#TWP21

Entry 21

Tumingala ako at nakita ang maiilaw na fireworks sa langit. Tumulo ang luha ko pero agad ko iyong pinalis at ngumiti.

Ang hirap salubungin ng bagong taon kapag alam mong may kulang. Months went on until December came and there's nothing changed with Dad's condition. Hindi naman kami nawawalan ng pagasa ni Mommy dahil alam kong isang araw, gigising na siya. Siguro ay hindi lang ngayon, pero alam kong magigising siya.

I spent the Christmas with Mommy in the Hospital. Kasama namin ang driver at ang isang katulong namin. It's just so different to spend the holidays in a white ceiled room, with one person lying in bed and unconscious. Naalala ko na sa halip na masaya kami sa paskong iyon ay nag-iyakan lang kami ni Mommy.

Usually kasi every Christmas and New Year ay sumasama kami sa mga kamag-anak para mas maingay at masaya. At saka sa tuwing sinasalubong namin ang pasko at bagong taon, sa mga panahon na iyon ko lang nararamdaman na may magulang ako dahil magkakasama kami. Pero ngayon, alam ko namang ayos na kami at iba na kami sa nakaraan ngunit nakakalungkot dahil hanggang ngayon ay walang malay ang aking ama.

Marahang humaplos ang simoy ng hangin sa aking balat habang pinapanood ko ang kalangitan. Nakasandal kaming parehas ni Archie sa hood ng kaniyang sasakyan at kapwa tahimik. Katatapos lang ng countdown for new year nang nag-iwan ng mensahe sa akin si Archie na nasa labas siya ng ospital. Dinala ako dito sa Tagaytay para makasama namin ang isa't-isa dahil ito ang unang new year naming dalawa. It's already 2 in the morning pero meron pa ring ilang mga nagpuputukan na fireworks sa langit.

"Happy new year," Bulong niya sa akin at binalot ako ng mainit na yakap, patagilid.

Humaplos ang matangos niyang ilong sa aking pisngi at naramdaman ko ang mainit na buga ng kaniyang hininga sa aking leeg. Pinalis ko ang luha sa aking pisngi at binalingan ang dahilan kung bakit ngayon, kahit paano ay masaya ako. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at ngumiti.

"Happy new year." Bulong kong balik sa kaniya.

Hinaplos ng kaniyang kamay ang aking malamig na pisngi at hinalikan ako sa labi. Hinawakan niya ang aking batok para mas mapalalim ang malalambot niyang halik sa akin. Pumikit ako at dinama ang kaniyang halik, kalaunan ay humiwalay rin siya. Iniligay niya ang aking ulo sa kaniyang dibdib at hindi ako pwedeng magkamali na malakas na pintig ng kaniyang puso ang naririnig ko.

Tahimik ang lugar na ito at walang sasakyan ang dumadaan, nasa gilid kami ng kalsada kung saan tanaw ang kalakhan ng Tagaytay at ang malayong taal. Bukod sa maingay na fireworks sa taas, wala ng iba pang maingay kundi ang puso niyang kumakabog ngayon. Hindi ko alam na ganito rin ang epekto ko sa kaniya. Akala ko ako lang ang bumibilis ang tibok ng puso kapag magkasama kami.

Ipinulupot ko ang aking braso sa kaniyang baywang at mas idiniin ang sarili sa kaniyang katawan. Tiningala ko siya at nakita ang malalim niyang panonood sa akin.

"I love you." He mouthed and caressed my hair.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil sa kiliting ipinaramdam niya sa akin ngayon. Nanatili kami roon nang magkayakap hanggang sa sumikat ang araw. Ibinalik niya ako sa Hospital at kinailangan niya agad umuwi dahil hinahanap siya ng kaniyang tiyahin. Gustong-gusto niyang bumisita kay Daddy pero laging wrong timing dahil kung hindi niya kailangang pumunta ng school, tinatawagan naman siya sa kanilang bahay.

Kumaway ako sa Range rover niyang umaalis na palayo kung nasaan ako. Ibinaba ko ang aking kamay at tumalikod. Naabutan ko ang nakangiting si Mommy kaya naman namilog ang mga mata ko sa gulat. Nilapitan ko siya at agad nag-alala dahil nasa labas siya.

"Mom!" Gulat kong tawag sa kaniya.

