#TWP05
Entry 05
Lumabas ako ng sasakyan ni Archie at isang beses siyang kinawayan bago ako nagpatuloy sa paglalakad. Ang kabang kaninang bumubundol sa aking dibdib ay naglaho na. Kaya naman ay maayos na ako nang tumuntong ako sa loob ng klase.
Nang matanaw ako nila Sabrina ay agad silang tumayo at umambang lalapit sa akin pero inunahan ko sila at nakangiting tumabi sa kanila. Ginawaran nila ako ng isang nag-aalalang tingin at wala akong ibang maramdaman kundi ang paghawak ng kung ano sa aking puso. Madalas man akong makaramdam ng inggit at insekyuridad sa ibang tao, kapag nakikita kong ganito sila, wala akong ibang maisip kundi na deserve naman nila iyon. Deserve nila na magaling sila sa mga bagay na hindi ko kaya.
"Saan ka galing?"
"Ayos ka lang ba talaga?"
Inakbayan ko si Sabrina at Eliona na nasa tabi ko at nakangiting tumango. Nakita ko pa ang ilang pagsulyap sa akin ng mga kaklase ko pero hindi ko na sila pinansin. Hindi na kami mga bata para gawing big deal ang pagkakapahiya ko kanina.
At saka, mukha namang hindi intensiyon kanina ng Ginang na ipahiya ako. Siguro ay masyado lang siyang nag-expect sa klase namin na inakala niyang lahat kami ay marunong maglangoy. Hindi naman ako naiinis sa kaniya, naiinis ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon apektado ako sa mga sinabi niya. Hindi iyon ang unang beses na nakaramdam ako ng pagkukulang para sa sarili, parang sa lahat naman ng bagay ay nagkukulang ako. Kahit pinipilit ko ang sarili na maabot, may bumubulong sa akin na imposible.
"Ayos na ako." Totoo iyon dahil kahit papaano ay nakatulong sa akin ang pagalis namin ni Archie.
Ewan ko kung paano nangyari iyon gayong lumabas lang naman kaming dalawa at naglokohan.
"Sure ka diyan?" Naniniguradong tanong ni Cassie. Nginisian ko siya at tumango lang.
Ilang segundo pa nila akong tinitigan bago sila nagsalita ulit. Ang ilang kaklase ko ay lumapit pa sa akin at nag-alok na tuturuan nila akong maglangoy. Nagpasalamat na lang ako at hindi na isinatinig pa ang pagtanggi. Sa mga sumunod na klase ay totoong maayos na maayos na ako. Nakatuon lang ang atensiyon ko sa mga tinuturo at hindi na halos naalala ang nangyari kaninang umaga.
Nauna akong lumabas kina Eliona dahil dadaanan ko lang saglit si Audrey sa department niya. Ilang linggo na kasi iyong hindi nagpaparamdam sa'kin. Hindi ko na rin sinabi pa kay Sabrina ang planong pagpunta ko kay Audrey dahil kanina ay naririnig kong uuwi daw siya sa kanila.
Tinahak ko ang mahabang daan paikot ng Oval at nang makarating malapit sa guard house ay lumiko pa ako. Hapon na at wala nang bakas ng mainit na sikat ng araw. Napapalibutan rin ng mga puno ang daan na ito kaya maaliwalas maglakad. Nakakatakot lang dito kapag madilim dahil wala masyadong estudyante na, pero dahil hapon pa lang naman, may iilan akong nakakasabay.
Nakarating ako sa Marketing Department at pinuntahan ang madalas na klase ni Audrey sa oras na ito. But unfortunately, wala na sila at nakauwi na daw. Sayang lang tuloy ang paglalakad ko. Nakakapagod kaya. At dahil hindi naman pwedeng tumambay pa ako dito, dumiretso na ulit ako paalis doon. Ramdam ko na ang pagod ng mga paa ko pero hindi ko na pinansin dahil medyo dumidilim na noong lumabas ako ng campus.
Dumaan muna ako sa Jollibee para kumain at nang matapos ako ay tuluyan na ngang nabalot ng kadiliman ang buong paligid. In other words, gabi na! At nandito pa rin ako at tumatawid papunta sa kabilang kalye.
