#TWP11
Entry 11
Humiwalay na ako kay Archie at inayos ang sariling buhok na nagulo. Nakita ko namang inilagay ni Archie ang bag na ibinato ko sa kaniya sa likod. Ngumuso lang ako at nag-iwas ng tingin. Tinignan ko ang labas at hindi naman kami malayo sa campus. Nasa gilid lang kami ng isang lumang bahay na halatang wala ng nakatira.
"Labas tayo. Naiinitan ako." Sabi ko na agad niya namang sinunod dahil siya pa mismo ang nagbukas ng pintuan ko sa tabi.
Lumabas ako at mabilis na pinusod ang buhok bago tiningala ang bahay na nasa harap. I've been here since noong first year ay madalas kaming maglalabas nila Sabrina. Dahil hindi kami ganoon kapamilyar sa lugar noong freshmen ay pati ito ay aming napuntahan. Hindi naman masama iyon dahil para na rin alam namin kung ano ang pinapasukan at dinadaanan namin.
Lumingos ulit ako sa sasakyan ni Archie at naabutan ko na siyang nakasandal sa hood ng kaniyang sasakyan habang pinagmamasdan ako. Lumapit ako sa kaniya at bahagyang tiningala dahil matangkad siya. Parang sa araw-araw na ginawa ng Dios ay mas lalo siyang tumatangkad, samantalang ako ay nananatili sa height na ito.
"You were there?" Tanong niya.
Kumunot ng bahagya ang noo ko dahil hindi ko kaagad nakuha ang tanong niya. Nakita ko ang pagnguso niya na halatang hindi na sana uulitin ang tanong na hindi ko nakuha. Pero asa siya! Hindi ako bobo at alam ko ang tanong niya.
"Oo. At okay lang naman sa'kin-" Naputol ang aking sinasabi nang bigla siyang nagsalita.
"I didn't hug her. I tried to get away because I know it will piss you off but I can't. Ang daming harang." He explained while his eyes are fixated on mine.
I gave him a frown expression because I know that. Nandoon ako at kung nakita niya ako ay malamang sa malamang na lalapitan niya ako. Alam ko rin namang hindi niya iyon ginusto dahil bakas sa hitsura niya ang pagkabigla rin. Sadyang naiinis lang ako kay Geraldine dahil niyakap niya si Archie.
At saka... oo na nga. Aaminin kong nainis rin ako dahil noong tinulak si Archie ay hinawakan niya sa balikat si Geraldine. Kahit alam kong hindi niya intensiyon at nagulat lang, naiinis pa rin ako. Lalo na noong pinagsisigaw ng mga Med students 'yong pangalan nila na para bang botong-boto sila.
"Hindi naman ako nainis." Pagsisinungaling ko.
Geraldine is smart. Ako, average lang. Ano kayang iniisip ng iba niyang kaklase? Na mas good choice si Geraldine dahil med student at achiever kagaya ni Archie samantalang ako ay walang mapatunayan? May dumaang sakit sa aking puso pero agad din iyong nawala dahil mas kilala ko naman ang sarili ko kaysa sa kanila. Nai-insecure ako sa mga taong mas magaling sa akin sa mga bagay na gusto ko ring gawin, pero alam ko kung paano hindi makinig sa mga taong walang ambag sa buhay ko.
Edi sila na ang matalino at ako ang bobo. Kapag lang talaga nakapag-barko ako, who you kayo sa'kin.
"Really? Kaya ba hindi mo sinasagot ang tawag ko noong isang gabi?" Nakitaan ko ng nakakalokong ngisi si Archie kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"I answered."
"You didn't talk to me!" Pambibintang niya kaya mas lalo akong sumimangot.
Hindi ko siya inimik at pinanatili na lang ang titig sa kaniya. Wala naman akong mararason sa hindi ko pagkausap sa kaniya. Halatang halata kasi na hindi ko siya pinapansin sa video chat, pinagbibigyan ko lang siya pero wala talaga akong balak kausapin siya.
Hindi na rin siya nagsalita kaya naman ibinalik ko ang tingin sa paligid. Inikot ko ang aking paningin at may ilang sasakyan na dumadaan. Hindi masikip ang daan dito at hindi rin masyadong dinadaanan dahil bahayan na. Sinubukan kong maghanap ng makakainan dahil nag-kape lang naman ako sa starbucks at hindi kumain.
