#TWP31
Entry 31
Hindi sila kapwa mga umimik habang umiiyak ako sa kanilang likod. Mas okay pa na mas malaman na nasasaktan ako dahil sa sprain kaysa sa kaniya.
Sa tuwing naaalala ko kung paano niya ako tinalikuran at tinignan na para bang wala lang ako sa kaniya ay nakakawasak ng puso. Ang tagal ko siyang hinintay, sinuportahan ko ang pangarap niya dahil gusto kong makamit niya ang lahat. Gusto kong maging masaya para sa kaniya sa oras na magkita kami, at ito na ngayon, pero bakit ganito. Ang hirap hirap maging masaya para sa kaniya. Ang hirap tanggapin na may pamilya na siya at mananatili na lang akong isang alaala sa nakaraan niya. Isang taong minsan niyang nakilala kahapon.
He treats me like a stranger after all of what happened between us in the past.
Matagal na panahon pero parang kailan lang noong minahal niya ako. Parang kailan lang noong naramdaman ko ang alaga at mga halik niya.
"H-How is he?" Nag-iingat na tanong ni Audrey.
Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi. Tumingin ako sa harapan habang natutulala
Gusto ko na lang mamanhid sa sakit na nararamdaman ko ngayon pero hindi naman pwedeng gano'n na lang lagi. Hindi pwedeng lagi ko na lang takasan ang lahat ng problema. With the ten years, I learned that we will never grow if we refuse to face the real problems... if we choose to run away from it instead of facing it. It's not always the rainbow, but it can never rain forever also.
"Nag-usap ba kayo?"
Lumipat ang tingin ko kay Baste. Malungkot akong umiling sa kaniya, hindi ko pa makayanang magsalita dahil ramdam ko ang nagbabarang bukol sa aking lalamunan.
"Hindi ka niya nakita?"
Muli na namang nangilid ang luha sa aking mga mata. We can be pro to problems as we grow but we can never discard the emotions we could feel when problems started to arise. Iiyak pa rin tayo kahit matanda na. I don't see any problem with that, pero minsan naiisip ko na sana habang tumatanda tayo, sana nawawala na ng paunti-unti 'yong sakit.
Naiiyak akong umiling. Sabay silang suminghap at nagkatinginan pa sa unahan.
"Mas mabuti kung gano'n-"
"Baste!" Audrey hissed.
Binalingan ni Baste ang kaibigan at kumunot ang noo. Nilingon naman ako ni Audrey at umalis sa kaniyang pwesto para makapunta sa aking tabi. Sinubukan niyang haplusin ang aking likod para maalo ako pero kahit iyon ay wala nang laban sa nararamdaman ko.
"Nakita niya ako." Mahina kong sambit sa kanila.
Namilog ang mga mata ni Baste pero bago ko pa man din makita ang buo niyang reaksiyon ay tumulo na parang gripo ulit ang mga luha ko.
"N-Nakita niya a-ako pero nagbago na siya." Nabasag ang aking boses dahil sa iyak.
Itinago ko ang aking mukha sa aking mga palad dahil sa walang prenong pagtulo ng aking mga luha. Ang sikip ng dibdib ko dahilan para mahirapan akong huminga.
Nabalot sa katahimikan ang buong sasakyan habang ang mga hikbi ko lang ang tangi kong naririnig. Walang sawa akong umiiling dahil ayoko ng maramdaman ang ganitong sakit.
"H-Hindi niya na... ata ako k-kilala..."
"Baka busy siya-"
"May pamilya na siya kaya hindi niya na ako pinansin!" Tumaas ang boses ko dahilan para mas lumala ang pagbagsak ng luha at paghikbi ko.
"Nakalimutan niya na ako..."
Niyakap ako ng mahigpit ni Audrey. Narinig ko naman ang mabibigat na pagbuga ng hininga ni Baste na para bang hindi niya alam ang gagawin para mapakalma ako. Mas lumalakas ang aking hikbi habang inaalo ako ni Audrey. Habang mas tumatagal, habang mas natatanto at napapamukha sa akin na hindi na siya ang dating Archie na nakilala ko ay mas lalo akong nasasaktan.
