Chapter 28

Chapter Twenty-Eight
Dinosaur 

Alisha got home. I told her about the story and she was mad. Galit na galit siya kay Samson na ang kulang na lang ay kuyugin niya ito kasama ang mga malilipon niyang alipores dito sa Pilipinas kung sakali ngang mayroon man. Ako naman ay natawa na lamang kahit deep inside ay affected pa rin ako sa nangyari pero nothing's change. Ayoko pa rin makita si Samson o makausap man lang. Too bad, I really can't avoid him. 

"Hey, what are you gonna do now? Mukha naman na walang plano si Samson na lubayan ka. That guy, he's still into you katulad ng sinabi mo. Ikaw din naman, hindi ba? You want him back too? Bakit ayaw mong ayusin ang relasyon niyong dalawa?" Naguguluhang tanong sa akin ni Alisha. 

I sighed and stopped playing with my hair bago ako tumingin kay Lance na nakahiga sa kama at mahimbing pa rin na natutulog, "Lance's father came back. Si Lance mismo ang nakakita sa Palawan pero hindi niya alam na 'yon na pala ang tatay niya."

Kumunot ang noo ni Alisha, napasimangot. "What? I don't understand. Paanong siya ang nakakita pero hindi niya alam na iyon ang tatay niya?"

"Si Daniel, yung pinsan ni Samson. He was with Lance. They went somewhere and nung bumalik sila, may dala-dala ng key chain si Lance. I asked him if Daniel bought it for him pero hindi naman daw. It was given by a guy named Alston." wika ko.

"Oh. Paano kung nag-kita ulit kayo? Would you tell Lance the truth? I mean, you don't want to lie about his father right? You've been very honest with him." 

I nodded, wiping the sweats on my forehead. I feel tensed, hindi ko alam kung bakit. Siguro ay dahil ang usapang ito ay tungkol sa ama ni Lance na matagal namin, matagal kong hindi nakita. 

"Gusto kong sabihin. I will tell him... sa tamang oras. I know na kapag nalaman ni Lance na si Alston ang tatay niya, he'll tell me to go with him. For the three of us to be together. Alisha, gusto ng anak ko ng kumpleto at buong pamilya."

She raised an eyebrow at me before sipping on her drink, "Sino bang hindi?"

Bumuntong hininga ako, pinaglalaruan ang sarili kong mga daliri. Lumabas kami ni Alisha ng kwarto at dumeretso sa kusina, nakita namin si Mama na nagluluto para sa tanghalian. Nilapitan ni Alisha si Mama at mabilis itong nagpa-salamat. They know Alisha by name and by face since lagi ko namang kine-kwento si Alisha sa kanila sa video call noong nasa New York pa ako. 

"Gusto niyo po ba ng tulong diyan? Mukhang ang dami niyo pa pong ihahanda..." alok ni Alisha bago tinignan ang ginagawa ni Mama. Naghihiwa ito ng sibuyas pero sa tabi niya ay may mga gulay pa na hindi nahihiwa o hindi pa ata nahuhugasan man lang.

"Delilah!" Narinig kong tawag ni Papa sa bakuran. May bintana kasi sa kusina kung saan makikita mo ang labas o ang bakuran at sakto namang nakabukas ito kaya naman agad kong narinig. Lumapit ako sa bintana at tinanaw si Papa.

"Bakit po?" tanong ko habang nakadungaw.

"Halika, 'nak." Sinenyasan ako ni Papa na lumapit ako sa kanya. Hinayaan na ako ni Mama na lumabas at naiwan si Alisha na kasama niya. Tumabi ako ng upo kay Papa.

"Bakit po, Pa? Anong meron?" tanong ko.

Papa smiled at me, "Kamusta kayo ni Samson?" 

Natigilan ako sa tanong ni Papa. Bakit naman niya ako kailangang tanungin tungkol sa bagay na 'yon? Umiwas ako ng tingin at nag-buga ng hininga, nahipan tuloy ang ilang maliliit na hibla ng buhok sa noo ko, baby bangs. 

"A-Ayos naman po kami ng lalakeng 'yon, Pa. Bakit niyo po natanong?" ani ko bago sinubukang tumingin sa mga  mata ni Papa at eto nga siya, direktang nakatingin sa'kin na para bang inaalam kung kasinungalingan nga ba ang mga sinasabi ko.

"Lalakeng 'yon? Parang ang laki naman ata ng galit mo, anak." Natatawang saad ni Papa bago humigop sa iniinom niyang mainit na kape. Si Papa talaga, tanghaling tapat ay nainom na agad ng kape. Uminom na din 'yan kaninang umaga, iba lang talaga ang hilig niya sa pag-inom niyan.

"H-Hindi naman po ako galit don." Pa-sikreto akong umirap. Hindi ako galit doon, sobra sobra lang talaga yung galit ko kaya baka pagkamuhi na ang tawag doon.

