#TWP03

Entry 03

Hindi na ako nagulat nang pagbaba at paglabas ko sa tower ay naroon na ang range rover ni Archie. Binuksan ko ang passenger seat at umupo. I was about to greet him nang maunahan niya ako dahil hinalikan niya ako sa labi.

"Ikaw, ha. Napagha-halataang uhaw ka sa'kin." I teased him while I am fixing my own seatbelt.

Hindi siya umimik kaya binalingan ko siya. He maneuvered his car and drove silently. Ngumuso ako para matago ang ngisi. Gusto kong magtanong kung may wifi siya sa bahay dahil magdamag kaming magka-video call pero hindi nag-uusap dahil busy kami parehas.

Binalingan niya ako nang nakakunot ang noo. Hindi ko na napigilan at ngumisi ako.

"May wifi kayo?" Tanong ko.

Mas lalong lumalim ang gitla sa noo niya dahil sa tanong ko.

"Ano? Tinatanong ko lang naman, e. Kasi magdamag tayo magka-video call. Baka load-"

"Of course we have wifi. What the hell, Gillian?" Iritable niyang tanong.

"Ang bilis mo naman mainis. Nagtatanong lang ako para sa susunod message na lang." I suggested.

"Gusto ko video call,"

"Bakit? Ganiyan ka sa past relationship mo?"

Hindi siya muling umimik kaya inirapan ko siya. Hindi pa kami ganoon magka-kilala pero feeling ko may oras na walang kwentang kausap 'to. Mabilis ang naging biyahe papuntang campus dahil napaka-lapit lang naman ng tirahan ko dito. Akala ko at titigil kami sa parking area pero diniretso niya pa.

"Ihahatid mo ako?" Namamangha kong tanong nang mapansin na papunta ang daan na ito sa department ko.

"Uh-huh."

"Uh-huh," gaya ko sa kaniya kaya naman masama niya akong sinulyapan.

Tumawa lang ako. Nakarating kami sa tapat ng department ko kaya agad kong tinanggal ang seatbelt ko.

"May laro kami mamaya,"

Nagtaas ako ng kilay sa kaniya. "And so?"

"You're my girlfriend-"

"Uh, yeah. Sige, pupunta ako."

Hindi naman ako madalas manood ng laro ng basketball team. Minsan lang kapag bored na bored na ako. Wala naman akong ma-cheer na iba bukod kay Baste. At nakakasawa na ipagsigawan pangalan ng lalaking 'yon, napaka-yabang.

Bumaba ako at isasara na sana ang pintuan ng kotse niya nang may pahabol siya.

"Don't you dare shout for Baste."

Ngumisi ako at tumango. Sinarado ko na ng tuluyan at bumaba naman agad ang bintana. I winked at him before I turned my back. Dumiretso ako papasok sa room at agad akong hinila nila Eliona sa silya na katabi nila. May ipinakita sila sa aking isang picture na galing instagram.

"Ang gwapo, girl. Puntahan natin mamaya sa Engineering." Bulong ni Eliona.

Kinuha ko ang cellphone ni Cassie at tinignan kung gwapo nga ba. Well, pwede na. Kaso may jowa ako ngayon, hindi pwedeng lumandi.

"Bentang benta na ako kay Audrey sa Engineering na 'yan, ha. Sa iba namang department!" Reklamo ko sa kanila na parehas nilang nginiwian.

"Gil, wala na kayo ni Baste 'di ba?"

"Oo. Gusto mo lakad na kita do'n?" Siniko ko si Eliona na inirapan lang ako.

"Ha-ha. May nakilala kasi ako kagabi. Baka lang gusto mong patulan-"

"Grabe ka naman sa'kin. Mukha ba akong uhaw sa lalaki?" I dramatically held my chest and acted like very disappointed.

"Gwapo 'yon, Gil. Alam kong tipo mo. Ano?"

Ngumiwi ako dahil hindi man lang pinansin ang drama ko. Umiling na lang ako na nagpagulat sa kanila. Hindi sila naniniwala pero sinabi ko sa kanila na may boyfriend na ako. Dumating ang Prof namin kasabay si Sabrina na halatang stressed dahil magulo ang buhok.

