Chapter 44
I AM SORRY. LOLS.
---
Chapter Forty-Four
Begin Again
"How's Lance?" tanong sa'kin ni Kenneth nang minsa'y bumisita siya sa opsital. Kenneth flew to Dubai, matagal na at hindi man lang kami nagkaroon ng maayos na pag-papaalaman. Ngayon, bumalik siya sa Pipilinas para magbakasyon na lamang. Pagkatapos kong i-kwento lahat ng nangyari tungkol kay Lance ay grabeng pag-damay ang ginawa para sa akin ni Kenneth. Minsan ay tumatagal siya ng fourteen hours sa ospital para lamang tulungan akong mag-bantay. Hindi lang naman daw 'yon para pambawi sa'kin kung hindi para na rin maalagaan niya at makasama pa si Lance ng mas matagal.
Natigil ako sa ginagawa kong pagtitig sa bintana nang kulbitin ako ni Lance. Matagal na siyang na-discharge sa ospital. It's been a month. Nakatitig sa akin si Lance habang ang labi niyang magkalapat, causing it to form a thin line. Maya-maya ay unti-unting umangat ang isang gilid ng labi ni Lance bago inabot ang aking kamay.
"Mommy..." tawag nito sa'kin.
My heart broke into million pieces once again. Araw-araw, nadudurog ang puso ko. Seeing my son weaker, para na rin akong pinapatay araw-araw. Lance lose weight unintentionally, his voice changed, humina ang katawan niya, dumadami pa lalo ang mga spots sa kanyang katawan. Sa mga ganitong pagkakataon ay talaga namang pinipigilan ko na lamang ang maiyak sa sitwasyon ng anak ko. Alam kong mahina ako pero sa tuwing nasa tabi ko ang anak ko? Kahit konting lakas lang, kahit konti lang- isang ngiti lang, anak. Alam kong kaya ko.
"Yes, anak?" tanong ko, pinipilit na nagumiti kahit ang sakit-sakit na.
"Are you happy, mommy?" tanong niya habang nakatitig sa'kin. Hindi ko alam pero biglang lumakas ang hampas sa'king dibdib. Kung anong magiging reaksyon ko sa tanong ng sarili kong anak. Hindi, hindi ko alam.
Ngumiti ako ng matamis sa anak ko, "Of course, I'm happy anak. Pero mas magiging happy si mommy kung mas magiging strong ka, ha? Papagaling ka diba, anak?" Hinaplos ko ang kanyang buhok bago siya dahan-dahang hinalikan sa noo.
Narinig ko ang bahagyang pag-tawa ni Lance pero kasunod non ang malalim na pagbuntong hininga niya na para bang hirap siyang huminga. Tinitigan ko si Lance sa mata at ngumiti, hinahaplos ang kanyang pisngi. Tinitigan ako pabalik ng anak ko bago siya kumurap ng ilang beses.
"Pero mommy, what if hindi na po ako gumaling?" tanong niya sa'kin. My heart broke, again. Again and again. Nanginginig ang mga kamay kong inabot ang kamay ng anak ko. Even if I can't, ngumiti pa rin ako sa anak ko para maipakita sa kanya na malakas ako. In this kind of times, alam kong si Lance na mismo ang nanghihina.
Kahit nangangatog at basag ang boses ko ay nagsalita ako bago pinahid ang luhang tumulo mula sa mga mata ni Lance, "You will heal, Lance. Gagaling ka, anak. H'wag kang magsasalita ng ganyan, ha? You're too young to be saying those things. Wag mong isipin ang ganyan..."
Malungkot na ngumiti sa'kin si Lance at hinawakan ng maliit niyang kamay ang aking kamay, "But mommy, I have leukemia... Diba po malala 'yon? Lalo na po kapag tumagal..." he paused and pouted but sadness was evident in his eyes. "Mabilis po akong nanghihina, mommy. Hindi ko po alam kung bakit. Diba po dapat, unti-unti 'to? Pero 'yung akin mommy, nararamdaman ko po mabilis kumalat sa katawan ko... matagal na po kasi to sa'kin. Yung mga spots po... yung pagkahilo ko po pero di ko na lang po sinasabi..."
Tumulo ang luha ko pero pinilit kong maging kalmado, "B-Bakit mo naman hindi sinabi sa mama, anak?" tanong ko.
Lumingon si Lance sa bintana at dumungaw doon, "Kasi po busy po kayo, mommy. Masaya po kayo ng mga oras na 'yon. I don't want to ruin your happiness, mommy..."
Doon bumuhos ang luha ko. Sobra akong nasaktan na ang anak ko pa mismo ang nag-sabi ng mga 'yon. Na siya namang totoo dahil busy ako... busy ako hindi lang sa trabaho kung hindi pati na rin kay Samson. I looked down and tugged the hem of my skirt, hindi ko na alam kung makakaharap pa ulit ako sa anak ko. Nanghihina ako ngayon. Kailangan ko ng lakas. Kailangan ko ng lakas ngayon.
