Chapter 41
Chapter Forty-One
Masamang Ina
"Delilah!" tawag sa'kin ni Alisha nang makabalik siya sa bahay namin. Ibinaba ko ang magazine na binabasa ko para si Alisha ang pagtuunan ko ng pansin.
"May nabili ka?" tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan kung ano ang hawak niya. Umupo si Alisha sa upuan na katapat ng sa akin bago inilapag sa ibabaw ng lamesa ang dalawang balot ng palabok. Ngiting-ngiti si Alisha habang ako naman ay ibinigay na sa kanya ang kanyang plato.
"Grabe, ang tagal kong nag-crave dito. Alam mo ba 'yon? Gustung-gusto ko talaga ang lasa nitong palabok, e. Lalo na kapag maraming itlog at chicharon!" Excited na sabi ni Alisha. Kulang na nga lang ay mag-laway siya dahil sa sobrang excitement niya na kainin ang palabok na nasa harapan niya.
Ibinigay ko sa kanya ang tinidor at sinimulan ko namang kainin ang akin pagkatapos kong mag-dasal. "Kumain na tayo. Sayang 'to kapag lumamig, e..." ani ko bago sumubo. Hm, ang sarap talaga ng palabok!
Napangiti si Alisha nang makita ang reaksyon ko, "Actually may isa pa kong pagkain na binili para sating dalawa, e."
Kumunot ang noo ko, "Ano naman 'yon?"
Inilabas ni Alisha ang isang balot ng kung ano mang pagkain 'yon. May kasama pang gestures ang pagpapakita niya sa'kin ng isa pang binila niya. "Taadaa!" Napatawa na lamang ako dahil sa kakulitan ni Alisha.
"Ano ba 'yan?"
Tipid itong ngumiti, "Palitaw..."
Namilog ang mga mata ko bago mabilis na kinuha ang plastic sa kanya, "Paborito ko 'to, ah! Saan ka nakabili?" anas ko habang may malapad na ngiti sa aking mga labi.
Natawa naman si Alisha dahil sa ikinilos ko. "Diyaan lang naman yan sa tabi tabi. May nakita akong ale na nagti-tinda. Eh, naalala kita. Kaya ayan bumili ako para sa'yo..." Ibinaba ko naman ang plastic sa lamesa at tinignan kung ilan ang laman nito.
Tumingin ako kay Alisha, "Akin lahat 'to?"
Tumango siya, "Para sa'yo 'yan lahat. Binili ko talaga 'yan para sa'yo tsaka wala akong balak mang-hingi, no. Nauumay ako sa niyog." Sumimangot si Alisha at kinusot ang kanyang ilong. Tipid na ngumiti na lamang ako, "Salamat..." sabi ko.
Matapos kaming kumain ni Alisha sa may bakuran ay nag-kwento na lamang siya tungkol kay Nicko. Kung paano siya nito kinukulit hanggang sa bumigay siya at pumayag na lang na mag-date sila para pag-bigyan ang lalake kahit na isang beses. Kung paano raw siya nito kulitin para makausap ulit ako dahil gustong humingi ng tawad ni Nicko sa nagawa niya sa best friend ko.
"Gugustuhin mo ba siyang makausap?" tanong ni Alisha habang pinaglalaruan ang kanyang mga daliri.
Nagkibit balikat ako, "Okay lang naman pero don't let him expect na hindi ako galit sa kanya. Grabe kaya ang ginawa niya sa'yo. He cheated on you many times tapos bibigyan mo na naman ulit ng chance..."
Tumungo lalo si Alisha, "He cheated on me many times yet he's chasing me again..." bulong nito. Bumuntong hininga naman ako bago hinagod ang kanyang likod. Tumingin siya sa'kin, magka-salubong ang kilay.
"Everything between you and Nicko will be alright, okay? Mahal mo pa naman ata ang lalakeng 'yon. But please Alisha kapag nagkita kami, let me give him a slap okay?"
Hindi naman napigilan ni Alisha ang pag-tawa, "At talagang ipinagpapaalam mo pa sa'kin ang pag-sampal sa kanya?"
Ngumisi naman ako bago nag-taas ng kilay, "Syempre."
Ngumisi pabalik sa'kin si Alisha at tinapik ako sa balikat, "Slap him if you want. He still deserves it anyways..."
Gulat akong napatitig kay Alisha at hindi makapaniwalang pinapayagan niya akong sampalin ang lalakeng mahal niya. A small smile crept on both of our lips hanggang sabay na lamang kaming natawa ng best friend ko.
When I returned to work, humahangos na lumapit sa'kin si Ynez.
