#TWP20

Entry 20

Huminga ako ng malalim bago pinihit ang pintuan at binuksan ito. Sumalubong sa akin ang tahimik na kwarto ni Daddy. Lumagpas ang tingin ko sa malayong sofa kung nasaan nakaupo ang kasambahay namin. Gumising ito nang makita ang pagpasok ko at agad akong dinaluhan.

"Si Mommy po?" Tanong ko sa kaniya.

It's Saturday today at wala akong klase. Hinatid ako dito ni Archie ngunit kailangan niya agad bumalik sa campus dahil may klase pa siya. He wants to pay a visit, gano'n rin ang mga kaibigan ko pero gusto kong angkinin ang araw na ito para makapag-usap kami ni Mommy. Sa susunod na lang sila bibisita. Nasabi ko rin kasi sa kanila ang plano kong humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko.

Maybe we never really grew through ages... it's the circumstances in our life that changes our perception in life... We learned things when we are in a very unfortunate situation.

"Umuwi muna siya saglit dahil kailangan ata siya sa school niya." Sagot nito kaya tumango na lang ako.

Umupo ako sa upuang katabi ni Daddy at pinagmasdan siya. Mapait akong napangiti dahil gusto ko na lang na magising siya. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at marahang hinaplos ito. Lumabi ako para mapigilan ang nagbabadyang luha.

"Daddy..." I called him.

Sabi ni Archie, maririnig niya ako.

"Kung naririnig mo man ako, Dad... I just wanna say sorry." Pumiyok ang salita ko kaya naman kinailangan kong kagatin ang pang-ibabang labi ko.

Narinig ko ang pagsara ng pintuan at tingin ko ay lumabas ang kasambahay para mabigyan ako ng pribado pag-uusap kay Daddy. Pinilit ko ang sarili na kumalma. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kamay niya.

"I know that I am not the best and so perfect daughter in the world. I am flawed with so much insecurities and doubts. I am immature and demanding daughter. I have my worst events in my life that made you hate me... I turned out to be a person you don't want... and I am really sorry for that."

Yumuko ako para madama ang kaniyang kamay sa aking pisngi. Pinanood ko ang payapa niyang mukha na walang malay. Ngumiti ako ngunit ang luha sa aking mga mata ay patuloy na bumabagsak.

"Lagi ako nagrereklamo na hindi ninyo ako magawang pansinin... actually, hindi ko nga pala sinasabi. I always keep those in myself dahil pakiramdam ko wala naman talaga kayong pakialam. Naiinis ako sa tuwing napapansin ninyo ako ay lagi na lang sermon ang inaabot ko." Tumigil ako saglit bago nagpatuloy.

"Minsan sa buhay ko tinanong ko sarili ko, ano kayang pakiramdam na may pakialam sa'yo 'yong magulang mo? 'Yong halos lahat na lang ng kibot mo ay napapansin nila? Ano kayang pakiramdam ng may suporta mula sa pamilya nila? Ano kayang pakiramdam na malaman na kilala ka pa rin ng magulang mo kahit alam mo sarili mo na marami ng nagbago?"

Pumikit ako ng mariin habang dinadama ang sakit sa aking puso.

"Kasi, Dad... pakiramdam ko hindi ninyo na ako kilala. Nagalit kayo sa akin dahil hindi ako lumaki sa paraang gusto ninyo. I am not the smartest kid in our class, in our school rather. I do not have the most wholesome vocabulary and I didn't grow having the best attitude. Nakita ninyo ako sa Gillian na marunong lang magloko, maglakwatsa at magalit ng magalit habang pinapagalitan. Idagdag pa 'yong paglayas ko sa bahay at hindi ko man lang nagawang gumawa ng paraan para makausap ulit kayo."

The tears just keep on rushing down in my cheek as I felt my heart getting and getting heavier.

"Pero minsan kaya naging proud rin kayo sa akin? Natuwa rin kaya kayo sa'kin noong mga panahon na pakiramdam ko ginawa ko naman 'yong best ko? Kasi... k-kasi ang hirap hirap mangarap kapag pakiramdam ko wala namang naniniwala sa akin. Lagi kong sinasabi na gagawin ko ang lahat para mapatunayan sa inyo na hindi lang ako 'yong Gillian na nakikita ninyong walang ibang ginawa kundi kalokohan. That I am more to that girl. I always smile and show everyone that I am fine when deep inside, I am wreck. Not because of money, not because of my friends, maybe because of myself, too pero alam mo 'yong pinaka-rason? It's you and Mommy. Ayaw ko nang manisi. I am here to say sorry but can I at least say what I have been through?"

