#TWP24

Entry 24

"Baste!" Sigaw ni Lallaina at mabilis na nilapitan ang namumula at nagagalit na kaibigan.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung paano sinuntok ni Baste ang pader. Hinilamos niya ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha at nanggigigil na pinigilan ang pagluha. Gusto kong lumapit sa kanila, gusto kong gumalaw mula sa pagkakatayo ko pero hindi ko magawang maihakbang ang aking mga paa.

"Tangina! Bakit hindi natin alam?!" Basag ang boses ni Baste habang sinisigaw iyon.

"Napaka-walang kwenta nating kaibigan! Putangina! Putangina!" Tumayo si Baste at iniwasan ang kamay ni Lallaina na pinipilit siyang pakalmahin.

Umalis sa gilid ng kama si Kobe at sinundan si Baste na tumatalikod ngayon at wala sa sariling naglalakad sa loob ng kwarto. Nakita ko ang pamumula ng mga mata niya na para bang pinipigilan niyang lumuha. Lallaina looked at my direction with tired eyes.

Hindi ko namalayan at may naramdaman akong tubig na nagsisimulang pumatak mula sa aking mga mata. Humapdi ang aking mga mata dahil sa mga luhang nagbabadya. Nalukot ang aking mukha habang pinipigilan ang sarili na magwala katulad nila dahil unti-unti ko nang natatanto ang nangyayari. Unti-unti ko ng nararamdaman ang lahat ng ito. At ang hirap hirap tanggapin, ang sakit sakit isipin na lumalaban mag-isa si Apple nang hindi namin alam.

"We can't blame ourselves. She didn't tell us-"

"The fuck, Lallain? Sinisisi mo pa rin si Apple?!" Galit na putol ni Baste sa sinasabi ni Lallaina.

Natigil ang pag-ambang paglapit sa akin ni Lallaina nang sabihin iyon ni Baste. Nilingon niya ang kaibigan at nakitaan ko ng inis, pagod at sakit ang hitsura nito. It's like they are already tired by just seeing this situation.

"Hindi ko sinisisi, Sebastian! At Putangina mo rin dahil paano ko gagawin 'yon gayong siya itong nakahiga sa kama!"

Umiling si Baste na para bang dismayado siya sa pinapakita ng kaibigan namin. Namilog ang mga mata ni Lallaina at tinuro ang kaibigan gamit ang hintuturo.

"Are you trying to imply something, huh?!"

"Oo, Lallaina! You are very close to her and yet you failed to notice that there is something wrong with her!"

"Wow! Bakit parang ako lang 'yong may kulang? Bakit? Napansin ninyo ba?!"

"That's not my point, Lallain! Matalino ka, paganahin mo naman 'yang utak mo sa pag-intindi ng sinasabi ko-"

"Not because I am trying to act like an older sister here in our group ay ibigsabihin sa akin ninyo na lang ibubuntong ang lahat!"

"Lallaina-" Tawag ni Kobe na agad niyang pinutol.

Umiling ako at nakakainis dahil gusto kong makisali at pahintuin sila sa pag-aaway pero hindi ko magawang gumalaw. Namamanhid ng husto ang buong katawan ko na hindi ko kayang abutin sila.

"What? Dadagdag ka pa?! Wala ka din naman dito, 'diba? Nasa Maynila ka!"

"Hindi mo ako naiintindihan, Lallain! Hindi kita sinisisi-"

"But it sounds like that, Baste!"

Natigil sa pag-ambang pagsasalita si Baste at pagod na tinitigan ang kaibigan. Dismayado itong umiling na para bang hindi disappointed siya sa pinakitang ugali ng kaibigan namin. Tumalikod ito at nilagpasan si Kobe na sumusunod sa kaniya. Akala ko at lalabas siya ng kwarto pero dumiretso lang siya sa bintana, malayo kung nasaan kami.

Nabalot sa katahimikan ang buong kwarto. Muli kong inilibot ang tingin sa mga kaibigan na mga nakatikom ang bibig. Lumapit si Lallaina sa kaibigan namin na walang malay at umalis naman si Sabrina doon para pagbigyan siya ng espasyo. Bumaling sa akin ang mga mata ni Sabrina at dahan-dahan akong nilapitan.

