12-WIFE OF THE MYSTERIOUS CEO
SAVANNAH
MATAPOS ANG PAG UUSAP namin ni Gab kanina halos hindi na matanggal ang ngiti sa labi ko habang naglalakad pabalik sa cubicle.
"Uy! Laki ng ngiti ah! Nagka aminan na ba?!" usisa agad ni Arya saka ako sinundot sundot sa gilid.
"A-ano ba nakikiliti ako!" sabi ko sakanya habang iniiwas ang katawan sa kanya.
"Asus! So ano?"
Kinunutan ko siya ng noo.
"Ang alin?" tanong ko.
"Umamin ba?" Tanong niya.
Nagkibit balikat lang ako at magsasalita na sana ng biglang tumunog ang phone ko.
Nag excuse muna ako sandali sa kanya saka ako lumayo bahagya at sinagot ang tawag.
"Hello? Sino po sila?" i asked.
"Is this Savannah Angeles?" tanong nito sa kabilang linya.
"Opo, ako po si Savannah Angeles sino po sila?" Tanong ko ulit.
"Oh thank god! Buti nalang."Sabi nito.
Agad namang kumunot ang noo ko dahil sa narinig.
"Ibababa ko na po."Sabi ko.
"Wait! You don't remember me?" Tanong nito.
"Uh..kaya nga po kita tinatanong kanina kong sino ka po d—"
"I'm Aech Madrigal."
"Di ka po pamilyar eh, sorry ibababa ko na."
"Wait! Wag muna, you need to see me may sasabihin akong importante."Sabi niya.
"Sorry mas importante pa po ang trabaho ko kaya ibababa ko n—"
"I know your father." sabi niya.
Agad akong natigilan sa narinig.
Para sakin matagal ng patay si papa.
"Hindi ako interesado."Sagot ko.
"Your mother, she's been lying to you about your father." Sabi nito.
Bigla akong na curious sa mga pinagsasasabi niya kaya naman ay sinabihan ko siyang magkita kami mamayang hapon.
Sinabi ko rin kay Gab na may kikitain lang ako sinabihan niya pa akong siya daw ang maghahatid sa akin pero hindi ko siya hinayaan.
Nag aayos na ako ng gamit ko ngayon at handa nang umalis ng may humila sa kamay ko.
"Are you sure you don't want me to drive for you?" He asked.
I smiled at him and kissed his cheeks.
"No need. May stun pen ako sa bag remember besides if bad guy man ang makikipag meet up sakin ma tatrack down mo naman agad ang location ko diba?" Tanong ko.
"Yes of course."Mayabang na sabi niya.
Inilutan ko siya ng mata saka na sumenyas na aalis.
"Take care! Call me when you get there." Sabi niya.
Tumango ako saka na sumakay sa elevator pababa sa entrance at pumara ng cab para makasakay.
Sa isang coffee shop malapit lang sa conpany building kami mag kikita kaya ilang minutes lang ang tinagal bago makarating doon.
Mahigpit kong hawak ang sling ng bag na suot ko habang papasok sa coffee shop.
Hindi na masyadong matao roon dahil hanggang 7:00 pm lang abg coffee shop at 6:10 na ngayon.
Tatlong tao laman ang naroon kaya nalilito ako kung sino sa kanila yung taong tumawag sakin.
I was about to pick my phone in my pocket when someone called me.
"Savannah!" Inangat ko ang tingin at hinanap ang taong iyon at nang makita ay agad akong naglakad papalapit saka isinilid ang kamay sa bag at hinawakan ang stun pen.
Just in case lang naman eh.
"Have a seat."Sabi niya.
Umupo naman ako sa harap niya, actually hindi naman siya mukhang masamang tao tsaka wala rin naman akong nararamdamang kakaiba sa presensya niya.
"May gusto ka ba? Sagot ko order ka ng kahit—"
"Just go straight to the point, naghihintay ang asawa ko sa bahay."Malditang saad ko.
Tumikhim lang ito bago ngumiti.
"Okay." Sabi niya.
Pinagsiklop niya ang kamay saka ipinatong sa lamesa.
"You're my long lost half sister."Diretsahang sabi niya.
Nagulat ako pero hindi ko ipinakita, kaya nag patuloy ito.
"Ikaw at ang kinikilala mung kuya ay hindi magkadugo. Gusto ko nga siyang idemanda ng makita kong binugbog ka niya pero pinigilan ako ni papa dahil baka magulat ka kung bigla akong susulpot roon at pigilan ito."