"Should I talk to him?" Tanong ni Baste kaya mabilis akong umahon mula sa yakap ni Audrey.
Mabilis akong umiling kay Baste. Ano namang sasabihin niya? Na nandito na ako?
"Kailangan nating siguraduhin kung kaniya ba talaga ang bata. Paano kung nasasaktan ka dahil sa maling akala?"
Pinagpatuloy ko ang aking pag-iling. Unang kita ko palang sa litrato, kung paano niya buhatin ang bata at ang malapad niyang ngiti, halatang anak niya iyon. Ayoko na rin pang umasa sa wala dahil mas dodoble lang ang sakit. Masakit ngayon pero alam kong mas masasaktan ako kung aasa pa ako.
"Paano kung hindi kaniya?"
"Paano kung kaniya nga talaga?" Tanong kong balik sa kaniya.
Nanlambot ang mga mata niya habang tinitignan ako. Bumagsak ang dalawa niyang balikat at lumipat ang tingin sa aking katabi. Suminghot ako at nag-iwas ng tingin.
"Paano kung sabihin niya na huwag ko na siyang guluhin?"
"Hindi natin siya guguluhin, Gil. Magtatanong tayo-"
"He might misunderstand it! Baka akalain niyang naghahabol ako..."
"Hindi ka maghahabol. Naghintay ka, Gil. Naghintay ka sa kaniya. Deserve mo ng explanation galing sa kaniya." Mariin niyang sambit sa bawat salita.
"We ended our relationship a long time ago. He doesn't owe me an explanation."
"But he promised you! Ang mga lalaking hindi tumutupad sa pangako ay isang malaking gago."
Bumagsak ang tingin ko sa aking nanlalambot na mga kamay. He promised me and I hold on to that too much na nakalimutan kong pwedeng magbago ang nararamdaman ng mga tao.
"Gillian," Tawag niya sa akin ng hindi ako sumagot.
"I respect his decision... actually, hindi na dapat ako magulat pa sa ganito dahil tao kami parehas. His love for me could fade."
"That's it? Hahayaan mo ang sarili mo na masaktan? Ayaw mong marinig ang side niya kung bakit humantong sa ganito?"
"It's just simple, Baste. His love for me lost. Habang inaabot niya ang pangarap niya, nakahanap siya ng iba. He doesn't need to explain because it is clearly obvious that he lost his love for me along the way."
Dismayadong umiling si Baste at padarag na sinimulan paandarin ang kaniyang sasakyan. Nag-atrasan na rin ang aking mga luha dahil sa galit na ipinapakita ng kaibigan.
"Hindi ko kayang nasasaktan ka ng ganiyan, Gil. Kaibigan mo ako. Kung ang sagot para makaahon ka sa sakit ay ang pagkausap mo kay Archie," Umiling siya at hindi tinapos ang sinasabi.
Naramdaman ko ang paglakbay ng hawak ni Audrey sa aking kamay kaya nilingon ko siya. Mapait siyang ngumiti sa akin.
"Ayaw mo ba ng closure?"
Umiling ako. "Kung masaya na siya, pipilitin ko ang sarili ko na maging masaya rin para sa kaniya."
"You're a fucking a masochist now, Gil."
"Then what do you want me to do? Umiyak habang buhay dahil lang hindi na ako mahal ni Archie?"
"Paano ka makakalimot nang hindi mo nalalaman ang katotohanan?"
"The only truth here is he has a family now. That's already enough reason for me to move on."
Bumuntong hininga si Baste. Umiling ako dahil may pagkakataon talaga na hindi kami nagkakaintindihan na mga magkakaibigan.
"When I found out that that kid is not his, you will thank me-"
"Baste! Ikaw ang nagsabi kay Gillian na may anak na siya!"
"I just saw it randomly. Inisip ko na anak niya pero sa nagdaang araw, kahit walang balita sa kaniya, imposibleng hindi makarating sa'min ang pagpapakasal niya."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I know that he's just trying to lift me up from this mess but I don't want to get my hopes high anymore.
