Chapter 43
Chapter Forty-Three
Maayos
"So what are you gonna do now?" tanong sa'kin ni Alisha habang patuloy siya sa pagta-type sa kanyang computer. Nakabukas ang MS Word at walang patid ang pag-tipa niya, deadline na ata nila bukas at kailangan niya 'yon sa trabaho. Bumuntong hininga ako bago ibinaling ang atensyon sa aking anak, I sighed.
"H-Hindi ko alam..." sabi ko bago napatungo na lamang at pinaglaruan ang aking sariling mga daliri. Naririnig ko pa rin ang maingay na tunog mula sa pag-tipa ni Alisha pero wala akong tutol doon dahil mas okay na rin 'yon kaysa mas makaramdam ako ng lungkot dahil sa sobrang tahimik ng kwarto.
"Minsan ba natanong mo si Lance kung gusto niyang maging buo kayo nila Alston? Did you even tell him na mahal mo si Samson at ang lalakeng 'yon ang gusto mong pakasalan? I'm sure Lance will understand even if at a young age. Lagi mo lang hinahayaang mauna 'yang takot mo, e." anas ni Alisha bago umiling. Napatitig na lamang ako sa laptop niya nang alisin niya ang MS Word at isarado ang kanyang laptop.
"Tapos ka na?" tanong ko.
Umiling ito bago pinaglapat ang kanyang mga labi. Kumunot ang noo ko, "Eh bakit mo inalis?" takang tanong ko sa kanya.
"Mas kailangan kasi ako ng kaibigan ko. Pwede ko namang gawin 'yan mamaya sa bahay kapag naka-uwi na ako kaya 'wag kang mag-alala."
Tipid na lang akong ngumiti mula sa narinig ko kay Alisha. Umupo ako ng maayos bago bumuntong hininga. Miss na miss ko na ang boses ng anak ko, ang kakulitan ni Lance kahit na madalas ay yun ang sanhi ng pag-sakit ng ulo ko. Mas ayos na naman na sumakit ang ulo ko kakasaway kay Lance kaysa sumakit ang puso ko kapag nawala ng tuluyan ang anak ko sa'kin.
Muli ko na namang naramdaman ang pagtutubig ng mata ko. Kasabay ang pag-hagod ni Alisha sa aking likod. Sumandal ako sa kanya bago umiyak ng malakas, hinahampas ang parte ng aking dibdib kung nasaan ang puso ko. Napapagod na ako, minsan gusto ko na lang sumuko lalo na kapag alam kong hindi ko kaya ng mag-isa. Bakit ang hina ko? Bakit hindi ko magawang ipaglaban yung mga bagay na dapat ay ipinaglalaban ko?
Maya-maya ay tumunog ang phone ni Alisha. Mukhang hindi niya 'yon napansin at nang umalis ako mula sa pagkakasandal sa kanya ay nakita ko na lang na tulog na ang best friend ko. Pinunasan ko ang aking luha bago napailing ng isang beses. Kinuha ko yung kumot sa couch at dahan-dahang inihiga doon si Alisha bago siya kinumutan. Mukhang napagod 'to sa trabaho kanina, sinamahan niya pa ako rito sa ospital. Kinuha ko ang phone niya at napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Nicko sa screen. May text messages siya galing kay Nicko.
Muli kong sinulyapan si Alisha na ngayon ay nakanganga na at ang sarap sarap ng tulog. Napanguso ako at in-unlock ang kanyang phone, hindi naman siguro magagalit ang best friend ko. Pinag-usapan pa nga namin na sasampalin ko si Nicko kapag nag-kita kami ng lalakeng 'yon. Pumunta ako sa inbox ni Alisha at pinindot ang conversation nila ni Nicko. So far, si Nicko ang laging nagte-text sa kanya at si Alisha naman, ang titipid ng reply!
Mukhang tinotoo na na hindi na siya magpapakatanga at panahon na para pahirapan naman niya si Nicko para makuha ulit ang puso niya.
Nicko:
Isha, where are you? Sinundo kita kanina sa building niyo pero wala ka. I asked the guards at sinabing umuwi ka raw ng maaga. Diba ang sinabi ko susunduin kita?
