Chapter 45
Chapter Forty-Five
Bago
Inayos ko ang mga gamit ko sa ibabaw ng lamesa matapos ang fellowship na naganap sa loob ng Mt. Carmel na function room. Lahat ng mga magulang ay umalis pagkatapos pero nagtataka ako kung bakit may naiwang isa sa loob kasama ko.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa lalakeng ngayon ay nakaupo at tahimik na nakatingin sa'kin. His lips twitched na para bang nagpi-pigil ng ngiti.
"Won't you judge me?" tanong noong lalaki. Kumunot ang noo ko sa tanong niya kaya naman iniwan ko na muna ang pag-aayos ng aking gamit at tumabi sa kanya.
"And why would I judge you?" Umayos ako ng pagkaka-upo at mataman siyang tinitigan sa kanyang mga mata. Walang nagawa ang lalake kung hindi ang umiwas ng tingin sa akin at sa huli ay bumuntong hininga na lamang.
Bahagyang lumayo yung lalake sa'kin. "You heard my story earlier, right? Batang ama ako. Bakit hindi mo ako husgahan? Diba ganon ang mga tao? Judging without even knowing the real personality of that person or the reason behind what happened?"
Napangisi ako bago siya pinitik sa noo, siya naman ay napa-aray dahil sa lakas ng ginawa ko. "You're telling me to judge you yet you're the one already judging me..."
Ilang beses na napakurap ang lalake saka umusod palayo sa'kin. Lalo akong natawa at umiling bago humarap sa harapan at pinaglaruan ang sarili kong mga daliri. "You know what? Sa ginagawa mong 'yan, nang-huhusga ka na rin ng tao. Besides judging yourself, you judge others too. Kasi akala mo lahat ng tao ganon ang tingin sa'yo. What's wrong with being a young father? G-Ganyan din naman ako. Nagkaroon ako ng anak sa maagang edad..." Hindi ko na napigilan ang sarili ko mula sa pagsasalita. Its just that parang parehas kami ng pinagdaanan. Pero ang akin naman ay dati ko pang nalagpasan.
This guy looks like my age. Or maybe even younger. Yeah, parang mas bata siya sa'kin ng isa o hanggang tatlong taon. Napatitig lamang siya sa'kin at hindi na nakapag-salita matapos ang sinabi ko. Tumayo ako at inayos ang pagkakatabi-tabi ng upuan pero siya ay naiwang nakaupo doon. Dumeretso ako sa lamesa at kinuha ang bag kong nakapatong sa ibabaw non. Lumingon ako sa kanya at dahan-dahang ngumiti bago tuluyang lumapit. Inalahad ang aking kamay.
"Delilah Emanuelle Regalla. Kung sa susunod na sabado ay nandito ka ulit then I'll be glad to help you to overcome your problem. Lalo na si Lord. Tutulungan ka Niya." Hindi ko na hinintay pang abutin niya ang kamay ko kahit na muntikan niya ng itaas ang kanyang kamay. Nilagpasan ko siya at tuluyan nang lumabas ng function room.
Mark. Mark ata ang pangalan ng lalakeng 'yon mula sa pagkakaalala ko. Nag-share siya kanina ng kwento niya sa harapan namin. He's a young father. Matagal na rin naman atang nangyari yon sa kanya at sa nobya niya yet he's still worrying about the judgment he can get up to now. Siguro'y hindi talaga siya nakawala sa hawla ng takot at pangamba.
Napatigil ako sa paglalakad nang biglaang tumunog ng malakas ang phone ko. Ang mga tao sa di kalayuan ay napatingin sa'kin. Sobrang tahimik naman kasi doon at biglaan na lamang tutunog ang cellphone ko. Humingi ako ng paumanhin bago nag-paalam at sinagot ang tawag ni Alisha.
"Ano bang meron?" tanong ko bago nilagay ang isa kong kamay sa aking bewang. Narinig ko ang paghagikgik ni Alisha at ang boses ni Nicko mula sa kabilang linya. Matapos nang isang taon nang mamatay si Lance ay dumaan pa ang dalawang taon. Nagulat na nga ako sa mga nangyari. Isang taon pang pinahirapan ni Alisha si Nicko at noong nakaraang taon lang ay sinagot niya ito at pinakasalan. Ngayong taon naman... magce-celebrate sila ng baby shower.
"Punta ka na dito, bes! Hinihintay ka na ni-mmph!" Kumunot ang noo ko sa naging pagsasalita ni Alisha. Bumuntong hininga ako at umiling na lamang.
"Anong oras nga ulit ang start ng baby shower?" tanong ko bago itinaas ang aking kilay kahit na hindi niya nakikita.
"Mamayang one! Anong oras na bes? Twelve thirty na? Thirty minutes na lang ang meron ka, alam kong mag-aayos ka pa, e." At sigurado ako ngayong naka-nguso ang best friend ko habang sinasabi ang lahat ng 'to sa'kin.
