Chapter 24

Emilia

One month later.

Isang buwan ang lumipas pero para bang isang taon ang nagdaan. Ang daming nagbago sa loob ng isang buwang iyon at masaya ako dahil unti-unti kong nababawi iyong mga nasayang na oras noong nasa piling pa niya ako.

Alam kong hindi pa rin nawawala iyong galit sa puso ko. Sinusubukan ko namang magpatawad ngunit hindi ko kaya, sampong taon ang nasayang. Kaya hindi ko alam kung kailan maghihilom iyong sugat sa puso ko.

"Ayos lang ba kayo rito?" Tumingin ako rito at nakitang nagsusuot na siya ng kaniyang business suit.

Tumingin naman ako sa loob ng bahay at nakangiting ibinalik ang tingin kay King.

"Ayos lang. S-Salamat," sabi ko. Tumigil ito at nilingon ang direksiyon ko. Ngumiti lang siya at lumapit siya sa puwesto ko.

"Anything for you, Emilia."

Hindi ko alam kung papaano ko pasasalamatan si King. Marami siyang naitulong sa amin ng anak ko, kaya hindi ko alam kung papaano sisimulan ang pagbawi ko.

Alam ko ang nararamdaman nito ngunit hindi ko na lang iyon pinansin. Kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya at sana, huwag niya iyon mamasamain kung hindi ko siya kayang suklian.

"Sige na. Umalis ka na, baka mahuli ka pa sa trabaho." Tinapik ko ang balikat niya at saka ito nilagpasan. "Kung maaari, huwag mo na rin bilhan ng laruan si Rowan pag-uwi mo. Wala akong maibabayad sa 'yo, masyado na ring nakaka-"

"Hayaan mo na akong gawin ito para sa inyo. You don't have to pay me back. Gusto ko lang na makitang masaya," aniya. Kaya hindi ako kaagad na nakasagot.

Ngumiti ako at saka tumango. Kung makikipag-argumento pa ako ay matatalo lang ako. Kilala ko si King na ayaw na ayaw nitong pinigilan siya sa kaniyang gustong gawin. Kaya kung ito man ang makakapagpasaya sa kaniya ay hahayaan ko na lang.

Umalis na rin naman kaagad ito. Kaya inabala ko na rin ang sarili sa paglilinis nitong bahay na tinitirhan namin.

Katulad ito ng bahay namin sa South Ridge Village ngunit malayo ito roon. Malayo ito sa syudad at malayo ito sa kaniya. Tanging ang nakakaalam lang nito ay si Andoy at King.

Noong umalis kami ng Isla, silang dalawa ang naghihintay sa amin ng anak ko sa syudad. Dinala kami ng mga ito rito sa bahay kung saan nakatira si King. Mag-isa lang niya rito kaya rito na rin kami tumira ng anak ko.

Sa loob ng isang buwan, unti-unti kong natatanggap ang naging kahihitnan namin. At unti-unti ko ring tinatanggap na wala ng pag-asa, hindi na dapat pa akong umasa. Bakit pa? Kung puro lang naman kasinungalingan ang ipapakita niya'y mas mabuti nang lumayo kami ng anak ko.

Pagkatapos kong maglinis sa first floor. Umakyat naman ako bitbit ang walis at dustpan sa kamay ko. Dumiretso ako sa kuwarto namin ng anak ko. Dalawa lang kasi ang kuwarto rito sa taas, iyong isa ay kay King at itong isa naman ay naging kuwarto na namin ni Rowan.

"Rowan... 'Nak," tawag ko rito ngunit walang sumasagot. Kaya napabuntonghininga ako at saka ko binuksan ang pintuan ng kuwarto.

Naabutan ko itong nakaupo sa isang silya na malapit sa bintana nitong kuwarto. Bahagya itong nakatalikod sa akin at nakatingin sa labas.

Marami ang nagbago at isa na roon ang ugali ni Rowan. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang pagtrato nito sa akin. Hindi na ako kinakausap o 'di kaya'y pinapansin. Minsan kapag kausap nito si King, palagi niyang bukambibig ang ama. Gusto na raw niya itong makita ngunit ayaw ko raw siyang payanggan.

Alam kong galit ito sa akin. Araw-araw kong sinusubukang kausapin ang anak ko. Palagi kong pinapaintindi sa kaniya ang sitwasyon na hindi lahat ng bagay ay nananatiling permanente.

"ʼNak, gusto mo bang mamasyal tayo?" tanong ko rito ngunit hindi pa rin ito lumilingon sa akin. Nakasandal na ngayon ang baba niya sa kaniyang mga palad habang nakatingin pa rin sa labas.

"I want papa back," malamig niyang tugon. Napabuntonghininga ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Nakalaya nga ako kay Roman ngunit sa anak naman niya ako nahihirapan.

"G-Gusto mo bang pumunta sa park?" tanong ko, hindi ko pinansin ang naging sagot nito kanina. Napakagat ako ibabang labi ko dahil sa kabang dumadaloy sa katawan ko. Mabilis ang tibok ng aking puso.

"If papa's here, we will go to the park together but he's not."