"Ayaw ni Gillian kausapin si Archie, let her."
Hindi sa ayaw kong kausapin siya... it's just that ayokong ako ang unang magi-initiate ng pagkikita namin. Ayokong maramdaman niya na hinahabol ko pa siya kahit may pamilya na siya. If he's happy now, dapat maging masaya na rin ako para sa kaniya.
"Ang tigas ng ulo ninyong dalawa." Bulong ni Baste.
Mabilis kaming nakarating sa bahay dahil naging mabilis ang pagmamaneho ni Baste. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Pero wala na akong lakas pa para isipin pati iyon, gusto na lang magpahinga ng utak at ng mga mata ko dahil sobra na silang nabibigatan sa lahat.
Inalalayan ako ni Baste papasok sa loob ng bahay. Nakita ko ang pag-awang ng labi ni Mommy at ang pamimilog ng kaniyang mga mata.
"Dios ko, anong nangyari sa'yo, Gillian Haidee?" Nag-aalala niyang salubong.
"Sprain, My. Gagaling din 'yan."
Inupo ako ni Baste sa sofa sa living room habang nagtatawag naman si Mommy ng kasambahay para sa merienda ng mga kaibigan ko.
"Hanggang kailan 'yan? Babalik ka na sa pagba-barko next month, ah?" Malamig na tanong ni Baste.
Ngumuso ako sa kaniya dahil parang galit naman talaga siya sa akin dahil lang hindi ko siya pinagbigyan na kausapin ko si Archie.
"After three weeks babalik ako sa Ospital para ipatanggal ang cast."
Tumikhim siya na para bang may nasabi akong hindi niya inaasahan. Inirapan ko siya.
"Hindi na kami magkikita do'n-"
"Archie is a resident doctor of De La Salle Medical Center sa Dasma. Paanong hindi kayo magkikita?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Alam mo bang doctor sa Ospital na 'yon si Archie?" Pumait bigla ang aking nararamdaman dahil sa pagbanggit ko ng pangalan niya.
"Nagkita na kami."
"And sinabi mong wala kang balita sa kaniya!" Pahisteryang sigaw ni Audrey.
"Nagkita kami pero hindi kami nag-usap. Narinig ko lang din sa mga Nurse na Doctor sa ospital na 'yon si Archie. Kaya ko ngang gustong kausapin ni Gillian si Archie para makumpirma."
Umiwas ako ng tingin dahil narito na naman siya sa pagpupumilit niya.
"Hindi ko lang ramdam na anak talaga 'yon ni Archie."
Dumating si Mommy kaya naman naiba ang aming usapan. Tinanong niya ako tungkol sa pagkaka-sprain ng paa ko. Nasayangan siya sa trip ko sa Davao pero wala kaming magagawa dahil nangyari ito. Muling umalis si Mommy para bisitahin ang kapehan at iniwan na ulit ako sa mga kaibigan ko.
"Ayaw mo talaga-"
"Ang kulit, Baste? Para ka ng si Kobe!"
"Sayang kasi 'yong sampung taon na paghihintay mo." Makahulugan niyang sambit.
Inihilig ko ang likod sa back rest ng sofa at blankong tinitigan ang kawalan. Ako rin naman nanghihinayang pero kung ganito talaga, anong magagawa ko? Anong magagawa ng panghahawak ko sa pangako niya kung ito talaga ang plano?
"You know what, daming nasirang relasyon dahil nawala 'yong trust."
Tinignan ko si Baste at tinaasan siya ng kilay. "The trust will only be broken if someone gave the reason to be mistrusted."
"Pero kung mahal mo pa, magtitiwala ka-"
"You didn't learn, don't you? Kahit mahal mo pa, kung nagbigay ka na ng rason para masira 'yong tiwala, mawawala siya sa'yo!"
"Why are you all always misinterprets me? This is not about my experience, Gil. Ang akin, if you really trust Archie's love, you won't believe in unproven news."
