#TWP06

Entry 06

"Tara na," Bulong ni Archie kaya tumango ako at tumayo na.

Ilang minuto rin kaming nakatambay dito at kapwa tahimik. Ni hindi man lang kami nag-asaran kaya nakakapanibago. I stretched my arms and even bended a bit to touch my feet. Tumalon talon pa ako bago sinulyapan si Archie na nanatiling nakaupo at nanonood sa akin.

"Sabi mo tara na tapos nakaupo ka pa rin." Sabi ko sa kaniya.

He stood and suddenly I need to lift my gaze to meet his eyes. Matangkad talaga siya, hanggang balikat niya lang ako. Yumuko siya ng bahagya para makita ako at dahil ayaw ko nang makipagtitigan, nauna na akong lumabas sa kaniya. Nakita kong naka-park na ang sasakyan niya sa harap ng gymnasium kaya nang pinatunog niya ay agad na akong pumasok.

"Maglalakad pa ba tayo?" Tanong ko sa kaniya at binalingan siya pagkatapos kong ayusin ang seatbelt.

Mabilis niya akong sinulyapan bago nagsimulang magmaneho.

"Gusto mo ba? Hindi na ba masakit paa mo?"

"Hindi naman talaga 'to masakit. Ang O.A mo lang na inisip mong nabalian ako ng buto!"

"Hindi ko naman inisip na nabalian ka ng buto."

Inirapan ko siya at narinig ko na naman ang nakakaloko niyang tawa. I crossed my arms on my chest and just let my eyes watched the outside.

"Palibhasa doctor ka lang diyan, e." Umirap ako nang mag-echo na naman ang boses ni Geraldine.

Hindi siya umimik kaya hindi ko na natiis at binalingan siya. Nakangisi siya habang nagmamaneho. Hindi pa naman masyadong madilim kaya kita ko pa rin ng malinaw ang mukha niya.

"Hindi pa ako doctor."

"Magiging doctor ka rin!"

"I know,"

"Yabang." Bulong ko at hindi na siya ulit pinansin.

Tumigil kami sa shed at agad akong bumaba. Hinintay ko si Archie na makalapit sa akin bago kami nagsimulang maglakad ulit. Hindi naman ganoon kalayo ang condo building ko kaso sa tuwing kasama ko 'tong lalaking 'to feeling ko naglalakad kami sa buwan. Inaabot tuloy kami ng dilim kagaya ngayon. Tumingala ako at nakita ang kalahating bahagi ng buwan. Bumagsak ulit ang tingin ko at naglakad na lang.

"Ilang taon ka na sa birthday mo?" Tahimik kasi namin parehas kaya tinanong ko na.

"20," tipid niyang sagot kaya tumango ulit ako.

19 pa lang ako. Malamang, mas matanda naman siya sa akin ng isang taon. Muli ay nabalot kami sa katahimikan at hindi ako sanay dahil walang pumapasok na pang-aasar sa utak ko ngayon. Ipinasok ko sa loob ng hoodie pocket ko ang kamay ko at patagilid na hinarap si Archie. Binalingan niya ako at kumunot ang noo nang mapansin ang ayos ng paglalakad ko.

Tumigil siya kaya tumigil rin ako. "Maa-aksidente ka kung ganiyan ka maglakad," Aniya kaya napanguso ako.

"Nandiyan ka naman para iligtas ako kaya okay lang 'to." I winked at him and pull him to continue walking.

Umiling lang siya at walang nagawa dahil nagsimula na ulit akong dumaldal sa kaniya. Kung ano ano lang ang sinasabi ko na ginagantihan niya naman kaya tawa ako ng tawa. I even saw him smirking when I teased him with my dance move.

"You're not a good dancer, Gillian." Natatawa niyang sambit kaya hinampas ko ang braso niya.

"Ang sama mo, ha! Hindi mo man lang masuportahan ang girlfriend mo." Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagsasayaw kahit wala namang tugtog.

I even raised my arms and acted like I am in the party. Ibinaba iyon ni Archie at inakbayan ako. Pinilit kong humiwalay kaya naman nang nagtagumpay ako ay inilabas ko ang dila ko para asarin siya. Mas lalo siyang tumawa sa ginawa ko. Nang mapagod ako ay tumahimik na ako at seryoso na lang na naglakad. Malapit na kami sa tapat ng building.

"Ano, pagod ka na?" May paghahamon sa tono niya pero iniwan ko lang siya at dumiretso sa tapat ng building.