Nicko:
Hey, why aren't you replying? Pumunta ako sa bahay niyo pero walang tao. Nasaan ka ba?
Nicko:
Nag-aalala ako, Isha!
Nicko:
Hey, Isha. Mag-reply ka naman. I'll call you kapag hindi ka nag-reply.
Akala ko ay hindi tototohanin ni Nicko ang sinabi niya na tatawagan niya si Alisha pero maya-maya ay tumunog ng malakas ang cellphone. Dahil sa pagkataranta ko ay agad kong ni-reject ang tawag. Baka kasi magising si Lance, kulang na kulang pa sa tulog ang anak ko. Lalo na si Alisha, baka makita niyang pinapakealaman ko ang cellphone niya. Biglaang may pumasok na ideya sa isip ko kaya naman hindi na ako nagpalipas pa ng oras.
I replied to Nicko's text messages. Pretending that I am Alisha.
Alisha:
Let's meet. uCafe. Now.
Agad kong pinatay ang cellphone ni Alisha at itinago iyon sa bag ko. Tinabihan ko si Lance saglit bago siya hinalikan sa kanyang noo. Inayos ko naman ang pagkakakumot ni Alisha bago bumulong.
"I'm sorry..."
Tuluyan na akong umalis at dumeretsyo sa uCafe kung saan alam kong pupunta agad si Nicko.
*
Pagkarating na pagkarating ko sa uCafe ay wala pa doon si Nicko. Umupo ako sa malapit sa glass wall ng cafe bago um-order ng Java Chip. Yun lang naman ang paborito ko dito. Maya-maya ay may tumigil na isang itim na fortuner sa gilid. Umayos ako ng upo nang makitang bumaba doon ang isang lalake na may katangkaran sa height at nakasuot ng topsider. Napaiwas ako ng tingin, bakit naman bigla akong inatake ng kaba?
Bumukas ang pintuan ng cafe at malakas na tumunog ang wind chimes na nakasabit. Tumikhim ako bago isinentro ang tingin ko sa kanya. Nang mag-tama ang mga tingin namin ni Nicko ay hindi na ako nag-iwas pa ng tingin. I shouldn't back out, this is for Alisha. Bahagya akong nabigla nang umangat ang isang gilid ng labi ni Nicko at nag-lakad siya papalapit sa'kin.
Hinila ni Nicko ang upuan at agad siyang umupo doon. Matagal na walang nag-salita sa'min pero inayos ni Nicko ang buhok niya gamit ang kanyang mga daliri. He smirked at me and shook his head, clicking his tongue. Kumunot ang noo ko kasabay ng pag-taas ng aking kilay.
"Slap me."
Muntikan na akong mapanganga dahil sa kanyang sinabi pero pinilit ko ang sarili ko na hindi gawin 'yon. I blinked a few times before narrowing my eyes while staring at him. I smirked back, "Are you sure?"
Tumango si Nicko bago pinagkrus ang dalawang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib, "Yeah. I deserve your slap, Alisha's slap. I think I deserve all the hurt after hurting her, you know..." tumungo si Nicko bago dinilaan ang kanyang pang-ibabang labi at napailing. Biglaang nag-iba ang pakiramdam ko.
Seeing Nicko like this, it's like he's been in pain as well. Bumuntong hininga ako at ibinaba ang kamay kong dapat ay handa ng sumampal sa kanya. Umiwas ako ng tingin bago ngumuso, why can't I do this? Bigla akong kinain ng konsensya ko.
"Alam mo bang hindi si Alisha ang nag-text sa'yo?" tanong ko, matapang siyang tinignan.
Tumango si Nicko, "I know. Hindi naman ganon mag-text si Alisha, sobrang seryoso. She would always add the word 'hahaha' para iwas drama naman." Natatawang sabi ni Nicko bago umiling. I bit my lower lip and rolled my eyes at him. Nakalimutan kong lagyan ng 'hahaha'!
