#TWP14
Entry 14
Ayokong magmulat ng mga mata dahil masyado akong komportable sa pwestong ito. Ang sarap ng pakiramdam ko at hindi ko alam kung nagkaroon na ba ng pagkakataon sa buhay ko na ganito kasarap ang tulog ko.
I wrapped my arms around Archie's waist and buried my face deeper on his neck. I pouted the reason why I almost like kissing him. Naramdaman ko ang nanunuya niyang haplos sa aking likod kaya mas lalo kong isiniksik ang sarili sa kaniyang gilid. Pwede bang huwag na akong bumangon?
"Hoy love birds, bumangon na kayo!"
Hindi ko pinansin ang boses na iyon nila Denzel at pinanatili ko ang mga matang nakapikit. Gusto ko pang damhin ang yakap ni Archie sa'kin, minsan lang 'to mangyari 'no.
"Gillian," Archie called me but I really have the pride to ignore them all.
Umiling ako at niyakap pa siya ng mahigpit para hindi niya ako magising. Mahina siyang tumawa dahil sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Gusto ko ganito na lang kami. Saglit na lang. Matatapos din naman 'to kalaunan... susulitin ko na.
"Hindi na tayo sasama sa kanila sa labas?" Natatawang tanong ni Archie.
Hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy ang pagpapanggap na tulog pa rin ako. Idinantay ko ang aking binti sa kaniya at agad ko namang naramdaman ang pagbaba ng kamay doon ni Archie. Iyon naman ngayon ang kaniyang hinimas.
"They are out already for breakfast. Hindi ka ba nagugutom?"
Ngumuso pa ako lalo. Hindi ko pa rin siya iniimik kaya naman hindi na rin siya nagsalita pa para pilitin akong bumangon. Tumaas ang kamay niya sa kamay kong nakayakap sa kaniya at marahan iyong tinatapik. Nagmulat ako ng mga mata at tinignan ang mga daliri niyang naglalaro sa aking braso. Pinanood ko 'yon at hindi ako sigurado kung alam ba ni Archie na gising na ako.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at naabutan ko itong nakangiti habang nakatingin sa akin. Ang banyagang kulay ng kaniyang mga mata ang bumungad sa akin. His hair is a bit dishevelled but he remains looking hot. Probably I am looking like a potato right now. Hinaplos niya ang buhok ko at sinuklay ito ng marahan.
"Good morning," Bati niya sa akin na pamumungay lang ng mga mata ang naisagot ko sa kaniya.
He chuckled a little and continued brushing my hair with his fingers. Itinaas niya pa ang bangs ko para kaniyang mahalikan ang aking noo. Pumikit ako nang maramdaman ang paglapat ng kaniyang mainit na labi sa balat ko. My eyes watered and I don't know why. Masaya naman ang nararamdaman ko pero hindi ko maintindihan kung bakit tila gustong lumuha ng mga mata ko.
Maybe because my mind knows the reality and my heart is in denial with the thought that it might be possible when it will never be.
Humiwalay ako kay Archie at tumayo na. Gusto ko pang yakapin siya ng mahigpit pero kailangan ko ng humiwalay. Too much can cause something I'll regret later. Pero kailan pa ba naging masama ang pagkaramdam ng sariling kasiyahan? Kapag alam mong sa huli ay nakakasigurado kang iiyak ka rin naman?
"Ligo lang ako." Sabi ko sa kaniya at kumuha ako ng damit sa bag bago dumiretso sa loob ng bathroom.
I opened the shower and I let the water rolled down to my body. Tumingala ako at doon bumuhos ang luhang pinipigilan ko kanina pa. How the fuck this feeling can make me so damn comfortable and seconds later I am crying now. This sucks.
Lumabas ako na suot ang isang loose shirt at short shorts. Sa ilalim nito ay ang orange bikini ko. Lumabas ako at naabutang bihis na rin si Archie ng isang kulay sky blue na floral buttoned shirt and khaki pants. Ngumiti ako sa kaniya at kumuha muna ako ng shades sa bag ko bago tinanggap ang kamay na nilalahad sa akin ni Archie.
