#TWP28
Entry 28
Patuloy ang aking paghikbi habang nananatili akong nakatayo sa kung saan niya ako iniwan. Umaasa na sana ay bumalik siya.
Pumikit ako ng mariin at walang lakas na pinunasan ang basa kong pisngi.
"Babalik ka..." mahina kong bulong sa kawalan.
Tumaas ang tingin ko sa tahimik naming bahay at walang bakas na ilaw sa ano mang bahagi. Mabagal akong naglakad papasok. Nakatitig sa akin ang guard ngunit hindi naman ako nito pinansin. Nagpatuloy ako sa pagpasok at nang sumalubong sa akin ang nakakabinging katahimikan ng aking kwarto ay hindi ko na naman napigilang umiyak.
Sinarado ko ang pintuan at humahagulgol na napaupo. Sumandal ang likod ko sa pintuan habang niyayakap ko ang aking tuhod. I buried my face on my knees as I feel my heart crashing repeatedly and my world shaking endlessly.
Ang mukha niyang nanghihinayang ay hindi maalis sa aking isipan. Gusto kong tumakbo pabalik sa kaniya at yakapin siya. Gusto kong halikan siya ng paulit-ulit. Gusto ko lagi siyang nandiyan sa tabi ko pero alam kong hindi ko na pwedeng bawiin ang lahat ng sinabi ko. Hindi ako nagpadalos-dalos sa pagdedesisyon dahil alam kong iyon ang tamang gawin namin ngayong dalawa. Staying together will only restrain us from growing.
Kinakagat ko na ang labi ko at nararamdaman ko na ang dugo dito dahil takot akong marinig ng sino man. Ayokong magising sina Mommy dahil sa lakas ng mga hikbi ko.
"Gillian,"
Mas naiyak ako dahil sa pagtawag ni Mommy ng pangalan ko. Tumulo ng walang sawa ang aking mga luha. Nawawasak ng sobra ang aking puso. Ang bigat sa aking dibdib ay walang kapantay na ano mang mabibigat na bagay. Ang sakit ng ulo ko, napapagod nang umiyak ang mga mata ko pero wala akong magawa dahil nasasaktan ako.
"Gillian, open the door." Nag-aalalang boses ni Mommy ang bumalot sa katahimikan bukod sa aking hikbi.
Umiling ako at hindi ko magawang makapagsalita dahil wala akong lakas na tumayo. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bukas ng walang siya sa buhay ko. Nasanay na ako sa kaniya. Halos lahat ng ginagawa ko ay nakadepende sa kaniya. Paano ako aahon sa sakit na ito kung ang lahat ng bagay ay magpapaalala lang sa kaniya?
"Gillian Haidee,"
Tumayo ako at binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin ang naka-pantulog na si Mommy at ang nag-aalala niyang hitsura. Lumapit siya sa akin at umambang hahawakan ako pero naunahan ko siya. Niyakap ko siya ng mahigpit at humagulgol na parang bata sa kaniyang braso.
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik. Hinaplos niya ng marahan ang aking likod habang umiiyak ako. Hindi ko na napigilan at kumawala ang malakas na hikbi sa aking bibig. Hindi ko alam kung paano pa siya isasalin sa salita, para akong lumipad para lang bumagsak ulit.
"M-Mommy..." humahagulgol kong tawag sa magulang.
"Anong nangyari?" Banayad niyang tanong.
Isang beses pa ulit akong pumikit ng mariin hanggang sa tuluyan nang tumigil ang pagiyak ko. Humiwalay ako sa kaniya at dumiretso pabalik sa kwarto. Umupo ako sa kama habang nakapatong ang dalawa kong kamay sa aking mga hita. Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Mommy at ang pag-upo niya sa aking tabi.
Hindi siya nagsalita at ganoon rin ako. Alam kong hinihintay niya lang ako mag-kwento. Pero hindi ko alam kung saan magsisimula. Unti-unting bumablanko ang utak ko pero ramdam ko pa rin ang sakit sa puso ko.
