Chapter 16
Emilia
Nagpatuloy ang gano'ng sitwasyon sa aming tatlo. Tila ba unti-unting nagbabago iyong Roman na pinakasalan ko. Kahit na hindi ko man maramdamang mahal niya ako, ramdam ko naman kung gaano nito kamahal ang anak naming dalawa.
Iyon naman ang mahalaga para sa akin. Kahit hindi na ako, kahit ang anak ko na lang. Matagal na akong tumigil sa kakapanaginip ng gising na sana, balang araw ay mahalin niya rin ako. Ang gusto ko na lang makita at maramdaman ay mayroon din siyang pagmamahal sa anak naming dalawa.
"Wala ka pong work today, Papa?" tanong ni Rowan habang kumakain kaming tatlo. Sabado ngayon at walang trabaho si Roman, tulad ng ipinangako nito sa bata ay papasyal kami.
Ilang Linggo na ba kaming nandito? Hindi ko na matandaan dahil hindi naman ako madalas lumabas at baka maligaw rin ako. Si Roman lang palagi ang pumupunta sa bayan nitong Isla para mag-grocery. Madalas ay sa bakuran lang ako upang diligan ang mga halaman at pananim ko pero mas madalas ay sa loob lang ako ng bahay.
"Yes. Where do you want to go, young man?"
Tumigil sa pagkain si Rowan at tumingin ito sa taas. Tila ba nag-iisip nang malalim dahil inilagay pa nito ang hintuturo sa kaniyang sintido. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan ito dahil sa kaniyang ginagawa.
"Madalas ka nang ngumiti ngayon, Emilia. Are you seeing someone that makes you smile?" Nawala ang ngiti ko at lumingon kay Roman na seryosong nakatingin sa akin.
"Ano'ng sab–"
"I don't know po, Papa. Do you know some places here na super ganda po?" Hindi ko naituloy ang sabihin ko dahil agad na nagsalita si Rowan. Nakatingin na ito sa ama nang ibaling ko ang tingin sa kaniya.
Ngunit si Roman ay hindi pa rin tinatanggal ang seryoso nitong tingin sa direksiyon ko. Naiilang ako ngunit iwinaksi ko na lang sa aking isipan ang mga sinabi nito. Kahit ituloy ko ang sasabihin ko kanina ay mas paniniwalaan pa rin nito ang kung ano sa tingin niya ang alam niya.
"We'll go somewhere here. Ipapasyal ko kayo kaya bilisan mo nang kumain at maligo ka na roon," sabi nito at tuluyan nang umiwas ng tingin sa akin. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa ginawa nito at nagpatuloy na kaming tatlo sa pagkain.
Akala ko'y hindi na ako kasama dahil hindi na ako nag-abala pang magbihis. Ngunit nang bumaba ako mula sa second floor kanina dahil binihisan ko si Rowan. Naabutan ko si Roman na nakatingin sa akin at nakakunot ang kaniyang noo.
"What are you wearing, Emilia?" tanong nito matapos suriin ang suot ko. Nakasuot lang kasi ako ng daster na palagi ko naman suot kapag nasa bahay ako. At saka, mas komportable akong suotin ito dahil maaliwalas sa pakiramdam.
"P-Pambahay. Bakit?" sagot at tanong ko rito. Tuluyan na akong nakababa at lumapit sa kanila.
"'Yan ba ang suuotin mo habang nasa labas tayo? We're going out, Emilia. Finding something decent for you to wear. Ayokong magmukha kang yaya ng anak ko," sabi nito.
"S-Sige," sagot ko dahil hindi na ako nakipagtalo pa sa kaniya.
Pumanhik ulit ako sa aming kuwarto at mabilisan lang akong naligo. Kumuha lang ako ng simpleng jeans at T-shirt na kulay asul. Isinuot ko rin ang sandals ko. Ganito lang kasi ang mga dinala ko rito bukod sa mga daster at iyong isang dress na suot ko noon sa birthday ni Alyana. Wala kasi akong sapat na pera para bilhan pa ang sarili ko ng mga bagong damit. Mas gugustuhin kong may makain kami kaysa sa pansarili kong kagustuhan.