Kumain kami ni Archie at kami lang dalawa dahil nang dumating kami sa restaurant ay tapos nang kumain ang mga kaibigan ko. Nagbayad si Archie bago kami tuluyang lumabas at sumunod sa mga kaibigan kong nasa dagat na. Nilingon ko si Archie na kaparehas ko ay nakasuot din ng itim na shades. Sinulyapan niya ako nang mapansin na nakatingin ako sa kaniya kaya naman nginitian ko lang siya.
We stepped in the fine white sands of Balesin. Bahagyang lumubog ang aking paa sa buhangin kaya kumapit ako kay Archie. Nilingon niya ako pero umiling lang ako. Hinila ko siya palapit sa tubig at doon namin natanaw ang mga kaibigan ko na may sari-sariling ginagawa sa tubig.
The turquoise color of sea water is very enticing. The sun is fully showed up already but it's not still that hot. Alas nuebe palang kasi ng umaga kaya sinusulit na ng mga kaibigan ko ang kumuha ng litrato habang hindi pa gaanong masakit sa balat ang araw.
"Samahan mo ako do'n." Sabi ko kay Archie at tinuro ang hindi gaanong malalim na parte ng dagat.
Hindi kasi ako marunong maglangoy at natatakot akong kapag nadulas ako ay malunod ako. Wala naman akong phobia sa tubig dahil gusto ko nga ito pero sadyang hindi ako marunong maglangoy kaya natatakot ako.
Hinila ako ni Archie palapit doon at nang maramdaman ko na ang lamig ng tubig dagat ay hindi ko mapigilang mapangiti. Nakita iyon ni Archie dahil ngumiti din siya nang makita ang reaksiyon ko.
"Maghuhubad lang ako ng top, kuhanan mo ako picture." Sabi ko sa kaniya at muling bumalik sa buhanginan para mailapag ang mga damit ko.
Naramdaman ko ang presensiya ni Archie sa likod ko pero hindi ko muna siya binalingan. Pinasadahan ko ng isang beses ng aking daliri ang umaalon kong buhok bago muling tumalikod para lang maabutan si Archie na hubad na rin ang pang-itaas. Halos mamilog ang mga mata ko sa ganda ng hubog ng kaniyang katawan. Alam kong isang beses niya nang ipinakita sa akin ang dibdib niya pero iba kapag buo mo nang nakita ang katawan niya.
Ngumisi si Archie at hinila ako palapit sa kaniya nang hindi ako nakaimik dahil sa busy akong manitig sa kaniyang katawan.
"Archie, ang hot mo." Hindi ko na napigilan at naisatinig ko.
Hinapit niya ako sa baywang at hinalikan sa pisngi bago kami nagpatuloy sa tubig kaso tumakbo ako pabalik dahil nakalimutan kong maglagay ng sunscreen. Naglagay naman ako sa aking mukha kanina pero hindi ko pa nalalagyan ang buo kong katawan.
Umupo ako sa aking mga damit at kinuha ang sunscreen lotion ko. I put an ample amount on my bare hands and started spreading it first on my legs. Itinaas ko ang salamin sa aking buhok dahil medyo sagabal ito kapag yumuyuko ako. Umupo sa tabi ko si Archie at agad kong inabot sa kaniya ang sunscreen dahil baka kailangan niya rin. Hindi niya tinanggap kaya inilapag ko na lang sa gilid bago nagpatuloy sa paglalagay.
"Can you spread some on my back?" I sweetly asked him. Tumango siya kaya tumalikod na ako.
Naramdaman ko ang init ng palad niya na dumapo sa balat ko kaya napakagat ako ng labi. Tumuwid ako sa pagkakaupo at ipinagdikit ko ang mga binti na bahagyang naipag-parte ko dahil sa paglalagay ng lotion. He swirled his hand on my back and I can't help but feel heated. Puta, bakit ganito? Hinawakan ni Archie ang baywang ko gamit ang isa niyang kamay at pilit akong pinalapit sa kaniya. Ako na mismo ang nagdala sa sariling bigat palapit sa kaniya hanggang sa maramdaman kong tumaas ang kamay niya sa aking balikat para iyon naman ang lagyan.