"R-Rowan..." Nilapitan ko ito ngunit hindi naman niya ako pinansin. Niyakap ko siya at mabuti na lang ay hindi ito pumalag sa ginawa ko. "H-Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, 'nak. Gusto kong makasama mo ang papa mo at gusto kong mabuo iyong pamilya natin kahit na maraming gusot. Ngunit hindi kaya ni momma na lumaki ka sa isang kasinungalingan. Hindi ko kaya kapag lumaki ka at nalaman mo ang totoo ay baka kamuhian mo kami."

Hindi ito sumagot bagkus naramdaman ko ang pagganti nito sa aking yakap. Kaya ang luhang kanina ko pa pinipigilan ay biglang bumuhos dahil sa kaniyang ginawa.

Naglaho ang pagod at paghihirap ko sa lahat ng bagay. Dahil sa mahigpit nitong pagyakap sa akin. Si Rowan ang nagiging sandalan ko at nang magtampo ito sa akin ay wala akong nagagawa kun'di ang hintayin kung kailan niya maiintindihan ang lahat. Kaya nang maramdaman ko ang pagganti nito sa yakap ko, nawala ang pagod at ang kaunting kirot dito sa aking puso.


Nag-usap lang kami saglit ni Rowan bago kami sabay na bumaba. Magtatanghalian na, kaya kailangan ko pang maghanda ng kakain naming dalawa. Nang makababa kami ay saktong may nag-doorbell sa labas.

Nagpaalam naman ako rito at nang tumango siya'y agad na akong lumabas ng bahay. Sa loob pa lang, kita ko na si Andoy na naghihintay sa labas. Kaya dali-dali ko nang binuksan ang gate at nagulat ako dahil may hawak itong bulaklak at paperbags.

"May nililigawan ka?" nagtataka kong tanong. Kaya tumingin ito sa akin nang masama.

"Gaga! Nakita ko lang ito rito sa labas at nabasa kong para sa inyo pero wala namang nakalagay kung saan galing?" Iniabot niya ito sa akin at kinuha ko naman. Sabay na kaming pumasok sa loob.

Halos isang linggo na rin ang nakakalipas magmula nang may araw-araw na nagpapadala rito. Hindi ko alam kung kanino ito galing. Minsan kung hindi bulaklak ang pinapadala, mga tula naman at kadalasan ay laruan   na ibinibigay ko kay Rowan.

Kinakabahan ako siyempre. Dahil lahat ng mga nagpapadal nito'y walang nakasulat kung kanino galing.

"Kumusta naman kayo rito?" biglang tanong ni Andoy na nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.

Sumunod pala ito sa akin papasok ng kusina.

"Mabuti naman. Pinapansin na ako ng anak ko," sagot ko sa kaniya. Kinuha ko ang iilang sangkap na inilabas ko mula sa rer at dinala iyon sa lababo para hugasan.

"Well, mabuti naman kung gano'n. Eh, 'yang puso mo, 'day?" Natigilan ako sa paghuhugas ng carrots at napalingon kay Andoy.

Kinakain na nito ang chocolates sa paperbag kanina na kinuha niya raw sa labas ng gate. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito at pilit na pinapakiramdaman ang sarili. Hindi ko alam pero maging ako'y gusto ko rin malaman kung kumusta na ba itong puso ko?

"A-Ano'ng ibig mong sabihin?" sabi ko dahil wala akong maisip na tamang sagot sa kaniya.

Tumigil ito sa pagkain at tumingin sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at saka ibinalik sa aking mukha ang tingin.

"Wala..." Umiling ito. "Sabi ko, CEO na pala iyong ex-fake-husband mo!"

Hindi ako nakasagot. Wala akong mahanap na kahit anong salita sa dila ko. Pero alam kong masaya ako sa nalaman ko, kung totoo man iyon.

"M-Mabuti iyon para sa kaniya. M-Matutupad na niya ang pangarap nila ni Kristina," sabi ko pagkaraan ng ilang sandali at tinalikuran si Andoy.

"Papaano kung hanapin ka niya-" Hindi ko na siya pinatapos pa dahil agad akong naglita.

"Hindi n'ya gagawin iyon. Sino ba kami ng anak n'ya para hanapin pa? Kung kasinungalingan lang ang sasabihin n'ya. Mas mabuting 'wag na lang s'yang magpakita pa kahit kailan."

Akala ko'y unti-unti kong mabubura sa puso ko ang galit ngunit sa tuwing naririnig ko ang tungkol sa kaniya. Para bang sinisilaban ang dibdib ko sa galit, hindi lamang sa kaniya kun'di maging sa mga magulang niya.

"Chill ka lang, 'teh. At saka, alam kong hindi niya kayo mahahanap pa rito. Tago kaya itong lugar, unless ikaw mismo ang magpapahanap."

"Tulungan mo na lang akong magluto hindi iyong kung ano-ano ang sinasabi mo riyan," sabi ko rito. Ayaw ko na kasing makarinig pa ng tungkol sa kaniya.

Hindi sa iniiwasan ko ngunit parang gano'n na nga. Sinisimulan ko nang baguhin ang mundo ko nang wala siya. Kaya kahit na anong paraan pa iyan, gagawin ko para lang makalimutan si Roman.

*****

I, apologize dahil maikli lang ito. I'll try to upload the next chapters tomorrow. Medyo busy lang kasi ako dahil enrollment namin. Thank you 7K reads. I, really appreciate your love.

Jaii

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top