Ginamit kong ilaw ang aking cellphone dahil letse ang mga nagbubukas ng lamp post dahil hanggang ngayon ay walang sindi. Late ata orasan ng mga 'yon o kaya hindi nila nakikitang madilim na sa labas. Halos umikot ang mga mata ko sa naiisip pero hindi ko na ginawa dahil baka mamaya ay biglang may sumulpot sa harap ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarinig ako ng mabibigat na yabag sa likod. Hindi naman ako matatakutin sa mga multo, pero sa mga rapist at adik, oo. Binilisan ko ang aking lakad at halos magwala na ang puso ko habang naiisip na baka ngayon na ang katapusan ko.
Napairit ako nang maramdaman ang isang mabigat na kamay sa aking braso. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na si Archie iyon at nakasunod sa akin. Kunot ang kaniyang noo na para bang nagtataka siya sa aking naging reaksiyon.
Humawak ako sa aking dibdib at umatras ng isang beses mula sa kaniya.
"Lagi mo na lang akong ginugulat!" Singhal ko sa kaniya.
"Kanina pa kita sinusundan," Sagot niya sa mababang boses.
Tinanggal ko ang hawak sa aking dibdib at umayos na sa pagkakatayo para maharap siya ng ayos.
"Proud ka bang sinusundan ako? Daig mo pa stalker ko!" Asar ko sa kaniya. Pero half-meant 'yon dahil lagi na lang talaga siya nasulpot kapag naglalakad ako dito.
"Gusto mo bang ibang tao ang sumunod sa'yo?" Nahimigan ko ang pagyayabang niya kaya naman inirapan ko siya.
"I am walking you until your building. Madilim dito." Aniya na pinagkibit balikat ko na lang at hinayaan siya.
Tahimik kaming naglakad at kung wala ang maiingay naming sapatos ay iisipin kong nasa langit na ako.
Nilingon ko siya at naabutan kong seryoso lang siyang nakatingin sa harapang nilalakaran namin. Naramdaman niya ang titig ko kaya naman binalingan niya rin ako. Nginitian ko siya.
"Nasaan sasakyan mo?" Tanong ko sa kaniya dahil, obviously, wala akong nakitang sasakyan niyang dala ngayon.
"Left it in the shed."
Tumango ako at nagiwas na ulit ng tingin. Hindi naman ganoon kakipot ang daan dito at kaya pa namang daanan ng mga kotse pero siguro pahirapan kasing lumiko kaya hindi niya na minaneho hanggang dito.
Nakarating kami sa tapat ng tower at agad ko siyang hinarap. Halos manlaki nga lang ang mga mata ko nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Ilang segundo ko ata iyong pinroseso bago ko siya niyakap pabalik. Ngumisi pa ako kahit hindi niya ako nakikita pero agad iyong napawi nang maramdaman ang mainit niyang halik sa aking noo. Halos mapapikit ako dahil sa rahan nang paghaplos nito sa aking balat.
Archie broke our hug and I felt so stupid because I thought it will last for long. Nakakabitin naman!
Bahagyang siyang yumuko at hinanap ang aking mga mata. I smiled at him before I remembered what I was supposed to say to him. Nakalimutan ko kasi kaninang magpa-salamat.
"Thank you pala kanina, ha." Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ko alam kung saan ako pupulitin kanina.
Nakita ko ang pagpungay ng mga mata ni Archie habang nakatingin sa akin at ang unti unting pagsilay ng ngiti sa labi niya. He patted my head like a kid. Marahan kong hinampas ang kamay niya dahil ginagawa niya akong bata.
"I won't ask what happened, but have a good night, Gil." He said and planted another kiss on my forehead.
Tumalikod na ako at dumiretso papuntang elevator hanggang sa makarating ako sa unit. Umupo muna ako ng ilang saglit sa couch at inisip ang nangyari sa baba. Parang tambol ang pusong kong nagwawala at bago pa saan ako dalhin ng sariling naiisip ay dumiretso na ako sa paglilinis ng katawan. At katulad nang nagdaan ay gabi-gabi kaming magkausap ni Archie. Minsan naman hindi kami nag-uusap at gusto ko sanang patayin na kaso ayaw naman niya.