"Archie..." hindi ko matapos tapos ang aking salita dahil bigla na lang naninikip ang dibdib ko.
Hinawakan ni Mommy ang aking braso at hinaplos iyon. Inayos niya ang aking buhok at inilagay sa likod ko. Para akong estatwa dahil hindi ako gumagalaw pero tumutulo naman ang mga luha ko.
"Archie and I...I broke up." Bumuhos na parang gripo ang aking luha dahil mahirap para sa'king sabihin na wala na kami.
Ayokong maniwala na tapos na kami. Gusto kong isipin na may bibisita sa aking Archie kinabukasan. May mag-aaya sa aking lumabas. May mang-aasar pa sa akin. Hindi siya namatay pero parang gano'n ang nangyayari dahil sa pighating nararamdaman ko ngayon.
I never cried over a boy before. But this is what I get for loving him too much. Kapag sobra 'yong pagmamahal, sobra din 'yong sakit kapag natapos na.
"Bakit?" Maingat niyang tanong.
Natulala ako sa kawalan. Lumunok ako at ilang beses suminghot bago sumagot.
"He rejected the scholarship offered to him from China because of me." Panimula ko.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Pagod kong binalingan si Mommy at ipinakita sa kaniya kung gaano ako nasasaktan.
"Kailangan bang maghiwalay?" Tanong niya.
"Kailangan, Mom. Kung hindi namin gagawin 'yon, masisira ang mga nauna niyang plano."
Hinaplos ni Mommy ang aking pisngi at malungkot na ngumiti.
"You are selfless, Gillian." Aniya na hindi ko kaagad nakuha.
"Okay lang na ikaw ang masaktan basta hindi ka makakasakit ng iba. Hahayaan mong ikaw ang mag-suffer basta huwag lang maranasan ng iba ang sakit. Hindi ko hiniling sa may kapal na maging ganiyan ka. But still, He gave me a daughter who has a pure heart."
Namungay ang aking mga mata habang pinapakinggan ang sinasabi niya. Is that me? Ganoon ba ako? Hindi ko alam.
"And good hearts deserves a better plan. You are still young, Gillian. This pain will taught you things and will make you grow to a person you never thought you could be. And trust the time, the plans and your decision that this heartbreak..." Ngumiti siya sa akin.
"Will give you a beautiful present in the future. Ang sakit na nararamdaman mo ngayon ay ang siyang magiging sandata mo sa susunod na hamon ng buhay. We all have different pains. We are all experiencing different circumstances in our life. Iba-iba rin ang mga bagay na nagtuturo sa atin. Either it be your friends, family or someone special who own a big space in your heart. At the end of the day, you will realize, you did the right decision. Dahil hindi ka masasaktan kung maling desisyon ang ginawa mo. Taking a regretful choice will leave guilt and conscience to you everyday, not pain."
Hindi ko nagawang kumurap nang maramdaman ang pagpatak ng isang luha ko sa aking left eye. Lumapit pa ako sa kaniya at pinagpahinga ko ang aking ulo sa kaniyang balikat. Pumikit ako habang dinadama ang luhang dumidiretso pabagsak sa aking braso.
"I love him so much..." tangi kong nasagot.
Dahil natatakot ako. Nangako siya. Alam kong babalik siya. Pero paano kung sa loob ng taong magdadaan ay makahanap siya ng iba? Paano kapag biglang mawala ang pagmamahal niya sa akin? Paano ako na naghihintay sa kaniya?
I always doubt his love for me even though he always proves to me that his feelings are deep and real. Naniniwala akong mahal niya ako ngayon... pero paano sa susunod na buwan? Na taon? Nakakabaliw. Hindi ko alam gagawin ko.
I don't regret anything. I don't regret letting us go separately... pero ang sakit sakit pa rin isipin na 'yong taong mahal na mahal ko... hindi ko na hawak.