Sinulklay ko lang ang nakalugay kong buhok at saka ako bumaba. Kinuha lang din ang shoulder bag na bigay rin ni Andoy sa akin noong birthday ko. Naabutan ko ang dalawa sa living room na naghihintay.
Nakasuot ang anak ko ng polong itim at si shorts sa baba na pinaresan ng sapatos. Habang si Roman naman ay simpleng collared T-shirt na kulay abot, hapit na hapit ito kaniyang katawan, at sa baba naman ay jeans din ang suot at sapatos.
"Momma!" Excited akong nilapitan ng anak ko at hinawakan ang aking kamay. "I am so excited for this day! Tara na po!"
Tumawa lang ako at nagpahila na sa kaniya. Napansin kong tumayo na rin si Rowan sa kaniyang kinauupuan at saka sumunod sa amin. Isinarado muna namin ang pinto ng bahay at ang gate nang makalabas kaming tatlo.
Ilang sandali lang din ang hinintay namin at may dumating na itim na kotse sa aming harapan. Pamilyar itong kotse dahil ito ang naghatid sa amin dito mula sa pantalan noon. Sumakay kami ng anak ko sa likod habang si Roman naman ay sa tabi ng driver's seat.
"Take us to the mall, Edward."
"Sure, boss." Agad nitong pinaandar ang kaniyang kotse at saka kami umalis doon.
Tahimik lang kaming dalawa ng anak ko sa byahe. Nakatingin ito sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga bundok at iilang kabahayaang nadadaanan namin. Habang ako'y nakatingin lang ako sa kaniya dahil baka bigla nitong buksan ang bintana at kung mapano pa ito.
"Papa, where are we going po?" Umayos ito ng upo at tumingin sa harapan. Kaya medyo nakahinga ako nang maluwag at tumingin na rin ako sa harapan ngunit bigla akong umiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin ni Roman mula sa rear view mirror nitong kotse.
"We're going to the Mall, son." Natuwa naman ang anak ko sa narinig niyang sagot mula kay Roman.
"Behave ka roon, 'nak, ah? Wala tayong pera," bulong ko rito.
"Yes, Momma! Okay lang po na hindi ako makabili ng toys po. As long as you're with me and Papa po, I'm so happy na!" Ngumiti ako at hinaplos ang kaniyang malalambot na buhok.
Tinuruan ko kasi ito kung papaano makuntento sa kung ano'ng mayroon. Minsan, hindi maiwasan na manghingi ito ng kung ano-ano ngunit kapag ipinaliwanag ko naman sa kaniya na hindi ko kaya. Naiintindihan na nito at alam niyang hindi lahat ng bagay ay puwede niyang makuha.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang naging byahe namin. Dahil buong byahe ay nakatuon lang ang pansin ko sa anak ko na maraming kinukuwento. Kaya hindi ko namalayan na nasa mall na pala kami kung hindi ko lang naramdaman ang pagtigil ng sinasakyan namin.
Agad naman kaming lumabas at pumasok sa loob. Maliit lang itong mall kumpara sa syudad kung saan kami nanggaling ngunit marami rin naman ang pumapasok at lumalabas. Karamihan sa nakikita ko ay mukhang mga turista dahil sa kanilang suot.
Mahigpit ang pagkakahawak ko kay Rowan habang nakasunod kami sa kaniyang ama. Hindi na sumama sa amin si Edward dahil may pupuntahan pa raw ito. Hindi ko nga alam kung ano'ng ugnayan nila ni Roman. Wala rin akong balak na itanong pa iyon sa kaniya dahil baka isipin na naman niyang pinapakialaman ko ang buhay niya.
