#TWP04

Entry 04

"Bakit mo tinatago?"

Inayos ko muna ang seatbelt ko bago masamang pinukulan ng tingin si Archie. Naabutan ko siyang natatawa habang sinisimulang mag-maneho.

"Feeling ko ube na leeg ko dahil sa mga kagat mo!" Sigaw ko sa kaniya.

Gusto kong lagyan ng band aid kaso mas lalo namang mahahalata kaya tinatakluban ko na lang ng buhok ko. Naka-oversized jacket lang din ako ngayon para medyo taklob.

"Pwede mo namang sabihin na kinagat ko 'yan-"

"Ewan ko sa'yo, Archie." Inirapan ko siya.

Tumawa na naman siya kaya mas lalo akong nainis. Tawa 'to ng tawa akala mo naman may nakakatawa. Siguro ganito siya sa dati niyang mga babae. Sa mga boyfriend ko naman noon, hindi sila nag-iiwan ng ganito. Ang lakas lang talaga nito ni Archie at nag-iiwan ng bakas.

"Sa tago ko ilalagay next time."

Binalingan ko siya. "Saan?"

Sinulyapan niya ako at bumaba ang tingin sa dibdib ko. Ngumisi siya bago ibinalik ang tingin sa daan.

"Manyak ka pala," komento ko.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya kaya ako naman ngayon ang tumawa.

"Hindi ako namimilit kung ayaw."

"Gusto ko rin naman," I said lazily.

Pinakailamanan ko ang stereo niya at agad niya namang inabot sa akin ang cellphone niya. Pumunta ako sa spotify playlist niya at naghanap ng magandang kanta.

"Alam ko,"

Tumaas muli ang tingin ko sa kaniya. Bahagya akong nakayuko dahil nangingialam ako ng gamit niya sa loob. Bumagsak ang tingin niya sa akin pero mabilis lang dahil ibinalik niya ulit ang atensiyon sa harapan. Umayos na ako sa pagkakaupo at kinonek ang cellphone niya sa stereo ng sasakyan.

"Pero hanggang halikan lang tayo." I informed him.

"Okay."

"Okay?"

"If you can resist me," He shrugged kaya naman napairap ako. Ang yabang naman, porque gwapo.

"Akala ko nga may balak ka sa'kin kagabi,"

"Ang yabang mo, ha. Alam kong gwapo ka pero hindi ako nagt-take advantage ng gano'n!" Judgemental nito.

Humalakhak siya ng bahagya at mabilis na inikot ang manibela. Malapit na agad ako sa department ko, gusto ko pa man din mang-asar.

"Okay, then, sa susunod na hindi na lang ako lasing." Asar niyang balik kaya sarkastiko ko siyang nginitian.

Tumigil ang sasakyan sa harap ng department ko at mabilis kong tinanggal ang seatbelt. Hinarap ko siya para makapag-paalam pero halos bumalik ako sa pagkakasandal nang lapitan niya ako at halikan. At dahil malandi ako, I kissed him back. Humiwalay siya sa akin at inayos ang bangs ko. He smirked and returned back to his seat.

"Have a good day, lady."

Lumabas ako ng sasakyan niya at hindi na siya nilingon bago diretsong pumasok sa classroom.

"Ang init init, Gil, naka-jacket ka!" Agad akong napansin ni Eliona pagkapasok ko pero hindi ko siya pinansin.

Umupo ako sa tabi ni Sabrina na pinapanood ang galaw ko. Nagtaas ako ng kilay sa kaniya.

"Tangina, Gil, hindi ka naka-uniform!" Dagdag ni Cassie kaya tinakpan ko ang bibig niya.

"Gugu ka, huwag ka ngang maingay." I hissed. Mamaya marinig pa ng iba naming classmate, edi laglag na ako.

"Ang lakas mo talaga."