Hinarap ko siya. "Archie,"

Bakas pa rin ang ngisi sa labi niya habang pinagmamasdan ako kaya hindi ko mapigilang umirap. Hinawakan niya ang pisngi ko para ibalik sa kaniya ang tingin pero hinampas ko ang kamay niya.

"Good night." Aniya at mabilis akong hinalikan sa labi. Mabilis lang iyon at agad siyang humiwalay, hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi.

"Video call tayo-"

"May tanong ulit ako mamaya regarding sa math subject namin. Hindi kasi ako matalino kaya kailangan ko ng tulong." I really emphasized the word 'matalino' na para bang maririnig iyon ng bida bidang Geraldine.

Tumango lang si Archie. Nakuryuso tuloy ako kung totoo ang sinabi ni Geraldine. Pero sino nga bang tao ang ayaw sa matalino? Bumagsak ang dalawa kong balikat at walang paalam na tinalikuran na lang si Archie.

Nasa loob na ako nang muli kong sinulyapan si Archie sa likod. Nakita ko siyang nakatalikod na at naglalakad paalis. Nakita ko pa kung paano niya ipinasok sa bulsa ng pants ang dalawa niyang kamay at cool na nagpatuloy sa paglalakad. Ngumiti ako at napailing. Dumiretso na ako sa pagpasok ng unit ko at hinintay ang tawag ni Archie. Totoo at alam niya nga ang equation na hindi ko maintindihan.

"Bigay mo sa'kin 'yang utak mo sa midterm namin para may masagot ako." Asar ko sa kaniya.

"Kung kaya mong kunin, e." He shrugged.

Nagpatuloy kami sa paggawa ng sari-sariling gawain at una akong natapos kumpara sa kaniya ngayon. Papatayin ko na sana ang video call kaso ang arte niya at gusto niyang hintayin ko pa siya. Sumunod naman ako dahil ganoon rin naman siya sa akin. Pumipikit na ako dahil sa antok pero pinipilit kong magising dahil ayokong makatulog. Kaso hindi ko na kinaya at tuluyan na akong nakatulog habang abala pa rin sa kabilang linya si Archie.

I woke up and the first thing on my mind is Archie's birthday gift. Pumasok ako at hindi kami nagkita maghapon ni Archie dahil abala sila sa laboratory. Lumabas ako ng Campus at sumakay ng jeep para makapunta ng Ayala Malls. Naghanap ako ng pwedeng mabili kaso wala akong matipuhan. Bumyahe rin pa ako papuntang Fora kaso wala talaga akong mapili. Bumalik ako sa school ng walang bitbit. Umupo ako at mayroong pumasok na ideya sa'kin. Letter kaya? Kaso hindi naman ako magaling sa pagsusulat. At ano namang ilalagay ko do'n?

Bumagsak ang dalawa kong balikat at ipinagpahinga ko na lang ang likod sa aking upuan. Pinapanood ko ang hand gestures ng Professor namin at humihiling na sana ay may maisip ako through that kaso wa-effect.

Dumating nalang ang sabado at nagpasya na akong walang ibigay. Dapat kasi 'yong surprise talaga kaso may bida bidang umepal. Dumiretso ako sa kwarto at tinignan ang sariling repleksiyon sa malaking salamin ko. Pero ayos lang din naman na sinabi ni Geraldine iyon, baka talagang mainis si Archie kung ginawa ko.

I put a light make up and made my lips glossy. I curled my eyelashes, too. My hazel almond eyes are highlighted because of that. I brushed my shoulder length wavy hair once and later on as I am watching my reflection, I decided to low pony tail it. Inayos ko rin ang bangs ko at isang beses ngumuso na para bang nags-selfie ako. My face is square and my eyebrows are perfect arc in brown. Matangos rin ang ilong ko at ang labi ay bow shape. They said that I look like this Taiwanese artist from a famous Korean girl group.

Dumiretso ako sa collection ko ng sapatos at pinili ang puting adidas. I am wearing a bandage halter top and a vintage high waist skirt at feeling ko bagay siya sa puting sapatos kaya pinili ko ito. I sprayed my dior perfume in my body and put my small ship necklace. Hinawakan ko ang kwintas dahil nabili ko lang 'to sa online shop. For the last thing, inabot ko ang maliit na LV bag ko and crossed it in my body. Bumaba na ako at hinintay sa lobby si Baste. I messaged Archie na huwag na akong daanan dahil sasabay na ako kay Baste.

