2-WIFE OF THE MYSTERIOUS CEO

SAVANNAH


"ARYA! PAHINGI NAMAN nung softcopy sa design ng mga furniture. May iba kasing hindi ko pa tapos gawin." Sabi ko.

"Sure! Send ko nalang sa email mo." Sabi niya.

"Thanks!"sabi ko saka na sinimulang tapusin ang iba ko pang gagawin.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa at pagsasaulo ng pwedi kong maging reference sa pagdedesign ng biglang may lumapit sa akin.

"Ms Angeles?"Tawag nito sa pangalan ko.

"Yes sir?" sagot ko naman.

"Come with me." He said.

Nagtataka man pero sumunod parin ako sa kanya.

Sa pagkakatanda ko ay siya ang secretary ng CEO.

Does that mean na matatanggal ako sa trabaho dahil sa ginawa ko kahapon? Halaa! Hindi pwedi ang hirap kayang mag apply sa kaparehong trabaho na to!

Napalunok ako ng ilang ulit ng bumaba kami sa lounge papunta sa parking space.

"Wait? Saan niyo po ako dadalhin?" I asked.

Hindi ako nito sinagot. Dinala ako nito sa harap ng isang mamahaling sasakyan saka nito binuksan ang pinto ng sasakyan.

Limousine ata to?

"Get in, someone wants to talk to you in private." He said.

Pumasok na ako sa sasakyan at nakita kong nakaupo roon ang isang lalaking naka maskara pero tandang-tanda ko ang kulay ng mga mata nito.

Ipinikit ko ang mata, si Mr Monroeville! Sh*t sinasabi ko na nga bang ipapatanggal niya ako!

"Why are you closing your eyes?" He asked in a very cold tone.

"Number one rule : don't stare the CEO in the eye d-"

"Stop." He said.

Mahigpit akong napahawak sa gilid ng suot kong dress at itinikom ang bibig.

Kung ano ano nalang ang lumalabas dito kainis.

"Open your eyes. I have something important to deal with you." He said.

Idinilat ko naman ang mata ko at diretsong tumingin sa sahig ng sasakyan.

Nakaharap ang upuan nito sa akin yung parang nakikita ko sa movies na magagandang sasakyan tapos ang high-

May hinagis itong brown envelope napatingin naman ako roon.

"Read and sign it, quick." Sabi niya kaya inangat ko ang tingin ko rito.

Hindi ko kita ang buong mukha nito dahil nga naka maskara ito pero ramdam na ramdam ko ang lamig sa mga titig nito sa akin.

Ibinalik ko ulit ang atensyon sa envelope saka binasa ang nasa loob.

M-marriage certificate? Nalilito kong inangat ang tingin rito saka nag tanong.

"Ano gagawin ko rito?" I asked.

"Kainin mo." Pamimilosopo nito.

Pinilit ko ang sarili huwag itong tignan ng masama at baka mapagalitan pa ako nito.

"I am offering you marriage. Isn't obvious?"dugtong nito.

"Pero...bakit ako?" I asked.

"Well, you were the first person who didn't judge me on our first meet so-"

"Pero.."

"Just sign it and then I'll ordered someone to get your things on your apartment because you're going to live with me." Sabi niya at inabutan ako ng ballpen.

Nalilito man pero pumirma ako sa marriage contract na nakapatong sa hita ko.

May inabot itong maliit na box na kulay emerald. Binuksan ko iyon at nakita ko ang dalawang sing-sing.

"The top ring is our engagement ring while the bottom ring is our wedding ring." Inangat nito ang kaliwang kamay at nakita ko ang isang sing sing na kaparehas nang sa akin.

"Wear it, mag papa conference meeting ako mamaya so you should come with me. I'll introduce you to my board of directors."

Oo nakikipag meeting siya pero hindi siya nagpapakita sa mismong meeting na iyon.

Video call ba tawag don? I don't know.

Dami ko atang alam? Ikinukwento kasi ni Arya sakin ang mga iyon dahil ang secretary ng CEO ay boyfriend niya.

"Sobrang bilis naman po ata." I asked.

"Why? Don't you want to be my wife? I can ask someone who can do the job." sabi nito.

Ah job, trabaho lang pala para sa kanya ito.

