#TWP30

Entry 30

Nanahimik ang mga kaibigan ko pagkatapos kong sabay-sabay lagukin ang tatlong baso na nasa harap ko. Tumayo ako at halos matumba pa ako kung hindi ako nasalubong ni Deanne sa pagtayo. Tinaas ko lang ang kamay ko at umikot ng upuan para makabalik sa silyang katabi ni Kobe.

"Gillian, stop drinking." Mariing bulong ni Denzel.

Tumaas ang tingin ko sa kanila. Ngumiti ako na parang baliw habang ramdam ko ang pangingilid ng luhang kanina ko pa pinipigilang lumabas.

"Inaya ninyo ako dito tapos pipigilan ninyo akong mag-inom?" Tumawa pa ako.

Inilipat ni Denzel ang tingin sa mga kaibigan namin. He make face like he's asking for their help. Ibinagsak ko na lang ulit ang tingin ko sa lamesa at mabilis na kinuha ang isang bote ng cuervo. Iinumin ko na sana iyon galing sa bote pero pinigilan ako ni Kobe. I glared at him but he only disappointedly shook his head.

"Ano? Hindi ninyo ba ako dadamayan?" Tanong ko sa kanila pero pinilit ko pa ring ngumiti.

Gusto ko ipakita na ayos lang ako. Na hindi ako apektado kasi matagal na panahon na rin naman. Pero taksil ang mga mata ko dahil hanggang ngayon hindi sila natututo na maging matapang pagdating sa mga ganitong sakit. Patuloy silang umiiyak kahit tutol ko.

"Gillian, are you going to kill yourself with alcohol?"

Tinignan ko si Lallaina. Tinuro ko ang mga alak sa lamesa.

"Mamamatay ba tayo dito? Mas mamamatay ako kakaisip kung bakit hindi ako!" Tumaas ang aking boses.

Natahimik silang lahat at itinuon ang lahat ng mga mata sa'kin. May punyal na tumama sa aking puso at hindi ko na napigilan ang mga tubig sa aking mga mata. Tumulo sila na parang gripo pero pinilit kong pumeke ng tawa. Marahas ko silang pinalis at umiling.

Agad na tumayo si Apple at Audrey para daluhan ako. Hinawakan nila ako sa braso at pinilit na pinatahan.

"Kaya ayokong ipakita sa'yo 'yon." Nagsisising sambit ni Baste.

Mas lalong lumala ang pagluha ko. Kinagat ko na ang labi ko dahil ayoko talagang umiyak. Sa loob ng sampung taon na nangungulila ako sa presensiya niya, ang tangi kong pinanghawakan ay ang mga pangako niya. Sa tuwing nawawalan ako ng pagasa ay mga salita at mukha niya ang aking inaalala. Umasa ako na pagkatapos ng maraming taon, na kahit gaano pa kahaba ang paghihintay ko, babalik siya. Kasi iyon 'yong sinabi niya.

Niyakap na ako ni Apple nang ngumalngal ako sa iyak. Pumikit ako ng mariin at gusto kong magwala dahil bakit hindi ako. Bakit hindi niya ako hinintay. Bakit humanap siya ng iba. Nakalimutan niya bang may naghihintay sa kaniya? Nakalimutan niya atang may naiwan siya dito. Bumalik nga siya pero humanap naman siya ng iba.

"Ang daya daya niya!" Sigaw ko habang humahagulgol.

"Sabi niya babalikan niya ako! Naghintay ako tapos..." Hindi ko matapos ang aking mga salita dahil kinakain ng aking mga hikbi ang aking boses.

Mas dumiin ang pagpikit ko dahil pisikal kong ramdam ang sakit sa aking puso. Ramdam ko ang mahirap na pagpasok ng hangin sa aking dibdib.

"Sshh, Gillian..." Pang-aalo ni Apple at hinaplos ang aking likod.

"We are not sure yet if that is Archie's."

Nagmulat ako ng mga mata at tinignan ang nasa harapan kong si Baste. Naluluha pa rin ako habang kumukunot ang noo ko sa kaniya.

"Let's not add more pain to Gillian. If that is the truth, I don't want our friend to still hope for uncertain. He probably has family now."

Pinalis ko ang luha sa aking pisngi. Humiwalay ako kina Audrey at Apple at hinarap si Lallaina.