"If the love you both have for each other is true, makakapaghintay ang panahon."
"Paano kapag nakahanap siya ng iba?" I hysterically asked.
Humiwalay ako sa kaniya at tinignan siya sa mga mata. Umiling siya at hinigit ako palapit muli sa kaniya.
"If you doubt his love for you, you will create a world inside your head where you two can never be."
Natigil ako sa pag-ambang pagsasalita. Mapait siyang ngumiti at hinuli ang aking kamay. Hinawakan niya iyon ng mahigpit bago iniwas ang tingin sa akin at tumitig sa harapan.
"There are no such things as certain as today in the future. Everything will surprise us because we never knew that it could actually happen. Science, history... we could never tell which has the concrete narration of what will happen in the future or what happened in the past. Dahil, Gillian, ang mundong ginagalawan natin ay walang kasiguraduhan. Nasa tao kung paano siya maniniwala sa isang bagay na hindi mo alam kung totoo."
Bumalik ang tingin niya sa akin.
"Our emotion depends on how we will react on things. Feelings will be created depending on how we will see things in front of us. But love is more than just emotion and feelings. Dahil ito lang ang tanging nagbubuklod sa mga tao kahit iba-iba tayo. Love is such powerful word that when you heard it, you know that it can change your whole life... the way you perceive life. Na kahit hindi ka sigurado, kung nananaig ang pagibig sa puso mo, maniniwala ka. It is believing to things you can't see because you can feel it."
Napangiti ako dahil sa narinig mula sa sinabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at lumuluhang tumango na parang bata.
Maybe I just really need to trust the time. Hahayaan ko ang sumusulat ang magdesisyon sa kung anong mangyayari sa amin sa mga susunod na panahon. Panghahawakan ko ang pangako niya. Maniniwala ako sa pagmamahal niya.
"Thank you, Mommy." Humahagulgol kong sambit.
"You are my daughter. Wala mang Archie sa tabi mo bukas, nandito kami ng Daddy mo."
Tumango ako ulit. Nakaramdam ng kasiyahan ang aking puso dahil sa pagkakaramdam na hindi ako nag-iisa. But then, when you are hurt, it's not easy as pie to heal and move on.
Nakahiga pa ako sa kama habang tulalang pinagmamasdan ang ceiling ng kwarto. Blanko ang aking utak at wala akong maramdaman na ano man sa aking dibdib. I feel numb but it's weird because I still manage to produce a cry.
Hindi ako kumukurap habang binibilang kung ilang linggo na ba ang nagdaan.
Tumayo ako at para akong lumulutang habang dumidiretso sa bathroom para makapaghilamos. Lumabas ako pagkatapos ng aking mga ritwal sa banyo bago tumuloy sa dining area. Naabutan ko do'n sina Mommy na nagsisimula ng kumain. Ngumiti ako at sumalo na sa kanila.
"Na..k-ka..en..rol..." Nahihirapang sambit ni Daddy.
Inilapag ko ang mga kubyertos at nakangiting tumango kay Daddy.
"Opo, Daddy. Tagal ko ng enrol, ah." Natatawa kong sagot.
Tumawa rin si Mommy at sinubuan ang Daddy na hanggang ngayon ay nahihirapan igalaw ang kaniyang kamay. Medyo nakakalakad na naman siya pero madalas ay kailangan niya pa rin ng tulong. Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang dalawang importanteng tao sa buhay ko.
I always wish for more before not realizing that I am blessed because they are still both alive. Bumaling bigla sa akin si Mommy at kumunot ng bahagya ang noo. Ngumiti ako sa kaniya bago ko binagsak ang aking tingin sa pinggan.
It's been almost three weeks since I let my social media accounts and phone rest. Hindi ko sila binuksan simula noong naghiwalay kami ni Archie dahil natatakot akong traydurin ko ang aking sarili. Baka sa oras na makatanggap ako ng balita na aalis na siya, o 'di kaya ang mabasa ko ang kaniyang mensahe, ay baka mabilis akong magtatakbo papuntang airport at pigilan siya. At ayaw kong mangyari iyon.
