#TWP01

Entry 01

Binuksan ko ang pintuan ng unit ko at mas nauna pang pumasok sina Audrey kaysa sa akin. Nahiya naman ako kaya pinapasok ko muna silang lahat bago ako sumunod. Inikot ko ang aking paningin sa simpleng condo unit ko.

May isang kwarto at isang bathroom. Maliit lang ang salas at ang kitchen, pero ayos lang dahil mag-isa lang naman akong titira dito. The interiors are chic with the color of light pink and cream. Kulang pa ang gamit ko sa condo kaya naman nagpa-sama ako sa mga kaibigan na dumaan sa appliances store. Nakabili kami at dinala dito.

Binagsak ni Baste ang kahon ng electric fan ko kaya agad ko siyang hinampas.

"Mas mahal pa 'yan sa buhay mo!" Sigaw ko sa kaniya.

Ngumiwi siya at mabilis na kinuha ulit ang kahon at dahan dahang binuksan. Sa sobrang bagal feeling ko aabutin kami ng liwanag.

"Huwag ka ngang mang-asar, Baste!" Iritado ko nang sambit kaya tinawanan niya ako.

"Baste, girlfriend mo 'yan si Gillian ngayon. Iniinis mo." Rinig kong asar ni Sabrina na pinuntahan ata ang kwarto ko.

Umirap ako na nakita ni Baste kaya iniwan ko na sila roon sa salas. Sumunod ako kina Sabrina at naabutan na nakaupo na sa kama.

"Hanggang kailan kayo ni Baste?"

Nagkibit balikat ako. Hindi naman kami seryosong dalawa ni Baste. Wala lang kami ma-jowa ngayon kaya naisipan naming kaming dalawa muna. Masaya naman, kaibigan ko siya at kilala namin ang isa't-isa. Alam naming kapag umayaw ang isa sa'min, walang hard feelings.

"Edi hanggang makahanap ng bago! Parang hindi mo alam na malandi kaibigan natin." Saad ni Audrey at binuksan ang cabinet ko. Lahat na lang talaga 'tong babaeng 'to.

"Gusto ko na rin mag-condo." Dagdag na bulong niya.

"Sabihin mo kina Tita,"

"Hindi papayag ang mga 'yon. Lalo na si Kuya. Feeling nila baby pa ako kahit second year college na tayo."

Tumawa ako at tumabi sa kanila sa kama. Dahil bukas ang pintuan ng kwarto ko, nakikita ko ang mga lalaki naming kaibigan na inaayos ang mga gamit na pinamili ko.

"Mabuti ka pa nga pinayagan."

Napawi ang ngiti sa labi ko at nagtaas ng isang kilay.

"Patigasan lang ng ulo 'yan, Audrey." Sagot ko.

Hindi sila sumagot kaya natulala ako sa mga kaibigan naming nasa labas. Ngumuso ako at nakaramdam ng kaunting kagaanan ng pakiramdam. Finally, I am living with my own. It suffocates me everytime I'm in the house.

"Hindi ko naman kayang maging matigas pagdating sa mga magulang ko."

Binalingan ko si Audrey. She pouted and I can't help but to find it cute. I patted her head and smiled.

"Sana all kasi masaya." Tumawa ako pero hindi niya ako sinabayan.

"Baka biglang may dalhin kang lalaki dito, ha."

"Sino? Si Baste?"

"As if papatulan mo 'yang pangit na 'yan." She said a bit louder dahilan nang pagbaling sa amin nila Baste.

"Ano 'yon, Audrey? Sinong pangit?!"

Pumasok sa loob si Baste, dala pa rin ang kahon ng electric fan. Sumunod si Kobe na dala ang manual at si Denzel na mema lang. Umambang lalapitan ng kaibigan namin si Audrey pero agad niya itong binato ng unan.

"Tigilan mo ako, Baste, ha! Mag-b-break din kayo!" Sigaw niya.

"Ikaw nga hindi kina-crush back!"

Namilog ang mga mata ko at binalingan si Audrey. Tumawa ako ng makita na inis na inis na siya kay Baste. Kinuha niya ulit ang isang unan pa at binato si Baste, tumama sa mukha.

"Tama na 'yan. Papa-deliver ako food, anong gusto ninyo?" Tanong ko at tumayo.

Dumiretso ako sa labas at sinipa ang kahon na nasa tabi ng sofa. Kinuha iyon ni Baste at masama akong tinignan. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag-upo. I scrolled down on Grab app and search for fast food near.

"Punta na lang tayo school."

Umiling ako kay Audrey dahil alam ko ang pakay niya doon. Tumabi sa akin si Sabrina at Apple at naki-isyuso sa sine-search ko.

