#TWP09

Entry 09

Hawak ni Archie ang kamay ko habang nasa loob kami ng elevator. Akala ko at hindi niya ako ihahatid hanggang sa tapat ng unit ko kaso siya pa ang naghila sa akin para sabay kaming maglakad papuntang elevator. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang repleksiyon naming dalawa sa salamin.

"Tignan mo, ang cute ko." I said and pointed in our front.

Nakita ko sa salamin ang pagbaling niya sa akin. Hindi siya umimik at hinalikan lang ang tuktok ng ulo ko. The elevator opened kaya mabilis na kaming lumabas. Binuksan ko ang pintuan ng unit at nag-iwan ng kaunting siwang para maharap pa siya. Magsasalita na sana ako nang bigla niya akong hinalikan sa labi.

It's a different type of kiss, because this one is softer. Ramdam ko ang bawat paghaplos ng labi niya sa akin na para bang iniingatan niyang huwag akong masaktan. Bumaba ang kamay niya sa aking baywang at bahagya akong inangat para maabot pa lalo ang labi niya. I hooked my arms around his neck and changed the way he kisses. I kissed him with hunger and force.

Humiwalay siya at pinagpahinga ang noo sa akin. Umawang ang labi ko para sa paghahanap ng hangin na nawala dahil sa halikan. He smiled and kissed me again. Gusto ko na tuloy siyang ipasok sa loob ng condo ko at maghalikan na lang kami magdamag kaso bigla siyang humiwalay sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko at inayos pa ang medyo nagulo kong bangs.

Tiningala ko siya at nakita ang pulang pulang labi niya na kumukurba sa hindi matapos na ngiti. Bahagya ring magulo ang buhok niya dahil hindi ko namalayang nasasabunutan ko siya kanina. Hinaplos niya ang pisngi ko at isang beses hinalikan iyon.

"Let's stop now. Baka magpahila ako sa'yo sa loob." Bulong niya bago umatras.

Napangiti ako habang pinapanood siyang naglalakad patalikod pabalik sa elevator at hindi inaalis ang tingin sa akin. I waved my hand at him before I finally closed the door. Dumiretso ako sa kwarto para makapagpalit ng damit at makapaglinis ng katawan. After I did my skin care routine, dumiretso muna ako sa salas para tapusin ang nagambala ko kaninang pagsasaulo.

I opened my laptop to search for the documents. Habang hinihintay na mag-load ang docu ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ang kaninang lungkot na bumabagabag sa puso ko ay nawala ng parang bula. Hindi ko noon alam na posible iyon. Ang alam ko lang... na pagkatapos kong magsaya, pagkatapos kong takasan ang sakit, alam kong babalik sila once na mag-isa na ulit ako. But I am here, staring at my laptop and alone but I feel so at peace.

Tumunog ang cellphone ko para sa tawag mula kay Archie kaya agad kong sinagot. He looks aftershave and so fresh. Medyo basa rin ang buhok niya na isang beses niyang pinasadahan ng mga daliri. Inilipag niya sa lamesa siguro ang cellphone dahil nakita ko na ang kalahati ng katawan niya na nakaupo sa study table niya. He's already wearing white shirt and I wonder if he's only wearing boxers as the bottom.

"Naka-boxer ka lang?" Tanong ko sa kaniya.

He only nodded before he opened his own laptop. Naglabas din siya ng libro at napaka-raming printed bond paper. Lagi naman siyang ganito at sanay na akong makita siyang maraming papel sa lamesa at inaaral. Sa ibang tao, naiinggit ako kapag nakikita ko silang masipag at matalino. Pero kay Archie, wala akong ibang maramdaman kundi tuwa dahil ganito siya. If we will last until his graduation, I would be probably so proud of him. Panigurado at siya ang magiging cum laude ng batch niya.