Naitikom ko ang aking bibig. I trust Archie's love... but this is different. How will I hold on his love if his heart is already own by someone else. Mahirap humawak sa isang puso na may ibang hinahawakan. Mahirap makipagsiksikan sa pusong walang espasyo para sa'kin. And I'm not that kind of person... hindi ako nakikipagsiksikan. Hindi ako namimilit. Masasaktan ako pero hindi ako maghahabol.
"How will you hold on in a love that is now uncertain?" Mapait kong tanong sa kaniya.
Kasi wala na talagang kasiguraduhan... sampung taon ang lumipas. It's either he learned to love someone else or he gets tired waiting for our perfect timing.
"You hold on despite the uncertainty. Iyon ang ginawa mo sa nagdaang taon, Gillian."
"And just to be back being broken again because I get my hopes too high. Baste, tigilan na natin pag-aaway. Wala na. Wala na talaga. Masasaktan ako, iiyak ako, pero makakaahon rin ako. Darating din 'yong araw na matatanggap kong hindi siya para sa'kin."
Mapait ko siyang nginitian. Dumilim ang kaniyang ekspresyon at hindi kalaunan ay bumuntong hininga para sa pagsuko. Tumango siya nang hindi ako tinitignan.
"Akala ko kay Lallaina lang ako magkakaroon ng pakikipagtalo. Pati pala sa'yo." Bahagya akong humalakhak pero hindi siya tumawa.
"May kilala akong willing panakip butas mo." Aniya sa seryosong tono.
"Gago. Hindi ko kailangan no'n!"
Natawa si Audrey dahil sa sinabi ng kaibigan namin. Unti-unti namang sumilay ang ngisi sa labi niya at nagpasyang tawagan ang mga kaibigan namin na nasa kani-kanilang trabaho.
Nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit nahihirapan ako, may kadamay naman ako. Hindi man lagi dahil may sari-sarili na kaming buhay, alam kong nanatili ang solidong pagsasamahan namin.
"Uuwi na ako. Hinahanap na ako ng asawa ko." Tumayo si Audrey at inayos ang kaniyang bag.
Nginitian niya ako at nginuso ang orasan. Magdidilim na rin kasi at kanina pa sila dito dahil wala akong kasama.
"Ako rin. Baka umiiyak na asawa ko do'n." Ani naman ni Baste habang pinaglalaruan ang susi ng kaniyang sasakyan.
Ngumiti ako at tumango. "Hindi ko na kayo mahahatid. Mahirap maglakad."
Tinapik ni Baste ang aking ulo habang niyakap naman ako ni Audrey bago sila tuluyang umalis ng bahay. Sinundan ko sila ng tingin at hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit dahil halos lahat ng kaibigan ko ay pamilya na. Samantalang ako ay naghintay sa isang tao na hindi ko naman pala makakasama habang buhay.
Lumagpas ang tingin ko sa labas ng bintana at nakita ang unti-unting pag-okupa ng dilim sa buong paligid. Sinindihan na rin ng mga kasambahay ang ilaw sa loob ng bahay. Bumuntong hininga ako. Masaya ako para sa kanila. Pero mas masaya siguro kung pati ako katulad na nila.
Sinunod ko ang pinayo ng Doctor na mga gagawin ko para mas lalong mapadali ang recovery ng aking paa. Uminom rin ako ng mga nireseta niyang gamot. Pagkadaan ng isang linggo ay medyo nakaramdam na ako ng pagbabago sa aking paa. Tumawag pa sina Chielo at sinabing masaya sila sa Davao pero nasasayangan dahil wala ako. They send me couple of videos and photos taken in different island in Davao. Mas lalo akong nanghinayang dahil gusto kong subukang lumangoy sa mga iyon.
Pagkatapos kong lagyan ng compress ang aking paa ay nagsend ako ng litrato nito sa kanila. Lahat sila ay nag-aalala at baka hindi ako makapasok sa isang buwan. Sinigurado ko sa kanila na gagaling na ito pagkatapos ng dalawang linggo pa.