Bumalik ako sa kwarto para ayusin ang aking mga gamit dahil magpapasukan na ulit next week. Lumagpas ang tingin ko sa cellphone na nasa side table. Sa nagdaang linggo, walang araw na hindi ako lumuha. Walang araw na hindi naging pahirapan sa akin ang bigat na nararamdaman sa dibdib. Ngayong araw pa lang ata ako nagsimulang mamanhid sa lahat ng nangyayari.
Pagkatapos kong ayusin ang mga damit kong dadalhin sa condo ay binuksan ko na ang cellphone. Messages of my friends, classmates and group chat are what bombarded my notification. Patago kong ni-scroll ang twitter message, messenger at maging ang instagram. Napangiti na lang ako dahil wala namang mensahe galing sa kaniya. Hindi ko na rin inabala pa ang sarili na tignan kung online ba siya.
Nag-reply ako sa mga kaibigan bago ako umambang babalik sa pag-iimpake nang makatanggap ako ng hindi ko inaasahang message. Mabilis akong tumayo at nagtatakbo papasok sa walk in closet. Hinigit ko ang disenteng damit at mabilis na naglinis ng katawan. I wear a white puff sleeve short dress paired with my flat sandals. I low tie my hair bago nagmamadaling nagpaalam kina Mommy.
"Saan ka ba pupunta?" Rinig kong sigaw ni Mommy.
"Kina Archie lang!" Sigaw kong balik at nagpahatid na agad sa bahay nila Archie.
Pumasok kami sa loob at pumarada ito sa tapat ng engrandeng batong hagdanan. Lumabas ako at nakita ko kaagad ang Tiyahin niyang nasa hamba ng pintuan at hinihintay ako. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o ano dahil ang pagkaka-alala ko ay hindi niya ako gusto. Umusbong ang hiya sa aking katawan bigla dahil hindi ko na masyadong naisip kung ano ba ang pakay niya sa akin. Masyado akong na-excite nang i-message niya ako.
"Good morning," Elegante nitong bati sa akin pagkaakyat ko.
"G-Good morning," kinakabahan kong bati pabalik.
She screams so much power and wealth. Nakakapangliit tumayo sa harap niya. Iiwas na sana ako ng tingin kung hindi ko lang nahagip ang biglaan niyang pag-ngiti. Nanlaki ang mga mata ko pero bago pa man din maging kahiya-hiya ang reaksiyon ko ay pinapasok niya na ako sa loob.
Umupo kami sa mahaba nilang dining table at sa harap namin ay napakaraming pagkain. Hindi naman ako natatakam dahil nakatikim na ako ng ganiyan. Tumaas ang tingin ko sa Ginang na hindi pinuputol ang tingin sa akin. Umayos ako sa pagkakaupo.
"I invited you here because I want to sincerely say my apology." Aniya na nagpalaglag sa aking panga.
Tipid itong ngumiti bago nagpatuloy. "Archie pursued the scholarship and I know it is because of you. I'm sorry if I judged you that quick."
Hindi ko alam anong isasagot ko. Alam niya na bang wala na kami ng pamangkin niya?
"You are not exactly the lady I thought you are."
"Hiwalay na po kami." Tangi kong nasagot.
Tumango ito na para bang alam niya.
"Huwag mo sanang isipin na humihingi ako ng paumanhin ngayon sa'yo dahil nalaman kong hiwalay na kayo. I said that I like Geraldine better than you because I thought you will be the reason of his failed plans to study med in China. I've seen Archie grow and I know how ambitious that kid is. Ako na ang tumayo niyang ina simula palang noong bata siya at hindi ko gusto na tahakin niya ang daan na malayo sa pangarap niya."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil naiintindihan ko naman siya. Noong una ay nasaktan ako dahil hindi ko alam kung bakit niya iyon nasabi. I even thought that there is a problem with me just because people don't like me for being me.