Lumabas agad ako nang makatanggap ng message kay Baste na nasa labas na siya. Gaganapin ang birthday ni Archie sa isang bar sa Dasma kaya medyo mahaba-habang byahe ito. It took us almost an hour before we finally arrived. Pumasok ako at agad kong naramdaman ang pag-akbay sa akin ni Baste. Hindi ko na pinansin dahil abala ako sa pagtingin sa paligid.

The throbbing lights are irritating before but I already get used to it. The loud music boomed when we entered. Agad kong natanaw ang mga pamilyar na mukha sa school at kapwa mga nagkakasiyahan na. Maliit lang ang bar at siguro ay nirentahan na ni Archie ang buong pasilidad dahil walang ibang tao kundi kami. Kung meron mang hindi ako pamilyar, panigurado at mga kaibigan ni Archie na hindi ko kilala.

Dumiretso kami sa paglalakad at nang makita ko si Archie ay ngumiti ako. He's wearing a gray buttoned long sleeve, two buttons are unbuttoned and the sleeves are rolled until his elbow. Nakaputi rin siyang sapatos at gusto ko kaagad mang-asar na parehas kami. Kung hindi ko lang napansin ang inis sa mga mata niya ay itinuloy ko na. Bakit parang badtrip naman 'to ngayon?

"Woah! Friends lang kami nito ni Gillian, Archie!" Natatawang sigaw ni Baste at humiwalay na sa'kin.

Hindi ko na siya pinansin at lumapit sa badtrip na birthday boy. Ngumiti ako sa kaniya.

"Happy birthday!" Bati ko sa kaniya.

Sinundan niya ako ng tingin dahil kanina ay na kay Baste ang mga mata niya. Bumagsak ang tingin niya sa akin nang nakalapit ako sa kaniya. Hindi nagbago ang ekspresyon niya kaya napanguso ako.

"Where's my gift?" Kritikal niyang tanong.

Halos ngumiwi ako dahil nakakahiya palang pumunta dito na ako lang, walang dalang regalo. Makiki-party ako tapos wala man lang akong dalang regalo. Bumagsak ang tingin ko sa kamay niya at napansin na naka-rolex siya. Naisip ko rin na bilhan siya ng gano'n, buti na lang hindi ko naituloy dahil meron na pala siya. Medyo nakaramdam ako ng pagka-dismaya dahil parang lahat ata ng naiisip ko ay palpak.

"Uh... wala akong nabili." Tumaas muli ang tingin ko sa kaniya.

Ang nagkakasalubong kaninang mga kilay, ngayon ay naghiwalay na. Nakita ko ang paglaho ng iritasyon sa mukha niya. Ang gwapo naman niya kapag galit tapos gwapo pa rin kahit hindi na galit. Gusto kong mangiti kaso sa tuwing naaalala ko na wala akong regalo ay parang hindi pwede. Narinig ko ang maiingay niyang kaibigan na tinatawag siya at titignan ko na sana kaso nagsalita si Archie.

"Aren't you cold with that?" He asked at isang beses pinasadahan ang suot ko.

Bumagsak ulit ang tingin ko sa maliit na damit na suot. Umiling ako sa kaniya. "Hindi naman-"

"You look cold, come here." Putol niya sa sinasabi ko at agad akong hinila palapit sa kaniya.

He wrapped his arms around my waist and crouched to meet my lips. When his lips brushed mine, I can't help but to be flowed with the sensation this making me feel. I hooked my arms around his nape and kissed him back. I heard his friends gasping and cheering us with our making out. Napangisi ako at mas lalong umaktong uhaw na uhaw sa labi niya. I closed my eyes and I let his tongue slid in my mouth. He explores the corners of my mouth and he even had the guts to bit my tongue. Humiwalay siya sa akin nang may ngisi at pulang pula ang labi dahil sa halikan. Mas dumiin ang yakap niya sa akin sa kaniya. Hinaplos niya pisngi ko gamit ang likod ng kamay niya.

"Don't show them your turn on face," He whispered that made my face heated.

Halos magtago ako sa dibdib niya at nang marinig ko ang halakhak niya ay hinampas ko siya. Nakita ko ang ilan na may hawak na cellphone at nakatutok sa'min. Stupid, nakalimutan kong birthday pala ni Archie.

"Iyon na lang birthday gift ko." I raised my eyebrow and he only shook his head while grinning. Hinawakan niyang muli ang baywang ko at iginiya na ako papunta sa lamesa nila.

