#TWP10

Entry 10

My phone rang for the incoming call from Archie. Pinatay ko kaagad dahil balot na balot na ako ng kumot at patay na rin ang ilaw. I am just so ready to sleep. Binura ko ang tweets ko katulad ng gusto niya dahil baka kung ano pa ang gawin niya, baka hindi ako patulugin nito.

@gillian_

Deleted na po, mahal na hari.

Iyon ang huli kong sinabi at hindi na hinintay ang sagot niya. Natulog na ako at kahit pakiramdam ko nakaganti ako, hindi ko alam bakit ang sakit ng ulo ko. Nagising ako ng sobrang aga na nagkaroon pa ako nang panahon para matulala sa kisame bago nagpasyang mag-ayos na para sa pagpasok.

Bumaba ako sa lobby nang mayroong bumubundol na kaba sa aking dibdib. Tumigil pa ako at huminga ng malalim bago dumiretso palabas. Nadismaya nga lang ako dahil wala roon ang sasakyan ni Archie. Alam ko namang busy siya. Pero masyado pa rin ata akong umasa na pagkatapos ng inakto ko kagabi ay susunduin niya ako at tatanungin kung bakit gano'n ako.

Umiling ako at mariing pumikit dahil nababaliw na ata ako. Bakit ba ganito ang naiisip ko? For goodness sake, Gillian, naglalaro lang kayo! Huwag kang maarte dahil walang puwang ang suyuan sa relasyon ninyong dalawa. He can freely do what he wants.

Sinubukan kong makinig sa lecture pero nabibingi na ata ako sa sariling nararamdaman dahil wala akong maintindihan. Para akong nilubayan ng enerhiya habang nakaupo dito at kitang kita ko kung paano nagsasaya ang mga kaklase ko dahil sa hindi ko maintindihang topic.

Kinulbit ako ni Sabrina nang nakakunot ang noo. Ngumiti ako sa kaniya bago nag-iwas ulit ng tingin.

This shit... this shit should fucking stop.

Ni hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi naman ako malungkot pero hindi rin ako masaya. It's like I am in between I don't know.

Sumama lang ako kina Sabrina sa labas dahil doon nila gustong kumain. Ilang beses akong napapasulyap sa labas ng kinakainan namin. Napansin iyon ng mga kaibigan ko at ibinigay sa akin ang buong atensiyon.

"Hindi ka diyan mapakali, ha." Puna ni Eliona.

Umiling lang ako at tahimik na kumain na lang. Nag-uusap sila pero hindi ko na lang pinapansin. Wala rin akong ganang magsalita dahil talaga atang nakakain na ako ng sariling mga naiisip. I heard the chimes the reason why I suddenly lifted up my gaze. Nakita ko ang nakangiting si Geraldine kasama ang isang babae na pumasok.

Nakita niya ako at nginitian. Naalala ko na naman ang nangyari kahapon at gusto ko na lang siyang sugurin. Nag-iwas ako ng tingin kahit alam kong rude iyon dahil nginitian niya ako. Wala akong panahon sa'yong plastic ka.

Mabilis akong kumain at tumayo agad.

"Una na ako sa inyo." Sabi ko at hindi na hinintay ang sagot nila.

Parang gusto ko na lang na hindi ko alam kung anong nararamdaman ko kaysa sa naiinis ako. Hindi naman ako anghel na may pusong mamon, pero sa tuwing naiinis talaga ako ay naiiyak ako. Mabigat at mabilis ang hakbang ko habang naglalakad pabalik sa campus. May bumusina sa likod ko pero hindi ko pinansin, nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nasa may tulay na ako ay may humintong sasakyan sa gilid ko.

Nilingon ko ang driver at nagsisisi na ako na patago kong hiniling na makita ngayon si Archie. Naiinis ako at ayaw kong sumabog sa harap niya.