Ngumiti ako ng mapait sa naiisip. Ibinalik ko ang tingin sa laptop at umiling sa isipan. Hindi naman kami aabot do'n. Panigurado at hindi pa natatapos ang taon na ito at babalik rin kami sa pagiging estranghero. Kung hindi man gano'n, siguro ay magkaibigan lang. And, ayos lang naman. Naglalaro lang naman kami.

"Anong inaaral mo?" He asked.

Binalingan ko ang screen at nakita kong nakaharap na ulit siya sa akin. Hindi ko maiwasang puriin ang kagwapuhan niya dahil bakit parang may paborito ang itaas. Para kasing nasalo lahat ni Archie ang lahat ng pagpapala sa pisikal na anyo. Maganda rin naman ako at kahit hindi ako pinagpala sa hinaharap ko, mahal ko katawan ko.

"Codes. IATA and ICAO."

Tumango lang si Archie bago niya muling binalingan ang sariling mga papel. Nakita ko pang minanipula niya ang laptop. He looks so passionate when he's studying. Para bang nasa comfort zone niya siya kapag nag-aaral. But I wonder if he really enjoys studying. Ako kasi, hindi. Gusto ko na lang makasakay ng barko kaso imposible naman iyon. At wala akong choice kundi magsipag sa pagaaral dahil hindi naman ako matalino. Ilang taon pa ang titiisin ko bago ako tuluyang makapagtapos.

"Ikaw?" Tanong ko sa kaniya.

Binalingan niya ako at nginisian. "Hindi mo 'to alam."

"Edi wow!" Inirapan ko siya at inabala na lang ang sarili sa sarili kong ginagawa.

Minsan talaga napaka-yabang ng nilalang na 'to.

Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa kaya matalim ang tingin na iginawad ko sa kaniya.

"Anong nakakatawa?"

Umiling siya at kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang tawa. Umirap ulit ako dahil sa ginagawa niya. Padabog kong kinuha ang binder at sinulat ang first 10 codes na sasauluhin ko.

"We're studying Biochemistry, Histology, Microbiology, Hemathology-"

"Share mo lang?" Putol ko sa kaniya dahil bigla siyang sumagot. Pansin.

"You are asking me!"

"Edi ikaw na matalino." I lazily uttered.

Isinandal ko ang likod ko sa sofa at pumikit. I uttered the first 5 five codes I memorized three times in my head. Feeling ko nanalo ako sa lotto nang masabi ko ang lima agad. Nakangiti akong tumingin sa laptop bago sinulyapan si Archie. My smile fades when I saw his amusing smile.

"Ano?" Inis na tanong ko sa kaniya.

He shook his head, still that amusing smile is plastered on his face. "Nothing."

"Siguraduhin mo 'yan, papasabugin ko bahay ninyo." Pagbibiro kong banta.

Tumawa na naman siya at inirapan ko na lang siya. Nagpatuloy ako sa pagme-memorize hanggang sa medyo napagod na ako. Pumunta ako sa kitchen at nagtimpla ng kape. Kumuha rin ako ng cookies na binili ko kanina sa nadaanan namin ni Archie.

Bumalik ako sa salas at naabutan si Archie na nakayuko at seryoso ang tingin sa mga papel. His eyebrows are already meeting each other and his jaw is clenching repeatedly. Isang beses niya pang pinasadahan ang buhok ng kaniyang daliri bago tumingala at pumikit.

"Pagod ka na?" Tanong ko bigla dahil mukha na siyang nafu-frustrate.

Binalingan niya ako at umiling. Ibinagsak niya ang papel na hawak at ibinigay na sa akin ang buong atensiyon. Ngumiti ako at ipinakita sa kaniya ang cookies na binili namin kanina.

"Kinakain ko 'yong cookies. Ikaw kasi hindi ka bumili, edi sana sabay tayo may kinakain." I said and munched on my cookie.

"I am already full watching you,"

Nagtaas ako ng kilay at pinigilan ang ngisi na magpakita sa aking labi.

"Ang cringe naman niyan, Archibald!"

"Archibald?"