"Ayokong saktan ka, Gil. Pero kung ikaw na lang ang nanghahawak sa inyong dalawa ni Archie, baka talagang wala na." Dagdag niya sa sinabi.

I gritted my teeth and looked away.

10 years... maraming pwedeng mangyari sa loob ng sampung taon. His love for me could fade... Siguro ako lang 'yong umasa sa pangako niya. Nakalimutan kong masyadong mahabang panahon ang sampung taon. It's almost like forever. Hindi na dapat ako nagulat na may pamilya na siya.

Pero umasa kasi ako. At nakakainis dahil umasa pa ako. Masyado akong naniwala sa sinasabi nilang tamang panahon pero hindi naman pala siya ang taong para sa'kin.

Habang hinihintay ko siya, nakahanap siya ng iba. Habang inaabot ko 'yong pangarap ko, naghahangad na siya ng iba. Habang umaasa ako, masaya na siya. At dahil sa pagaaksaya ko sa mga panahong siya lang ang minahal ko, ito ang naging resulta no'n.

Ang sakit sakit isipin na siya lang 'yong minahal ko sa loob ng napakahabang panahon pero iba na pala ang mahal niya.

Tumango ako kay Lallaina.

"You're right. Ako lang ang umasa." Basag ang boses kong sagot.

"There is still someone out there who's praying for you. Kalimutan mo na si Archie."

Kalimutan? Putangina, ilang taon akong sakay ng barko at inaabala ang sarili ko sa dagat. Ni minsan lang ako umapak sa lupa pero hanggang ngayon malinaw ang hitsura at mga salita niya sa utak ko. Ang hirap naman ata niyang kalimutan.

Pero ano pa nga bang magagawa ng mga alaala namin kung wala na talaga?

"Hindi gano'n kadali 'yon, Lallaina." Ani Kobe.

"Mahirap, oo. Pero kailangang tanggapin ni Gillian ang katotohanan dahil sasaktan niya lang ang sarili niya."

"But you can't just instantly advise to move on. You're not in her shoes, hindi mo maiintindihan kung gaano kahirap ito para sa kaniya."

"What the hell, Kobe?"

Nilingon ko ang dalawa kaibigan na nagkakainitan na ata.

"Pinapayuhan ko ang kaibigan natin kasi nasasaktan siya. What do you suggest na gawin niya? Umasa pa?"

"Lallaina, Kobe." Mariing tawag ni Sabrina.

"Huwag nga kayong mag-away. Hindi naman kayo ang may problema." Inirapan ko sila at tinungga ang baso sa harap ko.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang panonood nila Audrey at Apple sa galaw ko pero hindi ko na sila pinansin. Uuwi ako at matutulog mag-isa sa kwarto. Baka mabaliw ako kakaisip kung paulit-ulit kong iisipin ang nalaman ko ngayong gabi.

"Itong si Kobe, panira lagi."

Nagbangayan pa silang dalawa habang nanahimik na lang ako. Pero kahit gano'n ay ramdam ko pa rin ang bigat sa aking dibdib. Umiling ako at inabala ang sarili sa pag-inom.

"This supposed to be fun. Bakit tayo nag-aaway at nag-iiyakan?" Tanong ko habang pinaglalaruan ang nachos sa pinggan.

Hindi ko sila tiningala pero ramdam ko ang paglipat ng tingin nila sa akin. Naluluha na naman ako dahil nagp-play sa utak ko ang litrato ni Archie. He looks happy there.

"You can cry and be sad when you want. Hindi mo kailangang magpanggap na ayos ka lang sa harapan namin."

"Umiyak na ako. Ibigsabihin hindi ako ayos."

Umayos ako sa pagkakaupo at tinignan ang mga kaibigan. Nginisian ko sila.

"Ayaw ninyo ba akong patulugin mamayang gabi? Order pa kayo ng beer. 'Yong malakas tama para makatulog ako."

"You'll drive. Maaaksidente ka-"

"Ihahatid ko siya sa kanila, Baste. Pagbigyan na natin si Gil." Putol ni Audrey sa sinasabi ni Baste.

