Chapter 29

Emilia.

"Papa told me that you weren't married." Nagulat ako sa biglang sinabi ng anak ko. Natigilan ako sa paghaplos sa kaniyang malambot na buhok.

Nakahiga na kaming pareho sa aming kama at balak na naming matulog. Ngunit ang batang ito'y gusto pang magkuwento hanggang sa ito na ang sasabihin niya? Hindi ako makapaniwala. At, ano na namang gustong iparating ng lalaking iyon?

Binaliktad ba niya ako sa anak ko? 'Yan ang mga katanungan sa isipan ko.

"A-Ano ba 'yang pinagsasabi mo, Rowan. Masyado ka pang bata para sa mga usapang 'yan," imbes na sagutin ang tanong nito'y iyan ang sinabi ko. Ayaw ko lang marumihan ang isipan nito. Kaya hangga't maaari, ayokong pag-usapan namin ang tungkol doon.

"I just wanted to know. My classmates have a completed family. They were so happy. Gusto ko rin po nang gano'n, momma. Ayoko po na ganito kayo ni papa. Please, gave him a chance po?"

Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko. Humugot ako nang malalim na buntonghingina. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Roman at kung bakit hindi pa rin kami nito hinahayaan na lang?

"Rowan..." Dumilat ako't tumingin sa kaniya. Nakahiga ito sa tabi ko habang hawak-hawak niya ang dulo ng kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. Nakatingala rin siya dahil nakaunan ako sa aking isang kamay at bahagyang nakatagilid dito.

"P-Please po, momma?" ani pa nito. Nakikita ko sa mga mata niya na umaasa siyang pagbibigyan ko ang ama nito.

"Hindi kasi gano'n kadali, 'nak. Malalim ang sugat na nagawa ng tatay mo. Hindi ko alam kung kailan iyon maghihilom. Kung wala ka, siguro'y tuluyan nang sumuko si momma sa kaniyang buhay." Isa-isang tumulo ang mga luhang matagal ko ring pinigilang huwag bumuhos.

"G-Gusto kitang bigyan nang isang kompletong pamilya, gusto kong maranasan mo iyong pamilyang masaya at walang dinadalang problema. Gusto ko iyon para sa 'yo dahil hindi ko naranasan iyon pero  ito ang nakatadhana para sa atin, 'nak–"

"B-But papa told me that he loves you. I even saw it in his eyes how much he wanted you to come back. He said, he will do everything to win us back, momma. So, please..." Umiiyak ito na mas lalong nagpaiyak sa akin. "Give him a chance to prove himself. I love you and papa, too."

Wala akong masabi. Mas lalong nanikip ang dibdib ko habang nakikita kong umiiyak ang anak ko. Tumatanda na ito. Naiintindihan na niya ang mga bagay-bagay at alam kong ginagawa lang niya ito dahil gusto niyang magkaroon kami ng kompletong pamilya.

Niyakap ko ang anak ko. Pinatahan ito sa pag-iyak kahit na maging ako'y hindi rin matigil sa pagluha. Muli ko na namang naalala iyong naging pag-uusap namin ni Roman sa restaurant.

"Ask my wife what she wanted."

Narinig ko ang pagsinghap ng iilang malapit sa puwesto namin nang marinig ang sinabi nito. Gusto ko itong suwayin ngunit nang makita ko ang ngiti sa labi niya'y hindi ko na nagawa. Hindi ko maibuka ang bibig dahil sa labis-labis na kaba.

"I-Ikaw na lang ang bahala," sabi ko pagkaraan ng ilang segundo at nang mapansin kong mukhang naiinip na ang waitress.

Hindi nagtagal ay umalis ang waitress nang makuha nito ang order namin. Yumuko naman ako at pinaglaruan ang mga kamay sa ilalim ng mesa. Ayokong iangat ang tingin dahil ayokong nakikita ang mukha nito.

May iilan ding nakatingin sa direksiyon namin. Nagtataka ang iilan ngunit karamihan ay nakataas ang isang kilay. Nararamdaman ko ang mapangmata nilang tingin na mas lalo kong ikinahiya.

Alam kong hindi ako mayamang tao. Alam ko rin kung saan ko ilulugar ang sarili. Kaya nga heto't sinusubukan kong lumayo sa kaniya ngunit ito naman ang kusang lumalapit sa akin.

"Didn't I tell you to ignored them?" Inangat ko ang tingin ko't nagsalubong ang mga mata naming dalawa. Kumabog muli ang puso ko na agad ko ring sinuway. "They don't have the right to speak whatever they want to you. I promise you that, Emilia."

"Tama po si papa, Momma. Papa will protect us po." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Rowan. Nanatiling nakatuktok ang mga mata ko sa kaharap ko.

