Chapter 27

Chapter Twenty-Seven
Pain

Ang bilis ng dalawang buwan. Two months, two months already passed at pasukan na naman. From the first months up to this third one, I drowned myself with work. I got busy and I let myself get busy. The kind of busy that I still have time for my child. Ynez was back too, a little late nga lang. May nangyari raw na problema sa family nila. Her dad was hospitalized, biglaang inatake sa puso but gladly, her dad is now alright.

Ilang buwan na rin akong kinukulit ni Steve about something. Hindi ko alam kung ano 'yon dahil hindi ko naman pinagtutuunan ng pansin but he kept on asking me about going out with him. I kept on saying NO, na ayoko. Ayoko talaga. After what happened at Palawan, parang ayoko na makipagkita sa kung sino mang nai-involve sa'kin.

Pakiramdam ko kasi madadamay lang talaga sila sa gulo ng buhay ko. So chaotic, so fucking dramatic.

Biglaang nag-ring ang phone ko na nasa ibabaw ng table ko. Ynez glanced at me, nginungusuan ang cellphone ko. I rolled my eyes and shook my head, hayaan mo na lang na tumawag. Wala akong balak sagutin. Nagulat na lang ako ng biglaang dinampot ni Ynez ang cellphone ko at siya ang sumagot ng tawag.

"Hello?" Kumunot ang noo ni Ynez. My forehead creased too, "Alisha? Ah, best friend ni Delilah?" Tumingin sa'kin si Ynez at itinaas ang isa niyang kamay sa level ng kanyang tiyan, parang sumesenyas na mag-hintay ako.

"Okay, ibibigay ko na ang cellphone."

Ynez handed me my phone. I even rolled my eyes at her at tanging pag-simangot lang sa'kin ang ginawa niya pabalik. I sighed before answering.

"Yes, Alisha?"

[ "Hey, are you busy? Gusto ko lang sabihin na medyo napaaga na ako ng uwi. Bukas na ang uwi ko, susunduin mo naman ako diba?" ]

Napatango ako, "Yeah. I can, Saturday naman bukas rito. How's Tita?" tanong ko.

Dapat noon, after one more week ay uuwi na si Alisha ng Philippines pero something happened with her Mom. Sinumpong na naman ito ng sakit nito noon na matagal na rin namang nawala pero mukhang bumalik na naman. Tita needed a therapy. Alisha wanted to go home pero mas gusto niya munang bantayan ang magulang niya kasama ang iba niyang kapamilya. Nang lumipas, naging maayos din naman ang pakiramdam ni Tita. Fortunately, ang sabi ng doctor ay hindi na raw babalik ang sumpong.

[ "She's finally okay. Madaldal na nga ulit, e. Nakikipaglambingan na kay Daddy..." ] Natatawang sabi ni Alisha. [ "I miss you, girl. Excited na akong makita ka bukas. Ikaw lang ba ang susundo sa'kin?" tanong ni Alisha.

I was about to answer nang biglang bumukas ang pintuan ng faculty. Niluwa non si Samson na tumama naman ang tingin sa tingin ko. Biglang nagbago ang emosyon ko, nawala ang ngiti sa mga labi ko. I quickly avoided his gaze and continued talking to Alisha. Balak kong i-kwento kay Alisha ang lahat ng nangyari bukas, sa bahay din naman namin siya uuwi for tomorrow kaya ayos lang. Our call ended at nagpatuloy ako sa pagta-trabaho.

Nang dumating ang uwian ay nauna ng nag-paalam sa'kin si Ynez. I kept on avoiding Samson, ayoko nga siyang makita. Unfortunately ay ka-trabaho ko naman siya. Bakit pa kasi siya lumipat sa school na 'to? Okay na nga don sa isa! Kahit na katapat lang ng school ang school na dati niyang pinagta-trabahuhan ay okay lang, basta hindi ko siya nakakasama ng matagal! Naalibadbaran lang ako.

Pumunta ako sa parking lot ng school upang puntahan ang kotse ko. Nang makita kong naandoon na rin si Samson ay dali-dali akong sumakay sa sasakyan at ini-lock ang pintuan. I started the engine at nag-drive palayo. Hindi ko alam kung ako lang ba 'yon o talagang sinubukan akong lapitan ni Samson kanina.

When I got home Lance welcomed me.

"Hi, Mommy! May nakuha po akong star sa school, it says very good. Wag ka mommy, tatlong stars po 'yan!" Itinaas ni Lance ang kanyang kamay at doon ko nakita ang tatlong star. Natawa ako, marunong ng mag-yabang ang anak ko!

Ginulo ko ang buhok niya at mabilis siyang hinalikan sa pisngi, "So proud of you, Lance. Keep studying hard, okay? Dapat paglaki mo may awards ka pa rin para laging aakyat si Mommy sa stage! Okay?"

Lance eagerly nodded and wrapped his arms around my neck, "Opo, mommy. I will always make you proud..."

Ngumiti ako at tinapik ang kanyang likod, "Promise?"

