Chapter 25

Third Point Of View.

Mula sa malayo. Tanaw niya ang mag-ina na nakaupo sa parke nitong village kung saan sila kasalukuyang nakatira. Hindi niya magawang lumapit dahil natatakot siyang baka mas lalo lang itong lumayo.

Alam ni Roman na marami siyang naging kasalanan at gusto niyang bumawi kina Rowan at Emilia. Pero papaano? Gayong nang sinubukan niyang bumawi at nagkandaletse-letse naman ang lahat.

Nalaman ni Emilia na hindi sila totoong kasal. Kaya heto, nasa malayo lang siya nakapuwesto habang pinagmamasdan ang dalawa.

Gustuhin man niyang magpakita, gustuhin man niyang magpaliwanag at gustong-gusto niyang ibalik ang mag-ina sa piling niya. Hindi niya iyon magawa. May sapat naman siyang lakas ng loob para gawin iyon ngunit natatakot siya na baka mas lalo lang lumayo si Emilia. Na baka mas lalo lang siyang kamuhian ng babaeng mahal niya.

"Dude, ano? Magpapa-araw na lang ba tayo rito hanggang sa mangitim tayo?" reklamo ng kaibigan si Rupert. Kasama niya ito magmula nang umalis ang mag-ina sa Isla ngunit hindi naman sila nagtagal doon dahil agad silang pumalaot at pumunta rito.

Nang mahanap nila ito, halos araw-araw padalhan ni Roman si Emilia ng mga bulaklak at mga tulang ginagawa niya. Corny pero naisip niyang kahit sa ganoong paraan, maiparamdam niya sa babaeng may nagmamahal sa kaniya.

"Shut up, dude! Kung gusto mo, umalis ka na lang. I can stay here as long as I want," sagot niya rito nang hindi nag-abalang lumingon sa direksiyon niya.

Ayaw niya kasing mawala sa paningin niya ang dalawa. Ayaw niyang baka paglumingon siya sa iba, wala na si Emilia sa puwesto nito.

"Tsk! Baliw na baliw ka rin kay Emilia, 'no? Kaya mo ba nagawang planuhin iyong paglalasing-lasingan mo noon para lang mabuntis siya?"

"I was drunk that night, Rup!" singhal niya. Totoong lasing siya noong gabing iyon at hindi alam ang mga nangyari. Nagising na lang siyang mag-isa sa hotel at walang kahit na anong suot na damit.

"Eh, ano ba kasing plano mo? I can't read you, Rom. What if sabihin mo sa akin para matulungan kita?"

Tuluyan nang hinarap ni Roman si Rupert. Nakasandal ito sa kaniyang kotse at naka-crossed arms pa.

"I-I don't know. Maybe, I'll just stare at them?" naguguluhan sagot ni Roman dahil maging siya, hindi rin alam kung ano ba ang gagawin.

"Nagsasayang ka na naman ng oras! Magpakalalaki ka naman minsan. Nothing will ever happen kung hindi mo susubukan," pangaral sa kaniya ng kaibigan.

"H-Hindi ko alam. I'm too scared that if I'll show up on them, mas lalo lang lumayo ang mag-ina ko. I know this is crazy pero natatakot ako," mahina nitong sabi. Muli niyang nilingon ang mag-ina sa malayo ngunit agad na nagtangis ang panga niya nang makita kung sino ang naroroon. "Fuck!"

Gusto niyang sugurin ang lalaking katabi ni Emilia sa bench habang umiinom ang mga ito ng buko juice. Nakita rin ni Roman kung papaano punasan ni King ang gilid ng labi ni Emilia gamit ang daliri nito.

"Shit! I will kill that man!"

"Chill, dude." Hinawakan ni Rupert ang balikat niya para pakalmahin. "Have you ever realized that time is running? Kung hindi ka pa gagawa ng paraan, that guy might steal your girl. Kung ako sa 'yo, ligawan mo. Hindi mo ginawa iyan noon, right?"

Parang sinampal si Roman dahil sa sinabi ng kaibigan. Kung natatakot siyang lumayo pa lalo si Emilia, mas natatakot siyang baka isang araw ay hindi na niya ito mababawi. Dahil nasa piling na ito ng ibang lalaki. Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya, baka mapatay pa niya ang magiging lalaki ni Emilia.

-

Emilia's Point of View.

Luminga-linga ako sa paligid dahil pakiramdam ko may kanina pa nakatingin sa akin. Ngunit wala naman akong nakikita. Wala ngang kabayahan dito o mga taong tumatambay rito. Malayo kasi ito sa mismong mga bahay dahil itong Village na tinitirhan namin ay bago pa lang.

"Sigurado kang walang multo rito?" tanong ko kay King. Nakaupo kaming pareho sa isang bench at si Rowan naman ay nasa playground kasama si Andoy.

