Chapter 25

Chapter Twenty-Five
Katotohanan

Knowing that Alston came here, mas lalo akong kinabahan. Hindi ko pa rin nasasabi kay Kenneth dahil hindi pa rin siya bumabalik. Si Ynez din ay wala pa.

"Hey, are you alright?" Malumanay na tanong ni Steve nang umupo siya sa tabi ko. I glanced at him bago ako tumango.

"I am. May iniisip lang..." Pag-amin ko. It's true, talagang pre-occupied ako ngayon. Naguguluhan ako kung bakit nakikisawsaw siya sa nangyari, dapat nga ay hindi niya na lang pinakinggan ang mga 'yon.

I creased my forehead nang maalala ko ang isa sa mga sinabi niya. Inagaw ni Alston ang dapat na sa kanya? Ano naman 'yon? I let out a heavy sigh, dahilan para mapatingin na naman sa'kin si Steve. Nang sumulyap ako sa kanya ay kita ko sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala.

"You can tell me what's bothering you. Nag-aalala talaga ako sa'yo, Lilah..." ani Steve bago hinawakan ang kamay ko.

Medyo nagulat ako dahil sa ginawa niya pero hindi ko iyon tinanggal. I somehow felt safe and I felt the comfort while he's holding my hand. Tipid akong ngumiti at muling huminga ng malalim. 

"Y-Yung ama ng anak ko..." Halos pabulong ko ng sabi at tumingin nang deretso sa kanyang mga mata. He narrowed his eyes and his lips formed a thin line, listening.

"He's here. Yung oras na nag-aalala tayo kung nasaan nga ba sila Lance at Daniel... Nakita pala nila si Alston. The father of Lance and Lance... He looks so happy pero h-hindi niya pa alam na 'yun ang tatay niya..." I bit my lip and blinked a few times.

Bigla na lang akong naging emosyonal, ewan ko ba. Parang gusto kong umiyak dahil sa nararamdaman kong takot at kaba. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako pero 'yun ang nararamdaman ko. It's not like Alston's gonna take away my child right? Our child. 

Ang daming tanong na biglang tumakbo sa isipan ko. Kung kakayanin ko bang makita siya kung sakaling pagtagpuin ulit kaming dalawa? Kung kakayanin ko bang gawin ang bagay na hinihiling ni Lance na kapag nakita ko raw ang tatay niya, buuin ko raw ulit ang pamilya namin. Kakayanin ko bang ayusin ang namagitan sa amin ni Alston kung ang totoo ay siya naman ang hindi bumalik man lang para sa'kin?

Kakayanin ko bang gawin 'yon kung hindi ko mahal si Alston. Mahal ko si Samson, mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Pero mas mahal ko ang anak ko. Hindi ko alam kung kaya ko.

"Do you have plans on telling Lance that Alston is the father? Kapag nagkita ba kayo rito sa Palawan at nagkataong kasama mo si Lance... would you tell him?"

Lumunok ako. Nanunuyo ang lalamunan ko. Pakiramdam ko ay may isang malaking bara na naandoon. Steve squeezed my hand and he lifted his hand, caressing my cheek before smiling sweetly. 

Steve leaned, pulling me closer to him. Lumapat ang braso ni Steve sa aking balikat, tapping my left arm, he breathed. Napapikit ako dahil sa init ng katawan ni Steve. I don't know if it's normal pero it feels warm, really warm.

"Whenever you feel like this, Lilah... Gusto kong sabihin mo sa'kin. I want to hear all of your problems. I want to comfort you like you always did for me, I want to see you smile kagaya na lang ng ginawa mo sa'kin. You can do this. After all, alam ko namang gusto mong sumaya ang anak mo. You want Lance to be happy, you're a loving mother."

Awtomatikong sumilay ang isang ngiti sa aking labi. Steve hugged me even tighter and kissed  my hair, pinayagan ko siyang gawin 'yon. Nang humiwalay ako sa yakap ay bumitaw na rin siya sa pagkakahawak sa kamay ko.

"Thank you, Steve..." buong pusong sambit ko bago matamis na ngumiti. Somehow, gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ginawa at sinabi niya sa'kin. It feels good, I felt that I was at ease somehow. 

Nang maalala ko ang isang bagay ay hindi ko na napigilan ang sarili ko mula sa pagsasalita, "Uhm Steve about your... your feelings and yung panliligaw mo sa'kin..."

Lumingon sa'kin si Steve. Half smiling, gulu-gulo ang buhok at namumungay ang mga mata. Ngayon ko lang 'to napansin, marahil ay masyado akong pre-occupied sa problema ko. He looks sleepy, siguro dapat ay bukas ko na lang sabihin.

"Bukas ko na lang sasabihin. You look sleepy, you should rest." ani ko bago tatayo na sana pero agad siyang nag-salita upang pigilan ako. I looked at him, nagtataka.