Hindi na ako nakikipagtalo dahil hindi naman kami kapwa nakaka-istorbo sa isa't-isa. May isang beses pa ngang natulungan niya ako kasi may isa akong word na hindi maintindihan. At dahil matalino naman siya, siya ang sumagot sa akin. Swerte talaga kapag may matalinong boyfriend. Dapat kasi tourism na lang siya para parehas kami ng grade. Char lang.
Ako lagi ang pumapatay ng tawag dahil ako naman ang madalas huli nang matulog sa'min. I appreciate how Archie is staying awake despite him finishing already his works. Kahit na nakakatulog rin naman siya at hindi na ako nahihintay ay nakakatuwa pa rin kung paano niya hindi pinapatay ang video call. I screen shot his sleeping face in the other line bago ko tuluyang pinatay ang tawag. And for that night, I slept soundly. Weird because I usually over think things, lalo na ang mga bagay na may kinalaman sa grades ko.
I kissed Archie back before I finally exited from his car. Natanaw ko kaagad sa second floor ang mga nakangisi kong kaibigan na pinapanood ako.
"Sana all may tiga-hatid!" Asar nila sa akin.
Hinawi ko ang aking buhok at nagtaas ng kilay para magyabang sa kanila. "Hanap kayo ng boyfriend ninyo." I said na agad sinundan nila ng kantiyaw.
Nagpatuloy ang araw sa normal na routine at walang bago. Sinundo ako ni Archie noong hapon at tumigil lang kami sa shed para maglakad diretso sa condo. Gusto kong tanungin kung okay lang ba siya na maglakad pabalik ng mag-isa at sabihin na pwede namang gamitin na namin ang sasakyan niya papasok dito kaso hindi ko na isinatinig. Masaya naman kasi siya kasama dahil ang dami niyang sagot sa mga pang-aasar ko. Hindi katulad nang nagdaan, mas nagiging maingay na kami habang naglalakad.
"Nag-chat sa akin si Lallaina. Wala naman akong gagawin this Saturday, tara Silang. Basta huwag tayong dadaan sa'min."
Nasa labas ako ng room ngayon kasama si Baste dahil bigla na lang siyang sumulpot dito. Akala ko pa nga at may girlfriend ito dito kaso ang alam ko talaga iba babae nito.
"Hindi ako pwede sa Sabado. Birthday ni Archie, imbitado buong team." Sagot niya habang may tinitignan sa cellphone niya.
Napataas ang kilay ko dahil sa narinig mula sa kaniya. Birthday ni Archie? Hindi ko alam na birthday no'n. Hindi niya nasabi sa'kin.
"Hindi mo alam?"
Bumalik ang atensiyon ko kay Baste. Nakakunot na rin ang noo niya ngayon katulad ko. Umiling lang ako bilang sagot.
Lagi naman kaming magkasama, halos hindi na nga kami noon maghiwalay sa umaga at gabi tapos hindi ko alam na birthday niya? Siraulo iyon, a, hindi man lang sinabi sa'kin.
"Well, now you know." Natatawang aniya ni Baste. Hindi nagbago ang ekspresyon ko na nakatingin sa kaniya.
Ginulo niya ang buhok ko kaya naman iniwas ko ang mukha ko sa kamay niya. Masama ko siyang pinukulan ng tingin.
"May klase pa ako, tourism, diyan ka na. Ang layo-layo ng department ko." Umiling siya na para bang nagsisisi siyang pumunta dito.
Plastik ko siyang nginitian bago siya tinulak paalis ng corridor. "Pupunta ka lang naman Arts department!"
Namilog ang mga mata niya na para bang nagulat siyang alam ko. "Bakit mo alam?"
Inirapan ko lang siya bago siya pinaalis. "'Yong may dimple, 'di ba?" Dagdag na asar ko sa kaniya. Nakita ko ang kamay niyang nasa likod at lowkey na pinapakyuhan ako.
Lumingon siya sa akin at walang hiya kong tinaas ang middle finger ko sa kaniya bago pumasok sa loob ng room. Umupo ako at hinagilap agad ang cellphone para sana i-message si Archie kaso nagbago ang isip ko. Ibinalik ko na lang ang cellphone sa loob ng bag ko at tulalang pinagmasdan ang white board.
"Good morning!" Narinig ko ang pagbati ng mga kaibigan ko pero hindi ko sila pinansin dahil iniisip ko ang kaarawan ni Archie.