Nagmulat ako ng mga mata. Pinalis ko ang luha sa aking pisngi at pinilit na ngumiti kahit namimilit na malukot na ang mukha ko sa sakit na nararamdaman.

"Dad, hindi ako okay. Hindi ako masaya. Hindi ko ramdam na may nagmamahal sa akin. Pakiramdam ko lagi kulang ako sa pansin. Humahanap ako ng bagay na makakasagabal sa akin para mag-isip pero ang totoo... babalik pa rin ako sa pagiging malungkot. And... Dad... ang hirap hirap no'n."

Pumikit muli ako habang nararamdaman na mas dumadami ang bagsak ng aking mga luha.

"Sobrang hirap no'n, Dad. Kasi hindi ko alam kung kailan ako magiging okay... o kung magiging okay pa ba ako. Wala naman akong sakit... pero pakiramdam ko lagi akong matatalo kapag lumaban ako. I can't forever cry... I can't beg the people to accept me when they don't want me... and that's so damn fucking hurts mentality when it comes to you and Mom, dahil gusto ko... gusto ko tanggapin ninyo ako. Hindi bilang si Gillian na anak ninyo noon kundi si Gillian na kung ano ako ngayon."

Lumakas ang hikbi at paghagulgol ko. Kinailangan kong tanggalin ang hawak ko sa kaniyang kamay para matakpan ang bibig kong umiingay dahil sa iyak. Marahas ko ding pinagpapalis ang mga luha sa aking pisngi.

"Dad... iyon ang matagal ko ng gustong sabihin sa inyo ni Mommy pero natatakot ako kasi baka hindi ninyo ako maintindihan. But now seeing you here? Unconscious and almost not living? Dad... I am so sorry for being the daughter I turned out to be. I hope you could still accept me."

"You are always forgiven and you never been out in our life."

Mabilis ang naging paglingos ko sa likod nang marinig ang boses ni Mommy. Nanlalabo ang mga mata ko pero nakikita ko pa rin kung paano siya nakangiti ngunit lumuluha naman ang mga mata. Lumapit siya sa akin at naglahad ng kamay na para bang gusto niya akong yakapin.

Hindi ako tumayo at nanatili ang titig ko sa kaniya. She heard me. Mas lalo akong naiyak.

"Yakapin mo naman si Mommy mo." Nanginginig na sambit niya kaya mabilis akong tumayo para mabalot siya sa isang mainit na yakap.

Isang yakap na kahit kailan... simula noong tumungtong ako ng high school ay hindi ko pa naibigay sa kaniya. Mahigpit ang yakap na ibinalik niya sa akin samantalang ibinaon ko naman ang aking mukha sa kaniyang leeg at doon umiyak.

"I-I'm... sorry..." Humahagulgol kong sambit.

Naramdaman ko ang paghaplos sa akin ni Mommy sa aking likod kaya mas lalo lang akong naluha.

"I heard what you said. We are the one who owe you an apology, Gillian. I'm sorry for not looking after you. Masyado kaming naging abala sa trabaho at nalulong masyado sa kaisipang materyal na bagay ang bubuhay sa'yo... but now? Natanto ko na walang kapantay ang pera at karangyaan kung ano mang oras ay maaari sa'yong kuhanin ang taong nakalimutan mong pahalagahan."

Panibagong luha ang bumuhos sa aking mga mata habang pinapakinggan si Mommy. Gusto kong magsalita ngunit hindi ko alam kung maiintindihan niya pa ako gayong nahihirapan na akong bumuo ng salita habang umiiyak.

"I love your father so much. Sa nagdaang taon, pakiramdam ko nagsasama na lang kami dahil may pamilya kaming nabuo. Akala ko at ang tanging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay magkasama kami ay dahil sa'yo... but I was wrong. We are still together because my love for him never really gone."

Tumango ako dahil sa nagdaang taon na nakita sila kung paano mag-away, minsan ko na ring naisip kung bakit hindi sila humahantong sa hiwalayan. Siguro dahil sa akin... siguro dahil sa mga pinagsamahan... pero tama si Mommy at dahil iyon sa tunay niyang mahal si Daddy. Na muli lang lalabas ang pagmamahal na iyon sa mga panahong ito.

