Chapter 10

Emilia

"Uulitin ko, Emilia. Saan kayo pupunta?" may diin nitong pagkakasabi nang hindi ko siya nakuhang sagutin.

Natigilan kasi ako dahil akala ko'y hindi mapapaaga ang uwi nito. Alas-tres pa lang namang nang hapon kaya nakakapagtaka na ang aga nitong umuwi. Ngunit hindi ko na pala dapat itanong iyon dahil hindi ko naman alam kung ano'ng totoo. Mas mabuti nga iyon na maaga siya nakakauwi dahil marami siyang oras para magpahinga.

"We're going on a party po, papa. My friend invited us to go to his birthday party po. Please, papa, I wanted to go?" Nagulat ako nang si Rowan ang sumagot. Nilapitan pa nito ang ama na walang pag-aalinlangan at saka itinaas nito ang kamay. Tanda na gusto nitong magpabuhat.

"Nak, pagod ang papa mo. H'wag-" Hindi ko na naman naituloy ang gusto kong sabihin nang binuhat ni Roman ang bata.

Naglakad silang dalawa papalapit sa puwesto ko. Tumigil si Rowan sa harapan ko. Kaya nakatingala akong nakatingin sa kaniya dahil mas mataas siya sa akin.

"Wait me here, I'm coming with you." Tumango lang ako at kinuha si Rowan sa kaniya nang iabot niya sa akin ang bata. Hindi naman ito mabigat at sakto lang para makayanan kong buhatin.

Tumabi ako para paraanin siya na agad naman niya akong nilampasan at nagmadali sa pag-akyat sa hagdan.

-

Nang matapos magpalit ng damit si Roman ay agad kaming umalis ng bahay. Malapit lang naman ang bahay ng kaibigan ni Rowan kaya nilakad lang namin ito at saka wala naman kaming kotse para sumakay pa.

Buhat-buhat ni Rowan ang bata habang nakasunod lang ako sa kanila. Nakarating din kami kaagad sa isang simpleng bahay lang na gawa sa semento at may malawak na bakuran. Nasa iisang palapag lang ito at ang bakuran nila ay maraming tao.

"Rowaaaann!" Napatingin kami sa sumigaw at nakita ang isang batang babae na malawak ang ngiti. Mabilis itong nagtatakbo sa amin nang makita niya kami at si Rowan na buhat-buhat ng ama niya'y parang bulate na binudburan ng asin.

"Hi, Alyana. Happy birthday!" masiglang bati ng anak ko at iniabot ang isang paper bag sa batang nagngangalang Alyana.

Jacket ni Rowan iyon na ibinalot lang namin sa paper bag. Hindi pa niya naman ito nagagamit kaya iyong ang pinili niyang iregalo sa kaibigan. Dahil sa hindi kami nakalabas at biglaan din ang pag-imbita nila sa amin dito.

"Salamat. Tara sa loob, nando'n na sila Mikay at Mikoy. Marami kaming inihandang pagkain," sabi ni Alyana at saka hinawakan sa kamay ang anak ko. Nakita ko ang biglaang pamumula ng pisngi ni Rowan dahil sa ginawa ng batang babae.

Agad silang umalis nang tumango ang anak ko at mabilis na nawala sa paningin ko. Napailing na lang ako dahil bigla na lang kaming kinalimutan ng ama pagkakita sa kaibigan at hindi man lang nakuhang magpaalam sa amin. Kung papayagan ba namin siyang maglaro kasama ng mga kaibigan nito.

"Nandito na pala kayo." Naibaling ko ang tingin ko sa nagsalita at nakita ang lalaking nagbigay sa akin ng isda kanina. "Tara sa loob. Sasamahan ko kayo kay Inay."

Agad naman kaming sumunod sa kaniya. Napansin ko pa ang pagbabago ng mukha ni Roman sa tabi ko. Tahimik lang ito ngunit alam kong iba na naman ang iniisip niya. Kaya pinabayaan ko na lang at saka sumunod na lang din sa lalaking naghatid ng isda sa amin.

Pumasok kami sa bahay nila at nakarating sa sala. Kakaunti lang ang mga taong nandito sa loob, hindi katulad sa labas na marami ang bisita.

"Nay, nandito na po ang mga magulang ni Rowan," anito nang makalapit kami sa isang matanda na nakaupo sa sofa habang kumakain ng spaghetti.

Mabilis itong lumingon sa direksiyon namin at ibinaba ang hawak-hawak na plato. Tumayo siya't naglakad sa puwesto namin. Pinunasan pa nito ang mga kamay kahit na wala namang madumi.

"Mabuti nakarating kayo. Ako nga pala si Asunta. Lola ako ni Alyana at nanay naman ako nitong si Agatep," pakilala nito habang nakikipagkamay sa aming dalawa ni Roman.

"Emilia po at ito naman si Roman..." Tumigil ako sa saglit dahil napaisip ako kung ano bang dapat na itawag ko kay Roman.

