Chapter 38
Chapter Thirty-Eight
I'm Sorry
Para akong zombie nang pumasok ako sa school kinabukasan. My students were asking me kung birthday ko nga ba raw ngayong May eighteen dahil may nakarinig daw na estudyante kanina na binati ako. Wala ako masyado sa mood kaya naman mabilis ko na silang sinagot na birthday ko nga ngayong araw.
"Uy, girl! Happy birthday sa'yo. Na-miss kita ha? Di na kasi tayo masyadong nakakapag-usap nitong mga nakaraang buwan. Ewan ko ba kung bakit..." biglaang lumungkot ang tono ng pagsasalita ni Ynez nang mabanggit niya na hindi na raw kami masyadong nakakapag-usap. Totoo naman, hindi na talaga kami masyadong nagkaka-kwentuhan ni Ynez kahit na mag-kasama lang naman kami sa iisang faculty room.
"Pasensya na ha? And salamat sa pag-bati. Kamusta na?" Ako na ang unang nag-tanong kung kamusta ba siya. Nahiya na rin kasi ako sa sarili ko kung siya pa ang pagbubukasin ko ng topic. Eh siya na nga rin ang unang nag-approach sa'kin para batiin ako ng maligayang kaarawan. Siya ng ang kahuli-hulihan na bumati sa'kin. Marahil siguro ay nahihiya. Biglaan kasing nagkaroon ng kung anong distansya sa aming dalawa ni Ynez. Biglaan na lang. Hindi ko alam kung bakit. Hindi namin alam na dalawa kung bakit nga ba.
Umupo siya sa tabi ko sa bench at inilagay sa ibabaw ng hita niya ang dala-dala niyang libro. "Hm, ayos naman ako. Masasabi kong masaya ako kahit wala akong lovelife! Haha. Ikaw ba, Lilah? Kamusta ka?"
Napakunot ang noo ko nang nasabi niyang wala siyang lovelife pero hindi na lang ako nag-salita. Hindi naman kasi mahirap na magustuhan si Ynez, e. Tipid akong ngumiti sa kanya, "Ayos lang rin naman. Happy."
Happy? Sino ba ang niloko ko? Malamang ang sarili ko lang naman.
"Parang hindi ka naman happy, e. Para kang pinagsakluban ng langit at lupa nang makita kita kanina sa may school gate. Mukha ka din zombie kung mag-lakad. May problema ka siguro girl, no?" Tinaasan ako ni Ynez ng kilay. Ako naman ay napatawa na lang, iniiwasang mapag-usapan ang pinoproblema ko na nangyari lang naman kagabi.
"Wala 'yon ano ka ba! Stressed lang sa page-encode ng grades, pinag-puyatan ko e para hindi na magsabay-sabay ngayon. Alam mo naman para magkaroon ako ng oras sa sarili ko at ma-celebrate kasama ang pamilya ko. Dami ko kayang ie-encode..." pagre-reklamo ko pa pero wala rin naman akong magiging choice dahil ito ang napili kong propesyon tsaka masaya rin naman talaga na mag-turo sa mga estudyante lalo na doon sa mga nagsisipag na suklian ang mga efforts naming mga guro sa pamamagitan ng pakikinig sa amin ng mabuti at pag-aaral ng matyaga.
"Tama ka naman, girl. Kahit ako ay nai-stress! Lalo na sa mga grades nung pasaway kong estudyante. Eto na nga ako o, lalong tumataba. Binabaling ko kasi ang stress ko sa pagkain kaya eto ang resulta. Jusmeyo!" Kasama pa sa pagre-reklamo ni Ynez ang kanyang mga gestures na para bang inis na inis siya sa nangyayari sa katawan niya. Napatingin ako sa katawan niya at may punto nga si Ynez, mas lalo siyang tumataba ngayon. Kung dati ay medyo chubby lang siya ngayon ay chubby na talaga.
"Pero iba talaga yung sa'yo girl, e. Para kang zombie talaga. Maga pa 'yang mga mata mo. Umiyak ka ba?" patuloy pa rin ang pagu-usisa sa akin ni Ynez. Nag-iwas na lang ako ng tingin at nag-isip ng dahilan, laking pasalamat ko na lang nang may pumasok na ideya sa isipan ko.
