#TWP08

Entry 08

"Final decision na EK? Ayaw mo mag-Hotel?"

Binalingan ako ni Archie nang nakakunot ang noo at isang beses pinasadahan ng tingin ang suot ko. Tinawanan ko siya at hinarap. Umiling lang siya bago magsimulang mag-maneho.

"Oy, sure ka na talaga?" Kulit ko sa kaniya dahil hindi niya naman ako sinagot.

Isang beses niya akong sinulyapan. I even saw him swallowing hard kaya humagalpak ako ng tawa. Nang matigil ako ay pinakailamanan ko na lang ang cellphone niya at kinonek sa stereo.

"Parang kanina ayaw mong makita na naghuhubad ako." Finally, he spoke!

Binalingan ko siya. Nakita kong nakangiti siya habang nakatuon ang atensiyon sa harapan. Nagkibit balikat na lang ako bilang sagot. Niloloko ko lang naman siya, e.

"But we can do something else in a hotel."

"Like what?"

"Kumain," He lazily drawled.

Gusto kong umirap pero hindi ko napigilan at natawa ako. "At anong klaseng kain 'yan, Archie?"

Kumunot na naman ang noo niya at sinulyapan ako nang naipit kami sa traffic. I wiggled my eyebrows and waited for his reply.

"Food-"

"Pagkain ka rin naman-"

"'Yong totoong pagkain, Gillian."

I bit my lower lip to stop myself from laughing. Tumango na lang ako at isinandal na ulit ang likod sa upuan. Tuluyan ko nang pinindot ang playlist niya at pumili ng isang maingay na kanta. Sinabayan ko pa 'yon dahil tumahimik na si Archie, seryoso na lang sa pagmamaneho.

"Nga pala, I can't find a dark blue kaya, sky blue na lang sinuot ko." I said pertaining to my clothes.

I am wearing a channel sky blue croptop and a black wide leg pants. Tapos siya naman ay naka-hoodie na kulay dark blue at isang itim na shorts. Ngumiti ako ng malapad dahil para talaga kaming couple kasi parehas kami ng porma.

"That's okay. Para hindi tayo mukhang minion." Aniya.

"Minion! Kulay dilaw 'yon, hindi blue!" Dadagdag sana ako ng 'bobo' kaso baka kainin ko lang ang sabihin ko.

"I know,"

Halos manlaki ang butas ng ilong ko dahil hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating sa minions. Ako ata ang bobo sa'ming dalawa.

"White sneakers. Gayang gaya natin isa't-isa, ah." Dagdag ko nang bumaba ang tingin ko sa paa niya ay nakaputing nike sneakers siya.

Yayamanin talaga 'to, alam ko limited edition ang isang 'to, e. Binilhan ni Audrey dati si Kuya Andre ng ganiyan at girl, sobrang mahal. Mas mahal pa ata 'yon sa buhay ko.

"So there's no room for your couple shirts." Asik niya sa akin kaya nag-make face ako.

"Cute kaya ng couple shirts,"

He's flashing an amusing smile when he looked at me. Tumingin ako sa labas at nasa Tagaytay na kami. Mga isang oras na byahe pa bago kami makarating ng Laguna.

"Gustong gusto mo talaga ng couple shirts, 'no?"

"Hindi naman. Naisip ko lang."

Napansin ko lang kasi na lagi kami parehas ng suot kaya inasar ko siyang mag-couple shirts. But, duh, that is not my thing. Couple shirt pa, maghihiwalay rin naman.

"Have you ever experienced to wear one?"

"With a partner?" Tanong niya kaya napairap ako.

"Malamang. Bobo ka, Archie?"

Humalakhak siya at hindi ko alam kung anong meron sa tawa niya at nahahawa ako. Halos makalimutan kong hindi okay ang pakiramdam ko dahil sa pag-uusap namin.

Pumungay ang mga mata ko at nagiwas ng tingin. Tahimik kong minanipula ang cellphone niya. Maybe... I just really need a company to eliminate myself from stressing out and over thinking. A company from someone who don't know a thing about me.

"No. I never tried it."

"Lungkot naman ng buhay mo." Wow, nagsalita.

"Bakit? You ever tried?"

Tumango ako. Noong high school ako, usong uso 'yon. At saka wala namang problema sa ganoon, bukod lang sa nakakasira ng porma. Hindi na umimik si Archie kaya naman binalingan ko ulit siya. I can see that he's gritting his teeth. Bumagsak ang mata ko sa kamay niyang hawak ang manibela at nakita ang ugat doon. Sayang, dapat nag-shirt na lang siya para kita ang muscles sa braso.