Napatingin ako sa wrist watch na suot ko at nasapo ang sarili kong noo nang makita ang oras. Tama nga ang sinabi ni Alisha, thirty minutes na lang ang meron ako! Napatingin ako sa suot kong damit at napangiwi na lamang. Nakaskinny jeans lang ako at sandong itim sa loob habang may cardigan akong suot bilang pang-cover sa balikat ko. Napailing na lang ako.
"O sige, Alisha. Ibaba mo na muna yung tawag, uuwi muna ako at mag-aayos. Promise! Mabilis lang talaga 'to, ha?"
Binaba naman agad ni Alisha yung tawag. Ako naman ay agad na pumunta sa parking lot at sumakay sa kotse. Isang Honda EXL-Navi ang kotse ko. Nagawa ko naman rin kasing makapag-ipon sa sweldo ko bilang teacher at sa mga perang naipon ko noon sa pagpa-part time job ko noong nasa ibang bansa pa ako. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko patungo sa apartment na ngayon at tinutuluyan ko. Humiwalay na ako ng bahay kaynila Mama't Papa dahil nahihiya na rin naman ako na may dadagdag pa sa mga gastusin nila kahit pwede naman na akong mamuhay mag-isa.
Pagkarating ko sa unit ko ay agad akong naghugas ng katawan. Inayos ang aking sarili, tinuyo ang buhok bago tuluyang nag-bihis. Light foundation na lang ang nilagay ko sa mukha ko dahil hindi naman siguro ako masyadong pagpapawisan doon. Nag-lagay din ako ng nude lipstick sa aking labi bago pinabanguhan ang sarili. I chose to wear a white floral off shoulder dress na medyo fit sa'kin. Nag-suot na rin ako ng plain white heels para maging match ng suot kong dress. Pagkatapos non ay ginulu-gulo ko na lang ang buhok ko ng kaunti upang maging messy itong tignan.
I smiled at myself when I felt satisfied. Dali-dali akong lumabas bago sumakay ng kotse. I drove my way to Alisha and Nicko's new house. Hindi na rin nila naisipan pa na bumalik sa ibang bansa. Both of their parents are living here anyway.
*
Nang makarating ako ay agad akong sinalubong ni Alisha ng isang mahigpit na yakap. Agad naman kaming pinaghiwalay ni Nicko.
"Bakit ba? Gusto kong yakapin ang best friend ko! Once a month na nga lang kami nakakapagkita nito. Epal ka talaga Nicko, e!" Naiiritang anas ni Alisha saka pinagkrus ang dalawang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib. Si Nicko naman ay nanatiling naka-ngisi, titig na titig sa kanyang asawa.
"Baka mapipi 'yang tiyan mo. Sobrang higpit ng yakap mo sa best friend mo, baka 'di mo namamalayan..." Natatawang sabi ni Nicko. "Baka kapag napisa 'yang tiyan mo lumabas ang baby natin ng wala sa oras..."
Umirap naman si Alisha bago lumayo kay Nicko at kumapit sa'kin. Natawa na lamang ako at tinapik ang balikat ng best friend ko, "May point naman ang asawa mo. Wag masyadong mahigpit ang yakap sa'kin, baka nga mapipi 'yan."
"Delilah!"
At kasunod non ay ang sabay naming pag-tawa ni Nicko dahil naiinis na talaga sa'ming dalawa si Alisha. I brought my gift para sa kanilang dalawa, meron din ako para sa anak nila. Alam na naman nila ang gender ng anak nila. Maraming bisita ang baby shower na ginanap sa bahay nila. Simple lang naman 'to. Purity kasi ang ginawa nilang theme para sa magiging baby boy nila.
"May naisip ka na bang pangalan para sa anak mo?" tanong ko kay Alisha habang mag-kasama kami sa iisang table at sabay na kumakain. Si Nicko kasi ay iniwan muna kaming dalawa dahil may susunduin daw siya ulit. Umalis daw kasi yung isa nilang bisita kanina.
Tumango si Alisha bago ngumuso. Napangiti naman ako, "Ano namang ipapangalan mo sa anak mong lalake?" tanong kong muli.
"Rave..." Nakatingin sa malayo si Alisha at may maliit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Ako naman ay nalungkot. Nalungkot dahil naalala ko ang anak ko. Ang pangalan ng anak kong si Lance. Lance Jave...
"Actually yung Rave nakuha ko sa Jave ni Lance. Okay lang ba na parang isinunod ko ang pangalan ng anak ko sa pangalan ng anak mo?" tanong ni Alisha. Mangiyak-ngiyak akong ngumiti at mabilis na tumango bago siya niyakap ng mahigpit. Tinapik ako ni Alisha sa balikat at nagpa-salamat bago ako hinalikan sa pisngi.