"Ikaw? Naglagay ka na ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi pa. Lagyan mo ako pagkatapos ko sa'yo." Sagot niya.
Nang matapos siya sa kaniyang paglalagay sa akin ay hinarap ko na ulit siya. Nilagyan niya ako ng tamang dami ng lotion sa kamay bago ko sinimulang lagyan siya sa likod. Siya naman ay naglagay sa kaniyang binti.
"Ang puti mo naman." Komento ko habang hinahaplos ang likod niya.
Ang lapad ng likod!
"Namumula ka lang siguro sa init at hindi nangingitim." Dagdag ko pa.
"I would love to get tanned. Pero tama ka at namumula lang ako." Humalakhak siya.
Tinapos ko ang paglalagay sa kaniyang likod at tumayo na. Sumunod siya sa akin at hinuli ang kamay ko.
"Bakit gusto mo ng tanned? Dahil uso?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami papunta sa tubig.
"You're tanned," tipid niyang sagot na para bang maiintindihan ko kaagad.
Kumunot ang noo ko at inisip ng mabuti ang sagot niya. He only smiled and pulled me towards him. Pinagkibit balikat ko na lang iyon at nagpahila sa kaniya sa tubig. Pumwesto siya sa harapan ko at tinaas ang cellphone para makuhanan ako ng litrato. Tinawag ko pa si Denzel na nakikipaglaro na ng volleyball sa ibang turista. Kinuhanan niya kami ng litrato ni Archie bago siya muling bumalik para makipaglaro.
"Swimming ka na. Balik na ako do'n." Sabi ko kay Archie nang makuntento sa mga nakuhang litrato.
Mabilis akong naglakad sa buhangin at umupo sa damit naming dalawa ni Archie. Sumingkit ang mga mata ko nang nag-angat ako ng tingin para sana tignan si Archie na naglalangoy pero nagulat ako nang makita itong nakasunod sa akin.
"Sabi ko mag-swimming ka na!"
Umiling lang siya at dumiretso sa likod ko. Susundan ko sana siya ng tingin ngunit nang maramdaman na nasa likod siya ng katawan ko ay hindi ko na itinuloy. He snaked his arms around my waist and rested his chin on my shoulder. Bumagsak ang dalawa kong balikat at inihilig ang sarili sa kaniyang katawan. I placed my hand on his legs and watch the clear sky and turquoise water in front of us. Bahagya ring humangin dahil sa ilang coconut tree na nakatanim sa gilid. Tumingala ako at nasilaw dahil sa hatid na sakit ng araw.
"Ang init na." Reklamo ko.
Tumayo kaming parehas ni Archie at lumipat ng pwesto sa lilim ng isang puno na hindi kalayuan sa dagat. Muli ay inihilig ko ang aking likod sa kaniyang dibdib at pinanood na lang ang mga nagsisiyahang mga turista na naglalangoy.
My insecurities rise again with the image of my previous swimming class. Kung paano ako napahiya dahil hindi ako marunong maglangoy. My heart rippled with the thought again of my dreams in riding a cruise ship. May future ba ako doon kung hindi ako marunong maglangoy? Alam ko namang hindi required na magaling ka mag-swimming para makasakay ng barko dahil may life vests na provided... pero gusto ko ang dagat. And being one with the waves includes that I need to learn to swim... but I am scared.
Bumuntong hininga ako dahil kahit gaano ko pa kagusto ang isang bagay, lagi akong napapangunahan ng takot.
Naramdaman ko ang pagsikop ni Archie sa aking buhok habang malayo ang nilalakbay ng aking isipan. Umayos ako sa pagkakaupo at pilit siyang nilingon pero tinitirintas niya na ang buhok ko kaya hindi ko nagawa. Nakita ko ang pagkaway sa akin ng aking mga kaibigan kaya ngumiti ako at kumaway pabalik. Nang muli silang sumisid ay unti unti na namang napawi ang aking ngiti.
How is it feels to be good on something you dream you're good at?