"Gillian," She softly called me.

Hinawakan niya ang pisngi ko na hindi ko namamalayang hanggang ngayon ay may dumadaloy na mga luha. My eyes darted at her eyes and I can't help but cry more. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para mapigilan ang nagbabadyang hikbi na kumawala sa aking bibig. Niyakap ako ni Sabrina dahilan para maitago ko ang sarili sa mga kaibigan namin.

"I'm sorry, Lallaina." Baritonong boses ni Baste ang bumalot sa buong kwarto nang ilang minuto ang lumipas.

Narinig ko ang mahinang iyak mula kay Lallaina kaya naman humiwalay na ako kay Sabrina. Sinubukan kong maglakad palapit sa kaniya at hindi ako makapaniwala dahil ito ang unang pagkakataon na makita siyang umiiyak. Lallaina doesn't show any weaknesses when she's with us. She doesn't cry, she never cries not until this happen.

"Lallaina, I'm sorry." Ngayon ay si Kobe naman ang humingi ng paumanhin sa kaibigan.

Nakalapit ako kay Lallaina at agad ko siyang niyakap. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik kaya naman hindi ko na rin napigilang umiyak kagaya niya. We are just all tired. We didn't expect this... no one expected this. Pare-parehas lang kaming may sari-sariling pinagdadaanan. Marami ang nangyayari sa buhay namin na hindi namin alam. This is just too much for us but we don't want Apple to be alone anymore. She needs us.

"I fucking blamed myself for this. Napansin ko ang pagbabago ni Apple, but I respected her so much that I didn't bother to asked her what's wrong. Gusto kong sisihin ng paulit-ulit ang sarili ko pero anong magagawa no'n? Apple needs us. Kung hahantong lang pala ang lahat ng ito sa hindi natin pagkakaintindihan, mas lalo lang tayo dadagdag sa problema niya." She strongly affirmed while crying.

Tumaas ang tingin ko kay Baste na nakatingin din sa aming dalawa at halata sa mukha ang pagsisisi sa nagawa.

"Her parents are both in abroad. Tayo na lang ang maaasahan niya." Denzel uttered in a low voice.

"Huwag na tayo magsisihan. This is not our fault. All we could just do for now is to be with Apple starting now." Si Sabrina at muling lumapit sa kaibigan naming walang malay.

Muli ay natahimik ang buong pasilyo. Humiwalay sa akin si Lallaina at pinilit na palisin ang luha sa kaniyang mga mata. Nilingon niya ang kaibigan naming hindi pa rin nagigising. Naglakad na rin ako palapit kay Apple at ito na naman ang luhang nagbabadya sa aking mga mata.

She looks so thin and pale. Ang mapupula niyang labi noon ay naging maputla na. Ang katawan niyang payat ay mas lalong namayat. Her eyes are also swollen like she's been crying endlessly. Lumandas ang tingin ko sa leeg niya at nakita doon ang marka ng pagtatangka niya. Mas lalong nawasak ang puso ko dahil sa nakitang iyon.

I am hurt. I am sad. We are all in pain. Pero hindi ko maintindihan kung bakit humahantong sa ganito? Hindi niya na ba kaya? Pumikit ako ng mariin at pinilit na inisip ang maaaring dahilan kung bakit niya nagawa ito. But then, I only end up crying hard because I can't understand. No one can understand unless it happens to you. No one can feel the same pain she's feeling unless you also experience it. Because no words can cheer them up when we don't know how it fucking feels. And it... sucks. Kasi hindi natin alam paano sila matutulungan. Hindi tayo sigurado kung ang salitang lalabas sa ating bibig, ang mga gagawin natin para sa kanila ay makakapagpagaan ba sa pakiramdam nila.

"Apple," Denzel called her slowly.

Bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok ang tiyahin ni Apple na nag-aalaga sa kaniya. Halata ang pamumula ng mga mata na mukhang kagagaling lang sa pagiyak. Umatras kaming magkakaibigan at hinayaan ang Tiyahin niya at ang Doctor na tignan si Apple.