"Gusto ko lang din po na abutin ni Archie ang mga pangarap niya."
Mas lumapad ang ngiti sa labi ng Ginang at muling tumango. Napangiti na din ako dahil kahit paano ay alam kong hindi ganoon kasama ang tingin niya sa akin.
"I always wonder why that kid doesn't take any of his girls seriously. Then I met you, ikaw ang unang babae na pinakilala niyang nobya sa amin."
Hindi ako umimik dahil bigla na namang umusbong ang hiya sa aking katawan.
"Now I know why he loves you. It's just saddening to know that this is not a right time for the both of you."
Natigil ako sa sinabi niya. Unti-unti ay sumilay ang mapait na ngiti sa aking labi.
"Parehas pa kayong mga bata. Invest your time in pursuing your goals. The love will come naturally or," she shrugged. "They say that destiny could let your strings attached again if you are meant for each other. Busy yourself in studying and work hard towards the future, Gillian."
Pagkatapos ng kaunting usapan sa hapag ay nagsimula na kaming kumain. Sinabi niya sa akin na pwede kong tignan ang kwarto ni Archie habang naglalakad kami papunta sa kanilang living room pero tumanggi ako.
Umikot ang aking paningin sa kalakhan ng kanilang living room. Pinasadahan ko ng tingin ang hagdanan at nangilid ang luha ko dahil wala nang bakas niya sa lugar na ito. Talagang umalis na siya.
"Una na po ako. Maraming salamat po." Magalang kong paalam at ikinagulat ko pa na niyakap niya ako.
Tumatakbo ang oras, iyon ang alam ko. Lumabas ako sa sasakyan at hinila ang maleta papasok sa aking unit. Inayos ko ang aking mga damit sa cabinet bago ako nagluto ng hapunan. May pinasa agad sa akin si Sabrina na list kung saan ang magiging designation namin for OJT kaya naman binilisan ko ang pagkain.
Umupo ako sa mat habang inaayos ang laptop sa coffee table. Chineck ko ang sinend sa group chat at sa NAIA 2 ako mago-OJT. Pumangalumbaba ako habang tinitigan ang screen. Umilaw ang cellphone ko kaya agad ko itong tinignan. Message lang ng wrong number at nakaramdam ako ng pagkakadismaya.
Inilapag ko ang cellphone sa tabi ng vase at parang punyal ang tumama sa aking dibdib nang maalala na wala ng tatawag sa akin. Wala ng video call mula sa kaniya kapag nag-aaral ako. Wala na akong kasamang magpuyat.
Pinigilan ko ang sariling lumuha. Pinili kong manood ng movie dahil ayokong mag-isip ng kung ano, mag-isa pa man din lang ako dito sa condo. Pinili ko ang comedy movie at kahit nakakatawa naman ang eksena ay hindi ko magawang tumawa. Sinarado ko ang laptop at nag-martsa papasok sa kwarto. Humiga ako sa malambot kong kama habang niyayakap ang unan. The pillow still smells like him.
Naglandasan ang luha sa aking mga mata dahil ilang linggo kong pinilit na huwag isipin pero miss na miss ko na talaga siya. I miss his hugs, his kisses and the way he could make me feel that I am always at peace whenever we're close.
Nakatulog ako nang may luha sa mga pisngi. Nagising ako nang mag-ring ang katabi kong alarm at agad na akong bumangon para sa paghahandang pagpasok. Sinilip ko ang labas sa bintana ng kwarto at nakitang makulimlim ang langit. Dumiretso ako sa cabinet para kumuha ng hoodie. Sinusuot ko ang hoodie papasok sa elevator nang matigil ako.
Sumandal ako sa malamig na dingding ng elevator at tinignan ang sariling repleksiyon na suot ang malaking hoodie ni Archie.