"Okay. I-I'm sorry, I mean I just wanted to make you pay for hurting my best friend. Ayoko kasing nasasaktan ang kaibigan ko yet... you cheated on her, Nicko." Tumalim ang titig ko sa kanya bago dahan-dahang umiling. "Many times..."
Sumandal si Nicko sa upuan bago tahimik na tumango. Ako naman ay nawalan na ng sasabihin. "You know what? Kung may bagay man ako na pagsisisihan? Yun yung hindi ako yung lalakeng hinahangad ni Alisha. Yung perfect, yung parang halos wala ng flaws. She's a hopeless romantic, kaya siguro ganon. I'm the opposite of his ideal guy at hindi ko alam kung pano niya ako nagawang mahalin. I hurt her many times, I cheated on her many times trying to make her go away from me. Kasi diba kapag sinaktan mo na ng ilang beses ang isang tao, susuko't susuko na sila? Lalo na kapag mga babae. They always think that they deserve something better..."
Tumikhim ako, "We really deserve something better. The best..."
Tinaasan lamang ako ng kilay ni Nicko bago siya mahinang natawa. "And I did. Nagawa ko yung plano kong lumayo sa'kin si Alisha. Akala ko sasaya ako kasi simula pa lang naman alam kong walang magtatagal sa'kin because I'm a jerk, an asshole, a douchebag. Lahat na. Pero... nahirapan ko nung wala na si Alisha sa buhay ko. It was hard for me, until now mahirap pa rin para sa'kin. Na-realize ko lang nung wala siya. Mahal ko siya, eh. Kaya ganon..."
Napalunok ako at napapikit sandali mula sa mga narinig ko mula kay Nicko. May sumilay na isang maliit na ngiti sa aking mga labi dahil na rin sa sayang nararamdaman ko. Ngayon kasi ay ramdam ko kung gaano kamahal ni Nicko si Alisha kahit na sinaktan niya ito.
"But then... Hindi ko pinagsisisihang humanap ako ng ibang babae bukod kay Alisha. My mind was chaotic, my feelings were a mess at ang tanging naisip ko lang ay ang humanap ng ibang pagtutuunan ng atensyon ng hindi binibitawan si Alisha. In that way, malalaman ko kung anong mas matimbang. Yung pagmamahal ko ba sa kanya or yung sarili ko lang na kaligayahan..."
Doon lumapad ang aking ngiti bago tumango. Nicko smiled back and with his smile, alam ko kung ano ang desisyon na nanaig sa kanya.
Yun ang pagmamahal sa kaibigan ko. Ang pagmamahal kay Alisha.
We talked about random things. Tungkol kay Alisha, tungkol sa mga kasalanan niya at sa lahat lahat and how Alisha is slowly and patiently bringing him closer to God. Yun daw ang pinakagusto niya kay Alisha. Na gusto nito na i-prioritize niya muna si Lord bago ang pagmamahal sa best friend ko.
Napatingin ako sa pintuan at iniluwa noon si Alston na suut-suot ang kanyang dress shirt habang nakadenim na pantalon. Naka-topsider rin siya kagaya ni Nicko. Akmang tatayo na si Nicko nang mapaupo ulit siya at ako rin ay nagulat nang makita naming nasa gilid na naming dalawa si Alston.
"Hey." Tipid niyang bati bago ngumisi nang mapatingin sa'kin. Tumango lamang ako. Sakto namang kailangan ng umalis ni Nicko kaya wala akong choice kung hindi maiwan kasama si Alston. Nang makaalis si Nicko ay umupo si Alston sa katapat na upuan ko.
"H-How are you?" Nauutal na tanong ni Alston sa'kin.
"Why aren't you visiting the hospital? Noong isang araw na nagising si Lance, he was looking for you. He even cried, Alston."
Umiwas ng tingin sa'kin si Alston bago sumagot, "I was busy. I wasn't able to visit the hospital. I'm sorry, I-I just can't let someone to the work for me. Babawi ako. I'll be the one to take care of Lance now. I'm sorry..."
Kahit gusto kong mag-salita na tatay siya ni Lance, dapat ay hindi niya inuuna ang ibang bigay ay tumahimik na lamang ako. Naging katulad rin naman ako ni Alston. Inuna ang ibang bagay kaysa sa anak ko, kaysa kay Lance. Inuna ang ibang tao, ang ibang bagay.