Tahimik lang namin itong pinapanood hanggang sa lumabas ang doctor at naiwan kami doon kasama ang Tiyahin. Nilapitan siya ni Denzel at inalo nang bigla itong umiyak ulit. Hindi naman ako makagalaw dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Bumagsak ulit ang tingin ko sa kaibigan namin at sabay-sabay kaming nagulat nang bigla itong bumangon.

"Nasaan ako?!" Nababalisa niyang tanong at pinilit na tinanggal ang nakatabon sa kaniyang kumot. Sinubukan niya ring tumayo at umalis sa kama ngunit hindi siya nagtagumpay dahil nahawakan siya nila Denzel.

Lumapit si Baste at Kobe sa kaniya para mapakalma siya pero lalo lang siyang nagwawala. Nagsimula siyang umiyak at sumigaw. Dumiretso ako sa kaniyang kama at nang matanaw niya ako ay tumigil siya na para bang kinikilala niya kung sino ako. Sumunod si Lallaina at muli na naman siyang umiyak. Tinawagan ng Tiyahin niya ang Doctor at agad itong dumating. Tinurukan nila ng pangpakalma si Apple at dahan-dahan itong bumalik sa pagtulog.

Doctor said something I didn't get. Kinausap nito ang Tiyahin at nanatili naman kaming nakatingin sa kaibigan na hinila ng antok. Muling humapdi ang aking mga mata dahil sa luhang nagbabadya. Kumurap ako para mapigilan sila.

"Tita, can't we just bring her to Psychiatrist?" Tanong ni Lallaina nang bumalik ang Tiyahin ni Apple.

Pagod kaming tinignan nito at mabagal na tumango. Umupo siya sa katabing upuan ng kama at pinagmasdan ang pamangkin.

"Kailan pa po nagsimula ito kay Apple?" Tanong ni Sabrina.

"Hindi ko alam kung kailan. Basta napapansin ko na lang na hindi siya lagi mapakali at laging nagkukulong sa kwarto. Maganda naman ang grade niya sa school pero lagi siyang umiiyak kapag nakikita ang grado. Lagi niyang sinasabi na hindi iyon mataas, na nagkulang siya." Tumulo ang luha niya at pinigilan ang paghikbi.

"Akala ko okay lang siya. Pero nang makita kong nagtatangka siyang magbigti..." umiling ito habang inaalala ang ginawa ng pamangkin.

"Pakiramdam ko nagkulang ako ng atensiyon sa kaniya bilang Tiyahin. Iniwan siya sa akin ng mga magulang niya para mabigyan siya ng pansin pero humantong pa rin sa ganito. Hindi ko alam sa batang ito, hindi ko alam bakit ka'y daling ipagsawalang bahala ang buhay niya."

Marahas kong pinalis ang parang gripo kong luha sa naririnig. I don't know how it feels to experienced depression. Walang makakapag-saad ng konkreto at tumpak na salita para i-describe kung gaano kahirap iyon kung hindi mo pa nararanasan. But I am sure that it is hard. Losing yourself, losing the will to live, feeling alone and feeling sad for almost every second of the day. Ang malungkot pa nga lang ay napaka-hirap na, paano pa kapag humantong ka sa ganito?

Nabalot sa tahimik na iyakan ang kwarto habang pinapanood namin si Apple na walang malay. Pagsapit ng alas dies ng gabi ay sinabihan na kami na umuwi at maaaring bisitahin na lang ulit bukas si Apple. Ayokong umalis. Gusto kong kasama si Apple pero wala kaming choice kundi ang umuwi.

Tahimik kami nila Baste habang bumabyahe pauwi. Una naming hinatid si Sabrina sa tapat ng dorm niya bago niya ako hinatid sa condo ko. Wala sa sarili akong pumasok sa unit at doon ko palang naramdaman ang pagod ko. Ni hindi ko na nagawang magpalit ng damit at dumiretso na ako sa kwarto para makahiga. Umayos ako sa pagkakahiga at tiningala ang puting kisame ng kwarto. Naramdaman ko na naman ang paglandas ng aking mga luha.

Hindi ako kumurap habang dinadama ang walang sawang pagkirot ng aking puso. Humikbi ako at kahit alam kong walang makakarinig sa akin dahil mag-isa lang naman ako, pinigilan ko pa rin ang sarili na makagawa ng ingay.