"Let's swim." Bulong ni Archie.
Mabilis akong umiling sa sinabi niyang iyon. Ayoko! Kahit gusto ko ay ayoko! Magulo kasi natatakot ako.
Nilingon ko si Archie at nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya. Umiiling pa rin ako habang nakatingin sa kaniya.
"Ikaw na lang." Ani ko at bahagyang humiwalay sa kaniya.
"Hindi ako marunong maglangoy." Pag-amin ko at tuluyan nang humiwalay sa kaniya.
"Gusto mo magtrabaho sa barko pero hindi ka marunong maglangoy!" Asar niya sa akin na medyo na-offend ako.
Kumabog ang puso ko dahil parang naririnig ko ang Prof ko na napagsabihan ako dahil hindi ako marunong maglangoy. Itinago ko ang totoong nararamdaman sa pagganti sa kaniya.
"So? Ikaw ba marunong ka manggamot kaya ka nag-Med? Ha?!" Singhal ko sa kaniya. Ang yabang niya, e.
Nakitaan ko ng pagkakatuwa ang kaniyang hitsura kaya napataas ako ng kilay. Tumayo siya kaya tiningala ko siya. Inagaw niya ang aking kamay at mabilis akong hinila patayo. He pulled me with him towards the water that I quickly shrieked. Tinawanan niya ako kaya hinampas ko siya. Kumawala ako at tatakbo na sana pabalik sa pwesto namin nang nahuli niya na naman ang aking kamay at hinila ako papuntang tubig. Pilit kong inaalis ang hawak niya sa'kin pero natural na malakas siya at hindi ko magawang makaalpas sa kaniya.
"Archie naman!" Naiiyak ko nang tawag sa kaniyang pangalan dahil ayoko ng ideya niya.
Nakaapak kami sa malamig na tubig at kahit nasa mababa pang parte ay nagwawala na ako. Nilingon niya ako at pilit na hinila palapit sa kaniya. Napakapit ako sa kaniyang braso nang tuluyan kaming nakarating sa gitna.
"Ayoko!" Naluluha na ako pero pinilit kong huwag silang lumabas.
Tangina naman nito ni Archie. Hindi ako natutuwa sa kalokohan niya.
"I'll teach you. Para mabawasan ng kaunti ang insekyuridad mo." Aniya na nagpatigil sa aking pagpupumiglas.
A soft warm hand touches my heart because of his words. Paano niya alam na insekyuridad ko ang hindi ko pagkamaalam sa paglalangoy? Mas lalong nangilid ang luha sa aking mga mata. Nag-iwas ako ng tingin dahil nagsisimula na namang umasa ang puso ko. Kumikirot na naman ito na para bang nasasanay na silang gano'n sa tuwing umaakto si Archie ng ganito.
No. Hindi niya ako kilala.
"Ayoko. Natatakot ako." Pagmamatigas ko at hihiwalay sana ulit sa kaniya pero hinigpitan niya ang hawak sa aking kamay. Hindi ko siya nilingon at ibinagsak na lang ang tingin sa tubig.
"You think your dreams will happen if you can't take risk for once in your life?"
Hindi ako nakaimik. He's... right. I am always scared to take risk. Nangangarap ako pero natatakot akong gawin ang isang bagay na hindi ko kaya. Alam kong mas imposibleng mangyari ang mga pangarap ko kung papairalin ko ang takot pero hindi ko alam... hindi ko alam kung bakit kahit alam kong ganoon ay hindi ko pa rin magawang masuportahan ang sarili ko.
Maybe I was already consumed with my own opinion of me that I can't do it. Na kahit gusto kong mangyari ay pinagdududuhan ko ang sarili dahil hindi naman ako magaling. Dahil hindi naman ako matalino at higit sa lahat... walang naniniwala sa akin na kaya ko.
I only have myself and its quiet tiring to have yourself alone. It is quiet tiring to pat yourself alone when you wish someone could have done that for you.