"Sino 'yon? Boyfriend mo?" Nanunuya niyang tanong.

Nakagat ko ang aking dila at medyo nataranta dahil hindi ko alam kung paano aamin sa kaniya na may boyfriend ako. I know that she seen several pictures of me kissing guys, but never I did take any of those seriously. At wala ni isa sa mga naging lalaki ko noon ang nagawa kong ipakilala sa mga magulang ko bukod sa mga lalaki kong kaibigan na sina Baste, Kobe at Denzel.

Napahawak ako sa aking batok at tinignan si Mommy na hindi maalis ang ngiti sa labi. Ngumuso ako at dahan-dahang tumango. Mas lumapad ang ngiti sa labi niya at sinilip pa ang likod ko na para bang tinitignan niya kung nandoon pa rin ang sasakyan.

"Bakit ka nahihiya? Parang hindi ko naman nakikita ang mga litrato mong nakikipaghalikan." Asar niya sa akin kaya nawala ang taranta sa aking sistema.

Natawa ako sa sinabi ni Mommy at nilapitan siya lalo para maakbayan siya.

"Tingin mo ba, Mommy na hindi ako seryoso do'n sa boyfriend ko?" Nangingiti kong tanong sa kaniya habang papasok kami sa loob.

"Umiiyak ka kagabi at iba 'yang ngitian mo ngayon. Ganiyan na ganiyan ako noong nakilala ko Daddy mo."

"Kinikilig ka rin?" Binalingan ko siya at nakita ang pagtango niya.

Mas lalo akong natawa. "I can't imagine!" Medyo pasigaw kong sambit dahil natatawa ako.

Kumunot ang noo ni Mommy at kinurot ako sa tagiliran kaya naman umatras ako pahiwalay sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko kay Mommy pero mas istrikta siya kaya mas natakot ako sa tingin niya sa akin.

"Teenager din kami dati ng Daddy mo. Akala mo ba ikaw lang ang naging bata?"

Inakbayan ko ulit si Mommy at muli na naman akong natawa dahil sa biglaang pagiging parang bata ni Mommy. I never saw her this way before. Ni kailanman noon ay hindi namin nagawang mag-asaran, ni hindi ko nga alam kung anong kwento nila ni Daddy.

"Ang alam ko lang, lahat tayo tumatanda." Nagkibit balikat ako para mas lalo siyang maasar.

Nakita ko ang pag-ikot ng kaniyang mga mata at alam ko na kung kanino ako nagmana!

"Iniiba mo ang usapan, Gillian Haidee. Gusto kong makilala 'yang boyfriend mo. Mukhang mayaman at may range rover." Aniya habang pumapasok kami sa elevator.

Muli akong ngumuso at tinignan ang repleksiyon sa harapan. Nakita ko ang paninitig rin sa akin doon ni Mommy kaya nginitian ko siya.

"Rich kid 'yon, Mom." Dagdag kong biro pero totoo naman.

"Huwag kang humanap ng mayaman, humanap ka ng lalaking seryoso rin sa'yo." Payo niya kaya mabilis akong tumango.

"Mahal na mahal ako no'n." Pagyayabang ko.

Lumabas kami ng elevator at agad dumiretso sa kung nasaan si Daddy. Umupo si Mommy sa tabi ng kama at tiningala ako.

"Kung mahal ka talaga niya, sabihin mo at magpakilala sa'kin. Huwag siyang naduduwag."

Mabilis akong naglakad palapit sa kaniya para despensahan si Archie sa aking magulang.

"Gusto niya naman talagang bumisita dito kaso sobra siyang busy lagi o 'di kaya ay laging hinahanap sa bahay nila."

"Pinagtatanggol mo pa 'yang boyfriend mo."

"Bakit? Hindi mo po ba pinagtanggol si Daddy sa magulang mo?" Ganti kong tanong.

Naningkit ang mga mata ni Mommy na para bang may nasabi akong ayaw niya. Umiling siya kaya naman medyo kinabahan ako. Hindi na ulit kami nag-away simula noong nag-usap kami at natatakot ako na baka ito pa ang maging dahilan para magalit ulit sa akin si Mommy.

"Ang mga kabataan talaga ngayon. Noon kasi, sumusunod kami sa magulang namin." Makahulugang saad niya.

