Chapter 31
Chapter Thirty-One
Last Time
Bakit nga ba nagmamahal pa ang tao kung alam din naman nilang masasaktan sila pagdating ng huli?
I sighed. Kanina pa occupied ang isip ko simula nung nangyari noong isang gabi. Dahil kay Steve, dahil kay Samson. Dahil sa kanilang dalawa ay hindi ako makapag-concentrate sa mga ginagawa kong bagay. Nakakairita lang minsan na gusto ko ng sabunutan ang sarili ko. Nagbabakasakali na baka mawala silang dalawa sa isip ko pero alam ko namang imposible ng mangyari 'yon.
"Girl, ayos ka lang?" tanong sa'kin ni Ynez. Ilang beses pa akong kumurap bago ako humarap sa kanya, parang bumalik ako sa dating diwa ko ngayon ngayon lang.
"Ha? Oo, ayos lang ako..."
Kumunot ang noo ni Ynez bago ako pinitik sa noo, "At sinong niloko mo, te? Sabihin mo nga sa'kin ang totoo. Pinag-aagawan ka no?"
Bahagyang napa-awang ang bibig ko. Umiwas ako ng tingin bago kiming umiling. "Hindi a..."
Napatawa si Ynez nang malakas bago ako hinampas sa braso, "Pabebe ka pa! Narinig ko kaya noong nasa van tayo nila Kenneth. Akala niyo tulog ako ha, narinig ko lahat! Pinag-aagawan ka pala nila Steve at Samson..." Pabulong niya na lang na sinabi ang mga huling salitang binitawan niya. Nag-init ang pisngi ko, nag-pabebe pa ba talaga ako?
"Ide-deny mo pa girl, ha. Wala kang maitatago sa'kin, you know that..." Hinila ni Ynez ang upuan papalapit sa'kin bago ipinatong sa lamesa ang isa niyang siko at nangalumbaba. "So, anong nangyari at ganyan ka na naman? Dinaig mo pa naka-droga."
Ngumuso ako, "Grabe ka naman!" Tumingin ako sa maliit na salamin na nasa harapan ko, "Hindi naman ganon kalala ang eyebags ko para sabihan mo ako na mas malala pa sa naka-droga. Tsaka nakakausap naman ako ng matino..." Sumimangot ako at inayos ang aking buhok. Pero totoo nga, medyo mukha akong bruha.
Tumango-tango si Ynez, "Oo na. Oo na, so kwento na..." Ngumuso si Ynez bago ako matamang tinignan. Umirap ako at tumingin ulit sa kanya. Aba, hindi nagpapatinag! Hindi ba ramdam ni Ynez na ayokong mag-kwento? Bumuntong hininga ako nang ma-realize kong si Ynez nga pala ang nasa harapan ko. Ang babaeng hindi nagpapatalo.
"Pwede bang sa susunod na araw ko na lang i-kwento sa'yo o kaya sa susunod na pagkakataon? Talagang kailangan ngayon?" Naka-ngiwi kong tanong habang umiiwas ng tingin sa kanya.
Ngumisi si Ynez, "I have all the time in the world para hindi ka pa mag-kwento ngayon, girl. Dali na!" Pangungulit sa'kin ni Ynez. Kumapit sa braso ko at inalog-alog 'yon. Napairap akong muli, 'di talaga magpapatalo!
Bumuntong hininga ako, "Hindi ka talaga magpapatalo?"
Mas lalong lumapad ang ngisi ni Ynez at umiling, "Hindi."
"Okay..." Sumusuko kong saad bago nag-simulang mag-kwento sa kanya.
Ang buong akala ko ay magre-react si Ynez sa bawat sasabihin ko pero nagkamali ako. Mataman lang siyang nakatitig sa'kin habang mabuting nakikinig sa bawat salitang nalabas sa bibig ko. Hanggang matapos ang kwento ko ay naging tahimik si Ynez.
"Okay na. Alam mo na lahat..."
Tumango si Ynez, "Kaya pala ganon na lang tumitig sa'yo si Samson lalo na kapag hindi ka nakatingin sa kanya. Lalo na kapag occupied na occupied ka sa trabaho..." Umangat ang isang gilid ng labi ni Ynez bago kumindat.
Kumunot ang noo ko, "What do you mean?"
Sumandal si Ynez sa upuan bago pinag-krus ang dalawang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib, "He looks at you whenever you're too occupied with something. Napapansin na nga namin nina Jomarie at William, iba talaga yung tingin ni Samson sa'yo. Hindi naman sa tinging manyak na tipong gusto kang kainin pero yung tingin na puno ng pagmamahal. Ganon! Takang taka nga kami kung bakit ganoon, e. Ang alam kasi namin ay may nobya 'yon hindi ba?"
Tahimik akong tumango bago napatulala sa maliit na salamin na nasa harapan ko. I sighed and played with my fingers na siyang nasa ilalim ng lamesa. Ano bang dapat kong sabihin? Narinig kong tumawa si Ynez kaya agad akong sumulyap sa kanya, tinitignan ang dahilan kung bakit siya biglaang tumawa. Kahit nga ang ibang kasama namin sa loob ng faculty ay nag-taka. Kahit kailan talaga, si Ynez ang loka-loka.
