Chapter 36

Chapter Thirty-Six
Feelings

Mas lalong tumindi.

Hindi lang yung effort ni Samson para makuha ulit ako at yung 'oo' ko pero pati  na rin yung pagmamahal ko sa kanya. Kahit hindi ko na sabihin sa kanya at kahit hindi ko na sabihin sa mga magulang ko at sa mga kasama ko sa bahay ay alam kong alam nila 'yon. I don't know if Lance notices it pero ang sinabi sa'kin ni Samson ay mas maganda kung madalas naming ipapakita kay Lance ang sweet gestures naming dalawa, sa harapan mismo ng anak ko para naman raw ma-curious ito at mag-tanong naman daw sa'kin. I know my son is not dumb, sigurado akong nagkakaron na rin siya ng ilang hints tungkol sa kung anong mayroon kami ng so called uncle niya.

"Mommy..." tawag sa'kin ni Lance habang busy siyang kumain ng donut. Binili ko 'yon para sa kanya kanina pagkatapos kong makauwi galing sa pagtuturo. Bago ako dumeretso sa bahay ay napadaan ako sa isang branch ng Dunkin Donuts at siya agad ang pumasok sa isipan ko. I smiled at him and ruffled his hair.

"Why?" agad kong tanong at siya'y tinitigan lamang.

"Pwede rin po ba akong magpa-bangs tapos po mag-lift din po ako ng weights? Magpapahaba din po ako hair, mommy..." ani Lance bago bumungisngis at tumingin sa'kin. Hindi ko mapigilan ang matawa, napasimangot tuloy si Lance. Inaakalang ginawa kong biro ang mga sinabi niya sa'kin.

I nodded, "Of course you can have bangs pero yung pang-lalake baby  ha? No, hindi mo pwedeng pahabain ang buhok mo. Mommy doesn't want that and yes you can lift weights pero saka na kapag malaki ka na. Para strong ka, ano?" ani ko habang pinipigilan ang aking pagtawa.

"Bakit po bawal magpahaba ng buhok?"

Napanguso ako. Bakit nga ba? Ah, basta. Ayoko lang talaga na magpahaba ng buhok ang anak ko lalo na't lalake siya.

"Ayaw ni mommy, e. Magpapahaba ka pa rin ba kahit ayaw ni mommy?" tanong ko sa kanya. Lance pouted his lips at umiwas ng tingin na para bang nag-iisip bago siya humarap sa'kin at unti-unting lumawak ang kanyang ngisi.

"Yes, mommy. Kasi po big boy na ako, non. Legal age." Literal na napanganga ako dahil sa sinabi ng anak ko. Sinabi niya lang ba sa'kin na susuwayin niya ako pag-laki niya? Marahan kong hinampas-hampas ang aking noo bago bumuntong hininga. Tell me my son is joking!

Si Lance naman ay sobrang lakas ng tawa dahil sa nakuha niyang reaksyon mula sa'kin. I shot my son a glare before looking at him seriously at yon naman ang nagpatigil kay Lance mula sa pang-aasar sa'kin. He pouted and encircled his arms around mine. Ako naman ay napatungo at siya naman ay tumingala, dahilan para magtama ang tingin namin ng anak ko. He grinned at me and pouted his lips, asking for a kiss.

"I'm sorry na po mommy. I love you so much. Joke lang naman po 'yon, mommy. Di na po ako uulit. Ayaw ko po talagang magpa-haba ng buhok lalo na po if you're gonna get mad..." ani Lance bago dahan-dahang tumayo sa upuan at kumalong sa akin. I smiled and hugged him, siya naman ay pinagpatuloy ang pagkain ng donut.

"Love mo ba si mommy kasi binili ka niya ng donuts?" tanong ko.

Mabilis na umiling si Lance, "Love ko po ikaw kahit 'di mo ko ibili donuts."

I raised a brow and kept myself from smiling, "And why is that?"