"Nakalimutan ko magpa-dryer," I lied. Ayoko naman talagang mag-jacket kung hindi lang papansin si Archie na kung ano ano iniiwan sa leeg ko.

"Reasons..."

"Totoo!"

"Mamaya mainitan ka diyan,"

"Huwag ka ngang sumumpa ng ganiyan. Naka-bra lang ako sa loob."

Tinawanan nila ang sinabi ko at hindi na umimik. Dumating ang Prof namin for our first subject kaya umayos kami. Hinawi ko ng isang beses ang buhok ko dahil nakakaramdam na ako ng init. Pinagpatuloy ko ang pagsusulat at pakikinig nang maramdaman ko ang titig sa akin ni Sabrina.

"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.

"You have four hickeys," Bulong niya. Mabilis kong binalik sa dating ayos ang buhok ko para maitago ang nakita niya.

"May boyfriend ka ba ngayon?"

Siniko ako ni Cassie kaya siya naman ang binalingan ko. Nagbu-bulungan kami dito sa likod habang may dini-discuss sa unahan. Ayoko sanang makisali kaso ang ingay nila.

"Nakita ka daw kahapon kasama si Archie."

"Kasama ka rin sa inuman ng basketball team. Nakayakap daw sa'yo si Archie."

Halos mawindang naman ako sa mga impormasyon na nasagap nila. Dinaig pa ng mga 'to Journalism students sa talas ng pandinig.

"Kayo ba ni Archie?" Tanong ni Sabrina.

Nakita kami ng Prof kaya sabay-sabay kaming napatikom ng bibig. Nakinig kami at nang tumalikod ang Ginang sa unahan para ayusin ang laptop niya ay sumagot ako sa tanong nila kanina.

"Oo."

"Seryoso kayo?"

"Mukha ba akong nagse-seryoso?" Balik na tanong ko kay Sabrina.

"Ah, edi laro laro lang kayong dalawa?"

Tumango lang ako.

"Para naman kayong bata."

"It's better that way than to take relationship seriously. Sagabal lang sa pag-aaral, dami pang drama." I uttered and shrugged. Pinagpatuloy ko ang pagt-take down notes.

"Hindi ba sagabal si Archie sa pag-aaral mo?"

"Hindi,"

"Paano kapag nagloko?"

"Edi magloko siya. Pakialam ko sa kaniya."

Tinawanan nila akong tatlo dahilan kung bakit napagalitan kami. Muntik pa kaming mapalabas dahil tumatawa pa rin si Eliona at Cassie habang nakatayo kami. Hanggang matapos ang klase hindi matigil ang tawanan ng dalawa. Ewan ko ba sa mga 'to, feeling ko may mga sira sa ulo.

"Alis na 'ko," Sabi ko sa kanila dahil dadaanan daw ako ni Archie.

"Baka biglang maging totoo 'yan, ha,"

I only raise my middle finger to Eliona na tinawanan na naman nila. Kumaway ako kay Sabrina na natatawang umiiling. Dumiretso na ako sa labas at agad natanaw ang sasakyan ni Archie. Pumasok ako at binati siya.

"Saan tayo?" Tanong ko sa kaniya.

"Let's have lunch."

"Ang aga pa. Wala ka bang klase?"

Umiling lang siya at mabilis na pinaandar ang sasakyan. May three hours break ako bago ang sunod na klase. Gusto ko sanang umuwi ng condo at matulog saglit kaso niyakag ako nito. Inihilig ko na lang ang ulo ko sa head rest ng upuan.

"Anong ginagawa ninyo sa Med-Tech Department?" Kuryuso kong tanong. Hindi pa ako nakakarating sa department nila. Bukod sa malayo, wala rin naman akong kilala doon.

"Nag-aaral,"

"Malamang." Umirap ako sa pagka-pilosopo niya.

"You really want to know? May laboratory kami-"

"Ewan ko sa'yo, Archie!"

"What? Sinasabi ko lang naman na madalas kami sa lab."