Maingay na tumunog ang cellphone ko sa bag. Walang lakas ko itong inabot at hindi na nagulat na pangalan ni Archie sa aking messenger ang nakalagay. Tinitigan ko lang iyon hanggang sa unti-unti na itong tumigil. Nakatanggap ako ng message sa kaniya.

Archie:

Are you home already?

Hindi ko na nagawang pigilan ang sarili at malakas akong napahikbi. Tumaas baba ang aking dibdib dahil sa iyak na binubuhos ko ngayon. Itinapon ko ang cellphone sa sahig at wala akong pakialam kung mabasag iyon. Sobra akong nasasaktan. I feel so exhausted. Sa lahat ng nangyari sa araw na ito, hindi ko alam kung kaya ko pa bang harapin ang bukas.

Pero wala naman akong ibang pagpipilian kung hindi ang lumaban. At nakakalungkot dahil hindi ko man lang magawang magpahinga. Hindi ko man lang magawang tumakbo kahit paano para takasan ang lahat ng ito.

Iniwan ko ang cellphone sa loob ng condo dahil low battery na rin naman iyon at wala naman akong hihintayin na mag-message. Bago ako lumabas ng kwarto ay nakita ko ang kumpol ng sunflower.

"You can't brighten my day." Bulong ko bago ko padabog na sinarado ang pintuan at dumiretso palabas.

Naabutan ko si Sabrina na nagbabasa ng notes sa kaniyang notebook nang matanaw niya akong papasok. We talked about what happened last night at napag-usapan pala nila na muli kaming bibisita sa weekend. Kahit gusto naming araw-arawin ang pagdalaw kay Apple, may mga prioridad pa rin kami sa buhay katulad ng pag-aaral. You can't make the world stop rotating when you are tired. You can't ask the clock to stop moving when you want to rest for a while. Dahil walang pakialam ang mundo sa buhay ng tao. Mananatili itong umiikot, magbibigay ng dilim at liwanag, hindi iniisip kung sino ba ang may problema sa bawat sulok.

Naglalakad ako papunta sa library nang maabutan ako ng ulan habang naglalakad. Hinanap ko ang hoodie sa bag ko pero wala naman pala akong dala. Hinintay kong tumila bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Nakita ko ang mabilis na pagpapalit ng panahon. From being gloomy to suddenly being bright. That's exactly how the emotions of people change. Sa sobrang bilis, nakakasakit ng ulo.

Dumiretso na ako sa pagpasok sa library at naghanap ng mauupuan. Hinihintay ko pa sina Eliona kaya naman wala akong magawa dito kundi tumunganga. Pumangalumbaba ako at pinanood ang hindi kalayuang table kung saan may apat na babae na maiingay.

Naalala ko si Apple. Naalala ko ang mga kaibigan ko. Ganiyan din kami dati kasaya.

"Gillian,"

Mabilis akong umayos sa pagkakaupo nang may tumawag sa akin. Halos mangunot nga lang ang noo ko nang makita na si Geraldine iyon. Umupo siya sa harapang upuan ko at nginitian ako. Hindi ko siya sinuklian no'n dahil kahit kailan hindi ako matutuwa sa presensiya niya.

"How rude. Can't you return my smile?" Malambing niyang tanong pero naiirita ako.

"What do you want? Wala akong panahong makipag-plastikan sa'yo." I bluntly replied.

Napawi ang peke niyang ngiti sa labi. Tumuwid siya sa pagkakaupo at seryoso akong tinignan.

"There's no wonder why Archie cheated on you. You are not his type."

Natigil ako sa sinabing iyon ni Geraldine. My jaw clenched as I try myself to calm.

Teka. Bakit nandito na 'to? Don't tell me nakauwi na sila? And what does that mean? Makikita ko na si Archie? Kumirot ang puso ko nang maalala na hindi na ako natutuwang makita siya. Naiinis ako sa kaniya. Kung ano mang pumasok sa isip niya kung bakit niya iyon ginawa, wala na akong pakialam. Kung nagsawa na siya sa akin, bahala na siya. Hindi ako 'yong tipo ng tao na naghahabol. Masasaktan ako pero hindi ako tanga para gumapang pabalik sa kaniya dahil lang mahal na mahal ko siya.