Then, I remember those two high school students in the Milktea Shop. Hindi ko pa nagagawang mag-surprise ng boyfriend o sino man sa mga kaibigan ko, at hindi ko alam bakit iyon agad ang pumasok sa isip ko.
Siniko ako ni Sabrina kaya napabaling ako sa kaniya. Nginuso niya ang papel ko at agad ko iyong sinulyapan. Nagulat ako dahil unconscious ko palang naiguguhit ang mga lobo at party hats. Sinarado ko ang binder ko at nakinig na lang sa Professor sa harapan pero talagang tumatakbo ang isip ko sa birthday ni Archie.
Deserve niya naman ng surprise from me, e? Alam kong naglalaro lang kami, pero magkaibigan na siguro kami ngayon. He was there when I was down. Naroon rin siya noong may mga tanong ako habang nag-aaral. Sinasamahan niya pa akong mag-aral gabi-gabi. Sinasabayan niya pa akong maglakad pabalik sa condo ko. Ang dami niya nang nagawa para sa akin, at kahit hindi ko man verbally na nasasabi, nagpapasalamat ako kasi... nandiyan siya.
I used to pat myself alone when I am down. I used to stress myself out when I don't know the answers in my assignments. A simple surprise for him... will do? Kahit walang malisya?
Teka, girlfriend naman ako, a! Kaya ayos lang naman siguro?
I pursed my lips and look at each of my friends. Nagbabasa si Sabrina ng libro, si Eliona ay nagre-retouch samantalang nagc-cellphone naman si Cassie. Napansin ni Eliona ang panonood ko sa kanila kaya naman binigay niya ang atensiyon sa akin. Nasa library kami ngayon dahil may dalawang oras kaming break at dahil sawang sawa na kaming magpaikot-ikot sa campus, naisip naming dito na lang tumambay.
Puno ang library ngayon dahil tanghali. Nakita ko pa nga kanina sina Dax at ilang med-tech students na naghahanap ng kung ano sa bookshelf. Hinanap ko si Archie dahil akala ko ay kasama nila pero hindi ko naman nakita ang presensiya niya. Nag-chat rin siya sa akin na nasa gymnasium siya at kasama ang basketball team.
"Ano 'yon?" Tanong ni Eliona dahilan kung bakit napabaling rin sa'kin ang dalawa pa naming kaibigan.
Pumangalumbaba ako at pinaglaruan ang ballpen na hawak hawak ko. Nagsusulat kasi ako ng lectures na hindi ko nagawa kanina dahil kung ano ano ang iniisip ko.
"Birthday ni Archie sa sabado," Tipid kong sagot.
Tuluyan nang binagsak ni Eliona ang liptint niya at lumapit pa ng kaunti sa akin. Inirapan ko siya at ibinagsak ang tingin sa lamesa na may nakalapat na mga notebook ko.
"Anong meron?" Kuryusong tanong niya ulit.
Huminga muna ako ng malalim at nagdalawang isip kung sasabihin ko ba sa kanila ang plano ko. Hindi ako sumagot kaya naman kinurot ako ni Eliona sa tagiliran ko.
"Masakit, ha!" Medyo napalakas ang boses ko kaya naman agad akong yumuko dahil nagtinginan sa akin ang ibang nag-aaral.
Tinawanan ako nila Sabrina. Tumuwid ulit ako sa pagkakaupo nang hindi na nila ako tinignan. Ibinalik ko ang atensiyon sa mga kaibigan na naghihintay pa rin ata ng sagot ko.
"I am planning to surprise him." I honestly said.
Hindi agad sila nagsalita na para bang pinoproseso pa nila ang sinabi ko. Tumaas ang kilay ko dahil alam ko na agad ang magiging reaksiyon nila.
"Seryoso ka ba, Gil?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cassie nang sa wakas ay natauhan na sila.
"Wow, iba na tama mo kay Archie."
"Part pa rin ba 'yan ng laro ninyo?"
Umiwas ako ng tingin at inabala na ulit ang sarili sa pagsusulat.
"Totoo ba 'yan? Surprise? Kay Archie? Ni hindi mo nga ako niregaluhan noong birthday ko!" Si Sabrina na agad kong pinabulaan.