"You can tell it to me now. Good or bad, ayos lang. Galing naman sa'yo..." He even chuckled and that made me smile, at least he's not the type of demanding manliligaw. He respects my opinion.

Humarap ako sa kanya, hindi na ulit umupo. I crossed my arms over my chest and smiled, "Thanks for waiting for me Steve..." Nawala ang ngiti sa labi ko. "P-Pero hindi ko alam kung saan ang papatunguhan ng ginagawa mo. I-I mean I like you, yes, but as a friend and I can't really see myself liking you..." Tumungo ako at pinaglaruan ang sarili kong mga daliri. This is better than making him assume things, siya lang ang masasaktan sa huli kapag nagkataon.

Steve sighed and smiled, "It's okay. I'll still wait. People change, feelings pa kaya nila? Kahit na walang patunguhan, at least I took the risk. And kahit walang magandang resulta sa huli, kahit masaktan ako, it's alright because I love you. It's alright because I want  you happy..."

Parang sumikip ang dibdib ko sa mga narinig sa kanya. Bakit ganito siya sa'kin? He deserves more. Dapat sa ibang babae na lamang siya nagka-gusto at hindi sa'kin. I will only hurt him, I'm not good for Steve. He's such a good guy and I'm... I'm nothing. I'm worthless.

"For me, loving you is worth it, Lilah. Taking a risk for you, it's my choice. And you will always be my choice, you know that."

*

Ang ingay sa labas. 

Kumunot ang noo ko nang makarinig nang ingay na nanggagaling sa labas. I stretched my back and yawned, nakatulog pala talaga ako. After the conversation, Steve and I had - mas naging maluwag ang pakiramdam ko although nag-aalala ako sa para sa nararamdaman niya sa'kin. Para sa kanya. Nag-aalala ako. Sumakit ang ulo ko kanina kaya umakyat ako sa kwarto para matulog and when I looked at the clock, ten na pala ng gabi. Tumingin ako sa kabilang kama at nandoon si Hazel at Lance, sleeping peacefully. Napangiti ako bago tumayo at lumapit sa kanilang dalawa. I kissed Lance's forehead and slightly pinched Hazel's cheek, kamukhang kamukha niya talaga ang kuya niya.

Bumaba ako at dumeretso sa labas. Sa di kalayuan ay nakaupo sa sand ang lahat ng kasama naming mga adults. Even Daniel was there, si Mariah ay nasa loob na at tulog na din. Nadaanan ko pa nga si Rocco na nandoon sa sofa at naglalaro ng Xbox. Pumunta ako doon para sumama sa kanila.

Kenneth looked at me and smiled wildly, "Oy! Gising na ang ateng natin!" Natatawang sabi nito bago itinaas ang bote ng Red Horse. Kumunot ang noo ko, kaya naman pala maingay. Ang lakas-lakas ba naman kasi ng bunganga ni Kenneth. Lasing na ang bakla.

Hinagip ko ang braso niya bago iyon mabilils na ibinaba, "Ang ingay mo, alam mo 'yon. Tumigil ka nga..."

Kinamot ni Kenneth ang ilong niya bago umirap, "Sus. Pa-grand entrance ka pa kasi! Ni-welcome lang naman kita!"

Nag-tawanan ang mga kasama namin dahil sa narinig mula kay Kenneth. Sinuntok ko lang siya nang pabiro sa kanyang kanang braso. Sa 'di kalayuan ay naandoon si Steve at patakbong lumapit sa'min, may tig-dalawang Red Horse siyang hawak sa mag-kabilang kamay niya.

Nagtama ang tingin naming dalawa at ngumiti na lamang ako sa kanya. Bukas pa pala ang balik ni Ynez, I kept on waiting for her kanina pa. Siguro nasanay na talaga ako na kasama ang babaeng 'yon.

Umupo si Steve sa tabi ni Ingrid. On the other side of Ingrid was Samson na parang namumungay na rin ang mga mata at namumula pa ang tainga. Sigurado akong lasing na ang lalakeng 'to. Bumalik ang tingin ko kay Steve at bahagyang namumula na rin ang pisngi niya pero mas matindi ang kay Samson, mga walang paawat talaga.

Kenneth was drunk as well, so drunk. Halos mag-hubad na dahil naiinitan daw talaga siya. He removed his shirt at napakunot ang noo ko nang may makitang tattoo sa baba ng collarbone niya. I smiled, may pa-tattoo pang nalalaman si bakla. Hindi ko na rin naman masyadong nabasa dahil madilim na kaya naman hindi ko na 'yon pinagtuunan ng pansin. Mukhang ako lang din naman ang nakakita.

Binuksan ang isang bote ng Red Horse pero kay Daniel lang pala 'yon. Merong ipinasa sa'kin si Kenneth na punung-puno pa kaya naman kinuha ko 'yon at nag-simulang uminom. Ah, sometimes I really need to unwind! Tutal tulog na naman si Lance. Konti lang din ang iinumin ko para hindi na sumakit ang ulo ko. 