"And you cried." Biglaang sambit ni Archie.
"Naiinis kasi ako." Wala sa sarili kong sagot dahil tinatanaw ko pa ang maliit na carinderia sa dulo. Hindi ako sigurado kung carinderia nga ba iyon o sadyang nagugutom ako at kung ano ano nakikita ko.
"And you just said that you're not upset." Nahimigan ko ang pagkatuwa sa boses ni Archie kaya ibinalik ko ang atensiyon sa kaniya.
"Inaaway mo ba ako?" Matigas ang aking naging tugon at masama rin ang tinging ipinukol ko sa kaniya.
Mas lalo siyang humalakhak at hinigit ako palapit sa kaniya. Ayaw ko sanang magpadala kaso ang laki niyang tao na wala akong laban. Sa liit ng katawan ko ay walang wala iyon sa puro muscle na lalaking 'to. Dumikit ako sa katawan niya nang hinapit niya ako sa baywang. Hindi ko siya tinignan at ipinagpahinga na lang ang mukha sa dibdib niya. Humigpit ang yakap niya sa akin at bahagya ko ring nararamdaman ang panginginig ng balikat niya dahil sa pagtawa.
"Tawa ka nang tawa!" Singhal ko sa kaniya.
Tiningala ko siya at nakita ko ang pagkagat niya sa labi para mapigilan ang pagngisi. Umirap ako dahil naiinis na naman ako sa kaniya. Hihiwalay na sana ako sa kaniya pero mas lalo niyang idiniin ang katawan ko sa kaniya. Hinayaan ko na lang siya.
"Ang sakit ng binato mong bag sa'kin,"
"Hindi naman tumama sa'yo."
Muli ay hindi siya umimik. Ngumuso ako at niyakap na siya pabalik kahit labag sa loob ko. Medyo na-guilty rin ako kanina na hinagis ko sa kaniya ang bag ko. Ang daming laman no'n; nandoon ang laptop at ang ilang libro na ginagamit namin. Pero mukha namang hindi ito tinatablahan ng sakit sa katawan.
"Hindi ako magso-sorry." Pinal kong saad. Matigas ako, e.
He chuckled again. "I expected that already."
Muli ay nabalot kami sa katahimikan. Hindi ko alam kung may nanonood ba sa'min, pero wala naman siguro dahil hindi matao ang lugar na ito. Hinayaan ko na lang ang sariling katawan na mamahinga sa kamay ni Archie. Tumingala ako ng isang beses at naabutan ang namumungay niyang mga mata.
"Nakita ko binigyan ka no'n ng regalo." I said pertaining to Geraldine's gift for him.
"Yeah. It's in the back. Tignan mo."
Humiwalay ako sa kaniya at binuksan ang likod ng sasakyan niya. Nakita ko roon ang kahon na kaparehas ng nakita ko noong isang araw. Sumunod sa akin si Archie at siya na ang nagbaba ng pintuan sa likod. Pumasok ako sa back seat ng sasakyan niya at sinimulang buksan ang regalo ni Geraldine. I saw different brands of expensive chocolates inside. Tumaas ang kilay ko nang kunin ko ang dalawang heart na nasa gitna.
Pumasok sa loob si Archie at tumabi sa akin. Nilingon ko siya at hinintay na may sabihin siya pero wala naman.
"Ang corny niya kamo." Ani ko na tinawanan niya.
Gago 'to, tinatawanan ang kaibigan.
"Binuksan mo na 'to?" Tanong ko sa kaniya.
Tumango siya dahilan nang medyo pagkakaramdam ko ng kakaiba.
"I was curious what's inside."
"Edi anong reaksiyon mo nang makita mong chocolates?"
"Wala."
Ngumiwi ako sa sagot niya. "Alam mo bang sign na love ka ng tao kapag chocolate ang ibinigay sa'yo?"
Kumunot ang noo niya na para bang first time niya iyong marinig. Inirapan ko siya at ibinalik ang tingin sa kahon. May nakita akong maliit na note at binasa.
Archie,
Thank you for helping me out. Thank you for being always there when I need a back up. I really appreciate your effort as a friend. Love you. - Geraldine
"Nage-effort ka pala." Bulong ko na agad kong dinagdagan ng asar.