"And now seeing him almost being taken away from me... para akong nawawala sa sarili. Madalas man kami mag-away ng Daddy mo, hindi ko maitatanggi na naging parte na rin 'yon ng ilan sa mga dahilan kung bakit mas lumalim ang pagibig ko sa kaniya. Your Dad taught me things I never learned before. And I am so regretful because I forgot one thing..."

Humikbi muli si Mommy. Humiwalay siya sa akin at tinignan ako sa mga mata. Pero sobra nang nanlalabo ang aking paningin na hindi ko na magawang makita ng malinaw ang kaniyang mga mata.

"We planned for this family... with promises that we will give you the best in this life. Akala ko at nagtagumpay kami... but then when you told us that you're not happy. Noong umiyak ka at tinalikuran kami, natanto ko na hindi kami naging mabuting mga magulang."

Mabilis akong umiling. Nagalit ako sa kanila ngunit hindi kailanman sumagi sa isip ko na hindi sila mabuting magulang. May pagkakataon lang sa buhay ko na hiniling ko na sana ay magbago sila. Nagkulang sila pero naging mabuti sila sa akin.

"No, Gillian. We didn't hurt you physically, pero sa isip? Sa iyak at lungkot na sinabi mo? Anak, sinaktan ka namin. Nagkulang kami-"

"Nagkulang kayo pero hindi kayo masamang magulang."

"I don't claim that we are perfect parents for you, but at least we could have done well for you. Sana man lang ay naroon kami noong mga panahong kailangan mo kami. Sana ay naroon kami noong mga panahong kailangan mo ng suporta. Hindi iyong mas ginawa kong pamilya ang trabaho kaysa pagtuonan ka ng pansin. Hindi ko nakalimutang may anak ako... pero nakalimutan kong hindi ka mananatiling bata."

Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Mommy.

"Nagagalit kami sa mga ginagawa mo dahil hindi namin alam kung bakit ka naging ganiyan. Nagagalit kami dahil bigla na lang may susulpot na balita nang wala kaming ka-alam alam. And that is our fault because we forgot to ask about you. Nakalimutan na naming kilalanin ka... tanungin ang pagbabago sa buhay mo. You say you didn't turn out to be the daughter we wish you could be? You're right, Gillian Haidee. Dahil ang gusto lang namin ay ang may maging masaya ka. Gusto namin ay maramdaman mong mahal ka namin. At hindi nangyari iyon habang lumalaki ka. You really didn't turn out to be the daughter we prayed you could turn out to be because we failed to do so our responsibilities as your parents. The material things and the money we gave you are not enough, and will never be enough for you to be a better version of yourself. I taught things in school but I failed to act it to my own child."

Hinaplos ni Mommy ang pisngi ko na puno ng luha. She cupped my face as she longingly checked my eyes.

"You need affection and attention rather than the things you can touch. And I am... really really sorry for that... anak. We failed to give you that."

Kumabog ang puso ko kasabay nang pagpilipit ng kung ano sa tiyan ko. Mas bumilis ang pagtaas baba ng aking dibdib habang pinipigilan ko ang luhang maglandas pero natalo pa rin ako. Bumuhos ang mas marami pang luha at hindi ko na napigilang yakapin ulit si Mommy.

Umiyak ako sa kaniyang braso na para akong binabalik sa batang Gillian. With the warmth of her hug as I feel that she really loves me. Na masaya siya dahil ako ang naging anak niya.

"I'm sorry for getting mad, Mommy." I said in between my sobs.

"I understand. Please forgive us for lacking. Sorry for being the parents you do not deserve."

Humiwalay ako at pinalis ang luha sa aking pisngi. Umiling ako sa kaniya.

"In this world, kayong dalawa lang ni Daddy ang deserving na maging magulang ko. Wala ng iba pa." I uttered as my tears still continue gushing down.

Ngumiti si Mommy at marahang inabot ang aking buhok. Hinawakan niya ang ulo ko at hinalikan ang tuktok ng aking ulo.

"Hindi ko akalain na sa ganitong paraan tayo makakapag-usap, Gillian."

Bumagsak ang tingin ko sa sahig. Mapait akong napangiti dahil hindi ko rin akalain na sa ganitong paraan ko matatanto ang lahat. Things happened for a reason... pero sana hindi pa huli ang lahat.

"Sana naririnig tayo ni Daddy."