"Talaga? Kilala kita, anak. Para saan pa nga bang nag-tanong ako kung alam ko na naman ang sagot. Galit ka sa kanya anak, hindi ba?" Nakangiting tanong ni Papa. Gusto kong umirap pero hindi ko magawa. Bakit kasi ganoon.

Bakit kailangan kapag magtatanong sa ex ko ang tatay ko, kailangang naka-ngiti siya?

"Alam niyo na naman po pala, Papa. Opo, galit po ako sa lalaking 'yon..." Pag-amin ko sa totoong nararamdaman ko. Tinignan ko ang malaking puno ng mangga na nakatayo sa harapan naming dalawa ni Papa. Napaisip ako, kahit naman galit ako kay Samson - hindi pa rin nawawala yung pagmamahal na meron ako sa kanya. Iba kasi, iba talaga iyong nararamdaman ko.

"Bakit ka galit sa kanya? Pwede bang i-kwento sa Papa?" Inakbayan ako ni Papa bago siya malakas na tumawa. Marahil ay nakita ang reaksyon ko sa ginawa niya, tinuturing na naman kasi akong bata ni Papa.

"Papa naman!" ani ko na pa-singhal pero natatawa-tawa na rin. Inalis ni Papa ang braso niya mula sa pagkakapatong sa balikat ko bago ngumiti, "Mag-kwento ka, anak. Alam ko namang binabagabag ka kung sakali mang may nangyari sa pagitan ninyong dalawa..."

Kumunot ang noo ko, "Paano niyo po alam?"

"Naandito siya kahapon hindi ba? Ang lungkot kasi ng dating kagabi. Tinanong ko kung anong problema ng batang 'yon. Ayon, ang sabi may gulo raw na nangyari. Galit ka raw sa kanya."

"Ikinwento niya po lahat?"

Umiling si Papa, "Hindi. Ang sabi niya lang ay galit ka sa kanya kaya naman alam ko na may problema ka rin sa kanya..."

Bumuntong hininga ako at hindi na napigilan ang mag-kwento. Sinabi ko lahat kay Papa, simula doon sa lumapit sa'kin si Ingrid bago niya sabihin lahat. Ni-kwento ko lahat ng pinagtapat sa'kin ni Ingrid, ni-kwento ko kung kahit gaano nasasaktan si Ingrid ay ako pa rin ang nilapitan ni Samson. Sinabi ko na hindi ko maipaliwanag yung sakit, ibang-iba 'yong sakit na naramdaman ko noon. 

Tumungo ako at ikinuyom ang aking mga kamay, "Ang selfish niya, Papa."

Malalim ang ginawang pag-hinga ni Papa bago siya tuluyang nag-salita, "Hm. Ganon talaga anak, e. Kapag nagmamahal ka, kung anong pwedeng gawin para lang makuha mo yung taong mahal at gusto mo, gagawin mo. Kahit na masama sa paningin ng iba, para sa taong nagmamahal ay tama 'yon. Tama 'yon para sa kanya dahil ang gusto lang naman niya ay mahalin siya ng taong mahal niya..."

Kumunot ang noo ko, "Pero Papa, nasaktan si Ingrid..."

Makahulugang ngumiti si Papa at tinapik ang aking balikat, "Walang hindi nasasaktan sa pag-ibig, anak. If there is love, vulnerability follows. If there is vulnerability, there will always be pain..."

Nawalan ako ng sasabihin. Parang umurong ang dila ko dahil hindi ko alam kung paano makakabawi sa lahat ng sinabi ni Papa sa'kin. He has a point pero meron din naman akong gustong ipaglaban. Mali kasi ang gumamit ng taong totoo ang pagmamahal sa'yo para lang makalimutan mo ang unang taong minahal mo nang lubusan. 

"Understand, anak. Think outside the box. If you're mad at him, hindi lang naman ikaw ang nakakaramdam ng ganyan. Maybe he's mad at himself too, siya yung nakagawa ng kamalian. Maiintindihan mo rin lahat anak, nangyayari lahat ng bagay dahil may rason."

Iniwan ako ni Papa mag-isa sa garden matapos non. Napakamot na lang ako sa aking ulo, naubusan talaga ako ng isasagot kay Papa kanina. I combed my hair using my fingers, kasabay non ang pag-vibrate biglaan ng phone ko. 

Lumabas ang pangalan ni Samson sa screen, two text messages from him.

Samson:

Hi? Uhm, kung mabasa mo man 'to, okay lang  naman na 'di ka na mag-reply. Basta ang importante nabasa mo 'yung message ko sa'yo. I'm sorry dahil sa nagawa ko, I know you're mad at me. Really mad. It's too obvious love but I'm not gonna be sorry for loving you. Ginawa ko lang naman 'yon dahil mahal kita and Ingrid agreed, okay? But I know, I'm wrong. I'm really sorry. Sana... Sana maging okay na tayo.

Samson:

I changed my mind. Sana pala kahit papano mag-reply ka. Kahit siguro "ok" lang ay ayos na sa'kin. :)

Hindi ako nag-reply. Bagkus ay pumasok na lang ako sa loob ng bahay at pinagtuunan ng atensyon ang anak ko.

