Chapter 27

Third Point Of View.

Mula sa pinakataas ng building, nakatayo siya malapit sa glass wall ng kaniyang opisina. He was wearing hid three piece suit na bagay na bagay sa kaniya. He's the new CEO of Garces Construction Co., Ltd.

But Roman isn't happy kung nasaan siya ngayon. Nakuha nga niya ang matagal na niyang pangarap mula pa nang bata siya but Emilia and his son wasn't his side.

Hindi sapat ang posisyong mayroon siya ngayon dahil wala sa tabi niya ang babaeng mahal niya.

Bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina at pumasok doon ang kaniyang sekretarya. Napalingon siya rito.

"Good morning, sir. Ipapaalala ko lang na may meeting po kayo kasama ng mga magulang ninyo in a minute," anito. May bitbit siyang ipad sa kaniyang braso dahil doon nakalagay ang scheduled ni Roman.

"I'll be there," sagot niya rito. Tumango lang ang sekretarya at agad ding nagpaalam sa kaniya.

Hindi maiwasang hindi mapahugot nang malalim na paghinga si Roman. Akala niya noong una'y hindi na siya pakikialaman ng kaniyang magulang. Napapikit siya nang mariin at napahawak sa kaniyang sintido nang muli na naman niyang maalala ang naging usapan nila ng kaniyang mga magulang.

Dalawang buwan ang lumipas matapos may mangyari sa kanila ni Emilia. He checked her and found out that she was pregnant. Alam niyang siya ang ama kahit hindi sabihin ni Emilia at masaya siya sa nalaman. Kaya agad siyang umuwi sa kanilang mansion to tell the news to his parents.

"Mom! Dad!" Halata ang tuwa sa kaniyang boses. Hindi niya iyon maitago dahil sa aliwalas ng kaniyang mukha at ang sila ng kaniyang boses.

"What?" maarteng sagot ng kaniyang ina. Sa unang tingin pa lang ay mahahalata mo na rito ang pagiging maarte at striktong ina.

"You seemed happy today, Romano?" mahinahong tanong naman ng ama.

Sa kanilang pamilya, ang ina nito ang nasusunod sa lahat ng bagay. Dahil ang ama niya'y ibang-iba sa ugali ng kaniyang ina. Nakuha ni Roman ang halos ugali ng ama.

"Well..." Mabilis siyang naupo sa pang-isahang sofa at tumingin sa mga magulang. "I got her pregnant. Magiging tatay na ako!" he screamed.

Nanlaki ang mga mata ng kaniyang magulang. Lalo na ang ina nito na gulat na gulat sa sinabi ng anak. Roman is just an eighteen years of age at hindi niya kayang makitang magiging teenage parents ang kaniyang anak. Hindi pa ito nakakapagtapos ng pag-aaral at marami siyang pangarap para dito.

"WHAT?! WAIT! NABUNTIS MO SI KRISTINA? GOD!" eksaherada nitong reaksiyon. Kinuha niya pa ang mamahaling pamaypay sa center table at pinaypayan ang sarili kahit na malamig naman sa loob.

"Congrats, Son." Nakangiti ang ama nito sa naging balita ng anak. "Magkakaapo na ako," aniya pa.

"Tell me, Romano! Si Kristina ba ang nabuntis mo?" Lumingon si Roman sa kaniyang ina na magkasalubong na ang mga kilay.

"No. It's not her, mom. This is different and I love this girl. She made me feel that no matter how hard life is, I should keep going."

Kumurap-kurap ang kaniyang ina. Hindi siya makapaniwa na nasasabi ito ng kaniyang anak. She knew Roman dahil siya ang nagluwal nito but she never thought of hearing these words from him.

"No! Kahihiyan ito sa pamilya natin. We're following tradition. One must marry a girl that his/her parents wanted."

"Amanda my dear, it was a long time ago. We doesn't need to follow those stupid things." Lumingon ito nang masama si Sonora, ang ina ni Roman.

"Stupid? Felipe, my god! 'Yang sinasabi mong stupid ay 'yan ang naglagay sa 'yo sa posisyong mayroon. Don't ever call our tradition like that!"

"Mom, hear me out..." Kay Roman naman natuon ang atensiyon ni Sonora. Hindi pa rin nawawala ang masama nitong tingin sa mag-ama. "I wanna marry this girl."

Umiling ang ina ni Roman. Tanda na hindi talaga ito sang-ayon sa plano ng anak.

"You can't, son. Remember, you supposed to finish your study before marrying. And, I want you to marry Kristina. She's that right–"

"I don't love her! Naiintindihan mo? Hindi ko siya mahal, kayo lang ang may gusto sa kaniya. If you, ikaw na lang magpakasal kay Kristina kung gusto niyo." Narinig niyang tumawa su Felipe sa tabi kaya bumaling dito nang masama si Sonora.

Tumayo ang babae.

"Tapos na 'tong usapang ito. My answer is final," aniya at aalis na sana siya ngunit napigilan siya ni Roman.

"Kahit fake marriage lang, mom! J-Just let me marry her." Dahan-dahan ang paglingon niya sa anak. "Kung ayaw niyong mapahiya ang buong angkan natin," dagdag niya pa.

"Sir, they're all waiting for you." Napabalik siya sa reyalidad nang marinig ulit ang pagbukas at pagsilip ng kaniyang sekretarya.

He nodded as an answer and sighed. Wala siyang nagawa kun'di ang pumunta sa conference room ng kaniyang kompanya. Kahit hindi niya alam kung ano ang pag-uusapan nila ng kaniyang mga magulang.