"Oo. Pangalan mo 'yon, a."

"It's your first time to call me that." Parang hindi siya makapaniwala.

"There's always a first time in everything." Nagkibit balikat ako at uminom sa kape.

Sinulyapan ko ang sinasaulo at nakakaramdam na ulit ako ng katamaran. Dapat talaga hindi ko kinakausap si Archie kapag may ginagawa ako.

"Is that your usual midnight snack? Mahilig ka ba sa sweets?" Tanong niya ulit kaya bumalik ang tingin ko sa screen ng cellphone.

"Sakto lang. Pero favorite ko cookies."

Tumango siya at hindi nagsalita. Pinanood niya lang akong kumakain at inaalok ko pa siya. Genuine ang pag-aalok ko pero hindi ko alam at tinatawanan ako ni Archie. Siraulo din 'to.

"Huwag lang lagi dahil matamis 'yan." He reminded me.

"Opo, doc." Asar ko sa kaniya na nagpa-rolyo sa kaniyang mga mata.

Tumawa ako at tinapos muna ang pagkain bago nagpatuloy sa pagme-memorize kaso nadala na talaga ako sa usapan at pumangalumbaba na ako. Pinanood ko siyang nag-aaral at nakuryuso.

"Mahirap third year?" Pange-epal ko sa pag-aaral niya.

"Ayos lang. Gusto mo na agad mag-third year?" Ngayon ay binalingan niya na ako.

Tumango ako. Gusto ko na lang matapos ang second year para maramdaman ko namang umuusad ako. At saka... gusto ko na lang makita anong kalalabasan ng grade ko. Pakiramdam ko may bagsak na naman ako pero ginagawa ko na ang lahat para mahabol ang lahat ng failing quizzes and recitations ko.

"When you step in third year, it means I will be on my last year."

Hindi ako nakapagsalita dahil parang may kung ano akong naramdaman. Tinitigan ko siya na madilim lang din ang tingin na iginagawad sa akin.

I got curious... Paano kaya kung hindi ko siya nakilala? I mean, paano kung hindi niya ako hinila noong hydro Manila at kung hindi niya ako sinundan dito sa condo. Hindi ko siguro maiisipang kausapin siya dahil hindi naman ako close sa members ng basketball team bukod kay Baste.

Ano kayang ginagawa ko ngayon kung hindi ko siya boyfriend?

"Saan ka mag-Med School?"

"UP? UST? SBU? Hindi ko pa alam." Hindi niya siguradong sagot at nagkibit balikat.

"What will you pursue? Doctor talaga or sa research team lang gano'n?" I am not sure kung anong terminologies sa Med pero alam ko may gano'n do'n, e.

"Medical Doctor." Aniya.

"Para sa Hospital ka, gano'n ba 'yon?" Kuryuso kong tanong.

Tumango lang siya.

"Pero may research pa din kayo?" Dagdag kong tanong.

"Research is part of physician's life. It only differs in the working environment. When I pursue medical doctor, I will be more exposed to patients. Sa research team naman, they are more in the labs or in the office. So basically, I can be a researcher and also a Medical doctor. Either of the two." Nagkibit balikat ulit siya at lumapit ng kaunti sa cellphone.

Hindi ko na namalayang nangingiti ako habang pinapanood si Archie na magsalita sa kabilang linya. He seems so sure of what he's talking. He looks so dreamy and passionate talking about his ambition. I've seen my friends' dreams. Si Kobe na sobrang gustong maging Pilot, kapag nagkekwento, sobrang nakangiti lagi. And seeing Archie dreams, hindi ko mapigilang matuwa rin. Dahil alam ko kung paano mangarap.

Dreaming is the best and most unexplainable feeling you'll ever experience in this life. Ang sarap mangarap kasi mukhang posible... mukhang pwede. Dreaming take us to the world we want to be part of.

"Mukha ka lang gago pero planado na buhay mo." I said while smiling.

Ngumisi siya at umiling.

