19-WIFE OF THE MYSTERIOUS CEO

SAVANNAH

NANG MATAPOS KAMING kumain agad akong nakaramdam ng kaba dahil hindi ko alam kung anong paguusapan namin ng mama ni Gab.

"Ahm..Shall we?" Tanong ng mama ni Gab pagkatapos nitong punasan ang bibig gamit ang table napkin.

"Ah..sige po." sabi ko

Susunod sana saamin si Gab ng nilingon ito ng mommy niya.

"It's a girls talk my dear, gusto mong sumama?"She asked arching her brows.

Sumimangot lamang si Gab saka naman ito lumingon sa daddy niya.

"Dad do you—"

"Walang akong idea dyan son." Agarang sagot naman ng daddy niya.

Gusto kong matawa pero pinigilan ko lang ang sarili saka naman hiniwakan ng mommy ni Gab ang kamay ko at bahagyang hinila.

"Let's go?" Aya nito.

Tumango lamang ako.

Nagtungo kami sa likod kung saan makikita ang magandang landscape nila.

"Divorce my son."Diretsahang sabi nito na hindi ko na ikinagulat pa.

Alam ko naman na eh, kahit pa man hindi niya sabihin alam na alam ko.

Ngumiti ako ng mapait.

"Alam ko po." Sabi ko.

Kahit naman may nagawang kasalanan si Brielle sa kanila alam ko namang patatawarin parin nila iyon kahit na ganon.

"Sign this papers quick, Renaldi already talked to Gab about this. Since you didn't take off all your things you can still live here whenever you want."She said.

Tumango na lamang ako at pinigilan ang sariling umiyak.

His family doesn't want me to be with him, maybe because of our Social Status? Dahil ba mahirap lamang ako at mayaman sila?

Bakit kailangan pa doon basehan hindi ba pwedi sa pagmamahal?

Lumunok ako ng ilang ulit.

Isang taon akong nawala, isang taon kong binago ang sarili ko.

Nangako ako sa sarili ko na hindi hindi na ako lalayo pa sa kanya, mahal ko eh anong magagawa ko?

Tiningnan ko sa mata ang mommy niya.

Bahala na kung magalit ito or palayasin niya ako sa mansyon niya ang sakin lang ay masabi ko sakanya ang mga hinaing ko.

"Kung nagbabase po kayo sa yaman, oo at mahirap ako, oo at wala akong maipagmamalaki pero ma'am, nangako ho ako sa anak niya na hindi ko siya iiwan pa."

Nagsimula nang tumulo ang luha ko sa mata.

"Mahal ko ho ang anak niyo, sobra sobra na kahit pagmamahal sa sarili ko ay wala ng natira kaya hindi ko ho magagawa ang gusto niyo, kung oo man ho si Gabriel na hiwalayan ho ako sige po. Tatanggapin ko." Sabi ko.

Kumunot ang noo nito sa sinabi ko bago natawa ng mahina.

"What were you thinking hija? I'm still not done yet, you already jump to that conclusion. What i am saying is you need to divorce him." She said.

"Oo nga po." Sabi ko naman.

"You need to divorce him because he told me na pinapirma ka lang daw niya ng marriage contract, and i don't like that. Ang pagpapakasal ay once in a lifetime opportunity lang, you need to enjoy it, isang beses kalang ikinakasal hija." She said.

"Just sign the divorce papers, we already settled your wedding ceremony. I want the best for you both, so please take care of him for me okay?" She said.

She pulled me for a tight hug at agad na nawala ang mabigat na nakadagan sa puso ko.

Maybe i was just overthinking, may jetlag pa ata ako?

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, meron parin ang kaba pero mas nangunguna ang saya sa nararamdaman ko.

I really thought na maghihiwalay kami ni Gab.

"I asked Gab if he wants a church wedding and he agreed, ikaw nalang ang hinihintay naming sumagot hija, are you up for it?" She asked.

"Oh my! Stop crying baka pa mapasama ako kay Gab-gab."pinunasan nito ang luha ko sa mata.

"Sorry po ma'am—"

"We already talked about this not to call me ma'am? Tsk! It's mommy okay? Mo-mmy."She emphasize the word mommy.

"Sa mamayang 2pm ang wedding niyo, come on fix yourself, magfifit ka pa ng wedding gown."