Humalukipkip ako at hindi siya sinulyapan. Pinanood ko na lang ang labas at ang unti-unti naming paglabas ng school.

"May kaklase kang mga babae?" Mahina kong tanong habang natutulala sa labas.

"Meron. Marami."

"Kaunti lang naman kayong Med students,"

"Mas kaunti kayo," Ganti niya kaya matalim ko siyang binalingan.

Tinawanan niya ako at hinuli ang kamay ko. Hinampas ko siya dahilan kung bakit hindi niya na tinuloy. Binagsak niya na lang ang kamay sa hita ko. Hahampasin ko sana kaso nahuli niya ang kamay ko at sinama sa paglapat sa hita ko.

"Ang pikon mo pala,"

"Hindi ako pikon. Naaasar lang ako sa'yo."

Tumawa siya, "Magkaiba ba 'yon?"

I sarcastically smiled at him and pinched his arms. Hindi man lang siya uminda ng sakit. Binago ko ang usapan namin at ibinalik ko ang lahat ng ginawa niya kagabi. I teased him about being clingy, hindi niya ako pinatulan na para bang tinatanggap niyang totoo ang sinasabi ko. Nakarating kami sa Ayala Malls at gusto kong mainis dahil ang layo layo nito sa school namin. Pero wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Archie sa loob.

Kumain at inikot lang namin ang Mall bago nagpasyang bumalik sa school. Malas ko nga lang dahil late na ako kaya naghintay na lang ako sa isang bench sa harap ng Department namin ng isang oras. Lumabas sina Sabrina at inasar ako na hindi ako nakapasok.

"May quiz kanina. Bakit kasi nahuli ka?"

"May quiz?!" Gulat kong tanong.

Shemay, ano nang mangyayari sa buhay ko. Hindi mataas ang grade ko sa recitation namin tapos may isa akong bagsak na quiz tapos ito at hindi ako nakapag-take ng pangatlong quiz. Bumagsak ang dalawa kong balikat dahil nakaka-panghina ng loob. Tinapik ni Sabrina ang balikat ko at ngumiti.

"Habol ka na lang."

"Puro na lang ako habol. Pahiram nga ng utak mo, Sab." Reklamo ko at sumabay sa kanilang paglalakad.

"Masipag ka naman mag-aral, mahahabol mo pa, Gil."

Ewan ko pero kahit gusto kong isipin na gano'n nga, hindi ko maiwasang maramdaman na wala ng pagasa. They cheered me up pero sinabi ko na lang na ayos lang. Niyakag ko sila na mag-street food dahil ayaw ko pang umuwi. Iisipin ko na naman magdamag ang quiz na hindi ko na-take.

"Libre ko na, " Sabi ko sa kanila. Namilog ang mga mata nila kaya umamba akong kunwari tutusukin ko ang mga mata nila ng stick.

"Lagi ka na lang pala dapat hindi nakaka-take ng quiz para laging may libre!"

Hinampas ni Sabrina si Eliona. Umiling ako at hindi na sumagot. Tumambay muna kami doon ng isang oras bago nagpasyang tuluyan nang umuwi. Medyo madilim na noong naglakad ako pabalik sa condo. May bumusina sa likod ko pero hindi ko pinansin at binilisan na lang ang lakad.

"Hey,"

Napabaling ako dahil pamilyar ang boses na iyon. Nginitian ko si Archie nang makita siya sa aking likod. Lumapit siya sa akin at tinignan ako sa mga mata ng seryoso.

"Gabi na, ah. Bakit nandito ka?" I asked him.

Hindi siya sumagot sabagkus ay nanatili ang nanantiyang titig. Tinignan ko ang relo ko at nakitang ala sais trenta na. Bumalik ang tingin ko sa kaniya.

"Kailangan ko ng umuwi. Ang dami ko pang gagawin."

Tumango siya. "Ihahatid kita."

"Bakit?"