Pagdating ng lunch, pagkatapos naming kumain sa cafeteria, inaya ko silang manood ng game. Pumayag naman agad sila dahil wala naman kaming gagawin na. Tapos na ako magme-memorize kagabi kaya magpapahinga muna utak ko.

Maingay ang gymnasium nang pumasok kami. Ang freshmen na nasa kabilang bahagi ng bleachers ay nagwawala habang pinapanood ang laro. At dahil medyo puno na ang bleachers, malayo tuloy kami sa baba. Hinanap ko pa si Archie dahil masyadong magulo ang mga nasa harapan ko.

"Excuse me!" Sigaw ko sa mga babaeng nasa unahan namin.

Hindi ata ako narinig dahil parang baliw na nagpatuloy sa pagtatalon at pagsisigaw. Hinila ako ni Cassie at sumunod kami kina Sabrina na dumidiretso sa dulo.

"Hindi naman natin kita dito!" Reklamo ko.

Binalingan nila akong tatlo, "Sino bang papanoorin mo? Wala ka namang pakialam diyan, ah."

Ngumuso ako at hindi sumagot. Nagpahila na lang ako sa kanila at tahimik na tinanaw ang malayong court. Hindi naman talaga ako madalas pumwesto sa unahan dahil hindi big deal sa akin, pero ngayon, syempre may papanoorin na ako kaya kailangan kitang kita na.

I saw Archie in his white jersey with a number 7 printed. Tumatakbo siya at inagaw ang bola kay Remy. Nang maka-shoot siya ay sabay sabay na naghiyawan ang mga estudyante sa loob. Hindi ko na pala kailangang sumigaw dahil marami na siyang cheerleaders.

Nag-apir sila ni Dax bago siya nagtatakbo palayo sa ring. He is crouching a bit while watching the ball in the other team. Aamba sana siyang tatakbo nang dinanggil siya ni Dax at may binulong. Archie's eyes wander in the crowd and found mine. Hindi ako sigurado kung nakikita niya ba ako dito kaya hindi ako kumaway. Ayokong magmukhang tanga.

I saw him smirking before he run. Inagaw niya ang bola kay Felix na agad hinarang ni Baste pero naging mabilis ang kilos ni Archie at siya ulit ang nakapuntos sa team niya. Halos mabingi ako nang magsimulang i-chant ng freshmen students ang pangalan ni Archie. Maingay ang buong gymnasium at para kaming emo ditong apat dahil hindi man lang kami nakikisabay.

"Naiinip na ako. Pasok na tayo," Si Sabrina na agad tumayo.

Tiningala ko silang tatlo na tumayo at sinabing mauna na sila. Hindi na nila tinanong kung bakit ako magpa-paiwan. Lumipat ako ng upuan sa unahan at nakisingit kahit hindi ko sila kilala. Payat naman ako kaya hindi mahirap makipagsiksikan.

Ngumiti ako nang bumaba ang tingin ko ay nakatigil si Archie at nakatingin sa akin. Ngayong malapit na ako, mas malinaw sa akin na ako ang tinitignan niya. I saw him smirking that made the whole gymnasium go wild.

Tahimik lang akong nanood at hindi nakisali sa sigawan nila. Tuwing tumitingin sa pwesto ko si Archie ay nagt-thumbs up lang ako sa kaniya. Ayoko ngang makisali sa mga batang nababaliw kakasigaw ng pangalan niya, duh.

Natapos ang friendly game ng basketball team kaya mabilis na nagbabaan ang mga babae na makakapal ang mukha. Nakipag-unahan ako sa kanila dahil baka agawin nila sa akin si Archie. Mabilis akong bumaba at nakita ko pa kung paano ako nginisian ni Baste pero hindi ko siya pinansin. Nilapitan ko si Archie na nasa akin naman ang atensiyon simula noong matapos ang game.

"Hi," Sabi ko paglapit ko sa kaniya.

Ngumiti siya at naglahad ng kamay. Kumunot ang noo ko.