Hinawakan nito ang kamay ko at iginiya na papasok, hinimas himas pa nito ang kamay ko dahil sa napahikbi ako.

"Hush now okay?" She said.

She smiled genuinely kaya naman tipid din akong ngumiti rito.

"Brianna! Isama mo siya sa fitting room!" Sigaw ng mommy niya.

Agad na nagtungo sa akin ang isang babaeng petite, mahaba ang buhok at maputi.

"Is she the bride madame?"she asked.

"Yes, so please make her the most beautiful bride! Make it quick!" She said in a sing-song voice.

"I'm so excited~~" pakanta pa nitong sabi.

"This way please ma'am." She said at iginiya na ako sa isang kwarto na puno nang gown.

Hindi ko ito napansin kahit pa na nandito ako nakatira ng ilang months.

"Si Gabriel?" I asked.

"I'm sorry ma'am but pinagbawalan po kami ni Madame Guinevere na hindi muna kayo pagkitain kasi ikakasal na daw kayo." Sabi niya.

Tumango na lang ako at hindi na nagtanong pa.

Sinimulan na nilang ayusin ang mukha ko pati narin ang buhok ko.

"Mata sa taas po lalagyan ka namin ng eyelashes." Sabi nung isa pang babae na kasama niya.

Ilang oras nila akong inayusan at nang matapos ay halos hindi ko makilala ang sarili ko.

Pinagbihis na din ako nang gown, nang matapos na silang lahat sa pag aayos sa akin ay pinalabas na nila ako.

Naghihintay roon ang nakabihis nang mommy at daddy ni Gabriel na agad na ngumiti sa akin nang makita ako.

Gusto ko silang yakapin at pasalamatan kahit pa kinabahan ako ng husto kanina dahil sa sinabi ng mommy niya.

"Mommy,Daddy."tawag ko.

"Aw! Come here hija! You look so stunning and very beautiful!" She said she pulled me for a hug pero hindi masyadong malapit at baka masira ang ayos ko.

"I'm pretty sure, Gabriel will be very surprised for this." She whispered tsaka ko kinindatan.

"Shall we?" She asked.

"Sige po." Sagot ko naman.

Naglakad na kami papunta sa sasakyan na naka abang sa labas.

Pumasok na ako roon at sumunod ang mommy ni Gab kasama ang daddy niya.

"We already know about your family, si Renaldi nalang ang maghahatid sayo sa altar. Is that okay with you?"Tanong niya.

"Opo, okay lang sa akin." Sabi ko.

"Gab is already there sa church, hindi na nga mapakali at hinahanap ka na tsk! Yung bata na yun."Her mom pouted her lips, even though may kaedaran na sila hindi parin na aagnas ang kagandahang taglay nito.

She still look young and beautiful, manang mana ni Gab ang pagkaputi nito while sa father niya namana nag mata nito.

Ilang minuto lang ang tinagal bago kami maka abot sa church.

Tumigil na ang sasakyan at unang lumabas ang daddy ni Gab.

Hinawakan ng mommy ni Gab ang kamay ko at mahigpit iyon hinawakan.

"Thank you for accepting my son for who he is hija, ikaw lang ang nakatiis sa ugali niya. I never knew someone will accept him even though naging panget ang mukha niya." Sabi nito.

"He's handsome po, no matter what hid face is, i will always love him. I love him   very much mommy. And i will make him happy." Sabi ko sakanya.

Hinaplos nito ang pisnge ko at ngumiti bago na lumabas.

Inilahad ng daddy ni Gab ang kamay sa akin na tinanggap ko naman.

"Let's go." Aya nito.

Kumapit ako sa braso niya saka kami sabay na naglakad papasok sa simbahan.

Pinigilan ko ang sarili maiyak nang makita ko sa harap ng altar si Gab.

Napakagwapo nito sa suot na Kulay puti na tuxedo.

I saw his teary eyes while looking at me.

This is it, my very dream came true. Hindi ko talaga ineexpect ang ganito.

Ang ikakasal sa taong mahal na mahal mo ng sobra.

Napaiyak na rin ako ng makita itong nagpapahid ng luha.

Nasa kalagitnaan na kami papunta sa simbahan nag magsalita ang mommy niya.