"Get in." Aniya pero hindi ko sinunod.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at narinig ko pa ang mariin niyang mura. Bahala ka diyan. Naiinis ako sa'yo. Naiinis ako sa inyo.

Nakapasok ako sa campus at mas binilisan ang lakad ko kahit alam kong wala iyong panama sa sasakyan ni Archie.

"Gillian!" Sigaw niya sa akin at ilang estudyante ang napabaling sa aking banda.

Natigil ako dahil sa kahihiyang ginawa ni Archie. Huminga muna ako ng malalim at sinigurado na hindi ako mukhang 'di ayos bago ako tumalikod at dumiretso sa nakatigil na sasakyan ni Archie. Pumasok ako at nagsuot ng seatbelt, hindi ko siya pinansin.

Pinag-krus ko ang aking braso sa aking dibdib at diretso ang tingin sa labas. Hindi rin ako umimik dahil may kung ano sa lalamunan kong pumipigil sa aking magsalita. Narinig ko ang pagsinghap ni Archie pero matigas ako at hindi ko talaga siya papansinin. Hinintay kong umandar ang sasakyan niya pero hindi naman kami umaalis.

"Tara na," pahirapang bulong ko dahil sa lintik na bukol na ito sa lalamunan ko!

Inirap ko ang nagbabadyang luha. Kinurot ko rin ang aking mga daliri para may magawa habang ganito kami.

Ako lang naman ang may problema. Hindi naman kasi dapat ganito pero natatanga na ata talaga ako at hindi ko mapigilan ang estrangherong pakiramdam na ito.

"What's the problem?" Tanong niya na mas lalong nagpahirap sa akin.

I bit my lower lip to restrain myself from bursting out this embarrassment. Ayokong umiyak sa harap niya.

"Wala!" Pagalit kong sigaw at tinagilid ang ulo para tumingin sa bintanang katabi ko.

Nakita ko sina Sabrina na naglalakad at gusto kong lumabas para sundan sila kaso mas lalo naman akong kukulitin ni Archie kung hindi ko siya pagbigyan ngayon.

"Talaga? E, bakit ka ganiyan?" He sounds critical while asking me that.

Umiling lang ako lalo. Ano namang sasabihin kong problema ko sa kaniya? Ni hindi ko nga rin alam kung bakit ako naiinis sa kaniya. Dapat hindi ako naiinis dahil okay lang naman 'yong ginawa niya. Ayos lang na may yumakap at sumama sa kaniyang babae. Okay nga lang din kahit magloko siya sa akin, e. Hindi dapat talaga ganito.

Pero girlfriend ako! Kung lalandi siya ay dapat nakipag-hiwalay muna siya sa akin. But am I not used to cheaters? Halos lahat naman ng naging past relationship ko, walang break up na ganapan dahil bigla na lang kaming hindi nag-uusap or basta alam na lang namin na wala na kami. Baka ganito rin kay Archie? O baka naman ito ang totoong laro? Masyado akong nasanay sa thoughtfulness at sweetness niya na feeling ko ay totoo na.

"Gillian," Naramdaman ko ang hininga niya malapit sa aking mukha at patay na talaga ako dahil naglandasan bigla ang mga luha ko.

Mabilis ko silang pinalis at agad namang iginiya ni Archie ang baba ko paharap sa kaniya. Tumawa ako para matago ang narararamdaman gayong obvious namang umiiyak ako ngayon. Tinanggal ko ang nakahawak na kamay ni Archie sa baba ko at pinalis ang luha ko. Hindi niya ako hinayaan at tinulungan niya pa ako sa pagpalis ng luha.

Sa rahan ng haplos niya sa aking pisngi ay mas lalo akong nahihirapan. Pilit kong iniwas ang mukha mula sa kaniyang kamay pero hindi niya ako hinahayaan. Nagpatuloy ako sa pagiyak hanggang sa huminahon ako. Hindi umalis si Archie sa kaniyang pwesto na bahagyang nakalapit sa akin.