"Madilim dito."

Tinignan ko ang paligid at hindi ko pala napansin na wala pa ring sindi ang mga lamp post. Masyado akong preoccupied sa mga naiisip na hindi ko na napansing walang ilaw. Ngumiti ako at hinayaan siyang sabayan ako. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating ako sa tapat ng building. Magpapaalam na sana ako nang bigla niyang hawakan ang baywang ko at hinalikan ako sa labi.

"Video call tayo." Aniya bago humiwalay sa akin.

Nginuso niya ang loob kaya tumango ako. Tumalikod ako at mabilis na dumiretso sa elevator. Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magluto ng pagkain ay dumiretso ako sa salas para makapag-simula sa pending works ko. Umupo ako sa mat at inilagay ang mga gamit sa coffee table. My phone ringed para sa tawag ni Archie. Sinagot ko kaagad at muling isinandal sa vase ang cellphone.

"Starting?" Tanong niya na tinanguan ko.

"Sabay na tayo," Aniya at nakita ko kung paano siya lumipat sa study table niya at nag-buklat ng isang hindi pamilyar sa aking libro.

Ngumisi ako bago ibinagsak ang tingin sa sariling gawain. Tahimik kaming dalawa hanggang sa marinig kong may sinasaulo na siya. Tumigil ako at pinagmasdan siyang nakapikit, pinaglalaruan ang ballpen sa kamay habang may binubulong. Inayos ko ang cellphone ko at medyo lumapit para panoorin siya. Nagmulat siya ng mga mata kaya mabilis kong ibinalik ang tingin sa laptop. Hindi ako umimik at 'di kalaunan ay narinig ko na naman ang mga bulong niya.

Alas dies natapos si Archie kaya sinabi ko sa kaniyang patayin na ang video call pero ayaw niya. Dumiretso siya sa kama niya at nakahiga akong pinapanood. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paggawa. Alas dose pasado nang matapos ako at niligpit ang gamit. Binalingan ko ang screen ng cellphone ko at nakitang tulog na si Archie.

Napangiti ako at napailing na lang. Pinatay ko ang tawag bago dumiretso sa pagtulog rin kagaya niya.

Ganoon ang naging eksena sa mga sumunod pang araw at linggo. Malapit lapit na kaming mag-isang buwan ni Archie at hindi pa naman kami nagkakasawaan kaya baka ma-extend pa. Lagi niya akong sinusundo pero dahil naging abala siya sa research niya, madalas ay umuuwi na akong mag-isa. Inaya pa ako ni Baste na umuwi sa linggo para bisitahin sina Lallain sa Silang kaso ayoko namang umuwi. Baka makita pa ako do'n nila Mommy. Tsaka na ako uuwi.

I spent the weekend alone in the condo. I waited for Audrey to bug me but she didn't come. Kaya naman pagkatapos kong matapos ang lahat ay nag-movie marathon ako magisa. Pagdating ng lunes ay halos magwala ang puso ko dahil swimming ang P.E namin ngayon.

"Hindi ako marunong maglangoy," bulong ko.

Nakasuot na kaming lahat ng rush guard at hinihintay ko na lang na matawag ang pangalan ko.

"Sabihin mo na lang kay Miss."

Hindi ako nakaimik at pinanood kung paano mabibilis na naglangoy ang mga kaklase ko. Some of them even showed different strokes na nagpamangha sa Prof namin. Lumunok ako ng malalim at hindi magawang makisakay sa hiyawan at tawanan nila dahil kinakabahan ako.

"Seminiano, Gillian Haidee." Tawag sa pangalan ko at sunod kay Eliona.

Huminga ako ng malalim bago naglakad papunta sa pwesto ko. Tumayo ako sa pangatlong block at ang kaninang kaba ay dumoble. Pakiramdam ko hindi lang puso ko ang nagwawala ngayon, pati na rin ang utak ko.