"I'm sorry, anak..." hinawakan ni Lance ang kamay ko. Kahit na maliit ang kanyang kamay ay pinilit niyang kayanin na hawakan parehas ang kamay ko. Natawa ako doon pero agad din akong napatigil nang tumayo si Lance sa upuan, doon na naging magka-level ang mukha naming dalawa. Sinabihan ako ni Lance na iusod ng onti ang upuan papalapit sa'kin at kahit nagtataka ako sa pinapagawa ng anak ko ay sinunod ko naman.
Nakatayo pa rin si Lance sa upuan nang hawakan niya ang magkabilang gilid ng noo ko. Bahagya niyang tiniklop ang kanyang tuhod bago ko naramdaman na lumapat ang kanyang labi sa aking noo. Napangiti ako pero hindi nawala ang lungkot, nabigyan ako ng lakas pero hindi ganoon katindi kasi sa puso ko... sa puso ko may takot na baka isang araw magising na lang ako na wala na ang anak ko.
"I love you so much, mommy. Sorry po kung hindi ako makapag-stay ng mas matagal, kung sakali ha, mommy? I love you, mommy."
Matalino si Lance at nalulungkot ako na sa ganitong sitwasyon, parang alam niya na agad kung anong kahahantungan niya. Ako, ayokong mag-isip ng hindi maganda. Basta kakapit ako. Hanggang alam kong kaya pa ng anak ko.
Pero yung katiting na pag-asang meron ako, pati pala 'yon mawawala.
*
6 months after...
"Ma! Ma! Ma, si Lance!" Umalingawngaw ang malakas na iyak ko sa buong bahay. As the days passed, Lance was getting thinner and weaker, pati boses niya ay pahina ng pahina. At eto ako, kahit may pera pangpa-doctor ay walang nagawa. Kahit yung mga chemotherapy ay wala rin nagawa. Lalo lang humina ang katawan ng anak ko.
Agad na tumakbo papalapit sa'kin sila Kuya Oliver bago binuhat si Lance pasakay ng saaskyan. Natatakot ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Ang putla putla ng anak ko at masyado ng visible yung mga spots na para bang pasa sa katawan niya. Pinipilit kong maging matatag pero sa tuwing mapagmamasdan ko ang anak ko sa ganoong lagay ay hindi ko na alam kung kakayanin ko pa.
"Lance. Lance, anak! Lance!" iyak ko habang hawak-hawak ang kamay ni Lance. Namumutla ang anak ko, ang labi niya ay walang kulay. Ang katawan niya'y sobrang payat na kahit pilit kong pinapakain ang anak ko ng marami. Napaiyak ako lalo nang kahit anong tawag ko sa kanya ay hindi na siya nadilat, ni hindi nakibot o nagalaw. Walang response.
Wala.
"Lance, please anak. Wake up... para kay mommy..." Nakita kong inilagay ni Kuya ang kamay niya sa leeg ni Lance. Tinitignan kung may pulso pa ito. Nang magkatitigan kami ay bahagya siyang tumango, ibigsabihin ay may pulso pa ang anak ko.
Nang makarating kami sa ospital ay sinabi ng doctor na buti raw at nakaabot pa kami. Buti raw at kinaya pa ni Lance habang nasa biyahe. Ako naman ay mugtung-mugto na ang mata dahil sa kaiiyak. Si Alston lagi ang nasa tabi ko kapag wala sila mama't papa. Si Alisha at Nicko naman ay sabay na dumalaw isang beses nang malapit nang maka-isang linggo na naman si Lance sa opsital. Ako naman ay napagdesisyunan ng mag-leave sa trabaho ko. Mag-resign na ng tuluyan sa pagiging teacher upang si Lance na lamang ang matutukan ko.
"Mag-pahinga ka na muna, Delilah..." anas ni Alston bago ako hinawakan sa balikat. Sumulyap naman ako sa kanya at tipid na ngumiti saka umiling. Matagal na lumapat ang kamay ni Alston sa'king balikat at inalis niya rin naman 'yon at hindi na nag-salita. Rinerespeto ang desisyon ko.
Umupo lang si Alston sa sofa na katapat ng kama ni Lance. Ako naman ay napa-buntong hininga bago hinawakan ang maputlang kamay ni Lance. Eto na naman ako, naiiyak na naman.