"Sabi sa'yo love ka nito, e!" Tumawa ako at ipinakita sa kaniya ang maliit na note.
Iniwas niya iyon sa mukha niya at mabilis na tinapon sa labas. Namilog ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. Isinarado niyang muli ang pintuan ng sasakyan bago ibinalik sa akin ang buong atensiyon.
"Bakit mo tinapon?!"
"I don't like sweets. Iyo na lang 'yan." Aniya na para bang wala siyang ginawa na nakakagulat.
"Okay." Sagot ko na lang dahil ayoko ring tikman niya 'to.
"Sa lahat ng chocolates na matatanggap ko, ibibigay ko sa'yo."
"Bakit? Marami ka bang admirers na nagbibigay ng chocolates?"
Hindi siya umimik. Tinakluban ko na ang kahon at inilagay sa tabi para matignan na ng ayos si Archie.
"Edi wow." Sabi ko dahil ayaw niyang sumagot.
"Ibibigay ko sa'yo para hindi ka na mainis habang iniisip na tinikman ko ang regalo nila."
Ako naman ngayon ang hindi nakaimik sa sinabi niya. May humaplos sa aking puso dahilan para ang naiinis kong nararamdaman kanina ay umamo. Ngumiti ako sa kaniya para maitago ang pagkakagulat.
"Ibibigay mo sa'kin 'yong love nila?" Natatawa kong tanong.
Ngumisi siya at hinapit ako sa baywang para mayakap. Hindi naman siya umimik na para bang ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa chocolate ng admirers niya. Inilapat ko ang kamay ko sa binti niya at tinanaw ang labas na medyo kulimlim na.
"Balik na tayo school." Bulong ko sa kaniya.
"Anong oras klase mo?"
"Ala una pa. Ikaw ba? Bakit ka nandito? Busy ka, ah!" Tiningala ko siya at naabutang pinapanood niya lang ang tuktok ng ulo ko. Nakitaan ko nang kapayapaan ang mga mata niya pero siguro at guni guni ko lang iyon.
Tumango siya. "Let's go."
Bumalik kami sa unahan at dumiretso na pabalik sa campus. Hinatid niya ako at bago ako bumaba ay pinaalalahanan niya akong susunduin.
"Kahit huwag na, busy ka-" Naitikom ko kaagad ang bibig ko nang makitaan nang pagbabanta ang ekspresyon niya.
Nagkibit balikat na lang ako bago lumabas. Dumiretso ako sa room at agad inaya sina Eliona na kumain sa cafeteria dahil nagugutom na talaga ako. Nakalimutan ko pa 'yong chocolates sa sasakyan ni Archie, ano ba 'yan.
"Ang saya mo ngayon, ah. Moody ka na ba, Gillian?" Puna ni Sabrina nang bigla akong naging hyper.
Inakbayan ko lang siya at hindi sinagot. Kataka taka naman talaga dahil kanina ay halos pagsakluban ako ng langit at lupa pero ngayon ay daig ko pa nanalo sa lotto. Kinurot ni Sabrina ang tagiliran ko kaya masama ko siyang pinukulan ng tingin.
"Bati na kayo?" Tanong niya na nagpabaling kina Eliona sa'min.
"Hindi naman kami nag-away." Kaswal kong sagot.
Nakitaan ko ng pang-aasar ang hitsura ni Cassie kaya sinipa ko siya. Tumakbo siya at pinakyuhan ako. Gagantihan ko sana kaso may sasakyan ng isang Prof ang dumaan.
"Uso pala 'yong LQ sa inyo?" Dagdag na asar ni Eliona.
"Hindi nga kami nag-away!" Singhal ko sa kanila.
Tinawanan lang nila ako na parang hindi sila naniniwala. Pigilan ninyo ako, sasakalin ko mga 'to.
"Okay. Hindi kayo nag-away kaya pala lukot ang mukha mo kahapon." Makahulugang sambit ni Cassie.
"Tapos hindi pa makausap kanina." Si Sabrina na nakisali pa.
"Sagabal lang ang seryosong relasyon. Dami pang drama." Ulit ni Eliona sa sinabi ko noon.
"Gaga, hindi ganiyan ang sinabi ko!"
"Gano'n rin 'yon!"
"Aminin, iba na."
Umiling lang ako at nauna nang maglakad sa kanila. Narinig ko ang ingay nila sa likod pero hindi ko na pinansin.