Ang takas kong buhok ay iniligay niya sa likod ng aking tenga at nagawa niya habang hawakan ang magkabila kong pisngi. I saw his eyes with deep concern for me. I pouted and lower my gaze. Mahina kong hinampas ang dibdib niya.

"What's our problem, Gillian?" Tanong niya ulit at tuluyan na akong niyakap.

Niyakap ko siya pabalik dahil may parte sa akin na kahit naiinis sa kaniya ay nangungulila rin ako sa presensiya niya sa nagdaang araw na wala kaming interaksiyon ng personal.

"Damn, I missed you." Bulong niya at mas hinigpitan ang yakap sa akin.

Itinago ko ang aking mukha sa kaniyang leeg at hindi umimik. Hinayaan ko ang sariling damhin ang kaniyang init at amoy. Pumikit ako at para akong hini-hele ng yakap niya.

Masama 'to kapag nasanay ako.

Pero bahala na.

Pagkaraan ng ilang minuto ay humiwalay na ako sa kaniyang yakap. Ngumiti ako sa kaniya at ipinakitang ayos na ako. Bumalik siya sa kaniyang upuan at akala ko ay papaandarin niya na ang sasakyan pero hindi pa rin pala. Nanatili ang titig niya sa akin na para bang binabasa niya ang mga galaw ko.

"Feeling ko may sakit ako. Naiyak na lang ako bigla kapag may sakit ako." Pagrarason ko para matakpan ang nangyari kanina.

Hindi umimik si Archie. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at hindi pa rin nagbabago ang tingin niya sa akin. Unti unti ay lumambot ang kaniyang mga mata para sa akin. He reached for my hand and caressed it. He leaned too and kissed me on my lips.

Humawak ako sa kaniyang braso at hinalikan siya pabalik. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking braso bago niya tinapos ang halikan. Inantok bigla ang mga mata ko dahil sa halikang iyon.

"Archie," tawag ko sa kaniya nang bumalik na siya ulit sa upuan at hinawakan na ang manibela.

Binalingan niya ako at hinintay ang sasabihin ko. I leaned towards him that made his eyebrows furrowed.

"Gusto ko pa." Parang lasing kong sambit.

Nakita ko ang pagsilay ng ngisi sa labi niya at hinayaan akong halikan siya. Hinawakan niya baywang ko para hindi ako sumubsob sa kaniya. He opened his mouth as a sign that he wants my tounge in so I gave him that. We are making out endlessly on his car when we heard a knock beside him. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na iyon ang guard. Umayos ako sa pagkakaupo habang binababa ni Archie ang window.

"Bawal dito mag-parada." Ani ng guard at humingi ng paumanhin si Archie.

Nagmaneho na siya at narinig ko pa ang mahina niyang tawa. Umirap na lang ako dahil kahit papaano ay may hiya namang natitira sa katawan ko. Parang kanina lang ay naiinis ako sa kaniya tapos bigla na lang akong lumandi.

Tumigil ang sasakyan niya sa harap ng department ko. Binalingan ko siya at ngumiti ulit para makapagpaalam.

"Baka gabihin ulit ako," Aniya.

Nakaramdam ako ng bahagyang pagkabigo pero hindi ko iyon pinahalata. Tumango ako sa kaniya.

"Okay lang. Kaya ko namang umuwi mag-isa." Sagot ko at tinanggal na ang seatbelt.

Hinawakan ko na ang pinto at lalabas na sana nang magsalita si Archie. Natigil ako at binalingan ko siya.

"Huwag ka na ulit iiyak ng gano'n."

Ngumisi ako at tumango. "Hindi na po." Humalakhak ako ng kaunti.

Inirapan niya ako kaya mas lalo akong natawa.

"First time mong makita akong umiyak, baka ma-inlove ka sa'kin, ha."