"Excuse me, binigyan kita ng dior perfume! Alam mo ba kung magkano 'yon?" Sagot ko sa kaniya.
Umiling lang siya at ngumisi. Nginiwian ko siya dahil sa naging reaksiyon niya sa sinabi ko.
"Pero hindi mo ako sinupresa!"
"Kasi hindi ka special!"
Nagtawanan sila sa sinabi ko pero inirapan ko lang sila. Ganito lang talaga kami pero hindi naman kami nasasaktan sa mga sinasabi namin. Bahala nga sila, wala silang kwentang kausap. Nagpatuloy na lang ako sa pagsusulat at naririnig ko pa rin ang hagikgikan ng tatlo.
"Akala ko ba laro lang? Bakit may pa-surpresa, Mayora?"
Hindi ko inalis ang titig sa sinusulat ko kahit medyo natigilan ako sa tanong niya. Nagkibit balikat lang ako bilang sagot. Ayoko na lang magsalita. Ewan ko pero sa dati ko namang karelasyon nagagawa ko silang kwentuhan. Pero 'yong ginagawa namin ni Archie, parang gusto ko na lang sarilihin.
"Baka biglang maging totoo 'yan, ha."
Tumaas ang tingin ko sa kanila at naabutan ang nakakaloko nilang ngisi. Babanatan ko sana silang hindi iyon mangyayari kaso natigilan ulit ako. Bumagsak ang tingin ko sa papel at hindi na talaga sila inimikan pa. Bahala na kung anong isipin nila. Basta ang alam ko ay hindi magiging totoo ang relasyon namin ni Archie. Gusto ko lang talaga bumawi sa mga nagawa niya para sa akin. Iyon lang 'yon.
Tumahimik na sila at hindi naglaon ay nag-aya na silang bumalik sa classroom kaso hindi pa ako tapos kaya pinauna ko na sila. Hihintayin sana pa nila ako kaso tinulak ko na sila paalis. Mag-iisip pa rin pati ako kung paano ko isu-surprise si Archie.
Ano kayang magandang regalo? Relo? Pabango? Damit? Sapatos?
Hindi ko naman alam ano ang hilig niya at base sa mga gamit niya, lahat mamahalin. Kahit hindi ko pa nakikita lahat ng mayroon siya, pakiramdam ko ang mabibili ko ay may meron na siya. Edi sayang lang kasi kaparehas ng gamit niya. Ngumuso ako at papangalumbaba na sana ulit nang biglang sumulpot si Geraldine sa harap ko.
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman close 'to. Nakikita ko lang siya dahil madalas sa mga club na pinupuntahan ko ay nandoon din siya kasama ang mga kaibigan. Madalas rin siya sa gymnasium dahil kaibigan niya sina Dax at Archie.
"Geraldine," Naglahad siya ng kamay sa akin na para bang kailangan pa namin iyon.
Hindi naman ako pinanganak na suplada kaya tinanggap ko kahit labag sa loob ko. "Gillian," sagot ko.
She's pretty. Naalala kong naging sila ni Archie pero parang hindi naman sila seryoso noon dahil nakikipaglaro nga sa'kin ngayon si Archie. Siguro ay magkaibigan lang talaga sila katulad namin ni Baste.
Umayos ako sa pagkakaupo at hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya kaputi. Chinita ang mga mata, matangos at maliit ang ilong at ang labi ay manipis. Itim na itim rin ang buhok niya na hanggang baywang, at ang tangkad niya ay sakto lang.
Maganda rin naman ako, pero parte na ata ng pagkatao ko ang insekyuridad na hindi lang para sa pangarap ko kundi pati na rin sa pisikal kong anyo.
"I didn't mean to hear your talk with your girls. But since I care for you, gusto ko lang sabihin na," Ngumiti siya na lalong nagpakunot sa aking noo.
"Siguro alam mo namang magkaibigan kami ni Archie. And I heard that you are planning for his birthday. Ayoko sanang sirain ang plano sa isip mo pero, Archie is not fond of surprises." Hindi maalis ang ngiti sa labi niya at sa halip na replekahin ang ngiti niya ay hindi ko magawa.