"E, ano ba kasing say mo? Gusto mong makipaghiwalay ako sa kaniya?" Diretso kong tanong.

Tinawanan ako ni Mommy at hinagilap ang aking kamay para mapalapit ako sa kaniya. Bumagsak ang tingin ko kay Daddy na pakiramdam ko ay naririnig ang pag-uusap namin ni Mommy.

"Hindi ako ang magiging rason para hiwalayan mo ang boyfriend mo. Iba ang sayang nakita ko sa mga mata mo noong bumaba ka galing sa kotseng iyon. And I am not your evil mother to take away your happiness. Gusto ko lang makilala ang boyfriend mo." She softly explained that touched my heart.

I crouched a bit to hug her. Lumundag ang puso ko dahil sa sinabi ni Mommy sa akin. Masaya akong tumango at ipinangako sa kaniya na bibisita rin si Archie sa oras na hindi na siya masyadong abala.

The class started again after the new year. Sinabi ko kay Archie ang gustong mangyari ni Mommy at medyo nagulat pa siya. Hindi naman siya mukhang natatakot at kinakabahan, sabagkus ay parang gusto niya na lang tapusin ang lahat ng ginagawa niya para lang makilala si Mommy pero malabo iyon dahil malapit na ang midterm.

School, condo at ospital lang ako simula noong nagbalik klase. Hindi na rin muling natulog si Archie sa condo dahil madalas ay dumidiretso ako sa hospital para bantayan si Daddy. Kapag nasa condo naman ako ay kinakailangan niyang manatili sa bahay nila dahil naroon ang mga marami niyang ginagawa. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya as a Med-tech student but if I look busy, mas busy siya. Hindi naman siya mukhang stressed sa daming papel na laging hawak niya kaya hindi ako nag-aalala.

Pero sa tuwing nakikita ko ang sarili sa salamin at sobrang laki ng eyebags ay gusto ko na lang maging kagaya ni Archie.

Sana all hindi nas-stressed. Ako kasi, mukhang sasabog na kakaaral dahil nagiging mas mabilis ang oras at midterm na next week.

"Looking stressed? Wala ka na bang stress-reliever?" Asar sa akin ni Eliona nang pumasok ako sa classroom ay halos ibagsak ko ang sarili sa upuan.

Hindi ko siya pinansin at muling binuklat ang lecture para mag-review ulit dahil desidido akong hindi magkaroon ng dos ngayong sem. Hindi maganda ang naging quizzes at ilang performance ko kaya kailangan ko talagang bumawi sa midterm. Narinig ko ang pagsinghap nila Cassie at Eliona pero hindi ko na talaga sila pinansin. Dumating si Sabrina at naging mas maingay sila.

"Lapit na birthday ng isa diyan." Parinig nila Cassie kaya tumaas na ang tingin ko sa kanila.

Nangingiti nila akong tinitignan at may pagtaas pa ng kilay na para bang may ipinaparating. Hindi ko nga alam ang plano ko sa birthday ko dahil iniisip ko na sa Ospital lang ako sa buong bakasyon para bantayan si Daddy.

"I might not celebrate. Nasa Ospital pa rin si Daddy."

Natahimik silang dalawa sa sagot ko. Ngumuso sila at binigyan ako ng concern look. Umiling lang ako dahil alam ko namang gusto lang nila akong pasiyahin. Ibinalik ko ang aking tingin sa binder at doon inubos ang buong oras hanggang sa dumating na ang Professor.

Umuwi ako sa condo at nakatanggap ng message kay Archie. Sinagot ko ang kaniyang tawag dahil we're back to video calling. Doon rin naman kami nagsimula kaya hindi na nakakapanibago. Madalas pa rin niya akong sunduin at ihatid, na kahit kaunting oras lang iyon ay naa-appreciate ko. Hindi naman talaga kailangan dahil alam kong busy siya pero gumagawa pa rin siya ng paraan para magkita kami kahit paano.

"Good luck!" Aniya at hinalikan ako sa labi.

Ipinulupot ko ang aking braso sa kaniyang leeg para mas mapatagal at mapalalim ang halikan. Kailangan ko ng good luck charm 'no. Naglandas ang kaniyang kamay sa aking baywang para mas maigiya ako ng husto sa kaniyang mukha. He slid his tongue inside mine and kinda tug my lower lip kaya napaungol ako. Mabilis akong humiwalay sa kaniya nang tumunog ang alarm ng cellphone ko. Binalingan ko siya at nginitian.