"Si Sabrina ba, ayaw mo samahan si Gil?"

Binalingan ko si Sabrina. "Oo nga. Ayaw mo ba ako samahan dito? Hindi naman kita pag-babayarin."

"Wow, sana all. Ako na lang." Suhestiyon ni Baste.

Sinipa siya ni Lallain na kanina pa tahimik.

"Kayong dalawa, ha. Kapag naghiwalay kayo, siguraduhin ninyong hindi masisira ang grupo na 'to!"

O diba preacher talaga 'tong si Lallain. Mabuti na lang talaga sa ibang school 'to napasok, kung hindi lagi akong uulanin ng pangaral.

"Lallain, kunwari lang girlfriend pero hindi ko talaga gusto 'yan."

Umawang ang labi ko at dinuro ang kaibigan. "Wow, Sebastian Ernold! Wow!"

Humagalpak siya sa tawa at hinampas si Kobe at Denzel. Sinakal siya ni Denzel dahil nasaktan daw siya. Hindi agad natapos ang asaran namin tungkol sa relasyon namin ni Baste. Akala naman talaga nila seryoso kami. Umiling ako at binago ang usapan tungkol sa kakainin namin.

"Sab, samahan mo na si Gillian dito." Si Lallain.

"'Yong tono mo naman, Lallain. Feeling mo ba mayroon akong gagawin na kababalaghan?"

"Hindi malabo. Makati ka, e." Si Audrey na sinang-ayunan ng iba naming kaibigan kaya talo ako.

"Huwag kayong kakain!" Ganti ko na nagpa-tahimik sa kanila.

"And for your information, virgin pa ako! Malandi lang ako pero hindi ako pokpok." Inirapan ko sila.

Dumating ang order namin at parang isang kidlat ay naubos agad ang lahat. Nagtalo pa si Baste at Kobe kung sino ang kumain ng halo-halo dahil kay Baste daw iyon. Umiling ako at inipon na lang ang kalat habang nagtatalo sila.

"Bukas, ha. Hydro Manila," Paalala ni Baste.

"G lang ako." Sagot ko na ganoon rin naman sila- except kay Audrey na magpapaalam pa daw.

Nagkibit balikat ako. Minsan iniisip ko kung anong mas maganda: magkaroon ng istriktong magulang o ang hayaan ka nila sa lahat ng gusto mo. Me and Audrey are bestfriend, we almost reflect each other, pero alam kong malaki pa rin ang pagkakaiba naming dalawa. Well, no one is a carbon copy of your life.

Pagkatapos kong itapon ang kalat na kinainan namin ay nag-pasya kaming mag-movie marathon na lang. Pero dahil may test ako bukas, kinuha ko ang laptop ko at nag-browse sa group chat ng power point namin. Ganoon din naman ang ginagawa ni Lallain kaya hindi na nila kami sinita. Alas siete y media ng gabi sila nagpasyang umalis dahil malayo layo pa ang Silang at Dasma.

"Hatid ninyo muna ako sa dorm." Sambit ni Sabrina. Hindi talaga ako sasamahan nito.

Tinignan ko siya at naramdaman niya ata iyon dahil binalingan niya ako. Nginitian niya ako at niyakap patagilid.

"Bawal ako umalis ng dorm. Papagalitan ako," Tumawa siya ng peke kaya tinanguan ko na lang.

Hinatid ko sila sa baba at agad kinuha ng mga lalaki ang mga motor nila. Delikado 'yon pero dahil pa-cool sila, iyon ang ginagamit nila.

"Sa susunod mag-overnight ako dito." Pahabol ni Audrey bago siya umangkas kay Kobe.

Tumango ako. "Hatid ninyo muna si Sabrina, ha. Baka kung saan ninyo pa dalhin."

Parang sundalo na sumaludo sina Kobe at Baste. Kinindatan ako ni Denzel kaya tinawanan ko siya.

Kumaway ako nang magsimula na silang paandarin ang motor. "Ingat kayo!"

Dumiretso ako sa unit ko pagkaalis nila. Hindi ko na kailangang ayusin dahil inayos na naman nila kanina. Ngumiti ako dahil kahit papaano ay nandiyan sila para tulungan ako.

Maaga akong nagising kinabukasan dahil may klase ako nang alas siete. Walking distance lang naman ang University ko sa condo ko pero masyadong malaki ang CvSu kaya kailangan kong agahan. Sikat na sikat na ang araw nang makarating ako sa school. Naabutan pa ako ni Baste na naglalakad kaya sinabay niya na ako sa motor niya.