"Nanood lang ako ng one more chance kagabi pagkatapos ko mag-encode para tanggal stress. E, sobrang nadala ako sa movie. Iyak ako ng iyak kagabi..." Naiilang akong ngumiti kay Ynez dahil sobrang seryoso ng titig niya sa'kin. Alam kong tinitignan niya sa mga mata ko kung nag-sisinungaling nga ba ako o hindi.
Tumango-tango naman si Ynez na may hindi maipaliwanag na ekspresyon sa kanyang mukha. Para ngang sarkastiko pa ang pag-agree niya sa mga sinabi ko. Ngumisi na lang ako at umiling, iniba ang topic at pinagpatuloy ang pag-uusap naming dalawa.
Dumeretso na lang ako sa mga susunod kong klase. Nag-concentrate ako sa pagtuturo kahit na bawat minuto ay pumapasok sa isipan ko si Samson at ang nangyari kagabi. Hindi naman natuloy yung dinner date. Alston understood the situation, he understood my situation at hindi niya na pinilit pang sumama ako sa kanya at ituloy ang ni-plano niya para sa kaarawan ko ngayon. Si Lance nga ay umiyak pa kagabi dahil bakit daw hindi natuloy ang dapat na dinner date namin ng daddy niya, kung nag-away ba raw kami o ano. Ipinaliwanag na lamang ni Alston sa bata na biglaang sumama ang pakiramdam ko.
Samson didn't text me that night. Kaninang umaga pagka-gising ko ay asang-asa ako na may bubungad na good morning text sa'kin galing kay Samson pero nanlumo ako nang walang dumating. Magang maga nga naman talaga ang mga mata ko dahil sa kaiiyak ko kagabi, sobrang apektado ako. Pumasok sa isip ko kagabi na paano kung umayaw na si Samson? Alam kong natatakot siya na baka mawala lahat ng meron kami dahil lang kay Alston... dahil lang sa pamilya na dapat ay buo. Napapikit ako ng mariin at binasa ang mukha ko, ilang beses akong nag-hilamos para gisingin ang diwa ko at pilitin ang sarili kong maging masaya.
Ganon naman ang sabi ng mga psychologists, kapag daw pinilit mo na pangitiin ang sarili mo ay mas magiging mabuti ang pakiramdam mo. Kapag ba pinilit ko rin ang sarili ko na sumaya ay sasaya rin agad ako? Bumuntong hininga ako at napa-iling na lamang sa iniisip. Why am I thinking such things? Dapat sa trabaho ako ngayon naka-focus dahil isang klase na lang naman at makakauwi na ako sa pamilya ko.
"Ma'am, ayos ka lang ba?" Narinig kong tanong sa'kin ni Jessica na isa sa mga janitress sa school. Ayan na naman, nakita ko na naman ang pagmumukha niya na hindi dapat pang isang janitress. Parang hindi naman dapat janitress ang trabaho nitong babaeng 'to, parang dapat ay nasa runway ito at nagmo-model. Minsan nga pakiramdam ko ay nagpa-panggap lang si Jessica. Umiling ako at inalis sa utak ko ang mga kung anu-anong pumapasok sa isipan ko.
Nanlaki ang mga mata ni Jessica, "Hindi ka okay, ma'am?" tanong nito. Napatawa naman ako at ngumiti sa kanya, "Ayos lang ako. May iniisip lang. Sige ha? Tuloy na ako sa klase ko. Ingat ka diyan..." ani ko bago siya iniwan sa loob ng banyo na nagma-mop.
Tumuloy na ako sa huling klase ko at nang matapos ang oras ay deretso ako sa faculty para kuhanin ang mga gamit ko. I bid goodbye to my colleagues at binati naman ulit nila ako ng happy birthday. Yung iba ay makakapunta mamayang gabi sa simpleng handaan na inihanda nila Papa para sa'kin habang yung iba naman ay hindi. Kahit ang pag-habol daw ay hindi nila magagawa.
Okay naman 'yon para sa'kin. Isang tao lang naman ang inaabangan kong makasama para mamaya. Malungkot akong lumabas ng faculty pero maya maya ay nagulat ako nang tawagin ako ni Ynez. Mabilis naman akong humarap sa kanya.
"Bakit?" tanong ko, nakakunot ang noo.
