#TWP12
Entry 12
Hindi pumasok si Sabrina dahil daw masama ang pakiramdam niya kaya naman wala akong makulit habang inaantok sa klase. Nasa unahan kasi si Eliona at Cassie dahil ayaw daw nilang antukin dito sa likod.
Kumaway na lang ako kina Eliona nang nauna na silang lumabas. Sinilip ko ang labas at madilim na talaga. Sumabay ako sa kaklase kong lalaki dahil kami ang nahuling lumabas.
"Nakakaantok talaga kapag hanggang alas siete ang schedule natin." Reklamo ko habang naglalakad kami sa corridor ng floor na ito.
Dumaan ako sa gilid at sinilip kung naroon na ang sasakyan ni Archie. Wala pa pero hihintayin ko na lang.
"Dapat kasi sa unahan ka naupo para hindi ka inaantok." Sagot ni Jaylord.
"Kahit naman sa unahan ako umupo ay hindi ako tatalaban ng mahika ng gising."
Tinawanan niya ang sinabi kong iyon kaya kumunot ang noo ko. Ano namang nakakatawa? Hindi ko na lang pinansin at kumaway sa kaniya bilang paalam nang makalabas na ng building. Umupo ako sa bench at hinintay si Archie. Mabuti na lang at nag-jacket ako ngayon dahil ang lamig na ng simoy ng hangin tuwing gabi. Napapalibutan rin ng ilang puno ang lugar na ito kaya mas naging malamig ngayon dito.
May ilaw pa naman dito sa area namin pero mas nangingibabaw ang dilim. Tumingin ako sa likod at ang tahimik na building lang ang nakita ko. Ibinalik ko ang tingin sa harapan dahil baka mamaya ay makakita ako ng naka-puting bestida na mayroong mahabang buhok.
"Gillian-"
"Putangina mo, Jaylord!" Sigaw ko dahil nagulat ako nang bigla siyang nagsalita sa gilid ko.
Humalakhak siya dahil sa naging reaksiyon ko. Inirapan ko siya dahil ang dilim dilim na inakala ko pang wala na akong kasama tapos bigla siyang susulpot.
"Hindi ka pa uuwi?"
"Hinihintay ko pa si Archie." Sagot ko at nilabas ang cellphone para tignan kung nag-message ba si Archie.
"Archie?"
"Oo. Boyfriend ko."
Binuksan ko ang message ni Archie sa twitter at nabasa na kalalabas lang daw niya. Tinanaw ko ang daan sa harapan at wala naman pa akong nakikitang bakas ng paparating na sasakyan ni Archie.
"Samahan muna kita dito habang hindi pa nadating sundo mo." Aniya kaya hinayaan ko siya.
"Nakita kita kanina, pipikit ka na."
Binalingan ko siya. "Nakakaantok kaya!"
"Panigurado at magbibigay ng surprise quiz si Ms. Albarel. Patay ka." Asar niya kaya inirapan ko siya.
"Edi pakopyahin mo ako!"
"Layo layo ng upuan mo sa'kin."
"Pero nakita mo akong inaantok. Naaay nagnakaw ka ng tingin 'no? Crush mo 'ko?" Siniko ko siya at pinilit na umamin.
Lumayo siya sa akin at tumatawang umiling.
"Hindi kita gusto. Napatingin lang ako sa banda mo kasi akala ko pumasok si Sabrina." Pagrarason niya na papatulan ko sana ng hindi ako naniniwala kaso unti-unti kong natanto ang ibig niyang sabihin.
Namilog ang aking mga mata at agad siyang muling lumapit sa akin.
"Crush mo ang kaibigan ko!" Sigaw ko at ngumisi ng malapad. Itinuro ko pa siya.
Hinawakan niya ang kamay ko at pilit na ibinaba dahil naaasar siya.
"Huwag kang maingay."
"Crush crush ka pa diyan. Kapag hindi ka kumilos ngayon, mauunahan ka!"
"Parang wala naman akong pagasa do'n sa kaibigan mo." Yumuko siya at sumimangot.
"Pinanghihinaan agad ng loob, e." Lumapit ako sa kaniya at inakbayan. Pampalubag loob lang.