"Good luck din sa'yo. Love you!"

Lumabas ako ng kaniyang sasakyan at isang beses ulit siyang sinulyapan sa likod. Bumaba ang bintana ng front seat at hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko ang sinabi niya.

"I love you more! Galingan mo!" Sigaw niya kaya mas lalo akong napangiti.

Umapak ako sa corridor at nagulat nang bigla sumulpot sina Cassie at Eliona sa magkabilang gilid ko at inakbayan ako. Halos sakalin nila ako habang naglalakad kami paakyat kaya hinampas ko ang tagiliran nila.

"Sana all may good luck charm!" Pang-aasar nila sa akin.

"Hanap kasi kayo ng boyfriend ninyo rin." Natatawa kong pagyayabang bago kami dumiretso sa loob ng classroom at nagsimula na ang bakbakan.

The first day of exam is one hella hell. Kiniwento ko iyon kay Archie habang pauwi kami sa aking condo at wala siyang ibang sinabi kundi pagaanin ang loob ko.

"Mataas ang magiging result ng score mo for sure." Aniya habang isinusuot sa akin ang hoodie niya.

Ang dami ko ng hoodie nito dahil lagi na lang ako biglang sinusuotan. Gusto ko rin naman kasi oversized sa akin tapos ang bango pa, feeling ko tuloy yakap ako ni Archie.

"Hindi mo sure." Sagot ko sa kaniya at inayos ang buhok kong medyo nagulo.

Hinuli niya ang kamay ko at hinalikan iyon. I sway our intertwined hands as we are walking slowly on this road.

"Nakita kitang mag-review." Aniya na para bang sapat iyon para maniwala ako sa kaniya.

"Daig ng masipag ang matalino, gano'n ba 'yon?" Natatawa kong tanong sa kaniya.

Inirapan niya lang ako kaya mas lalo akong tumawa. Itinaas ko ang dalawa naming kamay at tinuro ko sa kaniya ang langit na walang bakas ng mga bituin pero mayroong buwan.

"Hintayin natin mag-June para maabutan natin 'yong strawberry moon." I enthusiastically said.

"For what?" Naningkit ang mga mata niya.

Ngumuso ako at ibinaba ang dalawa naming kamay. Tumingkayad ako para mahalikan siya sa pisngi.

"Para sure na tayo."

"Sure na?" Naguguluhan niyang tanong.

"Sure na totoo 'yong pagmamahalan natin."

"Totoo ang pagmamahalan natin." Mariin niyang saad kaya tumigil ako para maharap niya ako.

"Edi para sure na lang na tayo pa rin hanggang dulo." Nagkibit balikat ako.

Kumunot ang noo niya na para bang hindi niya ako maintindihan. Tinawanan ko na lang siya at hinila na ulit siya para makarating na agad kami sa condo ko. Umuwi siya sa kanila at hinintay ko ulit ang tawag niya para sabay kaming mag-aral. Pagdating ng pangalawang araw ng exam ay halos lumabas na ulit ang puso ko sa aking dibdib dahil sa kaba.

Nakailang pikit ako habang inaalala ang mga nireview ko dahil ang questionnaire ngayon na hawak ko ay parang nakasulat sa lenggwahe ng ibang planeta dahil hindi naman ito naituro sa'min. Natapos na lang ang oras at wala akong ibang choice kundi hulaan iyon. Bagsak tuloy ang balikat ko habang tumatabi kina Eliona. Nakita ko ang hitsura nila na katulad ko ay dismayado rin.

"Tangina..." sabay-sabay naming bulong.

"Wala namang gano'n sa module!"

"Puro lang naman siya kwento tuwing class niya!"

"Tapos papahirapan tayong sagutan ang tanong na hindi man lang niya nasabi kahit minsan!"

Pare-parehas kaming frustrated at halos isumpa na ang Prof na iyon dahil sa inis. Kinuha ko ang cellphone ko para i-message ang nangyaring iyon kay Archie at nagulat ako dahil agad siyang nag-reply. Nawala tuloy bigla 'yong inis ko.