"Anak... Palakas ka para kay mommy, ha? Di kaya ni mommy na wala ka kasi alam mo? Ikaw ang little sunshine ko, anak! Ikaw ang nagpapa-saya sa araw ko kapag ang gusto ko ay kamuhian na lang ang mundo. Anak, please ha? Please be stronger for mommy. Sabi mo gusto mo maging superhero diba? This is your chance na, anak! Labanan mo yang sakit mo and show everyone that you're... you're so s-strong..." nauutal kong sabi bago pinisil ang kamay ni Lance.
Lumipas ang ilang linggo pa na nanatili lang si Lance sa ospital dahil sa bawat araw na dumadaan ay mas lalong humihina ang katawan niya. I even asked the doctor kung bakit parang walang naitutulong ang chemotherapy at siya na mismo ang nag-sabi sa'kin na masyadong mabilis kumalat ang cancer cells sa dugo at katawan ng anak ko na hindi na masyadong maagapan ng technology ng ospital. Nagsisisi ako, nagsisisi ako hanggang ngayon kung bakit nag-kulang ako sa atensyong kayang-kaya ko naman sanang ibigay sa anak ko.
Lumipas ang buwan na pabalik-balik kami sa ospital. Kung payat noon si Lance ay mas lalo siyang pumayat ngayon na para bang wala na kong laman na pwedeng pisil-pisilin sa kanya. Umiiyak na lang ako tuwing gabi dahil naaalala ko ang dating itsura ng anak ko and I can't do anything except for blaming myself for what's happening to him right now.
Ako ang ina pero ang pakiramdam ko ako ang nag-pabaya.
"Mommy..." tawag sa'kin ni Lance isang beses na nagbabalat ako ng mansanas habang malapit ako sa kanya. Ibinaba ko ang hawak ko bago siya nilingon at hinalikan sa noo. Nagtataka ako kung bakit ganoon. I've prayed so many times. Araw-araw, gabi-gabi pero bakit? Bakit parang walang mabuting nangyayari kay Lance? Parang pinapalala lang Niya and I have to admit that I'm slowly hating Him. Bakit kasi anak ko pa? Bakit ako pa? Bakit pamilya ko pa?
"Mommy, I'm sorry..."
Kumunot ang noo ko. "Why are you saying sorry? Wala ka namang ginawang kasalanan sa'kin, anak..."
Umiling si Lance at pilit na umupo sa kama, ako naman ay todo alalay sa payat na niyang pangangatawan. "Meron mommy, e. Don't lie to me po..." ngumuso siya bago pinaglaruan ang kanyang mga daliri.
I sighed, "What is it, anak?"
"Mommy, you love Uncle Mikael, right?" tanong sa'kin ni Lance. Natahimik ako doon pero dahan-dahan rin naman akong tumango pagkatapos. Kinabahan ako sa magiging reaksyon ni Lance pero nang ngumiti siya at dahan-dahang inabot ang kamay ko ay mas nag-taka ako sa kinikilos ng anak ko.
"Love him. Be with him po. Marry him, mommy. Gusto ko po maging daddy si Uncle..." Nag-tubig ang mga mata ko mula sa narinig sa kanya. "I'm sorry, mommy. Kung ngayon ko lang po nasabi. At first, I wanted daddy to be with us. For us, family, to be whole again. P-Pero mommy nakikita ko po na ang mahal niyo ay si Uncle Mikael kaya wala na po akong ginawang pag-kontra..." ani Lance bago tumulo ang isang luha sa kanyang mga mata.
"Sorry mommy if I am a burden. Kung dahil po sa'kin nagkagulo kayo ng Uncle. H-Hindi ko naman po sinasadya, mommy. I-I thought alam niyo na po na ayos lang po kahit sinong lalake ang mahal niyo basta mommy you're happy and he's gonna take care of you. I-I'm really sorry mommy if I have to be a burden for you. Eto po may sakit pa ako. S-Sana po hindi na lang pala ako pinanganak...."
Agad kong kinabig ang anak ko para sa isang yakap bago umiyak. "No, anak. No. Hindi ka naging burden para kay mommy, okay?" Sinapo ko ang mukha ni Lance bago pinahid ang luha at hinalikan siya sa noo ng matagal at tinitigan siya sa mata pagkatapos. "Papagaling ka anak ha? And I'm sorry if mommy made you feel like you're a burden pero anak hindi. Ikaw ang pinakamagandang blessing sa buhay ko, anak. Sorry. Mommy's so sorry..." iyak ko ko bago mas hinigpitan ang yakap kay Lance.
"I love you so much, mommy. Thank you for being here with me all the time..." nanghihinang boses na sabi ni Lance. Tanging pag-iyak lang ang ginawa ko at hindi ako bumitaw sa pagkakayakap sa kanya hanggang sa parehas kaming dalawin ng antok at magkatabing natulog sa kama.
And the next thing I knew, Lance died.
My son is gone.