"Mukhang hindi nang-e-entertain ng manliligaw."
"Paano mo nasabi? Sinubukan mo na ba?"
"Hindi pa. Pero magka-kaklase na tayo since last year, wala pa siyang naging boyfriend."
"Landiin mo lang pero dapat walang seryosohan." Payo ko sa kaniya.
Tinignan niya ako nang nakakunot ang noo. I wiggled my eyebrows and smirked. May bumusina sa harapan namin kaya agad akong napatayo. Lumabas si Archie sa sasakyan niya at mabilis akong nilapitan. Nakitaan ko ng inis ang mukha niya kaya agad ko siyang hinila.
"Bye, Jaylord! Hayaan mo, ilalakad kita kay Sabrina!" Sigaw ko at pilit na hinila na si Archie.
Nagpahila naman siya sa akin at nang mapag-isa na kaming naglalakad ay kinapit ko sa braso niya ang kamay ko. I even kissed him on the cheek. Mukhang badtrip, e.
"Bakit badtrip ka ata?"
"Sinong hindi maiinis kung maabutan kitang naka-akbay sa lalaking 'yon? Sino ba 'yon?" Inis niyang untag at binalingan ako.
Tumigil kami sa paglalakad dahil sa pagbaling niya sa akin. Ngumuso ako para mapigilan ang ngisi sa labi.
"Selos ka?"
"You are my girlfriend. You are off-limits."
Natawa ako sa sinabi niya. "May pa-gano'n? Bakit parang mali ata 'yon! Hindi ba at dapat chill lang tayo?"
"Chill lang ako kapag alam kong walang umaaligid sa'yo."
I bit my lower lip to stop myself from smiling. Kumunot naman ang noo niya at hinapit ako sa baywang. Hinawakan ko ang panga niya at nagpa-cute sa harap niya.
"Ayokong sumasama ka sa ibang lalaki, Gillian."
"Akala ko kay William lang hindi pwede. Pati pala sa mga classmates ko."
"Is that your classmate?"
"Opo, doc."
Inirapan niya ako dahil sa tawag ko sa kaniya. Hinalikan ko siya sa labi pero mabilis lang dahil baka may makakakita sa'min dito na Professor.
"At saka si Sabrina gusto no'n, hindi ako."
"I don't care. Huwag kang sasama do'n."
"Sinamahan niya lang naman ako kasi mag-isa ako dito. Nakakatakot kaya. Tagal-tagal mo dumating."
Hindi siya nakaimik sa sinabi ko. Ngumiti ulit ako sa kaniya.
"Ayos lang. Alam ko namang busy ka."
"Kahit busy ako, susunduin at ihahatid kita."
"Ang sweet naman, baby." Tumawa ako at kumawala sa yakap niya.
Dumiretso ako sa sasakyan at nakita kong sumunod na rin siya sa akin. Hinubad ko ang hoodie ko dahil medyo nainitan ako sa yakapan namin kanina ni Archie. Pumasok si Archie at sinulyapan pa ako bago siya nagmaneho.
Nang nakababa sa shed ay hinawakan ko na lang ang hoodie ko. Inagaw pa iyon sa akin ni Archie at siya ang nagdala.
"May laro kami bukas."
"Kahit busy ka, makakalaro ka pa?"
Tumango siya.
"Okay. Pupunta ako."
Hindi na ulit kami nag-imikan kaya ngumuso ako. Nag-iisip pa ako ng pwede naming pag-usapan nang bigla niyang hinuli ang kamay ko. Hinawakan niya iyon at dahil nasa mood talaga ako, itinaas ko iyon at nagtatalon. Tinignan niya ako at ngumisi dahil sa ginawa ko.
"What's that? New dance move?" Asar niya.
"Oo. With partner na ngayon." Sagot ko at inikot ko pa ang sarili habang hawak niya ang kamay ko.
Tumawa si Archie at akala ko ay papatigilin niya ako pero hindi niya ginawa. Nang napagod ako ay tumigil na rin ako.
"Pwede kang magpasama sa kaniya kung wala pa ako pero huwag mong aakbayan." Aniya na hindi ko kaagad nakuha.