"Why?" tanong nito pabalik.

"Para kasing may kanina pa nakatingin sa akin. Wala ka bang nararamdaman?" Dahil sa sinabi ko ay nilibot din nito ang paningin. Ngunit nang makitang wala namang nakatingin sa amin ay nagkibit-balikat lang siya.

"Don't mind it." Ngumiti lang ako bilang sagot sa kaniya.

"Mommaa!" Napalingon ako sa anak ko nang tawagin niya ako. Tumatakbo ito papalapit sa akin at kahit pinagpapawisan ng ang kaniyang buong mukha ngunit hindi nito alintana dahil sa kasiyahang nadarama. "I SAW PAPA! HE WAS HERE!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Biglang dumaloy ang kaba at takot sa katawan ko. Tila ba may karerang nagaganap sa puso ko dahil sa lakas nang dagundong nito. Hindi agad ako nakagalaw nang makita ko si Roman mula sa malayo.

Tama nga si Rowan. Nandito siya. Ngunit ano ang ginagawa niya rito? Hindi ba dapat ay abala na ito sa buhay niya? Sa magiging kasal nila ni Kristina at bubuo na sila ng masayang pamilya?

Bago pa man nito mapansing nakatingin ako sa kaniya, dahil bahagya itong nakatalikod mula sa direksiyon namin. Dali-dali kong kinuha ang gamit ni Rowan at hinawakan naman ang anak ko sa kaniyang kamay.

"Umuwi na tayo," bigla kong sabi. Hindi ko na hinintay pang makasagot sila dahil agad akong naglakad.

"But... I saw papa! He's here. Kukunin na–"

"Hindi siya ang papa mo, 'nak. Namamalikmata ka lang," pagputol ko sa sasabihin nito.

"Let's go home, Rowan. Pagod lang ang momma, okay?" narinig kong sabi ni King at naramdaman ko ang pagbuhat nito sa bata dahilan para mabitiwan ko ito.

"Tara na! Umuwi na tayo. Mukhang may balak pa silang lumapit dito!" histerikal na ani ni Andoy at nauna na itong maglakad.

Hindi na ako nag-abala pang lumingon ulit sa direksiyon nina Roman. Dahil agad kaming umalis doon.


Hindi ko na magawang lumabas dahil sa takot na baka nasa labas ng bahay si Roman. Kaya nananatili lang kami ni Rowan sa loob ng bahay ni King.

Marami ang naging tanong ng anak ko pero lahat ng iyon ay wala akong nasagot na tama. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko pa sa kaniya. Kaya minsan, nagagawa kong magsinungaling. Hanggang ngayon kasi'y hindi pa rin nito alam kung totoong rason kung bakit kami lumalayo sa ama.

"Can we talk?" Lumingon ako sa kakapasok lang sa kusina, si King. Dumiretso ito sa hapag at agad na naupo roon sa upuan. Ipinatong niya rin ang mga kamay sa mesa habang diretsong nakatingin sa akin.

"Ano'ng pag-uusapan natin?" tanong ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla itong naging seryoso.

Hindi ko lubos na kilala si King, kung nasaan ang pamilya niya at mga kamag-anak. Naging magkaibigan lang kami dahil sa suki ko siya noon sa palengke kung saan ako nagtitinda. At, hindi ko alam na marami siyang maitutulong sa amin ng anak ko.

Kaya laking pasasalamat ko sa kaniya, sa kanila ni Andoy. Dahil sila ang tumulong sa akin para makapagtago kay Roman.

"Why are you hiding from him?" tanong nitong biglang nakapagpatigil sa akin. Naguguluhan ako kung bakit niya ito tinatanong. Hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko.

"B-Bakit mo naman naitanong 'yan?"

"I just wanted to know, Emilia. Kung bakit ka nagtatago sa kaniya? May kasalanan ka ba? You should face him, talked to him, and tapos na!"

"Hindi gano'n kadali iyon, King," sabi ko. Dahil iyon naman ang totoo.

Kung para sa iba, madali lang na gawin ang sinasabi nila pero para sa akin, hindi madaling makipag-usap kay Roman. Hindi madaling sabihin sa kaniya na tigilan na kami at gawin na lang ang makapapagpasaya sa kaniya.

Natatakot kasi ako. Natatakot na ako na kaya kami nito hinahanap ay dahil gusto niyang kunin sa akin si Rowan.

"But why? Bakit?"

"Dahil natatakot akong baka kunin niya ang custody ng bata. Ayaw kong mapalayo sa akin ang anak ko, King. Siya na lang ang natitirang pamilya ko kaya kahit na ikamatay ko man, gagawin ko para lang hindi niya makuha ang anak ko."

*****

Mamaya naman kung kakayanin pa. Thank you for reading.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top