wow. That's a big a cruise line." Mangha niyang komento.

Tumango ako. "Mahirap ngang pumasok do'n. Hindi naman ako gano'n kagaling. Pero swerte ata ako no'ng mga panahon na 'yon kasi natanggap ako."

"Your luck didn't bring you there, you're really good."

Tumaas ang kilay ko. Pinupuri niya ako at hindi ko magawang patulan iyon.

Bahagya siyang humalakhak kaya naman tumaas na ang tingin ko. Naging dahilan iyon para magtama ang mga mata namin. Natigil siya sa paghalakhak at tipid na ginawaran ako ng ngiti.

"Wala ka na bang duty?" Tanong ko dahil kanina pa kami dito.

Tinignan niya ang relo niya bago umiling.

"May pupuntahan ka pa ba o uuwi ka na?"

And then there I only remember our driver! Mabilis kong kinuha ang bag ko sa tabi at hinagilap ang cellphone para mai-text si Manong.

"Why?" He asked nang mapansin ang pagkakataranta ko.

Bumalik ang tingin ko sa kaniya. "Nakalimutan kong mag-iwan ng mensahe sa driver namin. Baka kanina pa 'yon naghihintay do'n."

"May pupuntahan ka pa ba? Pwede kitang ihatid. Just tell your driver to go home."

Natigil ako sa pag-ambang pagtitipa. Napatitig ako sa kaniyang mukha at hinihintay na bawiin niya ang sinabi.

"Ayaw mo bang ako ang maghatid sa'yo? May magagalit?" Maingat niyang tanong.

Mabilis akong umiling. "H-Hindi. Baka lang kasi may duty ka pa. Kokontakin ko na lang si Manong na sunduin ako dito."

"May trabaho ako pero mamaya pa iyon, Gillian. Ihahatid kita."

"Mamaya?"

Kumunot ang noo niya at tumango.

"Baka mahuli ka?" Tanong ko.

"Hindi ako mahuhuli. Unless you want to go far from this place." Ngisi niya.

Gusto ko siyang irapan pero hindi ko ginawa. Tumango na lang ako bago ibinagsak ang tingin sa cellphone para makapag-iwan ng mensahe kay Manong. Tumayo ako at nagpaalam sa kaniya na magre-restroom lang saglit. Pagkabalik ko ay nakita ko siyang malalim at seryoso ang titig sa harapan.

Sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya at kumunot lang ang noo ko dahil pader naman iyon. Bumaling siya sa gilid niya nang maramdaman ang aking presensiya. Nginitian ko siya bago siya inayang umalis na.

"Tanda mo pa ba daan papunta sa subdivision namin?" Kuryuso kong tanong habang nagsusuot ng seatbelt.

Tinignan ko ang side mirror habang inaatras ni Archie ang kaniyang sasakyan. Ibinaba ko ang bintana at tinignan ang sariling repleksiyon sa salamin. Nakalimutan ko kasing mag-powder dahil puno ng mga babae ang nasa harap ng salamin kanina sa powder room.

"Hindi ka naman lumipat 'diba?"

Itinaas kong muli ang salamin bago siya binalingan. Tumango ako bilang sagot.

Nabalot ulit sa katahimikan ang loob ng kaniyang sasakyan. Itinuon ko na lang ang atensiyon sa harapan at inisip mabuti kung itatanong ko ba sa kaniya ang nasa isip ko. Gusto kong tanungin kung bakit niya ako inignora noong una naming kita. Ang lamig pa ng pakikitungo niya sa akin tapos bigla siyang ganito. At hindi ko pa nagagawang kumpirmahin kung anong ibig niyang sabihin sa sinabi niya kanina.

"Salamat." Bumaba ako sa sasakyan niya.

Lumabas din siya kaya pumunta ako sa kaniyang harapan. Tumaas ang tingin niya sa aming bahay na paniguradong walang ibang tao kundi ang mga kasambahay.

"Uh-"

"Gillian, nandiyan ka na! Kanina ka pa hinihintay ng mga kaibigan mo."

Namilog ang mga mata ko sa pagkakarinig ng boses ni Mommy sa likod. Tumalikod ako at nakita si Mommy na unti-unting umawang ang labi nang makita kung sino ang nasa likod ko.