Kumunot ang noo ko.
"Your classmate. 'Yong lalaki."
"Ah..." Tumango ako ng makuha. "Okay."
"Seryoso ako, Gillian."
"Oo nga! Inaasar ko lang naman siya kay Sabrina kaya naabutan mo akong naka-akbay do'n."
"Ayokong lumalapat ang balat mo sa iba."
Tumawa ako pero bahagya rin akong nakaramdam ng kirot. Hindi ko alam paano nangyari iyon gayong masaya naman ako.
"Gusto ko sa'kin ka lang dumidikit." Seryoso niyang tinig at sinulyapan ako.
I gritted my teeth to restrain myself from smiling. I looked away because my heart is starting to hammer insanely. Feeling ko nga at maririnig niya na kung hindi ako mag-iingay.
"Ewan ko sa'yo, Archie. Hanap ka kausap mo!"
"Ikaw ang kausap ko."
Binalingan ko ulit siya. "Ang bait mo naman. Akala ko tatawagan mo si Geraldine."
"What?"
"What ka diyan ng what! Watawatin kita diyan."
"Ang corny mo mag-joke."
"Hindi joke 'yon! Tototohanin ko 'yon."
"Try." Hamon niya kaya inirapan ko siya.
"Edi wow!" Tangi kong nasabi.
"Hindi mo ako kaya." Dagdag niya pa kaya mas lalo akong nainis.
"Edi wow."
"You always say that when you're already pissed."
"Edi wow ulit."
Tumawa siya at inakbayan ako. Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa tuktok ng ulo ko at... ewan ko. Hindi na ako sigurado. Hindi ko na maintindihan. Bahala na. Basta masaya ako kapag kasama ko siya. Wala na rin naman akong ganang lumandi sa iba bukod sa kaniya kaya okay na 'to. Kahit hindi ako sigurado kung laro pa rin 'to para sa kaniya...
O kung sa'kin ba ay ganoon pa rin ba.
Tumigil kami sa tapat ng building. Hindi pa ako nakakapagsalita ay hinalikan niya na ako sa noo. Medyo matagal iyon kumpara sa halik niya kahapon sa akin. Humiwalay siya at nginitian ako.
"Maybe I am really jealous." Aniya sa mahinang boses bago tumalikod.
Hindi ako nakagalaw sa sinabi niya. Kumalabog ang kanina ko pang naghaharamentadong puso. Nilingon ako ni Archie nang medyo malayo na siya at dahil ayaw kong makita niya na iba ang naging epekto ng sinabi niya sa akin ay niloko ko ulit siya.
I gave him a flying kiss. Tumawa ako nang makita kong umakto siyang sinalo iyon. Inilagay niya sa loob ng bulsa ang kamay bago tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. Pumasok na rin ako sa loob at halos ipukpok ko ang ulo sa pintuan nang makapasok ako.
Masyado akong tumagal sa pagbibihis dahil kinailangan ko pang pakalmahin ang sarili. Nang umayos na ako ay nagluto na ako ng hapunan at kumain bago dumiretso sa living room. Binuksan ko ang tawag ni Archie at iniwan siya saglit doon para kunin ang laptop ko.
"Wala akong assignments ngayon. Nood lang ako movie tapos tulog na ako." Sabi ko sa kaniya.
Hindi siya umimik at alam kong nagsisimula na siya sa kung ano mang ginagawa niya. Nang makahanap ako ng magandang papanoorin ay hininaan ko na ang volume.
"Kumain ka na ba?" Tanong niya.
"Pagsaing mo pa ako, hindi ako mafa-fall." Sagot ko habang hindi inaalis ang mata sa screen ng laptop.
"What?"
Binalingan ko siya at naabutang nakakunot ang noo. He looks confuse.
"Char. Oo." Bawi ko.
"What's your answer between char and oo?"
"Parehas?"
Hindi umimik si Archie at nanatili ang pagkunot ng noo.
"Hay nako. Ang sabi ko kumain na ako! Happy?"
"Good." Aniya bago ibinalik ang tingin sa laptop niya.