"Come on. I'll teach you. Hindi naman kita iiwan." Pangungumbinsi niya sa akin kaya tuluyan na ulit akong bumaling sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin at hinila ako palapit muli sa kaniya. Dahan dahan akong tumango at nagpaubaya sa kaniya.
"Promise mong hindi ako lulunurin." Nanginginig ang boses kong paalala sa kaniya.
"Promise." Sagot niya kaya naman hinayaan ko na siya.
Dinala niya ako sa hindi masyadong malalim na parte at doon tinuruan. Medyo nahihiya pa ako dahil ang laki laki ko na pero nagpapaturo pa rin ako. I am even imagining that some were laughing at me but all those are disappearing whenever I looked at Archie's eyes. It's like I can never be ashamed of anything when I am with him.
Hinawakan niya ang aking tiyan at lumapit rin si Baste sa akin para hawakan ang dalawa kong kamay. Nakita kasi ako ng mga kaibigan ko na tinuturuan kaya nakisali sila.
Hindi ko alam kung ilang oras na nila akong tinuturuan at hindi na nila nagagawang maglangoy sa malayo dahil sa akin.
"Little girl, hampas mo paa mo." Asar sa akin ni Baste kaya pinakyuhan ko siya.
"Gillian, focus." Mariing sambit ni Archie kaya napanguso ako at nanahimik na lang.
Tinawanan ako ng walang hiyang si Baste kaya nilakasan ko ang hampas ng paa ko. Nakita kong sumisid si Apple sa ilalim ko kaya napairit ako. Tinawanan nila ako kaya nilingon ko si Archie para sana magsumbong ngunit pati siya ay tinatawanan ako.
"Archie!" Sigaw ko sa kaniya nang may pagbabanta.
He bit his lower lip and acted like he's zipping his mouth. Umirap ako at iniwan sila doon para maglakad sa kabilang parte. Nakakainis sila, ha. Porque marurunong lang sila maglangoy. May naglangoy sa gilid ko kaya nilingon ko ito. Nakita ko si Archie na may nakakalokong ngisi kaya muli ko siyang inirapan.
"Try swimming, Gillian." Bulong niya pero hindi ko sinunod. Hindi pa kaya ako marunong.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinilit akong pinasisid. Ayoko sana pero wala akong nagawa nang sabay kaming bumagsak sa tubig. Akala ko at malulunod ako pero laking gulat ko nang magawa kong sabayan si Archie. Namilog ang aking mga mata dahil para itong panaginip.
Teka, nananaginip nga ata ako! Hindi naman ako marunong maglangoy.
Archie showed me a thumbs up. Umahon ako at hinihingal na naghanap ng hangin. Nakita ko sa hindi kalayuan ang mga kaibigan kong nanatili sa kanina naming pwesto. Umahon rin sa harap ko si Archie na may ngisi sa labi. He patted my head like a kid.
"Marunong na maglangoy baby ko," Asar niya na iyon lang ata ang nagpasaya sa aking biro.
Sumilay ang ngisi sa labi ko at niyakap si Archie. Tinawanan niya ako at niyakap pabalik. Narinig ko ang paglapit ng aking mga kaibigan at inasar kami na nasa tubig kami at huwag maglandian. Hindi ko sila pinansin at sumama na lang kay Archie habang naglalangoy. He never let go of my hand while we are exploring the body of water. Hindi kami lumalayo sa mababaw na parte dahil hindi pa naman ako gano'n karunong. Pero masaya na ako dahil kahit papaano ay natututo ako.
Binalot ako ni Archie ng yakap galing sa likod habang pinapanood namin ang paglubog ng araw. We're already in the shore with the other tourists. Nilabas ng mga kaibigan ko ang cellphone para kuhanan ng video ang setting sun.
"Picture tayo!" Sigaw nila kaya naman pumwesto kami para makapag-group picture. It's a sillhoute shot kaya ang ganda.
Muli naming ibinalik ang atensiyon sa harapan at hindi maputol ang panonood namin lalo na noong unti unti na itong nagtatago sa dulo ng dagat. Nilingon ko si Archie na nakangiting nakatingin sa akin at hindi naman sa araw.
"Ang ganda ng sunset 'no?" Sabi ko sa kaniya.