Umakyat ako sa aking kwarto at hindi na ako humingi ng tulong sa mga katulong. Wala pa rin si Mommy dahil abala sa kapehan. Bumagsak ako sa kama at wala sa sarili akong napangiti habang tinititigan ang kisame.
Ramdam ko pa rin 'yong sakit sa aking puso. Nanghihinayang pa rin ako... pero natutunan ko na maging masaya kung nasaan man siya ngayon. Hindi lang bilang isang pagiging Doctor kundi pati na rin sa pamilya niya.
Maybe that's it. We're not masochist, masaya lang talaga tayo para sa taong mahal natin. Na kahit hindi tayo ang dahilan ng mga ngiti nila, wala tayong ibang maramdaman kundi kasiyahan dahil mahal natin sila.
"This pain will heal soon." I whispered to myself as I doze off myself to a good sleep. Ibang-iba sa nagdaang araw.
Pagkaraan ng dalawang linggo ay tuluyan kong naramdaman ang recovery ng aking paa. Gusto akong samahan ni Mommy sa Ospital pero alam ko namang abala siya kaya in-assure ko na lang siya na sa driver ako magpapahatid.
"Mag-ingat ka, Gillian." Bilin ni Mommy kaya sumaludo ako sa kaniya.
Nakarating kami agad sa Ospital. Nakaramdam ako ng biglaang pagtahip ng aking puso kaya naman kinailangan kong huminga ng malalim.
Pumasok ako sa loob at para akong tanga na umiikot ang tingin sa buong palisidad dahil nagba-baka sakali akong makita siya. Sumakay ako ng elevator at lumabas ako sa tamang palapag. Muli na namang umikot ang aking paningin pero wala namang bakas niya kaya nagpatuloy na ako.
Hindi ko na siguro siya makikita.
Umupo ako sa waiting area at nakita ko pa ang katabi ko na naka-benda rin ang mga paa. Sinubukan niya akong kausapin kaya sumagot ako pabalik. Nang tinawag ang aking pangalan ay dumiretso na ako at agad chineck ng Doctor ko.
Ngumiti siya nang pagkatanggal sa benda ay magaling na ang aking paa. May ginawa siya ng ilang saglit pa bago niya ako sinabihan na pwede ko na itong ilakad katulad dati. Tumayo ako sa pagkakaupo at magalang na nagpaalam sa Doctor.
Lumabas ako ng kwarto at dumiretso papuntang cashier. Bumagal nga lang ang lakad ko nang makita ko si Archie na naglalakad rin patungo kung nasaan ako. Umiwas ako ng tingin dahil baka assumera lang ako. Mabilis akong gumilid para hindi ko siya maharangan at makadiresto papuntang cashier. My heart crazily hammering right now. Nandoon pa rin ang kirot at nakakabaliw dahil sabay sabay ko silang nararamdaman.
Nilagpasan ko siya nang bigla siyang huminto. Siguro ay may nakitang nurse. Liliko na sana ako pero halos mawindang ang isipan ko nang marinig ko ang boses niya. Nangilid ang luha sa aking mga mata dahil na-miss ko ang boses niya.
"Nilalagpasan mo na lang ako, ah." Aniya sa nagbibirong tono.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at inisip na baka hindi ako ang kausap niya. Umamba akong lalakad ulit dahil natigil ako sa pagsasalita niya.
"Gillian," Now he called me gently.
At ano daw?! Gillian? Teka, pangalan ko 'yon!
Mabilis ko siyang nilingon at naabutan ang malalim niyang mga mata na naka-direkta sa akin. Malayo ang agwat namin pero sapat lang iyon para malinaw kong marinig ang sinasabi niya.
"It's nice to see you again." Nakangiti niyang bati.
Namilog ang aking mga mata at mas dumoble ang kabog ng aking puso. Kumurap ako at ilang beses nakipagtalo sa sariling isipan kung babatiin ko ba siya pabalik.
"L-Long t-time no s-see..." I stutter.
Fuck. Mukha pa rin akong affected sa harap niya. Baka isipin niyang gusto ko pa rin siya kahit may pamilya na siya.
"Busy ka? Can we have lunch together?" Diretsahan niyang tanong.