"Nakita mo na ba 'yong picture? It was taken-"

"I'm just glad that it's not you. Hindi ka rin naman niya tipo kahit matalino at maganda ka." Putol ko sa sinasabi niya.

Nakitaan ko ng gulat ang kaniyang mga mata bago siya hilaw na ngumiti na tila ba pinipigilan niya ang sarili na sumabog dahil sa sinasabi ko sa kaniya.

"Do you really think that Archie is serious with you? That guy doesn't take his relationship seriously. You are just so easily to deceive dahil naniwala ka namang mahal ka niya when in fact, wala siyang ibang habol sa'yo kundi ang katawan mo."

Muli ay natigilan ako dahil sa sinabi niya. She smirked like she just won a lottery. Naramdaman ko ang pangingilid ng aking luha habang tinitignan siya. I can't rebut that because she has a point. Actually, totoo ang kaniyang sinabi. How could I believe that Archie loves me? Yes, he did said he loves me, pero totoo ba ang lahat ng iyon? Ang relasyon namin ay nagsimula sa laro, at ang tanga ko para maniwala na ang kalokohang ito ay magiging seryosong pagsasama.

"May offer na scholarship kay Archie mula sa China. Aabutin niya ang pangarap niya at iiwan ka. Hindi mo pa rin ba natanto noon na wala kang laban sa pangarap niya? Archie is a goal driven person. No one can hinder him from reaching his dreams. Not you."

Huminga ako ng malalim at matapang siyang tinignan sa mga mata.

"Parte pa rin ba 'to ng maganda mong intensiyon sa relasyon namin?"

"What?" Nakakunot noo niyang tanong.

"Huwag kang mag-alala, umalis man siya, hindi ko siya hahabulin. Baka ikaw ang gumawa no'n." I said before I get my things and walked out from that room.

I want to save myself. Ayokong ipakita sa babaeng iyon na naaapektuhan ako ng mga sinabi niya. Pinalis ko ang luhang naglandasan sa aking pisngi habang lumalabas ako ng library.

"Hindi siya seryoso sa'yo, Gillian. He's just playing with you until he see you cry. Iiwan ka niya sa oras na malaman niyang minamahal mo na siya. That's how a play works. And I feel bad for you because you loss in a game with him."

Mas binilisan ko ang lakad ko habang naririnig ang sinisigaw na iyon ni Geraldine. Mas bumuhos naman ang luha ko dahil sa sakit na naramdaman ng pagtama ng mga salita niya. Lumiko ako sa pasilyo at nagtatakbo para makaalis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ayoko dito. Gusto ko na lang lumayo at huwag magpakita kanino man.

Nanlalabo ang mga mata ko habang tinatakbo ko ang gilid ng oval para makadiretso sa main gate. Pero bago pa man din ako makalabas ay may humawak na sa braso ko. At nakakainis dahil alam ko kaagad kung sino 'yon!

"Gillian..." marahan niyang tawag sa aking pangalan pero sobra na akong nasasaktan.

Sobra na akong napapagod. Hindi ko alam kung ano pa ang uunahin kong isipin. Ang sarili ko, ang kaibigan kong si Audrey at Apple o si Archie. Hindi na kaya ng utak ko. Gusto na lang nila na matapos mag-function.

"Fucking let go of my arms." I said fimly between my cries.

"Baby,"

"I said fucking let go of my arms!" Sigaw ko sa kaniya.

Hindi ko nagawang itaas sa kaniya ang tingin ko dahil natatakot akong sa oras na magtagpo ang mga mata namin, sumuko na naman ako sa kaniya. Natatakot na baka malimutan ko ang lahat kapag nakita ko ang mukha niya. Dahil siya lang... siya lang ang kayang gawing payapa ang isipan ko kapag naguguluhan ako. At nakakalungkot dahil hindi na 'yon mangyayari dahil sinasaktan niya na rin ako.