"Kapag nag-break tayo, wala ng ganito." Natatawa niyang wika.

"Wala kang kwentang kaibigan kung gano'n." Sagot ko, sakto sa pagtigil namin sa department ko.

Bumaba ako at walang paalam na tinalikuran si Baste. Tinawag niya pa ako at inasar na kung nasaan daw ang 'thank you' ko.

Dumiretso ako sa room namin at naabutan kong naroon na si Sabrina at nagbabasa ng kung ano sa cellphone. Tumabi ako sa kaniya at sinilip kung anong binabasa niya.

"Nag-review ka na kagabi, 'di ba?" Tanong niya na tinanguan ko lang. Kahit nag-review na ako, kailangan ko pa ring mag-aral ngayon dahil baka kung hindi ko gawin, bumagsak ako.

Pumasok ng sabay ang dalawa pa naming kaibigan sa Tourism at sabay-sabay kaming nag-review. Patago akong nag-aaral habang may dini-discuss sa unahan. Lumipat kami ng room at mabilis akong pumunta sa unahan at iniwan mga kaibigan kong nasa likod. Gusto ko kasi talagang mataas ang grade ko ngayong second sem. Mamaya ay pupunta akong registrar para makita ang first semester grade ko. Iniisip ko pa lang, kinakabahan na ako.

Natapos ang test at isa ako sa mga nakakuha ng mataas na marka. Kumaway ako kina Sabrina at naalalang may dos ako last year. Halos nasa kalagitnaan pa lang naman ng first sem at ayaw kong maulit iyon.

Bumagsak ang dalawa kong balikat at kinuha sa bag ang photocopy ng COG ko last year. May ilan akong mabababang grades pero mukha namang nahabol ko iyon dahil sa performance. Bakit may dos ako? Ayoko ng dos sa grade ko. Ginawa ko naman lahat ng best ko para makakuha ng mataas na grade... bakit ganito?

Umilaw ang cellphone ko at nakita ang text roon ni Mommy. Pinatay ko kaagad at bumaba na. Wala ako sa sariling naglakad palabas dahil iniisip ko pa rin kung bakit biglang ganito ang grade ko. Hindi naman ako matalino, average student lang pero ayaw ko ng ganitong grade. Paulit-ulit na ako sa utak ko. Gusto kong mag-rant pero alam ko namang walang magagawa 'yon.

Nasa guard house na ako nang bumuntong hininga ako. Bawi na lang ako this semester. Kaya ko 'to.

Dumiretso ako pabalik sa condo ko at tinago ang COG ko. Naghanap na ako ng damit para sa Hydro Manila mamaya. Hindi naman kalayuan ang MOA dito sa Cavite, lalo na gabi kami aalis at wala masyadong sasakyan.

Nakatanggap ako ng text galing kay Baste at sinabing on the way na sila papunta dito. Mabilis akong naglinis ng katawan at nag-bihis ng isang high waisted pants at isang fitted knitted off shoulder in red. Matangkad ako kaya bagay sa akin ang mga pantalon na ganito. I tied my wavy brown shoulder-length hair and let my bangs stayed. Hindi ko na nilagyan ng clip dahil bagay naman sa akin ang may bangs. Naglagay ako ng simpleng make up bago bumaba at hinintay ang mga kaibigan ko.

Tumigil ang motor ni Baste sa harap ko at kaagad kong tinanggap ang helmet na nilahad niya. Hindi kalaunan ay pinatakbo niya na ito at nagawa pang makipag-karerahan sa mga kaibigan namin kaya sinaway ko sila.

"Gusto ko pang mabuhay mga gago kayo!" Sigaw-sigaw ko dahil masyado nang bumibilis ang patakbo.

Nauna ang motor ni Kobe at dahil ayaw patalo ni Baste, mas binilisan niya pa hanggang sa hindi ko na makita mga kaibigan namin. Malakas ang hampas ng hangin dahil sa bilis ng patakbo ni Baste, mabuti na lang talaga at naka-helmet ako. Sinubukan kong lingunin ang likod pero tanging dilim lang ang nakikita ko at walang bakas ng mga kaibigan namin.

Hinampas ko si Baste at sinabing bagalan pero hindi siya nakikinig. Nang maabutan muli kami nila Denzel at Kobe ay mas lalo akong nawindang sa patakbo nila. Ang bilis tuloy naming nakarating sa Dasma kung nasaan ang bahay nila Audrey.

"Gusto ko talagang sumama kaso ayaw nila Mommy." Naiiyak nang wika ni Audrey.