Hindi na ulit kami nag-usap. Kumanta na lang ako ng kumanta hanggang sa inantok ako. Nagising lang ako nang tinawag ako ni Archie. Nasa labas na siya at nasa gilid ko, bukas ang pintuan ng kotse.

"Teka lang," I said and get my mirror in my bag.

Chineck ko muna kung maayos ba ang hitsura ko bago ako lumabas. Hinawakan ni Archie ang kamay ko at hindi na ako nag-reklamo dahil abala ako sa pagtingin sa paligid. Hindi masyadong marami ang tao ngayon kumpara kung holiday season. Ayos din, hindi magulo at pahirapang sumakay ng rides. Pero the hell, I won't ride anything!

Pumila kami para makabili ng ticket. Gusto ko sanang magbayad ng sarili ko kaso ayaw naman ni Archie. Hinayaan ko na siya dahil marami naman 'tong pera. Pumasok kami sa loob at sa ilang babaeng nakakasalubong namin, ni walang lumagpas na hindi nila tinignan ang kasama ko.

Binalingan ko ang kasama ko na oblivious sa paligid niya dahil abala siya sa pagtanaw sa maaari naming sakyan. Ngumiwi ako at hinila siya dahil nauuna siyang maglakad. Tumigil siya at nilingon ako, hinintay ako bago kami ulit nagpatuloy. Inirapan ko ang isang grupo ng magkakaibigan na sabay sabay kinilig kay Archie.

Dukutin ko mga mata ninyo, e!

Naramdaman ko ang bahagyang paghila sa akin ni Archie kaya tiningala ko siya. Naabutan ko ang nakakaloko niyang ngisi bago siya umiling. Inakbayan niya ako, pinipigilan ang ulo ko na lumingon sa iba.

"You look like you're ready to kill." Natatawa niyang sambit kaya umirap ako.

"Those girls are looking at you like it's their first step in Earth. Mukha silang alien na first time makakita ng tao!" I ranted and crossed my arms in my chest.

"Ayaw mo na lang sabihin na first time nila makakita ng gwapong tulad ko."

Umarte akong nauubo kaya naman hinigpitan ni Archie ang akbay sa akin. Ako naman ngayon ang tumawa.

"Hanging habagat, mahabag! Cuties din naman 'yong kasama nilang mga lalaki. Tsk."

May hitsura naman mga kasama nilang lalaki tapos gusto pang nakawan ng tingin 'tong boyfriend ko.

"Sino do'n?" Tanong niya ng seryoso.

"Ewan ko. Lahat?"

"Tss. Wala silang kasamang gwapo kaya nakatingin sila sa'kin."

"Napaka-yabang mo talaga, Trinidad! Meron sabi, e. 'Yong naka-tribal shirt-"

"Mukhang unggoy na hindi napapakain ng kuto."

"Ang sama pa ng ugali. Wow, grabe." Umiling iling ako na para bang hindi ako makapaniwala.

"You like that guy?"

"Hindi. Mukhang bata."

Hindi na siya sumagot at hinayaan ko na. Dumiretso kami sa isang pila na hindi ako pamilyar na ride at nang marinig ko na EKstreme Tower ang sasakyan namin ay agad kong hinila palayo doon si Archie.

"What?" Nagtataka niyang tanong dahil bigla ko siyang hinila.

Plastic akong ngumiti at umiling. Hindi ako nagsalita na ayaw ko roon. Ang totoo kasi niyan, hindi ako madalas pumupunta dito dahil ayoko sa rides. Sabi nila masaya 'yon, pero parang tanga naman kasi iirit ng iirit kapag nakasakay na. Kaya, no thanks.

"Ayaw mo ba do'n?" Tanong niya na hindi ko sinagot.

Pinilit ko siyang hinila kahit ang laki niyang tao. Kalaunan ay nagpadala na siya sa akin. Dinala ko siya sa Food Kiosks.

"Are you hungry? Hindi ka pa kumain?"

Kumain naman ako pero para makatakas sa rides na 'yan, tumango ako sa kaniya. He's the one who ordered for us and I waited in the table. Binuksan ko ang cellphone ko para sana makapag-selfie nang mapansin ko ang app na Tiktok. Ngumisi ako nang may maisip para mas ma-delay ang pagsakay namin.

"Here." Archie put my sisig and rice in the table.