Hindi niya ako binitawan at pinanatili ang hawak sa aking braso. Hinampas ko ang kamay niyang nakahawak sa akin pero pati iyon ay hinuli niya. He hold both of my arms as he tried to get my stare. Umiling ako at mas lalo akong naiyak.

"Gillian, mag-usap tayo-"

"Tangina mo!" Sigaw ko sa kaniya bago sapilitang humiwalay at tumakbo palayo sa kaniya.

Narinig ko ang tawag niya sa aking pangalan pero mas determinado akong makalayo sa kaniya. Nagtatakbo ako at kahit tanghaling tapat ay nagawa kong makauwi sa condo nang umiiyak. Nagkulong ako at doon binuhos ang lahat ng luha ko.

Tinakluban ko ang mukha ng unan at maingay na humagulgol. Nakatulugan ko ang pagiyak at nagising na madilim na ang buong kwarto. Ilang minuto akong nakatulala sa kawalan at wala akong ibang maramdaman kundi pamamanhid. Hinaplos ko ang aking pisngi at naramdaman ang lagkit doon. Mahapdi rin ang aking mga mata.

Nagbihis ako ng damit at binuksan ang cellphone para mabasa ang mensahe sa group chat ng klase namin. Nakita ko ang biglang pagtawag ni Archie pero pinatay ko iyon. Ayokong kausapin siya.

Ilang araw ang lumipas at ilang beses ring tinangka ni Archie na harangin ako pero mas pinipili kong umiwas at tumakbo palayo sa kaniya. Sabrina noticed it but I didn't tell her anything. Umuwi ako sa amin at ang tangi ko lang nasabi ay ang tungkol sa kalagayan ni Apple. I visited my friend that weekend at naiiyak na naman ako nang makita na tulala lang ito at hindi nagsasalita. Sinubukan namin siyang kwentuhan pero hindi naman siya umiimik. Umuwi kami kinagabihan at nagulat dahil nasa tapat ng condo ko si Audrey.

"Audrey!" tawag ko sa kaniya.

Nilingon niya ako at nginitian. "Kumusta si Apple?"

"She's not fine. Alam kong may nangyayari rin sa'yo pero hindi mo ba siya bibisitahin?"

"I will. Bukas. Pero pwede mo ba akong samahan ngayon?"

"Huh? Saan?"

"It's Remy's birthday. Ayokong pumunta mag-isa do'n."

Kahit nakakaramdam ng pagod ay pinagbigyan ko ang aking kaibigan. Tumango ako sa kaniya at sinabi na mag-aayos lang ako saglit. Nag-commute na lang kami patungo sa bahay ni Remy dahil house party pala iyon. Nasa tapat na kami ng kanilang engrandeng gate nang huli ko na maisip na maaaring nandito ang buong team ng basketball.

Gusto kong umatras dahil ayokong makita si Archie pero dumiretso na papasok si Audrey. Nagdadalawang isip pa ako kung susunod ako sa kaniya pero nang lingunin ako ng kaibigan ay nagsimula na rin akong humakbang. Sumalubong sa amin ang maingay at crowded na living room nang pumasok kami. Agad nahanap ng mga mata ni Remy si Audrey at ako kaya mabilis siyang umalis sa kinakausap niya at nilapitan kami.

"Happy birthday, Remy. Nahila lang ako ni Audrey. Sorry wala akong gift." Sabi ko.

Tumango lang si Remy at sinabing ayos lang. Lumipat ang tingin niya sa aking kaibigan at siya ang pinagtuonan ng pansin. Nagsimulang kumabog ang puso ko nang makita sa hindi kalayuan ang grupo ng mga lalaki na may hawak na mga pulang cups. Sa gitna ng kumpulan ay nahanap ng mga mata ko si Archie na madilim ang tingin sa akin.

Halos malaglag ako sa sariling pagkakatayo. Nag-iwas ako ng tingin at nagpaalam kay Audrey na pupunta lang akong bathroom kahit na ang plano ko ay lumabas na lang at hihintayin na lang si Audrey sa labas ng bahay nila Remy.

Pinukpok ko ang sariling noo dahil hindi ko kaagad naisip na maaari kong makita dito si Archie. Lumiko ako at bago pa man din ako makadiretso pababa ay may humawak na sa aking kamay. Agad akong suminghap at hinarap si Archie.