Nagkibit balikat ako at ako na mismo ang nagtawag ng waiter para maka-order pa ng maraming beer. I can feel the disapproval from Baste and Lallaina pero hindi na sila nagsalita pa. Binago rin nila ang usapan at pilitin ko mang makisali ay naaagaw ng alaala ng litratong iyon ang atensiyon ko.

Tumayo na kami nang marinig na namin na magsasara na ang bistro. Halos umikot ang paningin ko pagkatayo kaya napahawak ako sa braso ni Kobe. Nagmura siya at inalalayan ako hanggang makalabas kami at naipasok na ako sa sasakyan ni Audrey.

"Ako na mag-drive ng Jaguar ni Gillian." Rinig ko ang boses ni Denzel bago sinarado ni Kobe ang pintuan sa gilid ko.

Inihilig ko ang ulo ko sa head rest at pumikit ng mariin dahil hinihila na ako ng antok. Bago ako tuluyang pumikit ay nakita ko ang mga kaibigan ko sa harapan na nag-uusap-usap. Hindi ko na nasundan pa dahil pagkamulat ko na lang ay sumalubong na sa akin ang puting dingding ng kwarto ko.

Naramdaman ko ang malambot na kumot na nakabalot sa aking katawan at ang unan na hinihigaan ko. Audrey probably woke Mommy para maipasok ako dito kagabi. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at napapikit bigla nang maramdaman ang pagkirot ng ulo ko.

Naihilamos ko ang aking palad sa mukha dahil ang sakit ng ulo ko. Hindi ko maalala kung nakailan akong beer kagabi para maging ganito kalala ang hangover ko. Bumagsak ulit ako sa kama nang hindi ko na talaga siya kinaya.

"Ang sakit!" Reklamo ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan nang kwarto pero hindi pa rin ako nagmulat ng mga mata.

"Sobra mo bang na-miss ang mga kaibigan mo at grabe ang kalasingan mo kagabi?" Nahimigan ko ang pang-aasar sa tanong na iyon ni Mommy.

Dumaing lang ako ng sakit paulit-ulit at hindi sinagot si Mommy. Hindi na rin naman siya nagdagdag pa ng sinabi bago ko muling narinig ang pagsarado ng pintuan.

What the heck happened last night?

Pinilit kong alalahanin ang nangyari pero mas lalo lang sumasakit ang ulo ko kaya sapilitan na akong bumangon. Inayos ko ang aking buhok bago nagpasyang bumaba para makainom ng mainit na soup. Naabutan ko si Mommy na nagsasalin ng soup sa isang bowl.

"Bumaba ka. Dadalhan na sana kita sa kwarto mo."

Dumiretso ako sa pagupo. Hinilot ko ang aking sentido habang nakatukod ang siko sa lamesa. Inabot sa akin ni Mommy ang mangkok at iminuwestra sa aking uminom. Unang tikim ko palang ay napaso na agad ang dila ko kaya hindi pinalamig ko muna ng ilang saglit.

"Denzel brought your car here at sumabay kay Audrey pauwi kagabi."

"Sino nag-akyat sa akin sa kwarto?" Kuryuso kong tanong dahil wala naman kaming lalaking kasama sa bahay. At masyado akong malaki para mabuhat ni Mommy o 'di kaya ni Audrey.

"Si Denzel. Hirap na hirap pa nga dahil ang laki mo."

Ngumuso ako at tumango na lang.

"Puro ka lang ata kain sa barko." Dagdag ni Mommy at humalakhak.

Napangisi ako. "Maraming pagkain pero dami ring trabaho."

"Isang buwan ang break ninyo 'diba? Anong plano mo?"

"Marami. May plano pa sina Chielo na pumuntang Davao sa isang araw."

"May tickets na kayo?"

Tumango ako.

"Travel through water?"

"Plane, My. Kagagaling lang namin ng barko."

Tumango si Mommy at umupo na rin sa harap kong silya habang inuutusan ang kasambahay namin na maghain ng umagahan.

"Uminom ka ng pain reliever pagkatapos mo diyan."

Tumango ako. Sumimsim ako sa soup at medyo nakaramdam ng kaginhawaan dahil roon. Tinignan ko ulit si Mommy nang may maalala.

"Dalaw tayo ngayon kay Daddy?" Aya ko sa kaniya.

