Chapter 15
Emilia
Palagi kong tinatanong ang sarili ko noon; kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin ako? Kung bakit hanggang ngayon ay kumakapit pa rin ako? At kung bakit hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong balang araw, mamahalin din niya ako katulad nang pagmamahal na ibinibigay ko sa kaniya noon.
Pero ngayon, lahat ng mga katanungan iyon ay nasagot ko. Kumakapit ako dahil sa anak ko, nandito pa rin ako dahil sa anak ko, at umaasa ako dahil sa anak ko. Lahat ng sakripisyong ginagawa ko ay para sa anak ko.
Gano'n naman ang mga magulang. Kayang gawin ang lahat o kayang ibigay ang lahat kahit mapagod at maubos na sila. Maibigay lang ang makakapagpasaya sa kanilang mga anak.
Kaya kahit nahihirapan na ako, makita ko lang na masaya ang anak ko. Gagawin ko para sa kaniya iyon. Palagi ko naman itong sinasabi at paulit-ulit kong ipinapaalala sa sarili ko.
"Momma, bakit ka po malungkot?" Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Rowan. Nakatingala itong nakatingin sa akin at malungkot ang ekspresiyong ipinapakita niya.
Ngumiti ako pero hindi iyong ngiting abot hanggang tainga. "Bakit naman ako malulungkot?" Naupo ako at pinantayan ang anak ko. Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang pisngi at marahan ko iyong hinahaplos-haplos.
"Eh, kasi po. Mag-wo-work na si Papa. That's why you are sad," aniya at nilingon ang ama nitong nakatayo lang sa tabi.
Nakasuot na ito ng uniporme niya. Isang three pieces suit na bumagay sa kaniya at nagmukha siyang modelo ng mga formal attire. Lunes ngayon ay may trabaho na siya. Kaya heto kami ng anak niya sa kaniyang harapan dahil magpapaalam na itong aalis na siya.
"Masaya ako, 'nak. Nandiyan ka naman, eh. At saka, babalik din si Papa mo kaya hindi dapat tayo malungkot."
"Tama po! Hindi dapat tayo malungkot because he's doing this for us. 'Di ba po, Papa?" tanong ni sa ama kaya unti-unti kong inangat ang tingin ko at nagkasalubong ang mga mata naming dalawa.
Wala akong nakikitang ekspresiyon sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung masaya ba siya o hindi.
"Yes, son. Kaya dapat alagaan mo ang mama mo. I'll be back as soon as my work is done," sagot nito nang ibaling na niya ang tingin sa anak.
Ngumiti lang si Rowan dito at mabilis na nilapitan ang ama. Niyakap niya ito sa binti dahil hindi pa naman abot ng bata ang baywang ni Roman. Binuhat naman ito ng ama gamit ang kaniyang iisang braso. Tumayo na ako sa pagkakaupo nang naglakad sila papalapit sa puwesto ko.
"Alagaan mo ang bata." Tumango lang ako at kukunin na sana sa kaniya si Rowan pero yumakap ito sa leeg ng ama.
"Rowan." Tinignan ko ito pero umiling-iling at bigla akong napasampal sa noo ko dahil hindi ko maintindihan ang batang 'to. "Aalis na si Papa mo, halika na. Tayo na lang ang maglalaro," sabi ko at aakmang kukunin ngunit sumiksik ito sa leeg ni Roman at mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya rito.
"You should kiss Papa first before I let him go." Bigla akong naestatwa sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi nito. Napatingin ako kay Roman na hanggang ngayo'y wala pa ring reaksiyon sa kaniyang mukha.
"S-Sabihan mo iyong bata," bulong ko rito. Alam kong narinig nito ang sinabi ko pero hindi man lang ito natinag kahit pinandilatan ko na ng mga mata.
"Young man, listen to your-"
"No! I saw Alyana's parents. When her Papa go to work, her mom kissed him first." Nagmamatigas talaga ang batang 'to kaya wala akong nagawa kundi ang mabilis siyang kunin sa ama nito.
Mahigpit ko itong niyakap at hindi naman nagpumiglas dahil hawak niya sa damit si Roman.
"Rowan! Paalisin mo na ang papa mo, 'nak. Ma-la-late na siya!" sabi ko rito ngunit hindi pa rin ito bumibitaw sa damit ng Papa niya.
"But, Momma! If you love Papa, you should kiss him!" Napailing ako dahil hindi ko kayang sabihin sa kaniya. Alam kong impossible ang hinihiling nito. Kahit gaano ko kamahal ang anak ko ay minsan, hindi ko siya kayang pabigyan lalo pa't tungkol ito sa kaniyang ama.
"Mas lalo akong ma-la-late, Emilia. Kung hindi mo pagbibigyan ang bata. Just a kiss, nothing's wrong with that." Inilapit nito ang sarili sa amin ni Rowan.
Ang bilis nang tibok ng puso ko ay hindi ko na mahabol. Para akong isang teenagers kung makaramdam nang kiliti sa loob ng tiyan ko at hindi ko maintindihan kung bakit gano’n?
Marahan kong inilapit ang mukha ko sa pisngi ni Roman nang makita kong nakatingin sa amin ang anak ko. Hinalikan ko ito sa pisngi, idinampo ko lang naman ang labi ko roon at sa tingin ko'y sapat na iyon. Dahil nakita kong napangiti ang bata at unti-unti na nitong binitawan ang damit ng ama.
