Chapter 33
Chapter Thirty-Three
Daddy
"Bakit niya hinawakan yung kamay mo?" Naka-simangot na wika ni Samson habang pinupunasan ang dulo ng mga daliri ko. Noong lumipat kasi kami ng cafe ay napaso naman ang kamay ko sa sobrang init. Natatawa ako sa ikinikilos ni Samson, bakit ba galit na galit siya? He's freaking cute.
"Hindi ko rin alam kay Alston. H-He grabbed my hand, that's it. Wala na namang malisya 'yon..." I said with a sigh as I looked outside. Tapos ng punasan ni Samson ang kamay ko pero hindi niya pa rin 'yon binibitawan, he kept on playing with my fingers.
"Nag-seselos ako."
Bumaling ako sa kanya. Nang marinig ko ang mga salitang 'yon na nanggaling sa bibig niya ay hindi ko mapigilan ang mapa-ngiti. I bit my lower lip bago niya pa makita ang mapang-asar kong ngiti. He was looking down at my fingers, playing with it. Inalis ko 'yon mula sa pagkakahawak niya, dahilan para mapa-tingin siya sa'kin.
"Pwede ba akong mag-selos?"
Ngumuso ako, "Ang pabebe mo."
Mula sa pag-nguso ay napalitan ng simangot ang ekspresyon ng kanyang mukha. He rolled his eyes at padabog na sumandal sa upuan. Looking away, umiwas sa tingin ko. Hindi ko na napigilan ang malakas na pag-tawa, catching everyone's attention inside the coffee shop.
"Paano naging pabebe ang pagse-selos? Buti nga sinabi ko pa sa'yo." Umirap siyang muli bago bumuntong hininga at sinuklay ang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Natawa pa ulit ako ng malakas, dahilan para mapamura siya ng mahina. He cursed two times under his breath at doon ko lang napansin na namumula ang tainga pati na ang pisngi niya. Ang mestizo talaga ni Samson!
"Nahihiya ka ba?" Natatawa kong tanong bago inabot ang kanyang kamay na nasa ibabaw ng lamesa. I was about to hold it tightly nang bigla niyang hinigit ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko. Napasimangot ako, parang tanga naman 'to.
"Ang laki ng problema mo, Samson!" singhal ko sa kanya bago pinag-krus ang dalawa kong braso sa ibabaw ng aking dibdib. Hindi niya ako nilingon, his jaw tensed at mas lalong lumalim ang expressive niyang mga mata. I bit my lower lip and sighed, hindi niya talaga ako papansinin? Grabe naman!
Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Leaving him behind, I stormed off the coffee shop. Nang mapunta ako sa parking lot ay balak ko sanang mag-kulong doon sa kotse niya ang kaso naalala kong nasa kanya pala ang susi. Pinalo ko ang noo ko bago mabilis na umiling, ano ba naman 'yan! Sumandal na lang ako sa upuan bago kinuha ang phone ko, texting Steve.
Ako:
Hi Steve. How are you? Talagang pinanindigan mong magmo-move on ka na sa'kin ha? Nangangamusta lang :) Hope you're doing fine.
I tapped send kept on texting. Ni-text ko rin si Alisha dahil ang tagal na simula nung huling mag-paramdam sa'kin ang babaeng 'yon. Nagta-tampo na nga ako, e. Nang wala na akong mai-text sa contacts ko ay itinago ko na lang ang phone ko. Waiting for Samson to come out the coffee shop.
Napatuwid ako ng tayo nang makita ko siyang lumabas. He stared at me with his forehead creased, nakakuyom din ang mga palad. I shoot him a glare, pinapantayan ang intesidad ng kanyang tingin. I saw him sighed, combing his hair. Nag-lakad siya papalapit sa'kin hanggang sa tumigil siya sa harapan ko at mataman pa rin akong tinititigan.
"Bakit mo ako basta-basta iniwan doon?" Inis niyang tanong sa'kin. Salubong ang mga kilay at bahagyang naka-awang ang mapupula niyang labi. Parang ang sarap halikan. Napa-iling na lang ako sa naisip.
