13-WIFE OF THE MYSTERIOUS CEO
SAVANNAH
AKO NA NGA ANG PINAKAMALAKING tanga sa mundo.
Dahil nga sa pagiging kuryoso ko sa lahat ng bagay hindi man lang nalaman na nanganganib na pala ang buhay ko.
Itinapon nila lahat ng dala ko kasama ang cellphone at bag ko.
Itinali rin nila ang kamay at paa ko saka ako nilagyan ng tape sa bibig.
Gusto kong mag wala mag sisigaw at tumakas pero parang nawalan na ata ako ng lakas.
Napatingin ako sa gilid ko kung saan naka upo si kuya ni hindi ako nito matingnan ng diretso sa mata dahil alam niya na may kasalan siya rito.
Nagpagamit siya sa mga taong to na manloloko!
Hindi ko na alam kong saan nila ako dinala dahil naka tulog na ako sa biyahe siguro dahil alam nilang wala na akong kawala sa kanila.
Nagising ako sa isang bahay, tanto ko ay katabi lang nito ang tabing dagat dahil naririnig ko ang paghampas ng alon sa dalampasigan.
Ano bang nagawa kong mali para makatanggap ng ganitong kasakiman galing sa kuya ko?
Pinaniwala niya pa akong hindi ko talaga siya totoong kapatid at ang dalawang manlolokong to ang tunay kong pamilya.
Nagising ako ng maramdamang may tumatapik sa pisnge ko.
"Gising na andyan na si boss."Ani nong lalaking nagpakilalang Aech Madrigal.
"Oh my! Good catch boys!" Puri pa nito sa dalawang kuminap sa kin saka pumalakpak sa ere.
Ngayon ko lang nakilala kong sino talaga ang babaeng yun.
Yung blonde and mataas na babaeng sumigaw sa gitna ng mga paparazzi at reporter's at ang babaeng nakasalubong ko kanina.
Lumapit ito sa akin at biglaang tinanggal ang duck tape sa bibig ko, pinigilan kong hindi umiyak sa sakit saka ito sinamaan ng tingin.
"I already warned you months ago tsk tsk..di kasi nakikinig."She said.
"Sino ka ba?"Pagalit na sabi ko.
Umikot ikot ito sa harap ko saka nameywang.
"Ano bang nagustuhan ni Gabriel sayo? I thought nga ay ako parin ang mahal niya, time flies so fast nga naman ika nga nagulat ako nung biglaan siyang nagpakasal."Malandi itong tumawa.
"Wag mong sabihing-" naputol ang sasabihin ko ng bigla ako nitong sinampal.
"Yes! Kung ano man yan nasa isip mo ay tama ka!"She said at parang baliw na humalakhak.
Nakatayo lang sa gilid ang kuya ko kasama ang dalawang taong nanloko sa akin.
Ngayon ko lang napagtantong siya pala ang Ex-fianceé ni Gab na nansabuy ng acido sa mukha niya kaya ito nagkaganon.
Nagpakuha siya ng lamesa at inilagay sa harap ko.
Pabagsak niyang inilagay ang isang pad ng papel at ballpen saka binunut ang baril ng isa sa kasama ni Kuya at tinutukan ako.
Nakita ko ang paglaki ng mata ni Kuya pero hindi ito nagbalak na pigilan ang babae.
"Magsulat ka ng masasakit na salita kay Gab sabihin mong nandidiri ka sakanya at ayaw mo talaga siyang makasama at talagang nagtitiis kalang para sa pera."Utos nito na hindi ko naman ginawa.
"Ayoko."Matigas na sabi ko.
Sinampal niya ulit ako ngayon gamit na ang baril na hawak, kita ko sa peripheral vision ko na gustong magprotesta ni Kuya pero pinigilan siya nung dalawa.
"Aba tsk tsk, nagmamatapang ka pa alam mo naman ding mamamatay ka ngayon." sabi niya at sinundan ulit ng tawa.
"Baliw ka na!" Sigaw ko.
Sinampal niya ulit ako.
"Noon ko pa dapat kinuha sayo sa Gabriel eh! Dikit ka kasi ng Dikit!" Sigaw niya.
"Hindi ka na mahal ng asawa ko kaya ano pang silbi non kung papatayin mo ako pero hindi mo parin siya makukuha ulit!" Sigaw ko.
Itinutok nito ang baril sa sintindo ko at nangangalaiting idiniin sa ulo ang bibig ng baril.
"Magsisimula kang sumulat o sabog yang ulo mo?" She asked.
Sinensyahan niya ang isang lalaking kalagan ang kamay ko para makasulat ako.
Nanginginig kong hinawakan ang ballpen at saka nagsimulang magsulat.