Hindi ko na hinintay ang reaksiyon niya sa biro ko at mabilis na lumabas. The windows rolled down. I gave him a flying kiss and winked at him before I proceeded to our building. Nakangisi akong naglakad pero unti unti iyong nawala nang tumigil na ako sa harap ng corridor. Nilingon ko ang likod at nakita ang pagalis ng sasakyan ni Archie.

Pagkatapos ng klase ay umuwi akong mag-isa at hindi na umasa pa na may Archie na naghihintay sa akin. Pagkauwi ko naman ay inabala ko ang sarili sa maraming gawain. Noong nag-alas otso ay narinig ko na ang pagtunog ng cellphone ko para sa tawag ni Archie. Sabay ulit kaming nag-aral, pero katulad kahapon ay tahimik kami.

Akala ko ayos na ako pagpasok ko kinabukasan. Pero hindi pa rin pala. Nagising ako na mabigat ang pakiramdam at dahil wala naman akong klase sa umagang ito, tinawagan ko si Audrey at nagpasama sa kaniya.

"Sige lang. Puntahan mo ako dito sa dept ko."

"Okay," Sagot ko sa kaniya bago sunod na tinawagan si Sabrina na hanggang ngayon ay nasa dorm niya.

Dumiretso ako sa department ng Accountancy at hinanap si Baste. Ang sabi sa akin ng kaibigan niya ay wala siya doon at hindi nila alam kung nasaan. Ite-text ko na sana siya nang makita ko ang nakangising kaibigan na paakyat sa floor na ito. Sinalubong ko siya at ang ngisi ay unti unting napawi.

"Pahiram susi." Salubong ko sa kaniya.

"Huh?" Hindi niya maintindihang tanong.

"Pahiram ako sasakyan mo."

"Ano?"

Inirapan ko siya. "Pahiram."

"Cutting class ka?"

Nginiwian ko siya. "Tanga, hindi. Wala akong klase ngayong umaga."

"E, bakit ka nandito?"

"Manghihiram nga ako ng sasakyan mo! Paulit-ulit naman 'to."

Tumawa si Baste at guguluhin sana ang buhok pero inunahan ko siya ng hampas ko. Ininda niya ang sakit ng hampas ko at hinugot ang susi ng cooper niya sa bulsa. Ngumiti ako at inagaw sa kaniya ang susi.

"Sino kasama mo?"

"Aud and Sab." Sagot ko at nilagpasan na siya.

Bumaba ako at hinanap ang sasakyan niya sa mga nakaparadang kotse sa tapat ng department nila.

"Saan kayo?"

Nilingon ko ang kaibigan na nakasunod pala sa akin.

"Starbucks. Diyan lang sa Tagaytay." Sagot ko at pinatunog ang cooper niya nang makita iyon sa dulo.

"Ingatan mo 'yan, ha. Wala ka pang pambayad diyan." He reminded me and I only nodded.

Nang nasa tapat na kami nang sasakyan niya ay nalingunan ko si Ate Reese na kasama si Toby. Kumunot ang noo ko dahil malayo ang Art department dito.

"Si Ate Reese at Toby ba?" Tanong ko kay Baste.

Nilingon niya ang tinitignan ko at kumunot ang noo. Hindi siya sumagot at hindi na rin naman ako naki-isyuso. Pumasok ako sa loob at binuhay ang makina. Kumatok si Baste kaya binababa ko ang bintana.

"Kuyahin mo si Toby. Mas matanda sa'tin 'yon."

Nginiwian ko siya dahil akala ko naman kung ano ang sasabihin niya.

"Pati rin si Archie. Matanda sa'tin 'yon ng isang taon." Dagdag niya pa.

"Ha-ha. Hanap ka kausap mo." Sabi ko bago pinaharurot ang sasakyan at iniwan si Baste doon.