Hindi ko siya pinansin. Nag-iwas ako ng tingin at ngumuso. Bumuntong hininga na naman si Samson at mamaya-maya ay inabot niya ang dalawa kong kamay bago 'yon pinisil ng ilang beses. Dahan-dahan akong tumungo at nag-angat din ng tingin sa kanya.
"Don't walk out on me like that again, Delilah..." ani Samson sa isang malalim na boses. Lalo ata siyang guma-gwapo sa paningin ko sa mga sitwasyong ganito. I tried to keep my calm, pinipigilan ko ang mapa-ngiti ng sobra. Naramdaman ko ang kamay niyang lumapat sa likod ko, hinihila ako papalapit sa kanya para sa isang yakap.
Huminga ng malalim si Samson. I even felt it on my neck, medyo nakiliti pa ako. He hugged me tighter bago ibinaon pa ng maagi ang mukha niya sa leeg ko. It seems like he's smelling my neck! Amoy pawis pa naman ako! Ang init init kaya dito sa parking lot.
"Natatakot ako... Natatakot ako na baka kapag ganoon. Kapag lumakad ka ulit palayo sa'kin... I'm scared that you're not gonna look back, I'm scared that you're gonna leave me again. Hindi mo alam kung ano ang epekto non sa'kin..." He kissed my hair bago hinalikan ang aking noo. Lalong lumakas ang hampas sa dibdib ko.
"I'm sorry..." bulong ko bago tumingkayad at marahan siyang hinalikan sa pisngi. Narinig ko ang mahinang pag-tawa ni Samson bago mas hinigpitan ang pagkaka-hawak sa aking kamay.
"Nasa ligawan stage pa ba tayo?" Natatawang tanong niya sa'kin, inaalis ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa aking mukha.
Tumango ako, "Syempre! Hindi ko naman papayagan na hindi mo ako liligawan, no..." anas ko bago lumapad ang kanyang ngiti. Sinapo niya ang pisngi ko bago ako hinalikan sa ilong at pinaulanan ng halik sa mag-kabilang pisngi.
"Samson, puro laway na ako!"
He laughed, "Dagdagan ko pa?"
"Samson!" singhal ko bago umiwas ng tingin. Nahihiya kasi ako, may mga tao din na nandito sa parking lot. Yung iba nag-park ng kotse, 'yung iba naman paalis na.
"I'm sorry. Nag-selos lang talaga ako. Hinawakan niya yung kamay mo. I don't want other guys holding your hand maliban sa anak mo, sa mga kuya mo, sa pamangkin mo at sa tatay mo. Gusto ko maliban sa mga lalakeng 'yon ay ako na lang. Ako na lang yung pwedeng humawak sa kamay mo at halikan ka sa pisngi..."
Seryoso akong napatitig sa kanya. Na-realize ko kung gaano ko na-miss ang kanyang mga mata. Yung para bang isang tingin mo lang sa mga ito ay basa mo na lahat ng emosyon na nararamdaman niya. Hindi siya mahirap basahin, sobrang expressive ng mga mata ni Samson. I sweetly smiled at him and nodded.
"Ikaw lang."
Ngumisi siya ng malapad bago ako pinagbuksan ng pinto. Sumakay na kaming dalawa sa kotse niya bago niya ako inihatid sa bahay. We spend few minutes inside the car dahil ayaw niya pa akong pababain. Sinabihan ko na lang tuloy siya na sumama sa'kin sa loob para makita siya nila Mama at Papa. Agad naman siyang pumayag sa sinabi kong 'yon.
"Oh, Samson!" Bati ni Papa. Napatingala sila Kuya Damien at Kuya Oliver, tumigil sila sa paglalaro ng chess para titigan lang kaming dalawa ni Samson. They both smirked at maya-maya ay nagkatingingan, smiling at each other. Napakunot ang noo ko. Anong meron sa dalawang 'yon?