"Hi, Tita!" Sigaw ng maingay na si Kobe habang pumapasok sa loob ng room ni Daddy.

The midterm ended at tapos ko na rin ang clearance ko. Hinihintay ko na lang ang release ng grades namin para ma-consider ang lahat ng ito na bakasyon.

Binatukan ni Baste si Kobe dahil sa ingay ng bunganga nito. Tumahimik ito at masamang pinukulan ng tingin si Baste pero nag-paligsahan lang sila sa pasamaan ng tingin kaya inirapan ko sila. Hinila ko sila paupo sa maliit na sofa na kasya lang ay tatlo. Umupo si Lallaina, Apple at Sabrina doon samantalang inilagay naman ni Denzel ang prutas sa maliit na table.

Lumapit si Mommy sa mga kaibigan ko at binati ang mga ito.

"Bakasyon ninyo na ba?" Tanong niya para sa mga kaibigan kong sa ibang university pumapasok.

Tumayo ng tuwid si Denzel na akala mo ay totoong lalaki. Tinawanan siya ni Mommy dahil sa inakto niya.

"Babalik pa akong La Salle bukas para sa release ng grades namin." Sagot ni Kobe habang nilalantakan ang apple na dala nila.

Sinaway siya ni Lallaina. "Hindi naman iyo 'yan!"

"Pero dala natin 'yan."

"Magpi-piloto ka ba talaga? Ang bobo mo." Inis na sambit ni Lallaina at dismayadong umirap sa kaibigan namin.

"Okay lang, Lallain. Kumain na ba kayo?" Tanong ulit ni Mommy.

"Hindi pa nga po, e." Sagot ulit ng makulit na si Kobe kaya nabatukan na talaga siya nang tuluyan ni Lallaina.

Tumawa si Mommy sa asta ng mga kaibigan ko bago nagpaalam para utusan ang driver namin na bumili ng pagkain.

"Nakakahiya talaga kasama 'tong si Kobe. Tayo 'yong bumibisita pero tayo pa 'yong papalamunin." Umiiling na sambit ni Lallaina.

Tinuro ni Sabrina si Kobe at inasar dahil nabadtrip niya si Lallaina. Kumunot lang ang noo ni Kobe at hindi umimik. Dinagdagan nila Baste at Denzel ang pang-aasar sa kaniya kaya naman halos mapuno sa ingay ang kwarto na ito.

"Oo na! Kasalanan ko na! Lagi naman 'diba?" Pagda-drama niya nang hindi na kinaya ang mga asar.

Hinigit ko ang upuan sa isang gilid at nilagay sa harapan nila. Bumagsak ang tingin sa akin ni Baste at tinapik ang ulo ko. Hinayaan ko siya dahil aasarin ko pa si Kobe. Mas lalo siyang naimbyerna nang makisali ako.

"Bakit mo kasi kinakain si Apple!" Ani Sabrina at nilingon ang babae naming kaibigan na kanina pa tahimik at pinapanood lang kami.

Tumawa sina Baste kay Apple pero hindi ko nagawang makisali nang mapansin ang pagkakabalisa sa mga mata niya. Napawi ang aking ngiti sa labi habang tinitigan si Apple na medyo nagbago... she looks really different now. She used to be so loud and energetic.

Tipid siyang ngumiti at nag-iwas ng tingin. Hindi iyon napansin nila Sabrina pero nang makita ko si Lallaina na nakatuon din ang tingin kay Apple ay alam kong hindi lang ako ang nakapansin.

"Apple-" naputol ang aking sasabihin nang tumayo siya at nagpaalam na magc-cr.

Binalingan ko si Lallaina at nginuso ang lumabas na si Apple. Nagkibit balikat siya. Patuloy ang pang-aasar nila Baste kay Kobe samantalang nanahimik na si Lallaina na para bang nag-iisip siya ng malalim. Bumalik ang tingin ko sa pintuan kung saan lumabas si Apple.

Nahampas ako ng kamay ni Baste nang bigla siyang ambahan ng suntok ni Kobe kaya naman naagaw nila ulit ang pansin ko. Nag-asaran at naglokohan lang kami doon ng ilang saglit bago nila naisipang puntahan si Daddy sa kama at tinignan.