"Nasaan ang tuwalya ko?" Tanong niya.

Namilog ang mga mata ko dahil nakalimutan ko iyon. Nakita niya ang reaksiyon ko kaya tinawanan niya ako. He patted my head like a kid kaya iniwas ko ang ulo ko sa kaniya.

"Next time, pagsilbihan mo boyfriend mo." He playfully uttered. I made a face na nagpatawa ulit sa kaniya.

"Congrats,"

"Friendly game lang 'yon."

"Alam ko."

Iginala ko ang tingin sa court at nakita na napakaraming babae na bumaba. Hinanap ko pa si Audrey dahil madalas iyon manood ng laro ni Felix pero hindi ko naman nakita.

"So, what is this?" Binalingan ko si Archie at nakita na nasa tabi niya na ang kaibigan kong si Baste.

Nakangisi ito habang may tuwalya sa leeg at inaakbayan pa si Archie. Na-guilty naman ako dahil hindi ko man lang nadalhan ng tuwalya si Archie, pawisan na siya. Kinapa ko ang bulsa ko para sa aking panyo at inilahad kay Archie. Hindi ko pa naman 'yon nagagamit kaya malinis pa.

"Seriously, Gil, panyo?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Baste kaya inirapan ko siya.

Itatago ko na sana ulit pero kinuha ni Archie. I smirked at nagmayabang kay Baste. Bida bida kasi. Papansin.

"Kayo ba?" Naguguluhang tanong ni Baste.

Tumango lang ako bago kinuha kay Archie ang panyo dahil hindi naman niya ginagamit. Lumapit ako sa kaniya at tumingkayad ng kaunti para maabot ang mukha niyang basa ng pawis. I saw him frowning while watching me doing this. Ngumuso ako at hindi na pinansin kung may nakatingin.

"Okay, kayo nga." Si Baste na nag-conclude na agad.

"Ayos lang naman 'di ba?" Tanong ni Archie para sa kaibigan ko pero hindi inaalis ang titig sa akin.

Ibinaba ko ang pagpunas sa leeg niya. I felt his hand resting subtly in my waist. He parted his legs so he can lower down. Ngumisi ako dahil biglang nag-level ang tingin namin. Umiling ako at pinagpatuloy ang pagpupunas sa leeg niya.

"Matanda na 'yang si Gillian," natatawang sagot ni Baste kaya naman agad kong tinapon sa kaniya ang panyo na pinunas ko sa pawis ni Archie.

"Yuck! Nakakadiri ka, Gil!" Sigaw niya at lumayo sa amin. Bumagsak ang panyo ko sa sahig at dahil sa dami ng tao, naapakan na.

Umirap ako at haharapin na sana ulit si Archie nang makita ko siyang nilapitan ang panyong nahulog at kinuha.

"Marumi na 'yan." Sabi ko sa kaniya pero hindi niya naman pinansin.

"Hintayin mo ako, kukunin ko lang gamit ko sa locker." Aniya bago mabilis na naglakad papuntang locker.

Hindi ako umalis sa pwesto ko. Maingay at magulo ang court at gustuhin ko mang lumabas na, hinihintay ko pa si Archie. May ilang players na binati ako. Nginingitian ko lang sila at hindi na nakikipag-usap kaso inaya nila ako na sumama sa inuman nila sa Bistro. Umiling na lang ako dahil puro lalaki sila.

"Nandoon naman si Baste," Si Remy.

Kumunot ang noo ko dahil feeling ko may iba siyang binabalak. Kapag sumama ako, ibigsabihin posibleng isama ko si Audrey. But he wished! Umiling ako bilang sagot. Natanaw ko ang paglabas ni Archie sa locker at agad akong nilapitan.

"Let's go," Aya niya sa akin habang nasa kaliwang kamay niya ang susi ng sasakyan at sa kanang balikat naman ang duffle bag niya ang nakasakbit.

Tumango ako at sumunod sa kaniya pero natigil siya nang harapin ang mga kaibigan na tinawag siya.

"Archie, mamaya sa bistro, ha." Paalala nila sa kaniya.