"Pustahan tayong tatlo, kapag naging seryoso 'yong dalawa, ililibre ninyo ako sa Skyranch."
"Kahit huwag na, Cassie. Halata namang iba na tama ni Gillian kay Archie-"
"Mga pakshet kayo!" Sigaw ko sa kanila na muli na naman nilang tinawanan.
Hindi natapos ang pang-aasar nila sa akin na kinailangan ko pa silang ilibre para lang tumahimik ang bibig nila. Nang makatapos ako ng payapang tanghalian kasama sila ay dumiretso na kami sa klase. Alas siete ang tapos ng klase ko kaya siguro rin masusundo ako ni Archie ngayon.
Halos matulog nga lang ako sa apat na oras na klase. Puro kasi kwento, hindi man lang kami nagawang patayuin. Sakit na ng pwet ko kakaupo. Kaya naman nang mag-dismiss si Miss ay parang nakawala sa hawla ang mga kaklase ko. Nauna na ring lumabas sina Eliona dahil babyahe pa ang mga iyon pauwi. Kasabay ko sa hagdanan si Sabrina at nag-uusap kami tungkol sa kung gaano namin nilabanan ang antok kanina nang matanaw ko ang sasakyan ni Archie.
"Ingat ka, Sab." Paalam ko sa kaniya bago dumiretso sa sasakyan ni Archie.
Tinigil ulit ni Archie ang sasakyan sa shed at naglakad na kami papunta sa building.
"Alas siete na naman ang uwi ko bukas." Reklamo ko sa kaniya.
"Ala una ang pasok mo?"
Tumango ako at sinipa ang batong nadaanan. Naalala ko tuloy 'yong lalaking natamaan ko noong isang gabi. Nilingon ko si Archie at ngumiti.
"May kwento ako." Sabi ko. Tumango siya at inakbayan ako. "Noong isang gabi habang naglalakad ako dito may natamaan ako ng bato."
Tumawa ako habang inaalala ang hitsura ng lalaki. Mukhang nakakatakot pero sa tuwing naiisip ko na tinamaan ko ng bato ay natatawa ako.
"Ang lakas siguro ng sipa ko na umabot hanggang sa pwesto niya." Tinignan ko siya na hindi man lang tumawa sa sinabi ko.
"Tumawa ka naman." Inirapan ko siya.
"Madilim na ba noong umuwi ka?" Tanong niya.
"Oo,"
Narinig ko ang mura niya kaya kumunot ang noo ko. Idiniin niya ang akbay sa akin at binilisan ang lakad.
"Anong problema mo?" Natatawa kong tanong sa kaniya.
"Hindi ka na ulit uuwi mag-isa. Hintayin mo ulit ako bukas. Dadaanan rin kita bukas ng umaga."
"Ano? Ala una nga ang klase ko!"
"Samahan mo lang ako."
"Saan?"
"Kahit saan."
"Ang hina. Dapat sinabi mo, hanggang sa pagtanda, gano'n. Hina mo, paturo ka kay Dax!"
Umiling lang siya sa sinabi ko at mabilis akong hinalikan sa noo. Ngumiti ako nang humiwalay siya sa akin. Tumingkayad ako at hinalikan siya sa labi bago tuluyang humiwalay.
"Kunwari ka pa. Nag-aalala ka namang may mangyari sa aking masama." Asar ko.
"And so what?" Suplado niyang tanong kaya ginaya ko.
"Pumasok ka na. Babalik lang ako saglit ng school tapos tatawagan na kita."
Tumango ako bago siya sinunod. And for that night, he was truer to his words. Nauna akong matulog at naiwan ko pa siyang nakatutok sa kaniyang laptop. Alas otso ay bihis na ako ng uniporme at dahil nakita ko sa labas na medyo umuulan ay kinuha ko ang pulang hoodie ko.
Pumasok ako sa loob ng sasakyan ni Archie at doon ko palang sinuot ang hoodie. At dahil abala ako sa pagsusuot, siya na ang nagkabit ng seatbelt sa akin. Pagkatapos noon ay nagsimula na siyang mag-maneho.
"Saan tayo?" Tanong ko sa kaniya.
"Saan mo gusto kumain?" Tanong niya pabalik.
"Gusto ko unli wings."