Nasa rotunda kami nila at hindi na pumasok dahil madilim na at kailangang magmadali. Ngumuso ako at nanghinayang dahil hindi namin makakasama si Audrey.

"Padalhan ka na lang namin ng pictures," Si Denzel at niyakap si Audrey na nalulungkot.

"Sayang. I heard naroon din daw ang basketball team ninyo, Baste."

Ngumiwi ako nang matanto na si Felix lang pala habol nito doon. Nakita iyon ni Audrey at nakiusap na balitaan ko siya sa ginagawa ni Felix. I told her na update ko siya kapag nakita ko. Pero mukhang imposible na makita ko 'yon. Nagpaalam kami kay Audrey at kumaway sa Kuya niya na nanonood sa amin sa hamba ng pintuan nila.

Pinili naming dumaan sa Tagaytay para mabilis ang maging biyahe. Hindi katulad kanina ay normal lang ang patakbo ngayon nila sa kanilang mga motor. Tinanggal ko muna ang helmet ko at dinama ang simoy ng hangin sa gabing ito. Humawak ako sa likuran ng motor at binalingan ang nagki-kinangang ilaw ng Tagaytay. Iba't ibang kulay na nagsasama-sama sa isang madilim na gabing ito. Tagaytay City Lights is beautiful. Ngumiti ako at binusog ang mga mata sa nakikita.

The thought of my failing grade a while ago subsided when I felt this kind of rendezvous. Nakakagaan sa pakiramdam na makita ang mundo kapag masyado ka ng nasasakal sa sariling naiisip. When you can't control your thoughts anymore, go out and breathe. Life is too short to stressed things out... kaya naman madalas tinatakasan ko ang problema- at kinabukasan, haharapin ko na naman. Well, at least, I had fun for a while.

Mas binilisan ni Baste ang patakbo ng sasakyan kaya hindi ko na napigilang sumigaw. Sumabay sa amin sina Denzel at Kobe. Nginitian ko sina Sabrina, Lallain at Apple. Tinaas namin ang mga kamay namin at sabay-sabay kaming humiyaw bago muling sinuot ang helmet dahil may natanaw kaming mga pulis.

May lisensiya naman sina Baste kaya nakalagpas kami. Nang malapit na kami sa MOA ay doon nagsimulang mag-usbungan ang ingay, ang kaninang tahimik na lugar ay gumulo. Bumaba agad ako at hinila ang babaeng mga kaibigan sa kumpulan ng mga tao.

Nagtatalon ako, nakikanta, nakisigaw at nakisayaw. The crowd is much hyped when a famous band stepped in the stage. May tinanong siya na sabay-sabay kaming sumigaw ng 'yes!' Inakbayan ko si Baste at sumayaw na parang nasa club lang. Hindi pa kami nakaka-inom pero ganito na agad ang tama ko.

"No kissing, Gil." Bulong niya kaya inirapan ko siya.

"You wish, Sebastian." I said and turned around and started jumping again.

Inakbayan ko si Sabrina at Apple bago kami sabay-sabay na nagtatalon. Malanding nag-twerk si Denzel na pinatulan naman ni Apple kaya mas lalong umingay sa banda namin. Inabutan ako ni Baste ng isang bote ng alak na agad kong tinungga. Hinawakan ni Sabrina ang braso ko at nginuso na mag-cheers muna kami.

"This is so fun!" Sigaw nila Lallaina at nakisabay sa mga taong iba-iba ang way ng pag-inom.

Ang katabi namin ay parang gripo na ininom ang San Mig habang 'yong isa, itinapat sa gitna niya bago lumuhod ang babae at sinalo ang iniinom. Nagkatinginan kaming magkakaibigan at nagpasya na makisali sa kanila.

Niloko ko si Sabrina na lumuhod at lumuhod nga ang luka. Sinabi ko kay Denzel na siya na ang bahala kay Sabrina at diring diri siya habang ginagaya ang ginawa ng katabi namin.

"Tangina, Sabrina nakakadiri!" Umaktong nasusuka si Denzel. At dahil mahilig mang-asar si Sab, dinagdagan niya pa ng halik sa pisngi na mas nagpairita sa kaibigan namin.

Uminom ulit ako at muling tumalon. Hindi ko na pinansin ang indahan nila dahil masyado na akong nadadala ng tugtugin at ng mga tao dito. Someone I don't know danced behind me na pinatulan ko naman. I hooked my arms on his neck and I was mesmerised to see that this is the model I've seen in the magazine once.

"Name?" Tanong niya na para bang nang-aalok ng kung ano.

Ngumisi ako. I licked my lower lip before answering, "Haidee." Kilala ako bilang Gillian, pero pangalan ko pa rin naman ang Haidee kaya hindi ako nagsinungaling.