"Good afternoon po," Bati ni Archie mula sa aking likod.

Mabilis na bumaba sa hagdanan si Mommy kahit na nahihirapan na siya dahil sa katandaan.

"Mommy!" Mabilis ko siyang dinaluhan dahil baka mapano siya dahil sa bilis niyang paglalakad.

"Archie? Ikaw na ba 'yan?" Nanunuring tanong ni Mommy sa lalaking kasama ko.

Hinawakan ko sa braso si Mommy habang hinaharap si Archie na magalang lang na nakatuon ang pansin sa aking magulang. Ngumiti si Archie at tumango.

"Kailan ka pa bumalik? Saan ka nagtatrabaho?" Sunod-sunod na tanong ni Mommy.

"Nagtrabaho po ako sa Maynila ng tatlong taon. Nag-transfer po ako sa UMC Dasma ngayong taon."

"Aba at Doctor ka na! Nakakatuwa naman. Paano kayo nagkita nitong si Gillian?" Lumipat ang tingin sa akin ni Mommy.

Bakas ang malapad na ngiti sa labi niya na para bang may magandang balita siyang nakalap ngayon.

"My, nagkita kami sa Ospital." Sabi ko pero hindi pinansin ni Mommy.

"Kumusta po kayo?" Tanong ni Archie para kay Mommy.

"Aba'y mabuti! Pumasok ka sa loob. May trabaho ka pa ba ngayon?"

"Meron po pero mamaya pa."

"Kung gano'n, dito ka muna. Nandito rin ang mga kaibigan ni Gillian Haidee, maipakilala kita." Excited na yaya ni Mommy kay Archie.

"Mommy, baka mahuli siya-" Naputol ang aking sinasabi nang tinanggap niya ang alok na pagpasok sa loob ng bahay.

Tumalikod si Mommy para maunang maglakad pataas samantalang naiwan naman kami ni Archie sa hamba ng hagdanan. Lumipat ang tingin niya sa akin bago siya ngumiti. I bit my lower lip as I started to follow Mommy. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Archie sa aming likod.

"Nagkabalikan ba kayo?" Bulong na tanong ni Mommy nang tumabi ako sa kaniya.

Umiling ako kay Mommy. Kumunot ang noo niya at bahagya pang natigil sa sagot ko.

"E, bakit kayo magkasama?"

Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Masaya ako ngayon pero hindi ko alam kung bakit may tumatakas na kaunting pait sa aking puso.

"He asked me for a lunch. 'Yon lang."

"He didn't ask you back?" Malungkot na tanong ni Mommy.

"Hindi, Mommy."

"Oh. I'm sorry. Tama bang inimbita ko siya?" Ngayon ay nahimigan ko ang pagsisisi sa boses niya.

Umiling ako at ngumiti. "I think, we're friends. And it's rude kung bigla mo siyang paaalisin pagkatapos mong imbitahan sa loob."

Nilingon ni Mommy ang nasa likod namin. Humiwalay siya sa akin at iginiya si Archie patungo sa pool area namin. Nauna akong lumabas at agad kong nakita ang dalawang lalaki at isang babae na nakaupo sa maliit na round table dito. Tyson stood quickly when he saw me, ganoon rin ang ginawang sunod nila Kier at Chielo.

"Gillian!" Sigaw ni Chielo at mabilis akong sinalubong.

Nginitian ko sila at napansin ang pagkaka-burn ng mga balat nila. Mukhang enjoy na enjoy nila ang Davao samantalang nabulok ako sa bahay dahil sa pamamaga ng paa ko.

"Kumusta ang Davao? Bakit pala kayo nandito?" Tanong ko sa kanila.

"We just want to see you-"

Pinutol ni Chielo ang pagsasalita ni Tyson at malaking ngumisi sa akin.

"Gusto kang bisitahin ni Tyson at Kier. Noong sinabi ko sa kanila sa aiport na na-sprain ang mga paa mo, ayaw na nilang tumuloy. Kung hindi ko lang sinabi sa kanila na gusto mo kaming tumuloy."

Tinignan ko si Tyson at Kier na ngayon ay masamang nakatingin kay Chielo. Tumawa ako dahil nakakatuwang nag-aalala sila sa'kin.

"Masaya ba kayo?"