"Happy birthday, Archie!" And then the crowd started to sing happy birthday to him.

Hindi naman siya tumigil at nangingiti lang sa mga kaibigan. I pulled him and said that he need to stop walking, siya kaya ang kinakantahan nila. Sinunod naman niya ako at aalis na sana ako sa tabi niya kaso hindi niya ako pinakawalan. After that, tuluyan na kaming nakarating sa lamesa nila. Kasama namin ang kaibigan niyang si Dax at ilang, sa tingin ko, ay Med students kagaya nila. I even searched for papansin na Geraldine.

Nakikipag-usap si Archie sa mga lumalapit sa kaniya at dahil hindi ko naman sila close, tahimik na lang akong umiinom sa tabi niya. Hinanap ko rin si Baste na nasa kabilang table kasama ang mga kaklase niya kaya hindi ko na tinawag. Naramdaman ko ang mabagal na paghaplos ni Archie sa baywang ko na kanina niya pa ginagawa kahit may kumakausap sa kaniya. Nang matapos ang mga lumalapit sa kaniya ay binalingan niya na ako. He kissed my cheek and handed me a bottle of beer.

Ininom ko iyon at ganoon rin naman siya. Umalis si Dax sa lamesa namin at ganoon rin ang iba at lumapit sa may DJ para magsayaw. Nilingon ko si Archie dahil gusto ko ring magsayaw.

"Sayaw ako," sa mababang boses ay sinabi ko. Dikit na dikit naman siya sa akin kaya kahit bumulong ako dito paniguradong maririnig niya.

Tinignan niya ako at iyan na naman ang maganda niyang kulay abong mga mata. I smiled sweetly at him para payagan niya ako.

"Mamaya na." Tamad niyang sagot kaya inirapan ko siya. He chuckled kaya mas lalo akong nainis.

May lumapit ulit sa kaniya at feeling ko kaunti na lang magde-desisyon na akong umuwi dahil hindi ko naman magawang magsaya dahil ayaw akong pakawalan ni Archie.

Naramdaman ko ang hininga niya malapit sa tenga ko kaya binalingan ko ulit siya. Hindi nga lang ako nagtagumpay dahil isiniksik niya na ang mukha sa leeg ko.

"Huwag kang mag-iiwan ng hickeys, sinasabi ko sa'yo, Trinidad." I warned him dahil kawawala lang noong apat na hickeys na iniwan niya at ayoko nang maulit iyon.

He chuckled sexily at hindi na sumagot. Hinayaan ko na lang siya roon at inilibot ang tingin sa nagsisiyahang mga tao.

"Bakit wala kang regalo sa'kin?" He asked against my neck.

Bumagsak ang tingin ko sa lamesa na puno ng alak at hindi nakasagot. Ayoko namang sabihin na may plano akong maganda kaso hindi na natuloy. He renewed his hug on me and still his face is buried in my neck. I felt him kissing the sensitive part of it.

"Ikaw lang walang regalo sa'kin,"

"Edi aalis-"

"Just kidding," Agap niya at inalis ang mukha sa leeg ko at tinignan ako. I glared at him but he only smirked at me and stole a kiss.

"Okay na ang labi mong regalo." Mas lalong lumapad ang ngisi niya nang sinabi iyon kaya napanguso na lang ako para pigilan rin ang sarili na ngumiti.

Umayos ako sa pagkakaupo at natanaw sa hindi kalayuan ang mga babaeng minsan nang na-link sa lalaking 'to. Tumaas ang kilay ko at pinaglalaruan ang baso nang nagsalita ako.

"Si Janna ba 'yon?" I asked him nang hindi siya tinitignan.

"Hmm?"

Nginuso ko ang hindi kalayuang lamesa.

"Yeah,"

"Ex mo siya 'diba?"

Maganda rin si Janna. Parang lahat naman ng naging girlfriend nito ay magaganda. Sabagay, gwapo siya kaya bawal ang pangit. Mabuti na lang at may panama ako sa kanila. Lumamang lang sila sa ka-healthy-han ng dibdib at puwit pero maganda pa rin ako.

"How did you know?"

"Nasabi lang ni Baste before." Tsismoso 'yon, e. Lahat na lang kinikwento sa'kin kahit hindi naman ako interesado. Minsan iniisip ko kung boto ba siya kay Archie dahil kaibigan niya o ano.