I held my son for the first time in my arms, in the hospital. And now, I just couldn't accept the fact that I held Lance for the last time... in my arms... in the hospital once again. With him, dying without even saying goodbye.
*
1 year after...
Tahimik akong naglalakad pauwi ng bahay nang biglaang may bumusinang sasakyan sa likod ko. Agad akong napabalikwas nang mapagtantong malapit na pala akong mabangga dahil wala na ako sa gilid ng kalsada. Malapit na ako sa gitna! Walang wala ako sa sarili kanina habang nag-lalakad. Dahan-dahan akong lumingon sa taong nasa sasakyan, kinakalma ang aking sarili.
Sinilip ko yung lalakeng nasa loob ng medyo tinted na kotse at laking pasalamat ko ng bumaba siya. Agad akong lumapit at humingi ng tawad. Tipid na tango lamang ang binigay ng lalake at umangat ang isang gilid ng kanyang labi.
Nanlaki ang mga mata ko at awtomatikong napatakip sa aking bibig nang ma-realize ko kung sino ang lalakeng nasa harapan ko ngayon at nakatitig sa'kin.
Steve!
Agad siyang ngumiti sa'kin. Alam niya na sigurong na-realize ko na kung sino siya. Tinanggal niya ang suot niyang wayfarers bago ako hinila.
"Steve!"
Ngumisi siya sa'kin, "Ayokong tanungin kung ayos ka na after one year na nangyari sayo. Pero gusto kitang dalhin kung saan ko naramdaman yung totoong pagkawala ng problema ko at yung totoog pagkasagip sa'kin..."
Kumunot ang noo ko, "Ha?"
"You were once there, Delilah. Nagalit ka lang. Nakaligtaan mo lang. Nabalewala mo Siya..." bago niya ako hinila pasakay sa kanyang kotse at wala nang nagawa para mag-protesta lalo na nang nalaman ko kung saan niya ako dadalhin.
Church of God.
Napatitig ako sa building na nasa harapan ko ngayon. Kusang gumalaw ang mga paa ko kahit na ayaw kong pumasok sa loob. Except the fact that Steve was pulling me inside, ako nama'y nagtataka kung bakit parang kusa akong dinadala ng mga paa ko roon. I gulped nang maramdaman ko ang lamig sa loob. Yinakap ko ang sarili ko at si Steve naman ay hindi pa rin binibitawan ang kamay ko.
Five thirty pm.
Saktong mag-sisimula na ang service. Maraming kabataan sa harap na nasayaw at nakanta pero ako... hindi ko magawang itaas man lang ang kamay ko para sa kanya. Ang mga katabi ko'y sumisigaw ng "hallelujah" pero ako hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. May butas sa puso ko, may sugat na hindi ko alam kung kailan mawawala dahil hanggang ngayon wala akong tiwala sa Kanya. Nawalan ako ng tiwala na pagagandahin Niya pang ulit ang buhay ko.
A few minutes after, altar's call na ata ang nangyari. Ayoko sanang lumapit sa harapan pero agad akong hinila ni Steve kahit na labag sa loob ko. Kahit na mabigat ang pakiramdam ko ay ginaya ko na lamang ang ibang tao na lumuhod sa harapan. They were all praying, even Steve. Pero ako ay nakaluhod lang, nakadilat ang mata at tinititigan ang sahig. Walang ibang ginagawa.
Pero hindi ko inakala ang mangyayari sa'kin pagkatapos ng ilang minuto nang magsalita na ang Pastor.
"Lord, naririnig mo ang mga prayers nila. Lord, you hear their heart's desire. They are all crying, Lord God. We are lifting our prayers to you. We know that you will answer, in the right time, in the right time Lord. Please empty their hearts and make them whole again. They're lifting up all their worries, anger, anxiety, insecurities to You, Lord. Asking for help. Make them feel Your love, Your grace, Your mercy and Your guidance, Lord God. Lord, please we pray. Sa pansamantalang paglisan nila sa lugar na ito, sana'y buo na sila sa kanilang pag-alis, Lord God. Baguhin mo ang mga taong 'to. Make them a brand new person so they can love again with a new heart and a new mind, Lord God...."
At sa hindi ko inaasahan, napaiyak ako at kusang lumabas na lamang sa bibig ko ang mga prayers na dapat ay dati ko pa sinabi. Na dapat ay dati ko pa isinuko sa kanya.
"...Amen!"
Tumayo kami isa-isa and Steve found me. Yinakap niya ako kaagad ng mahigpit at hinaplos ang aking buhok, tinapik-tapik ang aking balikat.
"Good job, Delilah..."
And for the first time in the year that passed, I was able to smile again. The genuine smile.
This genuine smile that's telling me that I'm ready to begin again. And this is because of Him. Siyang minsang pinagdudahan ko, ngayo'y buong pusong paniniwalaan ko na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top