Sinundo ko muna si Audrey bago namin dinaanan sa dorm si Sabrina. Mga naka-uniporme na kami para kapag bumalik kami ay diretso pasok na lang. Maingay si Sabrina sa byahe, samantalang tahimik na tumatawa lang si Audrey at kalaunan ay babalik sa hindi pag-imik. Hindi ko na nagawang pansinin iyon dahil abala ang atensiyon ko sa daan. Marunong naman akong mag-drive, sadyang wala lang akong ganang magsalita.

Bumaba kami at pumasok sa loob ng starbucks para umorder. Pagkatapos noon ay pinili namin ang labas para doon umupo. Sumalubong sa amin ang malamig na simoy ng hangin nang tagaytay at kahit tirik ang araw ay hindi siya kaganoon kasakit sa balat.

Umupo ako at nagsimula si Sabrina sa kaniyang mga kwento. Isinandal ko ang likod sa aking upuan. Inaya ko silang dalawa dito dahil feeling ko ano mang oras ay mababaliw na ako sa sariling nararamdaman. Kailangan kong lumabas pero kahit nandito na ay umiikot pa rin ang utak ko sa ibang bagay.

Tinignan ko si Audrey na nasa harap ko. Tahimik lang siya na pinagmamasdan ang tanawin sa gilid. Dumating ang order namin at nagsimula na ulit si Sabrina sa pagiingay. Tumawa ako nang may binanggit siyang ginawa naming kalokohan noong high school.

Audrey, Sabrina, Baste are my original friends since high school. Ganoon rin sina Kobe, Lallaina, Apple at Denzel pero kinailangan naming maghiwa-hiwalay dahil college na kami. Lallaina and Kobe are in Manila while Denzel and Apple are in Laguna. Kaming apat lang ang nanatili dito sa Cavite.

Muli kaming natahimik nang maubusan ng kwento si Sabrina. Kinalikot niya ang cellphone at inabala ko na lang ang sarili sa pag-inom ng kape.

"Online si Kobe the archer." Sambit ni Sabrina.

"May pasok ba siya?" Tanong ni Audrey.

"Ewan ko. Tawagan ko."

Binalingan ko ulit si Sabrina at pinanood siyang minamanipula ang cellphone. Humampas ang pang-tanghaling hangin kaya sabay sabay kaming napapapikit.

"Kobe, saan ka?" Tanong ni Sabrina.

"La Salle." Sagot ni Kobe sa kabilang linya.

"Ano ginagawa mo diyan?"

"Nag-aaral, Sabrina." Sarkastikong sagot ng kaibigan namin kaya natawa ako.

Umirap si Sabrina at hinarap sa akin ang cellphone. Kumaway ako kay Kobe at pinakita sa kaniya ang favourite drink niya na inorder ko tapos inilapit naman ni Sab kay Audrey ang cellphone.

"Kasama ko si Gil at Audrey."

"Bakit gano'n hitsura ni Gillian? Parang ang laki ng dinadala."

"Pakyu ka, Kobe." Sagot ko na tinawanan niya lang.

Umirap ako at kinuha ang cellphone para makita ang repleksiyon sa camera. Hindi naman ako mukhang stressed, ah. Pero bakas siguro sa pagsimangot ko kaya inakala niyang may problema ako. Ibinalik ko sa bag ang cellphone pagkatapos kong silipin ang twitter ko. Wala namang message kaya hindi na ako nag-abalang mag-scroll pa.

"Tawagan mo sina Apple." Suhestiyon ni Kobe.

"Wala. Hindi sila online."

"Ako din, e. Nag-aaral ako kaso tinawagan ninyo 'ko." Makahulugan niyang sambit.

"Anong pinaparating mo?" Mataray na singhal ni Sabrina.

"Na tamad kayo kasi nagagawa ninyong tumambay kahit school day!"

"Excuse me, break namin ngayon!"

Ngumisi ako at hinayaan silang dalawa na magtalo roon. Nahagip ko ang titig sa akin ni Audrey kaya nginitian ko siya. She smiled at me, too but I feel like... like me, it's not real.

"Hindi ka nagpaparamdam, ah." Sabi ko sa kaniya.