Busy ba ako? Inisip ko ang mga gagawin ko pero hindi ko pa napoproseso ang lahat ay tumango na ako na parang tuta sa kaniya. Muli siyang ngumisi.
"Can you wait here? Kunin ko lang ang susi sa opisina ko."
Tumango ulit ako sa kaniya. Tumalikod siya at nakita ko ang mabilis niyang lakad patungo sa dulong pintuan ng palapag na ito. Kumurap kurap ulit ako at nang matanto ang nangyari ay nasapo ko ang aking noo. Ang bilis ko naman atang bumigay sa kaniya. Inaya lang ako ng lunch, um-oo na agad ako.
Tumalikod ako at dumiretso sa cashier. Siguro ay gusto niya lang makausap ako dahil kahit paano ay naging mag-kaibigan kami. Wala sa kaniya ang ano mang lunch na ito. Ako lang ang mag-iisip na date ito. Bagsak ang dalawa kong balikat habang pumipila dahil sa mga naiisip ko.
Kailangan ko ba siyang i-congratulate para hindi ako mukhang bitter?
Naglabas ako ng card sa aking wallet at ready na sana sa bill ko pero hindi tinanggap ng babae.
"Bayad na po ang bill ninyo." Ani nang babaeng kahera.
"Huh?" Gulantang kong tanong.
Sino naman magbabayad ng bill ko?
"Magkano ba ang bill ko?"
Tinignan ng babae ang bill ko at dahil pribado ang ospital na ito, naglaro agad sa sampung libo ang bill. Sinong magbabayad para sa akin ng gano'n kalaking halaga?
"Binayaran na po-"
Hindi natapos ng babae ang sasabihin niya dahil may nagsalita na sa likod ko.
"Let's go." Malalim na tawag sa akin ni Archie.
Hindi ko siya nilingon dahil kailangan kong malaman kung sino ang nagbayad ng bill ko.
"Teka, Miss sino nagbayad?" Hindi ako patalo.
Ngumiti lang ang Nurse at tinignan ang nasa likod ko. Kumunot ang noo ko at sinulyapan ang nasa likod ko. Ang naghaharumentado kong puso ay naging takbo ng tila isang kabayo dahil sa bilis.
"Binayaran mo bill ko?" Hinuha ko.
Hindi siya sumagot at nanatiling nakatayo habang tinitignan ako. Bahagyang umawang ang labi ko nang makasigurado na siya nga ang nagbayad ng bill ko.
"Tara na." Aya niya at nauna nang maglakad.
Mabilis akong sumunod sa kaniya at hinabol siya habang naglalakad.
"Bakit mo binayaran ang bill ko?" Nagtataka kong tanong.
Nakita ko ang pagtiim bagang niya. Pumasok kami sa elevator at may nakasabay pa kaming mga nurse kaya mabilis akong dumistansiya. Alam kong may pakpak ang balita, baka umabot sa asawa niya na may umaaligid sa kaniya. Bumaling sa akin si Archie at lumalim ang gitla sa noo nang makita akong malayo sa kaniya. Umiwas ako ng tingin at nakita sa repleksiyon ng pintuan ng elevator ang pag-tabi ng isang lalaking nurse sa gitna namin.
"Hi, Doc. Lunch?" Tanong nito.
"Yes. Kayo?"
"Oo din, Doc. Sabay kayo sa'min?"
"May kasama akong mag-lunch."
Nakagat ko ang dila ko at kaagad umatras ng isang beses pa para hindi ako masulyapan ng katabi ko. Baka isipin nila nilalandi ko ang asawadong lalaki.
Natahimik ang buong elevator bago kami nakarating sa unang palapag. Mabagal akong sumunod kay Archie dahil ramdam ko ang titig ng halos lahat sa kaniya. Kung ganiyan ba naman kasi kagwapo ang Doctor mo, baka araw-arawin ko na rin ang pagpapagamot kahit wala akong sakit.