Ngumiwi ako at hindi na siya ulit pinansin. Inabala ko ang sarili sa panonood na nagawa ko pang mahiga sa sofa. Nang matapos ko iyon ay nagpaalam na ako kay Archie na matutulog. Naglagay muna ako ng face mask sa mukha at ang bobo ko dahil hindi ko ginawa iyon kanina habang nanonood. Nakalimutan ko kasi.
Humiga ako ng patahiya sa kama at pinakita kay Archie ang hitsura ko. Wala naman siyang reaksiyon kaya umirap ako.
"Ganda pa rin ako?" Tanong ko sa kaniya.
Tumango lang siya at inayos ang mga papel bago ibinigay sa akin ang buong atensiyon.
"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong niya.
"Mga 10 minutes. Tatanggalin ko pa 'tong mask ko, e."
"Okay. Usap muna tayo."
"Bakit? Tapos ka na sa ginagawa mo?"
"That can wait." Sagot niya.
"Weh? Bebe time over acad na ba ang motto mo?"
Tinawanan niya ako at nakita ko kung paano niya inabot ang cellphone. Lumapit ang mukha niya at hindi siya nagsalita. May pinindot siya at hindi ko na pinakailamanan.
"Gawin mo na 'yan, baka dalawin ako ng konsensiya kapag ako naging rason ng pagbagsak mo."
Totoo iyon dahil kahit alam kong matalino siya, alam ko naman kung gaano hindi kasapat ang oras sa aming college students kapag hindi ka marunong mag-manage ng time.
"I won't fail." Confident niyang sagot.
"Sana all."
Hindi siya ulit nagsalita at talagang may ginagawa siya sa cellphone niya na hindi ko alam. Umayos ako sa pagkakahiga at inangat ang cellphone dahil matatanggal ang mask ko kung tatagilid ako ng higa.
"Alam mo ba Archie, inaantok ako kapag meron akong klase ng apat na oras." Kwento ko at naalala kung paano na ako pipikit kanina kung hindi ko lang kinakagat ang dila ko para magising.
Umayos si Archie at kumunot ulit ang noo sa akin.
"Natutulog ka sa klase?"
"Hindi 'no! Kahit gusto kong matulog, hindi ko ginagawa 'yon. Sinisikap ko pa ring makinig kahit nadedemonyo na akong matulog."
"Anong ginagawa mo para magising?"
"Iniisip kong hubad ka gano'n." Biro ko na agad niyang tinaasan ng kilay.
"Pero joke lang. Asa ka naman. Hindi kita pinagnanasaan 'no." Umirap ako at hindi ko na napigilang tumagilid. Nalaglag tuloy 'yong mask.
"Nahulog!" Reklamo ko at nagmartsa palabas para itapon ang mask na nahulog sa mukha ko.
"Hindi ka dapat kasi malikot."
"Nakalimutan kong may mask ako."
"Kaya nahulog?"
"Oo. Nakakainis naman."
"Maglagay ka na lang ulit." He suggested but I only shook my head.
Pumasok ako sa banyo na dala ko pa rin ang cellphone. Naghilamos ako bago ulit lumabas at dumiretso sa kama. Tinakpan ko ang katawan ko ng comforter hanggang mukha at ipinakita lang sa kaniya ang mga mata ko.
"Tulog na 'ko,"
"Wala ka ng kwento?"
"Wala na. Bukas na ulit. Mag-aral ka na diyan." Sabi ko at tumagilid ulit sa paghiga para maharap pa rin kay Archie ang cellphone habang nakapikit na ako.
Kinaumagahan ay maaga rin ang pagsundo niya sa akin. Didiretso daw siyang library dahil may tatapusin lang bago pupuntang gymnasium. Pagkatapos ng klase namin ay lumabas ako at pumuntang Robinsons para bumili ng tuwalya dahil ayokong mangyari 'yong nangyari noong nakaraan na wala akong naibigay sa kaniya.
Pagkatapos noon ay pumasok pa ulit ako sa pangalawang klase. Nasa tabi ko si Sabrina at hindi ko mapigilang asarin siya kay Jaylord.
"Ang ingay mo, Gillian." Reklamo niya habang nagsusulat.
