Chapter 32
Chapter Thirty-Two
Alston
"Balitaan mo ako ha, kapag nagkabalikan na ulit kayong dalawa..." Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Steve. Although he tried to smile, alam na alam ko pa rin ang totoong nararamdaman niya. He's sad, he's broken.
Tipid akong ngumiti, "I'm sorry..." Staring down at my feet, I gulped. Nagi-guilty talaga ako sa sinabi sa'kin ni Steve kanina but it's really wrong kung bibigyan ko siya ng chance out of pity. Mas lalo siyang masasaktan doon.
Because if I do that, hindi lang si Steve ang lolokohin ko. Kung hindi pati na ang sarili ko.
Narinig ko ang pag-tawa ni Steve. He tried to laugh, yung tawang masaya pero nang marinig ko 'yon ay alam kong hindi 'yon ang totoo niyang tawa. He sighed and kept his hands on his pocket. With a sigh he looked at me, "Okay nga lang, Lilah. It's alright, masaya na ako kapag masaya ka..."
I got teary-eyed with what I heard from him. Gusto kong tumalon-talon dahil nakakilala ako ng isang katulad ni Steve, gusto ko siyang yakapin at putulin ang distansyang namamagitan sa aming dalawa pero hindi ko magawa. Isang maling galaw ko lang, alam kong aasa na naman siya sa'kin.
I smiled, looking away from him. Huminga ako ng malalim, "Is this the last time you're going to see me?" Nag-aalangan kong tanong sa kanya, hindi makatingin ng direkta sa kanya.
Kinagat ni Steve ang pang-ibabang labi niya saka pumikit saglit na para bang pinapakiramdaman ang ihip ng hangin sa labas ng restaurant. He shrugged and showed me his lopsided smile, "Let's see. Ayaw mo ba akong mag-move on?"
Napasimangot ako, "Wala naman akong sinabing ayaw kitang mag-move on..." Bago ako umiwas ng tingin. Ilang beses na akong huminga ng malalim pero parang ang bigat pa rin ng loob ko dahil alam kong nasaktan ko ang isang mabuting lalake.
I hurt Steve, but that's for the better right?
"I might not be seeing you for the following months kasi alam mo naman, mahihirapan akong mag-move on sa'yo. That's obvious!" Umirap si Steve bago natawa sa kanyang sarili. "Pero always remember na hindi ako galit sa babaeng pinakakamahal ko..." He smiled. That broken smile.
"Steve naman..." Am I selfish? Bakit parang ayaw kong iwasan ako ni Steve matapos ko siyang saktan? Hell yes, I think I'm really selfish to make him stay beside me even as... even as a friend. Kahit hanggang doon lang.
"And someday I know that I'm gonna be able to say na ikaw yung babaeng minahal ko noon..." He smiled then turned his back on me bago binuksan ang pintuan ng kotse. He didn't open the door for me, dumeretso na agad siya doon sa driver's seat. I sighed and smiled secretly, binuksan ko na lamang din ang pintuan sa gilid ko.
Ang byahe pauwi ay naging tahimik lang. Kinakausap niya ako pero about random things na lang, we wouldn't stick to a specific topic just like before. Nang makarating sa bahay ay hindi na siya pumasok sa loob. Kilala namin si Mama, pagtatagalin na naman siya bahay and that would make things more awkward than it is right now. Bumaba na agad ako at tipid na ngumiti, nag-paalam sa kanya at tumalikod na para pumasok ng bahay.
"O, bakit wala si Steve? 'Di ka hinatid?" tanong ni Mama habang punong puno ng bula ang dalawa niyang kamay. Nagli-ligpit ata ng mga pinggan. Tipid akong ngumiti at umiling.
"Hinatid po ako..." sagot ko.
"Bakit naman 'di na pumasok?" Nakakunot ang noong tanong ni Mama.
Tumingin ako ng derekta sa mga mata ni Mama, "Sumuko na po."
"Sinuko mo na ang bataan?" Gulat na tanong ni Mama. Napahawak pa siya sa kanyang pisngi kaya naman pati 'yon ay nagkaroon na ng sabon.
Hindi ko na napigilan ang mapanganga dahil sa sinabi ni Mama. Pinalo ko ang noo ko bago mabilis na umiling at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Hindi po Mama. Sumuko na po siya. Sumuko na si Steve sa'kin..."
Nalaglag ang mga balikat ni Mama. Nawala ang gulat ni Mama at napalitan 'yon ng pagkalungkot. Napanguso ako, ganon ba talaga siya ka-boto kay Steve? Lumayo ako ng onti at tipid na ngumiti. Hindi pa rin nagbabago ang eskpresyon ni Mama.
"Sayang naman..."
Bumuntong hininga ako, "Ma, I still love Samson..." tugon ko. Nanlaki ang mga mata ni Mama sa sinabi ko. I stayed quiet kahit na ang bilis bilis ng kabog ng dibdib ko. I tried to smile. Nakita kong tumingin si Mama sa aking likuran na para bang hindi makapaniwala.
"Ma?" Naguguluhan kong tawag sa kanyang pangalan. Ngumuso si Mama na para bang may tinuturo sa aking likuran. Bigla akong kinabahan dahil sa ginawa niya. Anong meron sa likuran ko? Sinong nasa likuran ko?
Dahan-dahan akong lumingon sa likod. May namumuo nang ideya sa utak ko pero hiniling ko na sana naman ay hindi na lang totoo 'yon. Naiisip ko na nasa likod ko si Samson at malawak ang ngisi dahil narinig niya ang sinabi kong mahal ko siya. Sana... sana hindi totoo ang naiisip ko! Napanganga ako nang makita siyang nakasandal sa pintuan habang si Papa naman ay malawak din ang ngiti na nakatayo sa likuran niya.