"Mag-usap tayo, Gillian." Pagmamakaawa niya at naiinis ako dahil nakitaan ko ng pagsusumamo ang mga mata niya.

Ang namamanhid kong puso at luha ay bigla na namang nabuhay. Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa aking kamay pero bago pa iyon mangyari ay dumaan na si Baste sa gilid namin.

"Baste!" Sigaw ko sa kaibigan, sinusubukang humingi ng tulong.

Sinulyapan niya ako at hindi ko ako sigurado kung ano ang emosyong pinapakita niya. Hindi ko rin alam kung alam niya ang nangyayari sa amin ni Archie pero nang makita ko na hinagis niya ang isang susi sa lalaking ito ay kumunot ang noo ko.

Hinigit ako ni Archie pababa at doon ko nakita ang motorbike ni Baste.

"Archie, ano ba!" Sigaw ko sa kaniya at nagwawala na.

"We will talk."

"Ayokong makipag-usap sa'yo!"

"At ano? Ganito na lang tayo lagi? This is how you want to deal with our problems? Ignore it?" Galit niyang tanong bago sapilitang ipinasuot sa akin ang helmet.

Inilag ko ang ulo ko dahil ayokong sumama sa kaniya.

"Gillian!" Mariin niyang tawag sa pangalan ko nang hindi ko siya pinagbibigyan sa gusto niya.

"You can't solve anything when you try to run away from it, Gil. Sumama ka na at ako na bahala kay Audrey." Narinig ko ang boses ni Baste sa likod na paniguradong pinapanood kaming dalawa.

Lilingunin ko sana ang kaibigan ko pero hinigit na ako ni Archie. Nakasakay na siya sa motor at sinimulan itong paandarin gamit ang isang kamay, ang isang kamay ay hawak pa rin ako. Madiin ang hawak niya sa aking palapulsuhan at halos mapairit ako nang nagawa niyang hapitin ang baywang ko.

Masama ang tinging iginawad ko sa kaniya bago ako pagalit na umangkas sa likod niya.

Sinusuot ko ang helmet nang mabilis niya nang pinaandar ang motor palabas ng gate nila Remy. Napasigaw ako dahil sa biglaan niyang ginawa. Humawak ako sa likod dahil ayokong humawak sa kaniyang baywang.

Mabilis ang naging patakbo niya at nakarating kami sa cliff ng tagaytay kung saan kita ang nagkikinangang ilaw ng lugar. Mabilis akong bumaba sa likod niya at nagdadabog na naglakad palayo doon. Tumayo ako kaharap ang city lights nang humampas ang pang-gabing simoy ng hangin. Naramdaman ko ang panunuyo ng luhang kanina ay iniyak ko habang bumabyahe kami.

"Gillian," He called me but I only rolled my eyes.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking siko pero hinampas ko ang kamay niya. Huwag niya akong ma-amo-amo, naiinis ako sa kaniya.

"Can't you talk?"

"Gago ka ba, Archie? Huwag mong sabihin na hindi mo alam ang problema ko?!" Galit kong sigaw sa kaniya pero tumulo ang lintek na mga luha ko.

Umatras ako sa kaniya nang makita siyang umambang lalapit sa akin.

"Huwag kang lalapit sa'kin!"

Hindi niya ako pinakinggan dahil kinain ng malalaki niyang hakbang ang aming distansiya. Bago pa man din ako makatakbo ay nahawakan niya na ako sa baywang. Bumuhos lalo ang luha ko dahil sa paghaplos ng kamay niya sa akin. At nakakainis dahil ganito na lang ang epekto niya sa akin. Na para bang kaya kong sumuko sa oras na hawakan niya lang ako.

Mabilis kong pinaghahampas ang dibdib niya dahil wala akong ibang alam na kayang gawin ngayong hawak niya ako. Napapagod na ako. Napapagod na akong mag-isip at takbuhan siya. Napapagod na akong makipaglaro sa kaniya gayong ang tangi ko lang ginawa ay mahalin siya.

"Nakakainis ka! Nakakainis ka! Nakakainis ka..." Paulit-ulit kong sambit.

