Chapter 24

Chapter Twenty-Four
Lalaki

Padabog akong lumabas ng bahay pero nang madatnan ko sila Steve na malapit na sa'kin ay nagkunwari na lang akong kalmado. Hazel and Mariah were having fun, isa si Mariah sa pinsan nila ng Kuya niyang si Samson. Daniel wasn't there, naningkit ang mga mata ko. Where's Lance?

Inilibot ko ang tingin ko at napansin na wala din si Kenneth. Rocco was sitting beside Hazel na siya namang hindi namamansin. Nakikipagtawanan lang si Hazel sa pinsan niya habang si Rocco naman ay patuloy ang pagpapapansin sa nobya, nag-away siguro ang dalawa.

"Nakita mo ba ang anak ko?" tanong ko kay William na ngayon ay naka-upo mag-isa at gumagawa ng sand castle. Akala mo naman talaga bata.

Hindi nag-angat ng tingin si William pero mabilis niya namang sinagot ang tanong ko, "Hm. Kasama yung Daniel, diba? Baka namasyal-masyal lang..."

Tumango ako, "Oo. Kasama niya 'yong lalaking 'yon kanina pa. Ang kaso saan naman sila magpu-punta?" tanong ko.

"Nawawala si Lance?" Biglaang sumulpot si Steve sa isang gilid. Halata rin ang pag-aalala sa boses niya.

Umiling ako, "H-Hindi naman. Tinanong ko lang kung nasaan. Baka kasi bumalik rin naman 'yon..." ani ko bago ngumiti ng matipid.

"Ayos ka lang ba? Kapag hindi pa bumalik ang dalawang 'yon ay hahanapin na natin sila." Seryosong saad ni Steve saka ako tinitigang mabuti, sinusuri ang mga reaksyon ko.

I smiled, "Salamat..."

Tinitignan ko ang cellphone ko kung may mga text ba galing kay Daniel ngunit wala. Ni isang mensahe ay wala. I asked for his number earlier para malaman ko kung napalayo ba sila ni Lance o hindi sa oras na hindi namin sila mahagilap.

Now, I'm freaking worried. Lagpas trenta minutos na ang lumipas pero walang Daniel at walang Lance pa rin ang bumabalik. I'm starting to panic! Ayokong nawawala sa paningin ko si Lance.

"Wala pa rin ba?" tanong ni William sa'kin, sinisilip ang cellphone ko. Mabilis akong umiling, kinagat ang pang-ibabang labi. Nag-aalala na talaga ako, palubog na rin ang araw!

Tumayo si Steve at isinabit sa leeg niya ang camerang kanina niya pa hawak-hawak. Luminga-linga siya, naniningkit ang mga mata.

"Palubog na ang araw at wala pa rin sila. Where could they possibly go? Hahanapin ko na sila..."

"I texted Daniel pero wala. Walang reply na nanggagaling sa kanya, wala akong natatanggap..." anas ko.

"Saan na kaya nag-punta ang dalawang 'yon?" ani William at kumunot ang kanyang noo. Tumayo na rin ito at sinabing sasama siya sa pagha-hanap.

Aalis pa lang sana kami nang biglaang may sumigaw. Mabilis akong napalingon sa direksyon kung saan nanggagaling ang boses. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Daniel na hawak-hawak si Lance sa kamay at sabay silang tumatakbo.

Para akong nabunutan ng tinik nang makita ko silang tumatakbo papalapit sa'kin. I smiled a little and sighed, buti na lang ay bumalik na sila bago pa ako mag-overreact.

Kumaway si Lance habang hawak-hawak ang isang keychain, gumagalaw rin ito at sumasabay sa paggalaw ng kanyang kamay. Nanliit ang mga mata ko, kanino galing 'yon? Ah, baka binili nila ni Daniel.

"Mommy!" Maligayang sigaw ni Lance bago tinalon ako ng yakap. I was careful with my actions, hinawakan ko siyang mabuti. Baka kasi mamaya ay mahulog.

I ruffled his hair and kissed the top of his nose, "Saan kayo galing ng Kuya Daniel mo? I was worried. Akala ko kung saan na kayo napunta, e..." sabi ko kay Lance.

Lance shook his head and kissed my forehead quickly, "Diyaan lang naman po mommy. Look at this," aniya bago ipinakita sa'kin ang keychain na kanina niya pa hawak-hawak mo.

"Binili ng Kuya Daniel mo?"

Mabilis siyang umiling, "No, mommy..."

Kumunot bigla ang aking noo. Who gave Lance the keychain kung hindi si Daniel?

"Sino ang nag-bigay sa'yo niyan?" Naguguluhan kong tanong sa anak ko.

"The guy. Kinausap po kasi si Kuya Daniel and its like they know each other very well naman po. Kaya Kuya Daniel introduced me to the guy... He gave me this!" Tuwang-tuwang sabi ni Lance bago tinitigang muli ang keychain na hawak-hawak.

Kumunot ang noo ko, "Hindi ba sabi ko ay don't talk to strangers, Lance?" Naningkit ang mga mata ko, tinaas ko ang isa kong kilay bago sumimangot.

Hindi man lang natakot si Lance. He chuckled and hastily kissed me again on the cheeks, "Yes, Mom. I know that. Kasama ko naman po si Kuya Daniel, e. It's okay..."

Nagpababa na si Lance at tinignan ko si Daniel na nakatayo lang sa 'di kalayuan. He kept his hands on his pockets at nang mag-tama ang mga tingin namin ay para bang alam niya na nag-kwento na si Lance about what he did.

Napasimangot ako, "Did the guy told you his name? What's his name?" tanong ko kay Lance.