Awtomatiko akong napaatras, tinakpan ang bibig ko gamit ang dalawa kong kamay habang namimilog ang aking mga mata. Para akong matutumba sa kinatatayuan ko dahil biglang lumambot ang tuhod ko, bigla akong nanghina dahil ang namumuong ideya na tumatakbo sa isipan ko ngayon ay totoo nga.
Samson is standing in front of me with his infamous smirk! Narinig niya ba ang sinabi ko? Tanga ka Delilah! He wouldn't smirk that wide if he didn't, right?
Mabilis akong napailing at tumalikod ulit, humarap kay mama.
"Akyat na po ako..." I mouthed at bago pa niya matawag ang pangalan ko ay agad na akong umakyat at dumeretso sa kwarto. Laking pasalamat ko na lang na wala doon si Lance at nasa garden din siya kasama ang mga pinsan pati sila Kuya Damon. Nang maisara ko ang pintuan ay napasandal na lang ako at napalo ang aking noo.
Shit, Delilah! What a dumb decision! Dapat ay hindi ko na lang 'yon sinabi ng malakas. Pero bakit ba? Hindi ko naman alam na nandoon pala si Samson at nakikipag-inuman na naman kay Daddy! Wala akong alam. Hindi ko napansin. Tanga ka pa rin, Delilah. I should have noticed!
Huminga ako ng malalim at pilit na ikinalma ang aking sarili. I bit my lower lip hanggang sa may malasahan ako na parang dugo. Napadiin ata masyado. Agad ko iyong pinunasan at napasabunot na lang sa aking sarili. Ano ng gagawin ko? I sighed and threw my bag on the bed. I should handle this properly, ang tanda tanda ko na.
Hindi na ako teenager!
Napaigtad ako nang may marinig na kumatok sa pintuan. Huminga ako ng malalim, si Mama siguro 'yon. Mabilis kong binuksan ang pintuan. Laking gulat ko nang tumambad sa'kin si Samson na nakangiti ng malapad. I closed my eyes tightly, dapat pala ay hindi ko na lang binuksan!
"U-Uy!"
What kind of approach is that? I wanted to slap myself!
"Hi, love..."
Napalunok ako nang paunti-unti siyang lumapit sa'kin. Iiwas sana ako pero agad niyang hinagip ang kamay ko at hinila ako. "A-Ano ba!"
"Hindi ka na matatanggi. You said you still love me and I still love you. Wala namang problema..."
Napanguso ako, "S-Strict ang parents ko!"
Napatawa si Samson at kinurot ang pisngi ko, "Kahit botong boto na sa'kin ang tatay mo?"
Magsasalita pa sana ako pero agad niyang pinag-lapat ang labi naming dalawa. Catching me offguard, hindi na ako nakagalaw. It's not like I don't want the kiss, hindi na rin ako tumanggi. Matagal bago nag-sink in sa'kin ang nangyayari pero nung tumagal...
Ako na mismo ang nag-sara sa mga mata ko. Anticipating his kiss.
And his lips na matagal ko na ring hindi nahalikan.
Nang pinaghawalay niya ang mga labi namin ay agad niya akong yinakap. Hinaplos ang aking likod at bahagyang tumawa.
"Tama na, baka mahuli ako ng tatay mo. Magalit pa, sayang ang paalam kong ligawan ka ulit..."
Namula ako pero alam ko... alam kong magiging masaya ako.
*
Pauwi na ako sa trabaho. After my work parang wala akong naramdamang pagod. I don't know why, I feel inspired. Pinaglaruan ko lang ang cellphone ko, kung anu-ano ang tinignan ko. Gusto ko sanang basahin ang mga text messages sa akin ni Steve noon pero hindi ko na ginawa. Hindi ko ni-delete, hindi ko na lang binuksan para basahin.
Umupo ako sa waiting shed na nasa labas lang ng school. I was waiting for Samson, sinabi niya kasi sa'kin na mag-hintay ako dahil susunduin niya ako. Napatingin ako sa orasan ko, four forty five pa lang naman ng hapon. Napatingin ako sa kabilang kalsada, nandon yung cafe na paborito kong puntahan kapag pagod ako sa trabaho. Tumawid ako para pumunta doon.
I ordered my favorite coffee. Nag-hintay ako sa pila. When I received my order, agad na akong tumalikod para sana lumabas na pero nagulat ako nang may mabangga akong lalake na matangkad. Ang tigas ng dibdib! Mukhang ma-muscle. Napangiwi na lang ako sa naisip ako.
Nag-angat ako ng tingin para humingi sana ng paumanhin pero ako ang napatigil nang makita ko ang mukha niya. Nabitawan ko ang kapeng hawak-hawak ko dahilan para matapunan ang sapatos ko. I blinked many times, baka imahinasyon ko lang 'to!
I even slapped my cheek lightly pero nakatayo pa rin siya sa harapan ko. I gulped, totoo ba 'to?
"Hi, Delilah. It's been a long time..." He smiled and I remembered that night when we were at the bar and that... that thing happened between the two of us.
"A-Alston?" Nauutal kong tanong. Nangangatog at hindi makapaniwala.
"Yes, baby..." He smiled and held my hand. Nagulat ako sa ginawa niya pero I can't even find the strength to get rid of his hands from holding mine. Napalunok ako, natutulala na lang ako!
"A-Anong-"
Hindi natuloy ang sasabihin ko nang may humawak pa sa kamay ko na hinahawakan ni Alston. Gulat akong napatingin kay Samson.
He's staring at my hands, he then looked at Alston.
And at me with his forehead creased.
***
a/n: sorry for the typos!
twitter: jeweeelwrites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top