Does that mean i need to pretend to be his wife? Para saan?

Haist Savannah, magpa panggap ka kalang naman. mas mabuti na nga yon at baka may ma benefit kapa sa pagpa panggap na iyan.

"Choose. You stay as my employee or be my wife?" He asked.

Itinikom ko muna ang bibig at nag isip.

"Sige..payag na ako." Sabi ko.

"Good. Here wear it so you'll look decent. We will walk into my company building together. Be ready there are al lots of paparazzi around." Sabi niya.

Umalis muna siya sa sasakyan para naman makapag bihis ako.

Okay naman ang suot ko ah! Mukha naman desente! Napaka oa!

Nang matapos ay kinatok ko sila sa labas at sinabing okay na ako.

Isinuot ko rin ang sing-sing na ibinigay niya.

Ngayon ko lang din napansin na magkadugtong pala ang dalawang iyon.

Pumasok ulit ito sa loob at saka tumabi sa akin.

Naramdaman kong gumalaw ang sasakyan palabas sa parking space at umikot ito papunta sa entrance ng building.

He's making a show huh? Tiningnan ko ito. Talaga naman gwapo ito eh kahit na may mga pekla sa mukha nito.

He shouldn't be ashamed of himself kasi kahit pa anong sabihin ng iba siya at siya parin ang magdedesisyon sa buhay niya.

Look at him now. His name is all over the country even overseas kilalang kilala siya.

He's company became bigger and bigger yung iba pa nga ay hindi na siya mapantayan kaya bakit nga ba niya itinatago ang mukha niya sa publiko?

Para makaiwas sa masasakit na salita? Oo nga pala i totally forgot that we are living in a judgemental society.

Isang tingin palang sayo may nalikha na silang kung ano na ikakaissue mo.

When the car stops, hindi nga siya nag kamali agad na nagsilapitan ang mga paparazzi para kuhanan ng litraro ang sasakyan niya.

Lumabas mula sa passengers seat ang secretary niya saka naman nito kami pinagbuksan.

Naunang lumabas si Mr Monroeville saka naman nito inilahad ang kamay sa harap ko.

Inabot ko iyon at lumabas sa sasakyan.

Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko kaya naman napatingin ako sa kanya.

Hindi siya sanay sa maraming tao? Pero bakit niya to ginagawa?

"Mr Monroeville, is that true na nagpakasal na po kayo."

"Mr Monroeville why don't you take off your mask?" Napatingin ako sa taong nag sabi nun.

Naramdaman kong natigilan ito nang makita kung sino iyon.

A tall blonde woman was infront of the paparazzi holding her gucci bag while smiling sweetly.

"Oh my...is this your wife? You really got no taste on woman don't you?" Pang-aasar pa nito.

Gusto kong sumabat pero hindi ako nito hinayaan.

Basta basta nalang itong naglakad kaya nahila ako.

"I will be very excited when that day comes Gabriel." sigaw niya.

Nakapasok na kami sa loob at ang mga mata naman ng mga empleyado ang nakatingin sa amin ngayon.

Sabay-sabay silang yumuko at bumati.

"Goodmorning, Mr Monroeville."

Tumango lamang siya saka ito naglakad na hawak parin ang kamay ko.

Naglakad kami papasok sa elevator at hindi nakatakas sa pandinig ko ang mga katanungan nila ngayon.

"Hindi bat si Savannah iyon? Bakit magkasama sila ni Mr Monroeville?"

"Oo nga tapos mag kahawak pa ang mga kamay nila."

"Siya bayong bali-balitang asawa niya daw?"

"Halaa! Ang swerte naman niya!"

"Oo nga pero hanggang ngayon ay hindi niya parin tinatanggal ang maskara niya."

"Ako rin na curious na kung ano talaga ang mukha ni Boss."

Ilan lang yun sa mga narinig ko bago magsara ang pinto ng elevator.

"Promise me you will never take this ring off of your hand—uh nevermind." Sabi niya saka nito binitawan ang kamay ko na kanina niya pa hawak.

Ano nga ba ang nangyari? Napakabilis na man ata.

Napabuntong hininga nalamang ako at sa sahig itinuon ang atensyon.

Sana lang ay hindi ako papalpak sa trabahong to.

**

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top