One hour passed and we're still outside at talagang nag-labas pa sila ng ilan pang alak. Naka-inom na ako ng isa't kalahati kaya tama na 'yon. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa. I was a bit dizzy, parang naduduling pa nga ako pero alam ko sa sarili ko na hindi ako lasing. Kilala ko ang sarili ko kapag lasing ako, kakanta kanta ako at parang wala na sa katinuan.

Nang mag-angat ako ng tingin ay tumambad sa'kin ang Ingrid na nakasandal sa dibdib ni Samson. Muntikan na akong umirap pero buti ay napigilan ko, ngumiti pa naman sa akin si Ingrid. Napunta ang tingin ko kay Samson, my heart jumped when I saw him staring back at me. He was staring at me intently, para akong lalamunin ng buhay. Pero kahit ganon ay hindi ko maalis ang tingin ko sa kanyang mga mata. There's this emotion na hindi ko alam, hindi ko mabasa.

May binulong si Ingrid dito kaya naman umangat ang gilid ng labi ni Samson. Parang may kumirot sa puso ko nang makita ang ngiting 'yon, hindi na naman ako dahilan ng mga ngiting 'yon. Ibang babae na. Si Ingrid na. Nag-lapat ang labi nilang dalawa at doon na ako tuluyang napa-iwas ng tingin. It hurts. Sobrang sakit pa rin pala talaga.

Ininom ko pa yung laman ng isang bote hanggang sa mangalahati ito hanggang sa tumayo na ako kahit medyo pagewang-gewang pa ako sa paglalakad. I don't care, ayoko silang makita! Naglalampungan pa sa harapan namin. 

Pwe, nakakasuka!

I rolled my eyes at pumunta sa may batuhan, doon ako umupo. Doon ko sila pinagmasdan mula sa malayo. Tse! Sige, magpakasaya kayo diyan. E di kayo na sweet, kayo na may forever kahit wala namang forever! Nangalumbaba lamang ako habang nakapatong ang siko ko sa aking mga hita, pinagmamasdan ang buwan. Ang liwanag! Parang gusto ko tuloy pumunta at mag-stay na lang doon.

Malay mo may alien doon. Kamukha siguro ni Samson, mukhang alien 'yung gunggong na 'yon, e. At least sa moon walang Ingrid at kung may Samson man at least alien, 'di na ako magkakagusto doon. I sighed and cursed a lot of times, I feel like a desperate woman. Parang gustung-gusto kong mawala sa landas ko si Ingrid. I hate it, I'm starting to hate myself.

Pero ganoon naman talaga diba? Once you love someone, kahit na sabihin pa ng iba na selfish ka - you'll still do everything para maging sa'yo lang siya.

In my case, wala naman akong ginagawa. In my mind, ang dami ko ng plano para makuha ko ulit si Samson pero sa tuwing lalapit siya sa'kin and he'll give those damn signals, ako na mismo ang umuurong. Parang hindi ko kaya. Although naiisip ko na agawin siya kay Ingrid, hindi ko magawa. I'll hurt Ingrid at ayokong mangyari 'yon.

Ayos na 'yung sa imagination ko lang.

Bababa na sana ako nang bigla kong marinig ang isang pamilyar na boses. When I looked at my side, nakita ko si Ingrid na nakatayo at nakatitig din sa buwan.

"Why did you walk away?" tanong niya pero hindi lumilingon sa'kin.

"Pakealam mo ba?" I wanted to cover my mouth because of what I said pero siguro ay dala na rin ng epekto ng alak. Nagiging straightforward na ako!

Narinig ko ang malakas na pag-tawa ni Ingrid. Naluha-luha pa nga ang gaga, buong akala ko ay maiinis sa'kin. I creased my forehead, lasing na din ito panigurado. Namumula na ang balat, e. Bakit ako di namumula? Di naman kasi ako maputi. Kayumanggi lang.

"May sasabihin ako sa'yo..."

"Hindi ako interesado..." bulong ko.

"Talaga?"

"E, ano ba kasi 'yan?"

"Pft. I thought hindi ka interesado?"

Tumaas ang isang kilay ko, "E, bakit ba? Nagbabago isip ng tao!"

Napangisi niya, "Feelings niyo lang hindi..."

"Ha?"

"May sasabihin ako, Lilah."

"Ano nga?"

Ingrid finally looked at me, giving me that sad smile na parang nagpakonsensya sa'kin. She sighed and sat beside me, umupo sa ibabaw ng batuhan.

"The truth..."

***

a/n: sorry for the typos.
Twitter: jeweeelwrites 

Dedicated to ANAtheCowgirl 

Hi Ate! Thanks sa mga advice. para sa'yo 'to. Loveyou!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top