"Momma..." Napatigil ako dahil biglang tumigil si Rowan. Napansin kong napalingon sa direksiyon namin si Roman at kumunot ang kaniyang noo. "I'm tired of walking. Buhat mo po ako."
Ngumiti ako at yuyuko na sana upang buhatin ito ngunit may humawak sa braso ako. Kaya natigilan ako't tumingin sa kaniya.
"Ako na," sabi nito. Kaya tumabi ko upang lumayo sa kaniya dahil sobrang lapit namin sa isa't isa. Biglang tumalbog ang puso ko sa kaba.
Nang buhatin ni Roman ang bata ay muli kaming naglakad. Nakayakap sa leeg nito si Rowan at tumitingin-tingin sa paligid. Makikita rin ang saya sa mukha nito dahil alam kong ito rin ang unang beses na nakapunta siya sa mall na kasama kami ng Papa niya.
"Mr. and Mrs. Garces." Parehas kaming natigilan ni Roman dahil sa boses na iyon. Napatingin kami rito at nagulat ako nang makita iyong Attorney sa kasal namin noon. Nakasuot ito ng polo at shorts.
"Attt. Kraius Montreal." Nakangiting nilapitan ito ni Roman at gamit ang libre nitong kamay ay nakipagkamay siya kay Atty. Montreal, iyong nagpapirma sa amin noon ng marriage contract matapos ang kasal namin ni Roman.
"Long time no see, Roman. How are you?"
"We're doing good, Atty."
"That's good. I have to go." Tumango lang si Roman. "See you around, Mr. and Mrs. Garces."
Agad din naman itong umalis dahil mukhang nagmamadali. Nakahinga lang ako ng maluwag nang mawala ito sa paningin namin. Nakaka-intimidate kasi ito kaya hindi ko maiwasang hindi kabahan.
"Sino po iyon, Papa?" tanong ng anak ko kay Roman. Nang magpatuloy kami sa paglalakad at hindi ko alam kung saan kami pupunta.
"He's Atty. Kraius Montreal, son."
"Okay po," sabi ng anak ko.
Nakarating kami sa isang shop st pumasok kami roon. Halo-halo na ang nandito, may damit ng mga bata at matatanda. Kilala rin ang brand nito kaya nakakalula ang presyo ng mga damit.
Ibinaba ni Roman ang anak na agad namang lumapit sa akin at hawakan ang kamay ko. Hinila ako nito sa women's section na malapit lang sa puwesto ni Roman.
"Momma, bagay na bagay po ito sa inyo. I want to buy this for you po if I have a lot of money." Nalusaw ang puso ko sa sinabi nito. May lungkot sa boses nito dahil siguro sa hindi niya kayang bilhin sa akin ang damit na tinutukoy nito.
"A-Ayos lang, 'nak. Hindi naman kailangan ni Momma ng damit na ganito kamahal. Ayos na ako sa ukay-ukay." Ngumiti ako at hinaplos ang pisngi nito.
"Take it. I'll buy everything you want, just choose what you like." Napaayos ako ng tayo at tumingin sa nagsalita. Seryosong tingin ulit ang ibinabato nito sa akin. "'Wag mo akong titigan ng ganiyan, Emilia. I am only doing this because my child wants it."
Ngumiti ako. Tama. Bakit ko ba kasi naisip iyon na dahil sa akin kaya niya bibilhin ang lahat ng gusto ko? Napipilitan lang pala siya dahil sa gusto ng bata, bakit niya pa gagawin?
Minsan, hindi ko ito maintindihan. Malabo sigurong maintindihan ko kung ano ang nais niya. Mas lalo lang akong naguguluhan sa pabago-bago niyang ugali.
"S-Salamat," mahina kong sabi. Sapat lang naman iyon para marinig niya. "Pero hindi ko kailangan ng mamahaling damit. Kahit na ang bata na lang."
*****
Thank you for reading. Labyu!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top