Humiwalay sa akin si Mommy at mabilis na dinaluhan ang kama. Tumalikod ulit ako para balingan ang kama kung nasaan si Daddy at nagulat dahil may luhang naglalandasan sa mata ni Daddy. Muling nanlabo ang aking mga mata at kalaunan ay nagbagsakan din sila.

"He can hear us," natutuwa ngunit naiiyak na sambit ng aking magulang habang niyayakap ng mahigpit ang kaniyang asawa.

Napangiti rin ako at mabilis na nilapitan si Daddy. Mahigpit kong hinawakan ang kaniyang kamay.

"Daddy, let's live again. This time, a family we supposed to be." I uttered in a shaking voice.

Tiningala ako ni Mommy at hinigit palapit sa kaniya para muli akong mayakap. Umiiyak ako pero hindi ko matago ang sayang nararamdaman ngayon ng puso ko. For years of being secretly bleeding because of this family... I am finally in peace and happy.

"I love you, anak." Biglaang sinabi ni Mommy.

Tumaas ang tingin ko sa kaniya at ginawaran siya ng ngiti. "I love you, too, Mommy."

Inihilig ko ang ulo sa balikat ni Mommy habang pinagmamasdan namin si Daddy. Sana masaya rin siya ngayon.

The Doctor came to check Daddy bago ko naisipang bumaba para bumili ng pagkain. Nagbaon ako ng damit dahil planado kong dito muna matulog para bantayan si Daddy. I also want my Mother to go home para makapagpahinga. Bumalik ako sa kwarto at agad sinabi kay Mommy ang plano ko para sa araw na ito.

"Wala ka bang gagawin na homeworks? Or kahit ano? Pwede ka namang bumalik na lang dito bukas."

Umiling ako sa kaniya. Itinabi ko ang kinakain ko bago siya sinagot.

"Kailangan ko bumawi kay Daddy. At... makakapaghintay ang lahat ng homeworks ko. Mas importante na nandito ako ngayon."

So for the rest of the day, nanatili lamang ako doon kasama si Mommy. We chatted until dusk. Masaya ako dahil nakikita ko sa kaniya na talagang interesado na siya sa nangyayari sa buhay ko. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya ang tungkol kay Archie kaso ayokong mabigla siya. Hahanap ako ng magandang oras para mapakilala siya sa kanila.

Katulad ng plano ay nanatili ako sa Hospital hanggang linggo. Kinailangan ko lang umuwi noong mag-gabi na dahil may mga gagawin pa ako. Nagpaalam ako kay Mommy at isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin bago ako tuluyang lumabas.

Nakangiti ako habang naglalakad sa lobby pero mas lalo iyong lumapad nang makita sa labas si Archie na nakasandal sa kaniyang sasakyan. Mabilis akong naglakad sa kaniya at inambahan siya ng yakap. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa dahil sa naging reaksiyon ko sa pagkakita sa kaniya.

"Dalawang araw lang tayo hindi nagkita pero miss mo na agad ako." Aniya sa nagbibirong tono kaya natatawa akong umirap sa kaniya.

Humiwalay ako sa yakap at tiningala siya. Kalmante ang mga mata niyang nakatingin sa akin at bakas ang ngiti sa labi. Ngumuso ako dahil gusto ko siyang halikan kaso ang daming nakatingin sa'min.

"Uwi na tayo." Aya ko sa kaniya.

Hinalikan niya ang pisngi ko bago kami tuluyang bumyahe pabalik sa condo. Naipit nga lang kami ng kaunting oras sa traffic dahil rush hour na ngayon.

"Dinner?" Tanong niya habang lumiliko kami sa Olivarez.

Binalingan ko siya at umiling. Sinulyapan niya ako ng isang beses bago niya mabilis na diniretso sa drive thru ng Mcdo ang sasakyan.

"Anong gusto mo?" Tanong niya sa akin habang pumipila kami.

"Kahit marami?" Panglalambing ko sa kaniya.

Tinawanan niya ako at tumango. Nginitian ko siya at hinalikan sa pisngi bago niya diniretso ang sasakyan para maka-order kami. Binababa niya ang bintana sa tabi niya at agad niya akong binalingan. Sinabi ko ang mga order ko at hinintay ang magiging reaksiyon ni Archie pero parang wala lang sa kaniya na inabot ang card niya.

Muli ay pinaandar niya na ang sasakyan sa drive thru.