"Ikaw rin naman. Busy ka na kay Archie." Sagot niya at tumawa pa.

May kirot na dumaan sa aking puso dahil kahit siya ay hindi ko nasabihan ng tungkol sa relasyon ko kay Archie. She knows my relationship with my family, we are not that showy but I know that she cares for me. Katulad ng iba naming kaibigan ay may pakialam sila sa akin. But this feeling... this weird feeling is so hard to explain kahit gusto ko ng masasabihan. Kahit gusto kong magsalita ay hindi ko magawa.

Or sadyang talagang ganoon. Limitado ang mga problemang ikinikwento natin sa iba dahil hindi naman lahat ay dapat nilang malaman.

"Sa birthday ko, ha! Hindi dapat kayo mawala. Uuwi ako diyan." Paalala ni Kobe na narinig ko kaya naibalik ko ang atensiyon kay Sabrina.

"Akala ko ba Balesin tayo?"

"Oo nga! Gusto mo mag-commute papunta dito?" Pilosopong sagot ni Kobe kay Sabrina.

Lumapit ako sa tabi ni Sabrina at nakisali na sa pakikipag-usap kay Kobe. He's really in his school dahil kita ko ang mga kaklase niya sa likod.

"Nag-usap na kami ni Baste, kami na lang ang magdadala ng sasakyan."

"Okay."

"Si Gillian? Kung gusto mo isama mo bebe mo para makilala na din namin."

"Ito?" tinuro ako ni Sabrina. "Hindi naman 'to seryoso do'n."

Hindi ako nakaimik sa sinabing iyon ni Sabrina.

"Ang epal mo, Sabrina. Ano ngayon kung hindi seryoso? Malamang magkaibigan din sila!" Sigaw ni Kobe.

Tamad akong tumango. "Ang ingay mo, Kobe. Oo, susubukan kong yakagin."

Bumalik ako sa pwesto ko at inabala ang sarili sa iniinom at tanawin. Tinapos na rin ni Sabrina ang tawag kay Kobe dahil wala daw itong kwentang kausap.

"Ang tahimik ninyong dalawa. Nasaan na ang kaingayan ninyo?" Puna ni Sabrina sa amin ni Audrey.

Hindi ako sumagot at pinanatili ang titig sa malayong taal at sa usok nito. Iyon din naman ang gusto ko. Ang kaingayan pero hindi ko magawang mag-ingay kahit gusto ko.

"Broken ba kayo?"

Muli, ay walang sumagot sa'min kay Sabrina. Hindi na siya nagsalita kaya naman nilingon ko ang kaibigan. Naabutan ko ang panonood nito sa'kin kaya kumunot ang noo ko sa kaniya.

"Simula noong hindi kayo nagkita ni Archie bigla kang naging ganiyan." Komento niya.

Naramdaman ko ang pagbaling ni Audrey sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

"I'm fine." Tangi kong nasagot.

Hindi na rin naman nila ako pinilit na magsalita pa. Tahimik lang kami at dinadama ang simoy ng hangin hanggang sa nagpasya na kaming bumalik dahil may klase pa si Audrey. Kumaway lang sa amin si Audrey bago ko hinatid si Sabrina sa dorm dahil kukunin niya pa ang gamit niya. Akala ko naman kasi dala niya kanina, hindi pala.

Ibinalik ko kay Baste ang susi bago bumalik sa department ko. Kaso naalala ko na ala una pa ang klase ko kaya nagpasya akong tumambay muna sa may labas. Naglalakad na ako sa gilid ng grandstand nang makasalubong ko si William.

"Hi," Bati nito sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya at binati siya pabalik. Lalagpasan ko na sana siya kaso nagsalita ulit siya.

"May klase ka?"

"Wala pa. Tatambay lang ako diyan sa labas." Wala sa sarili kong sagot.