"Hindi naman ako gago,"

"Kaya nga mukha lang, e!"

Hindi siya umimik.

"Kapag na-sprain paa ko sa future pupunta agad ako kung nasaan kang Hospital para libre na ako."

Kumunot ang noo niya pero nakita ko ang multo ng ngisi sa labi niya.

"Kahit nasa malayong lugar ako?"

Ngumuso ako at nagkunwaring nag-iisip. Tumawa na naman siya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Basta dapat charge mo sarili mo bill ko kapag nagpagamot ako sa'yo."

"Bakit ko gagawin 'yon?"

"Kasi may nakaraan tayo!" I reasoned out.

"Paano kung makalimutan ko na?"

Umayos ako sa pagkakaupo at dinuro si Archie. "Sa talinong mong 'yan, makakalimutan mo ang kasing ganda ko?"

"Posible 'yon,"

"Hindi iyon posible kung ite-treasure mo 'yong memories natin. Mapapaisip ka na, ay oo nga pala ito 'yong nilaro ko noong college. Masaya naman kasama 'to at maganda pa. Libre ko na siya. Gano'n kasi, Trinidad."

"Let's see, then. Kaso baka maubusan ako ng pera. Baka araw-arawin mo kasi gusto mo akong makita."

"Ang yabang naman talaga. Char char lang 'yong sprain. Malay mo magkasakit ako ng malala-"

"Huwag mong sabihin 'yan, Gillian." He but in and warned me.

I pouted and didn't continue what I am saying.

"Para kang bata. Sayang wala ako diyan, tatapikin ko sana ulo mo."

"Nakakatawa 'yon?" Asik ko at inirapan siya.

"I am studying here but you're interrupting me."

"Huwaaaw, Archie! Edi wow! Patayin ko na-"

"Don't you dare."

I mimicked his words and even made a face. Hindi ko na siya sinulyapan pa at niligpit na ang gamit ko. Tinatamad na ako magme-memorize, bukas na lang ulit.

"Tulog na ako." Paalam ko sa kaniya at pumasok sa kwarto.

Inayos ko ang gamit ko sa bag bago ako nahiga sa kama. Binalot ko ang sarili ng kumot at kalahati lang ng mukha ang ipinakita. I watched Archie in the other line na mukhang hindi pa ata matatapos.

"Patayin mo na lang, ha. Tulog na ako."

Tinignan niya ako. "Good night,"

"Good night," I said before I dozed off to a good sleep.

Archie started to become busy with his research. Third year na kasi siya at naiintindihan ko naman. Hindi naman kailangan na lagi kaming magkasama. Isang linggo na rin kasi ang nakakaraan simula noong nagkita kami ng personal. Ang sabi niya ay ginagabi na sila ng uwi dahil tinatapos niya ang research sa library o di kaya ay may kailangan siyang puntahan. Sa video call na lang kami nag-uusap at tuwing nagpapahinga siya, nakakapag-kwentuhan naman kami tungkol sa mga walang kwentang bagay. Katulad na lang ng:

"Bakit nauso 'yong ha- hakdog?" I asked out of nowhere dahil iyon ang una kong naisip.

"I don't know." Sagot niya.

"Knock knock na lang, Archie."

Ngumisi siya at tumango. "Sige. Who's there?"

"Ha."

"Ha who."

"Haganda ko." I said and started giggling.

Natawa rin si Archie kaya nagpapalakpak ako. "Havey!"

"Joke kasi 'yon," Aniya kaya natigil ako.

I showed my middle finger to him.

"Hindi maganda sa babae ang namamakyu."

"Hindi mo na ako love niyan?"

"Kahit pangit ka pa," Tumawa siya at naimbyerna ako.

"Fuck you."

"Is that your new word for 'I miss you'?"

"Sino bang nakaka-miss sa'yo?"

"Girlfriend ko."