Ngumiti lamang siya sa'kin at nagpatuloy sa paglalakad. Wala naman ako sa mood para tanungin kung anong kailangan niya sa'kin kung bakit niya ako tinawag kaya naman nag-lakad na rin ako at nakasunod sa kanya. Tahimik lamang ako at inaabangan kung iilaw ba ang cellphone na hawak-hawak ko dahil baka makatanggap ako ng text message galing sa kanya pero hanggang sa makalabas na ako ng gate ay wala.
I sighed hanggang sa matigil ako nang mapatingin ako sa gilid. Nandon ang kotse niya na naka-park at si Samson na nakasandal dito. Umawang ang bibig ko at napatingin sa gilid ko kung saan dapat ay nandoon si Ynez pero ngayon ay wala na. I creased my forehead, saan nag-punta ang babaeng 'yon at bigla-bigla na lang nawawala?
Napatigil ako sa kinatatayuan ko at napa-titig lamang sa kanya. Samson stared right through my eyes and showed me a little smile pero kitang kita ang ka-gwapuhan niya dahil doon. My heart started pounding at parang nahirapan akong huminga. Yung mga emosyon na naipon ko kagabi ay parang ngayon sabay sabay na lumalabas ngayong nasa harapan ko na siya.
Hindi ako gumalaw, ewan ko. Gusto ko lang na siya yung lumapit sa'kin. He then smiled at me before slowly walking closer to me. He extended his arms and smiled at me, "Payakap naman, miss."
Muntikan na akong mapatawa pero ngumuso ako at umiling. He then laughed and shook his head bago siya na ang lumapit sa'kin at mabilis akong hinila para sa isang mahigpit at mainit na yakap, "Kahit kailan talaga hindi kita matitiis..."
Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. Napaatras ng lakad ni Samson nang yinakap ko siya ng mas mahigpit at kung hindi siya aatras ay parehas kaming mawawalan ng balanse. Hanggang sa napasandal na lamang siya sa kotse, ako naman ay nakayakap pa rin sa kanya habang naiyak. Nababasa ko na rin ang suut-suot niyang polo.
"I'm sorry..." sabi ko habang umiiyak pa rin. Samson cupped my face and kissed my tears away pero patuloy pa rin may mga bumabagsak na luha kaya naman ginamit na ni Samson ang kanyang hinlalaki para tuyuin ang mga luha ko.
Lumamlam ang mga mata ni Samson nang tumingin ako rito. He lovingly smiled, "Its okay. I'm sorry too, love. Hindi dapat ako nag-react ng ganoon. I'm... I'm really sorry..."
Ngumiti ako bago ngumuso at tumango, "Mas dapat akong mag-sorry. I... I was... nainip kasi ako kagabi noong wala ka e so I thought hindi ka na pupunta kaya naman... tsaka si Lance..." Natahimik ako nang mabanggit si Lance. Pakiramdam ko isa sa mga araw na ito ay hihilingin niyang maging magkakasama kaming tatlo nila Alston sa isang bahay.
He nodded, "Its okay. Ako ang dapat hindi umalis agad agad. I should've stayed there, make that man jealous because it's obvious that he has feelings for you pero ako yung nag-selos. Damn it, Delilah. Takot na takot akong mawala ka..." he whispered and held my hand before kissing the back of it.
Napangiti ako nang dugtungan niya ang kanyang sinabi, "Pero ako yung nagwalk-out agad. Siya dapat 'yon! My love for you is stronger than the feelings he have, na-bigla lang talaga ako kagabi lalo na't naabutan kong pumayag ka sa dinner date..." he pouted at ako naman, ginulo ko ang kanyang buhok.
"Don't worry. I'm yours." Kumindat pa ako bago mabilis na pumunta sa may pintuan ng kotse niya at buti na lamang ay hindi naka-lock ito. Mabilis akong sumakay at isinarado ang pintuan. Pumunta pa talaga si Samson sa gilid ko para lang katukin ang bintana, nginuso ko ang driver's seat. Napapalo siya sa sariling noo dahil sa kalokohan kaya naman kinindatan niya ako at mabilis na sumakay sa driver's seat.
"I love you..." ani niya bago ako mabilis na hinalikan sa pisngi. "Happy birthday, love. Mahal na mahal na mahal kita, Delilah. Stronger and deeper than I ever did before..."
Napangiti na lamang ako at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay. I would really love to have a family with him. Only with him.
If only that will happen.
If only...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top