Lumapit si Ynez at binulungan ako, "Nagtalo pa nga si Jomarie at William dahil doon. Naniniwala si William na gusto ka ni Samson habang si Jomarie naman ayon. Naniwala na loyal daw si Samson sa girlfriend nito. Nag-pustahan pa nga 'yang dalawang 'yan. Hanggang sa ma-kwento nila sa'kin yung nangyari sa Palawan..."
Napatawa ako, "Hindi ko nga alam kung bakit sila napasama doon. Ikaw lang naman ang dapat sasama, hindi ba?"
Nag-peace sign si Ynez bago humagikgik, "Ako nag-yaya. Sabi ko mag-hintay sila doon sa lugar kung saan susunduin ng van. Ayun, nakasama ang dalawa..."
Napatawa na lang din ako. Ynez promised me na walang makakalabas mula sa mga sinabi ko sa kanya. Kung ano ang sinabi ko ay sa aming dalawa na lang. I made myself busy with work. Patuloy pa rin akong kinukulit ni Samson. Kanina habang nagke-kwentuhan kami ni Ynez sa faculty room ay hinahanap ko siya pero wala. Mas mabuti na lang 'yon, baka makisali pa siya kung sakaling naandoon siya kanina.
Pagkatapos ng trabaho ay nag-sabi si Steve na susunduin niya ako. Hindi na ako tumanggi, alam kong ako lang rin naman ang matatalo sa pagpupumilit sa huli. Ang sabi pa ni Steve ay kakausapin niya ako.
When he arrived, agad niya akong binati. Sumakay kaming dalawa sa kotse niya hanggang makarating kami sa restaurant na siyang kinainan namin noong isang gabi. I ordered something na hindi masyadong mabigat sa tiyan upang masabayan ko pa ang anak ko sa pagkain ng hapunan mamaya.
"Delilah, thanks for coming with me..." ani Steve bago tipid na ngumiti. Nanatiling seryoso ang mukha ko kahit na gusto kong ngumiti. Something's off with Steve. The way his eyes look at me, iba na, e. Ang lungkot lungkot ng dating.
"Are you okay?" Malumanay kong tanong bago dumako ang kamay ko sa kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa. Napansin kong napunta ang tingin niya doon, umiwas ito ng tingin saka napalunok. Nang mapagtanto kung ano ang ginawa ko ay agad kong tinanggal ang pagkakalagay ng kamay ko doon.
"I-I'm sorry..."
Mapait na ngumiti si Steve, "Sorry for holding my hand or sorry for not loving me?" tanong niya at tumitig sa mga mata ko. Hindi ako nakasagot, parang may pumipigil sa'kin na kung ano mula sa pagsasalita.
Maya-maya ay narinig ko ang pagak na pag-tawa ni Steve bago niya ginulo ang sariling buhok, bumuntong hininga siya at pinatunog ang mga daliri.
"I'm sorry. Hindi ko na dapat sinabi 'yon. I- I should wait right?" tanong ni Steve. Hindi na naman ako nakasagot, nanatili akong nakatingin sa kanya. Noong hindi ko na makayanan na tumitig sa malungkot niyang mga mata ay kusa na lang akong napatungo. Narinig ko na naman ang pagbuntong hininga niya kaya mas lalo akong na-guilty. Pakiramdam ko sobrang sama ko. Sobrang sama ko na ngayon nasasaktan ko si Steve.
Si Steve na ang tanging ginawa lang naman ay ang mahalin ako.
"Pero may hihintayin pa ba ako?"
Nanatili akong nakatungo. Tahimik, pinagpapawisan at pinapakinggan ang malakas na tibok ng puso ko. Nang makakuha ng lakas ay ginawa ko na ang hinihintay niyang sagot, unti-unti akong umiling. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at umiling ulit.
Wala na, Steve.
Wala ka ng hihintayin.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin. Steve was biting his lower lip, nodding while his eyes were concentrating on the food on the table. Tumingin siya sa'kin. Giving me that smile. Yung ngiti na kahit nasaktan ka na, at least you tried.
"It's okay. Mas mabuti nang alam ko na ngayon kaysa sa umasa ako. Thanks for telling me, Delilah..."
Napakurap ako. Naluluha ako. Nagtutubig ang mga mata ko, nag-iinit ang gilid nito. "I'm sorry. I'm really sorry..." ani ko habang kinukuyom ang mga palad ko.
Mas lalong nanikip ang dibdib ko nang malapad na ngumiti sa akin si Steve. I noticed his eyes, nanunubig din iyon. He smiled at me, those eyes staring at mine. Bago siya nagsalita at kinuha ang kamay ko.
"This will be the last time that I'll be here in front of you, confessing my love for you. This will be the last time that I will say I love you. And this will be the very last time na aasa akong mamahalin mo ako."
***
a/n: sorry for the typos.
twitter: jeweeelwrites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top