Nag-angat ako ng tingin kay Jaylord at nag-thumbs up sa kaniya. Ngumisi siya at umambang tatayo pero tinawag siya ng Prof namin at pinagalitan. Nag-angat rin ng tingin si Sabrina at walang emosyong pinanood si Jaylord na pinapagalitan.
"Gwapo ni Jaylord 'no?" Bulong ko.
"Huwag mong sabihin na 'yan naman ang syo-syotain mo?"
"Ang judgemental talaga, Sab. May bebe kaya ako." Inirapan ko siya at siya naman ngayon ang ngumisi sa akin.
"Bebe, ha. Ayaw mo na palitan?" Asar niyang balik na hindi ko na napatulan.
Tumawa siya kaya inirapan ko siya. Nakinig na lang ako at nagsisi agad ako na dinaldal ko si Sabrina dahil nagpa-quiz si Prof. Ang baba tuloy ulit ng score ko. Tinapik ni Sabrina ang balikat ko habang naglalakad kami sa corridor.
"Sa susunod kasi makinig na lang." Aniya kaya hinampas ko siya.
Nauna na ako sa kanila dahil sinabi sa akin ni Archie na kakain muna kami bago dumiretso sa gymnasium. Naroon na ang sasakyan ni Archie nang lumabas ako. Pumunta kami sa cafeteria at doon na lang kumain dahil ilang minuto na lang din ay magsisimula na ang laro.
Archie is already wearing his black jersey kaya naman halos mabali ang ulo ng mga babae nang pumasok kami. Naghanap ako ng upuan dahil si Archie ang o-order sa'min. Nilabas ko ang cellphone ko nang makatanggap ng mensahe galing kay Kobe.
@kobethearcher
Sa Friday, ha. Uuwi ako diyan, sabihan mo sila.
Birthday nga pala niya sa Friday.
@gillian_
Balesin?
@kobethearcher
Oo. Sama mo boyfriend mo kung gusto mo.
@gillian_
Bakit? Lalandiin mo?
@kobethearcher
Ay gago ka, Gil.
@gillian_
Char lang. Sabihan mo na si Audrey.
@kobethearcher
Kausap ko na.
@gillian_
Sanaol kausap crush.
Hinintay kong i-seen ni Kobe pero hindi na pinansin ang message ko ng gago. Tinago ko na ang cellphone ko at saktong pag-angat ko ng tingin ay pabalik na si Archie. Inilapag niya ang tray sa lamesa at agad akong nagutom nang makita na adobo iyon.
"Archie, sama ka sa'min sa Friday." I said while eating.
"Saan?"
"Birthday ni Kobe."
"Kobe?"
"Ay hindi mo pala siya kilala. Friend namin. Don't worry hindi ka mao-op do'n, friendly sila lahat. Tapos nandoon naman si Baste saka ako."
Tumango siya at sumubo rin ng sariling pagkain. Tumigil ako sa pagkain at tinignan siya.
"Payag ka kaagad?" Tanong ko.
"Niyayakag mo ako, alangan namang humindi ako?" Kumunot ang noo niya kaya natawa ako.
"Kapag iba ang nagyakag sa'yo, sasama ka?"
"Hindi."
"Weh?"
"Gillian, just eat." Aniya at medyo naiinis na sa kakulitan ko.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa sasakyan niya para makadiretso sa gymnasium.
"Libre ni Kobe 'yong reservation pero KKB sa pamasahe at mga bibilhin." I informed him. "Pero ako na lang gagastos kasi niyakag lang naman-"
"Hindi na."
"Okay."
Lumabas ako at agad niyang hinanap ang kamay ko.
"Doon ka na. Hahanap pa ako ng pwesto na malapit sa court." Sabi ko sa kaniya.
Nilingon niya ako ng may nakakalokong ngisi sa labi.
"Bakit?"
"Wala bang good luck kiss diyan?"
Inilingan ko siya at tinulak na papasok pero hindi siya nagpatulak at nagnakaw pa talaga ng halik. Umiling ako nang nagtatakbo siya sa loob at mabilis siyang sinalubong ng mga kapwa players. Pumunta ako sa bleachers at naghanap ng pwesto ko. Nakitabi ako sa isang grupo ng magkakaklase at hinayaan naman nila ako. Nagawa pa nga nila akong kausapin.