Tumango siya at nagkamot ng ulo. Kumunot ang noo ko dahil alam ko ang galawang iyan. Iyan din ang ipinakita niya sa akin noong una siyang umamin sa akin.

"Pwede sumama?" Tanong niya.

"Ikaw bahala."

Sinabayan niya ako sa paglalakad at katulad noon ay hindi pa rin siya nagbabago. Maingay siya habang naglalakad kami at naiinis ako sa sarili ko dahil kahit ang ingay ng kasama ko ay hindi ko maiwasang maalala ang nangyari noong isang araw.

The way Archie draped his arms around Geraldine's shoulder. Tapos 'yong pagyakap pa ng malanding iyon. Umirap ako at nakita iyon ni William kaya agad akong ngumiti.

"Tara doon." Turo ko sa kaniya sa isang silya malapit sa unli wings.

Umupo kami doon at nagkwentuhan. May ilang estudyante na dumadaan at sumusulyap sa'min. Nakita ko pa si Dax na sakay ng kaniyang sasakyan na nilingon kami. Nasaan kaya si Archie? Hindi pa ako no'n mine-message simula kaninang umaga.

"Kayo pa rin ba ni Archie?" William asked suddenly.

Tinignan ko siya at tumango lang bilang sagot.

"Oh? Parang ang tagal ninyo na." Komento niya.

Ngumuso ako at naisip na si Archie nga ang pinaka-matagal kong karelasyon. Hindi ko sinagot si William at hinayaan na lang siyang magsalita.

"But I bet, you guys are not serious. I mean, hindi ka naman nagseseryoso, Gillian."

Para akong natauhan sa sinabing iyon ni William. Hindi ko naman nakalimutan na naglalaro lang kami pero nakalimutan kong pwede ko ring gawin ang mga ginagawa niya. Kung kaya niyang sumama sa ibang babae, dapat ako din ay pwede.

Nilingon ko si William at tinitigan siya sa mga mata. If I will going to kiss him right now, maybe I will be awaken with this stupidity of mine.

"Huwag mo ako titigan, Gillian. Baka kalimutan kong may boyfriend ka."

Ngumisi lang ako at aamba na sanang ilalapit sa kaniya ang mukha ko nang may humawak sa braso ko at hinila ako patayo. Namilog ang aking mga mata nang makita na si Archie iyon na galit na galit ang tingin sa kasama ko. Inilagay niya ako sa kaniyang likod na para bang pinoprotekhan niya ako kay William.

"Archie!" Tawag ko na agad nagpalingon sa kaniya sa akin.

Nakita ko ang galit sa mga mata niya kaya naman halos manliit ako. Hindi niya na muling pinasadahan ng tingin si William sabagkus ay hinigit niya na ako papunta sa sasakyan niya. Pinasakay niya ako at agad ko namang sinunod. Mabait ako, e.

Pumasok si Archie at mabilis na nagmaneho palayo sa campus. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hinayaan ko siya at hindi nagsalita hanggang sa tumigil kami sa isang gilid.

"Bakit mo kasama ang gagong 'yon?" Bakas ang inis sa tono niya.

Hindi ako nakaimik. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Lintek, naiiyak na naman ako. Okay na naman kami kahapon pero hanggang ngayon hindi ko alam at naiinis ako.

"Gillian!"

"Nakasalubong ko lang siya!" Sigaw ko pabalik sa kaniya.

Kumunot ang noo niya na para bang hindi siya naniniwala. Umirap ako at aamba na sanang lalabas pero may pinindot siya para hindi ko mabuksan. I glared at him but he only equalled it with the same anger.

"You're in a relationship with me pero sumasama ka sa ex mo!"

Umawang ang labi ko para sa salita pero itinikom ko sila kaagad. Nag-iwas ulit ako ng tingin dahil hindi ko gusto ang usapang ito. Gusto ko na lang umalis dito.