"Paano kami magiging masaya, e wala ka do'n." Bulong ni Kier na hindi narinig nang dalawa dahil lumagpas ang tingin nila sa aking likod.

"Hala ang pogi. Sino 'yan?" Bulong ni Chielo habang nakatitig sa likuran ko.

Tumalikod ako para makita si Archie na ngayon ay madilim ang mga matang nakatingin sa akin. Nakalapit sila ni Mommy sa harapan namin kaya naman gumilid ako sa tabi ni Tyson. Nakita ko ang pagsunod ng mga mata ni Archie sa akin.

"Chielo, Tyson, Kier, si Archie." Pakilala ni Mommy kay Archie sa mga kaibigan ko.

Tinignan ako ni Mommy at iminuwestra sa akin na ako ang magpakilala sa kasama ko. Lumunok ako bago itinuro ang mga kaibigan ko.

"Archie," Kumabog bigla ang puso ko sa pagbanggit ng pangalan niya. "M-Mga kaibigan ko."

Ipinakilala ko sila sa isa't-isa. Nakipagkamayan si Archie sa dalawang lalaki at hindi man nakalahad ng kamay si Chielo ay siya naman ang naglahad ng kamay para makipag-kamay. Tumitig ako sa dalawang kamay nilang magkahawak at nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Chielo. Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng inis.

Tumawa si Mommy at natutuwang inaya ang mga kaibigan ko na muling umupo para magkanilanlan. Sumunod ako sa kanila at umupo sa tabi ni Chielo na katabi si Archie. Sumulyap ako kay Archie na inaalok ngayon ni Chielo ng nakahaing pagkain. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.

Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Chielo kaya binalingan ko siya.

"Single ba 'to?" Bulong niyang tanong.

"Sino?" Kunwari hindi ko alam sino tinutukoy niya.

"Si Archie." Patago siyang kinilig at hinawi ang hibla ng buhok sa katabi ng tenga niya.

Hindi ko siya sinagot at umiwas lang ng tingin. Kilala ko si Chielo. She's talktative and very sociable, maganda rin at madaling magustuhan. Sa nagdaang taong kasama ko siya sa barko ay nalaman kong marami na siyang naging boyfriend pero walang tumatagal dahil nagbabarko siya. Kahit sa loob ng barko ay mayroong mga humahanga sa kaniya. Hindi siya mahirap magustuhan... at natatakot ako na kahit kakakilala lang nila ni Archie ay baka bigla siyang mahulog dito.

"Oy ano?" Tanong niya.

Naglapag ng panibagong juice ang mga kasambahay. Nakita ko ang kamay ni Archie na kumuha ng baso at nagsalin dito. Inabot niya iyon sa tapat ko pero si Chielo ang kumuha.

"Salamat!" Maligaya nitong sambit.

Kumunot ang noo ni Archie at tumango lang. Nagsalin ulit siya sa panibagong baso.

"Gillian, oh." Inabutan ako ni Tyson ng juice.

Ngumiti ako sa kaniya at tinanggap pero hindi ko ininom at inilagay lang sa lamesa. Nararamdaman ko ang hindi pagkakapakali ni Chielo sa kaniyang upuan kaya naman nilingon ko siya ulit. Nakita kong sinisimulan niya ng kausapin si Archie ng pabulong.

"Chielo," Tawag ni Kier.

"So, doctor ka?" Tanong naman ni Tyson para kay Archie.

Hindi ko sinulyapan si Archie pero hinintay ko ang sagot niya. Naging komportable agad ang dalawang lalaki sa kaniya at nang maubusan ng tanong ay inilipat sa akin ang atensiyon. Nilingon din ako ni Chielo pero muling bumalik kay Archie ang atensiyon.

"Kumusta ang sprain mo, Gillian? Magaling na ba?" Tanong ni Kier.

"Oo. Galing ako kanina sa Ospital. Pinatanggal ko ang cast."

"Masakit?" Kuryusong singit ni Tyson.

Tinawanan ko siya bago tumango. "Syempre. Sprain 'yon, ano ka. 'Diba nakita ninyo 'yong picture na sinend ko?"

"Nakita ko nga 'yon. Grabe ang pamamaga. Mabuti at gumaling agad, baka hindi ka makasama sa'min sa isang linggo." Nginisian ako ni Kier.