"Ten years after, bankrupt na pamilya ninyo dahil sa akin." Biro ko sa kaniya.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at hindi sinagot. Inabot sa amin ang supot bago nagpatuloy si Archie sa kaniyang pagmamaneho. Inayos ko naman ang inorder naming foods at inilapag sa aking binti ang nuggets. Sinubuan ko si Archie at tinatapik ko ang ulo niya kapag pinagbibigyan niya ako.

"I really don't like eating when I am driving." Pagsusuplado niya.

Nginiwian ko lang siya at sinolo ang pagkain dahil mukhang ayaw niya naman talaga. It took us almost an hour before we arrived at the parking lot of my condo. Kinuha ni Archie ang duffle bag niya sa back seat bago mabilis na hinablot din sa akin ang bag ko. Napangiti ako habang sumusunod sa kaniya, hawak ko ang supot na may lamang pagkain namin.

"Dami natin inorder." Puna ko habang binubuksan ulit ang supot.

Inakbayan ako ni Archie. "Let's add carbs in your body." Asar niya kaya naman pagalit kong tinanggal ang kaniyang kamay na nakaakbay sa akin.

Nauna ako sa pagpasok sa condo at narinig ko ang natatawa niyang pagtawag sa akin pero hindi ko siya pinapansin. Sinabayan ko siya sa pagkain sa hapag pero 'yong fries lang ang kinakain ko dahil tapos na ako kumain kanina sa sasakyan niya. Siya ang nagprisinta na maglinis ng kinainan namin kaya naman pumasok na ako sa kwarto para makapagpalit ng pyjamas.

Lumabas ako at inayos ang mga gamit sa coffee table. Tumaas ang tingin ko kay Archie na naglalakad papuntang kwarto ko kaya hinayaan ko na siya.

For that night, we studied together. Tinutulungan niya ako sa math subject ko at kapag nagsasaulo na ako ay tumitigil siya para tulungan ulit ako. Hawak niya ang cellphone ko kung nasaan ang codes habang nakapikit naman akong nagsasalita.

Napapalakpak ako nang masaulo ang lahat. Alas dose na ng matapos ako samantalang nanatili namang nakatuon ang atensiyon ni Archie sa kaniyang laptop. Inayos ko ang aking gamit at tinabi iyon sa sofa bago ko niyakap patagilid si Archie. Tinanaw niya ako at inilagay ang kamay sa aking balikat para mas dumikit ako sa kaniya.

"Matulog ka na."

"Wow, bago 'yan, ha. Parang dati naman noong nagvi-video call tayo hindi mo ako pinapatulog." Natatawa kong sagot sa kaniya.

"Pinapatulog kita no'n. Ayaw ko lang na patayin mo." Ganti niya.

Hindi ko siya sinagot at mas hinigpitan na lang ang pagyakap sa kaniya. Nagpatuloy siya sa ginagawa pero hindi nagtagal ay sinarado niya na ang laptop. Humiwalay ako sa kaniya at tumayo na dahil alam kong matutulog na kami.

Isiniksik ko ang aking sarili sa gilid niya pagkahiga namin. He draped his arms over my shoulder and pulled me towards him. Inilapat ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib habang nagsisimula na siyang hulihin ang aking mga daliri.

"Naaalala mo no'ng may laro kayo?" Tanong ko sa kaniya.

Gusto ko ng matulog kaso hindi pa ako hinihila ng antok. Naaakit pa akong damhin ang presensiya ni Archie sa aking tabi.

"What about it?"

"Ang sabi mo sa'kin that time, 'I love you'." Pagpapaalala ko sa sinabi niya sa akin.

Hindi siya umimik kaya tiningala ko siya. Nakita ko ang titig niya sa kisame pero bumagsak iyon sa akin nang maramdaman na nakatingin ako sa kaniya.

"Naalala mo ba?"

Tumango lang siya. Pinagpatuloy niya ang paglalaro sa aking daliri habang ang hinihigaan kong braso niya ay hinahaplos ang aking buhok.

"Mahal mo na ako no'n?" Tanong ko sa kaniya.

Ngumuso siya at tinitigan ako sa mga mata. "I think so? I'm not sure."

"E, bakit mo sinabi 'yon?"

"Iyon lang ang naisip ko no'ng nakita kitang tumalikod at naiinis sa'kin. Ayaw kong nagseselos ka."