Inuna ang relasyon ko. Inuna si Samson kaysa sa anak ko.
"Let's go. Bumalik na tayo sa ospital..." anas ko na lamang saka tumayo at kinuha ang bag ko. Tumayo na rin si Alston at wala ng nagawa para makausap pa akong muli. Kahit na magkasama kaming dalawa sa loob ng kanyang kotse ay hindi ko siya inimik, nirespeto na lang siguro niya ako kaya naman hindi na lang rin niya ipinilit ang mga gusto niyang sabihin sa'kin.
*
"I'm sorry, Lilah. I swear, ako ang mag-aalaga kay Lance for the whole month. Nag-aalala rin naman ako sa anak ko." Pinakinggan ko ang mga sinabi ni Alston pero hindi na ako nag-salita pa habang sabay kaming nag-lalakad sa lobby ng ospital. Tanging pag-tango na lamang ang aking ginawa.
Kahit sa elevator ay hindi kami nag-usap ni Alston. He approached me several times pero ang tanging gagawin ko lamang ay pag-iling at pag-tango. Pwede ko bang idahilan na tinatamad akong mag-salita? Oo, 'yun na lamang.
Nang malapit na kami sa kwarto ni Lance ay nakarinig kami ng ingay. Kumunot ang noo ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. Isang galing sa isang lalake at isa namang boses babae. Nagkatitigan kami ni Alston dahil parang parehas kami ng nasa isip na baka may bumisita kay Lance.
Pagbukas ko ng pintuan ay lumakas bigla ang hampas sa dibdib ko. Muli sa likuran nilang dalawa ay agad ko na silang nakilala. Nang mapatingin sa'kin si Alisha ay halata ang gulat sa kanyang mukha, pinanliitan pa ako ng mata. Nang makita ko si Lance ay walang nag-bago, mahimbing pa rin na natutulog ang anak ko.
"Bumisita lang talaga kami kay L-" naputol ang sasabihin ni Ingrid nang mapaharap siya sa'kin. Ibinaba ko ang bag ko at ibinigay iyon kay Alisha. Agad niya naman iyong kinuha at tinignan kung ang cellphone niya ay nasa loob.
"D-Delilah..." bigkas ni Ingrid sa aking pangalan na para bang kaytagal kong hindi narinig. Umiwas ako ng tingin nang magtama ang tingin namin ni Samson bago ako nagpaalam kay Alston na mag-uusap lang kaming dalawa.
"Ayos lang ba na kausapin ko muna si Samson kahit saglit, Ingrid?" Matapang kong tinignan ang dalawa.
Mukhang nag-aalangan si Ingrid pero wala na siyang nagawa nang hawakan ni Samson ang kanyang kamay. Damn it. May pag-hawak? Napairap na lamang ako ng palihim bago inayos at kinalma ang aking sarili. Tumango naman sa'kin si Ingrid bago malungkot na ngumiti. Matapos 'yon ay agad akong tumalikod at nag-lakad palabas ng kwarto.
"Delilah..."
Marahas ko siyang hinarap, "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Umiwas siya ng tingin bago parang hirap na hirap na lumunok, "I-I was just visiting Lance. H-Hindi ko naman akalain na magkakaabutan tayong dalawa rito..."
Pagak akong napatawa bago siya itinulak, "So kung hindi ako dadating, hindi ka aalis?"
Marahas ang ginawang pag-lingon sa'kin ni Samson. Pain was written all over his face kaya naman kahit gustung-gusto ko ng umiwas ng tingin ay hindi ko ginawa. Inipon ko lahat ng lakas ko para itago ang sakit na nararamdaman ko dahil sa nangyayari sa'ming dalawa ngayon.
I'm sorry, Samson. Kailangan kong unahin ang anak ko kaysa makasama ka na hindi naiitindihan ang sitwasyon ko.
"D-Delilah, I'm sorry. G-Gusto ko lang naman talagang kamustahin si Lance. P-Parang anak ko na rin ang batang 'yan..."