Pumwesto na ang mga players at agad kong nakita si Archie na katabi si Shall na freshmen. Nag-usap sila saglit bago siya lumipat sa tabi naman noong isa pang player na hindi ko maalala ang pangalan. Inihagis ang bola at si Toby ang nakakuha. The crowd cheered pero hindi ako nakisali dahil hindi naman ako natuwa na si Toby ang nakakuha.
Sinusundan ko ng tingin si Archie na tumatakbo at pilit na inaagaw ang bola sa kabilang team. I smiled when I noticed how serious and passionate he also is when it comes to basketball. He's white but he turned darker when serious and almost looking mad. Tumakbo siya nang maagaw ang bola kay Remy at shinoot sa ring. He pointed two points and I proudly stood to cheer along with the crowd.
"Go Archie!" Sigaw ko kahit pakiramdam ko nakakahiya 'yon. Wala akong pakialam, bebe ko 'yan.
Nilingon ako ni Archie at kinindatan. Tipid akong natawa dahil napaka-yabang. Porque ang dami niyang ipagyayabang, e. Siniko siya ni Dax dahil napansin ata nitong tumigil si Archie. Tumakbo sa gilid ko si Dax at sinigawan ako.
"Huwag kayong maglandian ni Archie baka matalo kami!" Sigaw niya at mabilis na bumalik sa court.
Narinig iyon ng mga kasama ko sa bleachers at sabay sabay na tinignan ako. Ngumiti lang ako at ibinalik ang tingin sa court. Medyo pawisan na si Archie kaya nilabas ko na ang tuwalya at mineral water na binili ko kanina. Inilapag ko 'yon sa aking hita at tahimik na lang na pinanood ang laro.
Papalakpak ako sa tuwing nakakapuntos si Archie pero hindi na ako tumatalon. Nakita ko pa sa kabilang bleachers si Ate Reese na tahimik lang din na nanonood. Siguro ay pinilit ni Baste na manood ng laro niya. Pero halos manlaki ang mga mata ko nang makita sa grupo ng mga nanonood na freshmen ang isang babae na pino ang galaw. Ngumisi ako at sinulyapan sa court si Baste na hindi natatanggal ang ngisi sa labi habang tumitingin sa bleachers.
Ibinalik ko ang panonood kay Archie at naabutan itong nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. Binangga siya ni Dax pero mukha na talaga siyang badtrip at nagawang ignorahin ang bola na malapit sa kaniya. Ngumiti ako sa kaniya at pinakita ang dala kong tuwalya at tubig. Hindi pa rin nabago ang hitsura niya kaya nilabas ko ang cellphone ko at nag-type ng malaki sa black screen ng 'Go baby Archie'. Tumawa pa ako dahil sa sariling kalokohan.
Itinaas ko iyon na tingin ko ay nakita ni Archie dahil unti unting sumilay ang ngisi sa labi niya. Ibinagsak ko iyon sa aking hita nang makita na nanumbalik ang pagiging tigre ni Archie sa court. He really is blocking whoever is holding the ball. Hindi lang siya matalino sa acad, matalino rin siya pagdating sa larong ito. Dahil kahit nasa kabilang team ang bola ay nagagawa niyang maagaw. The crowd cheered louder when Archie pointed again.
"Inspired siya sa'yo, Ate." Sabi sa akin ng katabi ko.
Ngumiti lang ako at hindi na umimik. Imposibleng inspired sa'kin 'yan. Magaling lang talaga siya. Kasi 'yong inspirasyon, para lang 'yan sa mga taong nagiging dahilan ka para gumawa sila ng mas better. E, hindi naman ako 'yong taong 'yon sa buhay ni Archie.
Natapos ang laro ng pasado ala una at kahit late na ako ay hindi ko na inintindi. Hahabol na lang ako. Hindi naman major ang subject ngayon at hindi panigurado magpapa-quiz dahil mahilig lang naman magkwento ang Prof na iyon.