Malungkot na ngumiti si Mommy at tumango. Kumain kami ng breakfast at iyon nga ang naging plano namin sa araw na iyon. I saw Mom crying in Dad's grave. Hindi ko rin mapigilan maluha dahil kahit matagal na panahon na ang nagdaan, para pa rin siyang kahapon lang nangyari.

Umupo ako sa tabi ni Mommy habang pinagmamasdan ko ang pangalan niyang nakaukit sa lapida. Ang daming nangyari sa loob ng sampung taon. I lost him, I doubt myself and I was looking for help. I was looking for peace. Hinahanap ko ang isang tao na alam kong hindi pa babalik.

Bahagya akong ngumiti pero agad iyong napawi nang unti-unting maalala ang nangyari kagabi sa bistro. Kumunot ang noo ko at halos mawalan ako ng hininga habang inaalala ang nangyari kagabi.

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang sarili sa pagiyak. Umiwas rin ako ng tingin para hindi mapansin ni Mommy na naluluha ako.

Hindi nagbago ang sakit na nararamdam ko kumpara kagabi. Mas lalo lang itong lumala. Literal na nararamdaman ko ang pagkakawasak sa aking puso at panlalamig ng aking tiyan. Hindi ko pa rin lubos maisip na ngayon ay may pamilya na siya.

Parang kailan lang noong naghiwalay kami at nangako siya na babalik siya sa'kin. Mahabang panahon pero malinaw pa rin sa akin ang nangyari sa nakaraan. The way he showed his love for me. The way he could make me feel that I am at peace and how dependent I am with him.

I didn't know that my love for him could lasts this long. Kung sana lang ay ganoon din siya.

"Gillian, let's go home. Gumagabi na."

Tumayo ako at nagpaalam kay Daddy bago tinalikuran ang kaniyang lapida. Dumiretso kami sa sasakyan at nagsimula nang bumyahe pauwi. Naipit pa kami sa traffic at kitang kita sa harap ang kulay orange at pink na langit. Nanlabo ang aking mga mata kaya naman agad akong pumikit para mapigilan ang panlalabo nito.

"Bakit, Gillian?" Tanong ni Mommy.

Umiling lang ako bago pinagpatuloy ang pagmamaneho nang umandar na rin ang sasakyan sa harapan. If he's now happy, dapat ay ganoon din ako para sa kaniya. Kailangan ko nang tanggapin na wala na talaga. Dahil kung may pamilya na siya, hindi na dapat pa ako umasa. Masakit at mahirap dahil mahal na mahal ko pa rin siya pero umiikot ang mundo at tumatakbo ang oras, nagbabago ang lahat ng bagay, makakaahon rin ako.

Umakyat ako sa kwarto pagkarating namin. Sinabi ko kay Mommy na magb-bond kami bukas dahil sa isang araw ay pupunta na akong Davao para sa isang linggong bakasyon. Pagkatapos kong magpalit ay nag-catch up kaming dalawa ni Mommy sa ginawa. Inimporma niya rin ako sa estado ng kapehan. Simula kasi ng magkasakit si Dad ay medyo nalugi ito, lalo na noong namatay siya. Pero gusto ni Mommy na huwag mawala ito sa'min dahil alaala iyon ni Daddy. Ginawa ni Mommy ang lahat para masalba ang kapehan.

She's also now a retired Professor dahilan kung bakit nabigyan niya ng buong pansin ang business. Tumatanda na ang magulang ko at minsan naiisip kong umalis na sa trabaho para mas mabigyan ng atensiyon si Mommy. Pero napamahal na rin ako sa aking trabaho at sa mga kasama ko. Pamilya ko na rin sila kagaya ng turing ko kay Mommy at sa mga kaibigan ko.

But in life, we need to choose one thing between many choices. Hindi pwedeng piliin ang lahat. You need to sacrifice the other to have what you really want. It's like choosing between moving on or staying.

Pagdating ng kinabukasan ay bumisita kami ni Mommy sa kapehan. Gumala kami sa Mall para mag-shopping at manood ng movies. I even asked her if we can go to Batangas pero ayaw niya na dahil may lakad pa daw ako bukas. Maaga akong natulog para sa gabing iyon dahil susunduin ako ni Chielo sa bahay ng umaga.