Tumango siya at hinigpitan pa lalo ang yakap sa akin. "Very beautiful." Aniya kaya ngumiti ako.
Kumaway ako sa haring araw na tuluyan nang namahinga sa likod ng kawalan. I always wonder where do it hides, or how the world rotates. Because it's just beyond amazing to think that we could have bright days and later on, we will be surrounded with darkness. Ibinagsak ko ang kamay sa aking gilid at mapait na napangiti.
Maybe it's the way of above to remind us that life is not always about the reflection of light... sometimes we need dull life to test us how we will remain working despite it. And how intelligent the mighty creator is to think of stars when it's dark.
The sun left to give light to other part of world, the night comes because it's now the turn of us to be surrounded by it. Life is not always fair... but you can play with it.
"Bakit ang saya mo?" Kuryuso kong tanong kay Archie nang muli ko itong malingunan ay nakangiti pa rin.
"Dahil sa'yo."
"Huh?"
"I'll end the day with you and that's always my wish. To wake up again with you is my daily prayer."
Naitikom ko ang aking bibig at nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung tama ba ang naiisip ko pero imposible. May bumundol na sakit sa aking puso at bago ko pa man din makumpirma kung ano iyon ay narinig ko na ang mga kaibigan na nagyayakag pabalik ng villa.
Nagbihis kami sa villa at kumain sa isang Japanese resto bago muling nagpasyang bumalik sa aming kwarto para mag-inuman. Kobe brought some alcoholic drinks from Manila dahil hindi kami sigurado kung available ba ang ganito dito.
Lumabas kami ng veranda at doon namin sinet sa maliit na lamesa ang lahat ng pagkain at inumin. Nagbihis ako ng isang itim na oversized shirt at white dolphin short. Ipinusod ko rin ang aking buhok dahil medyo nakakaramdam na ako ng init. Tumabi ako kay Archie na nagsisimula nang magbukas ng isang san mig.
"Nangitim ako lalo!" Pinakita ko sa kanila ang balat ko na tinawanan lang nila.
Iniabot sa'kin ni Archie ang binuksan niyang san mig kaya tinanggap ko. Nagsimula kaming magkwentuhan tungkol sa nangyari kanina at hindi na ako nagulat na inulan ako ng asar mula sa kanila. Inihilig ko ang katawan sa gilid ni Archie at naramdaman ko naman ang pagkapit niya sa aking baywang.
"Archie, med student ka?" Tanong ni Kobe.
"Oo." Tipid na sagot ni Archie at tumungga ng isang bote ng Smirnoff.
"Ako, future pilot."
"Share mo lang?" Bara ni Denzel kaya natawa ako. Pinakyuhan siya ni Kobe kaya inasar kong pikon siya.
Umirap siya at ang iba naman naming kaibigan ang pinagdiskitahan niya. Mema na lang ang mga 'to dahil wala rin naman silang maisip na mapag-uusapan.
"Lallain, naisip ko lang. Paano kaya kapag ikaw 'yong nabaliw, magagamot mo sarili mo?"
Binalingan ko si Lallaina na katabi si Sabrina at tinaasan lang ng kilay ang kaibigan namin. She's a psych student from LPU. Sa aming magkakaibigan, siya ang pinakamatalino at pinaka-mature mag-isip. Siya ang tumatayong nanay sa grupo namin tuwing may mga hindi pagkakaintindihan.
"Alam mo, Kobe, katangahan 'yang tanong mo." Sagot ni Lallaina.
"What? Curious lang ako!"
"Bobo!" Sigaw ni Baste at binato si Kobe ng nachos.
Umiling ako at tipid na nakikitawa na lang sa kanila. Itinuro ko kay Archie ang nachos na nasa harap ni Baste na agad niya namang kinuha at inabot sa'kin. Nginitian ko lang siya bago iyon naman ang nilantakan ko.
"Kukunin ko 'yong chocolates." Bulong ko sa kaniya at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto.
Hinanap ko ang bag ko at kumuha ng ilang chocolates para mabigyan din ang iba naming kaibigan. Umuupo ako sa kama nang marinig ko ang usapan nila.