Tinitigan ko ang tubig na may lalim na 7 feet at gusto ko nang maiyak dahil natatakot akong malunod. Mukha siyang mababa dahil malinaw ang kulay puting floor tiles, pero sinong lolokohin ko, mamamatay ako ngayon kung tatalon ako. Sinubukan ko naman noon na mag-aral mag-langoy pero takot talaga ako sa tubig na hindi ko magawang matuto.

Sumipol at sabay sabay na bumagsak ang mga katabi ko sa pool. Umamba akong tatalon pero hindi ko naituloy. Para akong na-estatwa habang pinagmamasdan ang tubig na ngayon ay gumagalaw na.

Hindi ako nag-angat ng tingin at nanatili ang titig ko sa pool. I heard my classmates groaning my name, asking why I stayed. Pero halos mabingi ako dahil ang tibok ng puso ko lang ang nangingibabaw sa pandinig ko.

"Seminiano, swim! Anong tinutunganga mo diyan?" Tanong ng Professor na hindi ko masagot.

I bit my lower lip and watched the swimmers stroking back here. Nakita ko pa si Eliona na tinignan ako nang may concern sa mga mata.

"Don't tell me hanggang ngayon hindi ka marunong maglangoy?" Nahimigan ko ang pangmamaliit sa boses ng Professor namin.

Dahan dahan akong tumango. Akala ko at pagtatawanan nila ako pero hindi.

"Aba, ilang taon ka na ba? You take tourism course tapos hindi ka marunong maglangoy? You're already in your second year."

Hindi ako nagsalita. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang naiinis na mukha ng Ginang sa akin. Dismayado itong umiling at sinulat ang grade ko sa papel na hawak niya. I felt my world crashed because I am sure that I will get zero for this subject.

"Mag-aral ka, Seminiano. Malulunod ka kapag bumagsak ang eroplano na sinasakyan mo sa tubig." Umiling siya at nagtawag ng panibagong pangalan.

Umahon sina Eliona at agad akong nilapitan. I stepped back and returned to my seat. I remained my face emotionless. Hindi ko pinakita na apektado ako dahil ayaw kong magpa-awa.

Tahimik akong umupo sa tabi ni Sabrina at pinanood ang mga kaklase kong naglalangoy. Bumigat ang pakiramdam ko dahil feeling ko wala akong future sa barko. Bakit nga ba ako nandito. Nangilid ang luha ko pero pinigilan kong huwag maiyak.

I always feel insecure when others can do the things I wish I can do. Minsan naiisip ko kung para ba sa'kin ito. May hinahabol akong pangarap pero sa tuwing bumabagsak ako, sa tuwing pinapamukha sa akin na wala akong abilidad para dito ay napanghihinaan ako.

Natapos ang klase at mabilis akong dumiretso sa C.R para magpalit. Ilang segundo akong natulala roon at inisip ang papel na hawak ng Prof namin. Hindi ko naman siya masisisi, wala akong ibang masisisi kundi ang sarili ko.

Mali ko rin naman dahil kinuha ko ang course na ito pero hindi naman ako marunong mag-langoy. Huminga muli ako ng malalim at pinilit na pakalmahin ang sarili. Hindi ito ang unang pagkakataon na makaramdam ako ng ganito, araw-araw naman pakiramdam ko maling daan ang tinatahak ko... pero nangangarap pa rin ako. Kasi gusto ko 'to. Kahit mukhang imposibleng para sa akin.

Ang hirap naman!

Binuksan ko ang pintuan at agad tumambad sa'kin ang mga kaibigan kong naghihintay. Hindi pa sila nakakapalit ng damit. And seeing them wearing rushguard and remembering how good they are in swimming... nanliliit ako.

"Gil-"

"Okay lang ako." Sagot ko kina Eliona na nag-aalalang nakasunod sa akin.

"May next time pa naman."

Tumango ako. "Yeah. Mag-aaral na lang ako."