Tumango siya at mabilis na minaneho papunta sa kainan na gusto ko. Bumaba kami at pumasok sa loob. He ordered for us at nang bumalik ay sa halip na sa harap ko siya umupo ay tumabi siya sa akin.
Dumating ang order namin at agad kong kinuha ang cellphone ko para mapicturan. Pagkatapos noon ay umupo ulit ako at minanipula ang cellphone para mapost sa ig story ko. While I am doing that with my left hand, Archie is helping me wear the plastic hand gloves in my right.
Nagsimula kaming kumain at feeling ko ilang taon akong hindi nakakain ng manok dahil naka-dalawa akong refill.
"Gusto mo pa?" Tanong ni Archie. Tapos na siya, kanina pa.
Umiling na ako at inabot ang tubig. "Ang bilis mo naman kumain."
"I am already full but I can still wait if you want more."
"Ayoko na, Archie. Busog na ako. Tignan mo." Hinawakan ko ang magkabilang dulo ng tela ng damit ko para makita niya ang tiyan kong medyo lumobo dahil sa dami ng nakain ko.
Hindi muna kami umalis doon dahil ala una pa ang klase ko. Nilinis na ang kinainan namin pero nanatili pa kami. Nilabas ni Archie ang cellphone niya kaya naki-isyuso ako. Ngumisi ako nang makita na hindi niya pinaltan ang lockscreen.
"Ganda naman ng lockscreen mo." Komento ko.
Isang beses niya akong sinulyapan at nginitian. "I also changed my homescreen." Aniya at pinakita sa akin ang wallpaper niya.
Picture namin iyon sa EK na nakayakap ako sa kaniya habang parehas kaming nakatingin sa camera. Lumapad ang ngisi ko. Feeling real couple ang peg.
"Hindi ka ba nagpo-post sa ig mo ng pictures?" Kuryuso kong tanong dahil 'yong huli niyang post ay noong summer pa.
"I will post our picture." Aniya at pumunta sa instagram at naghanap sa camera roll ng magandang picture namin.
Pinost niya iyon nang walang caption kaya sumimangot ako.
"Picture ko rin!" I demanded na agad niya namang sinunod.
Nakita kong ipo-post niya sana 'yong picture ko na nakatayo kaso hindi ko bet 'yon. Dumikit ako sa gilid niya at tinignan ang hitsura ko doon.
"Huwag 'yan, ang pangit ko diyan." Sabi ko.
He handed me his phone. "Ikaw na ang pumili."
Tinanggap ko naman at ako na talaga ang pumili. Naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay niya sa aking baywang at ang pagpapahinga ng kaniyang baba sa aking balikat. I chose the one he took in front of the Ferris wheel. Half body lang iyon. Nakangiti ako ng malapad na para bang tuwang tuwa ako sa ginagawa ko habang ang background ay ang kulay kahel na langit.
"Ganda ko dito."
Pinaka-magandang babae sa aking mata. Iyon ang tinype kong caption at hindi naman nag-reklamo si Archie.
"There." I handed back his phone to him.
Tinignan niya ang cellphone niya at sinuri ang kung ano. Tumaas ang tingin ko sa seryoso niyang mukha na nakatingin sa cellphone at hindi ko mapigilang mapangiti. I kissed his cheek and he didn't react because he's busy with his phone.
"Let's take a selfie." Archie said.
"For what?"
"Ig story."
At dahil lagi akong ready sa ganiyan, inagaw ko sa kaniya ang cellphone niya. Tumaas ang kamay niya mula sa aking baywang papunta sa aking balikat. Humanap ako ng magandang anggulo pero kahit saan ata ay gwapo si Archie kaya ang isang take ay okay na. Ibinalik ko sa kaniya ang cellphone at hinayaan na siya na lang ang mag-post.
Isiniksik kong muli ang sarili ko sa tagiliran niya habang pinapanood siyang nags-scroll sa instagram niya. Tinignan niya pa ulit ang picture ko na pinost niya.
"Wala namang violent reaction sa caption?" Tanong ko.
His hand draped over my shoulder and he just shook his head as an answer. Ngumuso ako at tumango bago nakipindot sa cellphone niya dahil may nakita akong post no'ng miss universe.
"Stalk mo ako."
He typed in my username and really did stalk me. Pinusuan niya pa ang past posts ko.