Plastic ko lang siyang nginitian at umalis sa salas para kumain ng hapunan. Nag-usap kami tungkol sa pagkain at gano'n lang, masaya naman kahit hindi kami nagkikita sa personal. I also posted our pictures together sa EK at binaha ako ng comments kaya kinailangan ko pang i-turn off ang comment section.

Umupo ako sa bench sa tapat ng department namin at nag-scroll sa instagram. Dalawa lang sa marami naming pictures ni Archie ang pinost ko. Ayoko kasing ipakita lahat, sarap niyang ipagdamot, e. Baka mainggit pa 'yong iba. I opened the notification bar and saw that Geraldine liked the pictures I'm with Archie.

Nakaramdam ako na parang akong nanalo.

"Huh. Talo ka, girl." I whispered and stalked her account.

Wala silang picture ni Archie kaya mas lalong lumapad ang ngisi sa labi ko.

"Saulo mo na lahat?" Boses iyon ni Sabrina kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Nasaan sina Eliona?"

"Byahe pa."

Tumango ako at pinagpatuloy ang pagkalikot sa cellphone ko. I tried to search for a picture to post on my ig story. Nakita ko 'yong picture na kinuha no'ng lalaking photographer. It's the candid shot. I posted it with a caption 'Miss na ako nito.'

Ngumisi ako bago inilapag sa hita ang cellphone habang hawak ko pa rin. Binalingan ko si Sabrina na seryosong binabasa ang codes sa cellphone. I rested my head on her shoulder. Pinagmasdan ko ang harapan ng department namin at naalala bigla si Audrey.

"Have you seen Audrey?" I asked her. Hindi ko na kasi nakikita 'yon.

"Hindi nga, e. Pero maingay naman siya kagabi sa gc."

Tumango ako at hindi na umimik. Hindi ko na kasi masyadong nac-check ang group chat dahil lagi kong kausap si Archie. Hindi ko pa rin nakekwento sa kanila si Archie, but I am sure alam naman nilang hindi ako seryoso. Mabuti na lang at hindi na sila nagtatanong.

"Ikaw, bakit hindi ka nagpaparamdam sa gc?"

"Kausap ko lagi si Archie," Tamad kong sagot at naramdaman na nag-vibrate ang cellphone ko.

I checked the replies on my ig story pero si Archie ang pinaka-umagaw ng atensiyon ko.

Archie:

Miss na kita sobra.

Ako:

Malandi ka!

Archie:

Sa'yo lang haha.

I bit my lowerlip to stop myself from smiling.

"You look happy, Gil."

Umayos ako sa pagkakaupo at binalingan si Sabrina. Kumunot ang noo ko sa bigla niyang sinabi. She smiled genuinely.

"Gusto ko na lang na seryoso kayong dalawa para lagi kang ganiyan."

"We're not serious-"

"Yeah. But you're happy, aren't you?"

Tinitigan ko lang si Sabrina. Dahan dahan akong tumango.

"Tara na, pasok na tayo." Aya niya sa akin at sabay kaming bumalik sa classroom.

Tinanong niya ako tungkol sa kung kailan ulit ako uuwi pero sinabi ko na lang na hindi pa. Wala muna akong balak umuwi. Pagkatapos ng sagutan na iyon sa aking magulang ay pakiramdam ko hindi ko sila kayang harapin pa.

Naghiwa-hiwalay kami nila Sabrina sa oval dahil may sari-sarili silang lakad pa. Samantalang ako ay diretso uwi na. Nagbabalak rin ako pumunta pala sa pure gold sa Mendez para makapag-grocery. Kinuha ko ang cellphone ko at chinat si Audrey kung nakauwi na. Sabi niya ay 'oo' kaya hindi ko rin siya maaaya na samahan ako.

Gusto ko sanang tanungin si Archie kaso abala naman 'yon. Ngumuso ako at nagpatuloy sa labas. Inilabas ko ang cellphone ko at tumambay saglit sa labas ng Admin. Pinindot ko ang profile ni Geraldine dahil may story siya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na picture iyon ni Archie na nakatalikod at may nakalagay na 'Surprise u later'.