Pero paano naman ako mag-aaral kung sa paper works pa nga lang stressed na ako. Hindi ko na alam ang uunahin ko. Nakakabaliw kapag ganito lang ako: hindi matalino, hindi talentado at higit sa lahat, kulang na kulang.

"Gil, huwag ka nang malungkot-"

"Hindi ako malungkot. Ayos lang ako. Ito, oh." Ngumiti ako sa kanila at tumawa bago ako tumakas sa kanila.

Lumabas ako roon at nangingilid ang luhang tinahak ang corridor pabalik sa classroom. Natigil lang ako nang makita si Archie na nakaupo sa isang bench. Tumayo siya nang makita ako. Ang kaninang nangingilid na luha ko ay biglang tumulo kaya mabilis ko silang pinalis. Papansin naman. Mabilis na lumapit sa akin si Archie pero tumawa lang ako at nilinis ang pa-epal kong luha sa pisngi.

"What happened?" Nag-aalala niyang tanong.

Umiling ako. I felt a hollow in my throat and my chest getting heaved. Nanlabo ang aking mga mata pero tumingala ako para hindi sila maglandasan.

Nakakainis naman. Bakit ba hindi ko mapigilan ang sarili ko ngayon?

"Gillian-"

"Alis tayo, Archie?" Tanong ko sa kaniya nang nakangiti.

Hindi siya umimik at seryoso lang akong pinagmasdan. Kinusot ko ang mga mata ko para mawala ang luha. Tumingala ako nang okay na ako at hinila si Archie paalis doon. Naririnig ko na ang mga kaklase kong palabas.

"Tara na, Archie. Wala ka namang klase 'no?" I tried to sound jolly.

Hindi siya ulit umimik kaya tumigil ako sa paghila sa kaniya. Nilingon ko siya at naabutan ang hindi matinag na malamig niyang titig. Nakipagtitigan ako sa kaniya hanggang sa bumuntong hininga siya. He come closer to me and brushed the stray hair in my face with his hand.

"How can you smile when you're not fine?" Bulong na tanong niya.

Ngumiti ako ng malapad at umiling. Hinila ko siyang muli at hindi sinagot ang tanong niyang iyon. Wala namang makakaintindi sa akin. No one will understand of how hard it is to doubt your own self. Mga kaibigan ko nga hindi alam na ganito ako, magulang ko walang pakialam sa ginagawa ko, siya pa kaya na laro lang ang habol.

Nakarating kami sa sasakyan niya. Akala ko ay aalis agad kami pero hindi niya ginawa.

"Milktea tayo?" I suggested.

Tahimik siyang tumango. Hindi ako umimik sa byahe. Hinayaan ko ang sariling nararamdaman na magwala hanggang sa kusa na silang kumalma. Nakarating kami sa milktea shop at agad niyang hinawakan ang kamay ko habang pumipila kami.

"Wintermelon akin." Sabi ko sa kaniya at humugot ng pera pero mabilis siyang nagbayad at sinabi ang order namin.

"Thanks,"

Tumango lang siya bago kami naghanap ng mauupuan. Tumabi ako sa kaniya at nakita ko sa harap namin ang dalawang high school student- ang babae na may hawak na bulaklak at teddy bear at ang lalaki na, probably boyfriend ng babae. Binalingan ko si Archie na kanina pa ata nakatitig sa akin.

"Matutunaw ako, ha." Asar ko sa kaniya.

Inirapan niya lang ako kaya mahina ko siyang tinawanan. Dumikit pa ako sa kaniya at hinawakan ang panga niya para asarin siya pero iniiwas niya ang mukha sa akin.

"Surprise mo din ako sa monthsary natin," Pagbibiro ko sa kaniya. Binalingan niya ako nang nakakunot ang noo.

"Bakit? Seryoso ba ako sa'yo?" Pranka niyang sagot kaya inirapan ko siya.