Inagaw niya ang mga kamay kong humahampas sa dibdib niya at hinawakan iyon ng mahigpit. Nanlalabo na ang mga mata ko at hindi ko na magawang makita ng malinaw ang hitsura niya.

"Baby, listen to me." He begged as I am trying my best to get away from his hold again.

"Ayoko!"

"That picture wasn't latest. Noong isang taon pa 'yon, noong hindi pa tayo." Pagod niyang sambit.

Para akong inugat sa kinatatayuan nang marinig ang sinabi niya. Natigil ang paghampas ko sa kaniyang dibdib. Tumaas ang tingin ko sa kaniya at mabilis akong kumurap para makita ang mga mata niyang pagod at natatakot. He looks restless and in pain while staring directly at my eyes. Humigpit ang hawak niya sa aking baywang at nilapit ng husto ang mukha sa akin.

May gumuhong parte sa aking puso dahilan para mas lalong naging mahirap sa akin ang huminga. Bumundol ang sakit sa aking dibdib at mas lalong lumala ang pag-iyak ko. Pagod kong sinuntok ang kaniyang dibdib dahil ayaw kong maniwala.

"Janna was there, too! Noong nasa Maynila ka!" Pilit ko sa argumentong dahilan ng sakit sa puso ko.

Pagod siyang umiling. "Janna wasn't there. I was busy with my OJT. Ni hindi ako pumunta ng bar dahil gusto kong makausap ka sa gabi." He explained drowsily.

Bumagsak ang tingin ko sa kamay kong nasa dibdib niya. Umatras ang mga luha ko na para silang tanga dahil naniwala agad sila sa lalaking 'to.

"How will I believe you? Niloloko mo 'ko!"

"Naiintindihan ko kung hindi ka kaagad maniniwala. I've been a playboy for my whole existence not until I met you and I started to only have my eyes for you. Hindi pa ba sapat na mahal kita para maniwala ka?"

I gritted my teeth to stop myself from producing a sound of cry. Hinaplos niya ang aking buhok. Inilagay niya sa likod ng tenga ko ang buhok na dumikit sa aking pisngi. He cupped my face and painfully looked straightly at my watered eyes.

"Nasaktan ako. Nasasaktan ako, Archie..." Naiiyak kong sambit.

Dinala niya ang ulo ko sa kaniyang dibdib. Niyakap niya ako ng mahigpit habang nararamdaman kong unti-unti na akong bumibigay ulit sa kaniya.

"I'm sorry, baby. Hush..." he whispered and caressed my back.

Mas ibinaon ko ang ulo sa kaniyang dibdib nang magsimula na namang bumuhos ang mga luha ko.

"Niloko mo 'ko..."

"Hindi ko gagawin 'yon sa'yo. Mahal na mahal kita."

Hindi ko na kinaya at tuluyan na akong bumigay. I put my arms on his nape and buried my face on his neck. Niyakap ko siya ng mahigpit na para bang ayokong humiwalay siya sa akin. We've been busy for months and I missed him so much. Kung hindi lang may umepal na nagpakalat ng picture na iyon ay sana matagal ko na siyang nayakap ng ganito.

His hold on my waist tightened as I am also tightening my hold on his nape. Pumikit ako ng mariin at dinama ang presensiya niyang nakayakap sa akin. Naramdaman ko ang bahagya niyang pagyuko at pag-abot sa aking sentido para mahalikan.

"I missed you so much. Don't do that again with me. Hindi ko kayang makitang tumatakbo ka palayo sa'kin." Bulong niya.

Kinagat ko ang labi ko. Tumaas ang tingin ko sa kaniya at naabutan ang mga mata niyang pagod na nakatingin pa rin sa akin. Mas lalo akong nangulila kahit na hawak ko naman siya. Tinitigan ko lang ang mga mata niya hanggang sa muli kong ibinaon ang mukha sa leeg niya. Tumingkayad ako lalo para mas mabaon ang mukha sa leeg niya.

"I missed you, too. Huwag mo na ulit ako saktan ng gano'n. Hindi ko rin kaya." Garalgal kong wika.

Idiniin niya pa ako lalo sa kaniyang katawan. "Hindi. Hindi ko gagawin 'yon sa'yo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top