Tumunganga ako sa kisame at tumulo na naman ang luha sa aking mga mata. My friends keep on asking me if I am just fine. Maayos naman ako pero nasasaktan pa rin. Hindi naman kasi madaling makalimot lalo na kung mahal mo pa.

Huminga ako ng malalim at tumayo. Iniling ko ang naiisip at nagsimula na sa pagaayos.

"Saan daw tayo magkikita-kita?" Salubong ko kay Chielo pagkapasok ko nang chevy niya.

Kumaway siya sa aking Mommy at ganoon din ang ginawa ko bago niya pinalabas ang sasakyan sa gate namin.

"Airport na lang daw. Daan muna tayo Mall, may bibilhin lang ako." Aniya.

"Okay. Nandoon na ba sila?"

"On the way na rin sila. Hayaan mo silang maghintay do'n." Tumawa siya dahil alam niya kung gaano kalayo ang Cavite sa Maynila pero mas pinauna pa namin ang mga kasama naming mga tiga-Makati.

"Ang sama mo, Chielo." Natatawa kong sambit.

Dumaan kami sa Robinson sa Dasma. Hindi ko alam kung anong bibilhin nito basta sumunod na lang ako sa kaniya. Umikot ang tingin ko sa buong palapag at kaunti palang ang tao dahil kabubukas pa lang ng Mall.

"Ano bang bibilhin mo?" Tanong ko sa kaniya nang umabot kami sa pangatlong palapag kung nasaan ang mga boutique.

"Cover up. Nawawala kasi 'yong bago ko."

Tumango na lang ako at hinayaan siyang tumingin tingin habang nasa labas kami. Tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag ni Tyson pero sinabi sa'kin ni Chielo na huwag kong sagutin dahil daw pagmamadaliin lang kami. Tinignan ko kung anong oras na at halos mamilog ang mga mata dahil pasado alas onse na. Ala una ang flight namin.

"Chielo, mahuhuli tayo- Ah!" Napasigaw ako nang nagsasalita ako ay biglang may gumulong sa aking mga paa.

Dahil na rin sa gulat at pagtama ng bola ay nawalan ako ng balanse dahilan nang pagpilit ng aking paa at pagbagsak ko sa sahig. Ininda ko ang sakit ko sa pagkakabagsak pero mas masakit ang nararamdaman ko sa paa ko.

"Oh my god, Gillian!" Gulat na sigaw ni Chielo nang makita akong nakaupo.

Tinulungan niya akong tumayo pero halos maiyak ako nang hindi ko maitukod ng ayos ang kaliwang paa ko. Kumapit ako sa kaniyang balikat para masuportahan ang sarili.

"Gillian, sprain ata ang ankle mo!"

Namilog ang mga mata ko at agad umiling. Bumaba ang tingin ko sa paa at nakita ang mabilis nitong pamamaga.

"Hindi pwede." Sagot ko dahil may plano pa kaming umalis.

"Patingin natin sa malapit na Hospital. Baka maagapan pa 'yan."

Inalalayan akong mabuti ni Chielo habang dumidiretso kami palabas. Pinagtitinginan pa kami ng mga taong nasa loob dahil ganito ang ayos namin. A guard offer a help kaya naman agad akong ibinigay ni Chielo doon. Nakarating kami sa sasakyan niya at nang sinubukan kong galawin ang paa ay napadaing ako.

"Huwag mong galawin. God, kinakabahan ako sa'yo." Aniya sa natatarantang boses at mabilis na pinaandar ang sasakyan sa malapit na hospital.

Lumabas ako habang akay-akay niya. Dumiretso siya sa isang nurse at humingi ng tulong para mailagay ako sa wheel chair dahil nahihirapan na talaga akong maglakad. Agad dumating ang hiningi namin at tinulak na ako papunta sa elevator paakyat sa room ng magc-check ng aking paa.

Tinignan ko ang aking orasan at nakitang malapit nang mag-alas dose.

"Chielo, iwan mo na ako dito. Mahuhuli ka sa flight."

"Huh? Ano? Paano ka?"

Binalingan ko siya. Gustong gusto kong sumama dahil hindi pa ako nakakapuntang Davao pero alangan namang magliwaliw ako doon habang ganito ang paa ko. Hindi ko rin mae-enjoy.

"This probably sprained. Hindi na ako makakasama."

"Hindi na rin ako sasama kung gano'n. Wala kang kasama dito."