I exited the app and I got pissed suddenly. Edi wow sa kanila.

Akala ko at dadalhin ako ng mga paa ko palabas ng University pero may sarili ata silang pagiisip at dinala ako sa department ng Med-tech. Nakatayo lang ako doon habang ang langit ay nagiging kulay kahel na. Iilan na lang din ang estudyante roon pero pansin ko ang isang kumpulan sa second floor. Naglakad ako hanggang doon at rinig na rinig ko ang iritan at ingay ng mga estudyante.

Ano meron? Akala ko ba at seryoso mga tao dito?

May nakapansin sa aking lalaki at nginitian ako. I smiled back before I proceeded to the loud crowd.

"Oh my!"

"Ano 'yan?"

"Surprise ni Geraldine for Archie. Defended daw ni Geraldine ang research niya dahil tinulungan ni Archie."

Halos mawindang ako sa mga narinig ko sa mga babae. Sabay sabay nila akong nilingon at nanlaki ang mga mata nang mamukhaan ako. Umalis sila sa tabi ko at hindi ko alam kung saan sila pumunta. Pinilit kong isiksik ang sarili hanggang sa makarating ako sa unahan pero natatakluban pa rin ng ilang matatangkad na estudyante.

"Thank you for helping me, Archie." Geraldine said and handed a box towards Archie.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya na para bang hindi siya natutuwa. Sumabog ang confetti at ilang lobo ay lumipad papunta sa kanila. Natawa si Archie nang itulak siya palapit kay Geraldine. I saw his hand draped over Geraldine shoulders. Nag-iritan ang mga tao pero hindi ko nagawang makisaya. Nakita ko ang pag-ambang pagatras niya sana sa harap ni Geraldine pero niyakap siya ng babae. The crowd cheers louder and I get pissed more.

Ang corny ninyo!

Tumalikod na ako at diretsong umalis doon. Mabilis ang lakad ko paalis ng department nila at naabutan pa ako ng dilim dahil ang layo layo no'n sa gate ng school. Nang nakalabas na ako ay saka lang ata ako ulit natauhan.

Inirap ko ang bahagyang panluluha ng mga mata ko. Naiinis kasi ako kaya ganito.

Hate surprises pala, ha. Tangina mo, Geraldine.

Hindi ako bobo at mas lalong hindi ako tanga. That girl likes Archie. Nagawa pang isurpresa pagkatapos sabihin sa akin na hindi hilig iyon ni Archie. Bakit kasi ako naniniwala sa pangit na 'yon. Nakakauma.

"Sana mag-FO kayo!" Inis kong sambit at sinipa ang batong nadaanan ko. Tumama 'yon sa isang lalaki na hindi ako pamilyar kaya nagtatakbo ako.

Ang dilim na kasi dito dahil hanggang ngayon ay hindi bukas ang lamp post. Hinihingal tuloy akong nakarating sa tapat ng condo building. Hindi ko na rin tuloy natuloy ang planong mag-grocery dahil sa bwisit na mga 'yon.

Naglinis ako ng katawan at nagluto ng hapunan ko. Hinihiwa ko na ang sibuyas nang masugatan ako dahil sa kutsilyo.

"Ang bobo amputa." Bulong ko sa sarili at agad hinugusan ang daliri sa gripo.

Natulala ako habang inaalala ang nakita kanina. Baka naman ayaw talaga ni Archie pero dahil sobrang close sila ni Geraldine, okay lang sa kaniya. Teka, bakit ba parang iniisip ko na mabuti ang intensiyon sa akin ni Geraldine? Lowkey naninira naman siya ng relasyon. Umirap ako at pinunasan ng tuwalya ang kamay ko at nagpatuloy sa pagluluto.

"Pakialam ko sa kanila. Maghalikan pa sila doon, e." Sabi ko habang ginigisa ang bawang at sibuyas.