Steve:

Hey, Lilah! :) Uhm, bukas na yung birthday ni Simon. I'll fetch you by 7:00 pm, a'ryt?

Mabilis akong nag-tipa ng reply para sa message ni Steve and I said okay.

Steve:

May dadating sa bahay niyo tomorrow morning. I'll hope na magustuhan mo 'yon.

Ako:

Ano 'yun?

Steve:

Makikita mo bukas. Oh, I'm excited! See you tomorrow, Lilah. I'm sorry kung hindi ako makakapunta sa inyo ngayon, I have many cases to take care of. Ang daming nagsasampa ng kaso, ang kokomplikado pa.

I smiled, ang sipag naman ni Steve. 

Ako: 

It's okay. 'Yun nga lang miss ka na agad ni Mama. HAHA.

Steve:

Oh, tell Tita I miss her too. Lol. Ikaw ba, hindi mo ako na-miss? :(

Ako:

Kakakita lang natin kahapon. Why would I?

Steve:

Ako kasi miss na kita. <3

Ako: Tumigil ka nga! Haha. Sige na, thanks for reminding me, Steve. Go and work :)

Steve:

Yes, ma'am! I love you.

Nawala ang ngiti sa mga labi ko. I still don't think na deserving ako para kay Steve but even though how many times I tell him that he deserves someone better ay hindi niya ako pinapakinggan, hindi siya napapagod.

Ako ang napapagod kaka-explain.

Napatingin ako sa orasan at halos maga- alas otso na pala ng gabi. Dumeretsyo ako sa kwarto ni Lance at dinala siya sa banyo.

"Mommy, I can bath myself na po..."

Ngumuso ako, "Talaga kaya na ng anak ko na hindi siya pinapaliguan ng mommy niya?"

Ngumisi si Lance, "Opo! Big boy na po ako and I already know how to wash my hair properly, how to scrub my body and how to-"

Ngumiti at ako mabilis siyang hinalikan sa pisngi, "Okay, that's enough. I'll leave you here, okay? Wag mo lang i-lock ang door. Wag ka rin masyadong mag-tagal, hugasan mo lang ang katawan mo para matanggal ang init."

Ngumuso si Lance, "Para nga pong hindi pa tapos ang summer, mommy. Ang init pala dito sa Philippines!"

"You want to go back to New York?"

Biglang ngumiti ng malapad si Lance, "No! Mommy, ang lamig pala dito sa Philippines!"

Sinarado ko na lamang ang pintuan at mabilis na bumaba. Mabilis na lumipas ang oras, pag-akyat ko nga ulit sa kwarto ay nakapag-bihis na si Lance. Gusto ko pa nga siya sanang basahan ng story but he said no, matutulog na raw agad siya para tumangkad. Nagmamadali atang lumaki ang anak ko!

Alisha went home at doon na lang daw muna mag-stay sa bahay ng family member niya somewhere near here in Cavite too. Pumayag naman ako dahil umuwi nga siya na may dalang pasalubong para sa mga kamag-anak niya. Mag-isa lang tuloy ako dito sa sala. Maya-maya ay nagtaka ako kung bakit may naririnig akong ingay mula sa bakuran, bukas din ang mga ilaw doon.

Tinignan ko ang kusina at doon ko naaninag sila Papa at Samson na nag-iinuman. Nag-iinuman. Na naman. Nag-iinuman na naman! Napailing na lamang ako at hindi na sila titignan nang mapansin kong pinatay na nila ang ilaw doon, maya-maya ay pumasok silang dalawa at niluwa sila ng pintuan.

"O, anak!" ani Papa saka ako tinuro. Napatingin naman sa'kin si Samson, nag-iwas ako ng tingin. Lumapit sa'kin si Papa at tinapik ako sa balikat, "Asikasuhin mo muna si Lance ha? Hindi na makakauwi 'yan dahil lasing na lasing. Ako pa naman ang magiging future father in law niyan!"

Napapalo ako sa noo ko dahil sa kahihiyan. Nang sumulyap ako kay Samson ay para naman siyang walang pakealam. I sighed, "Samson, umuwi ka na lang." ani ko bago siya itinulak palabas. Pasalamat na lamang ako at umakyat na si Papa sa taas.

Lumingon siya sa'kin at sinarado ang front door. Namilog ang mga mata ko nang ini-lock niya 'yon. Sinubukan ko pang buksan 'yon at abutin ang door knob pero pilit niya akong hinaharangan. Ngumisi siya sa'kin bago ako yinakap.

"Dinosaur, oh!" asik nito bago tumawa ng malakas.

Kumunot ang noo ko, "Ano?"

Kinurot niya ang pisngi ko bago sinapo ang pisngi ko at madiin akong hinalikan sa pisngi.

"Ang cute cute ng dinosaur ko! I love you!"

***

sorry for the typos. 
jeweeelwrites - twitter


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top