"Pwede ba 'yon? Ako commander ni Chielo at Tyson!" Natatawa kong sagot.

Bumalik si Mommy na may panibagong pagkain na mga dala. Hindi na siya sumali sa usapan namin dahil may inaasikaso siya sa kaniyang office room. Sinulyapan ko si Archie na hindi ko man lang magawang makausap dahil ini-entertain naman siya ni Chielo.

"Patingin nga ng paa mo. Anong hitsura?"

Kumunot ang noo ko kay Tyson. "Huwag na. Magaling na siya kaya hindi mo na makikita 'yong pamamaga."

"Ang damot. Titignan lang naman." Umakto siyang nagtatampo.

Umiling lang ako at kinuha ang cellphone. I showed him the picture of my sprained ankle. Nagawa na ring maki-isyuso ni Chielo. Ang ipinakita ko lang kasi sa kanila ay ang may cast kong paa at hindi ang hubad nito.

"Mukhang masakit!" Komento ni Chielo at bahagyang kinilig.

Tumango ako sa kaniya at magke-kwento sana kaso lumipat na naman ang tingin niya kay Archie. Nagtiim bagang ako at padabog na inilagay sa lamesa ang cellphone ko. Hindi ko alam bakit bigla na lang tumataas ang presyon ko ngayon.

Nagpatuloy sila sa pag-uusap pero dahil nawawala na ako sa mood ay si Archie na lang ang pinagtuonan nila ng pansin.

"School mate kayo ni Gillian?" Chielo enthusiastically asked.

"Ex ni Gillian Haidee si Archie." Narinig ko ang biglaang pagsulpot ng boses ni Mommy sa likod.

Nakita ko ang natutuwang ekspresyon ni Mommy na naglalakad palapit sa'min. Tumayo siya sa gilid ng lamesa at hindi maalis ang ngiti sa labi habang kinikwento sa kanila na ex ko si Archie. Gusto kong sigawan si Mommy na tumigil pero hindi ko iyon magawa sa harapan nila. Nakita ko pa ang pag-ngisi ni Archie na para bang natutuwa siya sa eksenang inagaw ni Mommy.

Ewan ko din ba sa matandang ito at ang daldal. Hindi naman ako ganiyan.

Nag-iwas ako ng tingin at naabutan ang mga mata nila Tyson at Kier na nakatingin sa akin. Ngumiti si Tyson bago may itinanong sa aking magulang.

"But Gillian is single now. Pwede siyang ligawan, 'di po ba?"

Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tyson. Alam ko ang galawan niyang ito. He's indirectly asking me through my mother. At alam niya ang sagot na hindi ko siya gusto higit pa sa pagkakaibigan.

"Kung magpapaligaw, bakit hindi?" Tinignan ako ni Mommy at nang-aasar na ekspresyon ang iginawad sa akin.

Iniwas ko ang tingin at hindi nakisali. I should clear to him again that we can't be. Ayokong umasa siya sa'kin dahil wala naman siyang aasahan sa'kin.

"I have to go. Salamat po, Tita," Tumayo si Archie at pinasadahan ng tingin ang mga kasamahan ko.

Tumayo na rin ako dahil kailangan ko siyang ihatid man lang sa labas. Sumunod ang tingin sa akin ng tatlo at nakita ko pa ang pagbagsak ng balikat ni Chielo pero ngumiti siya sa akin.

"Ihahatid ko lang po siya sa labas." Paalam ko kay Mommy.

Nakangiti siyang tumango. Mabilis akong sumunod sa naglalakad na si Archie. Bumagal lang ang lakad ko nang makapasok kami sa loob ng bahay ay tumigil siya sa salas. Tumalikod siya at tinignan ako. Madilim ang kaniyang mata habang ang mga makakapal na kilay ay nagkakasalubong.

"Do you like that guy?" Malamig niyang tanong nang makarating ako sa harapan niya.

Tumingala ako para makita siya. Umigting ang panga niya at supladong nag-iwas ng tingin. Ngumuso ako para maiwasan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko.

"Si Tyson?" Natutuwa kong tanong.

Lumalim lalo ang gitla sa noo niya. "Bakit ka natutuwa?"