Napatawa ako bago siya sinamaan ng tingin, "Anak? Anak ang tingin mo kay Lance? Anak ba ang tingin mo sa kanya nung sinabi mong unahin kita kaysa sa kanya?"
Kumunot ang noo ni Samson, "Hindi ko sinabing unahin mo ako. All I wanted you to do was to fix things between us and I'll help you with taking care of Lance."
"I don't need you here with me!" sigaw ko.
Nanlaki ang mga mata ni Samson. Kahit ako ay nagulat sa mga sinabi ko pero wala na akong pwedeng gawin para bawiin 'yon lalo na't sa sitwasyon namin ni Samson. My hands balled into fists, pinipigilan ang mga luha kong nagbabadyang tumulo. Samson blinked a few times, namumula ang mga mata at parang nagpipigil ng luha.
"I-Is that so?"
Napa-iwas ako ng tingin at napamura sa isipan nang marinig ang boses ni Sam na parang nasabag at hirap na hirap. Huminga ako ng malalim bago siya tinignan ng matagal. Mine-memorize ang features ng kanyang mukha.
Who knows? Baka kapag nakita ko ulit ang mukhang 'to ay... iba na ang lahat sa aming dalawa.
"Tapusin na natin 'to, Samson. All we have. Kung anong meron sa'ting dalawa, let's just end this properly..."
Kumuyom ang mga palad ni Samson bago ipinakita sa'kin ang isang notebook. Luma na 'yon at parang journal kung titignan. Kahiit hindi ko pa nahahawakan at nakikita ko lang sa malapitan ay makapal 'yon at maramig bagay na nakaipit. Parang mga litrato. Hindi ko alam, hindi ako sigurado.
"Y-Yeah. T-That's what I wanted to do kaya ako pumunta dito sa huling beses..." He gulped and stared at me. "I wanted to end things between us properly too, Delilah. Kaya naman handa na akong pakawalan ka talaga. I'm ready to let you go, to make you happy... even if you're gonna be happy without me, then its alright. It alright for me as long as... as long as you're happy and not suffering. D-Delilah, I just wanted to give you this..." Kinuha ni Sam ang kamay ko. Nagulat pa ako ng bahagya kaya dapat ay hihigitin ko pabalik ang aking kamay pero nahawakan niya 'yon ng mahigpit.
Napatitig ako sa notebook nang tuluyan niya na iyong maibigay sa'kin. I stared at it and then brought my attention back to him.
"Lalayo na ako sa'yo, Delilah. Hindi na kita guguluhin pa. If letting you go means Lance being happy with a complete family... with Alston as the f-father and you as the mom then... then I will endure the pain. Makita lang na masaya ang anak mo. Kasi alam ko... alam ko na si Lance ang kaligayahan mo ngayon."
Tumungo ako at pinunasan ang mga luha na tumulo na. Wala, traydor, eh.
"We're not like before, Delilah. We're not the same anymore, we're not even on the same page, love. Si Lance na ang kasiyahan mo, ang pamilya mo, ang trabaho mo. Hindi na ako. And this time I'll be able to tell na nagbago na talaga."
Tumungo si Samson at huminga ng malalim, sniffing na para bang umiiyak siya. At hindi naman ako nagkamali. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin, hindi na niya kailangang kumurap. Kusang tumulo ang luha mula sa kanyang mga mata.
"Hindi na katulad noon na ang kaligayan natin ay ang isa't-isa..."
Pinutol ni Samson ang distansya naming dalawa. Ako habang hawak-hawak ang notebook, siya naman ay sinapo ang aking mukha bago mabilis na inilapat ang labi niya sa labi ko. Kusa na lamang akong napapikit nang maramdaman ko ang malambot niyang lumabi na muling lumapat sa'kin. Kasunod ang pagkadurog ng puso ko sa milyun-milyong piraso at ang pagtulo ng mga luha ko.
Inilapit ni Samson ang bibig niya sa tenga ko bago bumulong, "Ito na ata ang pinakamasasabi kong pinakamaayos nating paghihiwalay..." Napapikit ako at napahikbi. "I love you, love..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top