Sayang lang at may asawa na. I gritted my teeth as I felt my chest starting to get heavy again. Nilingon ako ni Archie at nang makita na sobrang layo ko sa kaniya ay tumigil siya. Nakita ko ang pagbaling ng dumaang tatlong nurse na sumulyap sa kaniya. Mabagal akong dumiretso sa kaniya. Huminto lang ako nang malapit ako sa kaniya pero may ilang pulgada pa ang pagitan.
"Salamat, ha!" Medyo sigaw ko sa kaniya.
"Hindi mo naman kailangan bayaran ang bill ko-"
"Tara na. Ang bagal mo." Aniya at mabilis na hinablot ang aking palapulsuhan at hinila ako papuntang parking area ng Hospital.
Nanlaki ang mga mata ko at tinignan ko pa ang ilang taong nakatingin sa'min. Nakita ko ang dalawang lalaki na kapwa katulad ng suot ni Archie na nakangisi. Ang mga babaeng nurse ay nagsimulang sumimangot. Bumalik ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin.
My god, I missed his touch.
Nakarating kami sa tapat ng kaniyang sasakyan. Nagsimula siyang ilabas ang bago niyang sasakyan na hindi ako pamilyar sa kung anong brand ito. But looking at interiors, this seems more expensive than my Jaguar.
"Saan mo gusto kumain?" Tanong niya bigla, binabasag ang katahimikang umusbong sa aming dalawa.
"Kahit saan." Wala sa sarili kong sagot.
Now that most of the nurses in that floor saw him dragging me, baka umabot iyon sa asawa niya. Baka bigla akong mademanda dahil akalain niyang kabit ako.
Natahimik si Archie kaya nilingon ko siya. Seryoso ang tingin nito sa harapan pero bakas ang ngiti sa labi.
"You used to choose the place." Aniya at ngumisi.
Is he pertaining to our past? Obviously, Gillian. Huwag bobo.
"Ako? Hindi, ah. Ikaw nga lagi nasusunod noon."
"You always crave for something. Ikaw kaya." Nahimigan ko ang panunuya sa boses niya.
Kumunot ang noo ko at hindi na nakipagtalo. Basta ang alam ko ay hindi ako ang nasusunod sa'ming dalawa.
"Galit ka?" Tanong niya.
"Bakit ako magagalit?" Tanong kong balik.
"You turn silent."
"Ayoko lang makipagtalo. Kahit tama naman ako." Bulong ko sa huling pangungusap.
Narinig ko ang marahan niyang paghalakhak. Binalingan ko siya at tinaasan ng kilay.
"Anong nakakatawa?"
"You changed." Sagot niya.
Muling umusbong ang kirot sa aking puso. Nag-iwas ako ng tingin at napakagat-labi.
"People change, Archie." Mahina kong sambit.
Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtango niya. Natahimik kaming dalawa at hinayaan ang maingay na stereo niya ang bumasag no'n. Nakarating kami sa tapat ng isang Filipino Resto.
"But there are still things that remain the same." Napapaos niyang wika bago iniliko ang sasakyan papunta sa bakanteng espasyo ng paradahan.
Hinawakan ko ng mahigpit ang aking kamay at hindi ko na alam ang iisipin ko. Anong ibig niyang sabihin?
Lumabas kami at pumasok sa loob ng Restaurant. We ordered food at kung hindi ko siya pinigilan na huwag damihan ay baka na-order niya na ang buong menu. Umalis ang waiter at bigla akong naging awkward dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Uh... kumusta?" Bakas sa boses ko ang pagkaka-ilang.
Hindi ko siya matignan sa mga mata dahil naiilang ako.
"Good. Ikaw ba?" Kaswal niyang tanong pabalik.
Umayos ako sa pagkakaupo at ngumiti sa kaniya. "Ayos lang din"
Tumango siya at hindi inalis ang titig sa akin. Nang makita ko ang ngisi sa labi niya at ang hitsura niya ay parang gusto ko na lang siyang yakapin pero hindi ko naman pwedeng gawin iyon. Hindi ko na pwedeng gawin iyon.
Kumurap ako at pumeke ng tawa para maitago ang sakit na nararamdaman.