"Rave sounds good. I'm sure matutuwa si Lance. Sayang nga lang 'di na sila nagkaabutan ng anak ko..." anas ko bago bumuntong hininga pero pilit na ngumiti. Napunta ang atensyon ko sa cellphone ko nang umilaw 'to. Lumabas ang pangalan ni Christina sa screen.
Christina:
Uy, saan ka? Kailangan ka dito sa church. Pinapahanap yung mga admins and coordinators. Coordinator ka diba, girl? Kailangan ka dito! Haha. Punta ka mga after one hour. May inaayos pa kasi.
Suminghap ako. Gulat na napatingin naman sa'kin si Alisha. Wala na akong nagawa kung hindi ang mag-paalam dahil kinakailangan ko talagang pumunta ulit at bumalik sa simbahan.
"Alisha, sorry di na talaga ako makakapag-tagal..." anas ko bago hinaplos ang kanyang buhok.
"Eh, paano siya? Kanina ka pa non hinihintay..." bulong ni Alisha na siya namang hindi ko masyadong narinig ng malinaw.
Kumunot ang noo ko, "Ano yon? Di ko narinig ng maayos..." sabi ko.
Umiling si Alisha, "Wala, bes. Sige punta ka na ng church, ha? Thank you na rin sa pagpunta rito! Pero sa binyag, ha? Nako! Di kita hahayaang mawala doon..."
Ngumisi na lang ako saka tumango bago nag-paalam na rin sa iba pang mga bisita. Kahit mamaya pa naman sana ako umalis ay pwede pero may gusto akong bisitahin kaya napagdesiyunan kong umalis ng mas maaga.
Dumeretso ako sa sementeryo kung saan inilibing si Lance. Dahan-dahan kong ini-park ang sasakyan ko sa gilid bago pumunta sa pwesto kung saan nakalibing ang anak ko. Bumuntong hininga ako at pumikit, pinakiramdaman muna ang hangin. Lumuhod ako at hinawakan ang nitso ng aking anak.
"Hi Lance... Binibisita ka ulit ni mommy..." ngiti ko. Ngayon hindi na ako naiiyak dahil sa tuwing naiisip ko si Lance... Kahit wala na siya sa tabi ko alam ko namang nandito siya sa puso ko at hindi na siya nahihirapan sa sakit niya. Nasa piling na kasi siya ng Diyos. At sa piling Niya ay walang naghihirap kailanman.
"You know what? Miss na miss ka na ni mommy, baby. How are you na kaya? I know you're doing good up there. Wag matigas ang ulo diyan, ha?" Natawa na lamang ako sa aking sarili dahil sa paraan ng pakikipag-usap ko kay Lance na para bang buhay pa rin siya at nagkukulit. Pumikit ako at ngumiti, "I love you, anak. Mommy misses you so much pero alam ko namang mas masaya ka diyan sa piling ni Papa Jesus, hindi ba? I'm glad you're finally free from the world, anak. Kahit minsan ay nalulungkot si mommy na wala ka... iniisip ko na lang na lagi kang nasa tabi ko kasi diba yun ang sabi mo sa'kin before, anak? Na ayaw mo akong nag-iisa. Kaya naman anak... I will always be happy for you. I miss you so so so much!"
Iniwan ko ang dala kong bulaklak at nag-sindi ng kandila pero nang patayo na ako ay doon ko lamang napansin ang isa pang bulaklak na nasa gilid ng puntod ng anak ko. Kumunot ang aking noo, sino ang nag-lagay nito rito? I quickly grabbed my phone and texted Alston.
Ako:
Hey, binisita mo ba ang anak natin today?
Wala pang ilang minuto ay nag-reply na rin siya.
Alston:
Nope, why?
Hindi na ako nag-reply. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa bulaklak pero ipinagsawalang bahala ko na lamang 'yon lalo na noong pumasok sa isipan ko na baka sila Mama't Papa lang ang pumunta dito kanina at hindi ko sila naabutan. Napalingon ako sa gilid nang may dumaang isang kulay white na sasakyan. My lips twitched, bakit biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko? Umiling na lamang ako bago tumayo at nag-paalam sa anak ko. Bibisitahin ko na lang ulit siya bukas.
Nang maka-sakay ako sa kotse ay sakto namang tumunog ang phone ko. Alston texted me.
Alston:
Hinahanap ka ni Leigh. Where are you? Kanina pa 'to umiiyak.
Napangiti ako at mabilis na nag-tipa ng ire-reply sa kanya.
Ako:
Tell her I'm coming. Isasama ko kayo sa church. :)
Alston:
Okay. We'll wait for you. Medyo kumalma na si Leigh. Haha. Take care, Delilah.
Napangiti ako at ibinaba ang phone bago iyon ikinabit sa speaker na nasa kotse ko. Nag-simula akong magpatugtog ng worship songs.
And truly I can say, I've changed. This is the brand new me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top