"Comment din." Pangde-demonyo ko na sinunod niya rin.
"Ang bait naman." I teased pero hindi niya ako pinapansin dahil abala siya sa pagtitipa ng komento.
"Ang PDA!" May sumigaw noon sa harap namin at nagulat ako na makitang si Dax iyon na kasama si Geraldine.
Umayos ako sa pagkakaupo pero ramdam ko ang paghigpit ng akbay sa akin ni Archie kaya nilingon ko siya. Tinago niya na ang cellphone at mayabang na tinignan ang mga kaibigan.
"Ang yabang mo, Archibald. Porque single ako, ha!" Pag-iingay ni Dax at nagawa pang umupo sa harapan namin.
Nanatili namang nakatayo si Geraldine at nakatingin lang sa'min. I hate how angelic her face is. Daming mabubudol nito.
"Dax, we need to hurry." Ani Geraldine at hinigit pa sa kwelyo si Dax.
Ngumiti ako kay Dax nang batiin niya ako. Sinunod niya naman si Geraldine at tumayo pero hindi pa rin umalis. Parang sinadya nila ata si Archie dito.
"Archie, may lab test tayo." Tipid na wika ni Geraldine at tinignan ang kasama ko.
"Gillian, pahiram muna ng jowa mo." Si Dax at ngumiti na naman.
Tumango ako at sinulyapan si Archie.
"Tara na?"
Nakitaan ko ng pag-apila ang hitsura niya pero alam kong hindi siya hi-hindi. Naunang lumabas si Geraldine na agad naming sinundan tatlo. Nakita kong pumasok ito sa kotse ni Dax. Kumaway sa'min si Dax bago siya naglakad palapit sa sasakyan niya. Hinawakan naman ni Archie ang kamay ko at lumapit na kami sa sasakyan niya.
"Love na love ka talaga ni Geraldine, talagang sinadya ka pa doon."
"Dax is probably the one looking for me."
"Edi love ka rin ni Dax." Nagkibit balikat ako at pinanood na lang ang labas.
Nakarating kami sa tapat ng department ko at agad akong bumaba. Hinintay kong bumaba ang bintana nang sasakyan pero nagulat ako nang makita na si Archie ang bumaba at inagaw ang kamay ko. Hinila niya ako papunta sa tapat ng building at agad lumapad ang ngiti ko nang may natanto.
"Hahatid mo ako sa floor namin?" Natutuwa kong tanong.
Nilingon niya ako at tumango.
"Ang sweet mo, ha."
Nginisian niya lang ako bago huminto. Hindi pa kami nakaapak sa corridor ng first floor at nanatili kami sa tapat.
"Happy birthday, Gillian!" May sumigaw noon sa itaas kaya sabay namin iyong tiningala.
Nakita ko ang mga kaklase kong lalaki na inaasar ako dahil naka-pula akong jacket. Mga baliw. I only stick my tounge out before I drifted back my eyes to Archie. Naabutan kong nakakunot ang noo niya.
"Birthday mo?"
Umiling ako. "Hindi, a. Tagal pa birthday ko. Pansin lang mga 'yan."
Tumango siya bago ako muling hinila papuntang floor namin. Nang makarating kami sa second floor ay agad nag-lingunan ang mga batchmates ko. Tinago ko ang ngiti ko dahil ito ang unang beses na may naghatid sa akin. I mean, sa past relationship ko kasi ay walang ganito.
Nang nasa tapat na ako ng classroom ay hinarap ko na si Archie.
"Bye," paalam ko sa kaniya.
"Hintayin mo ulit ako."
Tumango ako bago siya nagdadalawang isip na umalis. Pumasok ako sa loob at naabutan ang mga kaklase kong nasa akin ang buong atensiyon.
"1 pm pa ang klase natin, bakit ang aga ninyo?!" Sigaw ko sa kanila.
"Inabangan namin movie." Sagot nila.
"Mga siraulo." Tumawa ako at didiretso na sana sa upuan ko kaso naisipan kong bumalik sa labas.
Naabutan ko pa si Archie na naglalakad pabalik sa sasakyan niya kaya tinawag ko siya. Tumingala siya at nahanap ang mga mata ko. I jokingly gave him a flying kiss na umiiling na tinawanan niya lang bago dumiretso pagpasok ng range rover.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top