"Hindi ako natutuwa!" Giit ko.

"Then, do you like that man?" Ulit niya sa tanong.

Umiling ako sa kaniya. Paano ako magkakagusto do'n, e ikaw lang ang laman ng puso ko.

"Mukhang gusto mo 'yon." He assumed.

Tumaas ang kilay ko sa kaniya. "Ikaw nga mukhang natutuwa kay Chielo."

"Huwag mong baguhin ang usapan, Gillian. Hindi mo ba talaga gusto 'yon?"

Ngumiwi ako sa tanong niya. "Hindi ko nga gusto si Tyson."

"Then, do you have a boyfriend?"

"Wala." Agap ko.

Nakita ko ang muling pagtiim bagang niya. Unti-unting nawala ang kadiliman sa mga mata niya. Tumalikod siya ng walang sabi at nagpatuloy sa paglalakad palabas. Mabilis akong humabol sa kaniya hanggang sa makarating kami sa tapat ng sasakyan niya. Pinatunog niya ang alarm ng sasakyan pero hindi pa siya pumasok. Sinulyapan niya ako.

"Kailan ang balik mo sa barko?" Tanong niya sa namamaos na boses.

"Sa lunes."

Tumango siya at ilang saglit akong tinitigan bago ngumiti. "Can we date again?"

Naramdaman ko ang mabilis na paghaharumentado ng aking puso sa narinig mula sa kaniya. Naestatwa ako sa pagkakatayo at ilang beses umawang ang labi ko para magsalita pero walang lumalabas.

"Gillian,"

"D-Date?" Parang tanga kong tanong.

"Yeah. If you're not busy-"

"Hindi ako busy!" Agap ko.

Mahina siyang tumawa at tumango. Napaatras naman ako at kaagad nakaramdam ng kahihiyan dahil sa mabilis na pagtanggap sa kaniyang anyaya. Nag-iwas ako ng tingin at pinaglaruan ang mga daliri ko sa aking likod.

"I'll fetch you on Sunday, then?" Bakas pa rin ang katuwaan sa tono niya kaya wala akong ibang nagawa kundi tumango na parang tuta.

"Hindi ka sana tumanggap ng manliligaw sa barko." Makahulugan niyang sambit bago tuluyang pumasok sa loob ng kaniyang sasakyan.

Bumaba ang bintana ng driver seat. "I forgot. Can we exchange numbers, too?"

Unti-unting sumilay ang ngisi sa labi ko at lumapit sa kaniya. Naglahad ako ng kamay sa kaniya at agad niya namang inilapag ang cellphone niya sa akin. Iniligay ko ang numero ko doon bago siya tuluyang umalis. Bumalik ako sa mga kaibigan ko at naabutan ang pagiging tahimik nila. Tumabi ako kay Chielo at nagsimula ng panibagong usapan.

Inaya kami ni Mommy sa hapag nang sumapit ang gabi at kailangan nang maghapunan. Hinatid ko sila sa labas bago ako dumiretso sa kama at nagpahinga. Tumunog ang cellphone ko at tamad ko itong hinagip.

Unknown Number:

This is Archie. Save my digits.

Agad akong napabangon sa pagkakahiga. Umupo ako at idinantay ang likod sa head rest ng kama. Mabilis kong sinunod ang gusto niya bago ako nag-reply.

Ako:

Nakauwi ka na?

Pinaglaruan ko ang labi ko habang hinihintay ang magigiging sagot niya. Nagulat ako nang mabilis ang naging reply niya.

Archie:

Hindi pa. I'll still do some rounds.

Ngumuso ako at natantong sobra niyang busy. He's saving lives every time. I wonder how is it feel to deal with uncertain breathing?

Ako:

Ano oras uwi mo?

Archie:

Gusto mo na akong umuwi?

Ako:

Hindi naman. May trabaho ka pa.

Archie:

Just kidding. Uuwi rin ako pagkatapos nito.

Natagalan ako sa pagbabasa ng paulit-ulit sa mensahe niya. Hindi ko na alam ang isusunod ko.

Archie:

Matulog ka na. I'll text you when I'm home.

Humiga ako sa kama at tinabunan ang mukha ng comforter habang nagtitipa ng sagot sa kaniya.