Mabilis kong pinalis ang luha sa aking pisngi. Hinawi ko ang aking buhok at naalala ko na naman si Archie na madalas ang pagpusod sa aking buhok kapag naiinitan ako. Para akong tanga na umiiyak habang naglalakad papasok. Mas lalo iyong bumuhos nang dumagdag sa alaala ko ang paglalakad namin dito tuwing gabi.
Paano ako uuwi kapag madilim na? Wala na ako kasabay maglakad...
"Oh, ayos ka lang?" Salubong na tanong sa akin ng lady guard ng school.
Nag-ok sign lang ako sa kaniya habang dumidiretso papasok. Pinipilit kong pigilan ang luhang maglandasan ngunit hindi sila tumitigil. Ilang araw akong walang nararamdaman dahil sa pamamanhid just to be back being broken again because I long for him.
Umupo ako sa grandstand at doon umiyak. Masyado pang maaga dahilan kung bakit walang nakatambay dito ngayon. Kinusot ko ang aking mga mata at tinitigan ang kawalan.
Paano ako aahon sa sakit na 'to?
"Gillian..."
Someone called me from behind kaya napalingon ako. Nakita ko ang naka-civillian na si Geraldine. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko nagawang suklian iyon. Ibinalik ko ang tingin sa harapan at tulalang pinagmasdan ulit ang malaking oval. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin pero hindi ko siya kinibo.
"I'm sorry." She said that shocked me.
Tinignan ko siya at nakita ko ang malungkot niyang paninitig din sa harapan. I saw how her hair swayed along with the wind.
"I heard what happened between you and Archie." Binalingan niya ako at ngumiti ulit ng mapait.
"I realized that I disrespected you just because I am bitter. I always see Archie as someone who can be my boyfriend but that only happened once. Kaya naman nang makita ko na seryoso siya sa'yo, hindi ko mapigilang mainggit."
Tumuwid ako sa pagkakaupo dahil hindi ko alam na naiinggit siya sa akin. Ang tangi ko lang hinuha ay dahil gusto niyang sirain kami. I know that she likes him but I never thought that she's insecured with me, too.
"I always think that you don't deserve his love. Masyado siyang seryoso samantalang lagi kang naglalaro. Binaliktad ko ang kwento sa pagsasabi sa'yo na hindi ka niya mahal. And I'm sorry for that, Gillian. I am not expecting a forgiveness that instant from you dahil alam kong nasaktan kita. I just realized lang na ang dami kong mali na ginawa. And I don't want to be like that anymore now that I am taking a new step in this journey."
I am not that old Gillian. I changed. Hindi na ako nagtatanim ng sama ng loob sa aking puso. That will only bring pain and tears and I don't want to live a life with full of nothing but darkness. I don't know if anyone in this life could grow beautifully if we cage ourselves in anger. People do wrong, people apologize, and people will forgive and move on. That is life.
"I am not planting hatred in my heart, Geraldine. We are all sinner in different ways. I forgive you."
Nakita ko ang pagkinang sa kaniyang mga mata. Tumayo ako at ipinakita sa kaniya ang relo ko.
"May klase pa ako. Thank you for giving half of your time to apologize." I said before finally going down the bleachers.
Dumiretso ako sa klase na magaan ang pakiramdam. Umupo ako sa tabi ni Sabrina na agad akong binalot ng mainit na yakap. Ganoon rin sina Eliona at Cassie.
"Ano ba 'yan! Para naman akong namatayan!" Natatawa kong wika sa kanila.
"Namatayan ng puso, oo." Sagot nila kaya mas lalo akong natawa pero tumakas ang luha sa aking mga mata.
Hindi ko alam paano nila nalaman. Siguro dahil napansin nila ang pagu-unfriend and unfollow ko kay Archie sa lahat ng social media accounts ko. I also archived our pictures uploaded on my instagram dahil ayokong umiyak at masaktan habang nakikita ang mga iyon. I will not move on because I know he will comeback to me. Itatago ko lang muna ang alaala habang ang maiiwan ay ang pananatili ng nararamdaman ko para sa kaniya.