Tinignan ko ang kaniya at umorder siya ng barbecue with corn. Tinanong ko siya kung magkano kaso hindi niya sinabi. Mahal kaya ng pagkain dito sa loob. Kapag kasama ko mga kaibigan ko dito, hindi sila bumibili. Mga kuripot kahit may pambili. Practicality daw tawag do'n.

Nagsimula kaming kumain at hindi ko maiwasang mamangha dahil ang sarap talaga ng sisig.

"Ang sarap nito, Archie." Hindi ko na napigilan at naisatinig ko.

Kumuha ako ng isang kutsara at nilagay sa pinggan niya. Nginitian ko siya. "Try mo,"

Tumango siya bago tinikman. Hinintay ko ang reaksiyon niya at tumango lang. Ngumuso ako kasi parang hindi naman siya nasarapan.

"Hindi ka siguro mahilig sa Filipino food, 'no?"

"Mahilig. Pero hindi ko hilig 'to."

Tumango ako bago nagpatuloy sa pagkain.

"Gusto mo nito?" He asked kaya naman tinignan ko ulit siya.

Hindi siya nakatingin sa'kin, nasa hinihiwang barbecue niya siya nakatingin. Hindi pa ako nakakasagot ay nilagyan niya na ang pinggan ko ng ulam niya.

"Try it. Masarap din,"

"Parang ikaw?" Tanong ko na hindi ko na hinintay ang reaksiyon niya at tinikman na ang barbecue.

Natapos kaming kumain at inaya ko pa siya sa isang food kiosk para bumili ng favourite drink ko.

"Lakad muna tayo. Busog pa ako, e." Totoo 'yon pero medyo hindi rin kasi ayaw ko lang talagang sumakay.

Tumango naman siya kaya tuwang tuwa ako. We took pictures together.

"Puro selfie! Ang pangit sa instagram nito." Reklamo ko at naghanap ng pwedeng kumuha ng litrato namin.

Nilapitan ko ang isang lalaki na may camera na hawak at nakiusap kung pwede niya kaming kuhanan. Syempre, dapat doon tayo sa pro para maganda feed natin.

"Sure," Anito nang nakangiti.

"Thank you!" Ngumiti rin ako sa kaniya at inabot ang cellphone ko.

Bumalik ako kay Archie at naabutang nagkaka-salubong na ang mga kilay.

"Pose tayo, dali." Sabi ko sa kaniya at hinila siya palapit sa gitna ng Brooklyn Place.

Hinawakan ni Archie ang baywang ko at pumwesto naman ako sa tabi niya. We posed a lot at nakikita ko kung paano chine-check noong lalaki 'yong pictures namin. For the last shot, nag-wacky kami. Tumingala pa ako kay Archie at nilabas ang dila ko, samantalang siya ay nakangisi.

"Thank you ulit." Sabi ko sa lalaki habang kinukuha ang cellphone ko.

"Pwede ba mag-request? Ang cute ninyo kasing tignan, I'll upload this on my blog. Pwede ko ba kayong kuhanan ng litrato?" Nakangiti nitong tanong.

Pumayag naman ako dahil nakakahiya namang tumanggi pagkatapos naming maki-usap sa kaniya. Pumwesto ulit kami at ngayon ako naman ang nagpulupot ng kamay sa baywang ni Archie. He draped his arms over my shoulder and we smiled.

"Pwede bang 'yong candid?" Request ng photographer.

Kinurot ko ang pisngi ni Archie at ginulo niya naman ang buhok ko. Tinignan ko ang picture namin at gusto ko sanang magpapasa kasi ang cute namin doon ni Archie. The guy asked for our facebook account at ise-send niya daw sa'min.

Pagkatapos sa Brooklyn Place ay inaya ko naman si Archie sa Portabello. Binuksan ko ang Tiktok app ko at pinakita kay Archie ang gagawin niya.

"Ayoko niyan." Sabi niya agad habang pinapakita ko sa kaniya ang isang video.

Sumimangot ako dahil ang cute kaya. Pang-couple 'yong video.

"Dali na. Kj nito." Pagpupumilit ko at nagawa ko pang hilahin ang hood ng suot niya.

"I don't want that-"

"Tatayo ka lang naman, ah! Anong mahirap do'n?"

Hindi niya ako inimik. Tinignan niya lang ako at dahil ayaw kong magpatalo, nakipagtitigan ako pabalik sa kaniya. Bumuntong hininga siya at dumikit sa akin. Pumalakpak ako at tinuro sa kaniya kung paano ang gagawin. Hindi naman mahirap 'to, literal na tatayo lang talaga siya at magpapa-cool. Naisip ko 'to kasi ang cool ng outfit namin together.