Alam ko kasing ayaw na ayaw nitong ipinapakilala ko siya bilang asawa ko. Nang minsan kasing ipinakilala ko siya bilang asawa ko sa mga kaibigan ni Andoy sa saloon nito ay nagalit siya pagkauwi namin sa bahay. Kaya simula noon, hindi ko na siya pinapakilala sa iilang kakilala bilang asawa.

Wala rin namang nakakaalam na kasal kaming dalawa. Maging ang pagkakaroon ng anak ay tanging si Andoy lang ang may alam at ang mga magulang nito na hindi ko alam kung tanggap ba nila o hindi. Sila ang gumastos sa kasal namin ngunit sa judge lang naman iyon nangyari. Si Andoy at ang mga magulang lang ni Roman ang naroroon noon.

Iyon na rin ang una at huli ko silang makita. Dahil pagkatapos noon ay hindi na sila muli pang nagpakita. Nang manganak nga ako'y si Andoy lang din ang kasama ko.

"Her husband." Natigilan ako sa sinabi nito. Parang may biglang kiliting dumaloy sa katawan ko't dumiretso sa puso ko na biglang nagtatalon sa tuwa.

"Ikinagagalak ko kayong makilala. Hali kayo't maupo. Magpapakuha lang ako ng makakain niyo. Nasaan nga pala ang anak niyo?"

"Kasama po ang apo niyo, 'nay. At saka, salamat nga po pala sa ibinigay ninyong isda," sabi ko nang makaupo kami sa sofa. Inutusan naman nito si Agatep na kumuha ng pagkain.

"Naku, iha. Wala iyon at saka natutuwa rin kasi ako sa anak niyo." Nakangiti ito habang nakikipag-usap sa amin.

Hindi ko naman maiwasan na hindi mapangiti. Dahil ito rin ang kauna-unahang makapunta kami sa aming kapitbahay. Sa village kasi ay malalayo ang puwesto ng bahay sa isa't isa. Kaya hindi kami nabibigyan ng pagkakataon na makasalamuha ang iilang kapitbahay naming naroroon. Mayayaman din kasi ang iba samantalang kami'y ang bahay lang ang siyang malaki dahil ang bulsa'y walang laman.

Kami lang dalawa ang nag-uusap dahil tahimik lang si Roman sa tabi ko. Alam kong nakikinig naman ito sa usapan namin ni nanay Asunta. Dahil minsan ay sumasagot din ito sa tanong ng Ginang.

Dumating din kaagad ang pagkaing ipinakuha niya sa anak. Kaya agad kaming kumain at nagulat ako nang lagyan ni Roman ang plato ko ng pagkain saka iyon iniabot sa akin.

"S-Salamat," sabi ko at ngumiti.

"Nakatuwa kayong dalawa dahil mukhang masaya ang pagsasama niyo. Kanina ko pa kasi napapansin ang paraan ng pagkakatingin sa 'yo ng asawa mo. Katulad na katulad siya nang namayapa kong asawa, 'yung tipong ayaw na ayaw niya akong mawala sa paningin niya."

Napako ako sa kinauupuan ko. Dahil sa sinabi ni nanay Asunta
Kung alam lang nito kung gaano ka miserable ang buhay namin ni Roman, kung alam lang niya na kahit nagsasama kaming dalawa'y ni minsan hindi namin naranasan ang magsaya at kung alam lang niyang pagod na pagod na ako. Malamang ay hindi ko maririnig sa kaniya ang komento nito.

Tumawa lang ako nang mapait. "Naku po, h-hindi po kayo nagkakamali. A-Ayaw na ayaw nga po niya akong mawala sa paningin niya."

Ayaw na ayaw niya akong mawala dahil aakalain niyang iiwan ko siya. Para hindi ko pagdusaan ang kasalanang nabuntis niya ako at ipasok siya sa miserableng buhay mag-asawa.

Iyan sana ang sasabihin ko kay nanay Asunta ngunit hindi ko na ginawa. Ayaw kong mag-away pa kaming dalawa ni Roman. Dahil nakakapagod na rin, nakakapagod na magpaliwanag sa kaniya at hindi man lang ako pinakikinggan at pinaniniwalaan.

Nang sumapit ang alas-singko ay nagpaalam na kaming aalis na. Gusto pa sana nila kaming pakainin pa ng hapunan ngunit tumanggi na ako. Alam ko kasing pagod si Roman kaya kailangan na naming umuwi para makapagpahinga pa siya.

"What was that?" bungad nitong tanong nang makapasok kami sa bahay. Dumiretso naman si Rowan sa kaniyang kuwarto para muling maglinis ng katawan dahil marumi na naman ang damit nito nang lumapit sa amin.

"Ang alin na naman ang ikinakagalit mo?" Pinantayan ko ang tingin nito ngunit umiwas ito ng tingin. Hinilot nito ang sintido na tila ba masakit ang kaniyang ulo. "A-Ayos ka lang?" may bahid nang pag-aalala sa boses ko.

"I'm okay. Pagod lang ako," sagot nito. "Magluto ka na ng pagkain, may tatapusin lang ako sa taas." Tumango lang ako at nilampasan na niya ako.

*****

Medyo sabaw 'to. Pasensiya na kayoo hahaha thank you sa pagbabasa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top