Ngumiti siya bago humarap sa'kin at madiin akong hinalikan sa pisngi, "Syempre po mommy kit and I love you, mommy. You deserve to be treated special. You're far more precious than jewels and diamonds din po..." 

Napangiti naman ako dahil sa sinabi ng anak ko. He kissed me again and this time sa kabilang pisngi naman. "Saan mo natutunan ang mga 'yan?" tanong ko sa kanya.

"Kay Uncle Mikael po..." proud niyang sabi bago bumalik sa dati niyang pwesto at ipinagpatuloy ang pagkain. Gusto niya ata ubusin lahat ng donuts. Kanina pa nga ako nagi-intay, ni isa ay hindi ako inalok ng anak ko. Lance can be quite insensitive and selfish at times I think but it's okay, anak ko naman siya. I should just teach him na whenever na may pagkain siya at may kasama siya - dapat ay mag-aalok siya. Lalo na sa mga homeless people, to give them food.

"Kailan daw ulit kayo magkikita ng daddy mo?" tanong ko kay Lance habang nagli-ligpit ako ng plato at siya naman ay naka-puwesto pa rin doon habang nanonood ng k-drama.

"Mamaya raw  po mommy and mommy..." tawag sa'kin ni Lance. Hindi ako humarap pero tinanong ko kung ano ba ang kailangan niya.

"Can you go with daddy Alston and I? Gusto ko pong magkakasama ulit tayo kahit for one day lang naman po..."

Napatigil ako sa aking ginagawa at nilagay ang plato sa tama nitong lalagyan. Dahan-dahan akong humarap kay Lance, with a sigh, I spoke  - "Lance..."

He sighed and used his puppy eyes para lamang mapapayag ako, "Fine."

Wala naman akong magagawa. Lance is my weakness.

My son is my weakness.

*

Hours passed at dumating nga si Alston sa bahay. Meeting my parents a few days ago, kahit kinakabahan si Alston dahil sa kagaguhang ginawa niya sa'kin ay nagawa niya pa rin na harapin ang parents ko ng maayos. Nagpaalam na ako sa mga magulang ko na lalabas kaming tatlo. I also texted Samson.

Ako:
Sam, I'll be going out with Lance and Alston. Si Lance ang nag-aya na gusto niya akong makasama. Gusto ko lang pagbigyan ang anak ko. Sana... Sana ayos lang sa'yo :) Have a good day, Samson.

Hindi ko alam kung tama bang sinabi ko sa kanya pero kapag kasi hindi ko ipinaalam sa kanya - pakiramdam ko ay pinagtataksilan ko siya. Ewan ko ba. Ganon lang yung pakiramdam ko. Inaamin ko naman kasi talaga sa sarili ko na mahal ko si Samson. Mahal ko pa rin. Mas lalo lang talaga tumindi ang nararamdaman ko.

Wala pang ilang minuto ay agad ko ng na-receive ang reply ni Samson sa text ko.

Samson:
Ingat kayo sa lakad ninyo. Yes, it's okay for me. Kung para naman kay Lance :) Wag ka lang masyadong didikit kay Alston. Iniisip ko pa lang, nag-seselos na ako, e. Sorry pero ganon talaga. Pero mag-enjoy kayo ha? You three are a family anyway. I love you, baby.

Napangiti ako sa text ni Samson sa'kin. At least, he is being considerate for our situation. 

Ako:
Thank you. :* 

Nang makarating kami sa isang fine dining restaurant ay nakakuha kami agad ng pwesto. Magkaharap kaming dalawa ni Alston habang si Lance naman ay nakaupo sa gilid. He was happy, he was really really happy. Kitang-kita 'yon sa mukha ng anak ko lalo na't ngayon magkakasama kaming tatlo. Na kumpleto yung pamilyang lagi niyang inaasam.

I sighed and looked at the menu. I didn't utter a single word again to Alston after saying hello to him earlier. Hindi ko magawa na kausapin siya. Kahit sa o-order-in na pagkain ay hindi kami nag-usap. Sa totoo nga lang parang sa aming tatlo ay si Lance lang ang gumagawa ng ingay o kaya silang dalawa o minsan ay kaming dalawa naman ni Lance. Depende sa kung sino ang kakausapin sa aming dalawa ng anak ko.