"Nalaman ko lang 'to kay Denzel." I said while manipulating the app.

"Denzel?"

"Oo. Friend ko."

"Is he a boy?"

"Malamang. Denzel nga, e." Umirap ako bago ko siya binalingan.

Nagsasalubong na naman ang mga kilay niya kaya nilapitan ko ulit siya at tinuro ang cellphone sa harap namin. Pinatong ko lang dito at sana hindi malaglag.

"Lalaking may pusong babae." Dagdag ko.

Nakita ko kung paano ang hitsura niya ay guminhawa pagkatapos kong sabihin iyon. Ngumiwi ako dahil ang weirdo nito minsan.

"Let's go. Dito ka." Hinigit ko siya palapit sa akin at sinabihan siya na mag-ready. Pinindot ko ang red button at nakailang try kami dahil ang hirap turuan ni Archie.

"Walanjo naman, isa lang ata mashu-shoot natin ngayon." I glared at him but he only shrugged.

"Ayusin mo." Banta ko sa kaniya na mukhang hindi niya pinakinggan dahil tatlong try pa ulit bago ako na-satisfied.

Ngumiti ako at pinanood ang video. Noong una ay seryoso kaming dalawa tapos biglang ngumisi.

"We're cute," I commented while typing my caption for this.

With bebe. Then Posting na.

"We're good together." Bulong niya. Tumango ako dahil bagay talaga kami. Ganda ko kaya.

"Pasalamat ka, maganda ako."

"Gwapo naman ako."

Umiling ako at tumawa. Hinarap ko sa kaniya ang cellphone ko nang ma-post na. I felt my phone vibrating kaya tinignan ko rin. Wala pang one minute pero binaha na ng hearts and comments ang video namin. Tinago ko na ang cellphone ko at inaya sa iba si Archie.

"Sa iba naman." Humawak ako sa braso niya at tinuro ang hindi kalayuang Grande rio para makapag-picture ulit kami kaso sa iba kami dumaan.

"Sasakay na tayo." Aniya na nagpabilog sa mga mata ko.

"No!"

Binalingan niya ako at nginisian. "Akala mo hindi ko napapansin? Kanina mo pa ako dini-distract diyan sa mga picture picture mo."

Sumimangot ako sa kaniya at nagpaawa pero tinawanan niya lang ako. Hinila niya ako at gusto kong magwala nang dumiretso kami sa Anchor's Away. I love ships, but not this kind of ship!

Minamalas ata ako ngayon dahil walang pila at kami na ang huling sasakay. Kaya naman habang nakaupo ay halos yumakap ako kay Archie dahil natatakot ako. Nawalan ata ako ng oxygen dahil hindi natatapos ang sigaw ko.

"Tangina mo." Sabi ko habang hinahabol pa rin ang hininga ko.

Pagkababa kasi namin ay tinawanan niya ako. Hinuli niya ang kamay ko at hinila.

"You didn't enjoy-"

"How the fuck I will? Gago ka, Archie?" Galit kong sigaw sa kaniya at hinampas ang tagiliran niya.

Nagpatuloy siya sa pagtawa at hindi man lang ininda ang sakit ng hampas ko.

"Mukha nga. Nakapikit ka habang umaandar, e"

"Ha-ha. Funny." I said sarcastically.

We tried the extreme rides here in the Enchanted Kingdom except for the Log Jams because we didn't bring extra clothes. At kada baba namin sa rides, minumura ko si Archie dahil talagang hindi ko nae-enjoy. We ate our lunch and we continue riding— kahit labag sa loob ko. Pero kalaunan ay medyo naging kalmado na ako. Sumakay pa kami sa Rio Grande na na-enjoy ko ng sobra.

"Congrats," Asar niya sa akin dahil nagtatalon ako pagbaba. I didn't expected that I will enjoy it. Gusto ko pa sana kaso may ilan pang rides na gusto niyang i-try.

It's already dark when we decided to ride the Ferris Wheel. Nilingon ko si Archie at naabutan kong hawak niya ang cellphone. Kumunot ang noo ko at titignan sana kaso pinigilan niya ako.

"I'm taking a video of you." Aniya at hindi inaalis ang tingin sa cellphone.