Hindi na umimik si Archie kaya binalingan ko na siya. Malamig at seryoso ang mukha niya ngayon kumpara kanina.

"Nandito rin si Geraldine. Pagtitipon ata 'to ng mga ex mo!"

And again, he didn't reply. He just kissed my ear and I rolled my eyes. Edi 'wag siyang magsalita, bahala siya diyan. And speaking of bida bida, lumapit si Geraldine sa'min. She's flashing her perfect white teeth na akala mo naman nage-endorse ng toothpaste.

"Happy birthday, Arch!"

Arch mo ulo mo. Nagiwas ako ng tingin at hinayaan sila kung mag-uusap man sila. Archie just politely said his thank you to his dear friend before drifting back his eyes on me. Nakita ko kung paano suminghap si Geraldine bago umalis. Lumagok ulit ako bago nagsalita.

"Dami mong babae na invited,"

"You jealous?"

I arched my eyebrows at him. "Bakit naman? Hindi naman sila kaselos-selos."

"Yeah. You're the prettiest." He whispered near my ear.

"Duh, ako pati ang current bebe 'no!"

Tumawa siya sa sinabi kong iyon. Ibinalik ko ang atensiyon sa pag-inom at naramdaman ko na naman ang paghigpit ng yakap sa akin ni Archie. He kissed my hair and mumbled something against it that I didn't get.

"Ano?" Tanong ko dahil hindi malinaw ang sinabi niya. Hindi niya ako inimik sabagkus ay pinanatili ang posisyon na ganoon.

Hindi na rin ako nag-abala pang kulitin siya dahil baka lasing lang siya at kung ano ano ang sinasabi. Bumalik si Dax sa lamesa namin at nakangiti kaming pinagmasdan.

"Gillian, alam mo ba kung saan may Cebuana Lhuillier?" Dax asked out of the blue.

Kumunot ang noo ko at inisip kung saan nga ba meron.

"Oo. Sa Olivarez ata meron. Bakit?"

Naramdaman ko ang paghiwalay ni Archie sa akin at binalingan na rin ang kaibigan.

"Curious lang ako. Pwede ba kumuha ng padala doon?"

"Syempre naman."

"Kahit walang nagpadala?"

Natigilan ako at pinroseso ang tanong niya. Huh?

"Go on and try your jokes to others, Dax" Si Archie na tinawanan lang ng kaibigan bago muling umalis.

"Anong sabi no'n?" Naguguluhan kong tanong.

Archie renewed his hold on me and hugged me tighter this time. He kissed the side of my lips at dahil malandi ako, hinalikan ko siya pabalik.

"Don't mind him. He's just lonely." He said when we stopped.

"Ganoon talaga siya?"

"Yeah. Mahilig kumausap ng hindi kakilala." Nagkibit balikat siya bago kinuha ang isang baso ng alak at ininom.

"Kilala naman niya ako!" Giit ko. Sinulyapan niya ako at tumango.

Tumahimik ulit kaming parehas at dahil medyo lumalalim na ang gabi, gusto ko na talagang magsayaw. Tumayo ako kahit pahirapan dahil hawak ako ni Archie. Nang makatayo ako ng tagumpay ay itinuro ko sa kaniya ang dance floor.

"Mabilis lang ako." I winked at him before I made my way towards the dance floor.

Nginitian at kinausap ako ng ilan nang makalapit ako. I tried to socialize with them while dancing. Tinanong pa nila ako kung ilang buwan na kami ni Archie at sinabi kong isang buwan pa lang.

"He looks serious with you." Ani ng babaeng hindi pamilyar sa akin. She smiled genuinely at me, meron sa kaniyang kung ano na ginawa ko ring ngumiti pabalik.

"Hindi naman nagse-seryoso 'yon," I replied.

Lumapit siya sa akin at nakisama rin ang iba pa niyang kasama.

"Iyon na nga, e. Hindi siya nagse-seryoso pero mukha siyang seryoso sa'yo."

"Did you notice his eyes? Ang saya saya kapag nakatingin sa'yo, girl."

Tumawa na lang ako at umiling dahil imposible ang sinasabi nila. We both agreed to this relationship because we both know that this all just a play. Hindi kami obligado na maging seryoso sa isa't-isa dahil... gusto lang naming sumaya.

"Ayaw nito maniwala sa'kin. Magaling ako makaramdam!" Pagpipilit nila sa akin na hindi ko na magawang sakyan at tinatawanan na lang talaga.