Tumango lang siya at hinanap ang kamay ko. Nasa likod niya ako kaya mabilis akong nahila palapit sa kaniya nang mahawakan niya ang kamay ko. Sabay-sabay bumaba ang tingin nila Remy sa magka-hawak kamay namin.

"Oh,"

"Isama mo si Gillian mamaya, Archie." Suhestiyon na naman ng makulit na si Remy.

Binalingan ako ni Archie, "Gusto mo sumama?"

Nagkibit balikat ako, "Kapag wala akong gagawin."

"Bahala na." Sagot niya sa mga kaibigan bago ako tuluyang hinila palabas.

Nasa harap ng gymnasium ang sasakyan niya at dahil medyo malayo ang department ko ay sinabay niya na ako.

"Sasama ka sa kanila mamaya?" Tanong ko sa kaniya.

"Bahala na."

"Bakit bahala na?"

"I want to video call you,"

Napangiti ako at pabiro siyang hinampas sa balikat. Kunot noo niya akong binalingan.

"Ang sweet mo, ha. Baka mahulog ako." Biro ko sa kaniya.

Itinaas niya ang isang kilay at nakakalokong ngumisi. Hindi siya umimik kaya ako na naman po ang bubuhay sa usapang 'to.

"Sumama ka na. Video call tayo kapag nakauwi ka na."

"Sumama ka na lang,"

"Sinasama nga nila ako kasi nandoon daw si Baste," kumunot ang noo niya at humigpit ang hawak niya sa manibela. Nagpatuloy ako, "Kaso puro kayo lalaki, kaya huwag na lang."

"I'll bring you with me."

"Huh?"

Umigting ang panga niya na para bang pinipigilan niya ang sarili na magsalita. Tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng department namin pero hindi agad ako bumaba. Binalingan niya ako.

"Kapag wala kang gagawin, sabihin mo sa'kin. Isasama kita."

Hindi agad ako nakaimik. I stared at his deep set grey eyes and this is my first time to say this... ang ganda ng mga mata niya.

Huminga ako ng malalim at tumango.

"Okay,"

Bumaba ako sa sasakyan niya at kumaway na lang sa kaniya bago tumalikod. Wala pa sina Sabrina nang pumasok ako sa room kaya inabala ko na lang ang sarili sa pagb-browse ng power points sa cellphone. Hindi nagtagal ay narinig ko na ang ingay nila Sabrina kaya tinago ko na ang cellphone ko. Hindi pa ako nakakapag-kwento ay pumasok na agad ang Prof namin.

Ginugulo ako ni Eliona at Cassie habang nakikinig ako sa lecture. I glared at the both of them dahil sasakalin ko sila kapag hindi sila tumigil. Bawing bawi na nga ako this sem tapos may mga demonyo pa akong katabi. Kapag bumagsak ako... feeling ko katapusan na ng pangarap ko.

Tumahimik naman ang dalawa nang mapansin sila ng Prof namin. Naghiwalay kaming apat ng landas nang makarating kami sa OSAS. Mag-isa akong lumabas at dumiretso sa condo ko. Nagpahinga lang ako ng saglit bago nagpalit ng damit dahil dadaanan daw ako ni Archie. Nagsuot lang ako ng isang puting printed oversized shirt at itim na maong shorts. Malapit lang naman ang Bistro at hindi ko kailangang bonggahan ang suot.

Bumaba ako at agad pumasok sa sasakyan ni Archie. Bagong ligo siya dahil amoy na amoy ko ang bango niya. Naka-polo na dark blue lang siya at pants pero ang lakas pa rin ng dating. Dumating kami sa Bistro na agad namin nakita ang mga kaibigan niyang nasa mahabang lamesa. Naroon si Baste na agad akong tinawag at tinawanan. Siraulo.

Umupo ako sa tabi ni Archie. Binati nila agad ako at inasar na ako lang daw ang babae na dinala ni Archie sa inuman nila. Nakitawa lang ako at nakisakay sa pang-aasar nila. Masaya silang kasama dahil puro sila maiingay. At saka hindi naman ako awkward kasama, I have male friends.