"Oh my gosh, girl!" anas nito pagkatapos ay napatakip na lamang sa bibig. Biglaang bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Sunshine. For months, nabelawala ko na rin pala ang babaeng 'to but now as I stare at her - bumalik sa'kin lahat noong naandito pa si Steve. Nagulat na lamang ako nang biglaang ngumiti sa akin si Sunshine. Showing her perfect white teeth. Nang ngumiti ako pabalik ay mabilis na siyang umiwas ng tingin at umupo sa upuan.
"Anong meron, Ynez?" takang tanong ko sa kanya. Kahit kasi sila Jomarie at William ay wala dito sa faculty room. Even Samson. Hindi ko alam kung nasaan ang tatlong 'yon!
"Si Steve nasa baba and he's looking for you, Delilah!" Pabulong ngunit medyo pasigaw na rin na sabi ni Ynez. Namilog naman ang mga mata ko at napanganga.
"T-Talaga?" Halos pa-sigaw ko nang nasabi ang mga salitang 'yon dahil sa gulat.
Mabilis na tumango-tango sa akin si Ynez. Ako naman ay nagmamadaling tumayo para makababa sa school grounds at muling makita si Steve. Nang makababa ako ng tuluyan ay agad hinanap ng mga mata ko si Steve. My eyes widened when our gazes met, awtomatikong sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Ganoon din sa akin!
Mabilis akong tumabko papalapit sa kanya. Yayakapin ko sana siya nang mapunta ang tingin ko kay Samson na nasa gilid lang pala naming dalawa, katabi si Jomarie at William. Doon ko na-realize na medyo malapit pala talaga ako kay Steve. Sinalubong kong muli ang tingin ni Samson and it was so serious. Ni hindi niya man lang ako nagawang ngitian!
Humakbang ako paatras bago huminga ng malalim. Tumingin ako kay Steve bago ngumiti ng tipid, "Long time no see..."
Lumamlam ang mga mata ni Steve bago ako hinila para sa isang yakap. Nanlaki ang mga mata ko pero wala akong nagawa dahil masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya sa'kin. Pati sila Jomarie at William ay nagulat ngunit si Samson ay nanatiling seryoso.
"I believe that's my girlfriend your hugging..." Malalim at paos ang boses na anas ni Samson. His jaw clenched, his hands balled into fists. Ang mga mata niya'y parang galit din. Napapikit na lamang ako ng mariin at kumagat sa pang-ibabang labi. Uh oh.
"Oh." Dahan-dahang dumulas ang kamay ni Steve at binitawan ako. Ako naman ay mas lalong umatras, gumagawa ng distansya sa aming dalawa. "I'm sorry..." anas ni Steve bago ako binigyan ng makahulugang tingin. Sinimangutan ko na lamang siya.
"H'wag kang manghahawak ng girlfriend ng iba ng ganoon. Baka bukas makalawa kung ibang babae ang niyakap mo, siguro bugbog sarado ka na." Matalim ang tingin na binigay ni Samson kay Steve. Lumapit siya sa'kin at madiin na hinawakan ang aking kamay at hahatakin sana ako palayo nang mag-salita si Steve.
"Can I talk to Lilah for a minute?" malumanay na tanong ni Steve.
Agad akong napatingin kay Samson na ngayon ay walang ekspresyon ang mukha. "No."
Nanlaki ang mga mata ko at agad na bumulong, "Samson please, I need to talk to Steve. Please, baby..." Nakita kong nagbago ang eskpresyon ni Samson pero agad din 'yong bumalik sa dati.
"I won't steal your girlfriend, Sam. Kakausapin ko lang. We won't go anywhere. There's still thirty minutes left before you all go to work. I wanna catch up, kaibigan ko rin naman si Delilah..."
"I'm your friend too. Hindi lang si Lilah ang kailangan mong maka-usap." Madiing sabi ni Samson.
"We're friends?" Parang hindi makapaniwalang tanong ni Steve. Hindi ko alam kung sinasadya bang gawin 'yon ni Steve pero sa palagay ko ay hindi. Para talagang hindi siya aware na "friends" sila ni Sam.
"Damn..."
"Please..." Pinisil ko ang kamay ni Samson bago tipid na ngumiti. Para siyang nahihirapan nang salubungin niya ang tingin ko pero kalaunan ay wala siyang nagawa.
Binitawan niya rin ako.
Huminga ako ng malalim, "Salamat..." Hindi na tumingin sa akin si Samson. Tumalikod siya sa'kin bago naglakad palayo. Ako naman ay pumunta kay Steve, mamaya ko na aayusin ang sa'min ni Samson.
"Steve..." tawag ko sa kanyang pangalan nang kaming dalawa na lang ang natira. Matamis na ngumiti sa'kin si Steve bago ipinakita sa'kin ang dalawang thumbs up.