"Chielo, sayang ang ticket. Ang mahal mahal no'n."

"Hindi ko mae-enjoy kung kulang. Ayoko na. Cancel na natin-"

"Chielo. Ako ang Chief mo." I firmly uttered.

Dahil alam ko namang gusto rin nilang pumunta doon at ayokong maging dahilan para lang hindi sila matuloy. Naitikom ni Chielo ang kaniyang bibig at nagdadalawang isip na tumango.

"Minsan lang tayo makapag-bakasyon. Sulitin ninyo na. May next time pa naman. Sasama ako sa susunod."

Bumuntong hininga siya at sinulyapan ang paa kong halatang walang pagasa na gagaling ngayong araw. Bumukas ang elevator at agad na kaming lumabas.

"Bumaba ka na, Chielo. Papasundo na lang ako sa mga kaibigan ko." Sabi ko sa kaniya nang makita ko siyang nakasunod pa rin sa'kin.

Napakagat siya ng pang-ibabang labi. Napangiti ako dahil para siyang bata sa edad naming ito. She's pretty, mukhang koreana. Naaalala ko sa kaniya si Audrey dahil parehas sila ng ugali at halos hawig ang hitsura. I gave her an assuring smile before I saw her thinking twice to turn her back on me.

"Ma'am dito ka po muna. On the way palang po kasi si Doc." Ani ng lalaking nurse na nagtutulak ng wheel chair ko.

Tumango ako bago niya ako itinabi sa waiting area ng lobby ng hindi ko alam kung pang-ilang floor ito. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko para tawagan si Baste at Audrey. Sila lang ang alam ko na walang trabaho ngayong araw, e.

"Nasa hospital ka? Bakit?!" Pa-histeryang tanong ni Baste sa kabilang linya.

Napairap ako dahil sa sobra niyang OA. Pero hindi ko siya masisi, kakaiba naman talaga kapag nasa hospital ka bigla.

"I sprain my ankle on the way. Pupunta dapat ako airport-"

"Bakit ka pupuntang airport? Maglalayas ka?"

"Bobo ka ba talaga, Santiano? May trip kami sa Davao ng mga kasamahan ko. Tapos nangyari 'to." I explained a bit irritated.

"E, bakit ka naiinis? Nagtatanong lang naman ako-"

"Ewan ko sa'yo. Sunduin ninyo ako dito ni Audrey."

"Nasaan ka ba? Saang hospital 'yan?"

Sinabi ko sa kaniya ang pangalan ng Ospital at natigil pa siya ng ilang segundo bago um-oo. Pinatay ko ang tawag para mag-iwan ng mensahe kay Audrey.

"Good morning, Doc!"

Tumaas ang tingin ko mula sa cellphone dahil sa pagbati ng ilang nurse na dumaan sa harapan ko. Nakita ko ang pag-ngiti nila sa isang lalaking naka-white lab coat. Naningkit ang mga mata ko dahil nakatalikod ito sa'kin.

Siguro ito na ang Doctor ko.

"Doc, room 704 po." Salubong ng isang lalaking nurse na may dalang clip board.

Nilingon ko ang nurse na nagdala sa akin dito pero wala na. Bumalik ang tingin ko sa harapan at halos malaglag ang panga ko at mamilog ang aking mga mata nang makita kung sino ang Doctor na nakatalikod sa akin kanina.

Na-estatwa ako sa pagkakaupo dahil sa gulat.
Archie's gray eyes met mine. Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang mukha at hindi ako magkakamali na siya ito. He changed. Physically and the way he carries himself. Mas naging maskulado at tumangkad pa siya kumpara noong college kami. Ang buhok niya noon na medyo mahaba, ngayon ay malinis na. Ang malalim niyang mga mata na lumalambot kapag nakikita ako ay nagbago na... it turned darker and more serious.

Kumabog ng husto ang puso ko nang matanto na suot niya na ang uniform ng isang doctor. Tuwid ang kaniyang tinding habang ang dalawang kamay ay nasa loob ng bulsa ng kaniyang coat. Nag-init ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang pagbabago sa kaniya. It's really been a long time because I don't remember him being this intimidating before. He matured but he remained good looking.

Natupad niya ang pangarap niya.