"Gillian-"

Hinarap ko na siya at tinapangan ang sarili kahit naiiyak na ako sa inis. Nakita ko ang pagbabago ng mga mata niya nang makitang naiiyak ako.

"I just want to remind you that we're just playing, Archie. Kahit sumama ako sa iba ay dapat wala lang sa'yo!"

Nakitaan ko ng bahagyang pagdilim ang mga mata ni Archie kaya mas lalo akong natakot.

"Is that it? Kaya ka sumasama sa kaniya?"

"Oo!"

"You're in a relationship with me and that's only mean you will date only me! You will be seen only with me and not with any of your ex assholes!" He shouted.

"Tangina mo, Archie. Kapag ikaw, okay lang? Sa'kin, hindi? Gaguhan na ata 'to, e."

"What?" Mas lalong lumalim ang gitla sa kaniyang noo kaya umirap ako.

"Nagagawa mong yakapin ang ex mo samantalang ako, samahan lang ang ex ko ay bawal?"

"What are you saying?"

Ibinato ko sa kaniya ang bag ko na agad niya namang nasalo. Hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko.

"Nakakainis ka, Archie!" Hinampas ko ang dibdib niya nang sinubukan niyang lumapit sa akin. Hinuli niya ang mga kamay ko para mapigilan iyon sa paghampas sa kaniyang dibdib.

"Okay lang naman sa'kin na yakapin mo si Geraldine dahil naglalaro lang tayo. Hindi naman tayo obligado na sumama lang sa'tin. Pwede tayong lumandi kahit tayo pa dahil hindi naman tayo seryoso sa isa't-isa." I said while crying. Pinalis ko ang luha ko dahil ayaw ko nang umiyak, punyeta naman.

"We can kiss and date anyone and we should not care about it." I added.

He wiped my tears away using his calloused thumb. "No." Bulong ni Archie.

"Anong 'no'? Gago ka ba?" Singhal ko sa kaniya.

"Hindi ka pwedeng sumama sa iba." He uttered firmly and looked at my eyes.

Hindi ako nagsalita at pinigil ang sarili na umiyak pa. Inirapan ko siya at marahas na pinalis ang luha sa pisngi.

"At hindi ko niyakap si Geraldine-"

"Ewan ko sa'yo!" Sigaw ko.

"Ano ba, Gillian?" Frustrated niyang sambit sa pangalan ko.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Ilang beses na ba ako nakita nitong umiyak? Mga kaibigan ko nga hindi ko pinapakitaan ng kahinaan ko tapos sa kaniya, ang dali dali kong mag-breakdown.

"Gillian," he called me again.

At dahil ayaw ko ng humaba pa ang usapan at mas lalong ayaw ko ng maging komplikado ito, tumango na lang ako.

"Oo na." Labas sa ilong kong sagot.

"Anong 'oo na'?"

"Hindi na ako sasama ulit kay William." Mahina kong sagot.

Naramdaman ko ang paghawak ni Archie sa kamay ko kaya nilingon ko ulit siya. Pumungay ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Masaya ka na?" Sarkastiko kong tanong.

Umiling lang siya bilang sagot.

"Oh ano pang gusto mo?" I was about to roll my eyes when he suddenly cupped my face.

He kissed me and just like that, I feel like all my irritation are shed away. Tangina, ang rupok ko pagdating sa kaniya.

"Huwag ka ng mainis." He said in between our kisses.

Ipinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya at bahagyang umangat para mahalikan siya pabalik. He kissed my cheek and down to my neck. Tumingala ako at napapikit dahil sa mga halik niya.

"Can I leave marks?" Tanong niya.

"Don't you dare." I warned him.

"Let's just make out until the cry baby Gillian is gone." He said and lifted his stare on me.

Inaantok ang mga mata kong tinignan siya pabalik.

"I missed you the whole morning." He whispered.

"Nag-research lang ako, umiyak ka na." Dagdag niya pa kaya hinampas ko ang braso niya.

He chuckled before he continue kissing my neck.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top