Humiwalay ako sa kaniya. "Ang kj mo, ha. E'di wag. Naglolokohan lang naman tayo."

Dumating ang order naming milktea na dinagdagan pa ni Archie ng fries. Tahimik akong kumain at pinanood ang dalawang high school student na naglalandian sa harap namin.

"Pang-bata lang ang monthsary," Bulong ni Archie.

"Naglalaro nga tayo, e. Hindi ka pa ba bata no'n?" I sarcastically replied and rolled my eyes.

"Kapag nag-isang taon na lang tayo."

"Woah. Feeling mo ba aabot tayo ng isang taon?" Natatawa kong sambit.

Nagkibit balikat siya.

"Hi, Gillian!" Nag-angat ako ng tingin at nakita ang naging ex ko noong isang isang buwan.

Kumaway ako sa kaniya at ngumiti. Tinignan niya ang katabi ko bago siya tumango na lang at dumiretso sa pagbili. Kumuha ako ng fries at kinain.

"Sino 'yon?"

"Si William. Ex ko," I replied nonchalantly and continue eating the fries. Stress reliever talaga kapag nakakakain ng masarap.

"Ang pangit." Komento niya kaya muntik ko nang mabuga ang iniinom ko. Naramdaman ko ang marahang pagtapik ni Archie sa likod ko.

Binalingan ko siya. "Ang sama ng ugali mo!"

Kumunot ang noo niya, "Totoo ang sinasabi ko."

Hindi naman pangit si William. Wala kaya akong pangit na ex. Nagkataon lang na siya ang pinaka-gwapo sa lahat.

"Grey eyes ka lang diyan, e." Nginiwian ko siya at inabot ang tissue para punasan ang labi ko.

"Ako lang mukhang tao sa mga naging ex mo,"

"Kapag iba kulay ng mata, mukhang tao? Si Baste nga green eyes pero hindi mukhang tao!"

Hindi umimik si Archie kaya nagdagdag ako ng sinasabi.

"Hindi pa naman kita ex. Tsaka anong tao? Pagkain ka sa mata ko!"

"Ano?" Lumalim ang gitla sa noo niya kaya tumawa ako. Inilapit ko ang labi ko sa tenga niya para asarin siya.

"Ang sarap mo. Patikim naman," I giggled.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa hita ko at ang pagpisil niya dito. Mas lalo akong tumawa na napapatingin na ang dalawang bata sa amin.

"Shut up, Gil."

"Wow, Gil. Close na tayo?"

Inakbayan niya ako at nakita ko kung paano siya dumakot ng fries. Inilapit niya iyon sa bibig ko. Hinampas ko ang kamay niya dahil hindi kasya sa bibig ko 'yon.

"Ang baboy, Archie!" Sigaw ko pero hindi niya pinansin at isinubo talaga sa'kin habang nagsasalita ako.

Nakita ko si William na pinapanood kami kaya kumaway ulit ako sa kaniya. Nilunok ko ang fries at walang hiya si Archie dahil inilapit sa akin ang straw at siya na ang nagpainom sa akin ng milktea.

"Gago ka, Archie. Papatayin mo ata ako,"

Ibinaba ni Archie ang milktea ko at pinunasan ang labi kong may cheese dahil sa fries na sinubo niya sa akin.

"Ang dungis ko na!" Naiinis kong sambit. Hindi ako pinansin ni Archie at pinagpatuloy lang pagpupunas sa aking bibig. Nakita kong lalabas na si William kaya kumaway ulit ako sa kaniya. Hindi naman ako pinansin kaya binaba ko agad ang kamay ko.

Muli kong binalingan si Archie para mag-reklamo pero nang makita ko ang pagkaka-irita sa mukha niya ay ngumisi ako. Inasar ko siyang nagkakagusto na sa'kin pero ginagantihan niya ako ng pabalang kaya napipikon ako.

And just like that, I almost forgot what happened a while ago.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top