"Magandang gabi po..." ani Samson bago nag-bless sa mga magulang ko. Umalis sila Kuya Damien at Kuya Oliver sa living room bago pumunta sa bakuran. Doon na lang daw sila mag-lalaro ng chess. Kung gusto raw ni Samson ay sumali siya sa kanila.
"I'll stay with Lilah..." sagot ni Samson sa dalawa kong kuya. Nag-kantyawan na naman ang mga ito. Napatawa na lang ako dahil sa mga kakulitan nila.
"Di naman mawawala 'yang kapatid namin, Sam! Bakod naman agad?"
Ngumisi si Samson, "Ganon talaga. Daming nagkaka-gusto, e."
Hindi ko na lamang inintindi 'yon. Noong bumaba kasi si Lance ay biglang pumasok na naman sa isipan ko si Alston. Lumunok ako, parang biglaang nagkaroon ng bara ang lalamunan ko.
Should I tell Lance already?
*
Alisha:
Bes! I saw Alston sa mall kanina. Nag-SM kasi kami ng mga pamangkin ko. Gosh girl! Ang gwapo naman ng tatay ni Lance! Diba siya yung mestizong blondie? Grabe talaga girl! Sasabihin mo na ba kay Lance?
Napalunok ako sa text ni Alisha. I sighed bago ko kinuha ang bag ko. Tinignan kong muli ang sarili ko mula sa salamin sa CR at lumabas doon. Nakita ko si Lance na prenteng nakaupo lamang sa pwesto namin kanina habang hinihintay ako at pinaglalaruan ang laruan na binili ko sa kanya para kanina na galing sa McDo. Nang makita niya ako ay agad siyang ngumiti, kumaway pa nga.
Umupo ako sa harapan niya bago kinalikot ang cellphone ko. I was trying to search for Alston through facebook using my data. Kahit mabagal ay may lumabas naman na result. However, isang picture lang ang mayroon si Alston doon. I smiled, sasabihin ko na sa anak ko.
Kahit hindi para sa'kin. Basta para sa anak ko.
"Lance..." I called his name.
Nakangiti siyang humarap sa'kin bago inilagay sa maliit niyang bag ang mga laruan na kanina ay nilalaro niya, "Yes, mommy?"
"I have something to show you..."
Lance leaned on the table slowly. Ipinakita ko sa kanya ang picture na nasa cellphone ko. It was a picture of Alston in New York habang nasa tapat siya ng isang mamahaling restaurant. He was wearing his beige colored trench coat habang may beanie pa na nakasuot sa kanyang ulo. His features were emphasized, lalo na't kaya namang i-zoom ang picture at hindi full body ito.
"Sino po 'yan?" Kunot-noong tanong ni Lance.
Parehas na parehas sila ng mata ni Alston.
"He's... He's your... ugh..." I shook my head. Bakit hindi ko magawang sabihin ng deretso?
Lance smiled, "Is he my dad?"
It was casual for him to ask that question. Ako ang napatigil at hindi ang anak ko. Nanubig ang mga mata ko dahil bigla na lang akong nakaramdam ng kung anong emosyon. Dahan-dahan akong tumango kasabay sa pagtulo ng aking mga luha.
Lance smiled. His smile is different, ibang-iba sa mga dating ngiti niya. It was like... It was like he was already complete. "We have the same eyes." Bago siya tumawa at kinuha ang phone, zooming in his daddy's picture.
Nahagip ng mata ko ang pag-bukas ng pintuan ng fast food. Pati si Lance ay napatingin doon. Lance looked at the guy who entered pero ako napako ang tingin ko sa aking anak matapos non. He looked at the guy, then at the phone. Then at the guy again.
He stood up and yelled, "Daddy!" Bago tinakbo ng yakap ang lalakeng 'yon.
He met his dad, finally.
And he hugged Alston like he was the happiest kid.
***
a/n: sorry for the typos.
twitter: jeweeelwrites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top