"Akala ko talaga si Baste magsasama sa'yo," Si Cohel at nginisian ako.

"Bakit ako magsasama diyan, e may boyfriend 'yan!" Sigaw ni Baste at nang-aasar na tinignan ako.

"Kayo ni Archie?" Seryosong tanong ni Toby.

Tumango ako sa kaniya na hindi naman niya pinansin. Napansin ko ang pagkaka-tulala niya sa baso. I heard some stories about him— pero wala ako sa lugar para manghusga. Hindi ko naman alam ang nangyari kaya nag-iwas ako ng tingin.

Binigyan ako ni Archie ng kalahating baso ng beer kaya mariin ko siyang tinignan.

"Ang unti naman," reklamo ko sa kaniya.

He sipped on his bottle beer. Inilagay niya ang kamay sa likod ng upuan ko at lumapit ng kaunti bago sumagot.

"Okay lang 'yan." I smelled his breathe kaya agad kong nilayo ang mukha niya sa mukha ko.

Narinig ko ang tawanan ng mga kaibigan niya kaya naman medyo nahiya ako. Umayos ako sa pagkakaupo at naramdaman ang paglapat ng kamay ni Archie sa braso ko, hinahaplos ito. Ininom ko ang binigay niyang kalahating alak. Binalingan ko siya at nginuso na gusto ko pa.

Sinalinan niya naman ang baso ko at agad 'ko iyong ininom ulit. Kumuha siya ng nachos sa pinggan at ibinigay sa akin. We are silently doing that while the rest of his friends are loud by something. Para tuloy kaming may sariling mundo sa gilid nila.

"Gusto ko pa," sa mababang boses kong sambit at tinuro ang black label na binili nila Baste sa hindi ko alam kung saang lupalop.

"Ang dami mo ng nainom. Tama na 'yon,"

Inirapan ko siya. "Ang unfair, ha. Ikaw nga hindi ko binibilang kung nakailan na."

May sasabihin pa sana siya nang bigla siyang kausapin ng katabi niya. Tahimik kong inabot ang hawak niyang black label. He glanced at me with eyebrows furrowed but I only smiled sweetly at him before stealing his black label. Hindi niya naman pinagdamot dahil bumalik ang atensiyon niya sa kausap. Ininom ko iyon at napansin ang titig ni Remy sa akin.

"Si Audrey?" Tanong niya na nagpabaling rin kay Felix sa akin.

Nagkibit balikat ako, "Nasa kanila." Sagot ko.

Hinintay ko ang sasabihin nila pero hindi na umimik. Ngumisi ako bago sumandal kay Archie na dikit na dikit sa akin. His hand is drawing circles in my arms.

"Archie, dahil ikaw ang nagdala ng laro kanina-"

"Kaya pala ang sakit ng likod ni Archie!"

"Mga pabuhat!"

Nagtawanan sila na hindi ko halos maintindihan dahil sabay sabay at sunod sunod ang mga sinabi nila. Naramdaman ko ang pagtuwid ng upo ni Archie at tinanggap ang basong nilalahad ni Dax. May pinag-usapan sila na tungkol sa laro at hindi ko naman maintindihan. Tahimik ko na lang silang pinanood hanggang unti unti ko nang nararamdaman na lasing na si Archie.

Marahan kong tinampal ang pisngi niya dahil nakapikit na siya. Nagmulat siya ng mga mata at tinignan ako.

"Lasing ka na." Bulong ko sa kaniya. Tumango lang siya at muling tumungga ng isa pa.

Inasar siya ng mga kaibigan kaya kahit lasing na ay hindi nagpaawat sa pag-iinom. Sumuko lang siya noong hindi niya na talaga kaya. Sinalo ko ang ulo niyang babagsak at sasampalin sana ulit siya pero siya na mismo ang nagdala no'n sa balikat ko. Medyo mabigat siya pero hinayaan ko na lang.

"Tara uwi! Bagsak na si Archibald!"

Nagtayuan sila at agad ko namang ginising si Archie. Binalingan ko si Dax na nasa tabi niya at nakiusap na i-drive pauwi ang sasakyan ni Archie dahil baka ma-disgrasya pa 'to.

