Chapter 30
Emilia
Isang linggo rin ang lumipas at halos araw-araw na yatang naririto si Roman. Hindi napapagod. Kung hindi bulaklak ang dala, mga laruan naman para sa bata ang bitbit niya.
Mas maaga pa siya sa pagsikat ng araw at pagtilaok ng manok. Kaya nagrereklamo na si King dahil siya ang nagigising kapag maaga itong nagdo-doorbell.
“What's your plan tomorrow?” tanong nito habang sumisimsim sa kaniyang iniinom na kape.
Gustuhin ko man siyang itaboy ngunit hindi ko iyon magawa. Nakikita ko kasing masigla si Rowan at kahit man lang ito ang maibigay ko sa kaniya. Birthday niya kasi bukas at wala akong pera pang handa. Siguroʼy kakain na lang kaming dalawa sa labas. May kakaunti pa naman akong ipon na sakto lang para sa aming dalawa.
“Wala kang pakialam,” sagot ko kay Roman. Hindi ako nag-abalang lingunin ito dahil abala ako sa pagluluto ng agahan namin.
“He's also my son, Emilia. I wanna what's your plan on his birthday.”
Pinatay ko ang stove at mapait akong tumingin sa kaniya. Bumuntonghininga ako. Sa bawat taon na dumarating ang kaarawan ni Rowan ay wala siya sa bahay. Hindi man naranasan ng anak ko ang isang engrandeng birthday party ngunit kahit papaano ay ginagawan ko pa rin nang paraan para lang makapaghanda kami. Iyong simple lang ngunit mula sa puso ko ang pagmamahal na ibinibigay ko sa kaniya.
Malaking tulong din si Andoy noon sa akin. Dahil sa taon-taon niya akong binibigyan ng pera sa tuwing malapit na ang birthday ni Rowan.
Tapos itong taong 'to? Kung makapagtanong na kung ano ang plano ko bukas?
“Kakain lang kamin––”
“I want my son to celebrate his birthday. Bibigyan natin sʼya ng isang magandang birthday party,” pagputol nito sa sasabihin ko.
Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi man lang siya natinag sa kinauupuan niya. Nakangiti pa ito habang sinasalubong ang tingin ko.
“Kung gusto mo, mag-celebrate ka mag-isa mo. Gusto kong makasama ang anak ko na kaming dalawa lang.” Nagbago ang ekspresiyon nito sa mukha. Tila ba hindi nito nagustuhan ang sinabi ko sa kaniya.
“Emilia...” Nakaramdam ako ng takot ngunit mas nangingibabaw ang kakaibang pakiramdam ng mga teenagers ngayon sa tuwing nilalambing sila ng taong gusto nila. “Bumabawi ako sa inyo ng anak natin. Give me another chance to prove myself.”
Umiling na ako. Ayokong magpaloko sa nakakawa na niyang tingin. Ayokong masira iyong pader sa pagitan naming dalawa. Kung maaari nga lang na lumayo ako ulit, gagawin ko. Pero hindi ko naman alam kung sino pa ang tatakbuhan ko. Kung sino pang hihingian ko ng tulong. Nahihiya na ako kay Andoy at King, marami na silang naitulong sa akin.
“Papa!” Hindi ako nakasagot nang biglang pumasok ang kagigising pa lang na Rowan. Agad itong tumakbo papalapit sa ama at sumampa sa kaniyang mga hita. Malaki nito ngunit kung umakto sa ama ay parang nasa limang taong gulang pa lang siya.
“Good morning, Son. How’s your sleep?” Nakangiti si Roman dito, palagi naman simula noong magpakita itong muli sa amin.
“Great! I had a dreams po. Napanaginipan ko po na we’re finally living together,” sagot ng anak ko.
May kakaunting kirot akong nararamdaman sa tuwing nagsasabi ito ng mga ganito. Ngunit ipinagsasawalang bahala ko na lang ang mga iyon. Hindi ko na kakayanin pa kung makakasama ko ulit si Roman sa iisang bubong. Dito pa nga lang, ang sikip na agad nang paligid para sa aming dalawa.
“Soon, Son.” Hinaplos nang marahan ni Roman ang buhok ng bata.
Agad akong tumalikod. Nangingilid kasi ang mga luha sa aking mga mata. Kung patatagalin ko pa ang pagtitig sa kanilang dalawa ay baka bumigay ako nang tuluyan.
“What are your wishes on your birthday?” narinig kong sabi ni Roman.
Kinuha ko ang mga plato at saka ako muling humarap sa kanila. Naglakad ako papalapit sa hapag at inilagay iyon sa mesa.
Nakaupo na si Rowan sa tabi ng ama habang nakatingin ito sa akin na ikinagulat ko. May kislap sa kaniyang mga mata habang nakangiti naman ang kaniyang labi.