Naramdaman kong tumango ang anak ko bago isiniksik ang mukha sa aking leeg, "Promise, mommy. Always!"

Lance is my happiness. At my dark days, kapag nakikita ko ang anak ko ay siya na lamang ang tanging nagpapasaya sa'kin. Kahit na maraming problema, seeing my son smile - it just take away all the pain somehow. Ganoon ang epekto sa'kin ng anak ko. So strong, so real. Kaya mahal na mahal ko ang anak ko. Thinking about Lance, bigla kong naalala si Alston na nakita ni Lance at Daniel sa Palawan two months ago.

Daniel never talked to me about it kahit na nagkikita kami. Sa mall, kapag nagsasalubong kami at medyo matagal na nag-usap ay hindi niya na ipinapasok ang topic na 'yon sa usapan namin. Though, he kept on asking about what happened between me, Samson and Ingrid. Devastated daw kasi ang gago katulad ng pagkakatawag ni Daniel sa pinsan niyang si Samson.

I told Daniel about it. Hindi na raw siya nagulat sa nangyari. He knew all along na hindi pa nakaka-move on sa'kin si Samson and that he still loves me like before. Kilala niya raw ang pinsan niya ng lubusan. Kung mahal daw ni Samson si Ingrid ay ano na raw ang tawag sa klase ng pagmamahal sa'kin ni Samson. Sinagot ko siya noon na hindi ko alam.

Obsession ba naman daw. Obsessed daw sa'kin si Samson. I laughed at it, hindi ko sineryoso pero deep inside, ewan ko ba. Although, I'm mad at Samson - parang gusto ko rin na maniwala. Ang gulo ko lang talagang babae!

Lance headed to his cousin's room at doon binulabog ang mga pinsan niya. Ako naman ay dumeretsyo sa kitchen at hindi inaasahan na makikita doon si Steve. I creased my forehead, aba? Enjoy na enjoy sila sa pag-uusap ni Mama, a?

"Ma..." tawag ko bago tumikhim. Nagulat pa si Mama nang tumingin siya sa'kin. She smiled and kissed me on the cheek.

"Anak! Andito ka na pala, hindi ko man lang narinig o napansin na bumukas ang gate!" ani Mama na pumapalakpak pa na para bang ang saya saya niya. Gusto kong matawa pero hindi ko magawa dahil naiilang ako sa mga titig ni Steve!

"Ma, masyado ka kasing focused kay Steve. Para kang nagdadalaga kung makipag-usap sa kanya, sumbong kita kay Papa!" ani ko bago siya yinakap at tumawa ako nang malakas nang biglang sumimangot si Mama.

"H'wag, 'nak! Mahirap amuhin ang tigre, baka mapunta pa kami sa kama-ay!"

"Ma!" sigaw ko. Nahihiya kay Steve. Steve just laughed at ginatungan pa ang joke ni Mama.

"I'm sure that hindi niya kayo matitiis, may asim pa Tita!" biro nito.

"Boto na ako sa'yo!" Natatawang sabi ni Mama bago mag-thumbs up. Napapalo na lamang ako sa aking noo dahil ako ang nakakaramdam ng hiya sa pagitan nilang dalawa, kailan pa naging ganito ka-close ang dalawang ito? Hindi ko alam, a!

Umalis si Mama sa kusina. Ako naman ay naiwan doon kasama si Steve. Kumuha ako ng tubig at kinuha ang pitcher sa refrigerator, Steve sat on the high chair. Humarap ako sa kanya at mabilis na tumaas ang aking kilay.

"What are you doing here?" tanong ko bago umupo sa tapat niya.

"Visiting you." He smiled, nagpapa-cute.

Umirap ako, "Wala ako sa preso. Kung ganon nga, tapos na ang visiting hours. Pwede ka nang umuwi." anas ko bago inilapag ang basong tapos ko ng inuman.

Napatawa siya bago napangalumbaba, "Ang sungit mo na. Bakit ganyan ka?"

Napangisi ako, "Masungit talaga ako. Pinlastic lang kita." Nag-pigil ako ng tawa dahil napasimangot siya pero alam kong hindi siya magpapatalo sa lokohan naming dalawa. He smirked at me at hindi ako nilubayan ng tingin.

"Ang ganda ganda ganda ganda mo, Delilah." He smiled and looked at me, he even used his eyes! Nag-puppy eyes si Attorney!

"Attorney Steve, pwede bang tigilan mo ako sa pagpapa-cute mo? It's too much!" asik ko bago itinaas ang dalawa kong braso sa shoulder level bago itinapat ang mga kamay ko sa kanyang mukha, ayokong makitang nagpapa-cute si Steve.

Hinagip ni Steve ang palaplusuhan ko bago patuloy na natawa, "Para kang fifteen years old. Nagpa-cute lang naman ako, kinilig ka na."

I rolled my eyes, "Ugh, Steve! Kailan ka pa naging banatero?"

He grinned, "Kahapon lang."