Binalingan ko si Baste na nasa tabi ko at seryoso lang ang hitsura na nakatingin kay Daddy. Naramdaman niya ang titig ko sa kaniya kaya sinulyapan niya ako at tinaasan ng kilay.

"Si Audrey?" Tanong ko sa kaniya na nagpabaling din kay Kobe sa'kin.

Lumabi si Baste at nagkibit balikat. "Gumraduate na si Felix." Iyon lang ang nasabi ni Baste sa akin dahil bumalik na ulit si Mommy.

Kinausap niya ang maiingay kong kaibigan habang kausap ko si Archie sa twitter. Ang sabi niya sa akin ay bibisita na siya sa susunod na linggo dahil malapit na rin daw matapos ang kaniyang thesis. Kinulbit ako ni Sabrina at tinuro si Apple na pumapasok kaya tinago ko ang cellphone at nakisali sa kanila. They stayed until afternoon at naisipan lang umalis nang magpasya silang gagala sa Ayala Malls at manonood daw ng movie.

"Gillian, sumama ka na sa kanila." Pilit sa akin ni Mommy nang marinig na niyayakag ako nila Denzel.

Iiling sana ako pero nang makita ko ang mga mata niyang nakangiti at pinipilit akong sumama ay bumagsak ang dalawa kong balikat at tumango. Sumama ako sa kanila at hindi rin naman nakakapangsisi dahil na-miss ko sila. We watched movies at naglaro sa arcade. Hinatid nila ako sa Ospital kagabihan at nakatanggap ako ng mensahe kay Archie na nagsasabing nasa kanila na siya.

So I spent the rest of the week in the Hospital while waiting for the releasing of grade. Umuwi lang ako noong linggo dahil sa lunes ang kuhanan ng grade.

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang pumapasok sa registrar ng department namin at pumipila dahil maraming kukuha ng COG ngayon.

"Happy birthday, girl!" Rinig kong sigaw nila Eliona habang palapit sa akin.

Ngumiti ako sa kanila at nangako na ililibre ko sila ng lunch. Natuwa sila kaya naman nagmadali na kaming kuhanin ang grade. Hindi na ako nagulat na may dos ako pero parang ang hirap hirap pa ring tanggapin. Bumagsak ang balikat ko at napahinga nalang ng malalim habang tinititigan ang dalawang dos sa card.

Inusisa iyon nila Eliona pero agad ko na iyong tinago sa aking bag. Tinanong ko kung nasaan si Sabrina pero hindi rin nila alam kaya pinagsawalang bahala ko na. Baka nagbabakasyon na siya. Nilibre ko sina Eliona sa samgyupsal sa Olivarez dahil iyon ang gusto nila. Ayaw ko sanang lumayo dahil makikipagkita pa ako kay Archie kaso mapilit sila kaya pinagbigyan ko na.

Tinitignan ko ang cellphone ko habang kumakain kami dahil hinihintay ko ang message ni Archie sa akin pero wala naman akong natatanggap. Ngumuso ako dahil baka nakalimutan niyang birthday ko. Mas lalo tuloy lukot ang mukha ko nang umuwi ako sa condo. Pinilit kong huwag isipin ang grades ko at ang hindi pagme-message sa akin ni Archie pero naiiyak na lang ako habang ginagawa iyon.

Binuksan ko ang pintuan ng condo unit ko at tuluyan nang lumandas ang luha sa aking mga pisngi. Suminghot ako at umambang pipindutin ang switch sa tabi ko pero nanlaki ang mga mata ko at natigil ako sa pag-angat ng kamay nang makita ang nagp-play na video sa dingding ng condo ko.

Patay ang mga ilaw at sobrang dilim ng aking condo. May maliit na projector na nakatutok sa dingding kung saan nagp-play ang isang video. Lumuha ako nang marinig ang kanta at mas lalong nanlabo ang aking mga mata nang matanto na isa iyong compilation ng mga pictures namin ni Archie. Pinalis ko ang aking luha sa pisngi at pinilit na panoorin ang video na nasa harap.

There are pictures that were taken in the Enchanted Kingdom and Balesin. Ang mga selfie namin na madalas kong ipost sa ig story ko at story niya. Meron pang mga selfie ko sa cellphone niya at higit sa lahat, ang mas lalong nagpaluha sa akin ay ang mga screenshot ng video call namin.