Sinabi ko lahat ng kasinungaling gusto niyang isulat para maligtas ang buhay ko at ni Kuya.
Nang matapos ang pagsusulat ko namalisbis ang luhang kanina ko pa pinipigilan nang maka alis na ang babae sa kwartong iyon.
Huling lumabas si Kuya kaya tinawag ko ito.
"Kuya bakit mo ba to ginagawa?" Umiiyak na tanong ko.
Hindi ako nito sinagot at lumabas na nang tuluyan sa kwarto at iniwan ako.
Ilang araw akong nanatili roon ilang araw ko naring nararanasan ang masuntok at masampal ng baril sa mukha, alam kong puro pasa na ang mukha ko.
At sa mga araw na iyon ay hindi ako hinanap ni Gab alam ko naman kung bakit eh, siguro ay nabasa niya na ang sulat na pinagawa sakin nung bruha.
Pero kahit na nararanasan ko ito ngayon hindi ako nakaramdam ng guilt sa pagpapakasal ko kay Gab.
Mahal ko si Gab at alam na alam niya iyon.
Hanggang sa isang araw bigla nalamang bumukas ang pinto ng kwarto at nakita kong si Kuya.
May hawak itong kutsilyo at lumapit sa akin.
Kinalagan ako nito saka ako nitong tinulungang lumabas.
"Tumakas ka na Savannah! Pipigilan ko sila." sabi niya saka ako itinulak sa isang yate na nakadaong sa dalampasigan.
Kahit nahihirapan at sinubukan kong abutin ang kamay niya.
Paparating na ang dalawang lalaki, nakita ko ring puro pasa si Kuya.
"Kuya sumama ka nalang sakin."
"Hindi pwedi bunso,tumakas ka na pipigilan sila ni Kuya bilis na!" Sigaw niya saka ako itinulak tulak.
May inihagis siyang maliit na bag sa akin saka ito malungkot na ngumiti.
"Mapatawad mo sana si Kuya, bunso." Yun ang huling narinig ko bago ito tumakbo sa direksyon ng dalawang lalaki at pinigilan ito.
Mahigpit kong hinawakan ang maliit na bag at pinilit ang sariling tumakbo kahit na alam kong ang bigat bigat na nag katawan ko dahil sa pambubugbog na natanggap ko sakanila.
Sumakay ako sa yate at sinumulan na itong paandarin nilingon ko ulit si Kuya sa dalampasigan at nanlumo ako sa nakita.
Nakaluhod si kuya sa harap nung isang lalaki habang nakatutok ang baril nito sa kanya.
Isang malakas na pagputok ang narinig ko bago umandar pa palayo ang yate kong saan ako sakay.
Ang kuya ko, wala na ang kuya ko.
Hindi ko alam kong saan ako pupunta kaya hinayaan kong pumunta sa kung saang direksyon ang yate.
Hindi naman din alam kung saang lugar nila ako dinala.
Nang himinto ang yate sa dalampasigan, hindi na muna ako nagbalak na umalis at tiningnan ang maliit na bag.
Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang isang sobre, yun ang sobreng binigay ko kay kuya noon kasama ang isang papel na nakatupi.
Naalala ko ulit ang tawag ni Kuya sa akin kanina.
Ngayon niya lang ulit ako tinawag na bunso.
Mapait akong ngumiti at binasa ang sulat.
Dear Savannah,
Siguro kong binabasa mo to ngayon ay wala na ako. Patawarin mo sana si Kuya bunso, kung sana ay hindi ako nagpagamit dahil sa pera sana ay hindi mo iyan nararanasan ngayon.
Patawad sa lahat ng nagawa ni Kuya, gusto ko mang bumawi pero alam kong huli na ang lahat, alam kong kakaunti lang ang perang nasa sobreng iyan.
Iyan yung sobreng iniabot mo sa akin na hindi ko magawang mawaldas dahil sa hindi ko naman iyon pinaghirapan.
Lumayo ka muna rito sa manila dahil na nganganib parin ang buhay mo, kung sana ay may oras pa ako para samahan ka ay ginawa ko na.
Okay lang bunso, at least kasama ko na si Tina sa langit, mahal na mahal ka ni Kuya kahit na palagi kitang sinisigawan at sinasaktan mahal na mahal parin kita bunso.
Patawad.
Nagmamahal,
Kuya
Umiyak ako ng umiyak matapos mabasa ang sulat ni Kuya roon.
Hindi ako nagtanim ng sama ng loob kay kuya dahil alam kong balang araw ay magbabago parin siya.
Tama nga ako.
Pero ngayon naman wala na siya. Wala na si Kuya.
**
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top