"'Yong kanina... hinawakan mo kamay ko. Baka makarating 'yon sa asawa mo." Hilaw akong ngumiti.
Kumunot ang noo niya na para bang hindi niya naintindihan ang sinabi ko.
Baka naman hindi big deal sa asawa niya iyon? Baka alam niyang faithful sa kaniya si Archie kaya dapat ay walang ipangamba. Sinasaktan ko na naman ang sarili ko kakaisip sa pamilya niya. Pero sino bang hindi masasaktan kapag nasa harap ko siya habang alam ko na ang buhay niya ngayon.
Dumating ang order namin nang hindi niya sinasagot ang sinabi ko. Bago ako magsimulang kumain ay mapait akong ngumiti.
Siguro at tama si Baste. Kailangan ko siyang makausap tungkol sa pamilya niya para madali na lang sa akin na kalimutan siya. Baka sakaling kapag sa bibig niya na mismo ko narinig na masaya siya ay tuluyan na akong makaahon sa sakit. Hindi na ako nanghahawak sa pangako niya, pero nahihirapan pa rin ako.
"Kumusta pala ang pamilya mo? Masaya ako para sa'yo." Totoo iyon. Masaya ako para sa kaniya kahit masakit pa rin.
Tumaas ang tingin niya sa akin. Ibinaba niya ang kubyertos at itinuon sa'kin ang buong atensiyon.
"Sina Tita?"
Umiling ako. "Hindi. 'Yong asawa at anak mo. Nakita ko sa facebook-"
"Wala akong asawa at anak."
Literal na nalaglag ang aking panga sa sinabi niya. Napaayos ako at ginamit pa aking mga kamay para ipaliwanag sa kaniya ang nasa isip ko pero natanto kong para akong baliw. Sinabi niyang wala siyang asawa at anak. Maniniwala ba ako?
"H-Huh? Nakita ko 'yong litrato mo na may kasamang bata." I said as I failed to search for words para maintindihan niya.
"That's my colleague's son, not mine."
Kumabog ang puso ko at ang mga baliw na paru-paro ay nagsimulang magsayawan sa aking tiyan. I gritted my teeth as I tried my best to stop myself from smiling. May biglaang umusbong na kasiyahan sa aking puso. Tinignan ko ang mga mata niya para humanap ng butas na nagsisinungaling siya pero mukha siyang nagsasabi ng totoo.
Kailan nga ba siya nagsinungaling?
"Why? Inakala mong anak ko 'yon?" Nahimigan ko ang pang-aasar sa boses niya.
Nanuyo ang lalamunan ko at nag-iwas ng tingin.
Tangina ni Baste. Bakit hindi ako naniwala sa gagong 'yon.
Nangilid ang luha sa aking mga mata. Ang kaninang sakit ay napalitan ng kakaibang kasiyahan. Ang pighating nararamdaman ko sa nagdaang araw ay tila nawaksi na parang bula.
"Wala akong asawa at anak, Gillian. Kaya ba ang layo layo mo sa'kin kanina?"
"Iyon ang akala ko!" Singhal ko at medyo naluha pero pinigilan ko.
Pumungay ang mga mata niya at tumango. Bumagsak naman ang tingin ko sa mga pagkain.
"Kailan... ka pa bumalik?" Tanong ko para maiwasan ang pagkakapahiya dahil inakala kong anak niya iyon.
"I comeback right after I graduated"
That was six years ago. Sakay na ako ng barko ng mga panahong iyon.
"I worked in Manila for three years. Kalilipat ko lang dito sa Dasma."
Tumango ako ng makuha. Kinagat ko ang labi ko at nagtaas ng tingin sa kaniya. Nagulat ako nang makita sa mga mata niya ang kilala kong Archie noon. Ang malalim ngunit malambot niyang mga mata habang nakatingin sa akin.
"Bakit hindi ka nag-stay sa Manila?"
Hindi siya umimik. Lumagpas ang tingin ko sa likod niya dahil hindi ko matagalan ang titig niya sa akin.
"Bumalik ako... dahil sa'yo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top