"My little boy is crying." I heard his mom said from the crowd.

Nagtawanan naman ang nasa loob.

Natigil lamang iyon ng malakas na bumukas ang pinto ng simbahan at iniluwa roon si Brielle.

May kasama itong mga armadong lalaki, tinutukan nila ng baril ang mga tao roon na kahit ako ay nagulat rin.

I thought she's still in the hospital?

"Huh! This should be my wedding not her! Damn it!" She scream.

"You! You ruined everything! Lahat ng pinaghirapan ko! Inagaw mo si Gab sakin! I should be the one wearing that dress not you! I should be the one who makes me cry in happiness dahil ikakasal kami hindi ikaw! Hindi ikaw!" Sigaw niya at itinuro ako gamit ang baril na hawak.

"Gabriel i already asked you a wedding proposal didn't i?" She said.

"I don't love you anymore Brielle—"

"Shut up! Kung sa kanya ka magpapakasal edi isasama mo nadin siya sa hukay mo!" 

I heard a gunshot sa malayong bahagi ng simbahan.

Nagsigawan ang mga tao sa loob, hinila na din ako ng daddy ni Gab at inilayo roon.

Tingnan ko si Gab at nakita kong nabaril ito sa tagiliran at sa tyan niya.

Nakarinig ako ng tunog ng police sa malapitan agad na nataranta si Brielle at agad na lumabas sa simbahan kasama ang mga armadong lalaki.

Hawak ang saya ng suot kong gown halos liparin ko ang layo namin ni Gabriel makalapit lamang roon.

"Call an ambulance quick!" Rinig kong sigaw ni Tyler na naroon rin pala.

Tumabi ako kay Gab at hinawakan kung saan siya na baril.

"Hold on son! The ambulance is coming!" Sigaw ng daddy niya.

Tinamggal ang nakapatong sa ulo ko at umiiyak na hinawakan ang kamay ni Gab.

"Stay with me please!" I begged.

"I'm always with you." He said.

"Please hon, please! Stay with me! Don't talk!" I said.

"Don't push yourself to talk hijo! You're bleeding." Sabi din ng mommy niya.

Sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko na alam ang gagawin.

Gusto kong umiyak ng umiyak pero hindi iyon makakatulong.

NASA OSPITAL NA kami ngayon at hinihintay ang resulta ng operasyon ni Gab.

Nakadaop ang palad ko at patuloy na humihiling at nagdarasal na sana successful ang operasyon.

Tatlong oras na simula ng masimulan siyang operahan pero hanggang ngayon ay hindi parin lumalabas ang mga doctor na nasa loob.

I heard from his father na critical ang lagay ni Gab.

Kaya lalo akong naiyak ng malaman iyon.

Ilang ulit akong nagdasal na sana makasama ko pa siya.

Na sana mabuhay pa siya at walang masamang mangyari.

Nang magtungo daw sa ospital si Brielle kanina ay nakasunod na raw sa kanya ang mga pulis, nalaman ko iyon kay Tyler.

Tumakas raw kasi ito sa isang facility sa mental hospital, inilagay siya roon ng pamilya niya matapos malaman na may psychological problem ito.

Bumukas ang pinto ng operating room at agad akong kinabahan at inabangan ang sasabihin ng doctor.

"The operation is successful, thou marami mang dugong nawala pero hindi naman siya naging kritikal nung ongoing ang operation kaya, he's okay. the patient in now recovering, nasa room na po siya kung saan siya naka assign, you can visit him now. Excuse." Sabi ng doctor saka na kami iniwan.

"Thank god!" Masayang sabi ng mommy niya.

Nilapitan ako nito at niyakap ng mahigpit.

Nagsimula akong ngumuwa dahil doon.

Thank God! Thank you so much he's safe.

Halo-halo ang nararamdaman kong emosyon ngayon.

Hindi ko na alam pa kung ano talaga ang mararamdaman ko.

Kung mahuhuli man si Brielle gusto ko siyang ipakulong ng habang buhay hanggang sa magtanda siya.

Hindi pa nga sapat yon sa lahat ng nagawa niya.

Hindi siya tao kung maituturing, isa siyang demonyo!

Mahigpit kong ikinuyom ang kamao.

Mabulok ka sana sa bilangguan!

**

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top