Bumaba ako sa bleachers kasama ang ilan pang babae na may kapwa dala na tuwalya at mineral water. Hinanap ko si Archie dahil masyado nang dumami ang tao sa court. Pinuntahan ko si Dax dahil inakala kong kasama niya si Archie.
"Si Archie?" Tanong ko.
Nagpupunas na siya ng kaniyang basang buhok at umiinom na rin sa tubig nang sulyapan ako ni Dax. Ngumiti ito at may tinuro sa likod ko. Tumalikod ako at nakita si Archie na naglalakad palapit sa'min. Ngumiti ako at ako na sana ang lalapit sa kaniya nang matigilan ako dahil biglang sumulpot si Geraldine sa harap niya.
Bumagsak ang dalawa kong balikat. Natigil si Archie at nakakunot noo na tinignan ang kaibigan. I saw Geraldine handing him a towel and water. May kung anong kirot na dumaan sa aking dibdib at ayaw ko no'n. Ayaw kong maramdaman iyon.
Nakita ko ang pagtanggap ni Archie sa inilalahad ni Geraldine kaya mas lalo akong nadismaya, hindi para sa kaniya kundi para sa aking sarili. Naiinis na naman ako. Bakit kasi ang galing bumida bida nitong babaeng 'to. Feeling girlfriend, e ako 'yong baby niyan!
Naluluha na ako nang magpasya akong ibibigay na lang sana sa kung sino mang wala pa pero nang makita na halos lahat ay meron na, dahil binigyan na sila, ay umirap na lang ako. Nakita ako ni Dax at nakakunot noong lumapit sa akin.
"Gillian, iyon si Archie, oh." Nginuso niya pa ang likod ko pero tumango na lang ako sa kaniya at nilagpasan siya.
Bahala siya diyan. Naiinis ako sa bida bida niyang kaibigan. Dapat pala ay hindi na lang ako nanood kung ganoon lang din pala ang makikita ko sa huli.
"Excuse me," mahina kong sambit dahil nahaharangan ng mga tao sa court ang daan palabas.
Nilingon ako ng babae at ngumiti. Umatras siya patagilid para sana makadaan ako pero bago pa ako makapaglakad ulit ay may humawak na sa braso ko. Nalingunan ko si Archie na nakangisi at gusto kong itapon sa kaniya 'tong hawak ko dahil hindi ako natutuwa.
"Nakangiti ka diyan?" Nagagalit kong tanong sa kaniya.
"Huwag ka ng mainis-"
"Paanong hindi ako maiinis, e tinanggap mo 'yong tuwalya ng bida bidang 'yon!" Sigaw ko sa kaniya.
"May hawak ba ako?" Tanong niya kaya naman naglandas ang tingin ko sa buong katawan niya at napansin na wala nga siyang tuwalya o miski tubig.
"Ibinigay ko kay Hendrix 'yon, wala kasing nagbigay sa kaniya." Aniya at hinawakan ako sa siko. Marahan niya akong inilapit sa kaniya kaya napanguso ako.
"Nagtatampo ka na kaagad," natatawa niyang pang-aasar sa akin.
Inirapan ko siya at padarag na inilagay ang tuwalya sa leeg niya. Binuksan ko rin ang bote ng tubig at inabot sa kaniya. Busangot pa rin ako nang inilahad iyon sa kaniya. Tinanggap niya iyon at hinintay kong inuman niya pero nilapit niya lang ang mukha sa akin.
"Huwag ka ng mainis. I love you." Aniya at hinalikan ako sa labi.
Naramdaman ko ang pagbaling ng halos lahat ng tao sa aming banda dahil nawala ang ingay na bumabalot sa buong gymnasium. Humiwalay si Archie at isang beses dinilaan ang labi. He crouched a bit to meet my eyes. Naestatwa ako hindi dahil sa halik kundi dahil sa sinabi niya.
He smirked and put a stray of my hair at the back of my ear. My heart hammered crazily again but at the same time, I felt a heavy weight hovering inside my chest. Nangilid ang luha ko dahil... alam kong hindi iyon totoo. At nakakainis dahil sana ay hindi ko na lang alam na hindi totoo iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top