Humakbang ako ng isang beses nang mapunta iyon sa mukha ko kung saan ay nakapikit na ako at halatang mahimbing na ang tulog, samantalang sa maliit na box ay si Archie na nakapangalumbaba habang pinagmamasdan ako sa kabilang linya na natutulog na. Sa dulo ng presentation ay ang mga tiktok videos ko na kasama siya at ang ilang behind the scenes no'n na kinuhanan ni Archie.

May pumulupot na braso sa aking baywang nang matapos ang video. Naglandasan ang luha sa aking pisngi, hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa saya. Naramdaman ko ang sakit sa aking puso na hindi ko akalain na pwede pala iyong mangyari kapag sobrang saya mo.

"Happy birthday, baby." Bulong niya sa aking tenga.

Mabilis ko siyang hinarap at niyakap ng mahigpit sa leeg. Tumingkayad ako upang maabot ang kaniyang leeg at doon ako umiyak. Narinig ko ang tawa niya sa naging reaksiyon ko kaya mahina ko siyang hinampas sa likod.

"N-Nakakainis ka... akala ko nakalimutan mo." Naiiyak kong sambit.

Humigpit ang yakap niya sa akin dahilan nang mas lalong pagbilis ng tibok ng nagwawala kong puso.

"Paano ko kakalimutan ang araw na 'to? This is the day when the most beautiful lady was born." He uttered in a very manly way.

Umiling ako dahil masyadong nagagalak ang aking puso. It's only him who can do that. Siya lang ang may kakayahang baguhin ang sakit na nararamdaman ko sa aking puso kapag kasama ko siya. Whenever I am with him, I feel like everything is fine. Nagagawa niya akong pasayahin kapag pakiramdam ko... hindi ko kayang maging masaya.

Mas binaon ko lalo ang aking mukha sa kaniyang leeg dahil mas lumalalim ang nararamdaman ko sa kaniya.

Damn, he really give me feelings I can't contain.

"Thank you for making things fine with me when I am sad." I said in between my sobs.

Humiwalay ako sa kaniya at tiningala siya para makita ang banyaga niyang mga mata. Pumungay ang kaniyang mga mata at isang tipid na ngiti ang iginawad sa akin. Ipinatong niya ang kaniyang ilong sa akin.

"I don't want you sad when you're with me, baby. I want you happy every time. I am hurt when I see you hurt... and my heart cries when I see you cry. I want to build a world with you where you can find comfort when you're with me. " Amin niya na mas lalong nagpangiti sa akin.

Dinampian ko ng halik ang kaniyang labi. Mabilis lang iyon at muli ko siyang tinignan sa mga mata.

"I love you." Bulong ko bago niya ako hinapit sa baywang at hinalikan sa labi.

I feel like I am floating when I felt his feathery kisses on my lips. I was suddenly lost for words... dahil tama siya, masaya ako kapag kasama siya.

Pumikit ako ng marahan at dinama ang bawat dampi ng mainit niyang labi sa akin. Mas diniinan niya ang hawak sa aking baywang at halos higpitan ko rin ang yakap ko sa kaniyang batok. I am already losing for air when I heard a knock from the door. Ayoko pa sanang humiwalay sa kaniya ngunit nakailang katok na kaya mabilis na akong bumitiw sa halikan. Nakita ko ang pagparte ng mapulang labi ni Archie na para bang uhaw pa siya sa maraming halik pero nginisian ko lang siya.

Binuksan ko ang ilaw at doon ko palang nakita ang ma-effort niyang pagdidisenyo sa living room ko. Balloons with thin lights surrounded on it and the helium lettered gold balloons pasted on the wall. Nilingon ko si Archie at nginuso ang gawa niya.

"Ginawa mo 'to lahat?" Tanong ko sa kaniya.

"No. I seek a helped from Dax and your friend, Sabrina." Sagot niya na napatango na lang ako.

Kaya pala hindi nagpakita si Sabrina sa akin dahil kasali siya sa kalokohan ng lalaking 'to. I must thank them later. Narinig ko ulit ang katok sa aking pintuan kaya dumiretso na ako doon. Nagulat nga lang ako nang makita si Mommy na nakatayo sa harap ng unit ko.

"You look so shock. Can't I visit?" Kumunot ang noo ni Mommy.

"Uh..." teka paano ko sasabihin na nandito si Archie?!