Lumabas ako ng department alas dose ng tanghali para kumain ng lunch sa canteen. Nauna na doon sina Eliona dahil hindi kami parehas ng schedule. Medyo nakaramdam ako ng init dahil biglang tumirik ang araw samantalang kanina ay makulimlim ang panahon.
Huminto ako sa tapat ng isang bench. Wala ako sa sariling nakatingin sa mga sasakyan na dumadaan. Halos pukpukin ko nga lang ang ulo ko dahil naghihintay ako sa wala. Naghihintay ako sa range rover ni Archie na nakalimutan kong wala ng gano'n simula ngayon. Wala ng susundo sa'kin. Wala ng maghahatid sa'kin. Wala ng magtatanong sa nangyari sa buong araw ko.
Kasi wala na siya. Ilang libong milya ang layo namin sa isa't-isa.
"Miss na miss na kita..." naiiyak kong bulong sa kawalan.
May bumusina sa aking harapan. Nanlalabo ang mga mata ko kaya hindi ko kaagad nakilala kung kanino iyon. Kinusot ko ang aking mga mata bago muling nagmulat. Nakita ko ang cooper ni Baste na nakaparada at ang sabay-sabay na paglabasan ng mga kaibigan ko. Namilog ang aking mga mata.
"Bakit kayo nandito?!" Gulat kong tanong habang lumalapit sila sa akin.
Apple smiled at me. Nagtatakbo naman si Audrey sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Our Gillian needs us, e." Nakangiti pa ring sambit ni Apple.
Nangilid na naman ang luha sa aking mga mata habang pinapanood silang naglalakad palapit sa akin. Denzel, Apple, Baste, Audrey and Sabrina are still on their uniforms katulad ko. Si Kobe at Lallaina ay kapwa mga naka-civillian na halatang mukhang galing pang Maynila.
"Sabi mo ayos ka lang, tapos maaabutan ka naming umiiyak? Scam!" Sigaw ni Kobe at tumigil sa harap ko.
"The Gillian Haidee always say she's fine, pero hindi kami papayag na iiyak kang mag-isa." Denzel said and reached for my hand.
"Huwag mong iyakan ang bagay na hindi pa naman nawawala."
Lumipat ang tingin ko kay Baste. Naningkit ang aking mga mata dahil alam ko may problema rin siya. My god, we are all problematic.
"Don't listen to him. Just cry-"
Pinutol ni Baste ang sinasabi ni Lallaina kaya umirap ito.
"You love Archie, right? And he loves you. Tingin mo ba magugustuhan niyang makita kang umiiyak?"
Naitikom ko ang aking bibig. Tuluyang bumagsak ang mga luha ko kaya agad akong niyakap ni Denzel at Audrey.
"I miss him." Malungkot kong sagot.
"Babalik siya, Gillian. Habang wala pa siya, kami muna." Sabrina snapped and smiled at me.
"Hindi mo ba kami nami-miss? Lapit na nating gumraduate. Simula ng dumating si Archie, nakalimutan mo na kami." Nagtatampong tugon ni Lallaina.
May humaplos sa aking puso habang pinapakinggan ang lahat ng sinasabi nila.
"Ano? Outing tayo? Kumpleto tayo ngayon!" Suhestiyon ni Baste.
"Tara! Nag-cut ako ng class para dito 'no. Damay damay na 'to!" Sigaw ni Denzel at humiwalay sa akin.
"Layo ng binyahe namin ni Lallaina. Sayang uwi namin ng Cavite kung hindi rin kayo magcu-cutting class sa first day of school!"
"Ano na? Batangas?"
Nagkagulo sila bigla dahil sa biglaang yakagan ng gala. Natuwa ang aking puso. Hindi ko napigilang mapangiti habang pinapanood silang nag-iingay. I am so lucky to have them. Na kahit may mga problema kami ay nagagawa pa rin naming damayan ang isa't-isa.