Mabilis natapos ang meetings. Wala namang importanteng napag-usapan. Kaya agad siyang lumabas at kinuha ang kaniyang cellphone sa bulsa. Pumunta siya agad sa contacts at hinanap ang number ng kaibigan. Tinawagan niya ito.

"Did you find her?" agad na bungad niya nang sagutin nang nasa kabilang linya ang tawag.

"Chill! Bakit parang nagmamadali ka?" Rupert asked.

Dumiretso si Roman sa kaniyang opisina at naupo sa kaniyang swivel chair. Kausap pa rin niya ang kaibigan.

"You told me to make my move, dude! Kaya sabihin mo na, where she is?" Narinig niya ang hagikgik ng kaibigan pero hindi niya ito pinansin. Ang gusto lang niyang malaman ay kung nasaan si Emilia sa mga oras na 'to.

"She's working at a coffee shop. Mr. Bean's coffee," sagot ng kaibigan. "I'll send you the location." Agad nitong ibinaba ang tawag at ilang sandali lang ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa kaibigan.

Napangiti siyan at hindi na siya nagtagal pa sa kaniyang opisina dahil agad niyang kinuha ang susi ng kaniyang kotse at lumabas.

"Sir, may meeting pa po kayo mamaya. Saan po kayo pupunta?" Tumigil siya at tumingin sa sekretarya niya.

"Just cancel all my meetings for this week. I have some important things to do," sagot niya rito. Isang ngiti muna ang ibinigay niya bago siya nagmadaling umalis ng kompanya.

Emilia

Hindi ako makapag-focus sa trabaho dahil sa nakakailang na tingin ni Roman. Magdadalawang-oras na ata itong nandito at tatlong kape na ang kaniyang naubos.

Kaya kanina ay muntik ko nang mahulog ang dala-dala kong orders dahil sa panghihina ng tuhod ko. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan. Naguguluhan ako, ano ba kasing ginagawa ng lalaking 'to rito? Wala ba siyang trabaho? Hindi ba'y ipinasa na sa kaniya ang pagiging CEO ng kanilang kompanya?

"Girl, sa tingin mo. Daks ba si sir?" Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay EO. Nakaupo kaming dalawa sa aming mga puwesto dahil kakaunti lang ang pumapasok na costumer. Tatlo lang kaming waitress dito, si Amber ang isa na ibang-iba rito kay EO.

"A-Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Sinong sir?" sunod-sunod kong tanong dahil hindi ko siya lubos na naiintindihan.

Gamit ang nguso nito'y may itinuro siya. Kaya para malaman ko kung sino ba ang tinutukoy niya'y sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya. Mas lalo akong nagulat dahil bumungad sa akin si Roman na nakangiti at bigla pang kumaway sa amin.

"Tangina, girl! Nakita mo iyon? Huhu! Namamasa panty ko," sabi ng katabi ko. Gusto kong tumawa pero hindi ko mahanap ang tuwa dahil halos lumabas na ang puso ko dahil sa lakas ng kabog nito.

"Manahimik ka nga, EO! Napakabasura talaga niyang bunganga mo." Lumingon kami sa nagsalita at si Joem iyon. Siya ang nakatoka sa counter at barista nitong coffee shop.

"Tse!" Umalis si EO at nilapitan ang kakaupo pa lang na costumer.

"Napapansin ko kanina ka pa tinitignan nung isang costumer. Magkakilala kayo?" Kumunot ang noo ko at bigla itong tumawa nang mahina. Napansin ko rin ang biglang pamumula ng kaniyang magkabilang pisngi. "Ay! P-Pasensiya na. Ang tsismoso ko ba?" Tumawa pa siya.

Umiling lang ako. Hindi ko na sinagot ang tanong nito. Wala na rin namang saysay pa iyon. Hindi na mahalaga kung kilala ko o hindi si Roman.

Para mawala sa isipan ko si Roman ay inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkuha ng mga orders. Nakahinga lang ako nang maluwag nang mawala ito sa shop. Malapit na kasing magtanghalian kaya  agad na rin akong pumunta sa locker area.

Kinuha ko ang bag ko. Balak ko kasing kumain sa saloon nina Andoy. Lumabas ako ng locker at saktong nagbukas ang pinto ng opisina ni King.

"Where are you going?" agad nitong tanong.

"Kakain na, boss. Lunch," sabi ko. "Sa saloon ako ni Andoy papunta. Kayo ba?"

Kumamot ito sa kaniyang batok. "I was planning on eating with you. Sayang din na marami itong ginawa mong lunch para sa akin. Thanks for this by the way."

Ngumiti ako. Sinulyapan ko muna ang bitbit nitong bag kung saan nakalagay ang lunch box na niglyan ko ng pagkain niya.

"Maliit lang na bagay 'yan kumpara sa mga naitulong mo sa akin. Kaya salamat," sabi ko.

"So... Mag-isa lang akong kakain?"

"Kung gusto mo, sumabay ka na rin sa amin?" Nagliwanag ang mukha nito. Kaya natawa ako. Tumango ito nang sunod-sunod.

"Let's go! Gutom na ako kanina p."

Imbes na sa likod kami dumaan ay muli kaming pumunta sa harapang pinto nitong coffee shop. Ngunit mabilis akong natigilan dahil sa nakita kong naghihintay sa labas.

"MOMMAAA! I'M WITH PAPA!"

*****

Akala ko bukas pa ako makakapag-update but here it is. Medyo lame lang ito. Pasensiya na kayo. Thank you sa support!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top