"Sige ba,"

"Isasabay ko na lang siya sa'min ni Baste." Sagot ko bago pinagpatuloy ang paggising kay Archie.

Nagising siya at agad ko siyang inaya sa labas. Hindi naman kami pahirapan sa paglabas dahil kahit papaano ay nakakapaglakad pa siya ng maayos. Sinabi ko kay Baste na sasabay ako sa kaniya at ihatid namin si Archie. Hindi siya kasing lasing ni Archie at nasa tamang pagiisip pa kaya sa kaniya lang ako magtitiwala na ligtas kaming makakauwi.

"Alright. Hintayin ninyo ako dito, kunin ko lang." He hopped towards the parking lot.

Binalingan ko naman si Archie na nasa gilid ko at bigla akong niyakap patagilid. He wrapped his arms around my stomach and rested his chin on my head. Mabigat siya kaya kahit anong pilit kong tumingala ay hindi ko magawa. Hinawakan ko na lang ang malamig niyang kamay at hinayaan siyang gano'n. Mukha na kasi itong nakakaawa.

"Dax will drive your car." Sabi ko sa kaniya.

"Hmm..." bulong ni Archie at idiniin pa lalo ang katawan sa akin.

"Ano 'yon?" Tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Uh..mm,"

Lasing na ata 'to, gibberish na ang salita. Hindi na ako umimik at inayos na lang ang pagkakatayo. Naramdaman ko ang bahagyang pag-tagilid ni Archie kaya hinawakan ko ang braso niya para hindi kami parehas matumba. Tumigil ang sasakyan ni Baste sa harap namin at bumukas ang pintuan sa likod.

Pinauna kong pumasok si Archie bago ako sumunod. Umupo ako sa tabi niya at nang makita kung gaano kahirap ang pwesto ni Archie ay iginiya ko ang ulo niya sa balikat ko. Umusog ako ng kaunti palapit sa kaniya para makasandal siya sa akin. Hindi ko nga lang inaasahan na isisiksik niya ang mukha sa leeg ko. Medyo nakiliti ako at ihihiwalay na sana siya sa akin pero nakonsensiya ako kaya hinayaan ko na lang.

Tinignan ko ang rear mirror at nakita kung gaano ka-komportable si Archie sa pwesto namin. Ang laki laki niyang tao pero para siyang bata na nagtatago sa leeg ko. I felt his lips touching my neck and I heard him whispering some gibberish.

"You guys serious?" Tanong ni Baste nang nakangisi.

Ngumuso lang ako at hindi sumagot. Pinanatili ko ang panonood kay Archie sa rear mirror.

"Cute ninyo. Mukhang totoo." He chuckled kaya inirapan ko siya.

"Shut up."

Tumigil si Baste sa tapat ng condo ko kaya humiwalay na ako kay Archie. Ayaw niya akong pakawalan at mukhang tulog na tulog siya. I find him so cute pero kailangan ko ng bumaba dahil ang hassle naman para kay Baste na babalik pa dito pagkatapos naming ihatid si Archie.

"Nandito na ako, Archie. Bukas na lang," bulong ko sa kaniya at tinanggal ang braso niya sa akin.

He gave me a peck before letting me go. Ngumiti ako bago tuluyang lumabas. Bumaba ang bintana at nakita kong mulat na mulat na si Archie. He doesn't look sleepy anymore while looking at me. Kumaway ako sa kaniya bago pinaandar ni Baste ang sasakyan.

Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko habang papunta sa elevator. Sayang, dapat pala nagpa-picture ako kay Baste kanina. Pang-asar sana kay Archie na nagiging bata kapag nakakainom. Ang cute niya, e. My phone beeped for a notification from my twitter.

Lumabas muna ako ng elevator at pumasok sa unit ko bago binuksan ang message ni Archie.

@archibaldbenj

You smell good.

Mas lalong lumapad ang ngisi ko at dumiretso sa banyo. Halos mapamura nga lang ako nang madagdagan ng bago ang nasa leeg ko. Hayop, Archie, apat na ang hickeys ko!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top