Nag-iwas ako ng tingin at muling ibinaon ang aking mukha sa kaniyang malapad na dibdib. Namula ang pisngi ko at pinigilan ang sarili na sumilay ang ngiti sa labi ko.

"I don't understand why you are jealous of Geraldine. Hindi ko siya gusto."

"Alam ko. Naiinis lang ako kasi lagi siyang dumidikit sa'yo."

"Ikaw lang mahal ko."

May humawak na kung ano sa aking puso habang naririnig iyon sa kaniya. I am always jealous of Geraldine because she's something that I can never be. And hearing it from him that he only loves me... nakakasaya ng puso. I don't know how he can do that. He can make my heart feel contented with things I have no assurance of... or sapat na sigurong alam kong mahal niya ako para makuntento ang puso ko.

"Malamang! Alangan namang marami kami." Tinago ko ang tunay niyang napaparamdam sa akin sa pamamagitan ng pag-irap at pagiging pilosopo.

He sexily laughed and stop his hand threading on my hair. "How about my family?"

Ngumuso ako ng maisip ang pamilya niya.

"Ibang love 'yon." Sagot ko.

Mas lalong natawa si Archie kaya masama ang tinging ipinukol ko sa kaniya.

"I have something to tell you." Aniya sa seryosong tono kaya napawi rin ang mariing tingin ko sa kaniya.

Kumunot ang noo ko at hinintay ang kaniyang sasabihin. Tumaas ang tingin niya sa kisame ng aking kwarto at pinagpatuloy ang pagsuklay sa aking buhok.

"I might fly abroad when I graduated." He informed me in a low baritone.

Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Bumagsak ang tingin niya sa akin at pagod akong nginitian.

"I have a scholarship offer from a Med School in China."

Mas lalong umawang ang labi ko dahil sa pagkamangha. Wow. Sobra niya na bang talino na nagagawa siyang offer'an ng pang-ibang bansa na scholarship. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko at hinaplos ang kaniyang panga.

"Sana all." Tangi kong nasabi na inirapan niya. Tumawa ako dahil nagbibiro lang naman ako.

"Just kidding. Nakaka-proud ka naman, baby. Sobra mo sigurong ginagalingan sa klase kaya may pa-offer sa'yo."

Hindi siya umimik. Kumunot ang noo ko dahil parang may iniisip siyang malalim.

"Magandang opportunity iyon para sa'yo, Archie..."

"Yeah."

"Tanggapin mo, ha."

He licked his lower lip as he slowly nodded at me. Lumapad ang ngiti ko dahil sa reaksiyon niya.

"Ang saya mo, ah." Puna niya sa akin.

"Syempre naman! Sinong girlfriend ang hindi magiging proud sa boyfriend niya?"

Ngumiti siya sa akin at mas hinila pa ako lalo sa kaniya na para bang may mas ididikit pa kami. Bumagsak ang tingin ko sa kamay naming magkasalikop na ngayon dahil iyon ang gusto ni Archie.

"Gusto mo talagang maging doctor, 'no? Wala kang ibang choice?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala."

"Bakit doctor? I mean, alam kong ganoon parehas ang mga magulang mo, pero may iba ka pa bang reason kung bakit doctor?"

Muli ko siyang tiningala at naabutan ang pagkislap ng kaniyang mga mata.

"There's no special reason. I just grew up and found my love for medical when I was in middle school." Tipid niyang sagot.

"Maybe you want to be a doctor kasi gusto mo mag-save ng lives."

Nagkibit balikat siya. "Siguro din? Pero hindi naman lahat ng buhay naililigtas ng mga doctor."

"Alam ko. Pero alam mo 'yon, ang laki kaya ng ambag ng mga doctor sa buhay ng tao. Kung wala sila, paano gagaling 'yong may mga sakit?"

Nakita ko ang pagkakatuwa sa mga mata niya kaya naman kumunot ang noo ko.

"Baka ikaw talaga 'yong magd-doctor sa atin at hindi ako." Pagbibiro niya.

"Ha-ha. Kung favorite at magaling lang sana ako sa science, why not? Pero baka mas lalong mamatay 'yong ooperahan ko kapag nag-doctor ako."

Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko kaya hindi ko na rin napigilan matawa.

"Pero ano nga kasi talaga? Bakit doctor?" Pangungulit ko sa kaniya.

"Hindi ko rin talaga alam. I find wearing a lab coat interesting?" Natatawa niya pa ring sagot.

