5-WIFE OF THE MYSTERIOUS CEO
SAVANNAH
ILANG MONTHS NA ako sa bahay ng boss ko—na asawa ko pala ganon parin naman ang trato niya sa akin at inilipat niya din ako ng panibagong posisyon sa kompanya niya.
Personal Assistant niya na ako ngayon at nasa labas lang bg opisina niya ang lamesa ko kaya kapag sa tuwing may gusto siyang ipabili or iuutos pinapapasok niya ako roon.
Hindi naman mahirap ang pinapagawa niya paminsan minsa ngalang ay paulit-ulit ang iuutos niya at nakakangawit sa kamay sa tuwing sinasabi niya dalhin ko yung mga papeles sa kanya.
Hindi narin ako kinontak ni kuya mabuti naman din kasi nagiipon pa ako para may maipadala sa kanya at hindi na ito manggulo.
Naiintindihan ko naman si kuya kung bakit niya iyon ginagawa pero kasi paminsan minsa ay sumusobra na siya sa mga ginagawa niya at ngayon na nalaman niyang mayaman ang boss ko sa at pag aakala niyang totoo kaming ikinasal ay baka nga manggulo iyon.
Ngayon ko ibibigay ang pera sa kanya pagkatapos ko sa trabaho ko rito, kinuha din ni Gab ang contact number ko incase na may importante siyang sasabihin or ipapagawa ay itetext or tatawagan niya nalang daw ako.
"Savannah!" Tawag sa akin ni Arya habang papalapit sa akin.
Nakatayo kasi ako sa may vending machine para kumuha ng ice coffee, kakadating ko lang galing sa bahay dahil pinakain ko pa si Sparkle.
Sparkle name ng aso wala lang cute sa pandinig eh.
"Oh?"bati ko.
Nang makalapit ako agad nitong tinusok tusok ang gilid ko.
"Ikaw ha! Bat di mo sinabing kinasal pala kayo ni Boss!"sabi niya.
"Huy! Hinaan mo kaya boses mo baka may makarinig!"sabi ko.
"Alam naman na nang lahat duh! Nasa internet kaya yun pa entrance niyo ni boss!"sabi niya na ikinalaki ng mata ko.
Alam ko naman na makakalat yun pero di ko inexpect na hanggang ngayon ay kami parin ang laman ng balita.
Well ikaw ba naman anh pinakasalan ng isa sa may pinakamalaking pangalan sa business world and remember yung top 1 pa sa pinakamayamang companya!
"Hanggang ngayon ba ay kami parin ang laman ng balita?"tanong ko.
"Oo! Trending nga kayo sa twitter!"sabi niya at ipinakita ang cellphone na naka twitter app.
"Tanong ko lang, di ba asawa mo ang CEO pero bakit nag tatrabaho ka parin dito di ba dapat ay mamuhay ka ng walang kahit na anong ginagawa?"sabi nito nag hulog ito sa vending machine saka kinuha at ininom ang coke in can na pinili.
"Ayoko naman dumipina sa kanya. Oo at asawa ko siya at kaya niyang maprovide ang mga kakailanganin ko pero gusto ko din namang maranasan kong paano maging independent at kumita sa sarili kong sikap at gawa."sabi ko.
Ayokong umasa sa kanya at humingi nang pera dahil hindi naman ako ang nagsumikap na makuha iyon.
Wala akong karapatan sa pera niyang yun.
"Ang bait mo talaga Savannah!"ani niya.
"Sus ang sabihin mo ahas yang kaibigan mo baka nga ginayuma si Boss kaya naging asawa! Imposible naman atang naging asawa niya agad si Boss kung ilang buwan palamang siya rito! Bagong recruit pa!" Parinig ni Paloma habang naka cross arms kasama sila Britney at Sofie.
"Oo nga! Ang landi talaga." Si Sofie.
"Ganyan talaga kakapit sa patalim maka sungkit lang ng malolokong lalaki!" Dagdag naman ni Britney.
"Huy three little pigs! Ang sabihin niyo ingi t kayo kay Savannah dahil siya ang pinili at minahal ni Boss eh kayo? Katatagal niyo na rito kahit security guard nga ay hindi niyo masungkit sungkit!"sabi ni Arya pinigilan ko ito sa braso nang umaksyon itong susugod.
"Aba! Ikaw nga din malandi! Hindi bat nakipag s-x ka dyan sa boyfriend mo para hindi ka iwanan kasi nga palagi siyang tigang at di nakaka is—"Hindi niya na naituloy ang sasabihin nang biglang hinablot ni Arya ang buhok ni Paloma saka ito hinila palabas sa cafeteria.
"Wala kang karapatang bastusin ang boyfriend ko!"sigaw niya.