"Thanks. I have to go. Take care of yourself," sabi nito bago kami iniwan at lumabas na ng bahay.
Nakahinga ako nang maluwag at masamang tinignang ang anak kong malawak ang pagkakangiti. Abot hanggang tainga nito ang mga ngiti niya. Kaya hindi ko na nagawa pang pagalitan ito dahil sa kalokohang ginawa.
–
Wala akong ginawa buong maghapon kundi ang kausapin ang anak ko at makipaglaro. Gusto ko sanang maghanap ng trabaho o hindi kaya'y magtayo ng maliit na tindahan dito sa amin. Dahil wala akong nakikitang nagtitinda ng mga barbecue o kahit na anong puwedeng pagkakitaan dito.
Gusto kong makaipon dahil kapag dumating ang araw na aalis na kami rito ng anak ko. May sapat akong pera para sa aming dalawa. Hindi ko kailangan na umasa kay Roman dahil hindi na rin naman magtatagal ang pananatili ko.
"MOMMA! LOOK!" Nilingon ko ang anak ko na dali-daling bumababa sa hagdan at may bitbit itong papel sa kaniyang kamay. Nagpaalam kasi itong aakyat lang sa taas dahil may kukunin siya sa kuwarto niya.
"Ano 'yan?" tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot at inabot lang sa akin ang papel na hawak niya.
"I found this in the garbage in your room po. What is it, momma? I-I can't read po kasi," aniya.
Kinuha ko iyong papel at napansin kong madumi na ang papel at may punit na ang iba nitong parte pero hindi naman nawawala ang mga nakasulat doon. Kitang-kita ko at nababasa ko ang lahat ng mga nakasulat ngunit ko maintindihan kung bakit itinapon niya ito?
"Ano po 'yan, Momma? I was finding my spiderman po kasi and I thought I left in your room po tapos I saw that paper."
Mabilis kong tinupi ang papel sa gitna at tumingin sa anak ko. Ngumiti ako para ipakitang wala lang itong papel na nahanap niya.
"Wala, 'nak. Lyrics lang 'to ng kanta." Tumawa ako at pasimpleng inilagay sa bulsa ko ang papel bago ko ito pinantayan.
"Then... Can I borrow it? I wanna read the song lyrics po," sabi niya pero umiling lang ako.
"Hindi mo mababasa kasi nakasulat sa Korean language. Gawan na lang kita nung pinapanood mong I have two hands, the left and the right." Kinanta ko pa at pumapalakpak sa harapan niya para lang mapaniwalang wala lang talaga itong papel na kinuha niya sa basurahan.
Hindi ko alam kung papaano nahanap ni Roman ang Annulment process na pasimple kong hiningi noon kay Andoy. Pina-print ko ito sa kaniya para mabasa ko ang process dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mabuti na lang at may kaibigan akong tulad niya na tutulungan ako sa process na 'to.
Ang complicated nito lalo pa't wala akong sapat na rason para hiwalayan si Roman. Hindi niya ako sinasaktan sa pisikal na pananakit. Hindi niya ako pinipilit makipagtalik at higit sa lahat ay wala namang problema sa kasal namin. Ang tanging nakikita ko lang na problema ay hindi niya ako magawang mahalin kaya gusto ko nang makalaya sa kaniya. Sapat na siguro iyon para palayain ko ang sarili ko at tuluyan na maging masaya?
Sa kakaisip ko tungkol sa annulment process na napulot ni Rowan sa basurahan ay hindi ko namalayang alas-singko na pala ng gabi. Ngunit hindi pa dumarating si Roman kaya inabala ko na lang ang sarili sa pagluluto ng hapunan namin habang nanonood si Rowan sa labas.
"PAPA!" narinig kong sigaw ng anak ko sa labas. Hindi naman kasi kalakihan itong bahay. Kaya maririnig at maririnig mo ang sigaw mula sa living room nito.
Inayos ko na muna ang mga pagkain sa hapag bago ako naglakad papalabas. Naabutan ko ang dalawa na naglalaro na sa living room.
"D-Dumating ka na pala," sabi ko habang papalapit sa kanila. Nakuha ko ang atensiyon ng mga ito. Kaya umangat ang tingin ni Roman sa akin at hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong kinabahan sa paraan ng pagkakatingin nito.
Alam kong alam nitong akin ang papel na itinapon niya sa basurahan. At mas alam kong sasabihan na naman ako nito nang masasakit na salita kapag nagkaroon siya ng pagkakataon. Hindi ako sigurado kung ano ang pumapasok sa isip niya pero kinakabahan na ako. Dahil hindi ako sanay na hindi niya ako napagsasalitaan nang masasakit na salita kapag may nalaman siyang ginawa ko na ayaw niya.
"Momma, Papa is tired po. He needs your powerful kisses to shoo his tired away." Matalim na tingin ang ibinaling ko sa anak ko ngunit nakangisi lang ito sa akin.
"Kumain na tayo. Tapos na akong magluto at ikaw Rowan, tigil-tigilan mo na 'yang kalokohan mo." Iniwan ko silang dalawa roon at nauna nang bumalik sa kusina.
*****
Sorry na natagalan. Maraming ginawa sa kabila hahaha thank you 4k reads. Sana dumami pa kayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top