"I'm-"

"I know you." I said seductively.

And before we could talk more, he leaned and kissed me lustly. He parted my lips and wanders his lips inside mine. At dahil tiga-Maynila ito, ayoko namang magpa-talo. I sucked his lowerlip and I heard him moan because of what I did. Humiwalay ako sa kaniya nang medyo nag-iinit na ako dahil baka bigla akong mawala sa wisyo at magpadala dito.

Hinanap ko sina Baste at nakita kong nasa dulo sila. Napalayo pala ako, hindi ko na napansin.

"Nandito Ate kong Journo!" Lasing na sigaw ni Baste at tinuro si Ate Reese na kasama ang ibang kaibigan.

Lumapit siya sa amin at hindi pinansin ang kapatid. Binati ko sila pabalik at nalaman namin na narito rin ang ibang estudyante ng CvSu, specifically, the Basketball team because I saw Felix and Toby.

"Lasing na si Baste? Paano kayo uuwi? Baka ma-disgrasya kayo." Nag-aalalang tanong ni Cohel.

Umiling ako at hindi na nagtangkang lumapit dahil baka hilahin ni Kaycee ang buhok ko.

"Kunwari lang 'yan," Sagot ko bago ako muling nakisabay sa kanta at ingay.

Hinila ko si Sabrina sa gitna dahil gusto kong makahanap ng lalaki. Dahil hindi na tame ang mga tao, nagkahiwalay kami ni Sabrina. Pinagkibit balikat ko na lang iyon dahil hindi naman kami mawawala. Dumiretso ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa madilim na bahagi ng field. I saw some making out and I don't mind.

I am already eyeing a tall moreno guy with curly hair. Nakikipag-usap siya sa isang lalaki at nang mahanap ang mga mata ko ay tumigil sa akin. Lumapit ako habang kagat ang pang-ibabang labi. I was one step away already from him when someone drag me in the dark. Kinabahan ako dahil baka mamaya ay ma-rape ako.

Sisipain ko na sana kung hindi ko lang namukhaan kung sino iyon. Ngumisi ako nang makita ang titig ni Archie sa aking labi. Kagaya ng ginawa ko kanina, I tangled my arms on his nape and tiptoed to kiss him. Pinatulan niya ako dahil naramdaman ko ang paghawak niya sa aking baywang at ang pagdiin niya sa'kin sa kaniyang katawan. He parted my lips and slid his tounge inside mine. He wanders it there until I was lacking air and he bit my lower lip. Humiwalay ako para makahinga pero hindi pa tumatagal ay hinalikan niya na ulit ako.

His kisses went down until he's kissing my neck already. I felt him sucking the sensitive part in my neck and then lavished kisses again around my clavicle. Hinawakan ko ang buhok niya at halos mapapikit na dahil sa sensasyong nararamdaman. Damn, I love to make out with a Manila boy but I am here with Archie, one of the famous members of our school's basketball team.

Pero ayos lang naman, gwapo naman ang nilalang na 'to. Nagmulat ako ng mga mata at natanaw ang magulo at maingay na mga tao. But even with that I feel like, me and Archie own this.

Naramdaman ko ang pagbaba ng kamay ni Archie sa hita ko at ang marahang paghaplos nito roon. Bumalik ang halik niya sa aking labi at hindi ko na napigilan at napa-ungol ako dahil sa ginagawa niya. I felt his hand almost touching my center when suddenly he stepped back and stared at my eyes. I saw his deep gray eyes. Para akong nalasing agad habang pinagmamasdan siya. He smirked and leaned again towards me. Hinuli niya ang aking kamay at inilagay iyon sa kaniyang balikat.

"You're dating Baste?" He sexily asked.

Tumango ako at hindi maseryoso ang tanong niya dahil bumagsak ang tingin ko ulit sa mapula niyang labi. He held my chin up and guided it towards his. He kissed me and when I was already in the verge of getting addicted, he stopped. Ang unfair!

Sumimangot ako pero mahinang tinawanan niya lang ako.

"Break up with him and play with me." He whispered.

That's the last words I heard from him before Sabrina found me. Hinila niya ako pabalik sa pwesto namin pero hindi ko mapigilan at lumingon ako para makita si Archie.

He's tall and white. Muscles in right places but not bulky. Agaw pansin rin ang kakaibang kulay ng mga mata niya. I almost choked my own saliva when I found his eyes staring at me... watching me getting drag by my friend. Ngumisi ako at napaisip.

Bakit ba hindi ko 'to agad nilandi?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top