"Ano ba talagang gusto mo?" tanong ko. Gusto ko lang malaman kung bakit niya pa kami ginugulo. Hindi pa ba sapat ang paghihirap ko?

"Ikaw," aniyang nakapagpatayo sa balahibo ko. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil hindi ko makita ang pagbibiro sa kaniya. Seryoso lang itong nakatingin sa akin. "I want you back with my son, Emilia. I want to start with you. I will marry you again but this time, it's for real. Everything will be real."

Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Hindi ko pala namalayang nakatulog kaming dalawa ni Rowan na magkayakap. Masakit nang kaunti ang mga mata ko dahilan nang pag-iyak ko kagabi ngunit unti-unti itong nababawasan hanggang sa makapag-adjust ako.

Tumingin ako sa aking tabi. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kaya napagmasdan ko ang kaniyang itsura. Kuhang-kuha niya ang hugis ng labi ni Roman, ang mahahaba niyang pilik mata at ang matangos nitong ilong. Halos lahat ay namana niya kay Roman.

Hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi nito kagabi. Kaya naguguluhan ako. Ayokong pagbigyan si Rowan sa gusto nito dahil alam kong masasaktan lang din ako ngunit mas ayaw ko namang masaktan ang bata. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagnanais na magkaroon ulit ng kompletong pamilya.

Kaya bago pa man ako mabaliw sa kakaisip. Iwinaksi ko na lang iyon. Hinalikan ko muna sa noo si Rowan bago ako pumasok sa banyo para mag-toothbrush at maghilamos.

Lumabas na rin ako ng kuwarto namin nang matapos ako. Natutulog pa si Rowan. Siguro'y dahil napuyat ito kakakausap sa akin; kakapilit na bumalik sa ama niya.

Naabutan kong nagkakape si King sa hapag nang makapasok ako ngunit ang mas ikinagulat ko'y kung bakit nandito si Roman ngayon?

"Good morning, honey!" masigla niyang bati. Kaya napatingin ako kay King.

"Alas-kuwatro pa lang ay nandito na 'yan," anito na naging dahilan nang pagkalaglag ng aking mga balikat sa gulat.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" matigas kong tanong. Ibinalik ko ang tingin sa kaniya. Nanatili pa rin ako sa pintuan ng kusina.

Nakangiti ito at suot-suot na naman ang maaliwalas nitong mukha.

"I want you to come with me," sagot niya.

"May trabaho ako at alam kong mayroon ka ring trabaho. Hindi ba'y CEO ka na ng kompanya niyo?" Naglakad ako papunta sa lagayan ng mga baso at sinundan ko nito ng tingin.

"S-Sa labas na muna ako," narinig kong sabi ni King at hindi na ito naghintay pa dahil agad siyang umalis ng kusina.

"I am the CEO and I am also the time."

"Diresuhin mo na ako. Kung ano man ang binabalak mo, maaaring itigil mo na lang? Hinding-hindi ko ibibigay si Rowa–"

"Hindi ko kukunin ang anak natin." Lumingon ako rito matapos kong magtimpla ng kape. "Kung kukunin ko siya, I want you to come with us also. Our son wants a complete family, Emilia. Kaya pagbigyan natin."

Bumuntonghininga ako. Naglakad ako papalapit sa kaniya at inilapag ang isang baso sa kaniyang harapan. Napansin ko kasing wala itong kape kaya pinagtimplahan ko na.

"Makikihati ako sa oras ng anak ko. Puwede siyang sumama sa iyo kahit hindi ako kasama. S-Sumusuko na ako. H-Hindi ko kayang makasama ka pa ulit sa iisang bubong dahil naalala ko lang ang mga sakrispisyong ginawa ko," sabi ko. Mahina lang ito ngunit alam kong narinig pa rin niya.

"E-Emilia..."

"Magkape ka na. Ikaw na ang maghahatid kay Rowan sa eskwelahan," sabi ko na hindi na siya tinapunan pa ng tingin.

"Hindi ako susuko. I will win you back. I sacrificed a lot for you, Emilia. I even fight for you kaya hindi ko sasayangin ang bawat araw para iparamdam sa 'yo na mahal kita."

Mahal niya raw ako? Nakakatawa. Gusto kong maniwala sa sinabi nito ngunit bingi na siguro akong maituturing at sarado na ang damdamin ko. Hindi ko na mahanap iyong kilig sa mga sinasabi niya.

Hindi na ako teenagers pa para magpaloko. Sa loob ng sampong taon, ni minsan ay hindi ko maramdaman ang pagmamahal na iyon. Kaya ano pa bang saysay para sabihin niya ito sa akin ngayon? Wala na dahil huli na ang lahat.

*****

Nagpapakilig tapos nananakit. Ako po 'yan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top