Nakita ko ang pagbagsak ng tingin niya sa aking katawan at agad kong naalala ang suot kong bangle. Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo at bago ko pa man din maitago ang palapulsuhan sa likod ko ay tinawag na siya ulit ng nurse at umalis na sa harap ko.

Naitigil ko ang pag-ambang pagtatago sa aking palapulsuhan nang makita siyang naglalakad palayo sa akin. Pinanood ko ang ang kaniyang likod na mabilis na nawala sa aking paningin dahil lumiko siya sa isang kwarto. Nanlabo ang mga mata ko at tila pinipiga ang puso ko. Para akong nawawalan ng hininga.

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang sarili sa pagiyak. Nakita niya panigurado ang bangle pero hindi niya na pinansin. Siguro at hindi niya na rin maalala na galing ito sa kaniya. Tumulo ang luha sa aking mga mata kaya mabilis ko silang pinalis.

"Ma'am, this way po tayo." Bumalik ang nurse sa likod ko at tinulak ako papasok sa isang kwarto.

Sumalubong sa akin ang isang matandang Ginang na Doctor. Sinalubong niya ako ng ngiti pero hindi ko magawang suklian iyon. Tumayo siya at tinignan ang paa kong namamaga.

"How did you get this?"

"May tumama po kasing bola sa'kin. Hindi ko nakontrol ang pagbagsak ko kaya pumilipit ang paa ko." I said as I what remember a while ago.

Tumango siya at in-examin pa ang paa ko. Bumagsak lang ang tingin ko do'n habang may sinasabi siya pero hindi ko makuha dahil naaalala ko ang pagtalikod sa akin ni Archie.

Hindi man lang niya ako pinansin o nginitian. Umalis lang siya na para bang hindi niya na ako kilala. Tumalikod siya na para bang na minsan sa buhay niya ay hindi niya ako minahal.

Kinagat ko ang dila ko para mapigilan ang sarili sa pagiyak. May pamilya na siya. Ayoko ng guluhin pa siya. Siguro hindi niya na rin maalala na naging ex niya ako dahil masaya na siya. Panigurado at mas mahal niya ang asawa niya kaysa sa'kin na isang taon niya lang naman nakasama.

Tumaas ang tingin sa akin ng Doctor, sakto sa pagtulo ng luha ko.

"Masakit ba?" Aniya na para bang natural lang sa kaniya na makakita ng umiiyak.

Natanto kong tinatanong niya ang tungkol sa aking paa kaya tumango ako.

"Opo. Masakit." Basag kong sagot.

Tumango ang Doctor at bumalik sa kaniyang upuan. Pinalis ko ang aking luha sa pisngi at pilit pinakinggan ang sinasabi ng Doctor.

"Your sprain is not that severe. Mabuti at agad mo siyang dinala dito. I just suggest na lagyan siya ng cast." Aniya.

Tumango ako. Wala pa rin ako sa sarili at halos mamanhid ang nararamdaman ko sa paa habang nilalagyan ng cast ito. Naglalakbay pa rin ang isip ko sa biglaang pagkakita ko kay Archie.

Pagkatapos malagyan ang paa ko ng cast ay niresetahan ako ng Doctor ng mga iinumin at gagawin ko para mas mapadali ang recovery ng aking paa. Nagpasalamat ako bago ako na mismo ang nagtulak sa sariling wheel chair para makalabas. Sumalubong sa akin si Baste at Audrey.

"Ang clumsy mo naman, Chief." Sambit ni Baste.

Hindi ko siya inimik at nanatiling tahimik habang nasa loob kami ng elevator. Lumabas kami at inalalayan ako ni Baste papasok sa passenger seat. Sumakay din silang dalawa sa harapan pero hindi agad pinaandar ni Baste.

"Masakit ba?" Kuryusong tanong ni Audrey, napapansin siguro ang katahimikan ko.

Mula sa kawalan ang aking tingin nang tumaas ang tingin ko sa rear mirror. Nakita ko ang mata nilang dalawa na nag-iingat na nakatingin sa akin. Nangilid na naman ang luha ko.

"Nakita ko si Archie." Tangi kong nasabi.

Sabay silang tumikhim habang nagsimula namang maglandasan ang luha sa aking mga mata. Gusto kong tanggapin pero ang hirap hirap naman gawin agad no'n. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top