Bago pa man din ako makaisip kung paano sasabihin iyon ay dumiretso na papasok si Mommy sa loob. Sinarado ko ang pintuan at hindi na nagulat nang matigil si Mommy sa living room.

"Who are you?" Istriktang tanong ni Mommy kay Archie.

Mabilis kong nilagpasan si Mommy at tumabi kay Archie. Hinawakan ko ang kamay niya bago hinarap ang aking magulang at ngumiti.

"Mom, he's Archie. Boyfriend ko." Pakilala ko.

Tumaas ang kilay ni Mommy at hindi nagbago ang pagiging istrikta ng hitsura. Humalukipkip pa siya na parang sinusuri ang aking nobyo. Hindi ko magawang lingunin si Archie dahil hinihintay ko ang magiging reaksiyon ni Mommy. Ang sabi niya ay matutuwa siya!

"Boyfriend?"

Ngumuso ako kay Mommy at pinandilatan siya ng mga mata para huwag takutin si Archie. Naramdaman ko ang pag-alis ng kamay ni Archie sa aking hawak at nilahad iyon kay Mommy.

"Good afternoon, Ma'am. I am Archie, her boyfriend. Nice meeting you po." Magalang niyang sambit.

Tinanggap ni Mommy ang kaniyang kamay pero mabilis lang iyon na para bang nandidiri siya.

Really, this old woman!

Pinasadahan ng tingin ni Mommy ang living room at mas lalong nagtaas ng kilay nang mapansin ang ayos nito. Para bang minamaliit niya ang ginawa ni Archie. Ibinalik niya ang tingin sa aming dalawa.

"So, you surprised my daughter for her birthday?" Tanong niya kay Archie.

"Opo." Gusto kong tawanan ang pagiging magalang ngayon ni Archie pero wala akong panahon do'n.

Lalapit sana ako kay Mommy para suwayin siya na ayusin ang pakikitungo kay Archie pero bigla siyang ngumiti. I was taken aback because of that.

Hala siya, moody ba ito?

"Mom-"

"You're looking at me like I am going to do something unhumane to your boyfriend, Gillian." Puna niya sa kanina ko pa ekspresyon.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Archie sa aking likod kaya masama ang tinging ipinukol ko sa kaniya. I am trying to make all this light for him tapos tatawa siya? Baliw ba siya? He bit his lower lip to stop himself from laughing.

"He doesn't seem scared, though. Hindi ko alam kung ano ang kinakatakot mo sa pagiging istrikta ko." Makahulugang sambit ni Mommy kaya bumalik ang tingin ko sa kaniya.

Hindi ako nakasagot. Well, based on experience, feeling ko wala siyang magugustuhan na tao. Pati nga ang mga kaibigan ko naninibago sa trato sa kanila ni Mommy.

"I understand it, Ma'am. You are her mother."

"Tignan mo. Alam ng boyfriend mo. Masyado kang kabado, anak."

Umirap ako dahil parang pinagkakaisahan nila akong dalawa. Hinawakan ni Mommy ang aking braso kaya binalingan ko ulit siya.

"Happy birthday. At siguro naman, ito na ang panahon para kilatisin ko 'yang... boyfriend mo." She wiggled her eyebrows at me. Lumagpas ang tingin niya sa likod bago siya ngumiti at nilagpasan ako.

"I ordered food. It will arrived anytime soon." Aniya at nilabas ang cellphone para sa kung ano bago kami iniwan sa salas.

Nilingon ko si Archie at ngumuso. Nilapitan niya ako at nangingiting yumuko para magtagpo ang mga mata namin.

"This is so unexpected. Hindi dapat ngayon ang-"

"It's okay, baby. I want to meet the mother of my girl, though. Right now." He calmly uttered.

Mabilis niyang dinampian ng halik ang aking pisngi bago niya ako hinila patungong dining area kung nasaan si Mommy.

"Or should we just eat in a fine dining resto since this delivery thing food is cancelled for I dunno reason!" Lintaniya ni Mommy at naabutan namin siyang tumatayo mula sa pagkakaupo.

Umawang ang labi ko dahil natatawa ako para sa kaniya. She never acted this way before! I bit my lower lip to restrain myself from smiling. My mother... she turned out to be the mother I once wished she could be.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top