Hindi ako nakaimik at nararamdaman ko ang kung ano na humaharang sa lalamunan ko. Ang kaninang excitement sa pagpa-plano sa birthday ni Archie ay biglang naglaho.
"We're friends since freshmen. Tatlong taon na kaming magkasama lagi at natutunan kong makilala siya. And really, I am not lying, hindi niya talaga gusto ang surprises. It cringes the out of him. At dahil girlfriend ka niya ngayon, ayaw ko namang masira kayo agad dahil lang may nagawa kang kaiinisan niya. I care for you because you are my friend's... girlfriend."
I bit my lowerlip and nodded as I slowly understood what she is trying to imply. Gusto ko mang matuwa na may pakialam siya sa relasyon namin ay hindi ko maiwasang mainis. Bakit kailangang ipaglandakan na tatlong taon na silang magkaibigan? Edi ikaw na ang una!
"I hope I didn't offend you. Gusto ko lang sabihin bago pa, alam mo na. At saka mas kilala ko siya kaysa sa'yo. Walang masamang mangyayari kung makikinig ka sa'kin." And for the nth time, she smiled again.
"Yeah. Thank you." Labas sa ilong kong sagot sa kaniya.
"Okay." She said and stood.
Bumagsak ang tingin ko sa papel at pinilit ang sariling magsulat kahit naiinis na ako. Bida bida!
"Ano 'yan? Notes?"
Obvious ba?
Tiningala ko siya at tumango. Hindi ko siya nginitian dahil wala akong panahon magpakitang tao ngayong naba-badtrip ako. Tumango siya at ngumiti na naman. Nakakainis na, ha.
"Tama 'yan, matalino kasi si Archie kaya dapat matalino rin girlfriend niya." She said before she turned her back on me.
Halos ibato ko sa kaniya ang ballpen na hawak ko dahil sa inis. Umirap na lang ako bago mabilis na ibinalik ang mga gamit ko sa loob ng bag. At dahil halata ang pagdadabog ko, napapatingin sa akin ang ibang nag-aaral. Mabilis akong lumabas ng library at busangot na dumiretso sa klase. Inasar pa ako nila Sabrina dahil badtrip daw ako pero tinatamad akong makipag-asaran kaya hindi ko sila pinapansin.
Nauna na rin akong lumabas sa kanila dahil talagang nabibwisit na ako. Sa sobrang inis ko, sinisipa ko ang lahat ng batong nadadaanan ko. May ilang kakilala pa na nginingitian ako pero hindi ko masuklian dahil totoong walang makakapagbago ng mood ko ngayon.
Bahala ka, Archie, hindi na kita susupresahin! Hindi ka pala mahilig sa suprises, ha. Edi wag!
Malapit na ako sa oval nang maramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga mata. Kinusot ko kaagad dahil alam kong sa tuwing naiinis ako ay naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit gano'n. Hindi ko alam bakit hindi na lang pwedeng mainis at wala ng iyak iyak na kasunod.
Bumuntong hininga ako at tumigil muna para mapahinahon ang aking nararamdaman. And just like a magic, ang inis ay napaltan ng hindi ako sigurado kung ano. Basta ang alam ko na lang, wala sa sarili akong naglalakad. Parang nakalutang ang isip ko. Pumikit ako at umiling. Nag-echo sa isip ko ang sinabi ni Geraldine.
Wala na. Wala na akong gana sa surprises na 'yan. At bakit ko nga ba naisip iyon, e hindi niya nga ako iniimbitahan. Hindi niya pa sinabi sa akin na birthday niya sa sabado. May dumaang pagtatampo sa aking puso pero naalala ko na wala akong karapatan.
Dumiretso ako sa gymnasium dahil nag-chat si Baste na may sasabihin daw sa akin at puntahan ko siya doon. Ayoko sanang siputin kaso curious ako sa sasabihin. Pumasok ako sa loob at wala namang tao sa loob.
"Ginagago ata ako ng lalaking 'yon." Naiinis kong bulong bago bumalik sa labas.
Uuwi na ako. Pakyu si Baste dahil pinadaan pa ako dito.
"Gil-"
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang pangalan ko na tinawag sa likod. Nakita ko si Archie na naka-uniporme at galing sa loob ng gymnasium. Kumunot ang noo ko dahil wala namang tao dito, a.