“You already know the answer, Papa. I want you and momma to be together again po.”
Hindi na nakakagulat. Ito naman talaga iyong palagi niyang sinasabi sa akin noon. Palagi niyang hinihiling noong iwan namin ang ama, na sana raw ay magkabalikan na kami ni Roman.
“H-Hindi ko ala–”
“I know it’s impossible to wish this po pero mahal ko po kayong dalawa. Ayaw kong maghiwalay kayo even though your marriage was fake. You love each other, right? You should at least give it a chance again?”
“Kumain na lang tayo,” mabilis kong sagot at muling tumalikod. Ayokong pag-usapan ang tungkol doon hangga’t maaari. Alam nitong si Rowan ang kahinaan ko. At, baka kapag itinuloy niya ang tumatakbo sa isipan ko’y hindi na ako makakapagdalawang isip pa.
––
Hindi na rin ako pumasok sa trabaho kahapon dahil namili kami ng mga lulutuin para sa birthday ni Rowan. Oo, wala akong nagawa kundi ang payagan si Roman na bigyan ng magandang handa ang bata.
Humiling lang ako na hindi na engrande dahil wala naman kaming kilalang mga tao na iimbitahan namin. Kami-kami lang nina King, Andoy, Roman, at ako. Mabuti na lang din na pinagbigyan niya ako ngunit hindi ko na siya na napigilan na sa isang malaking bahay kami uuwi kinahapuan.
Maganda ang bahay, malawak ang living room, ang sala, ang garahe, kusina at bawat kuwarto. Hindi nakakapagtaka na mayaman ang nakatira dito. Malayong-malayo sa naging bahay namin noon.
“Who's house is this, Papa? Is so big. Ang ganda rin po ng swimming pool.” Sumang-ayon ako kay Rowan. Hindi maipagkakaila na maganda nga itong bahay, moderno ang halos desenyo. May dalawang palapag kung saan sa second floor ang mga kuwarto.
“Our home,” sabi ni Roman. Nakangiti ito. “Welcome home,” aniya pa. Doon ko lang din naintindihan ang sinabi nito.
Mabilis kong hinawakan sa kamay si Rowan na nakatayo sa tabi ko. “Uuwi na kami,” sabi ko at tatalikod na sana ngunit mabilis ang naging kilos niya’t nahawakan ako sa aking braso.
“Emilia, wait. Please, stay. J-Just for this night. B-Besides, we were celebrating my son’s birthday here.” Napansin ko ang tila balisa at takot sa kaniyang mukha habang sinasabi ang mga iyon.
“Oo nga po, Momma. Gusto ko pong makasama si Papa,” pagsang-ayon naman ng anak kong may malungkot ding tono ng boses.
“Kaya mo ba kami dinala rito?” may diin kong tanong. Marahan ko ring hinila ang braso ko na siyang naging dahilang nang pagbitiw nito rito.
Napakamot ito sa kaniyang batok at bigla akong napalunok nang makita ko ang muscles nito sa braso.
'Emilia, galit ka sa kaniya! Hindi ka dapat nagpapa-apekto sa tulad niyang sinungaling.
“I'm sorry...” Kinagat nito ang ibabang labi habang nakatingin sa akin nang deretso. “Kapag kasi ipinaalam ko pa sa 'yo, baka hindi kayo sumama sa akin ng anak ko.”
Bumuntonghininga akoʼt umiwas ng tingin. Hindi ko na natatagalan pa ang pagtitig sa kaniya. Kung hindi naninikip ang dibdib koʼy iba naman ang dumadaloy sa katawan koʼt ayaw ko iyon.
“Saan ang kuwarto namin. Matutulog na ako,” sabi ko. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na lang ganito ang pakikitungo ko sa kaniya samantalang noon ay mahina ako sa paningin niya.
Siguroʼy hinubog na ako nang panahon na maging matapang. Sawa na rin akong maging mahina dahil parati na lang akong niloloko.
“Auhmm... Hindi ka ba kakain na muna?” tanong nito. Mahina lang at ramdam kong umaasa itong sabayan ko silang kumain ng kaniyang anak.
Umiling lang ako at nilingon ang anak ko. “Nak, gusto mo na bang matulog?” Umiling lang ito kaya tumango naman ako't binitiwan na ang kaniyang kamay.
May lumapit naman sa aming katulong at sa kaniya ako nagpasama sa taas kung saan ang kuwarto. Nang makapasok ako sa loob ay agad akong naupo sa naroroong malambot na kama. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa kanina ko pa nararamdamang kaba.
Buong maghapon kaming magkasama ni Roman. At, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako masaya?
*****
Kahapon sana 'to kaso ngayon ko lang natapos. Thank you for patiently waiting. Thank you 10k reads!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top