Ngumiti ako at nag-pose. I peace sign, pouted, and winked. Tumawa siya at ilang saglit kaming gano'n hanggang sa makarating kami sa ferris wheel. Hindi kami nagtabi ni Archie, nasa harap ko siya. Nang nasa tuktok na kami ay bumaba ang tingin ko sa labas. I saw the city lights of Laguna and I can't help but mesmerise. If there is one thing I would love to stare at for a lifetime, it will be the city lights. Ewan ko, ang ganda kasi nila sa mata. Parang nakakapayapa ng pagiisip kapag pinagmamasdan mo.

"You want to be a flight attendant?"

Binalingan ko si Archie at naabutang nakatitig sa akin. Grabe, out of the blue ang pagtatanong niya, ha.

"No. Cruise ship stewardess." Sagot ko.

"Oh." Tumango siya pero hindi pa rin pinutol ang titig sa akin.

Ngumiti ako. "Pero feeling ko hindi ko rin naman matutupad."

"Bakit?"

Nagkibit balikat ako. Umiwas ako ng tingin at muling pinagmasdan ang nagkikinangang ilaw ng Laguna.

"I don't know. Feeling ko lang."

"Don't you believe in yourself?" He asked that made me look at him again.

Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ako sigurado kung sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo. Kumirot ang puso ko nang maalala na walang nakakaalam ng plano at totoong nararamdaman ko. Minsan mahirap ng sarilihin. Malungkot akong ngumiti bago nagsalita.

"Honestly, no."

I chose Tourism because I am dreaming to work in a cruise ship one day. Mahal na mahal ko ang barko at karagatan. Gusto ko ring makasalamuha ng maraming tao at magsilbi sa loob ng barko. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging pangarap ko gayong Professor at businessman ang mga magulang ko. Minsan iniisip ko na ayaw nila sa kinuha kong course kaya sila ganoon sa'kin, pero lolokohin ko lang ata ang sarili ko. Kahit ano mang kunin ko, hindi nila papakailamanan.

I am kinda lucky for that because no one can control or interferes my plans but me.

Ang sarap mangarap, pero sa tuwing tinatamaan ako ng kaisipan na hindi ko kaya, na mukhang imposible... sa tuwing nakikita ko ang ibang tao na mas magaling sa'kin... feeling ko nasa maling daan ako. Parang nagiging saling ketket ako kasi wala naman akong mapatunayan. Parang ang hirap abutin ng pangarap ko kasi parang hindi sa'kin. Parang nakalaan siya sa ibang tao pero inaagaw ko. But I can't steal what's not mine, and I'm scared that if one day, I'll found out that this path is really not for me.

Dahil dito lang ako masaya. Dahil sa pagbabarko ko lang nakikita ang sarili ko sa hinaharap. Kung hindi doon, hindi ko alam kung saan pa.

"Then why are you still pursuing tourism?"

"Waiting for a miracle to happen?" I chuckled to hide my real feelings.

Kapag pangarap ko na ang pinag-uusapan, nagiging emotional talaga ako. Ang drama ko naman, kainis.

"Then you're still believing." Aniya sa malumanay na boses at ngumiti sa akin.

Kumunot ang noo ko sa narinig mula sa kaniya. "Huh?"

"You lowkey trust that your dreams are for you."

Tumigil ang ikot ng ferris wheel at sa pagtanaw ko sa labas, nasa baba na pala kami. Bumukas ito at agad kaming tumayo. Ni hindi ko napansing umaandar iyon dahil sa usapan namin. Nilamig agad ako pagbaba dahil gabi na. I felt Archie's hand stealing the spaces between my fingers. Nilingon ko siya at naabutang nakangiti sa akin.

"Last picture before we go home?"

Masaya akong tumango at pumwesto kami sa tapat ng Rio Grande. Nakisuyo ako sa isang babae na kuhanan kami at nang makita ang litrato ay natuwa ako. It looks aesthetic, pwedeng pang-pinterest pero hindi ko gagawin 'yon.

Dumaan muna kami sa Shakey's para mag-hapunan dahil nakakagutom ang pag-iikot at ang pag-sigaw. Pinilit ko siya na ako ang magbabayad no'ng nasa counter na kami pero tinatakpan niya ang mga mata ko ng kamay niya kaya naman inaaway ko siya. Natapos na lang siya magbayad at naiinis pa rin ako.

Simangot ako sa tabi niya habang naglalakad pabalik sa sasakyan niya nang mapansin ko ang dalawang batang pulubi. Tumigil ako at pinanood ang dalawang bata na nakaupo at naglalaro. Nilingon ako ni Archie at nagtataka akong pinagmasdan.

Nginuso ko sa kaniya ang dalawang bata sa hagdanan.