Hindi ko alam pero wala ako sa sarili nang kumain ako. Ni hindi ko nagawang i-enjoy ang niluto kong adobo dahil pakiramdam ko ay nawawalan ako ng gana. Umupo ako sa mat at nag-memorize na. Tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Archie pero hindi ko sinasagot.

My heart is heavy and my mind is clouded with the image of them earlier. Gusto kong kalimutan pero hindi ko magawa. Pinukpok ko ang sariling ulo dahil naiinis na ako. At kapag naiinis ako, ibigsabihin kasunod noon ay ang iyak ko. Pinalis ko ang luha ko ng marahas sa aking pisngi.

Dapat hindi ako naiinis. Dapat ayos lang sa'kin 'yon.

Pero girlfriend ako! Nakakawalang respeto naman...

Bumuntong hininga ako at umiling na lang. We both agreed that this is just a play. We are not obligated to make us feel that we are just for each other. We are free to be with anyone... and do anything without each other consent. This is how a play works... no feelings attached.

"Bahala siya." I tried to convince myself to stop myself from being irritated.

I turned my phone silent dahil ayaw ko talagang sagutin ang tawag niya. He messaged me at iyon lang ang binuksan ko.

@archibaldbenj

Bakit hindi ka nasagot?

@archibaldbenj

Bakit hindi ka nagre-reply?

Umirap lang ako at ibabato na sana ang cellphone nang mag-vibrate na naman para sa message niya.

@archibaldbenj

Attitude ka, Gillian? Replyan mo 'ko.

"Ulo mo,"

Ngumuso ako at inignora ang tawag ni Archie. Magbabasa na sana ako nang kinuha ko ang cellphone ko at nagreply sa kaniya.

@gillian_

Hindi mo naman ako sinusuyo.

@archibaldbenj

The fuck, Gil?

@gillian_

Fuck mo ulo mo!

@archibaldbenj

Anong problema mo?

@gillian_

Wala naman. Ikaw lang high blood diyan.

Alangan naman kasing sabihin ko sa kaniya na nakita kitang sinurpresa kanina. Naiinis na naman ako, pota. Gusto ko na lang tanggalan ng buhok si Geraldine. But that sounds creep, so no. Bahala na lang talaga sila.

@archibaldbenj

Answer my call.

@gillian_

Ayoko.

@archibaldbenj

Really, Gil?

@gillian_

Really.

@archibaldbenj

Sagutin mo.

@gillian_

Inuutusan mo ba ako?

@archibaldbenj

Please, Gil. Mag-aaral pa ako.

@gillian_

Edi mag-aral ka!

@archibaldbenj

Sabay tayo. Kaya bilisan mo.

Natigil ako sa reply niya. Parang nasanay na siyang lagi kaming sabay mag-aral. I felt a different thing hovering inside my chest and I don't like it. Ayokong... masanay.

@gillian_

Ayaw.

@archibaldbenj

Attitude.

Tumunog ang cellphone ko sa tawag niya. Ayoko sanang sagutin kaso ang maisip na hindi siya mag-aaral at tatawag lang ng tatawag sa akin ay nakaka-konsensiya. Kung busy ako, mas busy siya. So in the end, I decided to answer it but I didn't greet him. I heard him sighed but I ignored it. Tahimik lang kaming nag-aaral at hindi nag-uusap.

Alas dies y media nang inantok na ako at ganoon rin siya. Pinatay ko ang tawag at pumunta sa kwarto. Hindi pa ako natulog ng tuluyan dahil gusto kong asarin si Archie.

Gaganti muna ako bago matapos ang araw na 'to.

I tweeted 'Single'. I waited for a few minutes before I saw Archie's reply.

@archibaldbenj

Delete mo 'to.

Tumawa ako at umikot sa kama. Magdadagdag sana pa ako ng tweet na naghahanap ako ng boyfriend nang maka-receive ako ng dm from him.

@archibaldbenj

Delete that fucking tweet, Gillian.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top