Ako:

Good night. Kahit hindi mo na ako i-text.

Archie:

I want to text you.

Mas lalong lumapad ang ngisi sa labi ko. Nagwala ang mga paru-paro sa tiyan ko. Kung hindi ko sinabi sa kaniya na tutulog na ako ay hindi niya ata ako titigilan sa pagti-text kahit abala siya. Itinabi ko ang cellphone sa side table bago ako pumikit ng mariin habang dinadama ang malakas na pintig ng aking puso.

I am still not sure of what we are now. I am still not even sure if he still loves me... but I am happy.

Pagdating ng linggo ay tahip tahip agad ang tibok ng aking puso habang nakikita ko ang pagpasok ng sasakyan ni Archie sa gate namin. Agad akong bumaba sa hagdanan at nagpaalam kay Mommy. Pumasok ako sa loob ng sasakyan niya pero lumabas pa siya saglit para magalang na batiin ang magulang ko. Bumalik siya at nagsimula kaming bumyahe.

Ilang araw simula nang mag-palitan kami ng numero ay wala ring araw na nagdaan na hindi kami nag-usap. Wala naman akong ginagawa sa bahay kaya nakakahanap ako ng kalibangan sa pagti-text namin. Alam ko rin kung gaano siya ka-busy pero humahanap pa rin siya ng oras para makapag-reply sa'kin.

Nilingon ko ang aking gilid at tinignan kung mata-traffic ba kami dahil rush hour na. Kagagaling niya lang sa Ospital at nakasuot pa rin siya ng isang long sleeve na naka-rolyo hanggang siko niya. Nakarating kami sa isang fine dining resto kaya mabilis na kaming lumabas at pumasok sa loob.

Umikot ang tingin ko at hindi ko maiwasang punahin ang pagkakaroon ng romantikong ambiance nito. Most of the customers are couple. Iilan lang ang makikita mong may pamilya na kasama.

Dumating ang waiter at umorder na kami. Dahil pamilyar ako sa mga putahe ay pumili ako ng paboritong kong kainin madalas sa barko. Umalis ang waiter kaya naman lumipat ang tingin ko kay Archie.

"Kumusta ang trabaho mo?" Tanong ko sa kaniya.

Ngumiti siya at uminom sa wine na isinalin kanina ng waiter.

"Tiring but I'm good."

"Nakakapagod siguro maging Doctor 'no?"

"Hindi ka ba napapagod sa barko?" Kumunot ang noo niya.

"Is that a sarcastic question?" Tanong ko sa kaniya.

Bahagya siyang tumawa at umiling. Dinilaan niya ang labi dahilan nang pamumula nito. He brushed his hair once before he leaned a bit towards our table.

"I just wonder what you do in the cruise." Sambit niya habang pinaglalaruan ang labi.

Umiwas ako ng tingin doon. "Marami kaming ginagawa. Pero siguro at mas nakakapagod kapag nagtrabaho sa Ospital."

Hindi siya umimik na para bang ayaw niyang magyabang sa akin kung gaano kahirap ang trabaho niya. Well, siguro nga at hindi mahirap iyon sa kaniya dahil gusto niya naman ang ginagawa niya. Naaalala ko pa kung paano siya nangarap noon.

Ngumiti ako dahil kung hindi nangyari ang nakaraan, baka hindi siya ganito ngayon. Though he can still succeed pa rin naman kahit na sa Pilipinas siya nag-aral. But the opportunity and background you'll get when you studied abroad, parang laking achievement na agad.

"Anong oras ang alis mo bukas?"

Bigla akong nakaramdam ng lungkot.

"2am babyahe na ako papuntang port." Sagot ko sa mababang boses.

"Ihahatid kita do'n."

"Huwag na. May service naman kami."

"Gusto kong ihatid ka, Gillian. That's what I failed to gave you for the past years." Malalim niyang wika sa mga kataga.

Nalugatan ako ng hininga dahil hindi ko maramdaman ang ilong ko na nagbubuga ng hangin. Ni hindi ko rin maramdaman ang dibdib ko. Natulala ako sa kaniya at pinroseso ang narinig mula sa kaniyang labi.

"What do you mean?" Nanginginig kong tanong.