Napapatingin na din yung ibang kumakain at dumadaan doon.
"Isa ka pa! Halika ritong malandi ka!"sigaw ni Arya at hinila ang buhok ni Sofie na nasa gilid niya lang.
Napaigik ako ng may humila sa buhok ko kita kong di Britney iyon hindi naman ako marunong sa mga cat fight nayan kaya hinila ko pabalik ang buhok ko.
Masakit na ang ulo ko sa kakahila niya kaya nang mabitawan niya iyon na out of balance ako at tumama ang pisnge ko sa dulo ng isang lamesa.
Gusto kong umiyak sa sakit pero pinigilan ko.
Akmang susugod ulit si Britney sa akin ng bigla kaming pituhan ng security guard at inawat.
Inawat din nila si Arya na ngayon ay gusot gusot at may punit ang damit nito.
May sugat din ito sa labi at sa may pisnge dahil siguro sa tumama ang koko ni Sofie sa kanya.
"What's happening here?!" Nagulat ako sa sigaw na yun.
Nakita kong papalapit sa amin ang secretary ni Gab at galit na galit dahil kita ko sa mukha nito.
Akala ko ay siya lang ang narito pero laking gulat ko nang makita kong naka sunod pala sa kanya si Gab at ganoon din ang reaksyon ng makita akong naka salampak sa sahig.
Nakamaskara man ito pero ramdam ko ang kakaibang awra niya ngayon.
Mukhang galit na galit ito.
"Who the hell did this to my wife?!"Sigaw niya at galit na galit na binalingin ang mga nakatingin roon.
"Yang mga bruha dyan sa gilid! Sila ang nauna bigla-bigla nalang sinabihang malandi at ginayuma ka raw ni Savannah kaya ka niya naging asawa."sabi ni Arya nakayap na siya ngayon sa secretary ni Gab na mukhang pinapakalma niya din.
"And who the hell said that i don't love my wife? Whyy would i marry her if I'm not inlove with her? She's my wife ofcourse i love her!"sigaw niya ba ikana bilis ng tibok ng puso ko.
Ano ba namang reaksyon yan Savannah!
Tinulungan niya akong makatayo at inilagay niya ang kamay sa beywang ko.
"If i ever saw someone who will do the same thing of what they did to my wife."itinuro niya sila Paloma na nanlulumo at mukhang nag sisisi sa ginawa.
"I will make your life a living hell!" Banta niya saka na ako hinila pa alis doon.
Dinala niya ako sa opisina niya at saka ito na meywang sa harap ko.
"Why didn't you fight back?"He asked.
Yumuko lamang ako hindi dahil sa nahihiya ako kung hindi dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.
Grabe ano ba naman to!
Lumapit ito sa akin at inilapit ang mukha sa mukha ko saka niya inangat ang kamay at pinunasan ang dugo sa labi ko.
Hinaplos din nito ang pisnge ko kaya napaatras ako dahil sa sakit.
"I-i'm sorry, does it hurt?"he asked tinanguan ko lang siya.
Umalis ito sa harap ko at may kinuha sa drawer may iniutos din siya sa secretary niya saka bumalik sa akin.
Pinaupo niya ako sa sofa saka niya tinanggal ang maskara niya.
Sinumulan niyang lagyan ng ointment ang sugat ko sa labi at pisnge.
Naiilanga ako sa posisyon namin dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
Natigil ito sa paglalagay nang mapansin niya nakatitig ako sa kanya.
"Ang gwapo mo talaga.."hindi ko mapigilang sabihin.
Hindi na ito na gulat instead mas inilapit nito ang mukha niya sa akin at saka ako hinalikan sa labi.
Napapikit ako dahil don at ramdam na ramdam ko kung paano uminit ang pisnge ko sa ginawa niyang iyon.
Nabigla ito sa ginawa kaya naman ay inilayo niya ang mukha sa akin at napatakip sa bibig.
"I-i'm sorry you must be disgusted dahil don, hindi na mauulit."aniya saka tumayo at akmang aalis nang mag salita ako.
"First kiss ko yun."ani ko.
Oo nga't may mga naging boyfriend ako pero hindi ko sila hinayaan mahalikan ako dahil gusto ko sa asawa ko iyon ibibigay.
"Sorry I won't do it again, i promise."sabi niya
"Okay lang, mag asawa naman tayo parte yun sa kontrata."ani ko at ngumiti.
Sinabi ko lang yun dahil ayokong bigla bigla nalang lumabas sa bibig ko na nagustuhan ko yung halik niya.
Tinanguan niya ako at bumalik na siya sa pagkakaupo sa swivel chair niya.
Jusko mababaliw na ata ako!
**
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top