"Paano kunwari na-depressed si Apple-" Naputol ang sinasabi ni Kobe dahil sumingit agad si Apple.
"Aba tangina nito. Bakit ako?!"
Natatawa akong umiling. Minsan naiisip kong bagay si Audrey at Kobe dahil parehas silang isip bata pero mukhang hindi ganoon mag-match si destiny. Kung sino ang hindi mo ka-ugali, doon ka mahuhulog.
"Eh masyado kang masipag mag-aral! At saka kunwari lang."
"Gago." Inis na sagot ni Apple.
Kumunot ang noo ko bago lumabas. Inilapag ko ang chocolates na hindi naman nila pinansin kaya tumabi na ulit ako kay Archie.
"Oh anong gagawin ko? Hindi pa naman ako Psychiatrist!" Sagot ni Lallaina na siya ang puno't dulo sa usaping ito.
Hindi na umimik sina Kobe at kalaunan ay nagbago na naman sila ng pinag-uusapan. Hindi ako makasabay dahil paiba-iba sila ng topic. Meron pa noong high school na tumae daw sa c.r si Baste at binantayan nila Denzel at Kobe. Hindi ko nga alam 'yon. May mga sikreto talaga tayo sa school na hindi natin sinasabi hanggang sa dumating na lang 'yong panahon na tatawanan mo na lang kapag naisawalat na.
"Apple, naalala mo 'yong pinaasa mo noong senior high tayo?" Tanong ni Baste sa kaibigan namin.
Kumunot ang noo ni Apple at umiling.
"Ako naaalala ko 'yon!" Singit ko.
Minura ako ni Apple kaya tinawanan ko siya. Naramdaman ko ang paghimas ni Archie sa hita ko kaya naagaw niya ang atensiyon ko. Nginitian ko siya at inalok ng kinakain kong chocolate. He take a bite on it.
"Iyon ba 'yong player ng volleyball? 'Yong iniyakan si Apple?"
"Oo, gago!"
"Kakaawa 'yon, e."
"Masyado ka kasing paasa, Apple."
"Excuse me? Hindi ako paasa!" Pagtatanggol ni Apple sa kaniyang sarili.
"Yeah. Hindi siya paasa. Ganiyan lang talaga siya." Tanggol ko rin para sa aking kaibigan.
"Sana alam ng iba. Kaibigan tayo kaya kilala natin si Apple bilang sweet and thoughtful person, pero paano yung iba na mali ang intindi sa kilos mo?"
Bahagya akong natigilan sa sinabing iyon ni Kobe pero hindi ko pinahalata. Binalingan ko si Kobe na seryosong kinakausap si Apple.
"Problema ko pa ba 'yon? Gusto ko lang naman makipagkaibigan at tumulong." Sagot naman ni Apple.
She's a pure sweet soul who always wants to help. Kaya maraming nagkakagusto sa kaniya ay hindi lang dahil sa angkin niyang kagandahan kundi na rin pati sa mabuti niyang kalooban. But... people always misinterpret her actions whenever she's being nice. Akala nila ay gusto sila ni Apple pero ang totoo ay sadyang gusto niya lang makipagkaibigan at tumulong.
May kirot na dumaan sa aking puso dahilan nang pagbigat ng aking nararamdaman. Bumagsak ang tingin ko sa kamay ni Archie na ngayon ay nakahawak na sa akin at marahan itong pinaglalaruan.
"Mahirap talaga kapag masyado kang mabait. Akala nila may iba kang intensiyon sa kanila." Ani Sabrina
"Bahala sila. Basta hindi ko sila gusto. Babae kaya bet ko."
Apple is pretty and bi. Iyon din ang ilan sa dahilan kung bakit wala siyang pinapaunlakan na lalaking manliligaw.
"Sana talaga nagpalit na lang tayo." Singit ni Denzel.
"Bi lang ako!"
"Hoy! Hindi ako tanga para hindi maintindihan 'yang galaw mo! Leche ka."