Dumating ang order namin kaya naman ilang saglit pa akong naghintay bago siya sumagot. Malungkot ang mga mata niyang ngumiti sa akin.

"How long will be your trip?" He asked, not answering my question.

Napakagat labi ako. Nangilid ang luha sa aking mga mata nang hindi ko alam bakit.

"Seven months."

"Ang tagal naman." Natatawa niyang sagot.

Ngumuso ako. Ang haba ngang panahon no'n.

"Pero maghihintay ako." Napapaos niya na ngayong wika.

Kumurap ako para mapigilan ang pagluluha ng aking mga mata. Napangiti ako dahil parang dati ako ang nagsabi no'n sa kaniya.

"Maghihintay ka talaga?" I joked.

Tumango siya at bumagsak ang tingin sa palapulsuhan kong nakapahinga sa lamesa.

"Lagi akong maghihintay hanggang sa bumalik ka at tuluyan nang tumigil sa'kin."

Hindi ko na nagawang dugtungan ang sinabi niya. Inaya niya na akong kumain kaya naman nabago na rin ang naging topic namin. Pinilit niya pa rin na ihahatid niya ako sa Pier kahit alam kong hassle iyon sa schedule niya. Nagtalo kami habang pauwi pero matibay ang determinasyon niya dahil pagdating ng lunes ng madaling araw ay nasa tapat na agad ng bahay ang kaniyang sasakyan.

"Tignan mo, mukha ka pang antok. Dapat talaga hindi mo na ako sinundo." Pagmamaktol ko.

Mabilis ang naging byahe patungong Tondo. Tumigil ang sasakyan ni Archie malayo sa mismong Pier. Nakita ko rin ang ilan kong kasamahan na bumababa sa service at kumakaway sa akin.Kumaway ako pabalik sa kanila. Umamba silang lalapit pero natigil nang makitang may kasama ako sa likod. Ngumiti lang ako sa kanila at hinarap si Archie.

Naabutan ko ang kunot niyang noo habang nakatingin sa mga kasama ko.

"Ingat ka." Paalala ko sa kaniya.

Bumagsak ang tingin niya sa akin.

"Lagi mo bang kasama si Tyson o si Kier?"

"Tyson is one of my steward. Si Kier ay nakikita ko lang kapag matutulog na kami."

"Do you stay in the same room?" May diin ang kaniyang tono.

"Hindi, ah. I have my own cabin. Wala akong ibang kasama." I explained.

Napawi ang kunot noo niya at napalitan ng pamumungay ang madilim niyang mga mata. Nakita ko rin ang pagbuntong hininga niya na para bang nakaramdam siya ng relief sa sinabi ko.

Narinig ko ang pagtawag sa akin ng ilang kasamahan at medyo nakaramdam na ako ng pagkataranta dahil ako dapat ang nauuna sa kanila pero hanggang ngayon ay nandito ako.

"Kailangan ko ng umalis, Archie." Sabi ko sa kaniya.

Tumango siya at nakita ko ang pagusbong ng kalungkutan sa mukha niya. Nakaramdam din ako ng lungkot pero ngumiti ako sa kaniya. Lumapit siya sa akin dahilan para magwala muli ang aking puso. Nang nakalapit siya ay naglandas ang kamay niya sa palapulsuhan ko. Marahan niyang hinaplos ang bangle.

"Take care, Gillian. I'll really wait." He whispered against our distance.

Tumaas ang tingin ko sa kaniya bago ako tumango. Gustong gusto ko siyang hawakan pero hindi muna ngayon. Siguro at hindi pa rin tama ang panahon ngayon pero alam ko... alam kong darating din kami do'n.

Dahil pagod na akong maniwala na may ibang sumusulat sa kwento namin. Kami ang may hawak ng papel at panulat, nasa amin ang desisyon kung ano ang magiging hantungan naming dalawa. This love... I know it's real. I doubted it many times but I will hold on again. I'll gamble again with uncertainties.

"Babalik ako, Archie. Hintayin mo ako."

Tumalikod ako sa kaniya at naglakad patungo sa pier. Muli kong sinulyapan si Archie nang makalapit na ako sa barko. Kinawayan ko siya.

"Mag-ingat ka, ha!" Sigaw ko sa kaniya bago tuluyang umakyat sa hagdanan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top