Lumapit siya sa akin pero umatras ako dahil naalala ko na naman ang papansin na si Geraldine. Matalino pala, ha. Edi sila na matalino! Papansin!
Tumalikod ako at mabilis sanang bababa sa mababang hagdanan dito kaso naka-missed ako ng isang baitang. Akala ko at mahuhulog na ako at mababagok ang ulo ko sa sahig pero naramdaman ko ang kamay ni Archie na agad pumulupot sa baywang ko.
"Fucking watch your step, Gillian." Mariin niyang sambit at galit ang mga matang iginawad sa akin.
Inilapat ko ang kamay ko sa kaniyang dibdib at tinulak siya palayo sa akin. Humiwalay naman siya at agad akong muling naglakad pababa kaso halos matumba ako nang maramdaman ko ang paa kong hindi maayos ang balanse.
Mabilis akong binuhat ni Archie pabalik sa loob ng gymnasium at sisigaw na sana ako kaso nasa tabi kami ng Admission kaya hindi ko naituloy. Umupo kami sa bleachers at hindi pa ako nakakapagsalita ay agad niya nang hinuli ang mga paa ko. Ipinatong ko na lang sa legs niya at hinayaan siyang hilutin 'yon. Hindi naman ako pabebe.
"Tangina, nabalian ba ako ng buto sa paa?" Tanong ko at pinagmasdan ang paang medyo namula.
Wow, ha. Pumilipit lang paa ko tapos ganito na agad. Ang arte, ha.
Hindi ako pinansin ni Archie at seryoso lang na pinagpipisil ang paa ko. Hinampas ko siya nang maramdaman kong medyo masakit.
"Masakit!" Reklamo ko.
Tumaas ang tingin niya sa akin at bakas pa rin ang inis sa mukha nang tignan ako. Tumikhim ako at napasarado ng bibig dahil ramdam ko ang inis niya. Nagiwas ako ng tingin dahil, punyeta, naaalala ko na naman ang plano ko dapat kanina.
"Next time you fall, you tell me." Sa mababa at malamig na boses ay sinabi niya.
Nilingon ko siyang muli. Kumunot ang noo ko. "Meron bang gano'n? Malay ko bang mahuhulog ako!"
Muli ay hindi niya ako pinansin. Bumagsak ang tingin ko sa pinipisil niyang paa ko at hindi ko na naiwasang mapangiti. Ngayon ko palang ata siya nakitang ganito kaseryoso. Nagkakasalubong ang makakapal na kilay at ang nguso ay halos humaba dahil sa pagbusangot. Pumungay ang mga mata ko nang mapansin kung gaano ka-perpekto ang pisikal niyang anyo.
He's masculine, tama lang para sa height niya. His jaw is perfectly sculpted and his eyes... are so much mesmerising like the lights in the dark. Matangos rin ang ilong niya na para bang wala na siyang maaamoy dahil sa sobrang pointed. Namamangha na ako sa pagpuna sa kaniyang mukha nang tumaas ang tingin niya sa akin.
Maputi siya, samantalang tanned naman ako. I think, we are match, e?
"Birthday ko sa sabado,"
"Alam ko."
Kumunot ang noo niya. "Paano mo nalaman?"
"Sinabi sa'kin ni Baste."
Hindi siya umimik kaya nagkibit balikat na lang ako. Ibinaba ko ang paa ko mula sa kandungan niya at tinry na i-apak. Pinaikot ko pa para makasigurado na maayos na. Ngumiti ulit ako para asarin siya kaso nanatili naman ang simangot niya.
"Hindi mo man lang sinabi sa'kin," I teased him by acting like I am sulking.
Inabot niya ang kamay ko at marahan akong hinila palapit sa kaniya. "Sinabi ko na ngayon. You need to be there."
Tumango na lang ako. Inakbayan niya ako at dahil masyado na akong napapagod sa pagkainis kay Geraldine at sa plano kong hindi ko na matutuloy, ipinagpahinga ko na lang ang ulo ko sa balikat niya. Pinagmasdan ko ang tahimik at madilim na gymnasium. May kaunting liwanag na pumapasok galing sa mga bintana.
I felt Archie's hands threading my hair kaya napangiti ako. This is so weird. I don't know, but this is so weird. Really.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top