"Hindi kayo mag kapatid, isang waitress ang mama mo sa isa sa mga restaurant ni papa at doon naging sila na noon pero bigla daw iniwan ng mama mo si papa sa hindi malamang dahilan." huminga ito nang malalim bago nag patuloy.
"Pinahanap ni papa ang mama mo at nagseselos ako ng dahil ron dahil hindi ko nakita si papa na mag alala ng ganon na halos mabaliw na ito kaka hanap sa mama mo."
"Isang araw nalaman nalang ni papa nung pinanganak ka na pala at namatay din ang mama mo dahil sa sakit sa puso, syempre nalungkot si papa sa nalaman at mas lalo siyang nalungkot nung nalaman niyang inilayo ka ng kapatid mo sa amin."
"Kinuha kayong dalawa ng auntie at uncle mo kaya sa kanila ka tumira at gumawa ng kwento about kay papa at sa pang iiwan niya sayo."
"Ano bang pinagsasabi mo."Litong sabi ko rito.
Hinawakan niya ang kamay ko at may inilagay roon na kwintas na may locket na pendant.
Tiningnan ko muna siya bago ko iyon binuksan at agad na bumungad sa akin ang picture ni mama at nang isang lalaki.
"If won't still believe I'll lend you the dna test results, dna niyo yan ni papa. Pina dna ka niya nung minsan tayong mag kita."
"Do you still remember the person who save your dog?" He added.
Agad na remehistro sa isip ko ang mukha niya at kung paano niya iniligtas si Sparkle 7 years ago.
"Ikaw yun?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Dahan dahan siyang tumango.
"Yes i am, little sis i am one of those firefighters nun nag kasunog sa apartment na tinitirhan mo." May inilapag siyang brown envelope.
Kinuha ko iyon at binuksan bumungad sa akin ang isang papel na may nakalagay na dna result.
Positive.
Mr Cameron Madrigal and Ms Savannah Angeles is 99.9% blood related.
"Cameron Madrigal, my father is your biological father Savannah. My mom died too due to leukemia hindi narin siya nakasurvive dahil don." kwento pa nito.
Litong lito ako sa nalaman.
How come na naging magkapatid kami? Si kuya lang ang kapamilya ko at wala ng iba.
Ang kwento sakin ni Auntie na iniwan daw ako ng papa ko pero hindi nila sinabi na hindi kami magkadugo ni Kuya. Ang tanging alam ko ay iniwan ako ng tunay kong ama at namatay si mama habang pinapanganak ako.
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko gustk kong ilabas ang stun pen na hawak pero agad rin akong natigil ng makita kong sino ang nasa harap ko.
Nakatayo sa harap ko si Kuya Jace at sa gilid niya ay isang lalaking tansya ko ay nasa mid 50's na.
"Oh, nagkakilala na pala kayo ano pang silbi ko rito?" sabi ni kuya.
"Tell her the truth, ikaw lang ang may alam sa lahat hindi ba?" Sabi nung lalaki.
"Nagkakilala na nga kayo ano pang silbi non?!" Galit na sabi ni kuya.
Gusto ko tuloy maiyak. So totoo nga? Hindi ko nga talaga siya kadugo?
"Kuya." Tawag ko sinubukan ko hawaka ng kamay nito pero iniwas niya iyon.
"Oo na! Sasabihin ko na! Hindi kita kapatid, anak ka ng lalaking to at lalong hindi ka anak ng papa ko."Sabi niya.
"Ayusin mo yang pananalita mo!" banta nung lalaking nasa harap ko.
"Aech! Stop." Saway nung lalaki.
"Naniniwala ka na ba ngayon Savannah?" The person in front of me asked saka nag cross arms.
"You're my daughter, hija i have been longing for you gusto kitang mayakap at makahingi ng tawad dahil sa ngayon lamang tayo nag kita." Sabi niya niyakap ako nung lalaki at umiyak naman ito sa harap ko.
Hindi ko alam kong anong gagawin ko.
Naghalo-halo na lahat ng emosyon sa dibdib ko na parang sasabog na ito ano mang oras.
Ang isip ko naman ay puno ng pagtataka.
Totoo nga ba o Hindi?
Nalilito ako. Nakakalito sino nga ba ang paniniwalaan ko?
Nakatayo lamang ako roon habang litong-lito sa pangyayari.
Anong gagawin ko?
**
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top