"I moved on..." Para bang kumikinang ang mga mata ni Steve. Lalong nagpa-gwapo sa kanya ang matamis niyang ngiti. Napatawa ako dahil sa ginawa niya, ibinaba ko ang mga kamay niyang nagpapakita ng dalawang thumbs up.
"Yeah right. I'm proud of you..." anas ko bago ko siya tinapik sa balikat.
Huminga ito ng malalim bago umiwas ng tingin, tumingin sa malayo. "At first it was really hard. Hindi ko alam kung saan magsisimula lalo na't hinahanap-hanap ko noon ang presensya mo. Ang boses mo, ang mukha mo, ang tawa mo. Si Lance... Lahat lahat sa'yo, Delilah. Hinanap-hanap ko 'yon lahat noon..."
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi bago tahimik na nakinig.
"It was hard. It was really really hard. Ang hirap mag-move on! Akala ko hindi ko kaya noong una but then... But then this girl came and... and she introduced me to someone I believed in but I didn't know who was the real Him..."
Naoangiti ako. Alam ko na agad ang tinutukoy ni Steve.
"I am new, Delilah. I am so brand new! Malinis na ang puso ko, maluwag na ang isipan ko. Laha't-lahat. Lahat ng pasanin ko noon, wala na ngayon. All thanks to Him and to His glory and grace..."
"Good for you, Steve. Masaya akong marinig 'yan mula sa'yo..." Buong pusong pag-amin ko sa kanya.
"Yeah. This is really the best for me so Delilah... Sana after this hindi na tayo magka-ilangan? Belated happy birthday by the way. Sobrang late na kitang nabati but its better late than never, right?" Kumindat pa si Steve.
Tumango ako, "Thanks..."
"And I loved you before, I still love you now pero bilang kaibigan na lang."
Ngumiti ako, "Congrats, Steve! Na-miss kita!" anas ko bago ngumuso at yinakap siya ng isang beses pa.
"I missed you too but sadly I have to go now. May meeting pa ako with some client. And stop hugging me already, baka mapatay ako ng boyfriend mo..."
Bumitaw ako at parehas na lamang kaming natawa.
*
"Ano ba? Sinabi ko na naman na walang problema, e!" sigaw ni Samson.
"Wala? E, bakit ganyan ka? For Pete's sake, Samson! Kaibigan ko lang naman si Steve! Ano bang ikinaiinis mo?"
"Manhid ka ba, Lilah? Can't you see that I'm jealous? I'm freaking jealous!"
Natahimik ako. Napatigil ako pagsasalita nang marinig 'yon mula sa kanya. Dahil sa madiin na pagkakahawak ko sa cellphone ko ay nabuksan ko ulit yon. I wasn't aware that I was already pressing the power button. Kanina kasi ay tawag ng tawag ang mama, I was still fixing my problem with Samson.
"Samson, you don't need to be, okay? Wala ng ibang lalaki sa buhay ko kung hindi ikaw! Ikaw lang naman yung minahal ko at yung mahal ko..." I was close to tearing up pero pinigilan ko na lamang ang sarili ko. We're too old for this!
"Yinakap mo siya, Delilah! You even shared a laugh with him. You even talked to him without me by your side! I already said no but you... You insisted. Alam mo ba kung gaano ako napahiya doon? Kung gaano ako nasaktan na parang... parang siya ang pinili mo?"
Sasagot sana ako nang malakas na tumunog ang phone. Napakunot ang noo ko at napahinga ng malalim.
"We'll fix this, Samson. Aayusin natin 'to! Sasagutin ko lang ang tawag ni Mama."
Hindi nag-salita si Samson. Bagkus ay tinalikuran niya lamang ako at padabog na sinara ang pintuan. Why is he suddenly being so immature?
"Ma? Bakit po?"
"Anak... Anak..." Nangangatog ang boses ni Mama. Kumunot ang noo ko at humigpit ang hawak ko sa cellphone dahil nakaramdam na din ako ng kaba.
"M-Ma, bakit?"
"S-Si Lance..."
Nanlaki ang mga mata ko. Lalong lumakas ang pag-hampas sa dibdib ko at sa hindi ko malamang dahilan ay naiyak agad ako.
"W-What happened to my son, m-ma?" Nauutal-utal kong tanong.
"S-Sinugod siya sa ospital. Sinugod si Lance sa ospital!"
Upon hearing those words, mixed with my mom's shaky voice, my emotions poured out. Dumulas ang cellphone sa kamay ko at napatulala habang ang mga luha ay patuloy na tumutulo mula sa mga mata ko. I slowly shook my head, umaasa na panaginip lang ang lahat.
"N-No..."
Not being able to take care of Lance. Not being there by his side when he needs me the most. Naiyak ako lalo at napailing.
Ngayon, pakiramdam ko ay isa akong masamang ina.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top