"Huwag kayong mag-aaway. Pagpapalitin ko kayo ng katawan." Banta ni Lallaina.
"Apple, lakad mo na lang ako sa mga pinaasa mo."
"Sabing hindi ako paasa!"
"Sa mga ghinost mo na lang."
"Aba lalo na 'yan! Mabait kaya ako!"
Nagtawanan kami pero nang maramdaman ko na hindi makasabay ang katabi ko ay nilingon ko si Archie. He looks confused and so out of place. Naawa naman ako sa gwapong nilalang na 'to.
"Labas tayo?" Aya ko sa kaniya dahil mukhang hindi naman niya na-e-enjoy dito.
"Halikan mo na, Gil. Kunwari wala kami dito."
I raised my middle finger at Denzel before I stood. Tiningala ako ni Archie at akala ko ay hindi siya susunod pero tumayo rin siya.
"Sa labas lang kami, ha." Paalam ko sa mga kaibigan.
"Sige lang. Kuha pa kayo ng room." Rinig kong asar ni Denzel bago kami tuluyang nakalabas ni Archie.
Hinawakan ko sa baywang si Archie at patagilid siyang niyakap habang naglalakad kami palabas. Dumiretso kami sa may mga lounger at humilig sa railings kung saan kita ang kalakhan ng dagat sa harap. Humiwalay ako sa pagyakap kay Archie at tahimik na pinanood na lang ang harapan.
Hindi kami nag-imikan at hindi ko alam kung bakit sa halip na makaramdam ng kapayapaan sa mabining hangin ng gabing ito, sa kagandahan ng isla sa kadiliman, at sa presensiya ni Archie sa tabi ko ay hindi ko pa rin magawang maging kompletong masaya. May tumatakas na sakit sa aking puso at naiinis na ako dahil ayaw kong maramdaman ito.
"Sayang at hindi strawberry moon." I said when I noticed the moon is whole.
"Sayang nga." Sagot niya.
Bumagsak ang tingin ko sa kaniya at nakita kong seryoso lang siyang nakatingin sa itaas kagaya ko. His features is much reflected now that he's illuminated with moon. Napawi ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan siya.
"Alam mo ba ibigsabihin no'n?"
"Harvest?" Natatawa niyang sagot kaya inirapan ko siya.
"Just kidding. I know that there is a saying that when it is strawberry moon, the love will come true."
Hindi ako umimik. Umayos ako sa pagkakatayo at hinawakan na lang ang malamig na barandilya. Gumuhit ang sakit sa aking lalamunan at nagsisimula na namang bumigat ang aking dibdib.
"But even without strawberry moon, I think the love will still come true." He added.
"Bakit? Inlove ka ba?" I tried to sound playful even when I know that my voice might crack.
Ngumiti lang si Archie at hindi sinagot ang tanong ko. Ngumuso ako at dahan dahang tumango nang maintindihan ang lahat ng ito. It's just so impossible for him to fall in love. For him, this is all just a play. Lahat ng ginagawa niya ay dahil lang sa tunay siyang mabuting tao. I misinterpreted it and I lost in my own trick.
Hinarap ko siya para mahalikan siya sa labi. Pinigilan ko ang luhang nagbabadya dahil ayaw kong makita niyang ganito ang nagiging epekto niya sa akin. Lumandas ang kaniyang kamay sa aking baywang para tuluyan akong mahapit. He tightened his hug on me to deepen the kisses I am giving him. I placed my arms on his nape and kiss him like it will be the last.
Maybe this is all just lust and nothing more. Nothing deeper than that. After all, from the very beginning, we just both agreed to this relationship because we just want to play.
Hindi ko na napigilan at tuluyan nang naglandasan ang mga traydor kong luha. Humiwalay si Archie sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. He worriedly looked straightly to my eyes while I am crying hard.
Tangina, bakit ako umiiyak?!
"Gillian," he called while he's wiping my tears away.
Umiling ako at niyakap na lang siya para maitago ang sarili mula sa kaniyang mga mata. Ibinaon ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib at doon humagulgol.
Hindi ko na alam...
Hindi na ako sigurado.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top