Umirap na naman ako. Hindi ko talaga mapigilan! He laughed at me, patuloy pa rin kasi siya sa pang-aasar sa'kin. Nanatili siyang nangalumbaba habang nakatitig sa'kin, ako naman ay uminom uli ng tubig.

"Stop staring at me like that. Hindi naman ako mawawala."

"I want to stare at you until you melt. Gusto ko matunaw ka then I will mold you once again into a new Delilah. A new you, a new heart. Para ako naman ang mahalin mo..."

Halos mapabuga na ako ng tubig sa narinig ko. Pakiramdam ko ay umangat lahat ng dugo sa aking pisngi. Umiwas ako ng tingin, itinulak ko ang baso papalapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit 'yun ang ginawa ko pero 'yun ang nangyari! He even asked me to gave him the pitcher at uminom nga siya ng tubig. I wanted to laugh at myself, para akong tanga talaga.

"So, ano? Payag ka na ba? Lalabas lang naman tayo, Lilah!" ani Steve na patuloy pa rin akong kinukulit. Changing the topic.

Isinarado ko ang refrigerator at lumingon sa kanya, "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa yacht..."

Namilog ang mga mata ko, "Ano kamo?"

"Sa yacht. May party doon. Gaganapin ang birthday ng kapatid ko and I want to bring you with me. Nai-kwento din kasi kita sa kanila."

"S-Si Simon?" Bigla kasing pumasok sa isip ko ang ginawa noon ni Simon, dahilan upang malaman ko ang totoong nararamdaman ni Steve para sa'kin.

Tumango si Steve. "Please?"

Huminga ako ng malalim. "A-Ayoko talaga..."

"Then I won't go."

"Ano? W-Why?"

Ngumuso si Steve, "E, hindi mo naman ako sasamahan, e."

"Steve." I said his name in a warning tone.

"Ayokong mag-punta roon kung hindi kita maisasama. I'll get bored..."

"Am I an entertainment to you?" tanong ko, nakataas ang isang kilay.

"No! Syempre gusto ko lagi kitang nakikita. Wala ka don, I won't be happy..."

Ito na nga ba ang kinatatakot ko. Yung dadating sa punto na parang sa'kin na nakadepende ang kasiyahan ni Steve. Mali 'yon, e.

"So, please? Come with me? Just this once, I promise!" Steve raised his right hand and using his left hand, he drew an imaginary cross on the part of his chest where his heart is.

Napabuntong hininga ako, I was left with no choice. With a sigh, I answered him. "Okay. Just this once, okay?"

Umangat ang isang gilid ng labi ni Steve, he smiled at me and winked. "Thanks, Delilah..."

*

Hindi pa pinauwi ni Mama si Steve. So pumunta kami sa living room kung saan nakakalat ang ilang mga albums sa ibabaw ng center table. Nagulat nga ako na nahagilap ni Steve ang isang album doon kung saan puro litrato ko noong bata pa ako. Meron pa nga ako doon na walang pampers!

"Oh, look! Wala kang pampers, o. And you're crying!" Parang enjoy na enjoy si Steve na pansinin ang mga picture ko. At talagang sinabi niya pa sa'kin ng harapan na wala akong pampers! Ugh, Steve! Seriously!

"Akin na nga 'yan!" Balak ko sanang kunin pero agad iyong naiiwas sa'kin ni Steve.

"No! I want to look at all your photos. Wag mo ngang agawin, tinitignan ko pa, e." Steve said, parang batang inatake ng tantrums. Napabuntong hininga na lamang ako at umupo sa sofa, sa tabi niya.

Steve pointed a picture of me na siya ring nagpatawa sa'kin. I was eating an ice cream, popsicle iyon kaya naman ang kalat. Punung-puno ng chocolate ice cream ang bibig ko at paiyak ako noon, siguro nangilo nga ang ngipin ko noong mga panahong 'yon.

"You look cute here, Delilah." turo ni Steve sa isang picture kung saan nakatuntong ako sa isang upuan at tuwang-tuwa dahil ka-level ko na ang tangkad nila Kuya Oliver at Kuya Damon. Steve laughed at me when I told him the story behind the picture, ang laki raw ng kagustuhan ko na tumangkad na siya namang hindi nangyari. Hindi naman sa maliit, normal lang ang height ko. Ang kaso, gusto ko talaga ang pagiging matangkad.

"Pangarap ko 'yon, e!" asik ko bago siya inirapan.

Natawa si Steve bago kinurot ang pisngi ko, "Ayos lang 'yon. Para compatible tayo, you're short and I'm tall. Bagay tayo!" biro niya pa.

Napailing na lamang ako. Napatingin kami sa pintuan nang bigla itong bumukas. Nandoon si Samson na matamang nakatitig sa'kin.

And nang mapatingin ako sa kanyang mga mata, I saw the same emotion he had two months and eight years ago.

His eyes, its full of pain.

***

a/n: sorry for the typos.

Twitter: jeweeelwrites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top