"Tara na! Gora!" Sigaw ni Kobe at nauna pang pumasok sa cooper ni Baste kaya minura siya nito.
Dumaan kami sa condo ko para makapagpalit ako ng damit. Dumaan din kami sa mga bahay nila Sabrina at iba naming kaibigan para makakuha ng damit. Maingay ang buong byahe habang papunta kaming Batangas. Gabi na noong nakarating kami dahil natagalan kami sa pagtitigil sa mga bahay namin para magpalit.
"Ilabas ang pang-pakalma ng sistema!" Maingay na sigaw ni Kobe at nilabas ang binili nilang isang case ng san mig sa daan.
Nagtawanan kami habang pinapanood sina Kobe at Baste na nagbabangayan dahil sa pagbili no'n.
"Mas malaki ambag ko!" Sigaw ni Baste at pinakyuhan si Kobe.
"Woah! Ano, Kobe! Laban!" Pakikisali ni Denzel na sinabayan nila Sabrina.
Akala ko at magkaka-pikunan pero tumawa lang siya at sinabayan ang asaran. Nagawa ko ring makisali dahil sa ingay nila. Nasa open space kami ng tapat ng hotel na pina-reserve namin. Mayaman kasi si Kobe kaya katiting lang 'to sa kaniya.
"Nakaka-kaba ang OJT." Ani Sabrina habang inihihilig ang ulo niya sa balikat ni Audrey.
"Sabi nga ni Sirius Black, what is life without a little risk?" Ngisi ni Kobe na agad inulan ng kantyaw.
Nakisali ako sa kanila at nagawa pa naming maglangoy kahit malamig na ang tubig. Lahat kami ay nagsigawan at nagreklamo dahil sa lamig pero ayaw ni Lallaina na umahon kami.
"Walang aahon! Umahon, pangit!" Sigaw ni Lallain.
"Pangit ka kahit hindi ka umahon!" Sigaw pabalik ni Kobe at bago pa man din kami makasali sa asaran ay nilunod na ni Lallain ang kaibigan namin.
Lumangoy ako palayo sa kanila at umahon lang nang medyo malapit na ako sa gitna. Tumingala ako at nakita ang malaking hugis bilog na buwan sa itaas.
"Tara na!" Suko nila at mabilis na nagsi-ahon.
Sumunod ako pero tumigil ako nang makaapak na sa buhangin. Umupo ako at tiniklop ang aking mga binti para mayakap ito. Humampas ang tubig sa shore dahilan para maabot nito ang aking mga paa.
Dreams means holding on that even if it seems so uncertain and untrue. But in this life,there is endless possibilities. I am going to take this path regardless of what is waiting for me in the end. I badly want to reach my dreams and taking the risk to continue walking is the only way for that to happen. Katulad nga ng sinabi ni Kobe, what is life without a little risk.
Tumingala ako at itinaas ko ang aking kanang kamay. Umakto akong inaabot ang kalangitan, iniisip na maaabot ko ang buwan katulad ng aking magiging kinabukasan... katulad ng aking pangarap.
"Maybe I don't really need to stay innocent. Just someone who believes in me is enough for me to believe that I really can." Ngumiti ako nang maalala ang hitsura ni Archie.
Ang mga salita niya ay umuulit sa aking isipan. Naniniwala siya sa akin. Inaasahan niyang matutupad ko ang mga pangarap ko katulad niya.
"I now claim that this dream is for me. I will be a Cruise Ship Stewardess... I will not disappoint him." I whispered along with the sound of the wind and crashing waves.
"Gil, tara na! Malamig na diyan!"
Tumayo ako at tumalikod. Pinagpag ko ang aking shorts at mabilis na tumakbo palapit kay Audrey. Hinawakan niya ang aking kamay at sabay kaming naglakad pabalik sa loob ng hotel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top