"Let's take a picture po, daddy!" ngiting ngiting request ni Lance. Nabitawan ko ang tinidor ng hindi sinasadya dahilan para mapatingin si Lance sa'kin na may malungkot na ekspresyon sa mukha. "Ayaw mo po ba, mommy?"

I faked a smile, "Of course, gusto ko. Dumulas lang sa kamay ni mommy yung tinidor..." 

What a dumb excuse, Lilah.

Tumingin naman sa'kin si Alston at tipid na ngumiti. I found myself smiling back at him, matipid lang rin. Alston extended his arm and used his phone, nang okay na ang front camera ay sabay-sabay kaming tumingin doon bago sabay sabay rin na ngumiti. 

"One more..." Alston said and changed his pose. Naging mas seryoso ang mukha niya, mas lalong gumwapo at mas lalong lumitaw ang features ni Alston. Pakiramdam ko nga ay siya yung tipo ng lalake na mas ga-gwapo sa paningin ng iba kung ime-maintain ang masungit na image.

Ibababa na sana ni Alston ang camera para kumain na kami pero humirit pa ng isa si Lance. "Isa pa po daddy, please? Yung hawak niyo naman po yung kamay ni mommy..." ani Lance. Gulat akong napatingin sa anak ko at eto na naman siya, pinapahina ang loob ko na ayawan ang gusto niya. Dumako ang tingin ko kay Alston at para bang nagpa-paalam siya sa'kin kung pwede niya bang gawin 'yon.

Dahil nga sa kagustuhan ni Lance.

Napatungo ako bago huminga ng malalim. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakangiti na ako. "Okay, baby..." ani ko bago ako na mismo ang kumuha sa kamay ni Alston na siyang ikinagulat niya. I just smiled at him na para bang sinabihan siyang bilisan na lang niya ang pagkuha ng litrato.

Ilalabas ko sana ang wallet ko para mag-bayad sa bill pero agad na inilabas ni Alston ang dalawang libo niya.

"I'm the one who's gonna pay, Delilah. He's my son. You're my-" para siyang natauhan. Napatigil sa sasabihin at napa-iwas na lamang ng tingin.

I sighed, "I'm your what?"

He shook his head bago iniabot ang bayad sa waitress, "Nevermind..."

Nang lumabas kami ng restaurant ay may pinuntahan pa kaming mga ibang lugar. Including a mall and a museum. Nag-request kasi si Samson na gusto niya nga raw na makakita ng mga art and paintings and all that stuff. Mukhang may potential sa art ang anak ko!

"Delilah..." tawag sakin ni Alston.

"Yes?" taka kong tanong sa kanya.

He looked nervous. Lalo  na't ngayon nasa sasakyan niya na kami at ihahatid pauwi. He stayed here in Cavite, bought a condo para lamang makasama si Lance ng mas madalas. Mahirap daw kasi para sa kanya kung babalik pa siya sa ibang bansa at hindi makikita ang anak niya.

"D-Do you mind if I ask a question?" tanong niya sa'kin. Nakaramdam ako ng malakas na paghampas sa aking dibdib pero hindi ko 'yon inintindi. Lumunok ako at mabilis na nag-iwas ng tingin. Huminga ng malalim at ibinalik sa kanya ang atensyon ko.

"What is it?"

He breathed heavily and gripped on the steering wheel kahit hindi niya pa man din napapaandar ang sasakyan. Nang maisakay kasi namin si Lance ay tulog na ito.

"What?" ulit kong tanong.

He then looked at me with a stronger expression on his eyes and with his husky deep voice, he asked me the question that almost ruined everything.

"Is it okay if I say I love you? That when I never saw you again... my whole life was ruined because I wanted to look for you so bad but I can't? B-because... I'm afraid of what will you say but t-then... I still have my feelings for you, Lilah..."



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top