"Alston. He said his name was Alston, Mom. He's so tall!" Itinaas ni Lance ang kanyang mga braso na para bang ipinapakita sa'kin kung gaano kataas ang lalakeng nakausap niya kanina.

Something crept into my heart upon hearing the guy's name. Kumunot ang noo ko, "Come again?"

Lance smiled wildly, "Alston. Ang bait niya, Mom..."

Namilog ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa mga narinig mula sa anak ko. Bumilis ang pag-kabog ng puso ko. Oh god, seryoso ba ang anak ko o baka naman nagka-mali lang siya ng dinig?

"Sure ka, baby? Hindi ba Ashton ang pangalan?" tanong ko. I shook my head to push away the thoughts na sabay sabay ng lumilitaw sa isip ko. Ang lalakeng hinahanap ko!

Ang ama ng anak ko.

Umiling si Lance, "Alston is really his name, Mom. Di po ako nagkamali ng dinig..." Bumaling si Lance kay Daniel, "Right, Kuya?"

Tipid na ngumiti si Daniel bago bumuntong hininga, "Right..."

"Alston..." bigkas ko sa pangalan na halos sa pabulong na lamang na paraan. Pumunta ang kamay ko sa parte ng aking dibdib kung nasaan ang aking puso.

Nakakakaba. Kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari kung sakaling totoo nga ang narinig ko mula kay Lance at kay Daniel.

Hindi ko na alam ang gagawin ko!

*
"Why do you even know Alston?" Naniningkit ang mga matang tanong ko kay Daniel.

He shrugged, "He's a friend of mine. Alangan namang hindi ko siya kilala?" Sarkastiko niyang pag-baling sa akin.

I frowned, "Anong-"

"Ako na ang magpa-paliwanag para hindi ka na mag-tanong. He's a friend of mine and alam niyang magka-kilala tayo although hindi ganon ka-close. He knew I was here, matagal na rin siyang umuwi sa Pilipinas. Saktong naandito rin siya. Hindi ko alam kung sadyang nagkataon lang or he's been looking after you after all those years na nakalipas matapos ang nangyari sa inyong dalawa..."

"H-How did you know about that?" I stuttered, trying to ask him the proper and the most accurate question.

"He's a friend of mine, remember? Bago pa nga kita nakilala na girlfriend ni Samson ay kilala ko na siya. He's actually my best friend..." Pagke-kwento ni Daniel.

I gulped. Magkakilala pala sila? That's why! That's why parang iba ang titig sa akin ni Daniel kanina pa, that's why. Dahil baka alam niyang naandito rin si Alston sa Palawan!

"And he knows. Kilala niya si Lance..." Tumungo si Daniel para tignan ang kanyang inumin sa hawak niyang baso. My mouth formed an 'O'.

"Oh my god..." Napapikit na lamang ako at hinilot ko ang aking sentido. What the hell! Bakit kilala niya si Lance?

"Hindi niya makikilala si Lance kung hindi ka niya sikretong pinahanap, Delilah. Hindi niya makikilala si Lance kung hindi ka niya pinabantayn mula sa malayo..."

Pakiramdam ko ay nanghina ako sa mga nalaman kaya nagpasalamat na lamang ako kay Daniel at mabilis na umalis doon. Paglabas ko ay lumubog na ang araw, I wasn't able to watch the sunset. Hindi ko nasaksihan ang tuluyang pag-lubog ng araw.

"What are you doing here? Malamig na."

Napalingon ako at sa 'di kalayuan ay nakita ko si Samson na nakatayo at matamang nakatitig sa'kin. Para bang gusto niyang malaman ang mga emosyon ko at kung ano ang laman ng aking isipan.

"Papasok na ako." Malamig kong sabi dahil pilit kong iniiwasan si Samson. Mas pipiliin ko pa na si Steve ang bigyan ng atensyon ko kaysa ang lalakeng nanakit sa'kin years ago.

Nakalagpas na ako sa kanya nang biglaan siyang mag-salita at higitan ang braso ko.

"I heard your conversation with Daniel. All of it." Malalim ang boses na sabi ni Samson kaya ako marahas na napalingon sa kanya.

Fuck! Bakit kailangan niya pang marinig? Bakit niya pinakinggan kung pwede naman siyang umalis?

"What-"

"Don't ask me that question, Delilah! Ask me why! Ask me!" asik ni Samson. Pilit kong hinigit ang braso ko mula sa pagkaka-hawak niya pero masyado siyang malakas para magawa ko 'yon.

"W-Why?" Nauutal-utal kong tanong sa kanya at hindi magawang makatitig nang deretso sa kanyang mga mata.

"Because even if I don't want to hear that conversation, I wanted to hear your opinion kahit pa-sikreto lang! Yet I can't stop myself from coming near you and damn it, Delilah!"

"Samson!"

Pasalamat na lamang ako na nasa loob silang lahat at nasa taas, hindi maririnig ang sigawan naming ito.

"Ano ba?" sigaw ko bago hinigit an braso ko pero hinawakan niya 'yon ng mas mahigpit.

Punyeta, a! Nasasaktan na ako!

"Anong gagawin mo, Delilah? What are you gonna do now, huh? Bumalik na ang lalakeng 'yon. Bumalik na ang lalakeng umangkin ng dapat ay sa akin. Bumalik na ang lalaking ama ng anak mo. Bumalik na, Delilah. What now?" asik ni Samson.

Nang hindi ko siya sagutin ay binitawan niya ako at sinabunutan ang sariling buhok bago ako iniwan mag-isa doon.

***
a/n: sorry for the typos.
Twitter: jeweeelwrites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top