Hindi ko alam paano ipapaintindi sa kanila na kapag nagsawa kaming dalawa ay tapos na rin ito. Natatawa akong umiling bago umalis sa kumpol nila at nagsasayaw malapit sa DJ. May ilang lalaki na lalapit sana sa akin kaso hindi na nila tinuloy. Hindi ko na rin pinansin dahil gusto ko lang naman talagang mag-sayaw mag-isa.

Pumikit ako at isang beses pinasadahan ng kamay ang katawan ko habang nakikisabay sa malakas na musika ng lugar na ito. Naramdaman ko ang bahagyang paggulo dahil mas lalong naging malakas ang tugtugin. Nagmulat ako ng mga mata at nakita na mas lalo silang nagiging malikot. Umalis ako roon sa gitna at pinili na lang ang gilid para hindi ako madanggil. Tumalikod ako at agad kong nakita ang pigura at hitsura ni Archie na palapit. Ngumiti ako sa kaniya at hinintay siyang makalapit sa akin. Agad niyang pinulupot sa baywang ko ang braso niya at inilagay ko naman ang kamay ko sa batok niya.

I grind at him and laughed. Lumapit pa ako sa kaniya at medyo tumalon para sabayan niya ako kaya lang ay hindi siya gumagalaw. Ipinirmi niya ang baywang ko kaya sumimangot ako sa kaniya.

"Sabi mo hindi ako magaling mag-sayaw. Well, Archie, sorry ka pero marunong ako." Pagyayabang ko at itinaas ang kamay ko galing sa kaniyang batok at sumayaw kahit hawak niya ako.

Umiling siya at natatawa akong pinapanood. Inirapan ko siya at tinalikuran. The crowd gets hyped kaya nakisali ako. Umindayog ako at nagawa ko pang itaas ang buhok ko. Ganito naman ako lagi kapag nadadala na sa sayawan. Nagpatuloy ako sa pagsasayaw hanggang sa naramdaman ko ang mainit na labing dumapo sa batok ko. Hawak ko pa rin ang buhok ko at nang maramdaman iyon ay nabitawan ko.

Hinarap kong muli si Archie at ibinalik ang pagyakap ko sa batok niya. Muli ay sumayaw ako sa harap niya.

"Don't seduce me, Gil." He warned me but it only triggered the out of me to seduce him more through my dancing.

Hinapit niya ako palapit sa kaniya at hinalikan ako sa labi. Pumikit ako at dinama ang malambot na dampi ng kaniyang labi sa akin. Humiwalay siya sa akin at mapupungay ang mga matang tinitigan ako. Tumingkayad ako at ako naman ang nag-initiate ng kiss. Kumpara sa kanina ay mas naging mapaghanap ang halikan namin ngayon. Tumaas ang kamay niya sa aking dibdib. I felt him massaging my breast and I can't help but moan against our kisses.

"You're flat chested." Aniya kaya tinulak ko siya. Nanlisik ang mga mata ko na tinawanan niya naman.

"Fuck you." I raised my middle finger at him. Pinilit niyang hagilapin ang kamay ko pero hinahampas ko siya.

Nakakainis ang lalaking 'to, ha. Alam kong hindi malaki ang hinaharap ko pero kailangan talagang ipaglandakan? Nang mahawakan niya ang dalawa kong braso ay hinila niya ako palapit sa kaniya. Sumubsob ako sa dibdib niya at bumaba ang kamay niya sa aking likod. Hahampasin ko sana ulit siya dahil naiinis pa rin ako kaso napansin ko ang mga mata ng mga bisita na nanonood sa'min. Pinilit kong humiwalay kaso masyadong mahigpit ang yakap sa akin ni Archie.

"Happy birthday, Archie! Anong pakiramdam mo ngayon?" Natatawang tanong nang hindi ko kilala.

Tiningala ko si Archie at naabutan ko siyang nakadungaw sa akin. Nakangiti siya at ang mga mata— katulad ng sinabi kanina ng mga babae sa akin... masaya ang mga mata niya. My lips protruded to hide my smile. Inayos niya ang bangs kong medyo nagulo dahil sa pagsubsob ko kanina sa dibdib niya.

"Masayang masaya ako," Sinagot niya iyon habang hindi pinuputol ang titig sa aking mga mata.

His friends cheered him and he only smirked. Hinawakan niya ang ulo ko para mailapat ko ulit sa dibdib niya. I was about to roll my eyes pero pinagbigyan ko na dahil birthday niya naman. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top