"If life ain't unfair, tingin ko, hindi magiging mabuti ang tao." I said randomly while watching the two kids in their dirty clothes.

"Suddenly?" Natatawa at naguguluhan niyang tanong.

Hindi ko siya pinansin at pinanatili ang panonood sa dalawang bata.

"What do you mean?" Now he asked seriously.

"I grew up having silver spoon in my mouth. Kung hindi ko nalaman na may mahirap sa mundo, na may mga taong hindi kagaya ng estado ko, feeling ko hindi ko maiintindihan ang tunay na ibigsabihin ng awa at kabutihan."

Mapait akong napangiti nang may natanto. Here are the people who see the world in a very unfortunate way, while the priveleged me doubts her ownself. The irony.

"You're weird,"

Lumipat ang tingin ko sa kaniya. "Hindi, ah! Ang akin lang, 'yong mga nakakaangat sa buhay dapat tinutulungan ang mga mahihirap! It still seems unfair, but that's the way of above to show us what kindness really is."

Dahil sa tuwing nakakakita ako ng ganito, pakiramdam ko ang selfish ko kasi hindi ko magawang masiyahan at makuntento sa kung anong meron ako. I still always asked for attention and many more because I feel so unsatisfied. While the kids here... masaya sa maliit na bagay na maiibigay sa kanila.

"Religious ka pala." Asar sa'kin ni Archie kaya inirapan ko siya.

"Ewan ko sa'yo, Archie!"

Kumuha ako ng dalawang libo sa pitaka ko at lumapit sa dalawang bata. Sabay nila akong tiningala at ngumiti pa. Ngumiti ako pabalik sa kanila bago inilahad ang pera sa kanila.

"Marami kayong mabibili diyan. Ibili ninyo ng pagkain, ha."

Namilog ang mga mata nila habang pinagmamasdan at hinahawakan ang tig-isang libo sa kanilang kamay.

"Hala kulay asul! Isang libo!" Maligaya nilang sambit.

"Salamat po!" Sigaw nila sa akin at mabilis na nagtatakbo. Nakita ko silang pumasok sa isang convenience store.

May humawak sa aking puso at naiiyak na naman ako. Ngumiti ako at kinusot ang mga mata. Naramdaman ko ang presensiya ni Archie sa likod ko kaya nilingon ko siya. He's sporting his stoic expression and that's very rare to see.

"Tara na. Uwi na tayo." Aya ko sa kaniya at nauna nang maglakad.

Pumasok ako sa sasakyan niya at nagsimula na kami sa byahe. Traffic ngayon dahil rush hour. Tinignan ko ang side mirror at nakita na ang daming sasakyan sa likod. Nilingon ko si Archie na effortless na gwapo sa side profile niya. Paano pa kaya kapag humarap na, pak!

Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan siya ng litrato. Ang ganda kasi may pa-ilaw effect galing sa ilaw ng mga sasakyan sa labas. Nilingon niya ako at kumunot ang noo nang makita na nakatapat sa kaniya ang cellphone ko. Tinago ko kaagad at hilaw na ngumiti.

Isinandal ko ang ulo ko sa bintana ng sasakyan niya at pinanood ang harapan. Mga ilaw na nagsasama-sama dahil sa traffic. I took a picture of the traffic lights and posted it on my ig story with a caption "Stuck with you."

"I read a post in facebook. Sabi, The best way to help yourself is to help someone else, naniniwala ka ba?" I randomly thought again.

"I don't even get it." Honest niyang sagot kaya halos umikot ang mga mata ko. Hindi man lang nagkunwari na nag-iisip siya.

"Akala ko ba matalino ka? O kulang ka lang sa wisdom?" I teased but he didn't buy it. Hindi siya umimik at hindi ko rin naman inisip pang balingan siya para makita ang reaksiyon niya.

"Ibigsabihin, you feel a different kind of joy when helping someone." I explained and remembered the face of the two kids.

"Is that you, Gillian?" Nahimigan ko ang pagkakabigla sa tono ni Archie kaya tinignan ko na siya.

"Oy gago ka, ah. Mukha ba akong demonyo sa paningin mo?"

Pagod siyang ngumiti at umiling. "No. You look like a fallen angel."

"Thanks."

"... that has a lot of flaws." He added.

Umawang ang labi ko para sa salita pero inilipat niya na ang tingin sa harapan at nagmaneho. Hindi ko naalis ang titig sa mukha niya dahil para sa'kin... parang iba ang ibigsabihin no'n.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top