"Walang kwentang sagot. Hindi inspiring!"

Hindi siya ulit umimik kaya ngumuso na ako at hindi na rin umimik. Akala ko at natutulog na siya pero nang magsalita ulit siya ay napabalik ang tingin ko sa kaniya.

"Kung anong nararamdaman mo kapag nangangarap ka na makasakay ng barko, ganoon rin ang pakiramdam ko kapag naiisip kong magiging doctor ako."

Namungay ang aking mga mata habang pinagmamasdan siyang nagsasalita. I've seen him being so passionate with his studies. I've heard him once talking about his dreams... at ito? Walang pinagkaiba ang Archie na nakita ko noon na sobrang effort ang binibigay sa kaniyang pag-aaral para matupad ang kaniyang pangarap. I am lucky to find someone who has his plans for the future. A man who knows how to dream... who knows how to get there because staying means wasting.

I hope I can be like him, too. Iyong walang insekyuridad at walang duda sa sarili. Sana dumating ako sa panahon na masasabi kong... posible ang pangarap ko katulad niya.

"How about you? What are your plans when you finally become a stewardess?" Balik niyang tanong sa akin.

Humiwalay ako sa kaniya at tumuwid sa pagkakahiga para matingala rin ang kisame. Napangiti ako habang nai-imagine ang sarili na nakasakay ng barko.

"Syempre gusto kong maging Chief Stewardess. Tapos gusto kong libutin 'yong mundo. Gusto ko rin na makasalamuha ng maraming lahi habang nagbibigay serbisyo sa kanila. Ang saya sa pakiramdam kapag naabot ko 'yon."

"Paano 'yon? Hindi mo ba ako mami'miss kapag nasa barko ka na?"

Natawa ako at kunwari ay nag-isip. Pero ang totoo, nakakangulila nga siguro kapag nasa gitna ka ng kawalan.

"Babalik naman ako." Sagot ko.

"Right. Babalik ka kaya maghihintay lang ako dito sa'yo sa lupa."

"Then pagbalik ko, pupuntahan kita sa hospital. Tapos yayakapin mo ako kasi sobra mo akong na'miss."

"Then your sprained ankle will never happen because you always got me."

"Posible pa rin 'yon, 'no. Ang hindi lang mangyayari ay, hindi mo ako pagbabayarin bilang ex mo kasi that time, dapat tayo pa rin!" Dagdag ko sa mga imahinasyon namin.

"Probably you're already my wife at that time." He concluded kaya mas lalo akong natawa.

"Agad-agad?"

"Then how many years should we still wait before marrying?"

"Hmm... 10 years?"

"Ang tagal naman." Reklamo niya.

"Para parehas na tayong successful. Para may mapalamon na tayo sa magiging anak natin."

Binalingan ko siya at nakita ko ang pagtango niya bilang pagsang-ayon sa'kin. Binalingan niya rin ako at nginitian.

Parang kanina lang, future profession lang tapos ngayon... future na namin bilang mag-asawa. Mukhang sigurado na kami sa isa't-isa, huh. Hinaplos niya ang aking pisngi at nakita ko na naman ang kapayapaan sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam bakit nangingilid ang luha ko. Siguro dahil masaya ako.

"I make up with my Mom. My Dad heard it and cried... and now I am here with you. Ang swerte ko naman ngayong araw." Tinago ko ang nagbabadyang luha sa pamamagitan ng pagtawa.

"You'll be a hero one day in the future, Archie. You will save lives as a doctor. And thank you kasi kahit hindi ka pa licensed," Natawa ako sa ginamit kong salita bago nagpatuloy. "Nailigtas mo na agad ako."

"We are all heroes in some ways, Gil-"

"But you just literally saved me, Archie. Kung hindi kita kasama? Kung walang ikaw sa buhay ko? Hindi ko alam kung matatanto ko ba ang lahat ng ito. You did something to me that changed a bit of my perspective about life. So you're a hero, baby." Nangingiti kong saad sa kaniya.

Umiling lang siya at hinigit na ako palapit sa kaniya. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya naman sinuklian ko iyon. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking buhok.

"I love you." Iyon lang ang sagot niya pero sobra ang epekto sa akin. It really comforts me whenever he's telling me that.

"I want to be there when you reach your dreams." He added.

Mas lalo akong napangiti dahil doon. "Sana kasama pa rin kita kapag naabot ko." Bulong ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top